Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Kung tinatamasa mo lamang ang biyaya ng Diyos, sa isang mapayapang buhay ng sambahayan o mga pagpapalang materyal, kung gayon hindi mo nakamit ang Diyos, at ang iyong paniniwala sa Diyos ay nabigo. Ipinatupad na ng Diyos ang isang yugto ng gawain ng biyaya sa katawang-tao, at ipinagkaloob na ang mga materyal na pagpapala sa tao—ngunit ang tao ay hindi maaaring gawing perpekto sa pamamagitan lamang ng biyaya, pag-ibig, at habag.
Sa mga karanasan ng tao nakakatagpo niya ang ilang pag-ibig ng Diyos, at nakikita ang pag-ibig at habag ng Diyos, ngunit sa pagdanas sa loob ng isang yugto ng panahon, nakikita niya na ang biyaya ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig at habag ay walang kakayahan na gawing perpekto ang tao, at walang kakayahan sa paghahayag sa kung alin ang tiwali sa loob ng tao, ni nagagawa ng mga ito na alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon, o gawing perpekto ang kanyang pananampalataya at pag-ibig. Ang gawain ng biyaya ng Diyos ay ang gawain ng isang yugto, at hindi makaaasa ang tao sa pagtatamasa sa biyaya ng Diyos upang makilala ang Diyos.
—mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung nasisiyahan lamang siya sa biyaya ng Diyos, hindi siya magagawang perpekto ng Diyos. Ang ilan ay maaaring malugod sa kapayapaan at kasiyahan ng laman, ng isang maalwang buhay na walang paghihirap o kasawian, namumuhay sa kapayapaan sa kanilang pamilya nang walang mga away o mga alitan. Maaari pa nga silang maniwala na ito ay pagpapala ng Diyos, ngunit sa katotohanan, isa lamang itong biyaya ng Diyos. Hindi kayo maaaring masiyahan lamang sa pagtamasa ng biyaya ng Diyos. Ang ganitong uri ng pag-iisip ay masyadong masagwa. Kahit na araw-araw mong basahin ang salita ng Diyos, manalangin araw-araw, at ang iyong espiritu ay nakakaramdam ng partikular na kasiyahan at kapayapaan, gayon pa man sa katapusan ay hindi mo maaaring masabi ang anumang kaalaman sa Diyos at sa Kanyang gawain o walang karanasan sa mga gayon, at kahit na gaano karami ang salita ng Diyos na iyong nakain na at nainom, kung nakadarama ka lamang ng kapayapaan at kasiyahan sa iyong espiritu at ang salita ng Diyos ay walang katulad ang katamisan, na parang hindi mo maaaring sapat na tamasahin ang mga ito, ngunit wala kang tunay na karanasan at walang realidad sa salita ng Diyos, ano ngayon ang matatanggap ninyo mula sa naturang paraan ng pananampalataya sa Diyos? Kung hindi mo maaaring isabuhay ang diwa ng salita ng Diyos, ang iyong pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at mga panalangin ay lubusang hinggil sa relihiyon. Kung gayon ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging perpekto at hindi makakamit ng Diyos.
—mula sa “Ang mga Pangako sa mga Nagawang Perpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pagtalima, sa pamamagitan ng kanilang pagkain, pag-inom, at kasiyahan sa mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng mga pagdurusa at pagpipino sa kanilang mga buhay. Sa pamamagitan lamang ng pananampalatayang gaya nito mababago ang disposisyon ng mga tao, at saka lamang nila makakamit ang tunay na karunungan sa Diyos. Ang hindi pagiging kuntento sa pamumuhay sa gitna ng mga biyaya ng Diyos, pagiging laging nauuhaw para sa katotohanan, at paghahanap para sa katotohanan, at paghahabol na maging pag-aari ng Diyos—ito ang ibig sabihin ng maingat na pagtalima sa Diyos: ito ang eksaktong uri ng pananampalatayang gusto ng Diyos. Ang mga tao na walang ibang ginagawa kundi magsaya sa mga biyaya ng Diyos ay hindi magagawang perpekto, o mababago, at ang kanilang pagsunod, kabanalan, at pag-ibig at pagtitiis ay pawang mababaw. Silang mga nagsasaya lamang sa mga kagandahang-loob ng Diyos ay hindi tunay na makakakilala sa Diyos, at kung makilala man nila ang Diyos, ang kanilang kaalaman ay mababaw, at sila ay nagsasalita ng mga bagay tulad ng mahal ng Diyos ang tao, o ang Diyos ay mahabagin sa tao. Hindi ito kumakatawan sa buhay ng tao, at hindi nagpapakita na tunay ngang kilala ng mga tao ang Diyos. Kung, kapag ang mga salita ng Diyos ay pinipino sila, o kapag ang Kanyang mga pagsubok ay dumarating sa kanila, ang mga tao ay walang kakayahang sumunod sa Diyos—kung, sa halip, sila ay magiging mapagduda, at mabubuwal—samakatuwid sila ay hindi masunurin kahit kaunti man.
—mula sa “Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang paniniwala ng mga tao sa Diyos ay naghahangad upang mabigyan sila ng Diyos ng isang angkop na hantungan, at ibigay sa kanila ang lahat ng biyaya sa ilalim ng araw, upang gawin ang Diyos na kanilang tagapaglingkod, upang mapanatili ng Diyos ang isang mapayapa, palakaibigang ugnayan sa kanila, at para hindi kailanman magkaroon ng anumang sigalot sa pagitan nila. Iyon ay, ang kanilang paniniwala sa Diyos ay kinakailangang mangako ang Diyos na tuparin ang lahat ng kanilang mga kahilingan, upang ipagkaloob sa kanila ang anumang kanilang ipanalangin, kagaya ng sinasabi sa Biblia “pakikinggan Ko ang lahat ng inyong mga panalangin.” Inoobliga nila ang Diyos na huwag hatulan ang sinuman o pakitunguhan ang sinuman, sapagkat ang Diyos ay palaging ang mabait na Tagapagligtas na si Jesus, na pinananatili ang isang mabuting ugnayan sa mga tao sa lahat ng panahon at sa lahat ng dako. Ang paraan ng kanilang paniniwala ay ganito: Ang mga tao ay palaging walang kahihiyang humihiling sa Diyos para sa mga bagay, at ipagkakaloob na lamang ng Diyos sa kanila ang lahat nang pikit-mata, sila man ay mapaghimagsik o masunurin. Sila ay patuloy lamang sa paghingi ng kabayaran ng isang “utang” mula sa Diyos at ang Diyos ay kailangang “magbayad ng Kanyang utang” nang walang pagtutol, at “magbayad” ng doble, nakakuha man ang Diyos sa kanila ng anuman o hindi. Siya ay maaari lamang kaawaan nila; hindi Niya maaaring basta-basta na lamang isaayos ang mga tao, lalong hindi Niya mabubunyag ang Kanyang karunungan at matuwid na disposisyon na nakatago na ng maraming taon na gustuhin man Niya sa mga tao, nang wala ang kanilang pahintulot. Ikinukumpisal lamang nila ang kanilang mga kasalanan sa Diyos at pinapawalang-sala lamang sila ng Diyos, at hindi maaaring magsawa ukol rito, at ito ay nagpapatuloy magpakailanman. Inuutusan lamang nila ang Diyos at sumusunod lamang Siya, sapagkat ito ay nakasaad sa Biblia na ang Diyos ay hindi dumating upang paglingkuran ng tao, kundi upang maglingkod, at na dumating Siya upang maging tagapaglingkod ng tao. Hindi ba noon pa ma’y naniwala na kayo sa ganitong paraan? Kapag hindi ka magkakamit ng anumang bagay mula sa Diyos kung gayon nais mong lumayo. At kapag hindi mo naiintindihan ang isang bagay ikaw ay nagiging masyadong mapaghinanakit, at ikaw ay umaabot pa hanggang sa pagpukol ng lahat ng uri ng pang-aabuso. Hindi ninyo basta-basta na lamang hahayaan ang Diyos Mismo na lubusang ipahayag ang Kanyang karunungan at hiwaga, ngunit sa halip gusto ninyo lamang tamasahin ang panandaliang kapahingaan at kaaliwan. Hanggang sa ngayon, ang inyong saloobin sa inyong pananampalataya sa Diyos ay ang dati pa ring lumang mga pananaw. Kung ipinakikita ng Diyos sa inyo ang kapiraso lamang na kamahalan kayo ay nagiging malungkot; nakikita na ba ninyo ngayon nang husto kung gaano ang inyong tayog? Huwag isipin na kayong lahat ay tapat sa Diyos samantalang ang totoo ang inyong mga lumang pananaw ay hindi pa nagbago. Kapag walang anuman ang sumapit sa iyo, iniisip mo na ang lahat ng bagay ay maayos at iniibig mo ang Diyos sa pinakamataas na antas. Ngunit kapag ang isang bagay na maliit ay sumapit sa iyo, ikaw ay bumabagsak sa Hades. Ikaw ba ito na nagiging tapat sa Diyos?
—mula sa “Dapat Mong Isantabi Ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang karamihan sa mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kapakanan ng kapayapaan at iba pang mga kapakinabangan. Kapag hindi ito sa iyong kapakinabangan, hindi ka naniniwala sa Diyos, at kung hindi ka nakakatanggap ng mga biyaya ng Diyos, nahuhulog ka sa pagmamaktol. Paanong ang iyong sinabi ang iyong tunay na tayog? Pagdating sa hindi maiiwasang mga pangyayari sa sambahayan gaya ng ang mga anak ay nagkakasakit, ang mga mahal sa buhay ay napupunta sa mga pagamutan, mahinang ani, pag-uusig ng mga miyembro ng sambahayan, ni hindi ka makatawid sa mga bagay na ito na nangyayari nang madalas sa pang-araw-araw na buhay. Kapag nangyari ang gayong mga bagay, ikaw ay natataranta, hindi mo alam kung ano ang gagawin—at kadalasan, nagrereklamo ka tungkol sa Diyos. Inirereklamo mo na nilinlang ka ng mga salita ng Diyos, na ginugulo ka ng gawain ng Diyos. Wala ba kayong gayong mga saloobin? Iniisip mo ba na ang gayong mga bagay ay nangyayari sa inyo nang madalang lamang? Ginugugol ninyo ang bawat araw sa gitna ng gayong mga pangyayari. Hindi kayo nagbibigay ni katiting na isipan sa tagumpay ng inyong pananampalataya sa Diyos, at kung paano mapalugod ang kalooban ng Diyos. Ang inyong tunay na tayog ay napakaliit, mas maliit pa kaysa doon sa maliit na sisiw. Kapag ang negosyo ng inyong pamilya ay nawawalan ng pera kayo ay nagrereklamo tungkol sa Diyos, kapag natagpuan ninyo ang inyong sarili sa isang kapaligiran na walang pag-iingat ng Diyos nagrereklamo pa rin kayo tungkol sa Diyos, nagrereklamo pa rin kayo kung ang isa sa inyong mga sisiw ay namatay o ang isang matandang baka sa kulungan ay nagkasakit, nagrereklamo kayo kapag oras na para sa inyong anak na lalaki na magpakasal nguni’t ang inyong pamilya ay walang sapat na salapi, at kapag ang mga manggagawa ng iglesia ay kumakain sa iyong tahanan nang ilang beses nguni’t hindi ka binabayaran ng iglesia o walang sinuman ang nagpapadala sa iyo ng anumang mga gulay, nagrereklamo ka rin. Ang iyong tiyan ay punung-puno ng mga reklamo, at may mga pagkakataon na hindi ka dumadalo sa mga pagtitipon o kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos dahil dito, at malamang na ikaw ay magiging negatibo sa napakahabang panahon. Walang anuman na nangyayari sa iyo sa kasalukuyan ang may kinalaman sa iyong mga inaasahan o kapalaran; ang mga bagay na ito ay mangyayari din kahit hindi ka naniwala sa Diyos, nguni’t sa kasalukuyan ipinapasa mo ang iyong pananagutan para sa kanila sa Diyos, at pilit na sinasabing inalis ka ng Diyos. Alin sa paniniwala mo sa Diyos, ang talagang inihandog mo ang iyong buhay? Kung dinanas ninyo ang kaparehong mga pagsubok kagaya ng kay Job, wala ni isa man sa inyong sumusunod sa Diyos sa kasalukuyan ang makapaninindigan, lahat kayo ay babagsak. At mayroon, sa simpleng pananalita, isang malaking pagkakaiba sa pagitan ninyo at ni Job. Sa kasalukuyan, kung kalahati sa inyong mga ari-arian ang sinamsam mangangahas kayong ikaila ang pag-iral ng Diyos; kung ang inyong anak na lalaki o anak na babae ay kinuha mula sa inyo, magtatatakbo kayo sa mga lansangan na sumisigaw nang napakasama; kung ang iyong tanging paraan para kumita ay wala nang patunguhan, magrereklamo ka sa Diyos, itatanong mo kung bakit Ako nagsabi ng napakaraming salita sa simula upang takutin ka. Walang bagay na hindi ninyo pangangahasang gawin sa gayong mga pagkakataon. Ipinakikita nito na hindi kayo nakatamo ng anumang tunay na pagkaunawa, at walang totoong tayog.
—mula sa “Pagsasagawa (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sapat na ba sa iyo na mamuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, may kapayapaan at kagalakan, at kaunting makalamang kaginhawahan? Hindi ba’t ikaw ang pinakamababa sa lahat ng tao? Wala nang hihigit pa ang kamangmangan kaysa mga yaong nakakita sa kaligtasan ngunit hindi hinahabol na makamit ito: Sila ay mga taong nagpapakabusog sa laman at nasisiyahan kay Satanas. Umaasa ka na ang iyong pananampalataya sa Diyos ay hindi magsasanhi ng anumang mga hamon o mga kapighatian, o ng kahit katiting na paghihirap. Lagi mong hinahabol ang mga bagay na walang-halaga, at hindi mo pinahahalagahan ang buhay, sa halip ay inuuna mo ang iyong sariling matataas na kaisipan bago ang katotohanan. Ikaw nga ay walang-halaga! Nabubuhay ka na parang isang baboy—ano nga ba ang pagkakaiba sa pagitan mo, at ng mga baboy at mga aso? Hindi ba’t lahat niyaong hindi naghahabol sa katotohanan, at sa halip ay iniibig ang laman, ay mga hayop? Hindi ba’t lahat niyaong taong patay na walang mga espiritu ay lumalakad na mga bangkay? Gaano na karaming salita ang nasambit sa gitna ninyo? Kaunting trabaho lamang ba ang nagawa sa gitna ninyo? Gaano na karami ang naipagkaloob Ko sa inyo? At bakit hindi mo ito nakamit? Ano ang iyong mairereklamo? Hindi ba’t wala kang natamo dahil sa iyong labis na pag-ibig sa laman? At hindi ba’t dahil ito sa iyong mga kaisipan na masyadong mataas? Hindi ba’t dahil ito sa ikaw ay napakahangal? Kung hindi mo kayang matamo ang mga pagpapalang ito, masisisi mo ba ang Diyos sa hindi pagliligtas sa iyo? Ang iyong hinahabol ay para matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos—upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak na lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak na babae ay makatagpo ng disenteng asawang lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng magandang panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay Ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunman ay hindi ka naghahabol. Hindi ba isa ka sa mga yaong naniniwala sa Diyos? Ipinagkakaloob Ko ang tunay na buhay ng tao sa iyo, gayunman ay hindi ka naghahabol. Hindi ba’t hindi ka naiiba sa isang baboy o isang aso? Ang mga baboy ay hindi naghahabol ng buhay ng tao, hindi nila hinahabol na maging malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawat araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naibigay Ko na sa iyo ang tamang daan, gayunman ay hindi mo ito nakamtan: Wala kang pag-aari. Payag ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano nga ba ang kahalagahan ng mga gayong tao na nabubuhay? Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi ka naghahabol ng anumang layunin; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas ng loob na tumingin sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas nang ganito, hindi ba’t wala kang matatamo?
—mula sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ngayon nauunawaan ba ninyo kung ano ang paniniwala sa Diyos? Ang paniniwala ba sa Diyos ay ang pagkakita ng mga tanda at mga kababalaghan? Ito ba ay pag-akyat sa langit? Ang paniniwala sa Diyos ay hindi madali paanuman. Ang gayong mga relihiyosong pagsasagawa ay dapat maalis; ang paghahabol sa pagpapagaling ng maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo, ang pagtutuon sa mga tanda at kababalaghan, pagnanasa sa dagdag pang biyaya ng Diyos, kapayapaan at kagalakan, paghahabol ng mga pagkakataon at mga kaginhawahan ng laman—ang mga ito ay mga relihiyosong kaugalian, at ang mga ganoong relihiyosong kaugalian ay malabong uri ng paniniwala. Ngayon, ano ang tunay na paniniwala sa Diyos? Ito ay ang pagtanggap sa salita ng Diyos bilang realidad ng iyong buhay at ang pagkilala sa Diyos mula sa Kanyang salita upang makamit ang tunay na pagmamahal sa Kanya. Upang maging malinaw: Ang paniniwala sa Diyos ay upang sumunod ka sa Diyos, mahalin ang Diyos, at gampanan ang tungkulin na dapat magampanan ng isang nilikha ng Diyos. Ito ang layunin ng paniniwala sa Diyos. Dapat mong kamtin ang isang pagkakilala sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos, sa kung gaano karapat-dapat ang Diyos sa paggalang, sa kung paano, sa Kanyang mga nilikha, ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas at ginagawa silang perpekto—ito ang pinakamababa na dapat mong taglayin sa iyong paniniwala sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin na ang paglipat mula sa isang buhay sa laman tungo sa isang buhay ng pagmamahal sa Diyos, mula sa isang buhay sa loob ng pagiging-likas tungo sa isang buhay sa loob ng kung ano ang Diyos, ito ay paglabas mula sa ilalim ng sakop ni Satanas at pamumuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, ito ay ang nakakayanang makamit ang pagkamasunurin sa Diyos at hindi pagkamasunurin sa laman, ito ay pagpapahintulot sa Diyos na makamit ang iyong buong puso, pagpapahintulot sa Diyos na gawin kang perpekto, at pagpapalaya sa iyong sarili mula sa tiwaling mala-satanas na disposisyon. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahing upang ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos ay maaaring mahayag sa iyo, nang sa gayon maaari mong gawin ang kalooban ng Diyos, at tuparin ang plano ng Diyos, at magawang patotohanan ang Diyos sa harap ni Satanas. Ang paniniwala sa Diyos ay hindi dapat upang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, ni hindi dapat para sa kapakanan ng iyong personal na laman. Ito ay dapat na para sa paghahabol sa pagkilala sa Diyos, at kakayahang sumunod sa Diyos, at tulad ni Pedro, sumunod sa Kanya hanggang kamatayan. Ito ay kung ano ang pangunahin upang makamit.
—mula sa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
——————————————————
Higit pang pansin: Patotoo ng Isang Kristiyano
0 Mga Komento