Kidlat ng Silanganan-Paano unti-unting lumalalim ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos para maligtas at magawang perpekto ang mga tao?


Diyos, Jehova, katotohanan, Pagsamba, sundin,

Kidlat ng Silanganan-Paano unti-unting lumalalim ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos para maligtas at magawang perpekto ang mga tao?


4. Paano unti-unting lumalalim ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos para maligtas at magawang perpekto ang mga tao?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawat yugto, ang mga angkop na atas ay ibinigay sa tao.
At saka, habang lumilipas at sumusulong ang panahon, ang mga atas ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan ay mas tumaas. Kaya, dahan-dahan, ang gawaing ito ng pamamahala ng Diyos at naabot ang rurok, hanggang ang tao ay mapagmamasdan ang Katotohanan ng "pagpapakita ng Salita sa katawang-tao," at sa paraang ito ang mga atas sa tao ay mas tumaas, at ang mga atas sa tao na sumaksi ay mas tumaas. … Sa nakalipas, ang tao ay inatasang sumunod sa kautusan at mga batas, at inatasang maging matiisin at mapagpakumbaba. Ngayon, ang tao ay inatasan na sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos at magtaglay ng labis na pag-ibig sa Diyos, at sa huli ang tao ay inatasan na mahalin ang Diyos sa kabila ng paghihirap. Ang tatlong yugtong ito ay mga atas ng Diyos sa tao, dahan-dahan, sa kabuuan ng Kanyang pamamahala. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay mas lumalalim kaysa sa huli, at sa bawat yugto ang mga atas sa tao ay mas tumindi kaysa sa huli, at sa paraang ito, ang buong pamamahala ng Diyos ay unti-unting nabubuo. Dahil ang mga atas sa tao ay lalong tumataas, ang disposisyon ng tao ay mas lumalapit sa pamantayang kailangan ng Diyos, at saka lamang lubusang makalalayo ang buong sangkatauhan sa impluwensya ni Satanas hanggang sa matapos ang gawain ng Diyos, ang buong sangkatauhan ay maililigtas mula sa impluwensya ni Satanas.

   mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

   Nagsimula ang gawain ng pamamahala ng Diyos sa paglikha ng daigdig, at ang tao ay ang ubod ng gawaing ito. Ang paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, maaaring sabihin, ay para sa kapakanan ng tao. Dahil ang gawain ng Kanyang pamamahala ay umaabot sa libu-libong mga taon, at hindi ipinatupad sa loob lamang ng ilang minuto o segundo, o kahit sa isang kisap-mata, o higit sa isa o dalawang taon, kailangan Niyang likhain ang marami pang mga bagay na kailangan para sa pananatiling-buháy ng tao, tulad ng araw, buwan, lahat ng uri ng mga nilalang na nabubuhay, at pagkain at isang buháy na kapaligiran para sa sangkatauhan. Ito ang pinagsimulan ng pamamahala ng Diyos.

   Matapos iyan, ipinasa ng Diyos ang sangkatauhan kay Satanas, ang tao ay namuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at ito ay unti-unting humantong sa gawain ng Diyos sa unang kapanahunan: ang kuwento ng Kapanahunan ng Kautusan…. Sa panahon ng ilang libong taon ng Kapanahuan ng Kautusan, ang sangkatauhan ay nasanay sa patnubay ng Kapanahunan ng Kautusan, at sila ay nagsimulang magwalang-bahala, at dahan-dahang lumisan sa pangangalaga ng Diyos. At sa gayon, kasabay ng pamamalagi sa kautusan, sumamba rin sila sa mga diyus-diyosan at gumawa ng masasamang gawain. Sila ay walang pag-iingat ni Jehova, at isinasabuhay lamang ang kanilang mga buhay sa harap ng dambana ng templo. Sa katunayan, matagal na silang iniwan ng gawain ng Diyos, at kahit na nanatili ang mga Israelita sa batas, at binibigkas ang pangalan ni Jehova, at buong pagmamalaking naniwala na sila lamang ang mga tao ni Jehova at ang mga piniling isa ni Jehova, ang kaluwalhatian ng Diyos ay tahimik silang tinalikuran …

…………

   Gaya ng palaging nangyayari, matapos ang gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, sinimulan ng Diyos ang Kanyang bagong gawain ng ikalawang yugto: pagkakatawang-tao, naging katawang-tao sa loob ng sampu, dalawampung taon, at sinasalita at ginagawa ang Kanyang gawain sa gitna ng mga mananámpalátáyá. Gayunma’y walang eksepsyon, walang nakaalam, at tanging maliit na bilang ng mga tao ang kumilala na Siya ay Diyos na nagkatawang-tao matapos na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at muling nabuhay. ... Sa sandaling ang pangalawang yugto ng gawain ng Diyos ay natapos—matapos ang pagkapako sa krus—ang gawain ng Diyos ng pagbawi sa tao mula sa kasalanan (na ang ibig sabihin, pagbawi ng tao mula sa mga kamay ni Satanas) ay natupad. At sa gayon, mula sa sandaling iyon at pasulong, kailangan lamang tanggapin ng sangkatauhan ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas para ang kanyang mga kasalanan ay mapatawad. Sa pagbigkas lamang, ang mga kasalanan ng tao ay hindi na hadlang sa kanyang pagkamit ng kaligtasan at paglapit sa harap ng Diyos at hindi na batayan ng pag-usig ni Satanas sa tao. Iyon ay dahil ang Diyos Mismo ay nagsagawa ng aktwal na gawain, naging ang wangis at patikim ng makasalanang laman, at ang Diyos Mismo ang naging alay para sa kasalanan. Sa ganitong paraan, ang tao ay bumaba mula sa krus, natutubos at naililigtas dahil sa katawang-tao ng Diyos, ang wangis nitong makasalanang laman. At kaya, matapos na mabihag ni Satanas, ang tao ay nakarating ng isang hakbang papalapit sa pagtanggap ng kaligtasan sa harap ng Diyos. Sabihin pa, ang yugtong ito ay isang hakbang ng pamamahala ng Diyos mula sa Kapanahunan ng Kautusan, at isang mas malalim na antas kaysa Kapanahunan ng Kautusan.

…………

   At pagkatapos ay dumating ang Kapanahunan ng Kaharian, na siyang mas praktikal na yugto ng gawain at gayunman ay siya ring pinakamahirap para sa tao na tanggapin. Iyon ay dahil habang mas napapalapít ang tao sa Diyos, mas napapalapit ang tungkod ng Diyos sa tao, at mas malinaw na nakikita ang mukha ng Diyos sa harap ng tao. Kasunod ng pagtubos sa sangkatauhan, ang tao ay opisyal na bumabalik sa pamilya ng Diyos. Akala ng tao ay ngayon ang oras para sa kasiyahan, nguni’t siya ay isinasailalim sa isang harap-harapang paglusob ng Diyos na ang mga katulad ay hindi pa nakita ng sinuman. Ang kinalalabasan nito, ito ay isang bautismo na dapat “ikasiya” ng bayan ng Diyos. Sa ilalim ng nasabing pagtrato, ang mga tao ay walang pagpipilian kung hindi huminto at isipin ang kanilang mga sarili, Ako ang tupa, na nawala nang maraming taon, na pinaggugulan ng Diyos nang labis upang maibalik, nguni’t bakit ganito ako ituring ng Diyos? Ito ba ang paraan ng Diyos ng pagtawa sa akin, at pagbubunyag sa akin? ... Pagkaraan ng ilang taon, ang tao ay nabugbog ng panahon, naranasan ang paghihirap ng pagpipino at pagkastigo. Kahit naiwala ng tao ang “kaluwalhatian” at “pag-iibigan” ng panahong nakalipas, hindi-namamalayang nakarating siya sa pagkaunawa sa katotohanan ng pagiging isang tao, at nagkaroon ng pagpapahalaga sa ilang taóng panata ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan. Ang tao ay marahang nagsimulang masuklam sa kanyang sariling kagaspangan. Sinimulan niyang kamuhian ang kanyang kabangisan, at lahat ng mga hindi-pagkaunawa sa Diyos, at ang mga wala-sa-katwirang kahilingan na ginawa niya sa Kanya. Hindi maibabalik ang panahon; ang mga nakaraang kaganapan ay nagiging malungkot na mga alaala ng tao, at ang mga salita at pag-ibig ng Diyos ay nagiging puwersang magdadala sa bagong buhay ng tao. Ang mga sugat ng tao ay naghihilom araw-araw, ang kanyang kalakasan ay nanunumbalik, at siya ay tumatayo at tumitingin sa mukha ng Makapangyarihan sa lahat ... upang matuklasan lamang na Siya ay palaging nasa aking tabi, at ang Kanyang ngiti at ang Kanyang magandang mukha ay lubhang nakapupukaw pa rin. Ang Kanyang puso ay nagtataglay pa rin ng malasakit para sa sangkatauhan na Kanyang nilikha, at ang Kanyang mga kamay ay mainit pa rin at makapangyarihan tulad ng sa simula. Para bang ang tao ay bumalik sa Hardin ng Eden, nguni’t sa sandaling ito ang tao ay hindi na nakikinig sa mga pang-aakit ng ahas, hindi na tumatalikod palayo sa mukha ni Jehova. Ang tao ay lumuluhod sa harapan ng Diyos, tumitingala sa nakangiting mukha ng Diyos, at iniaalok ang kanyang pinaka-mahalagang sakripisyo—O! Aking Panginoon, aking Diyos!

   mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

   Ang gawain na ginawa ni Jesus ay mataas lamang ng isang baitang kaysa sa Lumang Tipan; ito ay ginamit upang simulan ang ang isang kapanahunan, at upang pangunahan ang gayong kapanahunan. Bakit Niya sinabing, "Ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin"? Subalit sa Kanyang gawain marami ang naiiba mula sa mga batas na isinasagawa at ang mga utos na sinusunod ng mga Israelita ng Lumang Tipan, sapagkat hindi Siya dumating upang sumunod sa batas, ngunit para tuparin ito. Kasama sa proseso nang pagtupad nito ang maraming totoong mg abagay:Ang Kanyang gawain ay higit na praktikal at totoo, at, tangi sa roon, ito ay buhay, at hindi ang bulag na pagsunod sa doktrina. Hindi ba pinanatili ng mga Israelita ang Sabbath? Nang si Jesus ay dumating hindi Siya sumusunod sa Sabbath, sapagkat Kanyang sinabi na ang Anak ng tao ay ang Panginoon ng Sabbath, at kapag ang Panginoon ng Sabbath ay dumating, gagawin Niya ang gusto Niya. Siya ay dumating upang tuparin ang mga batas ng Lumang Tipan at upang baguhin ang mga batas. Ang lahat ng naisagawa ngayon ay batay sa kasalukuyan, ngunit ito pa rin ay umaasa sa saligan ng gawain ni Jehovah sa Kapanahunan ng Kautusan, at hindi lumalabag sa saklaw na ito. Ang bantayan ang inyong mga dila, at ang hindi pangangalunya, halimbawa—hindi ba’t ito ang mga kautusan ng Lumang Tipan? Ngayon, ang mga hinihingi sa inyo ay hindi lang limitado sa Sampung Utos, ngunit ito’y mga utos at kautusan na higit na mataas kaysa sa yaong mga dati, ngunit hindi ito nangangahulugan na nabuwag yaong mga nauna, dahil ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay isinasagawa sa saligan ng yugto na dumating bago ito. Ang gayong ipinakilala ni Jehovah sa Israel, kagaya ng pagbibigay ng sakripisyo, ang paggalang sa iyong ama at ina, ang hindi pagsamba sa mga diyus-diyusan, ang hindi pagsalakay sa iba, ang hindi pagsumpa sa iba, ang hindi paggawa ng pakikiapid, hindi paninigarilyo, hindi pag-inom, hindi pagkain sa patay, at ang hindi pag-inom ng dugo, hindi ba ito ang iyong saligan sa pagsasagawa maging sa kasalukuyan? Ito ay sa saligan ng nakaraan na ang gawain ay ipinatutupad hanggang sa kasalukuyan. Bagamat ang mga batas ng nakaraan ay hindi na binabanggit, at ang mga bagong kinakailangan ay ginawa ukol sa iyo, ang mga batas na ito ay hindi pa naaalis, at sa halip, ang mga ito ay pinaunlad. Upang sabihin na ang mga ito ay naaalis ay nangangahulugan na ang nakaraang kapanahunan ay lipas na sa panahon, ngunit mayroong ilang mga utos na palagi mong dapat igalang. Ang mga utos noong nakaraan ay isinagawa na, naging katauhan na ng tao, at hindi na kinakailangang ulit-ulitin ang mga utos na huwag manigarilyo, huwag uminom, at iba pa. Sa saligang ito, inilatag ang mga bagong utos alinsunod sa inyong mga pangangailangan sa kasalukuyan, alinsunod sa inyong tayog, at alinsunod sagawain ng kasalukuyan. Ang pagtatakda sa mga kautusan para sa bagong kapanahunan ay hindi nangangahulugan ng pag-alis sa mga utos ng dating kapanahunan, ngunit higit pang pagpapataas sa saligang ito, upang maging mas kumpleto ang mga pagkilos ng tao, at higit na nakaayon sa realidad. Kung, ngayon, ay kailangan ninyo lang na sumunod sa mga utos at manahan sa mga kautusan ng Lumang Tipan, sa parehong paraan tulad ng mga Israelita, at kung, kahit, kailangan ninyong maisaulo ang mga kautusan na ibinigay ni Jehovah, walang posibilidad na maaaring magbago na kayo. Kung kayo ay susunod lang sa yaong mga kakaunting utos o magsasaulo ng hindi mabilang na mga kautusan, ang inyong lumang kalikasan ay mananatiling nakatanim nang malalim, at walang magiging paraan upang ito ay bunutin. Kung gayon kayo ay higit pang magiging masama, at walang sinuman sa inyo ang magiging masunurin. Ibig sabihin na walang kakayahan ang ilang payak na mga utos o hindi mabilang na mga kautusan upang kayo ay tulungang malaman ang mga gawain ni Jehovah. Hindi kayo katulad ng mga Israelita: Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan at pagsasaulo ng mga utos, nasaksihan nila ang mga gawain ni Jehovah, at inalay ang kanilang sa Kanya lamang, ngunit hindi ninyo ito makakamit, at ang ilang utos sa kapanahunan ng Lumang Tipan ay walang kakayahan upang kayo ay mahikayat na ibigay ang inyong mga puso, o na protektahan kayo, ito rin ay gagawin kayong pabaya, at kayo ay ibababa sa Hades. Sapagka’t ang Aking gawain ay ang gawain ng panlulupig, at nakatutok sa inyong hindi pagsunod at lumang kalikasan. Ang mga mabubuting salita ni Jehovah at ni Jesus ay malayo sa mga matinding salita ng paghatol ngayon. Kung wala ang mga matitinding salitang iyon, magiging imposible na malupig kayong mga “dalubhasa,” na hindi sumusunod sa loob ng libu-libong taon, at ang paghatol ngayon ay higit na mabigat kaysa sa mga lumang kautusan. Matagal na ang nakalipas nang mawala ang kapangyarihan sa iyo ng mga kautusan ng Lumang Tipan, at sobrang bigat ng paghatol ng kasalukuyan kaysa lumang kautusan. Ang pinaka-angkop sa inyo ay ang paghatol, at hindi ang mababaw na paghihigpit ng mga kautusan, dahil hindi kayo ang sangkatauhan katulad noong pinaka-unang panahon, sa halip ay ang sangkatauhan na naging tiwali sa loob ng libu-libong taon. Ang nararapat na makamit ng ngayon ay ayon sa tunay na katayuan ng tao, ayon sa kakayahan at talagang tayog ng tao sa kasalukuyan, at hindi kinakailangan na inyong sundin ang mga doktrina. Ito ay upang mabago ang mo ang mga lumang kalikasan, at upang maisantabi mo ang iyong mga pagkaintindi.

   mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

   Bagama’t ang landas na nilalakaran ng tao sa kasalukuyan ay ang landas din ng krus at isa ng pagdurusa, kung ano ang isinasagawa ng tao ng kasalukuyan, kumakain, umiinom at nagtatamasa ay malaking pagkakaiba mula roon sa taong nasa ilalim ng kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung ano ang hinihingi sa tao ngayong araw ay di-tulad niyaong sa nakalipas at lalong di-tulad ng hiningi sa tao sa Kapanahunan ng Kautusan. At ano ang hiningi sa tao sa ilalim ng kautusan nang ang gawain ay ginawa sa Israel? Walang ibang hiniling sa kanila kundi ang panatilihin ang Sabbath at ang mga kautusan ni Jehova. Walang sinuman ang magtatrabaho sa Sabbath o lalabag sa mga kautusan ni Jehova. Nguni’t hindi na ganito sa ngayon. Sa araw ng Sabbath, ang tao ay gumagawa, nangangalap at nananalangin gaya ng dati, at walang mga paghihigpit na ipinapataw. Yaong nasa Kapanahunan ng Biyaya ay dapat mabautismuhan; hindi lamang iyon, hiningi sa kanila na mag-ayuno, magpira-piraso ng tinapay, uminom ng alak, takpan ang kanilang mga ulo, at hugasan ang kanilang mga paa. Ngayon, ang mga patakarang ito ay naiwaksi na at mas higit ang hinihingi sa tao, dahil ang gawain ng Diyos ay patuloy na lumalalim at ang pagpasok ng tao ay mas lalong tumataas. Noong nakalipas, ipinatong ni Jesus ang Kanyang mga kamay sa tao at nanalangin, nguni’t ngayon na ang lahat ng bagay ay nasabi na, ano ang silbi ng pagpapatong ng mga kamay? Ang mga salita lamang ay maaaring makapagkamit ng mga resulta. Noong nakaraan, kapag Siya’y nagpatong ng Kanyang mga kamay sa tao, ito’y para pagpalain at pagalingin ang tao. Ganito kung paano gumawa ang Banal na Espiritu noong panahong iyon, nguni’t hindi na ganito sa ngayon. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay gumagamit ng mga salita sa Kanyang gawain upang magkaroon ng mga bunga. Nilinaw na Niya ang Kanyang mga salita sa inyo, at dapat lamang ninyo itong isagawa. Ang Kanyang mga salita ay ang Kanyang kalooban at nagpapapakita ng gawain na Kanyang gagawin. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, mauunawan mo ang Kanyang kalooban at kung ano ang hinihingi Niyang abutin mo. Isagawa mo lamang ang Kanyang mga salita nang direkta nang hindi na kailangan ng pagpapatong ng mga kamay. Maaaring sabihin ng ilan, “Ipatong Mo ang Iyong mga kamay sa akin! Ipatong Mo ang Iyong mga kamay sa akin upang matanggap ko ang Iyong pagpapala at makibahagi sa Iyo.” Ang lahat ng mga ito ay laos nang mga pagsasagawa na ngayon ay ipinagbabawal na, dahil nagbago na ang kapanahunan. Ang Banal na Espiritu ay gumagawa alinsunod sa kapanahunan, hindi lamang dahil gusto o ayon sa nakatakdang mga panuntunan. Nagbago ang kapanahunan, at ang isang bagong kapanahunan ay dapat may dalang bagong gawain. Totoo ito sa bawa’t yugto ng gawain, at kaya ang Kanyang gawain ay hindi kailanman nauulit. Sa Kapanahunan ng Biyaya, tinupad ni Jesus ang karamihan sa gawaing iyon, tulad ng pagpapagaling ng sakit, pagpapalayas ng mga demonyo, pagpapatong ng Kanyang mga kamay sa tao upang ipanalangin ang tao, at pagpapala sa tao. Gayunman, ang ipagpatuloy pa ang gayon ay walang saysay sa kasalukuyan. Ang Banal na Espiritu ay gumawa sa ganoong paraan noong panahong iyon, dahil iyon ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang tao ay pinakitaan ng sapat na biyaya para tamasahin. Hindi na kinailangang magbayad ang tao ng anumang halaga at maaaring tumanggap ng biyaya hangga’t siya ay may pananampalataya. Lahat ay trinato nang may lubhang kagandahang-loob. Ngayon, ang kapanahunan ay nagbago, at ang gawain ng Diyos ay nakakasulong nang higit pa; sa pamamagitan ng Kanyang pagkastigo at paghatol, ang pagiging-suwail ng tao at ang mga karumihan sa kalooban ng tao ay maaalis. Dahil ito ang yugto ng pagtubos, kinailangang tuparin ng Diyos ang gayong gawain, na nagpapakita sa tao ng sapat na biyaya para matamasa ng tao, para matubos ang tao mula sa kasalanan, at sa pamamagitan ng biyaya mapatawad ang tao sa kanilang mga kasalanan. Ang yugtong ito ay ginawa upang ilantad ang mga kasamaan sa kalooban ng tao sa pamamagitan ng pagkastigo, paghatol, ng pagpalo gamit ang mga salita, pati na rin ng disiplina at pagbubunyag ng mga salita, upang pagkatapos ay maligtas sila. Ito ay gawaing mas malalim kaysa pagtubos. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang tao ay nagtamasa ng sapat na biyaya at nakaranas na ng biyayang ito, at kaya hindi na ito matatamasa ng tao. Ang gayong gawain ay lipas na ngayon at hindi na dapat gawin. Ngayon, ang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng paghatol ng salita. Pagkatapos hatulan ang tao, kastiguhin at dalisayin, bunga nito ang kanyang disposisyon ay nababago. Hindi ba ito ay dahil sa mga salitang Aking sinambit? Ang bawa’t yugto ng gawain ay tinutupad ayon sa pag-unlad ng lahat ng sangkatauhan at kasabay ng kapanahunan. Lahat ng gawain ay may kanyang kabuluhan; ito ay ginagawa para sa pangwakas na pagliligtas, para ang sangkatauhan ay magkaroon ng isang magandang hantungan sa hinaharap, at para ang tao ay mahati ayon sa kanilang mga uri sa katapusan.

   mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

   Noong Kapanahunan ng Kautusan, pinangunahan ni Jehova si Moises palabas ng Ehipto sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at nagwika ng ilang mga salita sa mga Israelita; noong panahong iyon, ang ilang bahagi ng mga gawa ng Diyos ay ginawang payak, nguni't dahil ang kakayahan ng tao ay limitado at walang anumang makakapagpakumpleto ng kanyang kaalaman, ipinagpatuloy ng Diyos ang pagwiwika at paggawa. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nakitang muli ng tao ang bahagi ng mga gawa ng Diyos. Nakaya ni Jesus na magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpagaling at magpalayas ng mga demonyo, at mapako sa krus, tatlong araw matapos noon Siya ay muling nabuhay at nagpakita sa laman sa harap ng tao. Tungkol sa Diyos, wala nang iba pang nalaman ang tao bukod dito. Ang nalalaman lamang ng tao ay ang mga ipinakikita ng Diyos sa kanya, at kung ang Diyos ay wala nang ipakikita sa tao, kung gayon ay hanggang doon lamang ang hangganan ng Diyos para sa tao. Dahil dito, ang Diyos ay nagpapatuloy sa paggawa, upang ang pagkakilala ng tao sa Kanya ay maging mas malalim, at upang unti-unti niyang malaman ang sangkap ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng Kanyang mga salita upang gawing perpekto ang tao. Ang iyong tiwaling disposiyon ay isinisiwalat ng mga salita ng Diyos, at ang iyong mga relihiyosong pagkaintindi ay pinapalitan ng katotohanan ng Diyos. Ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, una sa lahat, ay dumating dito upang isakatuparan ang mga salita na "ang Salita ay nagiging katawang-tao, ang Salita ay dumarating sa katawang-tao, at ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao." at kung wala kang sapat na kaalaman tungkol dito, kung ganoon hindi mo pa rin kayang tumayo nang matatag; sa panahon ng mga huling araw, unang-unang layunin ng Diyos ang makagawa ng isang yugto ng gawain kung saan ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao, at ito ay isang bahagi ng plano sa pamamahala ng Diyos. Kaya naman, ang inyong pagkakilala ay dapat maging malinaw; hindi alintana ang paraan kung paano gumagawa ang Diyos, hindi pinahihintulutan ng Diyos ang tao na limitahan Siya. Kung hindi ginawa ng Diyos ang gawaing ito sa panahon ng mga huling araw, kung gayon ang pagkakilala ng tao tungkol sa Kanya ay hindi maaaring lumawak pa. Malalaman mo lamang na ang Diyos ay maaaring mapako sa krus at maaaring wasakin ang Sodoma, at si Jesus ay maaaring maibangon mula sa mga patay at magpakita kay Pedro…. Nguni't hindi mo kailanman masasabi na matutupad ng mga salita ng Diyos ang lahat, at maaaring lupigin ang tao. Sa pamamagitan lamang ng pagdaranas sa mga salita ng Diyos na maaari kang makapagsalita tungkol sa gayong pagkakilala, at kung higit pang gawain ng Diyos ang iyong maranasan, higit ding magiging lubos ang pagkakilala mo sa Kanya. Doon mo lamang maititigil ang paglilimita sa Diyos sa iyong mga pagkaintindi.

   mula sa “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

   Sa gawain ng mga huling araw, ang salita ay mas makapangyarihan kaysa pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at ang awtoridad ng salita ay nahihigitan yaong sa mga tanda at mga himala. Inilalantad ng salita ang lahat ng tiwaling disposisyon sa puso ng tao. Hindi mo kayang kilalanin ang mga ito sa iyong sarili lamang. Kapag ang mga ito ay naibunyag sa iyo sa pamamagitan ng salita, natural na mapapagtanto mo ito; hindi mo maitatanggi ang mga iyon, at lubos kang makukumbinsi. Hindi ba ito ang awtoridad ng salita? Ito ang resultang nakamit sa pamamagitan ng kasalukuyang gawain ng salita. Samakatuwid, ang tao ay hindi maaaring ganap na mailigtas mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapagaling ng sakit at pagpapalayas ng mga demonyo at hindi maaaring magawang ganap sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang awtoridad upang magpagaling at magpalayas ng mga demonyo ay nagbibigay lamang ng biyaya sa tao, nguni't ang laman ng tao ay nabibilang pa rin kay Satanas at ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ay nananatili pa rin sa kalooban ng tao. Sa madaling salita, yaong hindi nagawang malinis ay kabilang pa rin sa kasalanan at karumihan. Tanging pagkatapos lamang na nagawang malinis ang tao sa pamamagitan ng mga salita maaari siyang makamit ng Diyos at maging banal. Kung walang nagawa maliban sa pagpapalayas ng mga demonyo sa loob ng tao at pagtutubos sa kanya, iyon ay pag-agaw lamang sa kanya mula sa mga kamay ni Satanas at pagbabalik sa kanya sa Diyos. Subali't, hindi siya nagawang malinis o nabago ng Diyos, at siya ay nananatiling tiwali. Sa loob ng tao ay umiiral pa rin ang karumihan, pagsalungat at pagka-mapanghimagsik; ang tao ay nakabalik lamang sa Diyos sa pamamagitan ng pagtubos, nguni't ang tao ay walang pagkakilala sa Kanya at lumalaban pa rin at nagkakanulo sa Diyos. Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, nguni't ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling sangkap na nasa loob niya, at makakaya niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay magawang malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas. Ang tao ay nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng salita upang pinuhin, hatulan at ibunyag, ang lahat ng mga karumihan, mga paniwala, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na naibubunyag. Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay itinuturing lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali't, kapag ang tao ay namumuhay sa laman at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang ibinubunyag ang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka't ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon. Gaya halimbawa, nang malaman ng mga tao na sila ay nagmula kay Moab, nagsabi sila ng mga salita ng hinaing, hindi na hinangad ang buhay, at naging lubos na walang-kibo. Hindi ba ipinakikita nito na hindi pa rin nila nagagawang lubos na magpasakop sa dominyon ng Diyos? Hindi ba ito ang talagang tiwaling maka-satanas na disposisyon? Nang ikaw ay hindi sumasailalim sa pagkastigo, ang iyong mga kamay ay nakataas nang mas mataas kaysa iba, maging doon sa kay Jesus. At ikaw ay sumigaw sa malakas na tinig: Maging isang kaibig-ibig na anak ng Diyos! Maging matalik na kaibigan ng Diyos! Mas pipiliin namin ang mamatay kaysa magpasakop kay Satanas! Mag-alsa laban sa matandang Satanas! Mag-alsa laban sa malaking pulang dragon! Hayaan ang malaking pulang dragon na lubos na bumagsak mula sa kapangyarihan! Hayaan ang Diyos na gawin tayong ganap! Ang iyong mga sigaw ay pinakamalakas sa lahat. Nguni't pagkatapos ay dumating ang mga panahon ng pagkastigo at, minsan pa, ang tiwaling disposisyon ng mga tao ay nabunyag. Pagkatapos, tumigil ang kanilang mga sigaw, at wala na silang paninindigan. Ito ang katiwalian ng tao; ito ay nananatiling mas malalim kaysa kasalanan, na itinanim ni Satanas at malalim na nag-ugat sa loob ng tao. Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; hindi kayang kilalanin ng tao ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim. Tanging sa pamamagitan ng paghatol ng salita makakamit ang gayong mga epekto. Sa gayon lamang maaaring unti-unting mababago ang tao mula sa puntong iyon. Isinisigaw ng tao ang gayon noong nakaraan sapagka't ang tao ay hindi nagkaroon ng pagkaunawa sa kanyang orihinal na tiwaling disposisyon. Gayon ang mga karumihan sa kalooban ng tao. Sa kahabaan ng gayong katagal na panahon ng paghatol at pagkastigo, ang tao ay namuhay sa isang kapaligiran ng takot. Hindi ba ang lahat ng ito ay natamo sa pamamagitan ng salita? Hindi ka rin ba sumigaw nang may napakalakas na tinig bago pa ang pagsubok sa mga taga-serbisyo? Pumasok sa kaharian! Lahat niyaong tumatanggap sa pangalang ito ay papasok tungo sa kaharian! Ang lahat ay dapat makibahagi sa Diyos! Nang ang pagsubok sa mga taga-serbisyo ay dumating, hindi ka na sumigaw. Noong una, ang lahat ay sumisigaw, "Diyos! Saan Mo man ako ilagay, magpapasakop Ako sa Iyong pamamatnubay." Sa pagbabasa sa mga salita ng Diyos, "Sino ang Aking magiging Pablo?"ang sabi ng tao, "Ako ay nakahanda!" Pagkatapos ay nakita niya ang mga salitang, "At ano naman ang tungkol sa pananampalataya ni Job?" Kaya kanyang sinabi, "Nakahanda akong tanggapin ang pananampalataya ni Job. Diyos, pakiusap subukin mo ako!" Nang dumating ang pagsubok sa mga taga-serbisyo, siya ay kaagad na hinimatay at halos hindi na muling makatayo. Pagkatapos noon, ang mga karumihan sa puso ng tao ay unti-unting nabawasan. Hindi ba ito natamo sa pamamagitan ng salita? Kaya, kung ano ang inyong nararanasan sa kasalukuyan ay mga resulta na natamo sa pamamagitan ng salita, higit pang mas dakila kaysa roon sa natamo sa pamamagitan ng paggawa ng mga tanda at mga himalâ ni Jesus. Ang kaluwalhatian ng Diyos at awtoridad ng Diyos Mismo na iyong nakikita ay hindi lamang nakikita sa pamamagitan ng pagkakapako sa krus, pagpapagaling ng karamdaman at pagpapalayas ng mga demonyo, nguni't lalong higit sa pamamagitan ng Kanyang paghatol sa pamamagitan ng salita. Ipinakikita nito sa iyo na hindi lamang ang paggawa ng mga tanda, pagpapagaling ng karamdaman at pagpapalayas ng mga demonyo ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, subali't mas mahusay na kinakatawan ng paghatol sa pamamagitan ng salita ang awtoridad ng Diyos at nagbubunyag ng Kanyang pagiging-makapangyarihan-sa-lahat.

   mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

   Sa gawain sa kaligtasan ng tao, tatlong yugto na ang natupad, ito ay upang sabihin na ang pakikidigma kay Satanas ay hinati sa tatlong yugto bago pa ang lubos na pagkatalo kay Satanas. Ngunit ang panloob na katotohanan ng kabuuang gawain sa pakikidigma kay Satanas ay ang mga epekto nito ay matatamo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng biyaya sa tao, at pagiging alay sa kasalanan ng tao, pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao, paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao. Sa katunayan, ang pakikidigma kay Satanas ay hindi ang paghandang makipagsagupaan laban kay Satanas, ngunit ang kaligtasan ng tao, ang paggawa sa buhay ng tao, at ang pagbabago sa disposisyon ng tao upang siya ay maglahad ng patotoo sa Diyos. Sa ganito natalo si Satanas. Si Satanas ay matatalo sa pamamagitan ng pagbabago sa tiwaling disposisyon ng tao. Kapag natalo na si Satanas, ito ay, kapag ang tao ay lubos nang ligtas, sa gayon ang napahiyang si Satanas ay tuluyan nang magagapos, at sa ganitong paraan, ang tao ay lubos nang maliligtas. At kaya, ang diwa ng kaligtasan ng tao ay ang pakikidigma kay Satanas, at ang digmaan kay Satanas ay unang-unang masasalamin sa kaligtasan ng tao. Ang yugto sa mga huling araw, kung saan ang tao ay lulupigin, ay ang huling yugto sa digmaan kay Satanas, at ito rin ang gawain sa lubos na kaligtasan ng tao sa sakop ni Satanas. Ang panloob na kahulugan ng paglupig sa tao ay ang pagbabalik ng sagisag ni Satanas, ang tao na pinasama ni Satanas, sa Lumikha kasunod ng kanyang paglupig, sa pamamagitan nito ay pababayaan niya si Satanas at tuluyang magbabalik sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay tuluyan nang maliligtas. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling gawain sa pakikidigma laban kay Satanas, at ang huling yugto sa pamamahala ng Diyos para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Kung wala ang gawain na ito, ang lubos na kaligtasan ng tao sa huli ay magiging imposible, ang ganap na pagkatalo ni Satanas ay magiging imposible rin, at ang sangkatauhan ay hindi kailanman makapapasok sa kamangha-manghang hantungan, o makalalaya sa impluwensya ni Satanas. Dahil dito, ang gawain sa pagliligtas ng tao ay hindi maaaring matapos hanggang ang pakikidigma kay Satanas ay matapos, sapagkat ang buod ng gawain sa pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa tukso at katiwalian ni Satanas, ang tao ay nagapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging bagay na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inari ni Satanas, at dahil ang tao ang produkto sa lahat ng pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang siyang agawin sa mga kamay ni Satanas, ito ay upang sabihin na ang tao ay kailangang mabawi pagkatapos nitong mabihag ni Satanas. Si Satanas ay natalo sa pamamagitan ng mga pagbabago sa lumang disposisyon ng tao na nagpanumbalik sa kanyang orihinal na pakiramdam, at sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay maaaring maagaw muli sa mga kamay ni Satanas. Kung mapalalaya ang tao sa impluwensya at pagkaalipin ni Satanas, mapapahiya si Satanas, ang tao sa huli ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni Satanas, at ang tao ang magiging samsam sa lahat ng mga labanang ito, at si Satanas ay magiging bagay na parurusahan sa oras na matapos ang labanang ito, pagkatapos na ang kabuuang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan ay makumpleto na.

    mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento