Kidlat ng Silanganan-Ano ang kaibhan sa pagitan ng buhay sa iglesia sa Kapanahunan ng Biyaya at ng buhay sa iglesia sa Kapanahunan ng Kaharian?

Jesus, Biblia, Iglesia, buhay, pananampalataya,

Kidlat ng Silanganan-Ano ang kaibhan sa pagitan ng buhay sa iglesia sa Kapanahunan ng Biyaya at ng buhay sa iglesia sa Kapanahunan ng Kaharian?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan.
At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan; Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:26-28).

“At ako’y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat. At kaniyang sinabi sa akin, Kunin mo ito, at ito’y kanin mo; at papapaitin ang iyong tiyan, datapuwa’t sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot” (Pahayag 10:9).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang lahat ng mga gawain na ginagawa ng tao ay pagganap ng kanyang tungkulin bilang isa sa sangnilikha at ito ay ginagawa kapag naaantig o naliliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang patnubay na ibinibigay ng gayong mga tao ay kung paano ang magsagawa sa pang-araw-araw na buhay ng tao at kung paano ang tao ay dapat kumilos na katugma sa kalooban ng Diyos. … ay upang manguna sa daan. Maging ang paraan ay bago o luma, ang gawain ay ginawa sa batayang hindi lalabis sa mga panuntunan ng Biblia. Kung ang mga lokal na iglesia man ay binuhay muli o itinayo, ang kanilang gawain ay upang itatag ang mga iglesia. Ipinagpatuloy ng gawaing kanilang ginawa ang gawain na hindi natapos ni Jesus at ng mga apostol o pinaunlad pang lalo sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang kanilang ginawa sa kanilang gawain ay upang buhaying muli kung ano ang hiniling ni Jesus sa Kanyang gawain sa mga salinlahi pagkatapos Niya, kagaya ng pagpapanatiling nakatalukbong ang kanilang mga ulo, bautismo, pagpipira-piraso ng tinapay, o pag-inom ng alak. Maaring sabihin na ang kanilang gawain ay pinanatili lamang ang Biblia at naghahanap ng mga landas na nakapaloob lamang sa Biblia.Wala silang ginawang bagong pagsulong sa anumang paraan. Samakatuwid, makikita ng isa sa kanilang gawain ang pagkatuklas lamang ng mga bagong pamamaraan na nakapaloob sa Biblia, gayundin ang mas mahusay at mas makatotohanang mga pagsasagawa. Nguni't hindi makikita ng isa sa kanilang gawain ang kasalukuyang kalooban ng Diyos, lalong hindi makikita ang bagong gawain na gagawin ng Diyos sa mga huling araw. Ito ay dahil sa ang landas na kanilang nilakaran ay isa na luma pa rin; walang pagsulong at walang anumang bago. Nagpatuloy silang mapanatili ang katotohanan ng "ang pagkakapako sa krus ni Jesus," ang pagsasagawa ng "paghingi sa mga tao na magsisi at ikumpisal ang kanilang mga kasalanan," ang kasabihan na "siya na nagtitiis hanggang sa wakas ay maliligtas," at ang kasabihan na "ang lalaki ang pinuno ng babae, at dapat pasakop ang babae sa kanyang asawa." Higit pa rito, pinanatili nila ang makalumang pagkaintindi na "hindi makapangangaral ang mga kapatid na babae, at magagawa lamang nilang sumunod."

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang inyong sinasabi ay lipas na! Ito ay alinman sa pag-akyat sa trono, o ang paghahanda sa katayuan ng pagiging hari; alin man sa pagtatanggi sa sarili o pagsupil sa katawan ng isa; alin man sa pagiging matiisin o pagkatuto sa aral ng mga bagay; alin man sa kababaang-loob o pag-ibig. Hindi ba't ito'y pagsabi lang ng dating parehong aral? Ito ay isang kalagayan lang ng pagtawag ng parehong bagay sa magkaibang pangalan! Alin man sa pagtatakip sa ulo ng isang tao at paghahati ng tinapay, o pagpapatong ng mga kamay at pagdarasal, at pagpapagaling sa may sakit at pagpapalayas sa mga demonyo. Magkakaroon ba ng bagong gawain? Magkakaroon ba ng inaasam na pag-unlad?

mula sa “Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga pastor at mga pinuno sa relihiyosong mundo, halimbawa, ay umaasa sa kanilang mga kaloob at mga katungkulan upang gawin ang kanilang gawain. Ang mga tao na sumusunod sa kanila sa mahabang panahon ay mahahawa sa kanilang mga kaloob at maiimpluwensiyahan ng ilan sa kung ano sila. Nakatuon sila sa mga kaloob ng mga tao, mga kakayahan, at kaalaman, at nagbibigay sila ng pansin sa mga higit-sa-karaniwang mga bagay at sa maraming mga malalalim na di-makatotohanang turo (mangyari pa, ang ganitong mga malalalim na turo ay hindi matatamo). Hindi sila nagtutuon ng pansin sa mga pagbabago sa disposisyon ng mga tao, sa halip ay nakatuon sila sa pagsasanay sa pangangaral ng mga tao at mga kakayahan sa paggawa, pinabubuti ang kaalaman ng mga tao at saganang relihiyosong mga turo. Hindi sila nakatuon sa kung gaano kalaki sa disposisyon ng mga tao ang nabago o gaano karaming tao ang nakauunawa sa katotohanan. Hindi sila nagmamalasakit sa sangkap ng mga tao, o kahit subuking alamin ang normal at di-normal na mga katayuan ng mga tao. Hindi nila sinasalungat ang mga paniwala ng mga tao o ibinubunyag ang kanilang mga paniwala, lalong hindi inaayos ang kanilang mga kakulangan o mga katiwalian. Karamihan sa mga tao na sumusunod sa kanila ay naglilingkod sa pamamagitan ng likas nilang mga kaloob, at ang kanilang ipinahahayag ay kaalaman at malabong relihiyosong katotohanan, na hindi makatotohanan at lubusang hindi nakapagbibigay ng buhay sa mga tao.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa tuwing nagtitipun-tipon ang mga naturang relihiyosong tao, tinatanong nila, “Kapatid, kumusta ka sa mga araw na ito?” Sasagot siya, “Pakiramdam kong may utang na loob ako sa Diyos at hindi ko kayang tuparin ang nais ng Kanyang puso.” Sasagot ang isa pa, “May utang na loob din ako sa Diyos at hindi ko Siya kayang bigyang-kasiyahan.” Sa mga pangungusap at salita lamang na ito ay ipinapahayag ang kasuklam-suklam na mga bagay na nasa loob ng kanilang mga puso. Ang mga naturang salita ang pinaka-nakapandidiri at lubusang kasuklam-suklam. Ang kalikasan ng naturang tao ay sumasalungat sa Diyos. Ang mga nakatuon sa katotohanan ay nakikipag-usap kung anuman ang nasa kanilang mga puso at binubuksan ang kanilang mga puso sa pakikipag-usap. Walang anumang bakas ng masamang gawa, walang kunwaring paggalang o mga walang katuturang pagbibiro. Lagi silang prangka at walang mga sinusunod na makamundong patakaran. May mga taong may pagkahilig sa pagkukunwari, kahit walang anumang kahulugan. Kapag kumakanta ang isa pa, nagsisimula siyang sumayaw, ni hindi man lang napapansin na sunog na ang kaning nasa kanyang palayok. Ang mga naturang uri ng tao ay hindi maka-Diyos o kagalang-galang, at masyadong mababaw. Ang lahat ng ito ay pagpapakita ng kakulangan ng katotohanan! Ang ilan ay nagtitipon upang makipagniig tungkol sa mga bagay ng ispiritwal na buhay, at bagaman hindi nila binabanggit ang pagkakautang sa Diyos, pinananatili nila ang tunay na pagmamahal sa Kanya sa loob ng kanilang mga puso. Ang iyong pagkakautang sa Diyos ay walang kinalaman sa iba; may utang na loob ka sa Diyos, hindi sa tao. Kaya anong silbi na parati mo itong binabanggit sa iba? Kailangang bigyan mo ng halaga ang pagtanggap sa katotohanan, hindi panlabas na sigasig o pakitang-tao.

mula sa “Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pangunahing kahalagahan ng pagsunod sa Diyos ay na ang lahat ay dapat alinsunod sa totoong mga salita ng Diyos: Maging ikaw ay naghahangad ng pagpasok sa buhay o ang katuparan ng kalooban ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa totoong mga salita ng Diyos. Kung ano ang iyong pakikipag-isa at hinahangad ay hindi nakasentro sa palibot ng totoong mga salita ng Diyos, kung gayon isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ukol sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang gusto ng Diyos ay ang mga taong sumusunod sa Kanyang mga yapak. Hindi alintana kung gaano man kakahanga-hanga at kadalisay kung ano ang naunawaan mo noong una, ayaw ito ng Diyos, at kung hindi mo magagawang isantabi ang gayong mga bagay, kung gayon ang mga ito ay napakalaking hadlang sa iyong pagpasok sa hinaharap. Lahat niyaong nagagawang sumunod sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. … "Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu" ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang mayroong kakayahan na tanggapin ang papuri ng Diyos at nakikita ang Diyos, ngunit makakaya ding malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakahuling gawain ng Diyos, at makakaya ding malaman ang mga pagkaintindi at pagkamasuwayin ng tao, at kalikasan at katuturan ng tao, mula sa Kanyang pinakahuling gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga tao lamang kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na nakasumpong sa tunay na daan.

mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento