Kidlat ng Silanganan-Kanta ng Papuri (Tagalog) | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos
Panimula
Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos
Sa kababaa't kahihiyan, inalay sa'tin kaligtasan.
Nguni't 'di ko S'ya kilala o naunawaan, panay karaingan.
Anong dalamhati ng puso N'ya sa pagrebelde ko't paglaban!
Natiis Mo na lahat ng pagkarebelde ko
nguni't biyaya muli'y alay.
Batid na itinataas Mo, ako'y puno ng kahihiyan.
Lubhang 'di 'ko karapat-dapat sa'Yong pagmamahal!
Mahal na Makapangyarihang Diyos, naririnig Kita.
Mga salita Mo'y tangan ko, luha'y agos sa mukha.
Bawa't salita'y ramdam sa puso, pinalalapit ako sa'Yo.
Napalaya sa di-paggawa, ngayo'y susunod na 'ko sa'Yo.
Ngayon mata'y bukas na, puno ng pagsisisi ang puso.
Handang muling maisilang at isabuhay ang nais Mo.
Iibigin Kita, iaalay buong pagkatao sa'Yo.
Patotoo ko'y malakas upang maaliw 'Yong puso.
Ginising ng pag-ibig Mo, tutuparin ko'ng tungkulin ko.
Tapat hanggang wakas, lilingapin ko ang nais Mo.
Iibigin Kita, iaalay buong pagkatao sa'Yo.
Patotoo ko'y malakas upang maaliw 'Yong puso.
Patotoo ko'y malakas upang maaliw 'Yong puso.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
0 Mga Komento