Kidlat ng Silanganan - Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos Ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos
Ngayon, sa inyong paghanap sa pag-ibig at pagkilala sa Diyos, sa isang banda dapat ninyong tiisin ang hirap at paglilinang, at sa ibang banda, kailangan ninyong magbigay ng kabayaran. Walang leksiyon na mas malalim kaysa sa turo ng maibiging Diyos, at maaaring sabihing ang leksiyong natututunan ng mga tao sa panghabambuhay na paniniwala ay kung paano mahalin ang Diyos.
Na ang ibig sabihin, kung naniniwala kayo sa Diyos dapat ninyong mahalin ang Diyos. Kung kayo lamang ay naniniwala sa Diyos ngunit hindi ninyo Siya minamahal, hindi pa nakamtan ang pagkilala sa Diyos, at hindi kailanman nagmahal sa Diyos nang tunay na pagmamahal na mula sa loob ng inyong puso, sa gayon ang inyong paniniwala sa Diyos ay walang saysay; kung, sa inyong paniniwala sa Diyos, hindi ninyo mahal ang Diyos, kayo ay nabubuhay nang walang kabuluhan, at ang inyong buong buhay ay ang pinakamababa sa lahat ng mga buhay. Kung, sa kabuuan ng inyong buong buhay, hindi ninyo kailanman inibig o napasaya ang Diyos, sa gayon ano ang saysay ng inyong pamumuhay? At ano ang saysay ng inyong paniniwala sa Diyos? Hindi ba iyon isang pag-aaksaya nang pagsisikap? Na ang ibig sabihin, kung ang mga tao ay maniniwala sa at iibigin ang Diyos, dapat silang magbigay kabayaran. Sa halip na sumusubok sa pagkilos sa isang tiyak na paraang panlabas, dapat nilang hanapin ang tunay na pag-unawa sa kailaliman ng kanilang mga puso. Kung kayo ay masigasig tungkol sa pag-awit at pagsayaw, ngunit hindi maisagawa ang pagpapatupad ng katotohanan, maaari bang sabihing kayo ay umiibig sa Diyos? Ang Pag-ibig sa Diyos ay nangangailangan ng paghahanap sa kalooban ng Diyos sa lahat ng mga bagay, at inyong siyasating mabuti sa kalooban kapag may anumang nangyari sa inyo, subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at subukang makita kung ano ang kalooban ng Diyos sa mga bagay, kung ano ang nais Niya na inyong makamit, at kung paano kayo dapat umunawa sa Kanyang kalooban. Halimbawa: May nangyaring kailangan ninyong pagtiisan ang hirap, sa panahong dapat ninyong maunawaan kung ano ang kalooban ng Diyos, at kung paano kayo dapat umunawa sa Kanyang kalooban. Hindi kayo dapat magpakasasa ng inyong sarili: Isantabi muna ang inyong sarili. Wala nang mas kasukla-suklam kaysa sa katawang-tao. Kailangan ninyong magsikap na mapasaya ang Diyos, at dapat tumupad sa inyong tungkulin. Sa gayong saloobin, ang Diyos ay magdadala ng espesyal na kaliwanagan sa inyo sa bagay na ito, at ang inyong puso ay makakahanap din ng kaginhawaan. Ito man ay malaki o maliit, kapag may isang bagay na nangyayari sa inyo, dapat ninyo munang ilagay ang inyong sarili sa isang tabi at ituring ang katawang-tao bilang pinakamababa sa lahat ng bagay. Sa higit ninyong pagbibigay kasiyahan sa inyong katawang-tao, mas higit na pagpapalaya ang kailangan; kung ito ay inyong bibigyang kasiyahan sa oras na ito, ito ay hihingi nang higit pa sa susunod na pagkakataon, at habang ito ay nagpapatuloy, lalo ninyong gugustuhin ang katawang-tao. Ang katawang-tao ay laging mayroong labis na pagnanais, ito ay palaging naghahangad na masiyahan, at ito ay inyong binibigyang kasiyahang panloob, maging ito man ay sa mga bagay na inyong kinakain, inyong mga sinusuot, o sa labis na pagtustos nang higit sa kaya, o pagbuyo sa inyong sariling mga kahinaan at katamaran.... Ang lalo ninyong pagbibibigay kasiyahan sa katawang-tao, mas lalong lumalaki ang pagnanais nito, at mas nagpapakasasa ang katawang-tao, hanggang sa ito ay dumating sa punto na ang katawang-tao ay magkimkim ng mas malalim na mga paniniwala, at sumuway sa Diyos, at purihin ang kanyang sarili, at maging mapagduda tungkol sa gawa ng Diyos. Ang lalo ninyong pagbibigay kasiyahan sa katawang-tao, mas lumalaki ang kahinaan ng katawang-tao; palagi ninyong mararamdaman na walang sinumang nakikisimpatiya sa inyong mga kahinaan, lagi kayong maniniwalang sumusobra na ang Diyos, at sasabihin ninyong: Paano ba naging sobrang malupit ang Diyos? Bakit hindi Niya bigyang espasyo ang mga tao? Kapag ang mga tao ay masyadong nahumaling sa katawang-tao, at minahal ito nang sobra, doon ay pinatatalo nila ang kanilang mga sarili. Kung kayo ay tunay na umiibig sa Diyos, at hindi pinasasaya ang katawang-tao, makikita ninyo roon na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay karapat-dapat, at napakabuti, at ang Kanyang sumpa sa inyong paghihimagsik at pasya sa inyong kabaluktutan ay naaangkop. Magkakaroon ng panahon na kayo ay parurusahan at didisiplinahin ng Diyos, at bubuo ng kapaligiran na magpapakumbaba sa inyo, pipilit sa inyo na lumuhod sa Kanya—at lagi ninyong mararamdamang ang ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga. Kaya inyong mararamdamang parang hindi masyadong masakit, at ang Diyos ay talagang kaibig-ibig. Kung kayo ay matatangay sa mga kahinaan ng katawang-tao, at sabihing sumusobra na ang Diyos, kayo ay laging makararamdam nang nasasaktan, at palaging malulumbay, at kayo ay malalabuan sa lahat ng gawa ng Diyos, at mukhang ang Diyos ay hindi man lang nakikiramay sa mga kahinaan ng tao, at hindi batid ang mga paghihirap ng tao. At sa gayon kayo ay makakaramdam ng kalungkutan at pag-iisa, na para bang kayo ay nagdurusa nang higit na kawalang-katarungan, at sa oras na ito kayo ay magsisimulang magreklamo. Ang inyong higit na pagpapabuyo sa mga kahinaan ng katawang-tao sa paraang ito, lalo ninyong mararamdaman na sumusobra ang Diyos, hanggang sa ito ay lumala at inyo nang itanggi ang gawa ng Diyos, at magsimulang sumalungat sa Diyos, at maging puno ng pagsuway. Kaya, dapat kayong lumaban sa katawang-tao, at hindi magpatangay dito: Ang inyong asawang lalaki, asawang babae, mga anak, mga inaasam, kasal, pamilya—walang mahalaga sa kanila! Kailangan ninyo ng ganitong kapasyahan: “Sa aking puso ay may isang Diyos lamang, at aking marapat na subukan ang aking pinakamahusay upang masiyahan ang Diyos, at hindi sumunod sa katawang-tao.” Kung inyong palaging taglay ang nasabing pasya, at kapag isinabuhay ninyo ang katotohanan, at inilagay ang inyong sarili sa isang tabi, magagawa ninyo ito nang may kaunting pagsisikap. Nasabi na noon ay may isang magsasakang nakakita ng ahas sa kalsada na nanigas. Pinulot ito ng magsasaka at inilagay ito sa kanyang dibdib, at matapos na mabuhay ang ahas ay tinuklaw nito ang magsasaka hanggang mamatay. Ang katawang-tao ay tulad ng ahas: Ang diwa nito ay upang makapinsala sa kanilang buhay—at kapag ito ay ganap nang nakaharang sa harap nito, ipinagtalo ninyo ang inyong buhay. Ang katawang-tao ay pagmamay-ari ni Satanas. Sa loob nito ay may labis na pagnanais, iniisip lamang nito ang kanyang sarili, nais nitong magpakasaya sa kaginhawaan, at magtuwa sa paglilibang, bumulabog sa kakuparan at katamaran, at matapos itong mapasaya sa isang yugto, ganap kayo nitong kakainin. Na ang ibig sabihin, kung inyo itong pasasayahin sa oras na ito, sa susunod ito ay hihingi pa nang mas marami. Ito ay laging may marangyang pagnanais at mga bagong hiling, at nagsasamantala sa inyong pagkabuyo sa katawang-tao at mas lalo kang pinasasaya nito at mamuhay kasama ng kanyang mga ginhawa—at kung hindi ninyo ito madadaig, sa katagalan ay ganap ninyong ipagkakatalo ang inyong sarili. Kahit na maaari kayong magkamit ng buhay sa harap ng Diyos, at kung ano man ang inyong sukdulang pagtatapos, nakasalalay sa kung paano ninyo isagawa ang inyong paghihimagsik laban sa katawang-tao. Iniligtas kayo ng Diyos, at pinili at kayo ay itinalaga, ngunit kung ngayon kayo ay walang kagustuhang pasayahin Siya, kayo ay walang kagustuhang isabuhay ang katotohanan, kayo ay walang nais na maghimagsik laban sa inyong katawang-tao na may pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, sa bandang huli inyong ipapahamak ang inyong sarili, at kaya kayo ay magtitiis sa sobrang paghihirap. Kung lagi kayong nagpapabuyo sa katawang-tao, dahan-dahan kayong lalamunin ni Satanas sa kalooban, at iiwanan kang walang buhay, o pakiramdam ng Espiritu, hanggang sa dumating ang araw na kayo ay ganap nang may madilim na kalooban. Kapag kayo ay namumuhay sa kadiliman, kayo ay bihag ni Satanas, kayo ay mawawalan na ng Diyos, at sa panahong iyon inyong pabubulaanan na kilala ninyo ang Diyos at iiwanan Siya. Kaya, kung nais ninyong ibigin ang Diyos, dapat ninyong pagbayaran ang sakit at magtiis sa hirap. Hindi na kailangan ang panlabas na pagkataimtim at paghihirap, higit na pagbasa at dagdag na pagtakbo; sa halip, dapat ninyong isang-tabi ang mga bagay sa inyong kalooban: ang magarbong pag-iisip, mga personal na interes, at ang inyong sariling mga konsiderasyon, mga paniniwala at layunin. Iyon ang kalooban ng Diyos.

Ang Pakikitungo ng Diyos sa panlabas na disposisyon ng tao ay isa ring bahagi ng Kanyang gawa; pakikitungo sa panlabas ng tao, hindi normal na sangkatauhan, halimbawa, o sa kanilang mga pamumuhay at gawi, kanilang mga paraan at kaugalian, pati na rin ang kanilang mga panlabas na mga gawain, at kanilang mga pagtaimtim. Ngunit kapag Kanyang hiniling sa mga tao na isagawa ang katotohanan at baguhin ang kanilang pagpapasya, ang pinagtutuonan ay ang mga motibasyon at paniwala nila sa kalooban. Hindi mahirap ang tanging pakikisalamuha sa inyong panlabas na kalooban; ito ay tulad ng paghingi sa inyong huwag kumain ng mga bagay na inyong nais, na siyang madali. Na siyang humahaplos sa mga pananaw ng inyong kalooban, gayunpaman, hindi madaling talikuran: Kailangan nito ng paglaban sa katawang-tao, at pagbayad, at magdusa sa harap ng Diyos. Ganap itong partikular sa mga motibasyon ng mga tao. Mula sa panahon ng kanilang paniniwala sa Diyos hanggang ngayon, ang mga tao ay nagkupkop ng maraming maling motibasyon. Kapag hindi ninyo isinasagawa ang katotohanan, inyong pakiramdam na lahat ng inyong layunin ay tama, ngunit kapag may nangyari sa inyo, makikita ninyong maraming maling motibasyon sa inyong kalooban. Kaya, kapag ginagawang sakdal ng Diyos ang mga tao, nagsasanhi Siya na matanto ng mga ito na maraming mga paniniwala sa kanilang kalooban na humaharang sa kanilang pagkilala sa Diyos. Kapag malaman ninyong mali ang inyong mga motibasyon, kung inyong magagawang itigil ang isinasagawa ayon sa inyong mga paniniwala at motibasyon, at magagawang magpatotoo sa Diyos at panindigan ang inyong posisyon sa lahat ng mangyayari sa inyo, ito ay nagpapatunay na kayo ay tumalima na labanan ang katawang-tao. Kapag kayo ay lumaban sa katawang-tao, tiyak na mayroon isang labanan sa inyong kalooban. Susubukan at hihimukin kayo ni Satanas na sumunod dito, susubukan at uutusan kayo na sundin ang mga paniwala sa katawang-tao at panindigan ang mga interes ng katawan-tao—ngunit ang salita ng Diyos ay magpapaliwanag at magpapailaw sa inyong kalooban, at sa oras na iyon ay nasa inyo kung susundin ang Diyos o susundin si Satanas. Pagunahing ipinag-utos ng Diyos sa mga tao na isagawa ang katotohanan upang pakitunguhan ang mga bagay sa kalooban ng mga ito, upang harapin ang kanilang mga kaisipan, at kanilang mga paniwala na hindi laan para sa puso ng Diyos. Ginagabayan ng Banal na Espiritu ang kalooban ng mga tao, at ipinapatupad ang Kanyang mga gawa sa kalooban ng mga ito, at sa likod ng lahat ng mga bagay na nangyayari sa labanan: Sa bawat oras na isinasagawa ng mga tao ang katotohanan, o isinasagawa ang pag-ibig ng Diyos, mayroong isang malaking labanan, at kahit na ang lahat ay mukhang maayos sa kanilang katawang-tao, sa kailaliman ng kanilang mga puso, may isang buhay-at-kamatayan na digmaan na, sa katunayan, magpapatuloy—at sa pagtatapos lamang ng matinding labanang ito, matapos ang laganap na pagmuni-muni, maaaring pagpasyahan ang tagumpay o pagkatalo. Hindi niya alam kung tatawa o hihibi. Dahil maraming mali sa motibasyon sa kalooban ng mga tao, o kaya’y dahil karamihan sa gawa ng Diyos ang tuligsa sa kanilang sariling paniniwala, kapag isinagawa ng mga tao ang katotohanan isang malaking labanan ang ginaganap sa likod ng mga eksena. Ang pagsasagawa ng katotohanang ito, sa likod ng mga eksena ang walang humpay na luha ng dalamhati ng mga tao, ang papatak bago tuluyang mapagpasyahan ng kanilang isipan na bigyang kasiyahan ang Diyos. Ito ay dahil sa labanang iyon na nagtitiis ang tao sa paghihirap at paglilinang; ito ang totoong pagdurusa. Kapag ang labanan ay napasaiyo, kung kayo ay tunay na papanig sa tabi ng Diyos, magagawang ninyong bigyan ng kasiyahan ang Diyos. Ang pagdurusa sa kurso ng pagsasagawa ng katotohanan ay hindi maiiwasan; kung, kapag kanilang isinagawa ang katotohanan, ang lahat ng nasa kalooban nila ay tama, at hindi na sila kailangan pang gawing sakdal ng Diyos, at hindi magkakaroon ng labanan, at hindi sila magdurusa. Ito ay dahil sa maraming mga bagay sa kalooban ng tao ang hindi akmang gamitin ng Diyos, at karamihan ay mga lumalabang disposisyon ng katawang-tao, na kailangang matutunan ng tao ang leksiyon ng paglaban sa katawang-tao nang mas malalim. Ito ang tinatawag ng Diyos na “paghihirap” na Kanyang hiningi sa tao na ialay sa Kanya. Kapag kayo ay nakakaranas ng mga paghihirap, magmadali at manalangin sa Diyos: Oh Diyos! Nais kong magbigay kasiyahan sa Iyo, nais kong tiisin ang sukdol na paghihirap upang makapag-bigay kasiyahan sa Iyong puso, at gaano man kalaki ang mga dagok na aking makatagpo, ako ay nararapat magbigay kasiyahan sa Iyo. Kahit na kailangan kong ibagay ang aking buong buhay, nararapat pa rin akong magbigay kasiyahan sa Iyo! Sa ganitong panata, sa inyong pananalangin magagawa ninyong panindigan ang inyong testimonya. Sa bawat sandali na kanilang isinasagawa ang katotohanan, sa bawat oras na sumailalim sila sa pagsubok, sa bawat oras na sila ay sumubok, at sa bawat oras na ang gawa ng Diyos ay dumating sa kanila, nagtitiis ang mga tao sa matinding sakit. Ang lahat ng ito ay isang pagsubok sa mga tao, at kaya sa kalooban nilang lahat ay may isang pagtatalo. Ito ang aktwal na halagang kanilang binabayaran. Ang pagbabasa nang higit pa ng mga salita ng Diyos at higit na pagtakbo ay parang isang kabayaran. Ito ang nararapat gawin ng mga tao, ito ay ang kanilang tungkulin, at ang pananagutan na dapat nilang tuparin, ngunit dapat na isan-tabi ng mga tao ang kalooban nilang dapat ilagay sa isang tabi. Kung hindi, sa gayon gaano man kalaki ang inyong panlabas na pagdurusa, at gaano man kalayo ang inyong tinakbo sa paligid, ang lahat ay walang kabuluhan! Na ang ibig sabihin, tanging ang mga pagbabago sa inyong kalooban ang tutukoy kung ang inyong mga panlabas na paghihirap ay may halaga. Kapag ang inyong panloob na disposisyon ay nagbago at inyong isinagawa ang katotohanan, sa gayon ang lahat ng inyong panlabas na paghihirap ay magkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos; kung walang pagbabago sa inyong panloob na disposisyon, sa gayon kahit gaano karaming paghihirap ang inyong titiisin o kung gaano kalayo ang inyong tatakbuhin sa labas, walang magiging pagsang-ayon mula sa Diyos—at ang paghihirap na hindi nakumpirma ng Diyos ay walang kabuluhan. Kaya, nabilang man ang presyo na inyong binayad o hindi at tutukuyin ang pagkakaroon ng pagbabago sa inyo o wala, at kung isinagawa ninyo ba ang katotohanan o hindi at lumaban sa sarili ninyong motibasyon at paniwala upang makamit ang kasiyahan ng kalooban ng Diyos, ang pagkilala sa Diyos, at katapatan sa Diyos. Kahit gaano kalayo ang inyong pagtakbo, kung hindi ka pa kailanman lumaban sa inyong sariling mga motibasyon, naghahanap lamang ng panlabas na aksyon at pagkataimtim, at hindi kailanman nagbibigay pansin sa inyong buhay, sa gayon ang inyong mga paghihirap ay walang kabuluhan. Kung, sa isang tiyak na kapaligiran, mayroon kang nais sabihin, ngunit sa inyong kalooban ramdam ninyo na ito ay hindi tama, ito ay hindi makabubuti sa inyong mga kapatid, at maaaring makapanakit sa kanila, hindi ninyo ito sasabihin, pipiliing tahimik na masaktan, hindi kaya ng mga salitang ito ang pagpapasaya sa kalooban ng Diyos. Sa oras na ito, magkakaroon ng laban sa inyong kalooban, ngunit kayo ay handang magdusa sa sakit at bumitaw sa inyong iniibig, handa ninyong tiisin ang pagdurusa upang masiyahan ang Diyos, at bagaman kayo ay panloob na nagdurusa, hindi ka magpapalinang sa katawang-tao, at ang puso ng Diyos ay nasiyahan, at kayo rin ay malulubag sa kalooban. Ito ang tunay na pagbayad ng halaga, at ang halaga na ninanais ng Diyos. Kung kayo ay nagsasagawa ng ganitong paraan, siguradong pagpapalain kayo ng Diyos; kung hindi ninyo makamit ito, sa gayon kahit gaano man ninyo ito nauunawaan, o gaano kayo kahusay sa pananalita, itong lahat ay para sa wala! Kung, sa landas ng pagmamahal sa Diyos, nagawa ninyong tumayo sa tabi ng Diyos kapag Siya ang nakikipaglaban kay Satanas, at hindi kayo bumalik kay Satanas, sa gayon inyo nang makakamit ang pagmamahal ng Diyos, at kayo ay may paninidigan sa inyong testimonya.
Sa bawat hakbang ng gawa ng Diyos sa kalooban ng tao, sa panlabas, mukha itong ugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa kaayusan ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, sa bawat hakbang ng gawa, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa Diyos, at kailangang manindigan ang mga tao sa kanilang testimonya sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, pumusta si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang na gawa ng Diyos sa inyong kalooban ay pusta ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang laban. Halimbawa, kung kayo ay may kiling tungo sa inyong mga kapatid, mayroon kayong mga salita na nais ninyong sabihin—mga salita na sa tingin ninyo ay nakayayamot sa Diyos—ngunit magiging mahirap ito para sa inyong kalooban, at sa sandaling ito, magsisimula ang isang laban sa kalooban ninyo: Magsasalita ba ako o hindi? Ito ang laban. Kaya, sa lahat ng bagay ay may labanan, at kapag may labanan sa inyong kalooban, salamat sa inyong aktwal na kooperasyon at aktwal na pagdurusa, ang Diyos ay gumagawa sa inyong kalooban. Sa huli, sa inyong kalooban maaari ninyong ilagay ang mga bagay sa isang tabi at ang galit ay sadyang nawawala. Ganito ang epekto ng inyong pakikipagtulungan sa Diyos. Kailangan ang pagbayad ng halaga sa inyong pagsisikap sa lahat ng inyong ginagawa. Kung walang aktwal na paghihirap, hindi ninyo maaaring mapasaya ang Diyos, hindi man lang ito kalapitan sa pagpapasaya sa Diyos, at sila ay walang iba kundi walang laman na mga paskil! Maaari bang masiyahan ang Diyos sa paskil na walang laman? Kapag ang Diyos at si Satanas ay naglaban sa larangang espirituwal, paano ninyo dapat pasayahin ang Diyos, at paano kayo dapat manindigan sa inyong testimonya sa Kanya? Dapat ninyong malaman na ang lahat ng nangyayari sa inyo ay isang malaking pagsubok at sa oras na kailangan kayo ng Diyos na panindigan ang testimonya. Sa panlabas, hindi sila mukhang isang malaking bagay, ngunit kapag ang mga ito ay nangyari ipinapakita nila kung mahal ninyo ba o hindi ang Diyos. Kung mahal ninyo, kayo ay maaaring manindigan sa inyong testimonya sa Kanya, at kung hindi ninyo isinagawa ang pag-ibig Niya, ito ay nagpapakitang kayo ay isang taong hindi nagsasagawa ng katotohanan, na kayo ay walang katotohanan, at walang buhay, na kayo ay ipa! Lahat ng bagay na nangyayari sa tao ay kapag kailangan ng Diyos na sila ay manindigan sa kanilang pagpatotoo sa Kanya. Walang malaking panyayari sa inyo sa sandaling ito, at hindi kayo nagdadala ng dakilang testimonya, ngunit ang bawat detalye ng inyong pang araw-araw na buhay ay kaugnay sa testimonya sa Diyos. Kung kaya ninyong makamit ang paghanga ng inyong mga kapatid, mga miyembro ng inyong pamilya, at lahat ng tao sa inyong paligid; kung, isang araw, dumating ang mga hindi naniniwala, at humanga sa lahat na inyong sinasabi at ginagawa, at makitang ang lahat na ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga, sa gayon kayo ay nagpatotoo. Kahit wala kayong pananaw at ang inyong kalibre ay mababa, sa pamamagitan ng paggawang ganap sa inyo ng Diyos, magagawa ninyo Siyang bigyang kasiyahan at maging maingat sa Kanyang kalooban. Makikita ng iba kung ano ang mabuti Niyang gawa sa mga tao na may pinakamababang kalibre. Dumating ang mga tao upang makilala ang Diyos, at maging tagapanaig laban kay Satanas at matapat sa Diyos hanggang sa huli. Kaya walang sinuman ang mas magkakaroon ng lakas kaysa sa grupo ng mga taong ito. Ito ang magiging pinakadakilang pagpapatotoo. Kahit na kayo ay walang kakayahan sa paggawa ng dakilang gawa, maaari ninyong bigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi maisasantabi ng iba ang kanilang mga paniniwala, ngunit gaya ninyo; hindi kayang patotohanan ng iba ang testimonya sa Diyos sa panahon ng kanilang aktwal na karanasan, ngunit maaari ninyong gamitin ang inyong aktwal na estado at pagkilos upang suklian ang pagmamahal ng Diyos at patotohanan ang umuugong na pagpapatotoo sa Kanya. Tanging ito lamang ang mahalaga bilang aktwal na pagmamahal sa Diyos. Kung hindi ninyo ito kaya, sa gayon hindi ka makapagbibigay ng pagpapatotoo sa mga miyembro ng inyong pamilya, sa inyong mga kapatid, o sa harap ng mga tao sa mundo. Kung hindi ninyo kayang patunayan ang pagpapatotoo sa harap ni Satanas, tatawanan kayo ni Satanas, ituturing kayo nito bilang isang katatawanan, bilang isang laruan, madalas kayo nitong lilinlangin, at gagawin kayong baliw. Sa hinaharap, maaring dumating sa inyo ang mga malalaking pagsubok—pero ngayon, kung mahal ninyo ang Diyos nang may tapat na puso, at gaano man kalaki ang mga pagsubok na darating, walang pagsasaalang-alang kung ano ang mangyayari sa inyo, nagawa ninyong panindigan ang inyong pagpapatotoo, at nagawang pasayahin ang Diyos, doon lulubag ang inyong puso, at hindi kayo matatakot gaano man kalaki ang mga pagsubok na inyong haharapin. Hindi ninyo makikita kung ano ang mangyayari sa hinaharap; maaari ninyo lamang pasayahin ang Diyos sa mga kaganapan sa ngayon. Wala kayong kakayahang gumawa ng anumang dakilang gawa, at dapat tumuon sa pagpapasaya sa Diyos sa pagdanas ng Kanyang mga salita sa tunay na buhay, at pagpapakita ng matibay at maugong na pagpapatotoong nagdadala ng kahihiyan kay Satanas. Kahit na mananatili ang inyong katawang-tao na hindi ganap na nasisiyahan at nagdusa, naghatid kayo ng kasiyahan sa Diyos at nagdadala ng kahihiyan kay Satanas. Kung lagi kayong magsasagawa sa ganitong paraan, ang Diyos ay magbubukas ng landas sa harap ninyo. Kapag, isang araw, dumating ang malaking pagsubok, ang iba ay babagsak, ngunit kayo ay makatatayo nang matatag: Dahil sa halaga na inyong binayaran, kakanlungin ka ng Diyos upang kayo ay matatag na makatayo at hindi babagsak. Kung, karaniwan, kayo ay mayroong kakayahang ilagay ang katotohanan sa pagsasagawa at masiyahan ang Diyos na may puso na tunay na nagmamahal sa Kanya, sa gayon tiyak na kakanlungin kayo ng Diyos sa hinaharap na mga pagsubok. Kahit na kayo ay hangal at mababa ang estado at mababa ang kalibre, hindi tatanggi ang Diyos laban sa inyo. Batay ito sa kung ano ang inyong mga layunin tama man o hindi. Ngayon, inyong napapasaya ang Diyos, na kung saan kayo ay masigasig sa mga pinakamaliit na detalye, inyong pinalulugod ang Diyos sa lahat ng mga bagay, kayo ay may isang pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, binibigay ninyo ang inyong tunay na puso sa Diyos, at bagama’t may ilang mga bagay na hindi ninyo maunawaan, maaari kayong humarap sa Diyos upang maitama ang inyong mga motibasyon, at hingiin ang kalooban ng Diyos, at inyong gawin ang lahat na kailangan upang bigyang kasiyahan ang Diyos. Marahil, ang inyong mga kapatid ay mag-iiwan sa inyo, ngunit ang inyong puso ay magpapasaya sa Diyos, at hindi ninyo pagnanasahan ang tawag ng katawang-tao Kung lagi kayong magsasagawa sa ganitong paraan, kayo ay kakanlungin sa panahon ng pagdating ng mga malaking pagsubok.
Anong panloob na estado ng mga tao ang tinututukan ng mga pagsubok na ito? Ang mga ito ay nakatutok sa disposisyong suwail sa mga tao na walang kakayahang magbigay kasiyahan sa Diyos. Mayroong maraming hindi malinis sa kalooban ng tao, at maraming mapagkunwari, at kaya isinailalim sila ng Diyos sa mga pagsubok upang sila’y malinis. Ngunit kung, ngayon, inyong nagawang bigyang kasiyahan ang Diyos, sa gayon ang mga pagsubok sa hinaharap ay pagsasaganap para sa inyo. Kung, ngayon, hindi ninyo nagawang bigyan Siya ng kasiyahan, sa gayon ang mga pagsubok sa hinaharap ay tutukso sa inyo, at kayo ay hindi batid na matutumba, at sa oras na iyon hindi ninyo matutulungan ang inyong sarili, sapagka’t hindi ninyo kayang tumupad sa mga gawa ng Diyos, at hindi ninyo taglay ang tunay na estado. At kaya, kung nais ninyong manindigan sa hinaharap, mabuting pasayahin ang Diyos, at sumunod sa Kanya hanggang sa dulo, ngayon ay kailangan ninyong bumuo ng isang malakas na pundasyon, dapat ninyong pasayahin ang Diyos sa pagsasabuhay ng katotohanan sa lahat ng bagay, at maging maingat sa Kanyang kalooban. Kung lagi kayong magsasagawa sa ganitong paraan, magkakaroon ng pundasyon sa kalooban ninyo, at pasisiglahin ng Diyos sa inyong puso ang pagmamahal sa Kanya, at magbibigay Siya sa inyo ng pananampalataya. Isang araw, kapag ang pagsubok ay tunay na napasa sa inyo, maaari kayong lubos na magdusa sa sakit, at maramdamang nasasaktan sa isang punto, at magdusa ng nakadudurog na kalungkutan, na parang kayo ay mamamatay—ngunit ang inyong pag-ibig sa Diyos ay hindi magbabago, at magiging mas malalim. Ganyan ang mga pagpapala ng Diyos. Kung inyong magagawang tanggapin ang lahat ng sinasabi ng Diyos at ngayon’y ginagawa ito nang may isang pusong pagsunod, sa gayon kayo ay tunay na pagpapalain ng Diyos, at sa gayon kayo ay isang taong pinagpala ng Diyos, at tumatanggap ng Kanyang pangako. Kung, ngayon, hindi ninyo na ginagawa, kapag ang pagsubok ay napasa inyo isang araw mawawalan ka ng pananampalataya o mapagmahal na puso, at sa oras na iyon ang pagsubok ay magiging tukso; kayo ay malulublob sa gitna ng tukso ni Satanas at hindi magkakaroon ng paraan na makatakas. Ngayon, maaari kang manindigan sa mga maliit na naipasa sa inyo, ngunit hindi ninyo magawang manindigan kapag naipasa sa inyo ang isang malaking pagsubok balang araw. Mapagmataas ang ilang tao, at nag-iisip na sila ay malapit nang maging ganap. Kung hindi kayo tutungo nang mas malalim sa nasabing mga pagkakataon, at mananatiling kampante, sa gayon kayo ay nasa panganib. Ngayon, ang Diyos ay hindi gumagawa ng malalaking pagsubok, lahat ay tila maayos sa itsura, ngunit kapag sinubukan kayo ng Diyos, inyong matutuklasang kayo ay masyadong kulang, dahil ang inyong estado ay masyadong mababa, at kayo ay walang kakayanang tiisin ang malalaking pagsubok. Kung, hindi ka susulong ngayon, kung mananatili ka sa isang lugar, sa gayon babagsak kayo sa pagdating ng daluyong. Dapat ninyong tingnan nang madalas kung gaano kababa ang inyong estado; ito lamang ang magbibigay sa inyo ng progreso. Kung sa mga panahon lamang ng pagsubok ninyo nakikitang mababa ang inyong estado, na ang inyong paghahangad ay mahina, na tunay na maliit ang inyong kalooban, at kayo ay hindi sapat para sa kalooban ng Diyos—at kung inyo lamang mapagtanto ang mga bagay na ito sa gayon, ito ay huli na.
Kung hindi ninyo alam ang disposisyon ng Diyos, kung gayon kayo ay tiyak na mahuhulog sa panahon ng pagsubok, dahil hindi ninyo alam kung paano ginagawang sakdal ng Diyos ang mga tao, at sa anong paraan Niya ginagawang sakdal ang mga ito, at kapag dumating ang mga pagsubok ng Diyos sa inyo at hindi sila tumutugma sa inyong mga paniniwala, hindi ninyo magagawang manindigan. Ang totoong pagmamahal ng Diyos ay ang Kanyang buong disposisyon, at kapag ang buong disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa inyo, ano ang dala nito sa inyong katawang-tao? Kapag ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay ipinakita sa inyo, ang inyong katawang-tao ay tiyak na daranas ng matinding pananakit. Kung hindi ninyo pagdurusahan ang sakit na ito, sa gayon hindi kayo maaaring gawing sakdal ng Diyos, at hindi kayo rin maaaring mag-ukol sa totoong pagmamahal sa Diyos. Kung kayo ay ginawang sakdal ng Diyos, tunay Niyang ipapakita sa inyo ang Kanyang buong disposisyon. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, hindi kailanman ipinapakita ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon—ngunit sa mga huling araw Kanyang ipinakita ito sa grupo ng mga tao na Kanyang itinalaga at pinili, at sa pagawa sa mga ito bilang sakdal Kanyang inilatag ang Kanyang lantad na disposisyon, kung saan Kanyang ginagawang ganap ang grupo ng mga tao. Iyon ang tunay na pag-ibig ng Diyos sa mga tao. Ang pagdanas ng tunay na pag-ibig ng Diyos para sa kanila ay nangangailangan sa mga tao na magtiis sa matinding sakit, at magbayad ng isang malaking halaga. Pagkatapos lamang nito na sila ay makukuha ng Diyos at magagawang magsukli ng kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, at doon lamang masisiyahan ang puso ng Diyos. Kung nais mga tao na gawin silang sakdal ng Diyos, at kung nais nilang isagawa ang Kanyang kalooban, at ganap na ipagkaloob ang kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, dapat nilang maranasan kung gayon ang paghihirap at maraming pagdurusa mula sa mga pagkakataon, at magdusa ng sakit na masahol pa kaysa kamatayan, sa huli mapipilitan silang ibigay ang kanilang totoong puso pabalik sa Diyos. Mayroon mang tunay o walang nagmamahal sa Diyos ay makikita sa panahon ng kahirapan at paglinang. Nililinis ng Diyos ang pag-ibig ng tao, at ito ay nakakamit lamang sa gitna ng paghihirap at paglinang.
Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
0 Mga Komento