Kidlat ng Silanganan-Kabanata 76

 buhay, katotohanan, Iglesia, Diyos, Cristo,

Kidlat ng Silanganan-Kabanata 76


Ang Aking mga pagbigkas ay pagpapahayag lahat ng Aking kalooban. Sinong maaaring maging mapagsaalang-alang sa Aking pasanin? Sinong nakakaunawa sa Aking hangarin? Naisaalang-alang ba ninyo ang bawa’t isa sa mga katanungang naitanong Ko sa inyo? Anong kapabayaan!
Nangangahas kayong gambalain ang Aking mga plano? Napakababastos ninyo! Kung magpapatuloy ang gayong gawain ng masasamang espiritu, itatapon Ko sila kaagad sa kamatayan sa walang-hanggang hukay! Matagal Ko nang nakita nang malinaw ang sari-saring mga gawa ng masasamang espiritu. At ang mga taong ginagamit ng masasamang espiritu (yaong mga may maling mga hangarin, yaong mga nag-iimbot sa laman o kayamanan, yaong mga nagtataas sa kanilang mga sarili, yaong mga nanggagambala sa iglesia, atbp.) ay naaninag Ko na ring isa-isa. Huwag akalain na ang lahat ay magiging maayos sa sandaling napalayas na ang masasamang espiritu. Hayaan mong sabihin Ko sa iyo! Mula ngayon, isa-isa Kong aalisin ang mga taong ito at hindi na sila kailanman gagamitin! Ibig sabihin niyan, sinumang taong pinasamâ ng masasamang espiritu ay hindi Ko gagamitin, at palalayasin! Huwag isiping wala Akong pakiramdam! Alamin ito! Ako ang banal na Diyos, at hindi Ako mananahan sa isang maruming templo! Ginagamit Ko lamang ang matatapat at marurunong na mga tao na ganap na tapat sa Akin at maaaring maging mapagsaalang-alang sa Aking pasanin. Ito ay dahil Aking patiunang itinalaga ang gayong mga tao. Lubusang walang masasamang espiritu ang gumagawa sa kanila kahit kailan. Hayaan ninyong linawin Ko ang isang bagay: Mula ngayon, lahat niyaong mga walang gawain ng Banal na Espritu ay may gawain ng masasamang espiritu. Hayaan ninyong ipagdiinan Ko: Hindi Ko gusto ang kahit isang tao na kinikilusan ng masasamang espiritu. Lahat sila ay ihuhulog sa Hades kasama ng kanilang laman!

Ang mga kinakailangan Ko sa inyo sa nakalipas ay maluwag nang kaunti, at kayo ay naging walang-patumangga pagdating sa laman. Mula sa araw na ito, hindi Ko kayo hahayaang magpatuloy nang ganito. Kung ang inyong mga salita at mga kilos ay hindi naghahayag sa Akin sa lahat nang paraan, o kung ang mga iyon ay hindi ayon sa Aking wangis kahit bahagya man lamang, kung gayon ay tiyak na hindi Ko kayo patatawarin nang madali. Kung hindi, kayo ay palaging magtatawanan at magbibiruan, tatawa hangga’t kaya ninyo, nang walang anumang pagpipigil. Kapag ikaw ay nagkakamali, hindi mo ba nararamdaman na naiwan Kita? Yamang nalalaman mo, bakit wala ka pa ring patumangga? Hinihintay mo pa ba ang pagdampi ng Aking kamay ng paghatol? Mula ngayon, agad Kong parurusahan ang sinumang hindi kaayon ng Aking hangarin kahit sa isang sandali. Kung kayo ay paupu-upong magkakasamang nagtsi-tsismisan, kung gayon ay iiwan Ko kayo. Huwag magsasalita kung hindi ka nagbibigay ng tustos na espirituwal. Sinasabi Ko ito hindi para pigilan kayo, kundi ibig Kong sabihin ay yamang nakakatakbo ang Aking gawain sa hakbang na kinaroroonan nito sa kasalukuyan, magpapatuloy Ako nang naaayon sa Aking plano. Kung kayo ay paupu-upong sama-sama na nagtatalastasan tungkol sa espirituwal na mga bagay sa buhay, kung gayon ay sasamahan Ko kayo. Hindi Ko ituturing nang hindi marapat ang sinuman sa inyo. Kung binubuksan mo ang iyong bibig, ipagkakaloob Ko sa iyo ang angkop na mga salita. Dapat mong pahalagahan ang Aking puso mula sa kahulugan ng Aking mga salita. Hindi Ko sinasabing magkunwari kayong pipi, ni sinasabi na sumangkap kayo sa mga walang-saysay na pag-uusap.

Bakit palagi Kong sinasabi na wala nang gaanong panahong natitira, at ang Aking araw ay hindi dapat maantala? Napag-isipan ba ninyo ang tungkol dito nang maigi? Tunay ba ninyong nauunawaan ang kahulugan ng Aking mga salita? Ibig sabihin, gumagawa na Ako simula pa noong nag-umpisa Akong magsalita. Bawa’t isa sa inyo ay naging layon ng Aking gawain, hindi isang tao lamang; at higit pa rito, hindi ang sinumang iba pa. Inaalaala lamang ninyo ang tungkol sa hindi pagtatamasa ng mga pagpapala, nguni’t hindi iniisip ang inyong mga buhay. Napakahangal ninyo! Kaawa-awa kayo! Hindi man lamang ninyo isinasaalang-alang ang Aking pasanin!

Lahat ng Aking matiyagang mga pagsisikap at ang halagang Aking naibayad ay para sa inyong kapakanan. Kung hindi ninyo isinasaalang-alang ang Aking pasanin, kung gayon ay hindi kayo nakaabot sa antas na Aking inaasahan sa inyo. Lahat ng mga bansa ay naghihintay para inyong pamahalaan, at lahat ng mga bayan ay naghihintay para inyong pamunuan. Naipasa Ko na ang lahat tungo sa inyong mga kamay. Ngayon, yaong mga nasa kapangyarihan ay nangagsimula nang lahat na bumaba at bumagsak na, at naghihintay na lamang sila ng Aking paghatol na darating sa kanila. Tingnan nang malinaw! Ang mundo ngayon ay nagkakagulo, habang ang Aking kaharian ay matagumpay na naitatayo. Ang Aking mga anak-na-lalaki ay lumitaw na at ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay naghaharing kasama Ko bilang mga hari, namumuno sa iba’t ibang mga bansa at bayan. Huwag isiping ito ay isang malabong bagay; ito ang malinaw na katotohanan. Hindi ba? Sa sandaling manalangin kayo at magsumamo sa Akin, kikilos Ako kaagad at parurusahan yaong mga umuusig sa inyo, pakikitunguhan yaong mga gumagambala sa inyo, wawasakin yaong mga kinamumuhian ninyo, at pamamahalaan yaong mga tao, mga kaganapan, at mga bagay na nagsisilbi sa inyo. Nasabi Ko na ito nang maraming ulit: hindi Ko dadalhin ang kaligtasan sa sinumang gumagawa ng serbisyo kay Cristo (ibig sabihin, sinumang nag-uukol ng paglilingkod sa Aking Anak). Ang paggawa ng paglilingkod para sa Aking Anak ay hindi nangangahulugang mabubuting tao sila; ito ay lubusang bunga ng Aking dakilang kapangyarihan at kamangha-manghang mga gawa. Huwag mag-ukol ng napakalaking pagpapahalaga sa sangkatauhan. Ang gayong mga tao ay tiyak na walang taglay na gawain ng Banal na Espiritu at hindi man lamang nakakaunawa ng mga espirituwal na bagay. Mawawalan na sila ng silbi kapag natapos na Ako sa kanila. Tandaan ito! Ito ang Aking pagpapatibay sa inyo. Huwag humawak nang walang batayan, nauunawaan ninyo?

Pakaunti nang pakaunti ang mga tao, nguni’t ang mga kasapi ay napipino nang napipino. Ito ang Aking gawain, ang Aking planong pamamahala, at higit pa ay ang Aking karunungan at Aking pagkamakapangyarihan-sa-lahat. Ito ang pag-kokoordina ng Aking karaniwang pagkatao at ng Aking ganap na pagkaDiyos. Nakikita ba ninyo ito nang malinaw? Mayroon ba kayong anumang tunay na pagkaunawa tungkol sa puntong ito? Isa-isa Kong tutuparin, sa pamamagitan ng Aking pagkaDiyos, ang lahat nang nasabi Ko mula sa Aking karaniwang pagkatao. Ito ang dahilan kung bakit palagi Kong sinasabi na kung ano ang Aking sinasabi ay mangyayari nang walang anumang pasubali; bagkus, lahat ito ay magiging napakalinaw at kitang-kita. Lahat ng Aking sinasabi ay matutupad, at tiyak na hindi gagawin nang walang-ingat. Hindi Ako nagsasalita ng mga walang-lamang salita at hindi Ako nagkakamali. Sinumang nangangahas na sukatin Ako ay hahatulan, at tiyak na hindi makakatakas sa palad ng Aking kamay. Sa sandaling ang Aking mga salita ay nasambit, sinong nangangahas na lumaban? Sinong nangangahas na dayain Ako o magtago ng anuman mula sa Akin? Nasabi Ko na ito dati: Ako ay isang marunong na Diyos. Ginagamit Ko ang Aking normal na pagkatao upang ibunyag ang lahat ng mga tao at ang makasatanas na pag-uugali, ilantad yaong mga may maling mga hangarin, yaong mga kumikilos sa isang paraan sa harap ng iba at ibang paraan sa kanilang likuran, yaong mga lumalaban sa Akin, yaong mga hindi matapat sa Akin, yaong mga nag-iimbot sa pera, yaong mga walang pagsasaalang-alang sa Aking pasanin, yaong mga sumasangkap sa pandaraya at kalikuan kasama ng kanilang mga kapatid, yaong mga nagsasalita nang matatas para mapapagbunyi ang mga tao, at yaong mga hindi kayang makipag-koordina sa kanilang mga kapatid nang pare-pareho sa puso at isipan. Napakaraming tao, dahil sa Aking karaniwang pagkatao, ang lihim na lumalaban sa Akin at gumagawa ng pandaraya at kalikuan, inaakalang hindi nalalaman ng Aking karaniwang pagkatao. At napakaraming tao ang nag-uukol ng tanging pansin sa Aking karaniwang pagkatao, binibigyan Ako ng mabubuting mga bagay na kakainin at iinumin, naglilingkod sa Akin na parang mga alila, at sinasabi sa Akin kung ano ang nasa kanilang mga puso, habang kumikilos nang ganap na iba sa Aking likuran. Bulag na mga tao! Hindi lamang ninyo Ako nakikilala—ang Diyos na tumitingin nang malalim sa puso ng tao. Hindi pa rin ninyo Ako kilala hanggang ngayon; iniisip mo pa rin na hindi Ko namamalayan kung ano ang binabalak mo. Pag-isipan mo ito: Ilang mga tao ang nagpakasira sa kanilang mga sarili dahil sa Aking karaniwang pagkatao? Gising! Huwag mo na Akong dayain. Dapat mong iharap sa Akin ang lahat ng iyong asal at pag-uugali, ang bawa’t salita mo at gawa, at tanggapin ang Aking pagsusuri dito.


  mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento