Tagalog praise and worship Songs | "Awit ng Kaharian (II) Dumating na ang Diyos at Naghahari"
Ⅰ
Sa maganda at napakasayang sandaling ito,
sa langit at sa lupa,
lahat ay nagpupuri.
Sino'ng 'di natutuwa?
Sino'ng 'di nagagalak?
At sino'ng 'di naluluha?
Langit ay napanibago,
langit ng kaharian.
Lupa ay napanibago,
lugar ng kabanalan.
Masamang mundo'y nabago,
matapos ang malaking unos.
Ⅱ
Bundok, tubig, nagbabago.
Nagbabago pati tao.
Lahat ng nilalang nagbabago.
Payapang bundok, sumayaw para sa Diyos!
Tahimik na tubig, malayang dumaloy!
Taong nangangarap, bangon at humabol!
Ang Diyos ay narito na at naghahari.
Makikita nila ang Diyos ng mukhaan,
tinig N'ya'y kanilang maririnig,
at mamumuhay ng buhay sa kaharian.
Kay inam, kay ganda, hindi malilimutan.
Ⅲ
Ang Diyos ay nagngingitngit,
pulang dragon ay namimilipit.
Sa paghatol ng Diyos, kademonyoha'y nalalantad.
Sa ilalim ng salita ng Diyos, tao'y napapahiya,
walang mataguan.
Pagka't ang Diyos ay kanyang kinutya,
sa tuwina'y sarili ay ipinagmamalaki,
kanyang sinusuway kalooban ng Diyos palagi.
Masdan mo ngayon sino'ng 'di naluluha?
Sino'ng 'di nagsisisi?
Sa buong sansinukob, lahat lumuluha,
puno ng kagalakan, puno ng tuwa.
Ang saya'y walang hanggan.
Ⅳ
Umaambon, niyebe ay pumapatak.
Sa langit, lumilipad ang mga ulap.
Sa dagat, ang alon ay humahampas.
Ang tao'y nabalot ng lungkot at galak.
Ang ila'y nagsasaya, ila'y umiiyak,
ila'y natutuwa.
Lahat tila nakalimot na.
Ambon sa tagsibol?
O mabulaklak na tag-init?
O magandang ani sa taglagas?
Maginaw na taglamig?
Walang makapagsasabi.
Ⅴ
Mga anak ng Diyos, sumayaw sa tuwa.
Bayan ng Diyos, tumalon sa galak.
Mga anghel ay gumagawa.
Namamastol ng tupa.
Mga tao sa lupa ay sadyang abala,
lahat ng nilalang, nagpaparami na.
Langit ay napanibago,
langit ng kaharian.
Lupa ay napanibago,
lugar ng kabanalan.
Masamang mundo'y nabago,
matapos ang malaking unos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
____________________________________
Rekomendasyon:Tagalog Prayer Songs
0 Mga Komento