Kidlat ng Silanganan - Bakit Inilalagay ng mga Kristiyano sa Panganib ang Kanilang Buhay para Ipangaral ang Ebanghelyo at Sumaksi sa Diyos?
Hou Xiangke (Hepe ng Public Security Bureau): Talagang imposible para sa inyo na maniwala sa Diyos at ipangaral ang ebanghelyo sa isang bansang pinamumunuan ng Partido Komunistang Tsino.Tinatapos ang sinumang nagpipilit na maniwala sa Diyos at magpalaganap ng ebanghelyo.Alam mo ba kung ilang Kristiyano ang nagdusa sa kalunus-lunos na kamatayan sa bilangguan?
Alam mo ba kung ilang Kristiyano ang pinatay at sinira ang kanilang mga pamilya?Walang makakalaban sa kapangyarihan ng Partido Komunista!Kung ipipilit mo ang paniniwala sa Diyos at pagpapalaganap ng ebanghelyo,ang kapalaran mo ay pagkabilanggo at kamatayan!Nakikita mo ba nang malinaw ang kahinatnang ito?
Ma Jinlong (Kapitan ng National Security Team): Sakit ng ulo para sa sentral na pamunuan ang inyong Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Nakikita kayo ng Partido Komunista bilang numero unong kaaway. Hindi ito titigil hanggang sa mapuksa kayo. Alam mo ba kung gaano karaming tao at pera ang ginamit ng Partido Komunista para sa pagpigil at pagbabawal ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Masyadong mataas ang kabayaran! Hindi mo ba nakikita ang kahulugan sa likod ng lahat ng ito? Patuloy pa rin ninyong ipinalalaganap ang ebanghelyo, sumasaksi para sa Diyos at ipinapalaganap ang salita ng Makapangyarihang Diyos kahit saan. Para itong inuumpog ninyo ang inyong dibdib laban sa bariles ng baril. Hangal ba kayo? Ganito kung paano namin dapat kayong pangalagaan! Kung tahimik kayong nakaupo sa bahay, walang gagambala sa inyo.
Han Lu (Isang Kristiyano): Laging itinuturing ng Partido Komunista ang mga naniniwala sa Diyos bilang mga kaaway. Hindi ito makapaghintay na puksain sila. Sa palagay ba ninyo’y kaya ninyong ipagbawal ang gawain ng pagliligtas ng Diyos para sa sangkatauhan? Nang dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang gawaing mapantubos, hindi ba’t ipinako Siya sa krus ng relihiyosong komunidad kasama ang mga awtoridad? Akala nila ay nagtagumpay sila, at tiyak na nabigo ang gawaing mapantubos ng Panginoong Jesus. Pero ang hindi inaasahan ay sinabi ng Panginoong Jesus sa krus, “Naganap na.” Natupad ang gawaing mapantubos ng Diyos sa pamamagitan ng pagkapako sa krus ng Panginoong Jesus. Ano ang ibig-sabihin nito? Nabuo ang karunungan ng Diyos sa panlilinlang ni Satanas. Naipalaganap sa buong mundo ang mapantubos na ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Ito ang tinatanggap na katotohanan. Sa mga taong ito, galit na galit na sinusugpo at inuusig ng pamahalaan ng Komunistang Tsino Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipinagmalaki pa nito, “Hindi aalisin ang mga tropa hanggang sa matapos ang pagbabawal.” Gayunman, ano ang naging kinalabasan? Hindi lamang hindi naipagbawal Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa halip ay lumalago pa ito. Alam ba ninyo kung bakit ganoon? Awtoridad ito ng Diyos, kapangyarihan ito ng Diyos! Anuman ang nais tuparin ng Diyos, walang bansa o puwersa ang makakahadlang. Bakit kami matatag na naniniwala sa Diyos, ikinakalat ang ebanghelyo at sumasaksi sa Diyos? Alam ba ninyo kung bakit? Malapit nang matapos ang kapanahunang ito. Malapit nang dumating ang kalamidad. Ang mga tumanggap lamang sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at tumanggap ng paglilinis ang makakatanggap ng kaligtasan ng Diyos at makakatakas sa mga panganib. Paanong hindi namin maipapalaganap ang ebanghelyo nang tulad nito? Kung hindi namin gagawin, maraming tao ang hindi makakabalik sa Diyos at mamamatay sa kalamidad. Maraming kaluluwa ang mapupunta sa impiyerno para sa kaparusahan! Alang-alang sa mga kaluluwang ito, maaari ba kaming umupo nang tamad sa aming tahanan para sa makalamang kaginhawaan? Maaari ba kaming maligtas nang kahiya-hiya lamang mula sa pagkatakot sa pag-aresto at pag-uusig ng pamahalaan ng CCP? Kung gayon, hindi matatahimik ang aming konsensiya! Kaya, maraming Kristiyano ang nakikipagsapalaran na mabilanggo at mamatay para maipalaganap ang ebanghelyo at sumaksi sa Diyos. Anong uri ng espirutu ito? Naiintindihan niyo ba ito? Ngunit natatrato ninyo ang mabubuting tao na naniniwala sa Diyos bilang mga pinakapinaghahanap sa bansa? Hindi ko lang ito maintindihan. Anong mabuti ang maidudulot nito para sa pagpapatatag ng kapangyarihan ng estado? Sa buong kasaysayan, ang mga bansa at lahi na galit na galit na nilabanan at tinutulan ang Diyos ay sinira ng Diyos. Totoo ang lahat ng ito. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Walang bansa o kapangyarihan ang makapipigil sa anumang nais makamit ng Diyos. Yaong mga sumasawata sa gawain ng Diyos, nilalabanan ang salita ng Diyos, iniistorbo at pinapahina ang plano ng Diyos sa huli ay parurusahan ng Diyos.” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Ang banal na disposisyon ng Diyos ay hindi magkakasala. Lahat ng lumaban sa Diyos ay dapat magdusa ng kaparusahan ng Diyos.
mula sa script ng pelikulang Katamisan sa Kahirapan
0 Mga Komento