Changkai Lungsod ng Benxi, Lalawigan ng Liaoning
Ang karaniwang pariralang “Inilalagay ang lahat ng kargada sa pumapayag na kabayo” ay isa na kung saan ako ay masyadong personal na pamilyar. Ang aking asawa at ako ay mga partikular na walang kamuwang-muwang na tao: Pagdating sa mga bagay na sangkot ang aming mga personal na pakinabang o kawalan, hindi kami ’yong tipo na makipagtalo at mang-abala sa iba. Kung dapat kaming maging matiisin naging matiisin kami, kung dapat kaming maging matulungin ginawa rin namin ang aming makakaya upang maging matulungin.
Bilang resulta, madalas naming natagpuan ang aming mga sarili na nagulangan at naabuso ng iba. Talagang tila sa buhay, “Inilalagay ang lahat ng kargada sa pumapayag na kabayo”—kung labis ang kabutihan sa iyong puso, kung masyado kang matulungin at mapagpakumbaba sa iyong mga gawain, ikaw ay nanganganib na madaya. Ang gayong mga saloobin sa isipan, napagpasyahan ko na huwag hayaan ang aking sarili sa lahat ng pang-aabusong ito at mamuhay pa sa pagkasiphayo: Sa mga bagay sa hinaharap at sa pakikitungo sa iba, panata ko na hindi na maging masyadong matulungin pa. Kahit matapos kong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, inilapat ko pa rin ang prinsipyo na ito sa pamamahala ng pag-uugali ko at mga pakikipag-ugnayan sa iba.
Sa isang punto, nakipagtulungan ako sa isang kapatid na babae sa pagtutupad ng aming mga tungkulin. Madalas ipamukha ng kapatid na babaeng ito ang aking mga kawalang-kakayahan at mga pagkukulang; naramdaman kong hinatak niya ako pababa sa lahat ng paraan. Noong una’y naisip ko: Hindi madali kung nag-iisa ka nang malayo sa tahanan, subukang magtiis nang kaunti. Nang maglaon, gayunman, matapos ipakita ng kapatid na ito ang walang-humpay niyang mga pagbabatikos, naisip ko rin sa wakas ang pariralang “Inilalagay ang lahat ng kargada sa pumapayag na kabayo.” Sumagi sa isip ko na marahil napansin ng kapatid na babaeng ito na masyado akong mabait kaya naman madaling puntiryahin at napagpasyahang gawing mahirap ang mga bagay sa akin sa pamamagitan ng pamumuna maging sa maliit at walang kabuluhang mga bagay. Napagpasyahan ko na hindi ko na tatanggapin o pagtitiisan pa ang ugali niya, kaya naman napuno na ako sa kanya, at tumitigil lamang nang hindi na naglakas-loob pang magsalita kahit isang salita ang kapatid na ito. Di-nagtagal, hiniling ng kapatid na ito na makipag-usap ako sa kanya at humingi ng paumanhin sa akin, sinasabing sinubukan niyang tulungan ako sa pamamagitan ng pagsasabi ng aking mga kakulangan, na hindi kailanman iniisip na makasasakit sa akin. Nang marinig ko ito, nagalak ako na aakalain mong ako’y isang apat-na-bituin na heneral na matagumpay na nakalabas mula sa larangan ng digmaan. Higit pa rito, nakumbinsi ako nang husto na napakarami palang pakinabang ng pariralang “Inilalagay ang lahat ng kargada sa pumapayag na kabayo.”
Kamakailan lamang, habang binabasa ang “Ang 100 Kawikaan ni Satanas na Inaasahan ng mga Tiwaling Tao sa Kanilang Pag-iral” na ibinigay ng iglesia, nakita ko ang isang sipi na nagsabing: “‘Inilalagay ang lahat ng kargada sa pumapayag na kabayo.’ … Ang sangkatauhan ay ginawang tiwali ni Satanas sa loob ng libu-libong taon at may mga hindi mabilang na mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas upang dayain ang mga tao. Dito ibinubuod namin ang 100 panlilinlang na pinapahalagahan ng sangkatauhan bilang mahahalagang kasabihan para gabayan sila habang nabubuhay. Ang mga panlilinlang na ito ay nangagkaugat na sa kaila-ilaliman ng puso ng tao; kung hindi taglay ang mga katotohanan, ang mga tao ay lubusang walang kakayahang ilantad ang tunay na kalikasan ng mga panlilinlang na ito. Kung ang mga tao ay patuloy na kakapit pa sa mga panlilinlang ni Satanas bilang mga panuntunan at prinsipyo sa pamumuhay, hindi kailanman makakamit ng tiwaling sangkatauhan ang kaligtasan.” Matapos basahin ang siping ito mula sa pagbabahagi ay bigla akong natauhan, na parang kagigising lang mula sa isang mahabang panaginip: Ang pariralang “Inilalagay ang lahat ng kargada sa pumapayag na kabayo” ay isang panlilinlang na nilikha ni Satanas para turuan ng paniniwala at gawing tiwali ang sangkatauhan. Hinihiling ng Diyos na sa ating mga pakikipag-ugnayan sa iba na dapat tayo ay marunong tumanggap, maging matiisin, mapagparaya, at mapagpatawad. Dapat tayo ay maalalahanin, magalang at mapagmahal sa iba. Sa kabaligtaran naman, ang prinsipyo ng buhay ni Satanas, “Inilalagay ang lahat ng kargada sa pumapayag na kabayo,” ay mapaglalang na ginagabayan tayo palayo sa kabutihan at tungo sa kasamaan, tinuturuan tayong huwag maging masyadong mabait o mahinahon sa ating pakikitungo sa iba. Upang maprotektahan ang ating sarili, kailangan nating gawin ang “mata para sa mata, ngipin para sa ngipin,” dapat matuto tayong maging matigas, mabangis at masama. Napagtanto ko na ang “Inilalagay ang lahat ng kargada sa pumapayag na kabayo” ay kumakatawan sa isang panlilinlang, na kung saan ay kabaligtaran na sumasalansang sa katotohanan—ito ay lohika ni Satanas, kabilang ito sa pagiging negatibo ni Satanas, isang lason ng malaking pulang dragon. Gumagana si Satanas sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na “mga teoryang” ito upang manipulahin ang isip ng mga tao na magpakana laban sa isa’t isa, walang awa kung pumatay, nakikisangkot sa sutil at walang katapusang kumpetisyon, hindi nagpapasakop sa sinuman hanggang sa walang matirang pagkatao sa loob nila. Sa ganitong paraan ang mga tao ay nagiging tiwali gaya ni Satanas mismo, malilibing kasama ng mga isinakripisyong bagay, at nakakamit ni Satanas ang layunin nitong gawing tiwali at lamunin nang buo ang sangkatauhan. Hindi ko mauunawaan ang ilusyon at tinanggap ang “Inilalagay ang lahat ng kargada sa pumapayag na kabayo” bilang isang katotohanan na dapat tanggapin at igalang. Naisip ko na hindi ako puwedeng maging masyadong mabait o matulungin, at ang pagiging matiisin o mapagparaya sa mga pakikitungo sa iba ay paraan ng mga hangal at ignorante at iiwan lamang akong mahina laban sa pandaraya at pang-aabuso. Sapagkat palagi kong pinanghawakan ang panlilinlang na ito bilang kasabihang dapat isabuhay, nang ipamukha ng kapatid na babaeng ito ang mga pagkukulang ko upang tulungan akong kilalanin ang mga ito at magbago tungo sa ikabubuti, hindi lamang sa hindi ko tinanggap ang kanyang mga komento, naisip ko pa nga na tinutuya niya ako at pinupuna maging mga hindi mahalagang detalye. Bilang resulta, nawala ang aking hinahon sa kapatid na babaeng ito, sa ganyan inaapi siya. Kahit na ibinaba niya ang kanyang sarili at hiningi ang aking kapatawaran, hindi ko pa rin natamo ang kaunawaan sa aking sarili o pakiramdam ng napahiya, ngunit sa halip ay nakaupo doon na labis na nalulugod, iniisip na sa wakas ay “tinanggap ng kapatid ang pagkatalo” dahil pinangatawanan ko ang aking kasabihang “Inilalagay ang lahat ng kargada sa pumapayag na kabayo.” Yamang “nanalo sa tagumpay na ito,” naramdaman na higit akong naudyukan upang itaguyod at papurihan ang kawikaan na ito ni Satanas. Talagang kakatwa, at katawa-tawa ako! Ganap na salungat ang pagkaunawa ko sa mga bagay, napagkakamalang kabutihan ang isang kasamaan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay upang linisin ang sangkatauhan sa lason ni Satanas, at gamitin ang katotohanan upang baguhin ang kanilang tiwaling disposisyon. Sa aking sariling kaso, gayunpaman, hindi ko hinanap ang katotohanan, o nagsikap na kilalanin ang lason ni Satanas na umiiral sa loob ko, ni hindi ko isinagawa ang katotohanan upang baguhin ang sarili ko. Sa halip, kumapit ako sa mga panlilinlang ni Satanas at tinanggihan ang katotohanan. Kung nagpatuloy ako nang tulad noon, malamang hindi ko kailanman masisimulang maunawaan ang sarili ko. Hindi ko kailanman matatamo ang katotohanan at magagawa ang pagbabago ng aking disposisyon. Sa katapusan, kakailanganin akong puksain ng Diyos, gaya ng kapalaran ni Satanas.
Salamat sa Diyos para sa Iyong kaliwanagan at pagpapalinaw, na pinahintulutan akong kilalanin na iyong kawikaan ni Satanas na “Inilalagay ang lahat ng kargada sa pumapayag na kabayo” ay walang iba kundi isang panlilinlang na ginagamit ni Satanas upang manipulahin ang isip at gawing tiwali ang sangkatauhan. Ang parirala ay pagkontra sa katotohanan, at maaari lamang gawing tiwali at sirain ang sangkatauhan. Kung nakamit ng tao ang kanyang kabuhayan mula sa lason ni Satanas, kung siya ay kumikilos ayon sa mga kawikaan ni Satanas, higit lamang siyang magiging tiwali at masama. Siya ay unti-unting hindi magiging makatao at lalo pang salungat sa Diyos, hiwalay sa Diyos. Hindi niya kailanman matatanggap ang pagliligtas ng Diyos. Makapangyarihang Diyos, panata ko na ilagay ang lahat ng aking pagsisikap sa Iyong mga salita at sa aking paghahangad ng katotohanan, nang sa gayon maaari kong magawang kilalanin ang maraming uri ng kamandag ni Satanas sa loob ko, lubusang talikuran ang mga panlilinlang ni Satanas, at hindi na kikilos ayon sa mga kawikaan ni Satanas. Panata kong hanapin ang Iyong kalooban sa lahat ng bagay, at sundin ang Iyong salita, upang ang Iyong salita ay maaaring magkaugat nang malalim sa loob ng aking puso at maging mga kawikaan kung saan ginagawa ko ang mga bagay, ang mga pamantayan ng pagsukat sa sarili ko. Hayaan akong mamuhay nang buong pagkakaisa sa Iyong salita.
Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/testimonies/my-life-principles-left-me-damaged.html
Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/testimonies/my-life-principles-left-me-damaged.html
0 Mga Komento