Sa Pamamagitan ng Malaking Pagdurusa, Natamo ko ang Malalaking Pakinabang
Rongguang Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan
Matapos na sundin ang Makapangyarihang Diyos, nabilanggo ako dahil naniwala ako sa Diyos. Nang panahong iyon ako ay isang bagong mananampalataya at binigyan ako ng Diyos ng lakas upang maging matatag sa aking patotoo.
Gayunman, nagkamali ako sa paniniwala na ako ay may tayog; inakala ko na mayroon akong napakalaking pananampalataya, pag-ibig at katapatan para sa Diyos, kaya hindi ko binigyang-pansin ang pagkain at pag-inom ng mga salita Diyos ng paghatol at pagkastigo. Kahit na nagbasa ako, inihambing ko ang salita kung saan inilalantad ng Diyos ang tao sa ibang mga tao at ibinukod ang sarili ko mula sa mga salita ng paghatol ng Diyos. Handa lang akong basahin ang tungkol sa mga misteryo na ibinunyag ng Diyos at mga propesiya pati na rin ang mga salita tungkol sa pagtatamo ng mga pagpapala; sa mga salitang ito ako pinakainteresado. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos:“Batay sa iba’t iba nilang mga tungkulin at mga patotoo, ang mga mananagumpay sa kaharian ay magsisilbing mga saserdote o tagasunod, at lahat ng matagumpay sa gitna ng kapighatian ay magiging kalipunan ng saserdote sa loob ng kaharian. … Sa kalipunan ng mga saserdote mayroong magiging mga punong saserdote at mga saserdote, at ang natitira ay magiging mga anak na lalaki at mga tao ng Diyos. Ito ay malalaman lahat sa pamamagitan ng kanilang mga patotoo sa Diyos sa panahon ng kapighatian; hindi lamang ito mga titulo na ibinibigay lamang batay sa kagustuhan” (“Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang panahon ng kapighatian ay hindi magiging mas matagal—ni hindi ito magiging isang taon. Kung magtatagal ito ng isang taon aantalain nito ang susunod na hakbang ng gawain, at ang tayog ng mga tao ay hindi magiging sapat. Kung ito ay magiging masyadong mahaba hindi nila ito matatagalan—may mga hangganan ang kanilang tayog” (“Paano Mo Dapat Lakaran ang Huling Bahagi ng Landas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Naisip ko: Tutukuyin ang posisyon sa kaharian batay sa kung paano nagpapatotoo ang mga tao sa panahon ng pagdurusa; maiimpluwensiyahan ng mga patotoong ito ang kapalaran ng isang tao. Kapag dumarating ang pagdurusa sa akin, kailangan kong papagngalitin ang aking mga ngipin at maglabas ng sapat na lakas, at tiyak na maghahandog ako ng magandang patotoo. Sa ganoong paraan magtatamo ako ng mga dakilang pagpapala; at saka, hindi magtatagal ang pagdurusa–magiging mas mababa ito sa isang taon. Anuman ang mangyayari, mapagtitiisan ko ang panahong ito ng paghihirap. Sa pamamagitan ng pangingibabaw ng mga saloobin ng pagtatamo ng mga pagpapala nagpasiya akong maghanda para sa labanan; inakala ko na sa pamamagitan ng pagtitiwala sa sarili kong “pananampalataya” at “kalooban,” magagawa kong maging isang mananagumpay sa pagdurusa.
Napakaganda at napakatalino ng gawain ng Diyos na pagliligtas sa mga tao. Noong 1996, pumasok tayong lahat sa malaking pagdurusa sa pamamagitan ng pagsasaayos ng Diyos. Ngunit nang dumating sa atin ang pagdurusa, walang sinuman ang nakakaalam nito; likas na nangyari ang lahat ng bagay, nabunyag ang aking tunay na anyo at kahiya-hiyang sitwasyon ng pagiging isang mapagsamantala sa panahon ng pagdurusa.
Noong Hunyo at Hulyo ng 1996, nasa ibang bahagi ako ng bansa na tinutupad ang aking tungkulin na may kinalaman sa pagsusulat. Isang araw, dumating ang pinuno ng lugar na ito at sinabi sa amin na hindi napakaganda ang kamakailang sitwasyon at inaresto si Sister na gayo’t ganito ng malaking pulang dragon. Nang marinig namin ito, gusto naming manalangin para sa kapatid na ito at hindi na nag-isip ng marami pang iba, dahil alam naming lahat na karaniwang pangyayari na ang maaresto ang mga tao dahil sa kanilang paniniwala sa Diyos sa China, isang bansa na umusig sa Diyos tulad nito. Ngunit, ilang araw pa bago namin narinig na ilan pang mga kapatid ang inaresto. Pagkaraan pa ng ilang araw, narinig namin na isang dosena o higit pa ang inaresto, at maraming kilalang mananampalataya na naglilingkod bilang mga pinuno sa pamilya ng Diyos ay lihim na inilista bilang pinaghahanap. Mayroon ding ilan na may mga pabuya para sa kanilang pagkaaresto. Nasa talaang-itim din ng malaking pulang dragon ang mga lokal na pinuno. Nadama ko na hindi maganda ang mga bagay-bagay: Mukhang sinusubukan ng malaking pulang dragon na sirain ang mga mananampalataya sa isang pagsalakay. Naramdaman namin ang isang uri ng takot sa kapaligiran na bumalot sa amin; hindi namin alam kung ano ang dapat gawin sa ganitong uri ng sitwasyon; gusto naming makipag-ugnayan sa nasa itaas at tanungin siya kung paano magpatuloy, ngunit hindi namin siya makaugnayan. Kalaunan, nalaman ko na may isang buwan na nang magsimula ang pagdurusa. Ngunit manhid kami sa espiritu nang panahong iyon at hindi kami naglakas-loob na gumawa ng pabigla-biglang mga hula at tukuyin ang gawain ng Diyos. Kaya hindi namin alam na ito ang malaking pagdurusa. Ang lahat ng aming nararamdaman ay ang madilim na kamay ng malaking pulang dragon na nagpupumilit na lumapit sa amin at hindi kami makapagpatuloy sa aming gawain dahil sa mga kadahilanang may layunin. Sa pagharap sa ganitong uri ng kalagayan, mahina naming namalayan na hinadlangan ng kamay ng Diyos ang gawain; inaakay kami ng Diyos upang itigil ang gawain at itago ang aming mga sarili at hindi mawalan ng oras na bumalik sa sarili naming bayan. Sa ganoong paraan ay mas magiging ligtas kami. Dahil dito, napilitan kami na maghiwa-hiwalay at bumalik sa sarili naming bayan.
Isang linggo pa lamang ako sa bahay nang dumating ang isang kapatid na babae at binigyan ako ng sulat na nagsasabing inaresto ang isang kapatid na lalaki sa aming iglesia, at kailangang umalis ako kaagad sa bahay. Sa panahong ito tulad lang ako ng isang usa na may nakatutok na mga ilaw; wala akong anumang pananampalataya at mayroon lang akong isang nasaisip sa aking puso: Mabilis na magtago at huwag payagan ang malaking pulang dragon na mahuli ako; labis na kahiya-hiya at malupit ang malaking pulang dragon, ang mga mapanirang pamamaraan na ginagamit nito upang sirain ang mga mananampalataya ay malupit. Kung mahulog ako sa mga kamay ng demonyo, hindi mailalarawan sa isip ang mga kahihinatnan. Kasunod nito, ipinakilala ako ng isang kapatid na babae sa mga kabundukan upang magluto para sa mga minero. Naroon ako kasama ang dalawang kapatid na babae at sinamantala namin ang mga panahon na walang sinuman sa paligid upang kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, magbahagi at umawit ng mga himno. Dahil mayroon kaming panustos ng mga salita ng Diyos, bawat araw ay napakaganda. Gayunman, wala pang isang buwan, dumating sa lugar ang mga pulis at wala akong pagpipilian kundi ang mabilis na umalis. Pagkatapos ay pumunta ako sa isa pang restawran upang magtrabaho. Ang bawat tao na nakaugnayan ko ay hindi mananampalataya at wala akong anumang karaniwang wika sa kanila; bukod dito, wala akong salita ng Diyos sa ganitong uri ng kapaligiran, at walang sinuman na pagbabahagian hanggang sa punto na mahirap ding maghandog ng tamang panalangin. Nalungkot ako at mapanglaw at walang nagawa ang aking puso kundi magsimulang magreklamo. Ninais ko ring ipagkanulo ang Diyos at hindi na maniwala pa: “Hindi talaga madali ang paniniwala sa Diyos at ninenerbiyos ako buong araw; naglilibot ako sa isang mundo na kulang sa katarungan; kailan matatapos ang mga araw na ito? Kung hindi ako naniwala sa Diyos, nabubuhay ng madali at matatag na pamumuhay katulad ng mga hindi naniniwala, hindi ba’t napakaganda niyon?” Kahit na ganito ang paraan ng pag-iisip ng aking puso, natakot ako at hindi naglakas-loob na iwanan ang Diyos; nadama ko rin na hindi ko maiiwan ang Diyos, nagdulot sa akin ng sakit ang pag-iisip na iwanan ang Diyos. Gayunman dahil hindi ko gustong basahin ang mga salita ng Diyos noon, hindi hinanap ang katotohanan, at tinupad lamang ang aking mga tungkulin upang matamo ang mga pagpapala, samakatuwid, nang sandaling iniwan ko ang mga aklat ng salita ng Diyos, walang naiwang linya ng salita ng Diyos sa aking puso. Kung walang mga salita ng buhay ng Diyos na sumusuporta sa akin, tulad lang ako ng isang hangal na nawalan ng kanyang pag-iisip. Hindi ko alam noon kung ano ang gagawin ko sa aking sarili o kung ano ang ipagpapatuloy pagkatapos. Desperado akong nagsumikap sa bawat araw. Ano ang kalooban ng Diyos? Bakit Niya isinaayos ito para sa akin? Paano ako makapagsasagawa at bibigyang kasiyahan ang Diyos? Wala akong lakas noon upang pag-isipan ito, ang iniisip ko lang ay ang aking mga paghihirap. Sa panahong iyon ang paniniwala ko sa pagkamakapangyarihan at walang hanggang karunungan ng Diyos at ang aking paniniwala sa pangkalahatang pangingibabaw ng Diyos ay nawalang lahat. Dumating sa punto na nang dumating ang isang kapatid na babae upang imbitahin ako na bisitahin ang ilang mga kapatid, tumanggi ako, dahil natakot at naduwag ang puso ko. Wala akong pananampalataya o lakas, nagtiwala lamang ako sa aking isip at mga kaisipan, iniisip na ang kapaligiran ay hindi magiging mabuti bago bumalik ang Hong Kong sa China. Sa puntong ito ng panahon, galit na galit na susugpuin at lilipulin ng malaking pulang dragon ang lahat na taos-pusong naniniwala sa Diyos. Ngayon ay matatagalan pa bago bumalik ang Hong Kong, dapat kong protektahang mabuti ang aking sarili. Sa loob ng dalawa at kalahating buwan ng aking pagtatrabaho sa restawran, lalong naging mas malayo sa Diyos ang aking puso, halos hanggang sa punto na kinilala ko lamang ang pangalan ng Diyos, ngunit wala ang Diyos sa aking puso. Madalas na naakit ang puso ko sa mga mahalay na kasiyahan; ninais kong tumakas mula sa Diyos at ipamuhay ang buhay ng mga hindi naniniwala. Gayunman, nang mga sumunod na ilang araw ay lalo kong hinanap-hanap ang Diyos at ang mga kapatid; hinanap-hanap ko ang dating buhay sa iglesia. Habang nag-iisa, palaging wala akong magawa kundi umiyak. Nalungkot ang aking puso: O Diyos, kasama ko sa buong araw ang mga taong hindi mananampalataya; kung hindi ako nagtatrabaho, kumakain ako o kaya’y may nakaiinip na pakikipag-usap. Tanging Ikaw ang nakakaalam ng kahungkagan at sakit sa aking puso. O Diyos, kailan matatapos ang mahabang gabi na ito? Kailan kami mapalalaya upang maniwala sa Diyos, tulad sa nakaraan nang nabubuhay kami sa Iyong masiglang pamilya? Pinahirapan ang puso ko na parang sinapawan ito ng mga damo at hindi na ako makapanatili pa. Nagkataon naman na papalapit na ang Spring Festival at sinamantala ko ang pagkakataon at umalis ako sa aking trabaho at mabilis na bumalik sa aking mga kapatid. Pagkatapos ay naunawaan ko na hindi lang ako ang may mga saloobing ganito; maraming kapatid na umiwas sa pagkaaresto ng malaking pulang dragon sa pamamagitan ng pagtakas patungo sa ibang mga lugar ang nakaranas ng parehong bagay. Bumalik silang lahat sa tahanan dahil iisang bagay ang iniisip nila. Ito ay isang mahimalang paggabay ng Banal na Espiritu.
Ilang araw lang matapos akong bumalik sa tahanan, isang kapatid na babae ang dumating upang ipagbigay-alam sa akin ang isang pagtitipon sa iglesia. Nang marinig kong sinabi ng kapatid na babae na tapos na ang pagdurusa, at bumalik na ang lahat ng bagay sa normal, at na maaari na akong pumunta at tuparin ang dati kong tungkulin, ilang sandali bago ko napagtanto: “Ano? Tapos na ang pagdurusa? Ito ang pagdurusa? Ilang buwan pa bago ang pagbabalik ng Hong Kong sa China. Paanong natapos na ang pagdurusa? Hindi ito ang inaasahan ko! Lahat ng bagay na ito na ating nararanasan ay ang pagdurusa, ngayon ay tapos na ako! Ano ang ipinakita ko sa panahon ng pagdurusa? Bukod sa pagiging duwag at takot, ako ay nagreklamo, tumakas, at nagkanulo. Wala akong anumang bahagi ng pananampalataya, pati na rin ng katapatan at pag-ibig. Sinubukan ng Diyos ang aking gawain sa pagkakataong ito at lubos akong nabigo.” Iniyuko ko ang aking ulo sa kawalan ng pag-asa sa lahat ng uri ng damdamin sa aking puso. Sa pagkakataong ito ay naintindihan ko kung ano ang sinabi ng Diyos bago nagsimula ang pagdurusa: “Pagkatapos maging ganap ang Aking sariling gawain, ang susunod na hakbang ay para sa mga tao na lakaran ang landas na dapat nilang lakaran. Dapat maunawan ng lahat kung anong landas ang dapat nilang lakaran—ito ay isang landas ng pagdurusa at isang proseso ng pagdurusa, ito rin ay isang landas ng pagpipino sa iyong kalooban na ibigin ang Diyos. Aling mga katotohanan ang dapat mong pasukin, aling mga katotohanan ang dapat mong punan, paano ka dapat makaranas, at mula sa aling aspeto ka dapat pumasok—dapat mong maunawaan ang lahat ng bagay na ito. Dapat mong sangkapan ang iyong sarili ngayon. Kung maghihintay ka hanggang sa dumating ang kapighatian sa iyo, magiging huli na ang lahat” (“Paano Mo Dapat Lakaran ang Huling Bahagi ng Landas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sinasabi sa akin ng nakapanlulumong aral na ito: Hindi maaaring maging patotoo ang mga tao sa pagdurusa kung wala silang katotohanan at kung umaasa sila sa sarili nilang mga pagnanasa. Ang mga taong nabubuhay nang walang katotohanan sa gawain ng Diyos ay tiyak na lubusang ibubunyag; hindi nila magagawang itago ang kanilang mga sarili nang kahit kaunti o magawang makapagkunwari pa. Kung walang katotohanan, nakatayo ka sa isang buhangin na pundasyon, na hindi mapaglalabanan ang pinakamaliit na pagsubok. Sa katotohanan lamang maaari mong makita ang mga bagay nang malinaw, magkaroon ng pananampalataya at lakas, magtatagumpay laban kay Satanas at magagawa ang katotohanan upang masiyahan at magpatotoo para sa Diyos. Totoong kinasusuklaman ko ang aking sarili: matiyaga nang sinabi sa atin ng Diyos ang mga bagay na ito nang matagal nang panahon, at bakit hindi ako naniwala rito, bakit hindi ko ito sineryoso! Wala nang maaaring bawiin; wala nang iba pang pagpipilian kundi masigasig na hanapin ang katotohanan sa landas sa hinaharap.
Nang tapos na kami sa pulong, narinig ko ang isang kapatid na babae na ibinunyag ang ilang panloob na kaalaman ng CCP: Agresibo pa rin sa pag-aresto ang malaking pulang dragon ng mga mananampalataya at mas nagiging matindi pa ito. Nang marinig ko ito, muling bumulong ang aking puso na may kaunting pananampalataya: Ganito nakahihindik ang kapaligiran at ginagampanan ng lahat ng mga kapatid ang kanilang mga tungkulin. Ayos ba ito? Subalit pinahintulutan ako ng katotohanan na makita na: Kahit na nakahihindik ang sitwasyon, hindi kami natatakot gaya nang kami ay nasa panahon ng pagdurusa; kapag tinutupad natin ang ating mga tungkulin, lalong matatag at mapayapa ang ating mga puso na parang nalimot ng lahat ang tungkol sa kapirasong kaalaman na sinabi sa amin ng kapatid na babae. Gumagawa rin ang Banal na Espiritu ng napakalaking gawain sa iglesia; hindi na magtatagal bago ang dakilang pagdiriwang kapag pinalawak ang ebanghelyo sa bawat lupain. Mas nagiging abala ang aming gawain at maayos na naisasagawa ang bawat tungkulin. Tinutupad ng halos lahat ng kapatid ang kanilang mga tungkulin sa kanilang pinakamahusay na pagsisikap sa kani-kanilang mga posisyon. Sumusulong ang tanawin nang puspusan sa harap lamang ng malaking pulang dragon, ngunit dahil sa ganitong kasigla lumalawak ang gawain, wala pang anumang mga pag-aresto tulad noong nasa kalagitnaan ng malaking pagdurusa. Binigyang-daan ako ng mga katotohanang ito na malinaw na makita ang isang katotohanan: Sa katunayan, ang malaking pulang dragon ay laging gumagawa upang labanan ang Diyos, usigin ang Diyos at pilitin ang mga piniling tao ng Diyos; hindi kailanman ito huminto at gustong patayin nang pataksil ang Diyos at ang Kanyang mga piniling tao. Kung minsan ang kutsilyo ng magkakatay sa kamay nito ay hindi nahuhulog sa amin, at iyon ay ang Diyos na nagbabantay at nangangalaga sa amin. Minsan hindi namin maramdaman ang intensiyon nito na pumatay, at iyon ay ang Diyos na ginagamit ang Kanyang dakilang kapangyarihan upang kumalinga sa amin, hindi iyon dahil ibinaba ng malaking pulang dragon ang kutsilyo ng kanyang magkakatay at tumigil sa pag-uusig nito. Hindi kailanman ibinaba ng malaking pulang dragon ang kutsilyo ng magkakatay nito, hindi kailanman nito ibaba ito; nais nitong labanan ang Diyos hanggang sa wakas at habang mas palapit na ito sa wakas, mas nagngangalit ito sa galit, dahil ang malaking pulang dragon ay si Satanas, ang masamang espiritu. Alam nito na ang maluwalhating araw na tatapusin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas ay ang huling araw nito. Samakatuwid, habang mas papalapit ang kamatayan, mas lalo itong nakikipaglaban. Gayunman, anuman ang mangyayari, ginagamit ng gawain ng Diyos ang malaking pulang dragon bilang isang kapupunan, isa itong bagay na naglilingkod sa mga kamay ng Diyos, isa itong kagamitan para subukan ang mga piniling tao ng Diyos. Hindi mahahadlangan ng kalupitan nito ang gawain ng Diyos, kung walang pahintulot ng Diyos, wala itong kapangyarihan sa mga piniling tao ng Diyos. Kapag hindi ito pinahihintulutan ng Diyos na manghuli, mapupunta sa harap nito nang hindi nakikita ang mga piniling tao ng Diyos at hindi nito magagawang mahuli sila. Wala itong ibang mapagpipilian kundi ang kaawaan ng Diyos. Tulad ng sinasabi ng salita ng Diyos: “Kapag opisyal na akong nagsimula ng Aking gawain, ang lahat ng tao ay kikilos kasabay ng Aking pagkilos, nang sa gayon sinasakop ng mga tao sa buong sansinukob ang kani-kanilang sarili kasabay Ko, mayroong ‘pagsasaya’ sa buong sansinukob, at ang tao ay napapasulong Ko. Bunga nito, Aking nalalatigo ang malaking pulang dragon mismo sa isang kalagayan ng pagdidiliryo at pagkalito, at pinagsisilbihan ang Aking gawain, at, sa kabila ng pagtanggi, ay hindi kayang sumunod sa mga sarili nitong pagnanasa, iniiwan itong walang pagpipilian kundi magpasakop sa Aking pagpigil” (“Kabanata 29” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa malaking pagdurusa, pinahintulutan ng Diyos ang malaking pulang dragon na usigin ang mga piniling tao ng Diyos, dahil nais Niyang pagsamantalahan ang malaking pulang dragon at gamitin ito upang makinabang ang mga piniling tao ng Diyos upang makita nila nang malinaw ang kahulugan ng paglaban ng malaking pulang dragon laban sa Diyos. Kung palaging nagbabantay at nangangalaga ang Diyos sa atin, at hindi tayo pinahintulutan na magdusa ng kahit kaunting pag-uusig sa totoong kapaligiran, hindi natin magagawang tunay na paniwalaan ang mga salita na ipinahayag ng Diyos tungkol sa kahulugan ng katiwalian ng malaking pulang dragon; at hindi natin malalaman ang katapatan ng Diyos. Samakatuwid, pinapayagan tayo ng Diyos na makita ang katotohanan ng mga katunayan kapag naaangkop. Sa ganitong paraan lamang maaari nating makita na ang lahat ng sinasabi ng Diyos ay totoo at ang malaking pulang dragon ay talagang kaaway ng Diyos, na ito ay isang masamang espiritu, at ito ay pumapatay ng mga tao at nilulunok ang mga espiritu ng mga tao. Kung hindi ibinunyag ang mga katotohanang ito, malilinlang at madaraya pa rin ako nito; Maniniwala pa rin ako kapag sinabi nito, “kalayaan sa relihiyon” at “mga legal na karapatan ng mga mamamayan.” Ngayon, personal kong naranasan ang pagtugis at pag-uusig ng malaking pulang dragon, nakita ko sa sarili kong mga mata ang malupit na mukha ng malaking pulang dragon sa pagpatay sa mga piniling tao ng Diyos. At alam ko na ngayon na ang kalayaan at demokrasya na ipinapahayag nito ay pawang panlalansi upang linlangin at dayain ang mga tao. Nakita ko ngayon nang malinaw ang kasamaan at napakasamang sangkap ng demonyo ng malaking pulang dragon, at tunay na tinututulan ito ng puso ko. Nagbago na ang isip ko na ipagkanulo ito at sundin ang Diyos hanggang sa wakas.
Nagmumula sa Diyos ang mga pagdurusa, at ang tiyempo ng kanilang wakas ay tiyak na nasa mga kamay ng Diyos. Kapag ang gawain ng Diyos ay may kinahihinatnan, tiyak na hindi ipagpapaliban ng Diyos ang oras. Tulad ng sinabi ng Diyos: “Ang panahon ng kapighatian ay hindi magiging mas matagal—ni hindi ito magiging isang taon. Kung magtatagal ito ng isang taon aantalain nito ang susunod na hakbang ng gawain, at ang tayog ng mga tao ay hindi magiging sapat. Kung ito ay magiging masyadong mahaba hindi nila ito matatagalan—may mga hangganan ang kanilang tayog.” May sariling plano ang Diyos, at hindi Niya inaantala ang susunod na hakbang ng pagpapalaganap ng Kanyang ebanghelyo. May lubos na pang-unawa ang Diyos sa atin, Siya ang nakakaalam ng ating mga tayog, nalalaman Niya ang ating mga kalagayan, at hindi Siya papayag na magkaroon ng mga kawalan ang ating mga buhay. Samakatuwid, ang Diyos at hindi mag-aantala kahit isang saglit, at kaya nating tiisin ang lahat ng ito. Gumawa ang Diyos ng eksaktong mga plano para sa atin sa Kanyang gawain, inisip Niya ang tungkol sa ating buhay sa lahat ng paraan; ngunit sa aking pagdurusa, lahat ng naisip ko ay tungkol sa sarili kong kaligtasan at kung ako man ay dumaranas o hindi ng mga kahirapan; hindi ko talaga inisip ang tungkol sa Diyos. Tunay na makasarili ako at malungkot; wala akong isang makatuwirang konsensiya at hindi karapat-dapat na mabuhay sa harap ng Diyos. Sa aking pagdurusa, ibinunyag ng Diyos ang tunay kong tayog, na naging dahilan upang tunay kong maunawaan ang aking sarili. Nakita ko kung gaano ako kadukha, kaawa-awa at bulag; nakita ko na wala akong pananampalataya o pag-ibig para sa Diyos, ngunit mayroon lang ng paghihimagsik at paglaban hanggang sa punto na magtataksil ako sa anumang oras at anumang lugar. Sa panahong ito, nakita ko ang aking panganib, at naramdaman ko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng katotohanan; mula noon nagkaroon na ako ng pagkauhaw para sa katotohanan. Sa panahong ito binasa ko ang mga salita na ipinahayag ng Diyos tungkol sa tiwaling kalikasan ng tao at naramdaman na nabuhay ang salita ng Diyos sa akin tulad ng isang espadang may dalawang talim na tumatagos sa aking kasu-kasuan at kaibuturan at inilalantad ang kalaswaan at kawalan ng katarungan sa kaibuturan ng aking puso. Naging dahilan ito upang makita ko na ako ay malungkot at pangit at upang makita na ako ay talagang ginawang tiwali ni Satanas. Nagsimula kong hamakin ang aking sarili at nagkaroon ng pagnanais na baguhin ang aking sarili; nauhaw ako na maging isang tunay na tao. Naramdaman ko na ang gawain ng Diyos ng paghatol at pagkastigo ay tunay na naglilinis ng mga tao at hangga’t taos-puso kong hinahanap ang katotohanan, tiyak na ako ay malilinis at maliligtas. Nang una kong maramdaman ang kahalagahan ng mga salita ng Diyos at ang kahalagahan ng katotohanan, naging masaya ang kaibuturan ng aking puso: sa wakas ay pumasok na ako sa aking paniniwala sa Diyos, humahakbang ako patungo sa isang bagong simula at nakikita ang pag-asa ng pagtatamo ng kaligtasan. Dahil dito, nagtakda ako ng isang resolusyon: Gaano man kalubak ang landas na aking tatahakin, lagi akong magiging matatag at hindi matitinag sa pagsunod sa Diyos at tatahakin ang tamang landas ng buhay.
Binigyang-daan ng mga kahanga-hangang pagsasaayos ng Diyos na pumasok tayo nang hindi sinasadya sa pagdurusa at lumabas nang hindi sinasadya mula sa pagdurusa. Ang ani na natamo natin mula rito ay malinaw at madaling makita. Sa pamamagitan ng pagdurusa, makikita natin na ang Diyos ay makapangyarihan at matalino; makikita natin na ang malaking pulang dragon ay walang kakayahan at hangal. Ito ay hindi mapigil at mabagsik, at walang ibang mapagpipilian kundi ang pabalik-balik na ihagis nang hindi kinukusa ng gawain ng Diyos; walang hanggan itong matatalo sa mga kamay ng Diyos. Walang saysay na tinatangka ng malaking pulang dragon na takutin ang mga piniling tao ng Diyos sa pamamagitan ng malupit na pag-uusig at ginagambala at kinakalas ang gawain ng Diyos. Hindi nito nalalaman na ginagamit ito ng Diyos upang gawing perpekto ang mga tao ng Diyos. Kahit na sa labas ay mukhang ang pag-uusig ng malaking pulang dragon ay dumating sa mga tao, sa katunayan, lahat ng ito ay isinaayos ng makapangyarihang kamay ng Diyos. Ikinakalat Niya ang mga tao at tinitipon ang mga tao, inaakay Niya ang mga tao sa mga pagdurusa at inaakay palayo ang mga tao mula sa pagdurusa; pinapayagan Niya ang mga tao na magtiis hanggang sa gusto na nilang umalis, ngunit palagi Niyang sinuportahan ang mga tao, hinila ang mga tao, at naging dahilan upang hindi makaalis ang mga tao. Ito ay sa gitna ng mga kahanga-hangang pagsasaayos ng Diyos na malinaw na nakikita ng mga tao ang pangit na mukha ng malaking pulang dragon mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Nagawa ring makita ng mga tao ang dakilang kapangyarihan ng Diyos at maranasan ang pag-ibig, pagkamakapangyarihan at karunungan ng Diyos. Sila ay mas matatag at matibay sa pagsunod sa Diyos, at nakikita ang kanilang tunay na mga tayog at kakulangan; mas malaki ang pagkauhaw ng kanilang mga puso para sa Diyos at sa katotohanan. May malaking kahalagahan sa pagtataas ng Diyos sa malaking pagdurusa; may napakaraming karunungan sa gawain ng Diyos. Walang sinuman ang makauunawa nito. Nagawa kong lumahok sa malaking pagdurusa na isinaayos ng Diyos; ito ay tunay na pagpupuri ng Diyos at masaganang pag-ibig at aking karangalan sa buhay na ito. Sa tuwing pinag-iisipan ko ito napupuspos ako ng emosyon at nais na ibigay ang taos-pusong pasasalamat at pagpupuri sa Diyos. Kung hindi ko naranasan ang pagdurusa, wala akong ibang pagpipilian kundi ang sumunod nang walang taros at, sa bandang huli, mahuhulog at mapaphamak ako dahil sa hindi pagkakamit ng katotohanan at hindi pagbabago ng aking tiwaling disposisyon. Kung hindi ko naranasan ang pagdurusa, hindi ako magkakaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos at hindi mauunawaan ang kahirapan ng gawain ng Diyos at na ang pagliligtas sa mga tao ay hindi madali. Kung hindi ko naranasan ang pagdurusa, hindi ko makikita ang tunay na mukha ng malaking pulang dragon at magkakaroon pa rin ako ng mga maling akala tungkol sa madilim na lipunan na ito, magkakaroon pa rin ako ng pagmamahal para sa mundong ito at hindi magagawang sumunod sa Diyos nang may matigas na puso. Nilupig ako ng kamangha-mangha at matalinong gawain ng Diyos; inakay ako ng pagkamakapangyarihan at dakilang pag-ibig ng Diyos sa kung saan ako naroroon ngayon! Mula ngayon, anuman ang mga pagsubok at pagdurusa na aking haharapin, handa akong magtiwala sa aking pananampalataya at pag-ibig para sa Diyos upang sumaksi para sa Diyos at aliwin ang puso ng Diyos.
Niyanig ng Kidlat ng Silanganan ang mga Relihiyon (1/6) - "Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit"
0 Mga Komento