Kidlat ng Silanganan-Ang Unang Pagbigkas
Nakakarating ang mga papuri sa Sion at lumilitaw ang dakong tahanan ng Diyos. Pinupuri ng lahat ng mga bansa ang maluwalhating banal na pangalan, at lumalaganap. Ah, Makapangyarihang Diyos! Ang Pinuno ng sansinukob, Cristo ng mga huling araw—Siya ang sumisikat na Araw, at nagbabangon sa ibabaw ng maringal at kagila-gilalas na Bundok Sion sa buong sansinukob …
Makapangyarihang Diyos! Nagsasaya kami para sa Iyo; sumasayaw kami at umaawit. Tunay na Ikaw ang aming Manunubos, ang dakilang Hari ng sansinukob! Nakagagawa Ka ng isang pangkat ng mga mananagumpay, at natutupad ang plano ng pamamahala ng Diyos. Magsisiparoon ang lahat ng mga bansa sa bundok na ito. Luluhod ang lahat ng mga bansa sa harapan ng trono! Ikaw ang tangi at tunay na Diyos lamang at karapat-dapat sa luwalhati at karangalan. Lahat ng luwalhati, papuri, at awtoridad ay mapasa-Diyos! Ang bukal ng buhay ay dumadaloy mula sa trono, dinidiligan at pinakakain ang bayan ng Diyos. Nagbabago ang buhay araw-araw; sinusundan tayo ng bagong liwanag at mga pagbubunyag, palaging nagsasanhi ng mga bagong pagkakita tungkol sa Diyos. Dahil nakatitiyak sa Diyos sa pamamagitan ng mga karanasan; laging lumilitaw ang Kanyang mga salita, nagpapakita sa mga yaong tama. Tunay ngang napaka-pinagpala natin! Pagiging kaharap ng Diyos bawa’t araw, nakikipag-usap sa Diyos sa lahat ng bagay, at ibinibigay sa Diyos ang kataas-taasan sa lahat ng bagay. Pinagbubulay-bulayan nating mabuti ang salita ng Diyos, payapa ang ating mga puso sa Diyos, at sa gayon pumaparoon tayo sa harapan ng Diyos kung saan tinatanggap natin ang Kanyang liwanag. Sa ating pang-araw-araw na buhay, mga pagkilos, mga salita, mga kaisipan, at mga ideya, nabubuhay tayo sa loob ng salita ng Diyos, at laging mayroong pagtalos. Sinusuot ng salita ng Diyos ang karayom; biglang nagpapakita isa-isa ang mga bagay na natatago sa loob. Hindi maaantala ang pakikisama sa Diyos; inilalantad ng Diyos ang mga kaisipan at mga kuru-kuro. Sa bawa’t sandali nabubuhay tayo sa harapan ng luklukan ni Cristo kung saan sumasailalim tayo sa paghatol. Nananatiling sakop ni Satanas ang bawa’t dako ng ating mga katawan. Ngayon, dapat gawing malinis ang templo ng Diyos upang mapanumbalik ang Kanyang pagiging kataas-taasan. Upang maging ganap na naaangkin ng Diyos, kailangang sumailalim tayo sa isang digmaang buhay-at-kamatayan. Tanging kapag naipako sa krus ang ating mga dating pagkatao maaaring magharing kataas-taasan ang napanumbalik na buhay ni Cristo.
Naghahanda ngayon ng isang pagsalakay ang Banal na Espiritu sa bawa’t sulok natin upang ilunsad ang isang digmaan para sa pagbabawi! Hangga’t nakahanda tayong itakwil ang mga sarili natin at handang makipagtulungan sa Diyos, sa anumang sandali paliliwanagin at lilinisin ng Diyos ang ating mga nasasaloob, at babawiing muli ang nasasakop ni Satanas, upang maaari tayong magawang ganap ng Diyos sa lalong madaling panahon. Huwag mag-aksaya ng panahon, at laging mamuhay sa loob ng salita ng Diyos. Maging itinatayo kasama ng mga banal, maging dinadala sa kaharian, at pumapasok sa kaluwalhatian kasama ng Diyos.
0 Mga Komento