Kidlat ng Silanganan-Ang Gawain ng Diyos, Ang Katangian ng Diyos, at Ang Diyos Mismo I(2)

Diyos, Ebanghelyo, Iglesia, Jesus, Panginoon,

Kidlat ng Silanganan-Ang Gawain ng Diyos, Ang Katangian ng Diyos, at Ang Diyos Mismo I(2)


Upang maunawaan ang katangian ng Diyos at ang Diyos Mismo kailangan tayong magsimula sa isang bagay na napakaliit. Ngunit mula sa kaunting bahagi ng alin tayo magsisimula? Una sa lahat, nakahukay ako ng ilang kabanata sa Bibliya.
 Ang impormasyon sa ibaba ay naglalaman ng mga bersikulo sa Bibliya, na may kaugnayan lahat sa paksang gawain ng Diyos, katangian ng Diyos at ang Diyos Mismo. Natuklasan ko mismo ang mga pagpapatibay na ito bilang sanggunian para matulungan kayong malaman ang gawain ng Diyos, ang katangian ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Ibabahagi ko ang mga ito sa inyo upang makita ninyo kung anong uri ng katangian at diwa ang ipinahayag ng Diyos sa Kanyang nakaraang gawain ngunit hindi nalalaman ng mga tao. Maaaring luma ang mga kabanatang ito, ngunit ang paksang ating ipinararating ay isang bagong bagay na wala sa mga tao at hindi pa nila kailanman narinig. Maaaring ituring ito ng ilan sa inyo bilang hindi kapani-paniwala – hindi ba’t ang pag-usapan sina Adan at Eba at ang pagbabalik kay Noah ay muling pagbabalik sa nadaanan na natin? Anuman ang inyong palagay, ang mga kabanatang ito ay lubhang kapaki-pakinabang sa pagtalakay sa paksang ito at maaaring maging mga panturong teksto o mga pangunahing sangkap para sa pagtitipon sa araw na ito. Mauunawaan ninyo ang aking mga layunin sa pagpili ko sa mga bahaging ito sa pagtatapos ng talakayang ito. Maaaring nakita na ng mga nakabasa ng Bibliya ang ilan sa mga bersikulong ito, ngunit hindi totoong naunawaan ang mga ito. Tingnan muna natin nang pahapyaw bago natin isa-isahin ang mga ito nang mas detalyado. 

   Si Adan at si Eba ang mga ninuno ng sangkatauhan. Kung magbabanggit tayo ng mga tauhan mula sa Bibliya, dapat tayong magsimula sa kanilang dalawa. Ang kasunod ay si Noah, ang ikalawang ninuno ng sangkatauhan. Nakikita ba ninyo iyon? Sino ang pangatlong tauhan? (Abraham.) Alam ba ninyong lahat ang tungkol sa kuwento ni Abraham? Marahil ay alam ito ng ilan sa inyo, ngunit para sa iba, marahil ay hindi ito gaanong malinaw. Sino ang ikaapat na tauhan? Sino ang binabanggit sa kuwento ng pagkasira ng Sodom? (Lot.) Ngunit si Lot ay hindi tinukoy dito. Sino ang tinutukoy dito? (Abraham.) Ang pangunahing bagay na binanggit sa kuwento ni Abraham ay kung ano ang sinabi ng Diyos na si Jehovah. Nakikita ba ninyo ito? Sino ang ikalimang tauhan? (Job.) Hindi ba napakarami ang binanggit ng Diyos sa kuwento ni Job sa yugtong ito ng Kanyang gawain? Kung ganoon napakahalaga ba sa inyo ang tungkol sa kuwentong ito? Kung napakahalaga nga ito sa inyo, maingat ba ninyong binasa ang kuwento ni Job sa Bibliya? Alam ba ninyo ang mga bagay na sinabi ni Job, ang mga bagay na ginawa niya? Yung mga nakabasa na ng pinakamadalas, ilang beses na ninyong nabasa ito? Madalas ba ninyong basahin ito? Mga kapatirang kababaihan mula sa Hong Kong, pakisabi sa amin. (Binasa ko ito ng ilang beses dati noong nasa Panahon ng Biyaya tayo.) Hindi mo ba ulit nabasa ito mula noon? Kung gayon, napakalaking kahihiyan iyon. Hayaan ninyong sabihin ko sa inyo: sa yugtong ito ng gawain ng Diyos, binanggit Niya si Job ng maraming beses, na sumasalamin sa Kanyang mga layunin. Na binanggit Niya si Job ng maraming beses ngunit hindi ito nakatawag-napansin sa inyo ay bagay na patotoo sa isang katotohanan: wala kayong ganang maging mga taong matuwid at mga taong may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Dahil masaya na kayo na may pahapyaw na kaalaman tungkol sa kuwento ni Job na tinukoy ng Diyos. Kontento na kayong maunawaan lamang ang mismong kuwento, ngunit hindi ninyo inaalala at hindi ninyo sinusubukang unawain ang mga detalye kung sino si Job bilang isang tao at ang layunin kung bakit tinukoy ng Diyos si Job sa maraming pagkakataon. Kung hindi man lamang kayo interesado sa ganoong tao na pinuri ng Diyos, kung ganoon ano ba talaga ang pinag-uukulan ninyo ng pansin? Kung hindi kayo interesado at hindi ninyo sinusubukang maunawaan ang ganoong kahalagang tao na binanggit ng Diyos, samakatuwid ano ang ipinahihiwatig niyan tungkol sa saloobin ninyo sa salita ng Diyos? Hindi ba napakalungkot niyan? Hindi ba nito pinatutunayang karamihan sa inyo ay hindi nagsasagawa ng mga praktikal na bagay at hindi lahat ay naghahanap ng katotohanan? Kung talagang hinahanap ninyo ang katotohanan, bibigyan ninyo ng kaukulang-pansin ang mga taong kinaluluguran ng Diyos at ang mga kuwento ng mga tauhang binanggit ng Diyos. Sa kabila ng kung kaya ninyong pahalagahan ito o matuklasang maliwanag, pupuntahan ninyo agad at babasahin ito, susubukang intindihin ito, hahanap ng paraang sundin ang halimbawa nito, at gagawin ninyo ang lahat sa abot ng inyong kakayahan. Ito ang asal ng isang taong naghahangad ng katotohanan. Ngunit sa totoo lang, karamihan sa inyo na nakaupo rito ay hindi kailanman nabasa ang kuwento ni Job. Talagang may ipinahihiwatig ito.
   Balikan natin ang paksang katatalakay ko lamang. Ang bahaging ito ng kasulatang tumatalakay sa Panahon ng Kautusan sa Lumang Tipan, higit sa lahat, ay mga kuwento ng mga tauhang aking hinango. Ito ay mga kuwentong alam na ng karamihan ng mga taong nakabasa na ng Bibliya. Ang mga tauhang ito ay maraming kinakatawan. Yaong mga nakabasa na ng kanilang mga kuwento ay madarama ang gawaing ginawa ng Diyos sa kanila at ang mga salitang sinabi ng Diyos sa kanila ay totoo at maaaring maranasan ng mga tao sa mga araw na ito. Kapag binasa mo ang mga kuwento at talang ito mula sa Bibliya, mas mauunawaan mo kung paano ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain at pinakitunguhan ang mga tao noong panahong iyon. Ngunit ang layunin ko sa paghanap ng mga kabanatang ito ngayon ay hindi upang malaman ninyo ang mga kuwento at tauhan ng mga ito. Ngunit, ito ay para makita ninyo, sa pamamagitan ng mga kuwento ng mga tauhang ito, ang mga gawain ng Diyos at ang katangian Niya, at sa gayong paraan ay mas magiging madaling makilala at maunawaan ang Diyos, upang makita ang tunay na panig Niya, upang pigilan ang inyong imahinasyon, upang mahinto ang inyong mga haka-haka tungkol sa Kanya, at mawakasan ang inyong malabong pananampalataya. Ang subukang intindihin ang katangian ng Diyos at unawain at kilalanin ang Mismong Diyos nang walang pundasyon ay madalas na maaaring makapagpadama sa inyo ng kawalang-kakayahan, kahinaan, at pagiging alanganin sa kung saan magsisimula. Kaya ko naisip na gamitin ang ganoong pamamaraan at pagtrato sa paksa upang mas maunawaan ninyo ang Diyos, mas mapahalagahan ninyo nang totoo ang kalooban ng Diyos, at malalaman ang tungkol sa katangian ng Diyos at ang Diyos Mismo, at nang totoong madama ninyo ang pag-iral ng Diyos at mapahalagahan ang Kanyang kalooban para sa sangkatauhan. Hindi ba kapakipakinabang ito para sa inyo? Ano ngayon ang nararamdaman ninyo sa inyong mga puso kapag muli ninyong tiningnan ang mga kuwento at kasulatang ito? Sa palagay ba ninyo ay kalabisan ang mga banal na kasulatang pinili ko? Kailangan kong bigyang-diin muli ang kasasabi ko lang: Ang layunin ng pagpapabasa sa inyo ng mga kuwento ng mga tauhang ito ay upang makatulong sa inyong maintindihan kung paano ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa mga tao at ang Kanyang saloobin sa sangkatauhan. Sa paanong paraan ninyo maiintindihan ito? Sa pamamagitan ng gawaing ginawa ng Diyos sa nakaraan, at kasama ang gawaing ginagawa ng Diyos sa kasalukuyan upang matulungan kayong maintindihan ang iba’t-ibang mga bagay na tungkol sa Kanya. Ang iba’t-ibang mga bagay na ito ay totoo, at dapat na malaman at mapahalagahan ng mga nagnanais na makilala ang Diyos.
   Magsisimula tayo ngayon sa kuwento ni Adan at Eba. Una, basahin natin ang banal na kasulatan.
A. Adan at Eba
1. Ang Utos ng Diyos kay Adan
   (Gen 2:15-17) At kinuha ng Panginoong Dios ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden, upang kaniyang alagaan at ingatan. At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.
Diyos, Ebanghelyo, Iglesia, Jesus, Panginoon,

Kidlat ng Silanganan-Ang Gawain ng Diyos, Ang Katangian ng Diyos, at Ang Diyos Mismo I(2)

May nakuha ba kayo na kahit anong bagay mula sa mga bersikulong ito? Ano ang naramdaman ninyo sa bahaging ito ng banal na kasulatan? Bakit hinango mula sa banal na kasulatan ang “Utos ng Diyos kay Adan”? Ang bawat isa na ba sa inyo ay may dagliang larawan ng Diyos at ni Adan sa inyong mga isipan? Maaari ninyong subukang gunigunihin: Kung kayo yung naroon sa eksenang yun, ano kaya ang magiging anyo ng Diyos sa inyong puso? Ano ang nararamdaman ninyo tungkol sa imaheng ito? Ito ay nakapupukaw at makabagbag-damdaming larawan. Bagamat ang Diyos at ang tao lamang ang narito, ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ay lubhang karapat-dapat na kainggitan: Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay walang-kabayarang ipinagkaloob sa tao, bumabalot sa tao; ang tao ay parang bata at inosente, walang kabigatan at walang alalahanin, napakaligayang nabubuhay sa ilalim ng pagtingin ng Diyos; nagpapakita ang Diyos ng malasakit para sa tao, habang ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkalinga at pagpapala ng Diyos; ang bawat isang bagay na ginagawa at sinasabi ng tao ay malapit na naka-ugnay at hindi maihihiwalay sa Diyos.
   Maaari mong sabihin na ito ang unang utos na ibinigay ng Diyos sa tao mula noong nilikha Niya ito. Ano ang nilalaman ng utos na ito? Taglay nito ang kalooban ng Diyos, ngunit taglay rin nito ang Kanyang mga alalahanin para sa sangkatauhan. Ito ang unang utos ng Diyos, at ito rin ang unang pagkakataon na nag-alala ang Diyos tungkol sa tao. Ang ibig sabihin, mayroong pananagutan ang Diyos para sa tao mula pa noong sandaling nilikha Niya ito. Ano ang Kanyang pananagutan? Kailangan Niyang protektahan ang tao, alagaan ang tao. Umaasa Siyang magtitiwala at susunod ang tao sa Kanyang mga salita. Ito rin ang unang inaasahan ng Diyos mula sa tao. Dahil sa pag-asang ito kaya sinasabi ng Diyos ang mga sumusunod: “At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.” Ang mga simpleng salitang ito ay kumakatawan sa kalooban ng Diyos. Ipinahahayag din ng mga ito na ang puso ng Diyos ay nagsimula nang magpakita ng malasakit para sa tao. Sa gitna ng lahat ng mga bagay, si Adan lang ang nilikha sa wangis ng Diyos; si Adan lang ang nabubuhay na taglay ang hininga ng buhay ng Diyos; maaari siyang lumakad kasama ang Diyos, makipag-usap sa Diyos. Ito ang dahilan kaya siya binigyan ng Diyos ng ganoong utos. Ginawang napakalinaw ng Diyos sa utos na ito kung ano ang maaaring gawin ng tao, at kung ano rin ang hindi niya maaaring gawin.
   Sa iilang mga simpleng salita na ito, makikita natin ang puso ng Diyos. Ngunit anong uri ng puso ang makikita natin? May pag-ibig ba sa puso ng Diyos? May malasakit ba doon? Ang pag-ibig at malasakit ng Diyos sa mga bersikulong ito ay hindi lamang napahahalagahan ng mga tao, kundi mainam at totoong madarama rin. Hindi ba ganoon nga? Ngayong nasabi ko na ang mga bagay na ito, sa palagay ba ninyo ay iilang mga simpleng salita lamang ang mga ito? Hindi gaanong simple, di ba? Nakita ba ninyo ito dati? Kung personal na sabihin ng Diyos sa inyo ang iilang mga salita na ito, ano ang mararamdaman mo sa iyong kalooban? Kung ikaw ay isang taong hindi mahabagin, kung ang puso mo ay mala-yelo sa lamig, kung gayon wala kang anumang mararamdaman, hindi mo pahahalagahan ang pag-ibig ng Diyos, at hindi mo sisikaping maunawaan ang puso ng Diyos. Ngunit kung ikaw ay isang taong may konsiyensya, may kabaitan, samakatwid iba ang mararamdaman mo. Makararamdam ka ng init, makararamdam mong ikaw ay nililingap at minamahal, at madadama mo ang kasayahan. Hindi ba tama yan? Kapag nadama mo ang mga bagay na ito, paano ka makikitungo sa Diyos? Madadama mo kayang kaugnay ka ng Diyos? Mamahalin at igagalang mo kaya ang Diyos mula sa kaibuturan ng iyong puso? Mapapalapit kaya ang puso mo sa Diyos? Makikita mo mula rito kung gaano kahalaga para sa tao ang pag-ibig ng Diyos. Ngunit ang lubhang mas mahalaga pa ay ang pagpapahalaga at pagkaunawa ng tao sa pag-ibig ng Diyos. Sa katunayan, hindi ba nagsasabi ang Diyos ng maraming kagaya ng mga bagay na ito sa yugtong ito ng Kanyang gawain? Ngunit pinahahalagahan ba ng mga tao sa panahong ito ang puso ng Diyos? Nauunawaan ba ninyo ang katatalakay ko lang na kalooban ng Diyos? Ni hindi ninyo maaninag ang kalooban ng Diyos kapag ito ay tunay, nahahawakan, at makatotohanan. Kaya ko nasasabing wala kayong totoong kaalaman at pagkaunawa sa Diyos. Hindi ba totoo ito? Iyan lamang ang ating ipahahayag sa seksyong ito.
2. Nilikha ng Diyos si Eba
   (Gen 2:18-20) At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya'y ilalalang ko ng isang katulong niya. At nilalang ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong itatawag niya sa mga iyon: at ang bawa't itinawag ng lalake sa bawa't kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon. At pinanganlan ng lalake ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawa't ganid sa parang; datapuwa't sa lalake ay walang nasumpungang maging katulong niya.
   (Gen 2:22-23) At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae, at ito'y dinala niya sa lalake. At sinabi ng lalake, Ito nga'y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya'y tatawaging Babae, sapagka't sa Lalake siya kinuha.
Diyos, Ebanghelyo, Iglesia, Jesus, Panginoon,

May ilang mahahalagang parirala sa bahaging ito ng banal na kasulatan. Pakimarkahan ito: “at ang bawa't itinawag ng lalake sa bawa't kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon.” Sino kaya ang nagbigay sa lahat ng mga buhay na nilikha ng kanilang mga pangalan? Ito ay si Adan, hindi ang Diyos. May sinasabing katotohanan sa sangkatauhan ang pariralang ito: binigyan ng Diyos ang tao ng katalinuan noong siya ay Kanyang nilikha. Ang ibig sabihin, ang katalinuhan ng tao ay nagmula sa Diyos. Ito ay isang katiyakan. Ngunit bakit? Matapos likhain ng Diyos si Adan, pumasok ba sa paaralan si Adan? Marunong ba siyang magbasa? Matapos likhain ng Diyos ang iba’t ibang buhay na nilikha, nakilala ba ni Adan ang lahat ng mga hayop na ito? Sinabi ba ng Diyos sa kanya kung ano ang mga pangalan nila? Siyempre, hindi rin itinuro ng Diyos sa kanya kung paano pangalanan ang mga nilikhang ito. Yan ang totoo! Kung ganoon, paano niya nalaman kung paano pangalanan ang mga buhay na nilikhang ito at kung anong uri ng mga pangalan ang ibibigay sa kanila? Ito ay kaugnay sa tanong na kung ano ang idinagdag ng Diyos kay Adan noong nilikha Niya ito. Ang mga katotohanan ay nagpapatunay na noong nilikha ng Diyos ang tao, idinagdag Niya ang Kanyang katalinuan sa kanya. Mahalagang punto ito. Nakinig ba kayong lahat nang mabuti? May isa pang mahalagang punto na dapat na malinaw sa inyo: matapos pangalanan ni Adan ang mga buhay na nilikhang ito, ang mga pangalang ito ay naitakda sa talasalitaan ng Diyos. Bakit ko sinasabi iyon? May kaugnayan rin ito sa katangian ng Diyos at dapat kong ipaliwanag ito.

Nilikha ng Diyos ang tao, hiningahan siya ng buhay, at binigyan rin siya ng kaunti sa Kaniyang katalinuan, sa Kanyang mga kakayahan, at kung anong mayroon at kung ano Siya. Pagkatapos ibigay ng Diyos sa tao ang lahat ng mga ito, nakayang gumawa ng tao ng ilang mga bagay nang nagsasarili at mag-isip nang sarili. Kung ang mabuo at magawa ng tao ay mabuti sa mata ng Diyos, tinatanggap ito ng Diyos at hindi pinakikialaman. Kung ang gawin ng tao ay tama, hahayaan lang iyan ng Diyos. Kaya ano ang ipinahihiwatig ng pariralang “at ang bawa't itinawag ng lalake sa bawa't kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon”? Ipinahihiwatig nitong hindi gumawa ng anumang pagbabago ang Diyos sa mga pangalan ng iba’t ibang mga buhay na nilikha. Anumang pangalan ang itawag ni Adan dito, sinasabi ng Diyos na “Oo” at itinatala ang pangalan na ganoon nga. Nagpahayag ba ang Diyos ng anumang mga kuro-kuro? Siguradong hindi. Kaya anong nakikita ninyo rito? Binigyan ng Diyos ang tao ng katalinuhan at ginamit ng tao ang katalinuhang bigay ng Diyos upang gumawa ng mga bagay. Kung ang gawain ng tao ay positibo sa mata ng Diyos, ito ay pinapayagan, kinikilala, at tinatanggap ng Diyos nang walang paghuhusga o pamimintas. Ito ay isang bagay na hindi magagawa ng isang tao, masamang espirito, o ni Satanas. Nakakita ba kayo dito ng pahayag ng katangian ng Diyos? Matatanggap ba ng isang tao, isang makasalanang tao, o ni Satanas na may ibang kakatawan sa kanila sa paggawa ng mga bagay sa harap nila mismo? Siyempre hindi! Makikipaglaban ba sila para sa puwesto sa ibang tao na iyon o sa ibang pwersa na naiiba sa kanila? Siyempre oo! Sa sandaling iyon, kung isang makasalanang tao o si Satanas ang kasama ni Adan, tiyak na hindi nila tatanggapin ang ginagawa ni Adan. Upang patunayang mayroon silang kakayahang mag-isip nang nagsasarili at mayroon silang bukod-tanging mga karunungan, lubos sana nilang tinanggihan ang lahat ng mga ginawa ni Adan: Gusto mo itong tawagin na ganito? Magaling, hindi ko ito tatawagin na ganito, tatawagin ko itong ganyan; tinawag mo itong Tom ngunit tatawagin ko itong Harry. Kailangan kong ipagmalaki ang aking kagalingan. Anong uri ng kalikasan ito? Hindi ba ito mabangis na kayabangan? Ngunit may ganito bang katangian ang Diyos? May mga anuman bang kakaibang pagtutol ang Diyos sa ginawang ito ni Adan? Ang sagot ay maliwanag na wala! Sa ipinakikitang katangian ng Diyos, walang kahit katiting na pagtutol, kayabangan, o pagmamagaling. Iyan ay napakalinaw dito. Ito ay napakaliit na bagay lamang, ngunit kung hindi ninyo nakikilala ang diwa ng Diyos, kung ang inyong puso ay hindi susubukang malaman kung paano gumagalaw ang Diyos at kung ano ang saloobin ng Diyos, hindi ninyo makikilala ang katangian ng Diyos, o makikita ang pagpapahiwatig at paghahayag ng katangian ng Diyos. Hindi nga ba ganoon? Sang-ayon ba kayo sa kapapaliwanag ko lang sa inyo? Bilang tugon sa mga ginawa ni Adan, hindi ipinahayag nang malakas ng Diyos, “Magaling ang ginawa mo. Tama ang ginawa mo. Sang-ayon Ako.” Ngunit sa Kanyang puso, pinagtibay Niya, pinahalagahan at pinalakpakan ang nagawa ni Adan. Ito ang unang bagay simula noong paglikha na ginawa ng tao para sa Diyos ayon sa Kanyang tagubilin. Ito ay isang bagay na ginawa ng tao sa lugar ng Diyos at sa ngalan ng Diyos. Sa mata ng Diyos, ito ay bunga ng katalinuhang ipinagkaloob Niya sa tao. Sa tingin ng Diyos ito ay isang mabuting bagay, isang positibong bagay. Ang ginawa ni Adan noong panahong iyon ay ang unang pagpapakita ng katalinuhan ng Diyos na nasa tao. Isa itong mahusay na pagpapakita ayon sa pananaw ng Diyos. Nais kong sabihin sa inyo dito na ang layunin ng Diyos sa pagdadagdag ng isang bahagi ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya at ng Kanyang katalinuhan sa tao ay upang maging buhay na nilikha ang sangkatauhan na maghahayag sa Kanya. Sapagkat ang paggawa ng mga ganoong bagay ng buhay na nilikha sa ngalan Niya ay ang mismong ninanais ng Diyos na makita.
   3. (Gen 3:20-21) At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka't siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay. At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila'y dinamitan.
   Tingnan natin itong pangatlong pahayag, na nagsasabing may kahulugan sa likod ng pangalan na binigay ni Adan kay Eba, di ba? Ipinakikita dito na pagkatapos nilikha, may sariling mga kaisipan si Adan at nakakaintindi ng maraming mga bagay. Ngunit sa ngayon hindi natin pag-aaralan o sasaliksikin kung ano ang kanyang naintindihan o kung gaano karami ang kanyang naintindihan dahil hindi ito ang pangunahing punto na nais kong talakayin sa ikatlong pahayag. Kaya ano ang pangunahing punto ng ikatlong pahayag? Tingnan natin ang linyang, “At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila'y dinamitan.” Kung hindi natin pag-uusapan ang tungkol sa linyang ito ng banal na kasulatan sa araw na ito, marahil ay hindi ninyo kailanman mauunawaan ang kahulugan na nasa likod ng mga salitang ito. Una, hayaan ninyong magbigay ako ng ilang mga palatandaan. Palawakin ninyo ang inyong pag-iisip at ilarawan ang Hardin ng Eden, kung saan nakatira sina Adan at Eba. Binisita sila ng Diyos ngunit nagtago sila dahil sila ay hubad. Hindi sila makita ng Diyos, at matapos Niya silang tawagin, sinabi nila, “Hindi kami mangangahas na makita Ka dahil ang mga katawan namin ay hubad.” Hindi sila nangahas na makita ang Diyos dahil sila ay hubad. Kaya ano ang ginawa ng Diyos na si Jehova para sa kanila? Ang sabi sa orihinal na teksto: “At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila'y dinamitan.” Ngayon, alam ba ninyo kung ano ang ginamit ng Diyos sa paggawa ng mga damit nila? Gumamit ang Diyos ng mga balat ng hayop para gumawa ng mga damit nila. Ang ibig sabihin, ang damit na ginawa ng Diyos para sa tao ay isang balabal na balahibo. Ito ang unang piraso ng damit na ginawa ng Diyos para sa tao. Ang balabal na balahibo ay isang mamahaling damit sa kasalukuyang mga pamantayan, isang bagay na hindi lahat ay kakayaning isuot. Kung may magtatanong sa inyo: ano ang unang piraso ng damit na sinuot ng mga ninuno ng sangkatauhan? Maaari ninyong sabihin: ito ay isang balabal na balahibo. Sino ang gumawa ng balabal na balahibong ito? Maaari pa ninyong itugon: ang Diyos ang gumawa nito! Yan ang pangunahing punto: Ang damit na ito ay ginawa ng Diyos. Hindi ba ito karapat-dapat pansinin? Ngayong kalalarawan ko lang nito, may imahe bang nabuo sa inyong mga isipan? Dapat ay mayroong kahit na malabong bakas man lamang nito. Ang saysay ng pagsasabi nito sa inyo sa araw na ito ay hindi upang ipaalam sa inyo kung ano ang unang piraso ng damit ng tao. Kung ganun ano ang punto? Hindi yung balabal na balahibo ang punto, ngunit kung paano makilala ang katangian at katauhan at mga kataglayan na ipinahayag ng Diyos noong ginagawa Niya ang bagay na ito.
Diyos, Ebanghelyo, Iglesia, Jesus, Panginoon,

Sa imaheng ito ng “At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila'y dinamitan,” anong uri ng papel ang ginagampanan ng Diyos noong kasama Niya sina Adan at Eba? Sa anong uri ng pagganap nagpapakita ang Diyos sa isang mundo na may dadalawang tao lamang? Bilang Diyos? Mga kapatirang lalaki at babae mula sa Hongkong, mangyaring sumagot kayo. (Bilang isang magulang.) Mga kapatirang lalaki at babae mula sa Timog Korea, sa anong uri ng pagganap sa palagay ninyo ang pagpapakita ng Diyos? (Pinuno ng pamilya.) Mga kapatirang lalaki at babae mula sa Taiwan, ano sa palagay ninyo? (Bilang isang kapamilya ni Adan at Eba, bilang isang miyembro ng pamilya.) Sa palagay ng ilan sa inyo ang Diyos ay nagpapakita bilang isang kapamilya ni Adan at Eba, habang ang ilan ay nagsasabing nagpapakita ang Diyos bilang pinuno ng pamilya at ang sabi ng iba bilang isang magulang. Ang lahat ng ito ay napaka-angkop. Ngunit saan ako patungo? Nilikha ng Diyos ang dalawang taong ito at itinuring silang mga kasama Niya. Bilang nag-iisa nilang kapamilya, inalagaan ng Diyos ang kanilang mga buhay at tinugunan din ang mga pangunahin nilang pangangailangan. Dito, nagpapakita ang Diyos bilang magulang nila Adan at Eba. Habang ginagawa ito ng Diyos, hindi nakikita ng tao kung gaano katayog ang Diyos; hindi niya nakikita ang kataas-taasang pangingibabaw ng Diyos, ang Kanyang pagiging mahiwaga, at lalo nang hindi ang Kanyang poot o karangalan. Ang nakikita lamang niya ay ang pagpapakumbaba ng Diyos, ang Kanyang pagsuyo, ang Kanyang malasakit para sa tao at ang Kanyang pananagutan at paglingap para sa kanya. Ang saloobin at paraan kung paano pinakitunguhan ng Diyos sina Adan at Eba ay katulad ng pagpapakita ng malasakit ng mga magulang na tao para sa kanilang sariling mga anak. Ganito rin ang mga magulang na tao kung magmahal, mag-gabay, at mag-alaga para sa kanilang mga sariling anak na lalaki at babae – totoo, nakikita, at tunay. Sa halip na ilagay ang Kanyang sarili sa isang mataas at makapangyarihan na katayuan, personal na ginamit ng Diyos ang mga balat upang gumawa ng damit para sa tao. Hindi mahalaga kung ang balabal na balahibong ito ay ginamit upang takpan ang kanilang kahinhinan o sanggahan sila mula sa lamig. Sa madaling salita, itong damit na ginamit upang takpan ang katawan ng tao ay personal na ginawa ng Diyos gamit ang sarili Niyang mga kamay. Sa halip na likhain ito sa pamamagitan ng mga pamamaraan na pang-isipan o mahimala, gaya ng nasa imahinasyon ng mga tao, marapat na ginawa ng Diyos ang isang bagay na sa palagay ng tao ay hindi magagawa at hindi dapat gawin ng Diyos. Maaaring simpleng bagay ito na marahil sa palagay ng ilan ay ni hindi na dapat pang banggitin, ngunit hinahayaan nito ang lahat ng sumusunod sa Diyos na dati ay puno ng malalabong kaisipan tungkol sa Kanya upang magkaroon ng maliwanag na pagkaunawa sa Kanyang pagkatotoo at pagkamapagmahal, at upang makita ang Kanyang tapat at mapagpakumbabang kalikasan. Nagagawa nitong payukuin ang mapagmataas na ulo ng mga lubhang napakayabang na tao na nag-iisip na sila’y mataas at malakas dahil sa hiya sa harap ng pagiging totoo at pagkakumbaba ng Diyos. Dito, nakatutulong pa ang pagiging totoo at pagkakumbaba ng Diyos upang maipakita sa mga tao kung gaano Siya kaibig-ibig. Sa paghahambing, ang “napakalaking” Diyos, “kaibig-ibig” na Diyos, at Diyos na “makapangyarihan sa lahat” sa puso ng mga tao ay napakaliit, nakakawalang-gana, at hindi kayang labanan ang kahit isang hampas. Kapag nakita ninyo ang bersikulong ito at narinig ang kuwentong ito, bumababa ba ang tingin ninyo sa Diyos dahil ginawa Niya ang ganoong bagay? May ilang mga tao ang maaring ganoon, ngunit para sa iba, ito ay ang lubos na kabaliktaran. Iisipin nilang na ang Diyos ay totoo at kaibig-ibig, at ang mismong pagkatotoo at kagandahan ng Diyos ang tumitinag sa kanila. Habang lalo nilang nakikita ang tunay na panig ng Diyos, lalo nilang pahahalagahan ang tunay na pag-iral ng pag-ibig ng Diyos, ang kahalagahan ng Diyos sa kanilang mga puso, at kung paano Siya nananatili sa tabi nila sa bawat sandali.
   Sa puntong ito, dapat nating iugnay ang ating talakayan sa kasalukuyan. Kung kaya ng Diyos na gawin ang iba’t ibang maliliit na bagay na ito para sa mga taong nilikha Niya sa simula’t simula pa, kahit ang ilang mga bagay na hindi kailanman mangangahas ang mga taong isipin o asahan, maaari kayang gawin ng Diyos ang mga ganoong bagay para sa mga tao sa kasalukuyan? Sabi ng ilang tao, “Oo!” Bakit ganoon? Dahil ang diwa ng Diyos ay hindi huwad, ang Kanyang kagandahan ay hindi huwad. Dahil tunay ang diwa ng Diyos at hindi bagay na idinagdag ng iba, at tiyak na hindi bagay na nagbabago kasabay ng mga pagbabago sa oras, lugar, at mga kapanahunan. Ang pagkatotoo at kagandahan ng Diyos ay maaring maipakita sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay na sa palagay ng tao ay di mapapansin at walang-kuwenta, isang bagay na napakaliit na hindi man lang iniisip ng tao na gagawin Niya kailanman. Ang Diyos ay hindi mapagpanggap. Walang pagmamalabis, pagbabalatkayo, pagmamataas, o pagmamayabang sa Kanyang katangian at diwa. Hindi Siya kailanman naghambog, ngunit sa halip ay nagmamahal, nagpapakita ng malasakit, nagsubaybay, at pinangungunahan ang mga taong Kanyang nilikha nang may katapatan at sinseridad. Kahit gaano man ito mapahalagahan, madama, o makita ng mga tao, lubos na ginagawa ng Diyos ang mga bagay na ito. Ang malaman ba na ang Diyos ay may ganitong diwa ay makaaapekto sa pag-ibig ng tao para sa Kanya? Maiimpluwensyahan ba nito ang kanilang takot sa Diyos? Umaasa akong kapag naunawaan ninyo ang pagiging totoo ng Diyos ay lalo pa kayong mapapalapit sa Kanya at lalo pang tunay na mapahahalagahan ang Kanyang pag-ibig at paglingap para sa sangkatauhan, habang kasabay nito ay maibibigay ang inyong puso sa Diyos at hindi na magkakaroon ng anumang paghihinala o pagdududa sa Kanya. Tahimik na ginagawa ng Diyos ang lahat ng kung ano Siya para sa tao, tahimik na ginagawa ang lahat ng mga ito sa pamamagitan ng Kanyang sinseridad, katapatan, at pag-ibig. Ngunit wala Siya kailanmang pangamba o pagsisisi para sa lahat ng Kanyang ginagawa, ni wala rin Siyang pangangailangang bayaran ng ninuman sa anumang paraan o layunin kailanman na may makuha mula sa sangkatauhan. Ang tanging layunin ng lahat ng ginawa Niya kailanman ay upang matanggap Niya ang tunay na pananampalataya at pag-ibig ng sangkatauhan. Tapusin natin ang unang paksa dito.
   Nakatulong ba sa inyo ang mga talakayang ito? Gaano ito nakatulong? (Mas maraming kaunawaan at kaalaman tungkol sa pag-ibig ng Diyos.) (Matutulungan tayo sa hinaharap ng ganitong uri ng pagbibigay-alam upang mas mapahalagahan natin ang salita ng Diyos, upang maunawaan ang mga damdamin Niya at ang mga kahulugan sa likod ng mga bagay na sinabi Niya noong sinabi Niya ang mga ito, at upang madama ang Kanyang nararamdaman noong panahong iyon.) Mayroon ba sa inyo ang mas nakadadama sa mismong pag-iral ng Diyos matapos ninyong basahin ang mga salitang ito? Nararamdaman ba ninyo na ang pag-iral ng Diyos ay hindi na hungkag o malabo? Kapag naramdaman mo ito, nararamdaman mo ba na ang Diyos ay nariyan sa tabi mo? Maaari na ang pakiramdam ay hindi malinaw sa ngayon o maaaring hindi mo pa nararamdaman ito. Ngunit balang araw, kapag tunay na may malalim na kayong pagpapahalaga at totoong kaalaman sa katangian at diwa ng Diyos sa inyong puso, madadama ninyong nariyan sa tabi niyo ang Diyos – hindi niyo lang kasi kailanman talagang tinanggap ang Diyos sa inyong puso. Totoo ito.
   Ano ang palagay ninyo sa ganitong uri ng pagtuturo? Nasasabayan ba ninyo? Sa palagay niyo ba ay napakabigat ang ganitong uri ng pagtitipon tungkol sa paksang gawain ng Diyos at katangian ng Diyos? Ano ang pakiramdam ninyo? (Napakaganda, nakatutuwa.) Ano ang nagpaganda ng pakiramdam ninyo? Bakit kayo natutuwa? (Para itong pagbabalik sa Hardin ng Eden, pagbabalik sa pagiging nasa tabi ng Diyos.) Ang “katangian ng Diyos” ay tunay na isang lubhang hindi-kilalang paksa para sa lahat, dahil kung ano ang karaniwang iniisip mo, ano ang nababasa mo sa mga aklat o naririnig sa mga pagtitipon, ay laging nakapagpaparamdam na para kang isang taong bulag na humihipo ng elepante – nararamdaman mo lang ito gamit ang iyong mga kamay, ngunit wala ka talagang nakikita na kahit anuman gamit ang iyong mga mata. Ang paghipo ng kamay ay hindi talaga makapagdudulot ng pangunahing kaalaman tungkol sa Diyos, at lalo na ng isang malinaw na kaisipan. Ang naidudulot nito sa inyo ay mas maraming imahinasyon, kaya hindi ninyo nalalaman ng may katiyakan kung ano ang katangian at diwa ng Diyos. Sa halip, itong mga bagay na walang-katiyakan ay nagmumula sa inyong imahinasyon na tila laging pumupuno sa inyong puso ng mga pag-aalinlangan. Kapag hindi kayo nakatitiyak tungkol sa isang bagay ngunit sinusubukan pa rin ninyong intindihan ito, laging magkakaroon ng mga salungatan at pagtatalo sa inyong puso, at kung minsan maaari pang magdulot ito ng kaguluhan, na magbibigay sa inyo ng pakiramdam ng pagiging talunan. Hindi ba napakatindi ang paghihirap kapag nais ninyong hanapin ang Diyos, kilalanin ang Diyos, at makita Siya nang malinaw, ngunit para bang hindi ninyo makita ang mga sagot? Siyempre, ang mga salitang ito ay tumutukoy lamang sa mga nagnanais na igalang ang Diyos at pasiyahin ang Diyos. Para sa mga taong hindi nagbibigay-pansin sa mga ganoong bagay, talagang hindi mahalaga ang bagay na ito dahil inaasahan nilang pinakamainam na ang pananatiling alamat o pantasya ng katunayan at pag-iral ng Diyos, para maaari nilang gawin ang anumang nais nila, para sila ang maging pinakamalaki at pinakamahalaga, para makagawa sila ng mga masasamang gawain nang walang pagsasaalang-alang sa mga kalalabasan, para hindi nila harapin ang parusa o pasanin ang anumang pananagutan, para kahit ang mga bagay na sinabi ng Diyos tungkol sa mga gumagawa ng masama ay hindi mailalapat sa kanila. Ayaw intindihin ng mga taong ito ang katangian ng Diyos, sawang-sawa na sila sa kasusubok na makilala ang Diyos at ang lahat nang tungkol sa Kanya. Mas gusto pa nilang wala na lang Diyos. Ang mga taong ito ay lumalaban sa Diyos at sila ang mga aalisin.
Mula sa: Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan: "Ang Gawain ng Diyos, Ang Katangian ng Diyos, at Ang Diyos Mismo I(2)"

Rekomendasyon:  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento