Paano Ka Kailangang Manalig sa Diyos upang Maligtas at Magawang Perpekto?

Salita ng Diyos, Pedro, katotohanan, Diyos, biyaya ng Diyos,

Paano Ka Kailangang Manalig sa Diyos upang Maligtas at Magawang Perpekto?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Upang ibuod ang pagtahak sa landas ni Pedro sa paniniwala sa Diyos, ito ay ang pagtahak sa landas ng paghahabol sa katotohanan, na siya ring landas ng tunay na pagkilala sa sarili at pagbabago sa disposisyon ng isa. Sa pamamagitan lamang ng pagtahak sa daan ni Pedro matatahak ng isa ang landas ng pagiging ginawang perpekto ng Diyos. Dapat maging malinaw sa isa kung paano espesipiko na tahakin ang landas ni Pedro at kung paano ito isagawa. Una, dapat munang isantabi ng isa ang kanyang sariling mga hangarin, di-wastong mga paghahabol, at maging ang kanyang sambahayan at lahat ng bagay ukol sa kanyang sariling laman. Dapat siyang maging buong-pusong nakatalaga, iyon ay, ganap na italaga ang kanyang puso tungo sa salita ng Diyos, magtuon ng pansin sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, magtuon ng pansin sa paghahanap para sa katotohanan, sa paghahanap para sa hangarin ng Diyos sa Kanyang mga salita, at subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ang pinakapangunahin at ang pinakamahalagang paraan ng pagsasagawa. Ito ang ginawa ni Pedro pagkatapos niyang makita ang Panginoong Jesus, at sa pamamagitan lamang ng pagsasagawa sa ganitong paraan nakakamit ng isa ang pinakamahusay na mga resulta. Ang buong-pusong pagtatalaga sa mga salita ng Diyos ay pangunahing nangangahulugan ng paghahanap sa katotohanan, paghahanap sa hangarin ng Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, pagtutuon ng pansin sa pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pag-unawa at pagkakamit ng mas maraming katotohanan mula sa mga salita ng Diyos. Kapag binabasa ang Kanyang mga salita, hindi nakatuon si Pedro sa pag-unawa sa mga doktrina at siya ay lalo pang hindi nakatuon sa pagkakamit ng kaalamang pangteolohiya; sa halip, siya ay nakatuon sa pag-unawa sa katotohanan at pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagtatamo ng pagkaunawa ng Kanyang disposisyon at ng Kanyang pagiging kaibig-ibig. Sinubukan din niyang unawain ang iba’t ibang tiwaling mga kalagayan ng tao mula sa mga salita ng Diyos, at unawain ang tiwaling kalikasan ng tao at ang tunay na mga pagkukulang ng tao, tinatamo ang lahat ng aspeto ng mga hinihingi ng Diyos sa tao upang mapalugod Siya. Nagkaroon siya ng napakaraming wastong mga pagsasagawa sa loob ng mga salita ng Diyos; ito ay halos naaayon sa kalooban ng Diyos, at ito ang pinakamahusay na pakikipagtulungan ng tao sa kanyang karanasan sa gawain ng Diyos. Habang dumaranas ng daan-daang pagsubok ng Diyos, mahigpit niyang sinuri ang kanyang sarili ayon sa bawat salita ng paghatol ng Diyos sa tao, bawat salita ng paghahayag Niya sa tao, at bawat salita ng Kanyang mga kahilingan sa tao, at sinikap na unawain ang kahulugan ng mga pagbikas na iyon. Masigasig niyang pinagnilayan at isinaulo ang bawat salitang sinabi sa kanya ng Panginoong Jesus, at napakaganda ng nakamtan niyang mga resulta. Sa ganitong paraan ng pagsasagawa, naunawaan niya ang kanyang sarili mula sa mga salita ng Diyos, at hindi lang ang iba’t ibang tiwaling kalagayan ng tao ang naunawaan niya, kundi pati na ang diwa, likas na pagkatao, at ang iba’t ibang pagkukulang ng tao. Ito ang kahulugan ng tunay na maunawaan ang sarili. Mula sa mga salita ng Diyos, hindi lamang niya natamo ang tunay na pagkaunawa ukol sa sarili niya, kundi mula sa mga bagay na ipinapahayag sa mga pagbigkas ng Diyos—ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang kalooban ng Diyos para sa Kanyang gawain, ang Kanyang mga hinihingi sa sangkatauhan—mula sa mga salitang ito nakarating siya sa lubos na pagkakilala sa Diyos. Nakarating siya sa pagkakilala sa disposisyon ng Diyos, at sa Kanyang diwa; nakilala at naunawaan niya kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos at mga hinihingi ng Diyos para sa tao. Bagama’t ang Diyos ay hindi gaanong nagsalita noong panahong iyon kagaya ng Kanyang ginagawa sa kasalukuyan, nagkaroon ng bunga kay Pedro sa mga aspetong ito. Ito ay isang bihira at napakahalagang bagay. Dumaan si Pedro sa daan-daang pagsubok, subali’t hindi nagdusa nang walang-saysay. Hindi lamang niya naunawaan ang kanyang sarili mula sa mga salita at sa gawa ng Diyos, kundi nakilala rin niya ang Diyos. Dagdag pa riyan, sa mga pagbigkas ng Diyos, nagtuon siya lalo na sa mga hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan sa loob ng Kanyang mga salita. Sa alinmang mga aspeto dapat bigyang-kasiyahan ng tao ang Diyos upang makaayon sa kalooban ng Diyos, nagawang magsikap nang husto ni Pedro sa mga aspetong ito at nakamtan ang buong kalinawan; lubhang kapaki-pakinabang patungkol sa sarili niyang pagpasok. Anuman ang pinatungkulan ng Diyos, basta’t ang mga salitang iyon ay maaaring maging kanyang buhay, nakaya ni Pedro na iukit ang mga ito sa kanyang puso upang madalas na pagbulayan at pahalagahan ang mga ito. Matapos mapakinggan ang mga salita ng Panginoong Jesus nakaya niyang isapuso ang mga ito, na nagpapakita na siya ay espesyal na nakatuon sa mga salita ng Diyos, at tunay na nakamtan niya ang mga resulta sa huli. Iyon ay, nakaya niyang malayang isagawa ang mga salita ng Diyos, tumpak na isagawa ang katotohanan at mapahanay sa kalooban ng Diyos, kumilos nang lubusang naaayon sa intensiyon ng Diyos, at isuko ang kanyang sariling personal na mga opinyon at imahinasyon. Sa ganitong paraan, pumasok si Pedro sa realidad ng mga salita ng Diyos. Ang serbisyo ni Pedro ay kahanay sa kalooban ng Diyos pangunahing dahil ginawa niya ito.

—mula sa "Paano Tahakin ang Landas ni Pedro" sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Upang hanapin ang pagpeperpekto ng Diyos, ang isa ay kailangan munang maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng maperpekto ng Diyos, anong mga kundisyon ang kailangang taglayin upang maperpekto ng Diyos, pagkatapos ay hanapin ang mga landas ng pagsasagawa sa sandaling magkaroon na siya ng pagkaunawa sa mga ganitong bagay. Ang isa ay kailangang magtaglay ng tiyak na kakayahan upang maperpekto ng Diyos. Maraming hindi nagtataglay ng mga kinakailangang kakayahan, na nangangailangan na magbayad ka ng tiyak na halaga at ng iyong sariling pagsisikap. Mas kaunti ang iyong kakayahan, mas higit ang sariling pagsisikap na dapat mong gawin. Mas malaki ang iyong pagkaunawa sa mga salita ng Diyos at mas isinasagawa mo ang mga iyon, mas mabilis kang makapapasok tungo sa landas ng pagpeperpekto ng Diyos. Sa pamamagitan ng pananalangin, ikaw ay mapeperpekto sa gitna ng mga panalangin; sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pag-unawa sa diwa ng mga salita ng Diyos, at pagsasabuhay ng realidad ng mga salita ng Diyos, ikaw ay mapeperpekto. Sa pamamagitan ng pagdaranas ng mga salita ng Diyos araw-araw, dumarating ka sa pagkaalam ng kung ano ang kulang sa iyo, at higit pa rito, dumarating ka sa pagkaalam sa iyong karupukan at sa iyong mga kahinaan, at nag-aalay ka ng panalangin sa Diyos, sa pamamagitan nito ikaw ay unti-unting napeperpekto. Ang mga landas sa pagpeperpekto: pananalangin, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagkaunawa sa diwa ng mga salita ng Diyos, pagpasok tungo sa pagdaranas ng mga salita ng Diyos, pagdating sa pagkakaalam ng kung ano ang kulang sa iyo, pagsunod sa gawain ng Diyos, pagsasaisip sa pasanin ng Diyos at pagdaig sa laman sa pamamagitan ng iyong pagmamahal sa Diyos, at malimit na pagbabahagi sa mga kapatid na lalaki at babae, na nagpapayaman sa iyong mga karanasan. Kung ito man ay buhay-komunidad o iyong pansariling buhay, at kung ito man ay mga malalaking pagtitipon o maliliit, ang lahat ay makapagpapahintulot sa iyo na magkaroon ng mga karanasan at makatanggap ng pagsasanay upang ang iyong puso ay mapapayapa sa harap ng Diyos at makababalik sa Diyos. Lahat ng ito ay ang proseso ng pagiging pineperpekto. Ang pagdaranas sa mga salita ng Diyos na aking sinalita ay nangangahulugan ng tunay na pagtikim sa mga salita ng Diyos at pagpapaubaya na ang mga salita ng Diyos ay maisabuhay sa iyo upang ikaw ay magkaroon ng mas malaking pananampalataya at pag-ibig tungo sa Diyos. Sa pamamagitan ng paraang ito, unti-unti mong maiwawaksi ang tiwaling maka-Satanas na disposisyon, unti-unti mong maaalis sa iyong sarili ang di-wastong mga motibo, at isasabuhay ang wangis ng isang normal na tao. Mas malaki ang pag-ibig sa Diyos sa loob mo—na ibig sabihin, mas malaking bahagi sa iyo ang naperpekto na ng Diyos—mas kaunti na ang ginawang pagtiwali sa iyo ni Satanas. Salamat sa tunay na mga karanasan, ikaw ay unti-unting makapapasok tungo sa landas ng pagpeperpekto. Samakatuwid, kung nais mong maperpekto, ang pagsasaisip sa kalooban ng Diyos at pagdaranas ng mga salita ng Diyos ay lalong mahalaga.

—mula sa "Isaisip ang Kalooban ng Diyos Upang Makamit ang Pagkaperpekto" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kung naniniwala ka sa pamumuno ng Diyos, kung gayon dapat maniwala ka na ang mga bagay na nangyayari araw-araw, maging mabuti o masama, ay hindi basta nagaganap. Hindi ito dahil may isang sadyang nagpapahirap sa iyo o pumupuntirya sa iyo; sa katunayan lahat ito ay isinasaayos at itinatakda ng Diyos. Para sa ano isinasaayos ng Diyos ang mga bagay na ito? Hindi ito para ibunyag ang iyong mga pagkukulang o para ilantad ka; ang paglalantad sa iyo ay hindi ang panghuling layunin. Ang panghuling layunin ay gawin kang ganap at iligtas ka. Paano ginagawa iyan ng Diyos? Una, ipinababatid Niya sa iyo ang iyong sariling tiwaling disposisyon, ang iyong kalikasan at diwa, ang iyong mga pagkukulang, at kung ano ang wala ka. Tanging sa pag-unawa ng mga bagay na ito sa puso mo mahahabol mo ang katotohanan at unti-unting naiwawaksi ang iyong tiwaling disposisyon. Ito ang pagkakaloob sa iyo ng Diyos ng pagkakataon. Dapat mong alamin kung paano sasamantalahin itong pagkakataon, at huwag makipagtalo sa Diyos. Lalo na kapag napaharap sa mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na isinasaayos ng Diyos sa paligid mo, huwag laging isipin na hindi ayon sa nais mo ang mga bagay-bagay, laging patakas, laging sinisisi at hindi inuunawa ang Diyos. Hindi iyan pagpapasailalim sa gawain ng Diyos, at lubha kang pahihirapan niyan na makapasok sa realidad ng katotohanan. Anuman ang bagay na hindi mo lubusang mauunawaan, kapag may mga paghihirap ka, dapat matuto kang magpasakop. Dapat lumapit ka sa Diyos at manalangin pa. Sa ganoong paraan, bago mo mamalayan magkakaroon ng pagbabago sa iyong panloob na kalagayan at mahahanap mo ang katotohanan para malutas ang iyong problema—makakaya mong maranasan ang gawain ng Diyos. Sa panahong ito, nabubuo sa loob mo ang realidad ng katotohanan, at ito naman ang kung paano ka susulong at paanong mangyayari ang isang pagbabago sa kalagayan ng iyong buhay. Sa sandaling napapagdaanan mo na ang pagbabagong ito at nagkakaroon ng ganitong uri ng realidad ng katotohanan, magtataglay ka naman ng pagtaas sa tayog, at kasama ng tayog ang buhay. Kung ang isa’y laging nabubuhay batay sa isang tiwaling mala-satanas na disposisyon, kung gayon gaano man kalaking kasiglahan at kalakasan mayroon sila, hindi pa rin sila maituturing na may tayog, o buhay. Gumagawa ang Diyos sa bawat isang tao, at kung anuman ang Kanyang pamamaraan, anong klase ng mga tao, bagay at materyal ang ginagamit Niya para maglingkod, o anumang uri ng tono mayroon ang mga salita Niya, isa lamang ang Kanyang panghuling layunin: pagliligtas sa iyo. Ang ibig sabihin ng pagliligtas sa iyo ay pagpapanibago sa iyo, kaya paanong hindi ka magdurusa nang kaunti? Kakailanganing magdusa ka. Ang pagdurusang ito’y maaaring kapalooban ng maraming bagay. Kung minsa’y ibinabangon ng Diyos ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay-bagay sa paligid mo para ilantad ka, para tulutan kang makilala ang sarili mo, o kaya ay tuwirang nakikitungo sa iyo, tinatabasan ka, at inilalantad ka. Katulad lamang ng isang nasa mesang pang-operasyon—kailangang dumaan ka sa kaunting kirot para sa mabuting kalalabasan. Kung sa tuwing tinatabasan at pinakikitunguhan ka ng Diyos at tuwing ibinabangon Niya ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay-bagay, inaantig nito ang iyong damdamin at pinalalakas ka, kung gayon ang pagdanas nito sa ganitong paraan ay tama, at magkakaroon ka ng tayog at makakapasok sa realidad ng katotohanan.

—mula sa "Para Matamo ang Katotohanan, Dapat Matuto Ka mula sa mga Tao, mga Pangyayari, at mga Bagay sa Paligid Mo" sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sa kanyang pananampalataya sa Diyos, hinanap ni Pedro na mapasaya ang Diyos sa lahat ng bagay, at hinanap na sundin ang lahat ng nagmula sa Diyos. Nang wala ni katiting na reklamo, kinaya niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, pati na rin ang pagpipino, kapighatian at kakulangan sa kanyang buhay, kung saan wala sa mga nabanggit ang makapagbabago ng kanyang pag-ibig sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pag-ibig sa Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos? Sa pagkastigo, paghatol, o kapighatian, laging may kakayahan kang makamit ang pagsunod hanggang kamatayan, at ito ang dapat na makamit ng isang nilalang ng Diyos, ito ang pagiging dalisay ng pagmamahal ng Diyos. Kung kaya ng tao na magkamit ng ganito kahigit, kung gayon siya ay isang angkop na nilalang ng Diyos, at walang mas makapagpapasaya sa kalooban ng Lumikha.

—mula sa "Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kung nais ng mga tao na maging buhay na nilalang, at magpatotoo sa Diyos, at sang-ayunan ng Diyos, dapat nilang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, dapat silang magpasakop nang malugod sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at dapat nilang tanggapin nang malugod ang pagtatabas at pakikitungo ng Diyos. Saka lamang nila magagawang isagawa ang lahat ng katotohanang hiningi ng Diyos, at saka lamang nila makakamtan ang pagliligtas ng Diyos, at magiging tunay na mga buhay na nilalang.

—mula sa "Ikaw Ba’y Nabuhay na?" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Silang mga walang kahit kaunting pagtalima sa Diyos, na kumikilala lamang sa pangalan ng Diyos, at may kaunting pakiramdam sa pagmamahal at pagiging kaibig-ibig ng Diyos gayunman ay hindi sumasabay sa mga yapak ng Banal na Espiritu, at hindi tumatalima sa kasalukuyang gawain at mga salita ng Banal na Espiritu—ang ganyang mga tao ay nabubuhay sa gitna ng awa ng Diyos, at hindi makakamit at magagawang perpekto ng Diyos. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pagtalima, sa pamamagitan ng kanilang pagkain, pag-inom, at kasiyahan sa mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng mga pagdurusa at pagpipino sa kanilang mga buhay. Sa pamamagitan lamang ng pananampalatayang gaya nito mababago ang disposisyon ng mga tao, at saka lamang nila makakamit ang tunay na karunungan sa Diyos. Ang hindi pagiging kuntento sa pamumuhay sa gitna ng mga biyaya ng Diyos, pagiging laging nauuhaw para sa katotohanan, at paghahanap para sa katotohanan, at paghahabol na maging pag-aari ng Diyos—ito ang ibig sabihin ng maingat na pagtalima sa Diyos: ito ang eksaktong uri ng pananampalatayang gusto ng Diyos.

—mula sa "Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Higit pang pansin: Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento