Kidlat ng Silanganan-Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ika-anim na Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagtrato ng Diyos sa mga taong lumalapastangan o kumakalaban sa Kanya o maging yaong naninira sa Kanya—mga tao na sinasadyang atakihin, siraan, at sumpain Siya—hindi Siya nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan. Mayroon Siyang isang malinaw na saloobin tungo sa kanila.
Hinahamak Niya ang mga taong ito, at sa Kanyang puso ay hinahatulan sila. Sinabi pa Niya nang hayagan ang kalalabasan para sa kanila, nang upang malaman ng mga tao na Siya ay mayroong malinaw na saloobin tungo sa kanila na lumalapastangan sa Kanya, at ang sa gayon ay kanilang malaman na pagpapasyahan Niya ang kanilang kalalabasan. Gayunman, pagkatapos sabihin ng Diyos ang mga ito, hindi pa rin halos makita ng mga tao ang ukol sa kung paano haharapin ng Diyos ang mga taong iyon, at hindi nila maiintindihan ang mga panuntunan sa likod ng kalalabasan ng Diyos, ang Kanyang hatol para sa kanila. Na ang ibig sabihin, hindi makita ng sangkatauhan ang partikular na saloobin at mga pamamaraan na mayroon ang Diyos sa pagharap sa kanila. Ito ay may kinalaman sa mga panuntunan ng Diyos sa paggawa ng mga bagay. Ginagamit ng Diyos ang pagdating ng mga katotohanan upang makitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao. Iyon ay, hindi Niya ipinapahayag ang kanilang kasalanan at hindi pinagpapasyahan ang kanilang kalalabasan, ngunit ginagamit Niya nang tuwiran ang pagdating ng mga katotohanan upang tulutan silang maparusahan, upang makuha ang kanilang nararapat na kagantihan. Kapag nangyari ang mga katotohanang ito, ang laman ng mga tao ang magdaranas ng kaparusahan; lahat ng ito ay isang bagay na maaaring makita sa mga mata ng tao. Sa pakikitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao, sinusumpa lamang sila ng Diyos sa mga salita, ngunit kasabay nito, ang galit ng Diyos ay darating sa kanila, at ang kaparusahan na kanilang matatanggap ay maaaring isang bagay na hindi nakikita ng mga tao, ngunit ang ganitong uri ng kalalabasan ay maaaring mas malala pa kaysa sa mga kalalabasan na nakikita ng mga tao sa pinarurusahan o pinapatay."
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. alagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
0 Mga Komento