Kidlat ng Silanganan-Paano natin malalaman na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinig ng Diyos, na nagpakita na ang Panginoon para gumawa?
Kaugnay na mga Talata sa Biblia:
"Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating" (Juan 16:13).
"Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 2-3).
"Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin" (Juan 10:27).
Matatalinong Birhen
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, nagbubunyag ng mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang pagliliwanag na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa at kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o maibubunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may substansya ng Diyos, at ang tao ay may substansya ng tao.
mula sa "Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos"
Mangyari pa, nang ang Diyos ay naging katawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahing sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagliligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.
mula sa "Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos"
Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos.
mula sa "Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan"
Dumating na ang mga huling araw. Ang lahat ng bagay ay isasaayos ayon sa uri, at hahatiin sa iba’t ibang klase ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang oras kung kailan ibubunyag ng Diyos ang katapusan at ang hantungan ng tao. Kapag hindi sumailalim sa pagkastigo at paghatol ang tao, gayon walang paraan upang ibunyag ang pagsuway at di-pagkamatuwid ng tao. Tanging sa pamamagitan lang ng pagkastigo at paghatol maibubunyag ang katapusan ng lahat. Ipinapakita lang ng tao ang kanilang tunay na kulay kapag sila ay nakakastigo at hinahatulan. Ang kasamaan ay ibabalik sa kasamaan, ang kabutihan ay ibabalik sa kabutihan, at ang tao ay isasaayos ayon sa uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang katapusan ng lahat ng bagay ay maibubunyag, nang sa gayon ay maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mga mabubuti, at ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay nangangailangan ng matuwid na pagkastigo at paghatol upang ito ay makamit. Dahil ang katiwalian ng tao ay naabot na ang rurok at ang kanyang pagsuway ay naging masyadong malala, tanging ang matuwid na disposisyon lang ng Diyos, na pangunahin ay isang pagkastigo at paghatol, at ibinunyag sa mga huling araw, ay maaaring baguhin at gawing ganap ang tao. Tanging ang disposisyong ito ang makapaglalantad ng kasamaan at gayon ay malubhang maparusahan ang lahat ng mga hindi matuwid. … Sa mga huling araw, tanging ang makatuwirang paghatol lang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa paraang ito, ang buong kapanahunan ay maihahatid sa isang katapusan sa pamamagitan ng makatuwirang disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.
mula sa "Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)"
Kapag naranasan ng mga tao ang gawain ng Diyos, ang kanilang unang kaalaman sa Kanya ay Siya ay hindi maarok, marunong at kamangha-mangha, at hindi nila namamalayang iginagalang na nila Siya at nararamdaman ang hiwaga ng gawain na ginagawa Niya, na hindi maabot ng isip ng tao. Gusto lamang ng mga tao na matugunan ang Kanyang mga kinakailangan, upang mapaluguran ang Kanyang ninanasa; hindi nila nais na malampasan Siya, sapagka’t ang gawain na ginagawa Niya ay higit sa iniisip at guni-guni ng tao at hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili. Kahit ang tao mismo ay hindi alam ang kanyang sariling mga kakulangan, samantalang nabuksan na Niya ang isang bagong landas at dumating upang dalhin ang tao sa isang mas bago at higit na magandang mundo, kaya ang sangkatauhan ay nakagawa ng bagong pagsulong at nagkaroon ng bagong simula. Ang nararamdaman ng tao para sa Kanya ay hindi paghanga, o sa halip, ay hindi lamang paghanga. Ang kanilang pinakamalalim na karanasan ay pangingimi at pag-ibig, ang kanilang pakiramdam ay ang Diyos ay talagang kamangha-mangha. Gumagawa Siya ng hindi kayang gawin ng tao, nagsasabi Siya ng mga bagay-bagay na hindi kayang sabihin ng tao. Ang mga taong nakaranas ng Kanyang gawain ay laging nakararanas ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Ang mga tao na may mas malalim na mga karanasan ay natatanging mahal ang Diyos. Lagi nilang nararamdaman ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, nararamdaman na ang Kanyang gawain ay napakarunong, lubos na kamangha-mangha, at sa gayon ay naglalabas ng walang-hanggang kapangyarihan sa kanilang kalagitnaan. Hindi takot o paminsang-minsang pag-ibig at paggalang, sa halip ay malalim na pakiramdam ng pagkahabag at pagpaparaya ng Diyos sa tao. Subali’t, ang mga tao na nakaranas ng Kanyang pagkastigo at paghatol ay nararamdaman Siya bilang makahari at hindi masusuway.
mula sa "Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao"
Ang Kanyang mga salita ay nagdadala ng kapangyarihan sa buhay, at ipinakikita sa atin ang daan kung saan tayo ay maglalakad, at pinahihintulutang ating maintindihan ang katotohanan. Nagsisimula tayong maakit sa Kanyang mga salita, sinisimulan nating ituon ang ating isip sa himig at paraan kung papaano ang Kanyang pananalita, at wala tayong kamalay-malay na nagsisimulang maging mahilig sa tinig ng puso ng di-pansining taong ito. Siya ay gumagawa nang maingat na pagsisikap para sa atin, nawawalan ng tulog at gana para sa atin, umiiyak para sa atin, naghihinagpis para sa atin, dumadaing sa sakit para sa atin, nakararanas ng pagpapahiya para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at ang Kanyang puso ay dumudugo at lumuluha dahil sa ating pagiging manhid at pagkasuwail. Ang ganoong pagkatao at Kanyang mga pag-aari ay higit pa sa karaniwang tao, at hindi kailanman makakamit o matatamo ng sinumang ginawang tiwali. Siya ay may pagpaparaya at pagtitiis na hindi nakamit ng karaniwang tao, at ang Kanyang pagmamahal ay hindi taglay ng kahit na sinumang nilikhang tao. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang ipakita sa atin ang daan at magbigay ng kaliwanagan. Walang sinuman maliban sa Kanya ang kayang ibunyag ang mga hiwaga na hindi ipinaaalam ng Diyos sa mga nilikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang tayo ay iligtas mula sa pang-aalipin ni Satanas at ng ang ating tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos, at inihahayag ang tinig ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Siya ay nagsimula ng bagong panahon, at nagdala ng bagong langit at lupa, bagong gawain, at Siya ay nagdala ng bagong pag-asa, at tinapos ang ating buhay sa kalabuan, at tayo ay hinayaang lubos na matanaw ang daan ng kaligtasan. Kanyang nilupig ang ating buong pagkatao, at nakamit ang ating mga puso. Mula sa sandaling iyon, ang ating mga isipan ay nagkamalay, at ang ating mga espiritu ay tila napanumbalik: Ang karaniwan at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na nating tinanggihan—hindi ba’t Siya ang Panginoong Jesus, na laging nasa ating mga isipan, at ating inaasam sa gabi at araw? Ito ay Siya! Ito ay talagang Siya! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay!
mula sa "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"
0 Mga Komento