Kidlat ng Silanganan-Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)

pananampalataya, patotoo, Diyos, Jehova, Job,

Kidlat ng Silanganan-Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)


Ang sangkatauhan, lubusang ginawang masama ni Satanas, ay hindi alam na mayroong Diyos at huminto na sa pag-samba sa Diyos. Sa panimula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kaluwalhatian ni Jehova at ang patotoo ni Jehova ay laging nariyan. Ngunit matapos ginawang masama, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagkat ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at tuluyang huminto sa paggalang sa Kanya. 
Ang gawaing panlulupig ngayon ay upang mabawi ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilikha. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talaga malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa paggamit nitong gawa ng mga salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa paggamit ng pagsisiwalat, paghatol, pagkastigo, at walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pagsisiwalat ng pagka-mapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang di-pagkamatuwid at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang itampok ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang paraan sa kahuli-hulihang panlulupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tumatanggap ng pag-lupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang proseso ng pagsasalita ay ang proseso ng panlulupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili. Dapat, mula sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang ka-nilang pagka-mapaghimagsik at di-pagkamatuwid, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito at, bukod diyan, magkaroon ng pangitain, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling pagpili, saka ka nalulupig. At itong mga sali-tang ito ang nakalupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil walang sinuman ang may pananampalataya sa Diyos o tangan sa paanuman ang Diyos sa kanyang puso. Ang panlulupig sa sangkatauhan ay nangangahulugan ng panunumbalik ng tao sa pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakahilig sa kamunduhan, nagkikimkim ng napakaraming inaasahan, nagnanasa nang sobra-sobra para sa kanilang kinabukasan, at may napakaraming maluhong pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman interesado sa paghahanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay nabihag na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, nawala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang layunin ng panlulupig sa tao ay upang mabawi ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos. Maaari itong sabihin nang ganito: Maraming mga tao ang hindi naghahangad ng buhay; kung mayroon mang ilan, mabibilang lang sa daliri. Lubhang ikinababahala ng mga tao ang tungkol sa kanilang kinabukasan at hindi sila nag-uukol ng anumang pansin sa buhay o anupaman. Ang ilang mga tao ay kapwa naghihimagsik at nilalabanan ang Diyos, hinahatulan Siya sa likod Niya at hindi isinasagawa ang katotohanan. Hindi Ko pinapansin ang mga taong ito sa ngayon, at umiiwas Ako sa pakikitungo sa ganitong uri ng mga anak ng paghihimagsik sa ngayon. Sa hinaharap ikaw ay mabubuhay sa kadiliman, tatangis at magngangalit ang mga ngipin. Hindi mo nadadama ang kahalagahan ng liwanag kapag ikaw ay nabubuhay sa loob nito, ngunit mababatid mo ang kahalagahan nito sa sandaling ikaw ay nabubuhay sa madilim na gabi. Magiging kawawa ka sa panahong iyon. Maayos ang pakiramdam mo ngayon, ngunit darating ang araw na ikaw ay magiging kawawa. Kapag dumating ang araw na iyon at ang kadiliman ay bumaba at wala na kailanman ang liwanag, magiging huli na ang iyong mga pagsisisi. Dahil hindi mo pa rin nauunawaan ang kasalukuyang gawain kaya nabigo mong pahalagahan ang iyong panahon ngayon. Sa sandaling magsimula ang gawain ng buong sansinukob, na ang ibig sabihin ay kapag nagkatotoo na ang lahat ng Aking sinasabi sa kasalukuyan, maraming mga tao ang hahawak sa kanilang mga ulo sa pagtangis. Hindi ba iyon pagkahulog sa kadiliman na may kasamang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin? Ang lahat ng mga tao na tunay na naghahangad ng buhay at mga ginawang ganap ay maaaring gamitin, samantalang ang lahat ng mga anak ng paghihimagsik na hindi angkop para gamitin ay mahuhulog sa kadiliman, hindi makatatanggap ng gawain ng Banal na Espiritu o anupaman at nananatiling walang naiintindihan ukol sa anumang bagay. Kaya naman sila ay mapupunta sa kaparusahan upang managhoy at manangis. Kung mahusay kang sinangkapan sa yugtong ito ng gawain at ang iyong buhay ay gumulang, ikaw ay isang tao na angkop gamitin. Kung hindi ka sinangkapan nang mabuti, kahit ikaw ay pinili para sa susunod na yugto ng gawain hindi ka magiging angkop. Sa puntong iyon, kahit na gusto mong sangkapan ang sarili mo, lalampas ang pagkakataon. Ang Diyos ay aalis; saan ka pupunta kung gayon upang hanapin ang uri ng pagkakataon na nasa harap mo ngayon, at saan ka pupunta upang tanggapin ang pagsasanay na personal na inilalaan ng Diyos? Sa puntong iyon, hindi ang Diyos ang personal na magsasalita o personal na magbibigay ng Kanyang tinig. Magagawa mo lamang mabasa kung ano ang sinasabi sa kasalukuyan; paano mo ito magagawang maunawaan nang madali? Paano mapapantayan ng buhay sa hinaharap ang buhay sa kasalukuyan? Sa puntong iyon, hindi ba ang pagtangis at pagngangalit ng iyong mga ngipin ay isang pagkaranas ng kamatayan habang nabubuhay? Ipinagkakaloob sa iyo ngayon ang pagpapala ngunit hindi mo nalalaman kung paano ka masisiyahan dito; ikaw ay nabubuhay sa buhay na pinagpala, ngunit hindi mo ito nalalaman. Pinatutunayan nito na ikaw ay tiyak na mapapahamak! Ang ilang mga tao sa kasalukuyan ay lumalaban, ang iba ay naghihimagsik, ang ilan ay ginagawa ang ganito o ganoon. Binabalewala lamang kita; huwag iisipin na wala Akong malay sa inyong mga gawain. Hindi Ko ba nauunawaan ang inyong diwa? Bakit nananatili kang lumalaban sa Akin? Hindi ba para sa iyong sariling kapakanan kaya ka naghahangad ng buhay at pagpapala? Hindi ba para sa iyong sariling kapakanan kaya mayroon kang pananampalataya? Sa ngayon ginagawa Ko lamang ang gawaing panlulupig sa pamamagitan ng Aking mga salita. Sa sandaling matapos ang gawaing panlulupig na ito, magiging malinaw ang iyong wakas. Kailangan Ko pa bang gawing mas malinaw ang Sarili Ko?


   Ang kasalukuyang gawaing panlulupig ay gawaing nilayong liwanagin ang magiging katapusan ng tao. Bakit Ko sinasabi na ang pagkastigo at paghatol ngayon ay ang paghatol sa harap ng dakilang puting trono sa mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang gawaing panlulupig ang huling yugto? Hindi ba tiyak na ito ay upang ihayag kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig ng pagkastigo at paghatol, upang ipakita ang kanyang mga tunay na kulay at sa gayon pangkatin ayon sa uri pagkatapos? Sa halip na sabihing ito ay ang panlulupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na pinapakita nito kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao. Iyon ay, ito ang paghatol sa kanilang mga kasalanan at pagkatapos ipinakikita ang iba't ibang mga uri ng tao, sa gayon pinapagpasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang gawaing panlulupig ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at mahaharap sa kalamidad. Sa gayon, ang tao ay papangkatin ayon sa uri, ang mga gumagawa ng masama ay magsama-sama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay magsama-sama sa mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng bagay, ang katapusan ng tao ay maliwanag nang ipinakita sa kanyang mga mata, at ang lahat ng bagay ay papangkatin ayon sa uri. Paano gayon makatatakas ang mga tao sa paghihirap ng pagpapangkat na ito? Ang pagbubunyag ng katapusan ng bawat klase ng tao ay tapos na kapag ang katapusan ay nalalapit na ukol sa lahat ng bagay, at ito ay gagawin habang ginagawa ang panlulupig sa buong sansinukob (kabilang ang lahat ng gawaing panlulupig nagsisimula sa kasalukuyang gawain). Itong pagbubunyag ng katapusan ng sangkatauhan ay gagawin sa harap ng luklukan ng paghatol, sa pagpapatuloy ng pagkastigo, at sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig sa mga huling araw. Ang pagbubukud-bukod sa mga tao ayon sa uri ay hindi pagbabalik sa mga tao sa kanilang orihinal na mga uri. Ito ay dahil nang likhain ang mundo, mayroon lamang isang uri ng tao, na ang mga ito ay ang lalaki at ang babae. Walang maraming iba’t-ibang uri. Pagkatapos lamang ng ilang libong taon ng kasamaan na lumitaw ang iba’t-ibang mga uri ng mga tao, ang ilan ay nagmula sa ilalim ng pamamahala ng maruruming diyablo, ang ilan sa ilalim ng masasamang diyablo, at ang ilan, na naghahangad sa daan ng buhay, sa ilalim ng pamamahala ng Makapangyarihan sa lahat. Sa ganitong paraan lamang unti-unting umuusbong ang mga uri sa gitna ng mga tao at naghihiwa-hiwalay ang mga tao sa mga uri sa loob ng malaking sambahayan ng tao. Dumarating ang lahat ng mga tao nang may iba’t-ibang mga “ama”; hindi ito ang kalagayan na ang bawat isa ay ganap na nasa ilalim ng pamamahala ng Makapangyarihan sa lahat, sapagkat labis ang pagiging mapaghimagsik ng mga tao. Ibinubunyag ng matuwid na paghatol ang tunay na sarili ng bawat uri ng tao, walang anumang iniiwang nakatago. Ipinakikita ng bawat isa ang kanyang tunay na mukha sa liwanag. Sa puntong ito, ang tao ay hindi na ang dating siya at matagal nang naglaho ang orihinal na anyo ng kanyang mga ninuno, sapagkat ang hindi mabilang na mga inapo nina Adan at Eba ay matagal nang binihag ni Satanas, hindi na kailanman malalaman ang araw sa langit, at sapagkat napuno na ang mga tao ng lahat ng uri ng mga lason ni Satanas. Kung kaya, ang mga tao ay mayroong angkop na mga kahihinatnan. Tangi sa roon, sa batayan ng kanilang nagkakaibang mga lason na sila ay pinagbubukud-bukod ayon sa uri, na ang ibig sabihin ay pinagbukud-bukod sila sa pamamagitan ng lawak ng pagkalupig sa kanila sa kasalukuyan. Ang katapusan ng tao ay hindi isang bagay na itinadhana sa simula ng paglikha ng mundo. Ito ay dahil sa pasimula mayroon lang iisang klase, ito ay ang sama-samang tinatawag na “sangkatauhan,” at dahil ang tao ay hindi pa nagawang masama ni Satanas noong una, silang lahat ay nanirahan sa liwanag ng Diyos, nang walang kadilimang sumasapit sa kanila. Ngunit matapos na ang tao ay nagawang masama ni Satanas, lahat ng tipo at uri ng tao ay lumaganap sa buong mundo-lahat ng tipo at uri ng tao na nanggaling sa isang pamilyang sama-samang pinangalang “sangkatauhan” na binubuo ng lalaki at babae. Silang lahat ay inakay ng kanilang mga ninuno upang maligaw palayo sa kanilang pinakamatandang mga ninuno-ang sangkatauhang binubuo ng lalaki at babae (iyon ay, ang orihinal na si Adan at Eba, ang kanilang pinakamatandang ninuno). Sa panahong iyon, ang tanging bayang pinamumunuan ni Jehova na manirahan sa mundo ay ang mga Israelita. Ang iba't ibang tipo ng mga tao na lumitaw mula sa buong Israel (ibig sabihin ay mula sa orihinal na angkan ng pamilya) sa gayon ay nawala ang pangunguna ni Jehova. Silang mga sinaunang tao, lubusang walang-muwang sa mga usapin ukol sa mundo ng tao, ay sumama sa kanilang mga ninuno upang mabuhay sa mga teritoryong kanilang inangkin, magpahanggang sa ngayon. Sa gayon, sila ay nasa kadiliman pa rin tungkol sa kung paano sila napariwara palayo kay Jehova at kung paano sila nagawang masama hanggang sa araw na ito ng lahat ng uri ng maruruming diablo at masasamang espiritu. Silang mga pinaka-lubusang nagawang masama at nalason hanggang ngayon, samakatuwid silang mga hindi na maililigtas sa bandang huli, ay wala nang magagawa pa kundi sumama sa kanilang mga ninuno-ang maruruming diablo na ginawa silang masama. Silang mga maililigtas sa bandang huli pupunta sa naaangkop na hantungan, nangangahulugang sa katapusang inilaan para sa mga iniligtas at nilupig. Ang lahat ay gagawin upang iligtas ang maaring mailigtas, ngunit para sa yaong mga manhid, walang lunas na tao, ang kanilang tanging pagpipilian ay ang sumunod sa kanilang mga ninuno sa walang-katapusang hukay ng pagkastigo. Huwag mong isipin na ang iyong katapusan ay itinadhana sa pasimula at ito ay ngayon lang naibunyag. Kung ganyan ka mag-isip, nakalimutan mo na ba na sa panahong paunang paglikha sa sangkatauhan, walang hiwalay na uri ng maka-Satanas ang nilikha? Nakalimutan mo na ba na tanging isang sangkatauhan na binubuo ni Adan at Eba ang nilikha (nangangahulugang tanging lalaki at babae ang mga nilikha)? Kung ikaw ay naging inapo ni Satanas sa pasimula, hindi ba nangangahulugan iyon na noong nilikha ni Jehova ang tao isinama Niya ang grupo ni Satanas? Nagawa kaya Niya ang bagay na ganoon? Nilikha niya ang tao para sa kapakanan ng Kanyang patotoo; nilikha Niya ang tao para sa Kanyang kaluwalhatian. Bakit Niya sadyang lilikhain ang isang klase na mula sa angkan ni Satanas upang kusang labanan Siya? Nagawa kaya ito ni Jehova? Kung oo, sino ang makapagsasabing Siya ay isang matuwid na Diyos? Kapag sinabi Ko ngayon na ang ilan sa inyo ay sasama kay Satanas sa katapusan, hindi ito nangangahulugang kasama ka ni Satanas mula sa pasimula; sa halip, ito ay nangangahulugang ikaw ay nagpakababa nang husto na kahit sinubukan pa ng Diyos na iligtas ka, ikaw ay nabigo pa rin na makamtan ang kaligtasan na iyon. Walang magagawa kundi pangkatin ka kasama ni Satanas. Ito lang ay sa kadahilanang ikaw ay hindi na maililigtas, hindi dahil ang Diyos ay di-matuwid sa iyo, nangangahulugang hindi dahil sinadya ng Diyos na itakda ang iyong kapalaran bilang kumakatawan kay Satanas at sa gayon pinapangkat ka kay Satanas at sadyang gusto kang magdusa. Hindi iyan ang katotohanang napapaloob sa gawaing panlulupig. Kung iyan ang iyong pinaniniwalaan, sa gayon ang iyong pag-unawa ay lubhang nakahilig sa isang panig lang! Ang kahuli-huling yugto sa panlulupig ay naglalayong magligtas ng mga tao at magbunyag din ng mga katapusan ng mga tao. Ito ay upang isiwalat ang pagpapakasama ng mga tao sa pamamagitan ng paghatol at sa gayon sila ay magsisi, bumangon, at itaguyod ang buhay at ang tamang landas ng buhay ng tao. Ito ay upang gisingin ang mga puso ng mga manhid at mapurol na tao at upang ipakita, sa pamamagitan ng paghatol, ang kanilang panloob na paghihimagsik Subalit, kung ang mga tao ay hindi pa rin makayang magsisi, hindi pa rin makayang itaguyod ang tamang landas ng buhay ng tao at hindi pa rin makayang itakwil ang mga kasamaang ito, sa gayon sila ay magiging mga layon na hindi na maililigtas para malulon ni Satanas. Ito ang kabuluhan ng panlulupig-upang iligtas ang mga tao at upang ipakita rin ang kanilang katapusan. Magandang katapusan, masamang katapusan-itong lahat ay ibinubunyag ng gawaing panlulupig. Kung ang mga tao ay maliligtas o isusumpa ay ibinubunyag lahat sa panahon ng gawaing panlulupig.

   Ang mga huling araw ay kung kailan ang lahat ng mga bagay ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng panlulupig. Ang panlulupig ay ang gawain sa mga huling araw; sa ibang salita, ang paghatol sa bawat kasalanan ng tao ay ang gawain sa mga huling araw. Sa gayon, paano pagpapangkat-pangkatin ang mga tao? Ang gawain sa pagpapangkat-pangkat sa inyo ay ang umpisa ng ganitong gawain sa buong sansinukob. Pagkatapos nito, ang lahat ng tao ng iba’t-ibang bansa saanman ay mapasasailalim sa gawaing panlulupig. Nangangahulugan ito na ang bawat tao ng sangnilikha ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa uri, paglapit sa luklukan ng paghatol upang hatulan. Walang tao at walang bagay ang makakatakas sa pagdurusa nitong pagkastigo at paghatol, at walang tao at walang bagay ang makakaiwas sa pagpapangkat-pangkat ayon sa uri; ang lahat ay isasaayos ayon sa mga klase. Ito ay dahil ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng mga bagay at lahat ng mga kalangitan at ang lupa ay humahantong sa wakas nito. Paano makatatakas ang tao sa katapusan ng kanyang pag-iral? Kaya, gaano katagal pa ninyong ipagpapatuloy ang inyong mga gawaing pagsuway? Hindi ba ninyo nakikita na napakalapit na ang inyong mga huling araw? Paanong hindi makikita ng mga gumagalang sa Diyos at nasasabik para sa Kanya ang araw ng matuwid na pagpapakita ng Diyos? Paanong hindi nila matatanggap ang huling gantimpala para sa kabutihan? Ikaw ba yaong gumagawa ng mabuti, o yaong gumagawa ng masama? Ikaw ba yaong tumatanggap ng matuwid na paghatol at pagkatapos ay sumusunod o pagkatapos ay sinusumpa? Nabubuhay ka ba sa liwanag sa harap ng luklukan ng paghatol, o sa kadiliman sa ilalim ng mundo? Hindi ba ikaw mismo ang nakakaalam nang pinakamalinaw kung ang iyong wakas ay may gantimpala o may kaparusahan? Hindi ba ikaw ang nakaaalam nang pinakamalinaw at nakauunawa nang pinakamalalim na ang Diyos ay matuwid? Kaya, sa totoo lang, kamusta ang iyong pag-uugali at anong uri ng puso ang mayroon ka? Habang nilulupig kita sa kasalukuyan, kailangan mo pa ba talagang idetalye Ko para sa iyo kung ang iyong pag-uugali ay sa kasamaan o sa kabutihan? Gaano na karami ang iyong isinuko para sa Akin? Gaano kalalim ang pagsamba mo sa Akin? Alam na alam mo sa sarili mo kung paano ka sa Akin—hindi ba iyon totoo? Dapat mas alam mo kaysa kaninuman kung ano ang iyong kahahantungan! Totohanang sinasabi Ko sa iyo, nilikha Ko lamang ang sangkatauhan, at ikaw ay nilikha Ko, ngunit hindi Ko kayo ibinigay kay Satanas; at hindi Ko kinusang papagrebeldehin kayo o labanan Ako at samakatuwid ay parurusahan Ko. Hindi ba sinapit ninyo ang mga kalamidad na ito dahil ang inyong mga puso ay naging sobrang matigas at ang inyong pag-uugali ay sobrang karumal-dumal? Kaya hindi ba totoo na mapagpapasyahan ninyo ang inyong sariling wakas? Hindi ba totoo na nalalaman ninyo sa inyong mga puso, higit sa kaninuman, kung paano kayo magwawakas? Ang dahilan kung bakit nilulupig Ko ang mga tao ay upang ibunyag sila, at gayundin upang mas matiyak ang inyong kaligtasan. Hindi upang tulutan kang gumawa ng masama o kusang hayaan kang lumakad tungo sa impiyerno ng pagkawasak. Pagdating ng panahon, lahat ng iyong matinding pagdurusa, ang pagtangis at pagngangalit ng iyong mga ngipin—hindi ba ang lahat ng iyon ay dahil sa iyong mga kasalanan? Kaya, hindi ba ang iyong sariling kabutihan o ang iyong sariling kasamaan ang pinakamahusay na paghatol sa iyo? Hindi ba ito ang pinakamahusay na katibayan kung ano ang iyong magiging wakas?

Ngayon mismo ginagamit Ko ang gawain ng mga taong ito sa Tsina upang ibunyag ang lahat ng kanilang mapanghimagsik na disposisyon at ilantad ang lahat ng kanilang kapangitan. Ito ang pinagmulan ng pagsasabi ng lahat ng kailangan Kong sabihin. Pagkatapos, gagawin Ko ang susunod na hakbang sa gawain sa panlulupig ng buong sansinukob. Gagamitin Ko ang Aking paghatol sa inyo upang hatulan ang di-pagkamatuwid ng bawat isa sa buong sansinukob sapagkat kayong mga tao ay ang mga kumakatawan sa mga mapanghimagsik sa sangkatauhan. Silang mga walang paninindigan ay magiging mga pagkakaiba at mga gamit sa paglilingkod lamang, samantalang silang may kakayanan ang gagamitin. Bakit Ko sinasabi na silang mga walang paninindigan ay magsisilbing pagkakaiba? Sapagkat ang Aking mga salita at gawa sa kasalukuyan ay nakatutok sa inyong pinagmulan at dahil kayo ay naging mga kumakatawan at ang halimbawa ng pagiging mapanghimagsik sa lahat ng sangkatauhan. Pagkatapos ay dadalhin Ko ang mga salitang ito na lumulupig sa inyo sa mga dayuhang bansa at gagamitin Ko ang mga ito upang lupigin ang mga tao roon, ngunit ang mga ito'y hindi mo pa makakamtan. Hindi ka ba magiging pagkakaiba sa gayon? Ang masasamang disposiyon ng buong sangkatauhan, mga mapanghimagsik na kilos ng tao, ang mga pangit na wangis at mga mukha ng tao, ay lahat nakatala ngayon sa mga salita na ginamit upang lupigin kayo. Gagamitin Ko sa gayon ang mga salitang ito upang lupigin ang mga tao sa bawat bansa at bawat denominasyon sapagkat kayo ang modelo, ang pinamamarisan. Gayunpaman, hindi Ko binalak na sadyang pabayaan kayo; kung ikaw ay nagkukulang sa iyong mga pagtaguyod at samakatuwid pinatutunayan mong ikaw ay di-mapapagaling, hindi ba't ikaw ay basta na lang isang gamit sa paglilingkod at pagkakaiba? Nasabi Ko minsan na ang Aking karunungan ay ginagamit batay sa mga panukala ni Satanas. Bakit Ko sinabi iyon? Hindi ba iyon ang katotohanan sa likod ng Aking sinasabi at ginagawa ngayon? Kung hindi ka magsusumikap, kung hindi ka ginagawang perpekto ngunit sa halip ay pinarurusahan, hindi ka ba magiging isang hambingan? Maaaring dumanas ka ng isang mabuting pakikitungo sa iyong panahon, ngunit wala ka pa ring nauunawaan sa ngayon; ikaw ay mangmang sa lahat ng bagay tungkol sa buhay. Kahit na ikaw ay nakastigo at nahatulan, hindi ka pa rin nagbago sa anumang paraan at sa iyong kaibuturan hindi ka nagkamit ng buhay. Pagdating ng panahon para subukin ang iyong gawain, makararanas ka ng isang pagsubok na kasing bangis ng apoy at higit pang malaking kapighatian. Gagawing mga abo ng apoy na ito ang iyong buong pagkatao. Kagaya ng isang taong hindi nagtataglay ng buhay, isang taong wala ni katiting na dalisay na ginto sa loob, isang taong nakalubog pa rin sa dating masamang disposisyon, at isang taong ni hindi makagawa ng isang mahusay na trabaho bilang isang hambingan, paanong hindi ka aalisin? Anong halaga ang tinataglay ng gawaing panlulupig para sa isang tao na mas mababa pa ang halaga kaysa sa isang kusing at hindi nagtataglay ng buhay? Kapag dumating ang panahong iyon, ang inyong mga araw ay magiging mas mahirap kaysa mga araw ni Noe at ng Sodoma! Ang iyong mga panalangin ay walang magagawang mabuti para sa inyo sa panahong iyon. Sa sandaling magtapos ang gawaing pagliligtas, paano ka mag-uumpisang muli para magsisi? Sa sandaling ang lahat ng gawaing pagliligtas ay magawa, wala nang magiging iba pang gawain ng pagliligtas. Ang magaganap ay ang simula ng gawain ng pagpaparusa sa masama. Ikaw ay lumalaban, ikaw ay naghihimagsik, at ikaw ay gumagawa ng mga bagay na nalalaman mong masama. Hindi ba ikaw ang pinatutungkulan ng mabigat na kaparusahan? Sinasabi Ko ito para sa iyo sa kasalukuyan. Kung pipiliin mong huwag makinig, at sumapit sa iyo ang sakuna kinalaunan, hindi ba magiging masyadong huli kung pagkatapos noon mo lamang sisimulang madama ang pagsisisi at sisimulang maniwala? Ibinibigay Ko sa iyo ang isang pagkakataon na magsisi sa kasalukuyan, ngunit ayaw mo. Gaano katagal mo nais maghintay? Hanggang sa araw ng pagkastigo? Hindi Ko natatandaan sa kasalukuyan ang iyong nakaraang mga pagsalangsang; Pinapatawad kita nang paulit-ulit, tinatalikdan ang iyong negatibong bahagi upang tumingin lamang sa iyong positibong bahagi, sapagkat lahat ng Aking mga salita at gawain sa kasalukuyan ay inilaan upang iligtas ka at wala Akong masamang layunin sa iyo. Ngunit tumatanggi kang pumasok; hindi mo makita ang pagkakaiba ng mabuti sa masama at hindi alam kung paano pahalagahan ang kagandahang-loob. Hindi ba determinado ang uri ng taong ito na maghintay para sa kaparusahang iyon at matuwid na kagantihang iyon?

   Nang hinampas ni Moises ang bato, at ang tubig na ibinigay ni Jehova ay bumukal, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Nang tinugtog ni David ang lira sa pagpupuri sa Akin, si Jehova—na ang kanyang puso ay puno ng kagalakan—ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Nang naiwala ni Job ang kanyang kawan na pumupuno sa mga bundok at di-masukat na karamihan ng kayamanan, at ang kanyang katawan ay napuno ng masasakit na pigsa, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Kapag naririnig niya ang Aking tinig, si Jehova, at nakikita ang Aking luwalhati, si Jehova, ito ay dahil sa kanyang pananampalataya. Na nakakasunod si Pedro kay Jesus Cristo, ito ay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya. Na maari siyang mapako sa krus alang-alang sa Akin at magbigay ng maluwalhating patotoo, ito ay sa pamamagitan din ng kanyang pananampalataya. Nang nakita ni Juan ang maluwalhating larawan ng Anak ng tao, ito ay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya. Nang nakita niya ang pangitain ng mga huling araw, lalo nang lahat ito ay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya. Ang dahilan kung bakit ang sinasabing karamihan ng mga bansang Gentil ay nakatamo ng Aking pagbubunyag, at nakaalam na nakabalik na Ako sa katawang-tao upang gawin ang Aking gawain sa gitna ng tao, ito ay dahil din sa kanilang pananampalataya. Hindi ba lahat niyaong sinasaktan ng Aking mabagsik na salita at inililigtas ay ginawang gayon dahil sa kanilang pananampalataya? Ang mga tao ay tumanggap ng napakaraming mga bagay sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang kanilang tinatanggap ay hindi palaging pagpapala—upang madama ang uri ng kaligayahan at kagalakan na nadama ni David, o upang pagkalooban ng tubig ni Jehova kagaya ng ginawa ni Moises. Halimbawa, sa kalagayan ni Job, tumanggap siya ng pagpapala ni Jehova gayundin ng isang hagupit sa pamamagitan ng pananampalataya. Tumatanggap ka man ng pagpapala o nagtitiis ng isang hagupit, kapwa itong mga pinagpalang pangyayari. Kung walang pananampalataya, hindi ka makatatanggap ng ganitong gawaing panlulupig, lalong hindi mamamasdan ang mga gawa ni Jehova na ipinakikita sa iyo sa kasalukuyan. Hindi mo magagawang makita, at lalong hindi mo magagawang tanggapin. Ang mga hagupit na ito, ang mga kalamidad na ito, at ang lahat ng mga paghatol—kung hindi sumapit sa iyo ang mga ito, magagawa mo bang makita ang mga gawa ni Jehova sa kasalukuyan? Ngayon ang pananampalataya ang nagpapahintulot sa iyo na malupig, at ang pagiging nalupig ang nagpapahintulot sa iyo na manalig kay Jehova. Dahil lamang sa pananampalataya kaya ka nakatatanggap ng ganitong uri ng pagkastigo at paghatol. Sa pamamagitan ng mga pagkastigo at mga paghatol na ito, ikaw ay nilulupig at nagiging perpekto. Kung wala ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol na tinatanggap mo ngayon, ang iyong pananampalataya ay mawawalan ng kabuluhan. Sapagkat hindi mo kilala ang Diyos, kahit gaano ka naniniwala sa Kanya, ang iyong pananampalataya ay mananatiling isang basyong pahayag na walang batayan sa realidad. Matapos mo lang tanggapin ang ganitong uri ng gawaing panlulupig na ginagawa kang lubos na masunurin na ang iyong pananampalataya ay magiging totoo at maaasahan at ang iyong puso ay matutuon sa Diyos. Kahit na ikaw ay hinatulan o sinumpa nang matindi dahil sa salitang “pananampalataya,” ikaw ay mayroong totoong pananampalataya, at ikaw ay makatatanggap ng pinakatunay, pinakatotoo, at pinakamahalagang bagay. Ito ay dahil sa pagpapatuloy lamang ng paghatol na makikita mo ang huling hantungan ng mga nilalang ng Diyos; sa paghatol na ito iyong makikita na ang Maylikha ay dapat ibigin; sa ganitong uri ng gawaing panlulupig makikita mo ang bisig ng Diyos; sa panlulupig na ito mauunawaan mo nang lubos ang buhay ng tao; sa panlulupig na ito makakamtan mo ang tamang landas ng buhay ng tao at mauunawaan mo ang totoong kahulugan ng “tao”; sa panlulupig na ito lang makikita mo ang matuwid na disposisyon ng Makapangyarihan at ang Kanyang maganda, maluwalhating mukha; sa gawaing panlulupig na ito matututunan mo ang tungkol sa pinanggalingan ng tao at mauunawaan ang “walang kamatayang kasaysayan” ng buong sangkatauhan; sa ganitong panlulupig ay maiintindihan mo ang mga ninuno ng sangkatauhan at ang pinanggalingan ng kasamaan ng sangkatauhan; sa panlulupig na ito ay makatatanggap ka ng kaligayahan at kaginhawaan gayundin ng walang katapusang pagkastigo, disiplina, at ang mga pangaral na salita mula sa Maylikha sa sangkatauhang Kanyang nilikha; sa gawaing panlulupig na ito tatanggap ka ng mga pagpapala, at tatanggap ka ng mga sakuna na dapat tanggapin ng tao.... Hindi ba ang lahat ng ito ay dulot ng iyong mumunting pananampalataya? Matapos ninyong makamtan ang mga bagay na ito, hindi ba sumibol ang iyong pananampalataya? Hindi ka ba nakakamit ng napakalaking halaga? Hindi mo lamang narinig ang mga salita ng Diyos at nakita ang karunungan ng Diyos, ngunit personal mo ring naranasan ang bawat hakbang ng gawain. Siguro sasabihin mo na kung wala kang pananampalataya, sa gayon hindi ka magdurusa ng ganitong uri ng pagkastigo o ganitong uri ng paghatol. Ngunit dapat mong malaman na kung walang pananampalataya, hindi ka lang hindi makatatanggap ng ganitong uri ng pagkastigo o ganitong uri ng pagkalinga mula sa Makapangyarihan, kundi magpakailanmang mawawala mo ang pagkakataong makita ang Maylikha. Hinding-hindi mo malalaman ang pinagmulan ng sangkatauhan at mauunawaan kailanman ang kahalagahan ng buhay ng tao. Kahit na ang iyong katawan ay mamatay at ang iyong kaluluwa ay yumao, hindi mo pa rin mauunawaan ang lahat ng mga ginawa ng Maylikha. Lalong hindi mo malalaman na gumawa ng gayong kadakilang gawain sa mundo ang Maylikha matapos Niyang likhain ang sangkatauhan. Bilang kasapi nitong sangkatauhan na Kanyang ginawa, ikaw ba ay pumapayag na di-nauunawaang mahulog nang ganito sa kadiliman at magdusa ng walang hanggang kaparusahan? Kung ihiwalay mo ang inyong sarili sa pagkastigo at paghatol ngayon, ano ang iyong haharapin? Sa tingin mo ba na minsang maihiwalay sa kasalukuyang paghatol ay makatatakas ka sa mahirap na buhay na ito? Hindi ba totoo na kung lumisan ka sa “lugar na ito,” ang iyong haharapin ay masakit na pagdurusa o malulupit na pinsalang ipinataw ng diyablo? Ikaw ba ay haharap sa di-makayanang mga araw at mga gabi? Sa tingin mo ba dahil lang natakasan mo ang paghatol na ito ngayon, magpakailanman mong maiiwasan ang pahirap sa hinaharap? Ano kaya ang darating sa iyo? Ito kaya ang Shangri-La na iyong inaasahan? Sa tingin mo ba ay matatakasan mo ang susunod na walang hanggang pagkastigo sa pamamagitan lang ng pagtakas sa realidad na iyong ginagawa? Pagkatapos ng ngayon, makahahanap ka ba kaya ng ganitong uri ng pagkakataon at ganitong uri ng pagpapala muli? Matatagpuan mo ba ang mga ito kapag dinatnan ka ng sakuna? Matatagpuan mo ba ang mga ito kapag ang lahat ng sangkatauhan ay nakapagpahinga na? Ang kasalukuyang masaya mong buhay at ang iyong magkaayong munting pamilya-maari bang sila ang papalit sa iyong hinaharap na walang hanggang hantungan? Kung ikaw ay may totoong pananampalataya, at kung marami kang makamtan dahil sa iyong pananampalataya, kung gayon lahat ng iyan ay ang dapat mong—isang nilalang—makamtan at gayundin ay dapat mong taglay. Itong uri ng panlulupig ay ang pinakakapaki-pakinabang sa iyong pananampalataya at ang pinakakapaki-pakinabang sa iyong buhay.

   Sa kasalukuyan kailangan mong maunawaan kung ano ang hinihingi ng Diyos sa kanila na nilulupig, kung ano ang Kanyang saloobin sa kanila na ginagawang perpekto, at kung ano ang dapat mong pinapasok kaagad. Ang ilang bagay ay kailangan mo lamang maunawaan nang kaunti. Ang ilang mga usapin tungkol sa mga misteryo ay hindi mo na kailangan pang pagkaabalahang tuklasin. Hindi gaanong nakatutulong ang mga ito sa buhay, at hindi sapat na tumingin lamang sa mga ito. Halimbawa, ang mga misteryong kagaya ng tungkol kina Adan at Eba ang kailangan mong malaman. Kung ano ang tungkol kina Adan at Eba noong panahong iyon at kung anong gawain ang kinakailangang gawin sa kasalukuyan—ang tungkol sa mga ito ang kailangan mong malaman.[a] Kailangan mong maunawaan na sa paglupig at sa pagperpekto ng tao, ninanais ng Diyos na ibalik ang tao sa naging kalagayan nina Adan at Eba. Gaano kaperpekto dapat ang tao upang makaabot sa pamantayan ng Diyos—dapat kang magkaroon ng maayos na pagkaunawa ukol doon at naising maabot ito nang todo. Iyon ay tungkol sa iyong pagsasagawa at isang bagay na dapat mong maunawaan. Kailangan mo lamang maghangad na pumasok alinsunod sa mga salita tungkol sa mga usaping ito. Kapag nabasa mo na “ang kasaysayan ng pag-unlad ng sangkatauhan ay sampu-sampung libong mga taon na ang nakaraan,” nagiging interesado ka, at kaya tatangkain mong alamin ito kasama ang mga kapatid. “Sinasabi ng Diyos na ang pag-unlad ng sangkatauhan ay anim na libong taon na ang nakararaan, tama? Ano ang tungkol sa sampu-sampung libong taon na ito?” Ano ang kabuluhan sa pagtatangkang tuklasin ito? Kahit na ang Diyos ay gumagawa sa loob ng sampu-sampung libong taon o sa loob ng daan-daang milyong taon—kailangan ba Niyang tuklasin mo ito? Hindi ito isang bagay na dapat mong malaman bilang isang nilikha. Maaari ka lamang sumulyap sa ganitong uri ng usapin; huwag susubukang unawain ito kagaya ng isang pangitain. Ang dapat mong malaman ay ang tungkol sa dapat mong pasukin at makamit nang malinaw ngayon din. Pag-isipan at maging malinaw tungkol sa mga ito. Sa gayon ka lamang malulupig. Pagkatapos basahin ang nasa itaas, maaaring magkaroon ka ng normal na reaksyon: Ang Diyos ay nag-aapoy sa kabalisahan. Nais Niya tayong lupigin at magkamit ng kaluwalhatian at patotoo. Paano tayo makikipagtulungan sa Kanya? Ano ang dapat nating gawin upang ganap Niya tayong malupig at maging Kanyang patotoo? Ano ang dapat nating gawin upang magawa ng Diyos na makamit ang kaluwalhatian? Ano ang dapat nating gawin upang tulutan ang mga sarili natin na mabuhay sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos at hindi sa ilalim ng sakop ni Satanas? Ito ang dapat pag-isipan ng mga tao. Ang bawat isa sa inyo ay dapat malinaw sa kabuluhan ng paglupig. Iyon ay pananagutan ninyo. Pagkatapos lamang na makamit ang kaliwanagang ito na magkakaroon kayo ng pagpasok, malalaman ninyo ang yugtong ito ng gawain, at magiging ganap kayong masunurin. Kung hindi, hindi ninyo matatamo ang tunay na pagsunod.

Talababa:

a. Inalis sa orihinal na teksto ang "ang tungkol sa mga ito ang kailangan mong malaman."

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento