Ang layunin at kabuluhan ng bawat isa sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos

(1) Ang layunin at kabuluhan ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ng panlupang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eva, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa lupa. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga makataong pundasyon ng gawain ni Jehova sa lupa.

Sa panahong ito, ang kabuluhan, layunin, at mga yugto ng gawain ni Jehova sa Israel ay upang simulan ang Kanyang gawain sa buong lupa, na, mula sa Israel bilang sentro, ay unti-unting lumaganap sa mga bansang Gentil. Ito ang prinsipyong batayan ng Kanyang mga ginagawa sa buong sansinukob—ang magtatag ng modelo at pagkatapos ay palawakin ito hanggang sa ang lahat ng tao sa sansinukob ay tumanggap ng Kanyang ebanghelyo. Ang mga unang Israelita ay mga inapo ni Noe. Ang mga taong ito ay pinagkalooban lamang ng hininga ni Jehova, at nakaunawa nang sapat upang pangalagaan ang mga pangunahing pangangailangan sa buhay, nguni’t hindi nila alam kung anong uri ng Diyos si Jehova, o ang Kanyang kalooban para sa tao, lalong higit kung paano nila dapat pagpipitaganan ang Panginoon ng buong sangnilikha. Patungkol naman sa kung mayroong mga alituntunin at kautusan para sundin, at kung mayroong gawaing dapat gawin ng mga nilikhang nilalang para sa Lumikha: Walang alam ang mga inapo ni Adan sa mga bagay na ito. Ang alam lang nila ay ang asawang lalaki ay dapat magpawis at magpagal upang tustusan ang kanyang pamilya, at na ang asawang babae ay dapat magpasakop sa kanyang asawang lalaki at magpanatili ng lahi ng mga tao na nilikha ni Jehova. Sa madaling salita, ang mga taong ito, na ang tanging mayroon lamang ay ang hininga ni Jehova at ang Kanyang buhay, ay walang alam sa kung paano sumunod sa mga kautusan ng Diyos o kung paano bigyang-kasiyahan ang Panginoon ng buong sangnilikha. Lubhang kakaunti ang kanilang naunawaan. Kaya kahit na wala namang buktot o mapanlinlang sa kanilang mga puso at bihirang magkaroon ng pagseselos at pagtatalo sa kalagitnaan nila, wala pa rin silang kaalaman o kaunawaan kay Jehova, ang Panginoon ng buong sangnilikha. Ang alam lamang ng mga ninunong ito ng tao ay kumain ng mga bagay ni Jehova, at tamasahin ang mga bagay ni Jehova, nguni’t hindi nila alam paano magpitagan kay Jehova; hindi nila alam na si Jehova ang Siyang dapat nilang sambahin nang nakaluhod. Kaya paano sila matatawag na mga nilikha Niya? Kung ito ay ganito nga, ano ang mga salitang, “Si Jehova ay Panginoon ng buong sangnilikha” at “Nilikha Niya ang tao upang ang tao ay ipahayag Siya, luwalhatiin Siya, at katawanin Siya”—hindi ba kaya masasabi nang walang saysay ang mga iyon? Paanong ang mga taong walang pagpitagan kay Jehova ay maaaring maging patotoo ng Kanyang kaluwalhatian? Paano sila maaaring maging kapahayagan ng Kanyang kaluwalhatian? Ang mga salita kaya ni Jehova na “Nilikha Ko ang tao ayon sa Aking wangis” ay maging sandata sa mga kamay ni Satanas—na siyang masama? Ang mga salita kayang ito ay hindi magiging tatak ng kahihiyan sa pagkalikha ni Jehova sa tao? Upang gawing ganap ang yugtong iyon ng gawain, si Jehova, pagkaraang likhain ang mga tao, ay hindi nagturo o naggabay sa kanila mula sa panahon ni Adan hanggang sa kay Noe. Sa halip, pagkaraan wasakin ng baha ang daigdig ay saka lamang Niya pormal na sinimulang gabayan ang mga Israelita, na mga inapo ni Noe at ni Adan din. Ang Kanyang gawain at mga pagbigkas sa Israel ay nagbigay ng patnubay sa lahat ng bayan ng Israel habang sila ay namuhay sa buong lupain ng Israel, at sa ganitong paraan ipinakita sa sangkatauhan na si Jehova ay hindi lamang kayang hingahan ang tao, upang magkaroon siya ng buhay mula sa Kanya at bumangon mula sa alabok at maging nilikhang tao, kundi na Siya rin ay kayang sunugin hanggang sa maging abo ang sangkatauhan, at sumpain ang sangkatauhan, at gumamit ng Kanyang tungkod upang pamahalaan ang sangkatauhan. At, ganoon din, nakita nila na si Jehova ay maaaring pumatnubay sa buhay ng tao sa lupa, at magsalita at gumawa sa kalagitnaan ng sangkatauhan ayon sa mga oras ng araw at ng gabi. Ginawa lamang niya ang gawain upang ang Kanyang mga nilalang ay makaalam na ang tao ay nagmula sa alabok na pinulot Niya, at higit dito na ang tao ay nilikha Niya. Hindi lamang ito, kundi ang gawain na sinimulan Niya sa Israel ay upang ang ibang mga tao at mga bansa (na sa totoo lang ay hindi hiwalay sa Israel, kundi nagsanga mula sa mga Israelita, subali’t nagmula pa rin kina Adan at Eva) ay makatanggap ng ebanghelyo ni Jehova mula sa Israel, upang ang lahat ng nilikhang nilalang sa sansinukob ay makapagpitagan kay Jehova at itangi Siyang dakila. Kung hindi sinimulan ni Jehova ang Kanyang gawain sa Israel, nguni’t sa halip, nang likhain na ang sangkatauhan, ay hinayaan silang mamuhay nang walang inaalala sa lupa, kung gayon sa ganyang kalagayan, dahil sa pisikal na kalikasan ng tao (ang ibig sabihin ng kalikasan ay hindi malalaman ng tao kailanman ang mga bagay na hindi niya nakikita, na ibig sabihin hindi niya malalaman na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan, at lalong hindi kung bakit Niya ito ginawa), hindi niya malalaman kailanman na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan o na Siya ang Panginoon ng buong sangnilikha. Kung nilikha ni Jehova ang tao at inilagay siya sa daigdig, at basta pinagpag ang alikabok sa Kanyang mga kamay at umalis, sa halip na manatili sa kalagitnaan ng mga tao para bigyan sila ng patnubay sa loob ng ilang panahon, kung magkagayon ang lahat ng sangkatauhan ay babalik sana sa kawalan; maging ang langit at lupa at ang lahat ng hindi mabilang na mga bagay na Kanyang ginawa, at ang lahat ng sangkatauhan, ay babalik sa kawalan at higit pa ay nayurakan na ni Satanas. Sa ganitong paraan ang naisin ni Jehova na “Sa daigdig, iyon ay, sa kalagitnaan ng Kanyang nilikha, dapat Siyang may lugar na matindigan, isang banal na lugar” ay mabubuwag sana. At kaya, matapos likhain ang tao, na nagawa Niyang manatili sa kanilang kalagitnaan upang patnubayan sila sa kanilang buhay, at mangusap sa kanila mula sa kanilang kalagitnaan, lahat ng ito ay upang matupad ang Kanyang nais, at makamtan ang Kanyang plano. Ang gawain na ginawa Niya sa Israel ay nilayon lamang na isakatuparan ang plano na Kanyang inilagay sa lugar bago ang paglikha Niya ng lahat ng bagay, at dahil dito ang Kanyang pagkilos una sa kalagitnaan ng mga Israelita at ang Kanyang paglikha ng lahat ng bagay ay hindi salungat sa isa’t isa, kundi kapwa para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, Kanyang gawain, at Kanyang kaluwalhatian, at gayon din upang mapalalim ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa sangkatauhan. Pinatnubayan Niya ang buhay ng sangkatauhan sa lupa ng dalawang libong taon pagkatapos ni Noe, na sa panahong ito ay tinuruan Niya ang sangkatauhan na unawain kung paano pagpipitaganan si Jehova na Panginoon ng buong sangnilikha, paano magpakaayos sa kanilang mga buhay at paano magpatuloy sa pamumuhay, at higit sa lahat, paano kumilos bilang saksi para kay Jehova, sundin Siya, at bigyan Siya ng pagpipitagan, maging purihin Siya gamit ang musika tulad ng ginawa ni David at ng kanyang mga saserdote.

—mula sa “Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa pasimula, ang paggabay sa tao sa Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan ay kagaya ng paggabay sa buhay ng isang bata. Ang pinakaunang sangkatauhan ay bagong silang kay Jehova, na siyang mga Israelita. Hindi nila naunawaan kung paano igalang ang Diyos o mabuhay sa lupa. Iyon ay upang sabihin, nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, iyon ay, nilikha Niya si Adan at Eva, nguni’t hindi Niya sila binigyan ng mga kaisipan upang maunawaan kung paano igalang si Jehova o kung paano sundin ang mga batas ni Jehova sa lupa. Kung wala ang tuwirang paggabay ni Jehova, walang sinuman ang makaaalam nito nang tuwiran, sapagka’t sa pasimula hindi tinaglay ng tao ang gayong mga kaisipan. Alam lamang ng mga tao na si Jehova ay Diyos, at hindi nagkaroon ng ideya kung paano Siya igalang, kung ano ang gagawin upang Siya ay igalang, sa kung anong kaisipan Siya igagalang, at kung ano ang ihahandog sa paggalang sa Kanya. Alam lamang ng mga tao kung paano tamasahin yaong maaaring tamasahin sa gitna ng lahat ng mga bagay na nilikha ni Jehova. Walang kamalayan ang tao sa kung anong uri ng buhay sa lupa ang naaangkop sa isang nilalang ng Diyos. Kung walang mga tagubilin, walang sinuman na gagabay sa kanila nang personal, ang gayong sangkatauhan ay hindi kailanman maaaring humantong sa isang tamang buhay, at mabibihag lamang nang palihim ni Satanas. Nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, iyon ay upang sabihin na nilikha Niya ang mga ninuno ng sangkatauhan: Si Eva at Adan. Nguni’t hindi Niya ipinagkaloob sa kanila ang karagdagang talino at karunungan. Bagama’t sila ay naninirahan na sa lupa, halos wala silang anumang nauunawaan. At kaya, ang gawain ni Jehova sa paglikha sa sangkatauhan ay nangalahati lamang. Hindi ito tapos sa anumang paraan. Hinubog lamang Niya ang isang modelo ng tao mula sa putik at binigyan Niya ito ng hininga, nguni’t hindi ipinagkaloob sa tao ang sapat na kahandaan upang igalang Siya. Sa pasimula, ang tao ay walang balak na igalang Siya, o matakot sa Kanya. Ang alam lamang ng tao ay ang makinig sa Kanyang mga salita nguni’t mangmang sa pangunahing kaalaman para sa buhay sa lupa at sa mga wastong patakaran sa buhay. At kaya, bagama’t nilikha ni Jehova ang lalaki at babae at tinapos ang pitong araw ng proyekto, hindi Niya natapos likhain ang tao sa anumang paraan, sapagka’t ang tao ay isa lamang ipa, at walang realidad ng pagiging tao. Ang alam lamang ng tao ay si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan, nguni’t walang kamalayan ang tao kung paano sumunod sa mga salita at mga batas ni Jehova. At kaya, pagkatapos ng paglikha sa sangkatauhan, ang gawain ni Jehova ay matagal pa bago magtapos. Kinailangan pa Niyang lubusang gabayan ang sangkatauhan na lumapit sa harap Niya, upang magawa nilang mamuhay nang magkakasama sa lupa at igalang Siya, at upang magawa nila, sa tulong ng Kanyang paggabay, na makapasok sa tamang landas ng isang normal na buhay ng tao sa lupa. Sa gayon lamang ganap na nabuo ang gawain na pangunahing isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova; iyon ay, sa gayon lamang ganap na natapos ang gawain ni Jehova sa paglikha sa mundo. At kaya, yamang nilikha Niya ang sangkatauhan, kinailangan Niyang gabayan ang buhay ng sangkatauhan sa lupa sa loob ng ilang libong taon, upang magawang sumunod ng sangkatauhan sa Kanyang mga kautusan at mga batas, at makibahagi sa lahat ng gawain ng isang normal na buhay ng tao sa lupa. Sa gayon lamang ganap na natapos ang gawain ni Jehova. Sinimulan Niya ang gawaing ito matapos Niyang likhain ang sangkatauhan, at ang kanyang gawain ay nagpatuloy hanggang sa panahon ni Jacob, nang ang labindalawang anak na lalaki ni Jacob ay naging labindalawang lipi ng Israel. Mula sa panahong iyon pasulong, ang bawat isa sa Israel ay naging mga tao na pinangunahan Niya nang opisyal sa lupa, at ang Israel ang naging partikular na lugar sa lupa kung saan Niya ginawa ang Kanyang gawain. Ginawa ni Jehova ang mga taong ito na unang grupo ng mga tao kung kanino Niya ginawa ang kanyang opisyal na gawain sa lupa, at ginawang panimulang punto ang kabuuang bayan ng Israel para sa Kanyang gawain. Ginamit Niya sila bilang panimula ng lalong higit na dakilang gawain, upang malaman ng lahat ng mga taong isinilang mula sa Kanya sa lupa kung paano Siya igalang at mabuhay sa lupa. At kaya, ang mga gawa ng mga Israelita ay naging isang halimbawa para sundan ng mga Gentil, at kung ano ang sinabi sa kalipunan ng mga tao sa Israel ay naging mga salita na diringgin ng mga Gentil. Sapagka’t sila ang unang nakatanggap sa mga batas at mga utos ni Jehova, at sila rin ang unang nakaalam kung paano igalang ang mga pamamaraan ni Jehova. Sila ang mga ninunong tao na nakaalam sa mga pamamaraan ni Jehova, at mga kinatawan ng sangkatauhan na pinili ni Jehova.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ngayon, nabasa ninyo ang mga alituntunin at prinsipyo ng Kapanahunan ng Kautusan, ’di ba? Malawak ba ang saklaw ng mga alituntuning ito? Una, sinasakop nito ang Sampung Utos, matapos ay ang mga alituntunin kung paano bumuo ng mga dambana, at iba pa. Ang mga ito ay sinundan ng mga alituntunin para sa pagpapanatili ng Sabbath at paggaganap ng tatlong pista, matapos ay ang mga alituntunin tungkol sa mga handog. Nakita ba ninyo kung ilang uri ng handog ang mayroon? May mga handog na susunugin, handog na harina, handog para sa kapayapaan, handog para sa kasalanan, at iba pa. Sila ay sinundan ng mga alituntunin para sa mga handog ng mga saserdote, kabilang ang mga handog na susunugin at mga handog na harina ng mga saserdote, at iba pang mga uri ng mga handog. Ang ikawalong alituntunin ay para sa pagkain ng mga handog ng mga saserdote. At pagkatapos ay may mga alituntunin para sa kung ano ang dapat sundin sa panahon ng buhay ng mga tao. May mga pagtatakda para sa maraming mga aspeto ng buhay ng mga tao, tulad ng mga alituntunin para sa kung ano ang kanilang maaari o hindi maaaring kainin, para sa pagdalisay ng mga babae matapos manganak, at para sa mga taong pinagaling sa ketong. Sa mga alituntunin na ito, ang Diyos ay lubhang nagsalita ng patungkol sa mga sakit, at mayroon pang mga panuntunan para sa pagpatay ng mga tupa at mga baka, at iba pa. Ang mga tupa at mga baka ay nilikha ng Diyos, at dapat mong patayin ang mga ito sa kung paano sa iyo sabihin ng Diyos; mayroong, nang walang pagdududa, dahilan ang mga salita ng Diyos, at walang duda na tama lang na kumilos nang naaayon sa itinalaga ng Diyos, at tiyak na kapaki-pakinabang sa mga tao! Mayroon ding mga kapistahan at mga panuntunan na dapat ganapin, tulad ng Araw ng Sabbath, Paskua, at marami pa—sinabi ng Diyos ang lahat ng mga ito. Tingnan natin ang mga nahuhuli: iba pang mga alituntunin—pagsusunog ng mga lampara, ang Taon ng Jubileo, ang pagtubos ng lupa, paggawa ng mga panata, ang paghahandog ng ikapu, at iba pa. Malawak ba ang saklaw nito? Ang unang bagay na dapat pag-usapan ay ang paksa ng mga handog ng mga tao, pagkatapos ay ang mga alituntunin para sa pagnanakaw at kabayaran, at ang pagganap ng araw ng Sabbath…; bawat isang bahagi ng buhay ay kasama. Na ang ibig sabihin, nang nagsimula ang Diyos sa opisyal na gawain ng Kanyang plano sa pamamahala, naglatag Siya ng maraming alituntunin na dapat sundin ng tao. Ang mga alituntunin na ito ay hinayaan ang tao na mamuhay ng normal na buhay sa mundo, isang pangkaraniwang buhay ng tao na hindi naihihiwalay sa Diyos at sa Kanyang patnubay. Unang sinabi ng Diyos sa tao kung paano gumawa ng mga dambana, paano ilagay ang mga dambana. Pagkatapos, sinabi Niya sa tao kung paano gumawa ng mga handog, at itinatag kung paano ang tao ay dapat mabuhay—kung ano ang dapat niyang bigyang-pansin sa buhay, kung ano ang dapat niyang sundin, kung ano ang dapat at hindi niya dapat gawin. Ang ibinigay ng Diyos para sa tao ay sumasakop sa lahat, at sa mga kaugalian, alituntunin, at mga prinsipyo na ito ay nagbigay Siya ng pamantayan para sa pag-uugali ng mga tao, ginabayan ang kanilang mga buhay, ginabayan ang kanilang pagtanggap sa mga kautusan ng Diyos, ginabayan sila sa paglapit sa harap ng dambana ng Diyos, pinatnubayan sila sa pagkakaroon ng buhay sa lahat ng mga bagay na ginawa ng Diyos para sa tao na may kaayusan, kapanayan, at pagkakatamtaman. Unang ginamit ng Diyos ang mga simpleng alituntunin at mga prinsipyo upang magtakda ng mga hangganan para sa tao, upang sa lupa man ay magkakaroon ang tao ng isang pangkaraniwang buhay na sumasamba sa Diyos, magkakaroon ng pangkaraniwang buhay ng tao; gaya ng tiyak na nilalaman ng panimula ng Kanyang anim-na-libong-taon na plano sa pamamahala. Ang mga alituntunin at mga patakaran ay sumasakop sa napakalawak na nilalaman, ang mga ito ay mga detalye ng paggabay ng Diyos sa sangkatauhan sa Kapanahunan ng Kautusan, sila ay kailangang tanggapin at parangalan ng mga tao na dumating bago pa man ang Kapanahunan ng Kautusan, ang mga ito ay isang talaan ng mga gawain na ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan, at ang mga ito ay tunay na katibayan ng pamumuno at patnubay ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinakaunang sangkatauhan ay walang alam, at sa gayon ang Diyos ay kailangang simulan ang pagtuturo sa kanila mula sa pinakamababaw at mga pangunahing prinsipyo para patuloy na mabuhay at mga alituntuning kinakailangan para sa pamumuhay, pinupuspos ang mga bagay na ito sa puso ng tao nang paunti-unti, at binibigyan ang tao ng unti-unting pag-unawa sa Diyos, isang unti-unting pagpapahalaga at pag-unawa sa pamumuno ng Diyos, at isang pangunahing konsepto ng kaugnayan sa pagitan ng tao at Diyos, sa pamamagitan nitong mga alituntunin, at sa pamamagitan nitong mga patakaran, na mga salita. Pagkatapos makamit ang epektong ito, saka lamang nakapagsimula ang Diyos, unti-unti, na gawin ang gawaing gagawin Niya sa bandang huli, at kaya ang mga alituntuning ito at gawaing ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay ang saligan ng Kanyang gawain sa pagliligtas ng sangkatauhan, at ang unang yugto ng gawain ng plano sa pamamahala ng Diyos.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Noong Kapanahunan ng Kautusan, naglatag si Jehova ng maraming mga utos kay Moises upang ipasa sa mga Israelitang sumunod sa kanya palabas ng Egipto. Ang mga utos na ito ay ibinigay ni Jehova sa mga Israelita, at walang kaugnayan sa mga taga-Egipto; ang mga ito ay nilayon upang higpitan ang mga Israelita. Ginamit Niya ang mga utos upang hingan sila. Kung sinunod nila ang Sabbath, kung iginalang nila ang kanilang mga magulang, kung sinamba nila ang mga diyos-diyosan, at iba pa: ito ang mga prinsipyo kung saan sila ay hinatulan na puno ng kasalanan o matuwid. Sa kanilang kalagitnaan, mayroong ilan na tinamaan ng apoy ni Jehova, may ilan na binato hanggang sa mamatay, at may ilan na tumanggap ng pagpapala ni Jehova, at ito ay pinagpasyahan ayon sa kung sila ay sumunod o hindi sumunod sa mga utos. Ang mga hindi nakasunod sa Sabbath ay babatuhin hanggang mamatay. Ang mga saserdote na hindi sumunod sa Sabbath ay tatamaan ng apoy ni Jehova. Ang mga hindi nagpakita ng paggalang sa kanilang mga magulang ay babatuhin din hanggang mamatay. Lahat ng ito ay itinagubilin ni Jehova. Itinatag ni Jehova ang Kanyang mga utos at batas upang, habang pinangungunahan Niya sila sa kanilang buhay, ang mga tao ay makikinig at tatalima sa Kanyang salita at hindi maghihimagsik laban sa Kanya. Ginamit Niya ang mga batas na ito upang ang bagong-silang na lahi ng tao ay makontrol, upang mas mainam na mailatag ang pundasyon para sa Kanyang gawain sa hinaharap. At kaya, batay sa gawain na ginawa ni Jehova, ang unang kapanahunan ay tinawag na Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t maraming ginawang pagbigkas si Jehova at gumawa ng maraming gawain, pinatnubayan lamang Niya ang mga tao nang positibo, tinuturuan ang mga ignoranteng tao paano maging tao, paano mamuhay, paano maunawaan ang paraan ni Jehova. Sa karamihang bahagi, ang gawain na ginawa Niya ay upang sanhiin sa mga tao na sumunod sa Kanyang daan at sundin ang Kanyang mga kautusan. Ang gawain ay ginawa sa mga taong mababaw pa ang katiwalian; hindi ito ipinaabot hanggang sa pagbabago ng kanilang disposisyon o pag-unlad sa buhay. Ang Kanyang pakay lamang ay ang paggamit ng mga kautusan para pigilan at kontrolin ang mga tao. Para sa mga Israelita noong panahong iyon, si Jehova ay isa lamang Diyos na nasa templo, isang Diyos na nasa mga kalangitan. Siya ay isang haliging ulap, isang haliging apoy. Ang hiningi lang ni Jehova sa kanila ay ang sumunod sa alam ngayon ng mga tao bilang Kanyang mga batas at utos—maaaring sabihin pa nga ng isa na mga alituntunin—dahil ang ginawa ni Jehova ay hindi nilayon para baguhin sila, kundi para bigyan sila ng mas maraming bagay na dapat magkaroon ang mga tao, para turuan sila mula sa sarili Niyang bibig, dahil pagkaraang malikha, ang tao ay walang anuman ng dapat na mayroon siya. At kaya, ibinigay ni Jehova sa mga tao ang mga bagay na dapat nilang ariin para sa kanilang mga buhay dito sa lupa, kaya ang mga taong pinangunahan Niya ay nilagpasan pa ang kanilang mga ninuno, sina Adan at Eva, dahil ang anumang ibinigay ni Jehova sa kanila ay lumabis pa sa anumang ibinigay Niya kay Adan at Eva sa simula. Kahit na ano pa, ang gawain na ginawa ni Jehova sa Israel ay upang patnubayan lamang ang sangkatauhan at ipakilala sa sangkatauhan ang kanilang Lumikha. Hindi Niya sila sinakop o binago, kundi pinatnubayan lamang. Ito ang kabuuan ng gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan. Ito ang pinagmulan, ang totoong salaysay, ang diwa ng Kanyang gawain sa buong lupain ng Israel, at ang simula ng Kanyang anim na libong taon ng gawain—ang panatilihin ang sangkatauhan sa ilalim ng kontrol ng kamay ni Jehova. Mula dito ay ipinanganak ang mas marami pang gawain sa Kanyang anim-na libong-taong plano ng pamamahala.

—mula sa “Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng paggabay sa sangkatauhan ay isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova, at ang unang yugto ng gawain ay isinagawa sa lupa. Ang gawain sa yugtong ito ay upang magtatag ng mga templo at dambana, at upang gamitin ang kautusan upang gabayan ang mga tao sa Israel at gumawa sa kalagitnaan nila. Sa pamamagitan ng paggabay sa mga tao sa Israel, Siya ay naglunsad ng himpilan para sa Kanyang gawain sa lupa. Sa himpilang ito, pinalawak Niya ang Kanyang gawain lampas ng Israel, samakatuwid, mula sa Israel, pinalawak Niya ang Kanyang gawain palabas, nang sa gayon ang mga susunod na salinlahi ay unti-unting nalaman na si Jehova ay ang Diyos, at na nilikha ni Jehova ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay, nilikha ang lahat ng nilalang. Ipinalaganap Niya ang Kanyang gawain sa mga tao sa Israel. Ang lupain ng Israel ang pinakaunang banal na lugar ng mga gawain ni Jehova sa lupa, at ang mga unang gawain ng Diyos sa lupa ay sa lahat ng dako ng lupain ng Israel. Iyon ang mga gawain sa Kapanahunan ng Kautusan.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

(2) Ang layunin at kabuluhan ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sapagka’t hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya” (Juan 3:17).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Si Jesus ang kumakatawan sa lahat ng gawain ng Kapanahunan ng Biyaya; Siya ay nagkatawang-tao, at ipinako sa krus, at Kanya ring pinasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya. Siya ay ipinako sa krus upang tapusin ang gawain ng pagtubos, wakasan ang Kapanahunan ng Kautusan at simulan ang Kapanahunan ng Biyaya, kaya Siya ay tinawag na “Kataas-taasang Pinuno,” ang “Handog para sa Kasalanan,” at ang “Manunubos.” Dahil dito, ang nilalaman ng gawain ni Jesus ay naiba sa gawain ni Jehova, kahit magkapareho ang mga iyon sa prinsipyo. Sinimulan ni Jehova ang Kapanahunan ng Kautusan, itinatag ang batayan—ang pinagmulan—ng gawain ng Diyos sa lupa, at nagpalabas ng mga kautusan. Ito ang dalawang bahagi ng gawain na Kanyang isinakatuparan, at kumakatawan ang mga ito sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawaing ginawa ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi upang magpalabas ng mga kautusan, kundi upang tuparin ang mga ito, sa gayong paraan ay pinasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan na tumagal nang dalawang libong taon. Siya ang nanguna, na pumarito upang simulan ang Kapanahunan ng Biyaya, datapuwa’t ang pangunahing bahagi ng Kanyang gawain ay nasa pagtubos. Kaya nga ang Kanyang gawain ay may dalawa ring bahagi: pagsisimula ng isang bagong kapanahunan, at pagkumpleto sa gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako sa Kanya sa krus, na sinundan ng Kanyang pag-alis. Sa puntong iyon, nagwakas ang Kapanahunan ng Kautusan at pumasok ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya.

Ang gawaing ginawa ni Jesus ay naaayon sa mga pangangailangan ng tao sa kapanahunang iyon. Ang Kanyang tungkulin ay tubusin ang sangkatauhan, patawarin ang kanilang mga pagkakasala, kaya’t ang Kanyang disposisyon ay ganap na isang kapakumbabaan, pagpapasensya, pag-ibig, kabanalan, pagtitiis, awa, at konsiderasyon. Nagdala Siya ng saganang biyaya at mga pagpapala sa sangkatauhan, at lahat ng bagay na maaaring tamasahin ng mga tao, Kanyang ibinigay sa kanila para sa kanilang kasiyahan: kapayapaan at kaligayahan, ang Kanyang pagpaparaya at pagmamahal, Kanyang awa at konsiderasyon. Noon, ang saganang mga bagay na nakasisiya na naranasan ng mga tao—ang damdamin ng kapayapaan at seguridad sa kanilang kalooban, ang damdamin ng kapanatagan sa kanilang espiritu, at ang kanilang pag-asa kay Jesus na Tagapagligtas—ay umiral na lahat sa kapanahunan na nabuhay sila. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagawa nang tiwali ni Satanas ang tao, kaya para magawa ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan, kinailangan ang saganang biyaya, walang-katapusang pagtitiis at pagpapasensya, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala para sa mga kasalanan ng sangkatauhan, upang magkaroon ito ng epekto. Ang nakita ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya ay yaon lamang handog Kong pagbabayad-sala para sa mga kasalanan ng sangkatauhan: si Jesus. Ang alam lamang nila ay na maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at ang nakita lamang nila ay ang awa at konsiderasyon ni Jesus. Ito ay dahil lamang sa nabuhay sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya nga, bago sila maaaring tubusin, kinailangan nilang matamasa ang maraming uri ng biyaya na ipinagkaloob ni Jesus sa kanila upang makinabang sila rito. Sa ganitong paraan, maaari silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila ng biyaya, at maaari din silang magkaroon ng pagkakataong matubos sa pamamagitan ng pagtatamasa ng pagtitiis at pagpapasensya ni Jesus. Sa pamamagitan lamang ng pagtitiis at pagpapasensya ni Jesus sila nagkakaroon ng karapatang tumanggap ng kapatawaran at magtamasa ng saganang biyaya na ipinagkaloob ni Jesus. Sabi nga ni Jesus: Ako ay pumarito hindi upang tubusin ang matuwid kundi ang mga makasalanan, upang tulutan ang mga makasalanan na mapatawad sa kanilang mga kasalanan. Kung si Jesus, noong Siya ay naging tao, ay nagdala ng disposisyon ng paghatol, sumpa, at kawalan ng pagpaparaya sa mga kasalanan ng tao, hindi kailanman magkakaroon ng pagkakataon ang tao na matubos, at mananatili silang makasalanan magpakailanman. Kung nagkagayon, tumigil na sana ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala noong Kapanahunan ng Kautusan, at tumagal sana nang anim na libong taon ang Kapanahunan ng Kautusan. Lalo pa sanang dumami at bumigat ang mga kasalanan ng tao, at nauwi sana sa wala ang paglikha sa sangkatauhan. Si Jehova lamang sana ang napaglingkuran ng mga tao sa ilalim ng kautusan, ngunit mas marami sana ang kanilang mga kasalanan kaysa roon sa mga tao na unang nilikha. Habang lalong minahal ni Jesus ang sangkatauhan, na pinatatawad ang kanilang mga kasalanan at pinagkakalooban sila ng sapat na awa at konsiderasyon, lalong nagkaroon ng karapatan ang sangkatauhan na mailigtas ni Jesus, na matawag na mga nawawalang tupa na binili ni Jesus sa napakalaking halaga. Hindi maaaring makialam si Satanas sa gawaing ito, dahil pinakitunguhan ni Jesus ang Kanyang mga alagad na parang pakikitungo ng isang mapagmahal na ina sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Hindi Siya nagtanim ng galit sa kanila ni hindi Niya sila hinamak, kundi Siya ay puno ng kaaliwan; hindi kailanman sumiklab ang Kanyang galit sa kanila, kundi tiniis Niya ang kanilang mga kasalanan at nagbulag-bulagan sa kanilang mga kahangalan at kamangmangan, at sinabi pang, “Patawarin ninyo ang iba nang pitumpung pitong beses.” Binago ng puso Niya nang ganoon ang puso ng iba, at sa ganoong paraan lamang natanggap ng mga tao ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang pagtitiis.

—mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bagama’t si Jesus sa Kanyang pagkakatawang-tao ay lubos na walang damdamin, lagi Niyang pinanatag ang Kanyang mga disipulo, tinustusan sila, tinulungan sila, at sinuportahan sila. Gaano man karaming gawain ang Kanyang ginawa, o gaano man katindi ang pagdurusang Kanyang tiniis, hindi Siya kailanman humiling nang labis sa mga tao, kundi lagi Siyang mapagpasensya at matiisin sa kanilang mga pagkakasala, kaya Siya magiliw na tinawag ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na “ang kaibig-ibig na Tagapagligtas na si Jesus.” Sa mga tao noong panahong iyon—sa lahat ng tao—kung ano ang mayroon si Jesus at kung ano Siya noon, ay awa at konsiderasyon. Hindi Niya kailanman tinandaan ang mga paglabag ng mga tao, at ang Kanyang pakikitungo sa kanila ay hindi kailanman batay sa kanilang mga paglabag. Dahil ibang kapanahunan iyon, kadalasa’y nagkaloob Siya ng saganang pagkain sa mga tao upang sila ay mangabusog. Pinakitunguhan Niya ang lahat ng Kanyang alagad nang may kabaitan, na nagpapagaling ng mga maysakit, nagpapalayas ng mga demonyo, bumubuhay ng mga patay. Upang maniwala sa Kanya ang mga tao at makita nila na lahat ng Kanyang ginawa ay ginawa nang buong sigasig at katapatan, binuhay pa Niya ang isang naaagnas na bangkay, na ipinakikita sa kanila na sa Kanyang mga kamay, kahit ang patay ay muling mabubuhay. Sa paraang ito tahimik Siyang nagtiis at isinagawa Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos sa kanila. Bago pa man Siya ipinako sa krus, pinasan na ni Jesus ang mga kasalanan ng sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Bago pa man siya ipinako sa krus, nabuksan na Niya ang daan patungo sa krus upang tubusin ang sangkatauhan. At sa huli, ipinako Siya sa krus, na isinasakripisyo ang Kanyang sarili para sa kapakanan ng krus, at ipinagkaloob Niya ang lahat ng Kanyang awa, konsiderasyon, at kabanalan sa sangkatauhan. Palagi Siyang mapagparaya sa sangkatauhan, hindi kailanman mapaghiganti, kundi pinatawad sila sa kanilang mga kasalanan, pinayuhan silang magsisi, at tinuruan silang magpasensya, magtiis, at magmahal, sumunod sa Kanyang mga yapak at isakripisyo ang kanilang sarili alang-alang sa krus. Ang Kanyang pagmamahal para sa mga kapatid ay humigit pa sa pagmamahal Niya kay Maria. Ginawa Niyang prinsipyo sa gawaing Kanyang ginawa ang pagpapagaling sa mga maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo, lahat para sa kapakanan ng Kanyang pagtubos. Saanman Siya pumunta, pinakitunguhan Niya nang may kabaitan ang mga sumunod sa Kanya. Pinayaman Niya ang mahirap, pinalakad Niya ang pilay, binigyan Niya ng paningin ang bulag, at ng pandinig ang bingi. Inanyayahan pa Niya ang mga pinakaaba, ang mga pinakasalat, ang mga makasalanan, na saluhan Siyang kumain, at hindi Niya sila kailanman iwinaksi kundi palagi Siyang nagpasensya, na sinasabi pang: Kung ang isang pastol ay nawawalan ng isa sa isang daan niyang mga tupa, iiwanan niya ang siyamnapu’t siyam upang hanapin ang isang tupang nawawala, at kapag nakita niya ito ay labis siyang magagalak. Minahal Niya ang Kanyang mga alagad gaya ng pagmamahal ng isang inang tupa sa kanyang mga kordero. Bagama’t sila ay mga hangal at mangmang, at makasalanan sa Kanyang paningin, at bukod pa riyan ay mga pinakaaba sa lipunan, itinuring Niya ang mga makasalanang ito—mga taong hinamak ng iba—na pinaka-paborito Niya. Dahil paborito Niya sila, ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa kanila, gaya ng isang kordero na inialay sa altar. Lumibot Siya sa kanila na parang alipin nila, at hinayaan silang gamitin Siya at patayin Siya, at sumuko sa kanila nang walang pasubali. Sa Kanyang mga alagad Siya ang kaibig-ibig na Tagapagligtas na si Jesus, ngunit sa mga Fariseo, na nagsermon sa mga tao mula sa mataas na pedestal, hindi Siya nagpakita ng awa at konsiderasyon, kundi ng pagkasuklam at galit. Hindi Siya gumawa ng maraming gawain sa mga Fariseo, paminsan-minsan lamang Niya sila pinangaralan at sinaway; hindi Niya ginawa sa kanila ang gawain ng pagtubos, ni hindi Siya nagpakita ng mga tanda at himala. Ipinagkaloob Niya ang Kanyang awa at konsiderasyon sa Kanyang mga alagad, na nagtitiis para sa kapakanan ng mga makasalanang ito hanggang sa kahuli-hulihan, nang Siya ay ipako sa krus, at nagdanas ng bawat kahihiyan hanggang sa lubos Niyang natubos ang buong sangkatauhan. Ito ang kabuuan ng Kanyang gawain.

Kung wala ang pagtubos ni Jesus, nabuhay na sana ang sangkatauhan sa kasalanan magpakailanman at naging mga anak ng kasalanan, mga inapo ng mga demonyo. Kung nagpatuloy ito, naging lupain na sana ni Satanas ang buong mundo, ang lupaing tirahan nito. Gayunman, ang gawain ng pagtubos ay nangailangan ng pagpapakita ng awa at konsiderasyon sa sangkatauhan; sa pamamagitan lamang nito maaaring tumanggap ng kapatawaran ang sangkatauhan at sa huli ay magkaroon ng karapatang magawang ganap at lubos na makamit ng Diyos. Kung wala ang yugtong ito ng gawain, hindi na sana sumulong ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Kung hindi ipinako si Jesus sa krus, kung nagpagaling lamang Siya ng mga maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, hindi sana lubusang mapapatawad ang mga tao sa kanilang mga kasalanan. Sa tatlo’t kalahating taon na ginugol ni Jesus sa paggawa ng Kanyang gawain sa lupa, tinapos lamang Niya ang kalahati ng Kanyang gawain ng pagtubos; pagkatapos, sa pagpapapako sa Kanya sa krus at pagiging kawangis ng makasalanang laman, sa pagpapasa sa Kanya roon sa masama, natapos Niya ang gawaing magpapako sa krus at napigil ang tadhana ng sangkatauhan. Pagkatapos na ibigay Siya sa mga kamay ni Satanas, saka lamang Niya natubos ang sangkatauhan. Sa loob ng tatlumpu’t tatlo at kalahating taon na nagdusa Siya sa lupa, tinuya, siniraang-puri, at tinalikuran, maging hanggang sa punto na wala Siyang mahimlayan ng Kanyang ulo, walang lugar na mapagpahingahan, at kalaunan ay ipinako Siya sa krus, pati na ang Kanyang buong pagkatao—isang banal at walang-salang katawan—ay ipinako sa krus. Tiniis Niya ang lahat ng klase ng pagdurusa. Tinuya Siya at nilatigo ng mga nasa kapangyarihan, at dinuraan pa Siya ng mga sundalo sa mukha; datapuwa’t Siya ay nanatiling tahimik at nagtiis hanggang wakas, na sumusunod nang walang pasubali hanggang kamatayan, pagkatapos niyon ay tinubos Niya ang buong sangkatauhan. Noon lamang Siya tinulutang makapagpahinga. Ang gawaing ginawa ni Jesus ay kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Biyaya; hindi ito kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, ni hindi ito panghalili sa gawain ng mga huling araw. Ito ang diwa ng gawain ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang ikalawang kapanahunan na napagdaanan ng sangkatauhan—ang Kapanahunan ng Pagtubos.

—mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Pagkatapos nito, noong Kapanahunan ng Biyaya, dumating si Jesus upang tubusin ang buong natisod na sangkatauhan (at hindi lamang ang mga Israelita). Nagpakita Siya ng awa at mapagmahal na kabaitan sa tao. Ang Jesus na nakita ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay puno ng mapagmahal na kabaitan at laging mapagmahal sa tao, sapagka’t naparito Siya upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Nakaya Niyang patawarin ang mga tao sa kanilang mga kasalanan hanggang sa ganap na tinubos ng pagkakapako Niya sa krus ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Sa panahong ito, nagpakita ang Diyos sa tao na may awa at mapagmahal na kabaitan; iyon ay, naging handog Siya para sa kasalanan ng tao at naipako sa krus para sa mga kasalanan ng tao upang maaari silang mapatawad magpakailanman. Siya ay maawain, mahabagin, matiisin, at mapagmahal. At hinangad rin ng lahat ng sumunod kay Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ang maging matiisin at mapagmahal sa lahat ng bagay. Matiisin sila, at hindi kailanman lumaban kahit na sinaktan, isinumpa, o binato.

—mula sa “Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nang naparito si Jesus, ginawa rin Niya ang bahagi ng gawain ng Diyos, at nangusap ng ilang salita—subali’t ano ang pangunahing gawain na tinupad Niya? Ang pangunahing tinupad Niya ay ang gawain ng pagpapapako sa krus. Naging kawangis Siya ng makasalanang laman upang kumpletuhin ang gawain ng pagpapapako sa krus at tubusin ang buong sangkatauhan, at para sa kasalanan ng buong sangkatauhan na Siya ay nagsilbi bilang handog para sa kasalanan. Ito ang pangunahing gawain na tinupad Niya. Sa kahuli-hulihan, inilatag Niya ang daan ng krus upang gabayan yaong mga sumunod. Nang dumating si Jesus, ito ay pangunahin para kumpletuhin ang gawain ng pagtubos. Tinubos Niya ang buong sangkatauhan, at dinala ang ebanghelyo ng kaharian ng langit sa tao, at, karagdagan pa, inilatag Niya ang landas tungo sa kaharian ng langit. Bilang bunga, yaong mga sumunod ay nagsabing lahat, “Dapat tayong lumakad sa daan ng krus, at isakripisyo ang ating mga sarili para sa krus.” Mangyari pa, sa pasimula si Jesus ay gumawa rin ng ilang iba pang gawain at nangusap ng ilang salita upang papagsisihin ang tao at papagkumpisalin ng kanyang mga kasalanan. Subali’t ang Kanyang ministeryo ay ang pagpapapako pa rin sa krus, at ang tatlo’t kalahating taon na ginugol Niya sa pangangaral ng daan ay bilang paghahanda para sa pagpapapako sa krus na sumunod. Ang maraming ulit na nanalangin si Jesus ay para rin sa kapakanan ng pagpapapako. Ang buhay ng isang normal na tao na ipinamuhay Niya at ang tatlumpu’t tatlong taon na nabuhay Siya sa lupa ay pangunahin para sa kapakanan ng pagkukumpleto ng gawain ng pagpapapako sa krus, ang mga iyon ay upang magbigay sa Kanya ng lakas na maisagawa ang gawaing ito, kung saan ang bunga ay ang pagkakatiwala ng Diyos sa Kanya ng gawaing pagpapapako sa krus.

—mula sa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus ang Diyos na nagligtas sa tao. Kung ano Siya at kung ano ang Kanyang taglay ay biyaya, pag-ibig, awa, pagtitiis, tiyaga, kababaang-loob, pag-aalaga, at pagpaparaya, at napakarami sa mga gawaing Kanyang isinagawa ay para sa kapakanan ng pagtubos sa tao. At para sa Kanyang disposisyon, ito ay isang may awa at pagmamahal, at dahil Siya ay maawain at mapagmahal, kinailangan Niyang maipako sa krus para sa tao, nang sa gayon ay maipakita Niya na mahal ng Diyos ang tao gaya ng Kanyang sarili, sa lawak na inialay Niya ang Kanyang sarili sa Kanyang kabuuan. Sinabi ni Satanas, “Yamang iniibig Mo ang tao, dapat Mo siyang ibigin hanggang sa pinakasukdulan: dapat Kang maipako sa krus, upang iligtas ang tao mula sa krus, mula sa kasalanan, at ihahandog Mo ang Iyong Sarili kapalit ng buong sangkatauhan.” Ginawa ni Satanas ang sumusunod na pusta: “Yamang Ikaw ay isang maibigin at mahabaging Diyos, dapat Mong ibigin ang tao hanggang sa pinakasukdulan: dapat Mong ihandog ang Iyong Sarili sa krus.” Sinabi ni Jesus, “Hangga’t ito ay para sa sangkatauhan, kung gayon Ako ay nakahanda na isuko ang lahat sa Akin.” Pagkatapos nito, Siya ay umakyat sa krus nang wala ni katiting na pag-aatubili sa sarili at tinubos ang buong sangkatauhan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus, na nangangahulugan na ang Diyos ay ang Diyos na nagligtas sa tao, at Siya ay isang maawain at mapagmahal na Diyos. Kasama ng tao ang Diyos. Ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang awa, at ang Kanyang pagliligtas ay naging kapiling ng bawat tao. Ang tao ay maaari lang magkamit ng kapayapaan at kagalakan, makatanggap ng Kanyang pagpapala, makatanggap ng Kanyang marami at malawak na biyaya, at matanggap ang Kanyang pagliligtas kung tinanggap ng tao ang Kanyang pangalan at tinanggap ang Kanyang presensiya. Sa pamamagitan ng pagkakapako ni Jesus sa krus, ang siyang mga sumunod sa Kanya ay nakatanggap ng pagliligtas at pinatawad sa kanilang mga kasalanan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus. Sa madaling salita, ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya ay isinagawa una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay tinawag na Jesus. Gumawa Siya ng gawain na higit pa sa Lumang Tipan, at ang Kanyang gawain ay natapos sa pagpapapako sa krus, at iyon ang kabuuan ng Kanyang gawain.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay pinawalang-sala sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Nguni’t sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangan pang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

(3) Ang layunin at kabuluhan ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’y naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

—mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gawain sa mga huling araw ay bumigkas ng mga salita. May malalaking pagbabago na maibubunga sa tao sa pamamagitan ng mga salita. Ang mga pagbabago ngayong naibubunga sa mga taong ito sa pagtanggap ng mga salitang ito ay mas higit kaysa roon sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya sa pagtanggap niyaong mga tanda at mga kababalaghan. Sapagka’t, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga demonyo ay lumayas sa tao sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at panalangin, nguni’t ang tiwaling mga disposisyon sa kalooban ng tao ay nanatili pa rin. Ang tao ay gumaling sa kanyang sakit at pinatawad sa kanyang mga kasalanan, nguni’t ang gawain ng kung paano maiwawaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon sa loob ng tao ay hindi nagawa sa kanya. Ang tao ay nailigtas lamang at napatawad sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananampalataya, nguni’t ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa kanyang kalooban. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao, nguni’t hindi ito nangangahulugan na ang tao ay walang kasalanan sa kalooban niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, nguni’t hindi magagawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang maaaring magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano ng pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakarating na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng nakasunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.

—mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nang ang Diyos ay naging tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, naghahatid Siya ng iba pang katotohanan sa tao, nagpapakita ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, at sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layunin na lupigin ang tao at iligtas mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.

—mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos.

—mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na nagawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag at likas na pagkataong lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang likas na lason sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin sa pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas. Ang tao ay nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng salita upang pinuhin, hatulan at ibunyag, ang lahat ng karumihan, mga pagkaunawa, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na naibubunyag.

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung hindi sa Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi posibleng malaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon, na hindi nagpapalampas ng pagkakasala, ni hindi niya mapapalitan ng bago ang dati niyang pagkakilala sa Diyos. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, ipinapakita Niya sa publiko ang Kanyang kabuuan, na nagbibigay-daan sa tao, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita sa publiko, na makilala ang Diyos, baguhin ang kanyang disposisyon, at magbigay ng matunog na patotoo sa Diyos. Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay nakakamit sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng gawain ng Diyos; kung wala ang mga pagbabagong iyon sa kanyang disposisyon, hindi magagawa ng tao na magpatotoo sa Diyos at maging kaayon ng nais ng Diyos. Ang pagbabago sa disposisyon ng tao ay tanda na napalaya na ng tao ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin kay Satanas at mula sa impluwensya ng kadiliman, at tunay nang naging modelo at halimbawa ng gawain ng Diyos, isang saksi ng Diyos, at isang tao na kaayon ng nais ng Diyos. Ngayon, dumating na ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa lupa, at Kanyang hinihingi sa tao na makamit ang pagkakilala sa Kanya, pagsunod sa Kanya, patotoo sa Kanya—malaman ang Kanyang praktikal at normal na gawain, sundin ang lahat ng Kanyang mga salita at gawain na hindi naaayon sa mga pagkaintindi ng tao, at magpatotoo sa lahat ng Kanyang gawain ng pagliligtas sa tao pati na rin ang lahat ng gawang ginagawa Niya na lumulupig sa tao. Yaong mga nagpapatotoo sa Diyos ay dapat magkaroon ng pagkakilala sa Diyos; ang ganitong uri lamang ng patotoo ang tiyak at totoo, at ang ganitong uri lamang ng patotoo ang maaaring magbigay-kahihiyan kay Satanas. Ginagamit ng Diyos ang mga taong nakarating na sa pagkakilala sa Kanya sa pamamagitan ng pagpapailalim sa Kanyang paghatol at pagkastigo, pakikitungo at pagtatabas, upang magpatotoo sa Kanya. Ginagamit Niya yaong mga nagawang tiwali na ni Satanas upang magpatotoo sa Kanya, at gayon din ay ginagamit Niya yaong ang mga disposisyon ay nabago na, at sa gayon ay nagkamit na ng Kanyang mga pagpapala, upang magpatotoo sa Kanya. Hindi niya kailangan ang tao na purihin Siya sa salita lamang, at hindi rin Niya kailangan ang papuri at patotoo ng kauri ni Satanas, na hindi pa Niya nailigtas. Tanging yaong mga nakakakilala sa Diyos ang karapat-dapat na magpatotoo sa Diyos, at yaon lamang mga nabago na ang kanilang disposisyon ang karapat-dapat na magpatotoo sa Diyos. Hindi papayagan ng Diyos ang tao na sadyang magdala ng kahihiyan sa Kanyang pangalan.

—mula sa “Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa Kapanahunan ng Kaharian, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagwiwika ng mga salita upang lupigin ang lahat ng naniniwala sa Kanya. Ito ay “ang Salita na nagpapakita sa katawang-tao”; ang Diyos ay naparito sa panahon ng mga huling araw upang gawin ang ganito, na ibig sabihin, Siya ay naparito upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao. Nagwiwika lamang Siya ng mga salita, at bihirang mayroong pagdating ng mga katunayan. Ito ang pinakasubstansya ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at kapag ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagwiwika ng Kanyang mga salita, ito ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao, at ang Salita na dumarating sa katawang-tao. “Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios, at nagkatawang-tao ang Verbo.” Ito (ang gawain ng pagpapakita ng Salita sa katawang-tao) ay ang gawain na tutuparin ng Diyos sa mga huling araw, at ang huling kabanata ng Kanyang buong plano ng pamamahala, at sa gayon ang Diyos ay naparito sa lupa at naghayag ng Kanyang mga salita sa katawang-tao. Yaong ginagawa ngayon, yaong gagawin sa hinaharap, yaong tutuparin ng Diyos, ang huling hantungan ng tao, yaong mga maliligtas, yaong mga mawawasak, at iba pa—ang gawaing ito na dapat makamit sa katapusan ay maliwanag nang nakasaad, at ang lahat ay upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na nagpapakita sa katawang-tao. Ang mga atas administratibo at saligang-batas na dati nang nailathala, yaong mga mawawasak, yaong mga papasok sa kapahingahan—ang lahat ng salitang ito ay dapat na matupad. Ito ang gawaing pangunahing natupad ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahon ng mga huling araw. Ipinauunawa Niya sa mga tao kung saan yaong mga itinadhana ng Diyos ay nabibilang at kung saan yaong mga hindi itinadhana ng Diyos ay nabibilang, kung paanong ang Kanyang mga tao at mga anak ay mapapagbukud-bukod, ano ang mangyayari sa Israel, ano ang mangyayari sa Egipto—sa hinaharap, bawat isa sa mga salitang ito ay matutupad. Ang mga hakbang ng mga gawain ng Diyos ay bumibilis. Ginagamit ng Diyos ang salita bilang ang paraan upang ibunyag sa tao kung ano ang gagawin sa bawat kapanahunan, kung ano ang gagawin ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, at ang ministeryo na Kanyang gagampanan, at lahat ng salitang ito ay upang isakatuparan ang aktuwal na kabuluhan ng Salitang nagpapakita sa katawang-tao.

—mula sa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at pagiging nakamamangha. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang diwa ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos, naniniwala ang tao sa pagiging makapangyarihan sa lahat at sa karunungan ng Diyos, gayundin sa pagmamahal ng Diyos para sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga pagkaunawa at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at mas marami pang tao ang namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano ng pamamahala.

—mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa mga huling araw, ang Diyos ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, kung gayon magiging imposible na gawing malinaw ang realidad ng Diyos, kaya imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subali’t gumagamit ng salita upang diligan at akayin ang tao, at pagkatapos nito ay nakakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang pagkakilala ng tao sa Diyos. Ito ang minimithi ng gawaing ginagawa Niya at ng mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit ng maraming iba’t ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang pagpipino, pakikitungo, pagtatabas, o pagtutustos ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba’t ibang mga perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagiging kamangha-mangha ng Diyos.

—mula sa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa huling yugtong ito ng gawain, ang mga resulta ay nakakamit sa pamamagitan ng salita. Sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa maraming mga hiwaga at sa gawain ng Diyos sa buong nakaraang mga henerasyon; sa pamamagitan ng salita, naliliwanagan ang tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa mga hiwaga na kailanman ay hindi pa nalutas ng mga nagdaang henerasyon, pati na rin sa gawain ng mga propeta at mga apostol ng mga nakaraang panahon, at sa mga alituntunin na kung saan sila ay gumawa; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaalam sa disposisyon ng Diyos Mismo, pati na rin sa pagka-mapanghimagsik at paglaban ng tao, at dumarating sa pagkaalam ng kanilang sariling diwa. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ng gawain at lahat ng salitang winika, dumarating ang tao sa pagkakilala sa gawain ng Espiritu, sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos, at lalo na, sa Kanyang buong disposisyon. Ang iyong kaalaman sa gawain ng pamamahala ng Diyos sa loob ng anim na libong taon ay nakamit din sa pamamagitan ng salita. Hindi ba ang iyong kaalaman ng iyong dating mga pagkaunawa at tagumpay sa pagsasantabi sa mga ito ay nakamit din sa pamamagitan ng mga salita?

—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinakadakilang kahalagahan ng gawain sa mga salita ay ang pagpapahintulot sa tao na isagawa ang katotohanan pagkatapos maintindihan ang katotohanan, magkamit ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon, at makamit ang pagkakilala sa kanilang mga sarili at ang gawain ng Diyos. Ang mga pamamaraan lamang ng paggawa sa pamamagitan ng pagsasalita ang maaaring hayaan ang komunikasyon sa pagitan ng Diyos at tao, ang mga salita lamang ang makapagpapaliwanag sa katotohanan. Ang paggawa sa ganitong paraan ay ang pinakamahusay na paraan ng paglupig sa tao; bukod sa pagbigkas ng mga salita, wala ng iba pang paraan ang may kakayahang magbigay sa tao ng isang mas malinaw na pagkaunawa sa katotohanan at sa gawain ng Diyos, at kaya sa Kanyang panghuling yugto ng gawain, ang Diyos ay nagsasalita sa tao upang buksang lahat sa tao ang mga katotohanan at mga hiwaga na hindi nila naiintindihan, magpapahintulot sa kanila na matamo ang tunay na daan at ang buhay mula sa Diyos, at sa gayo’y mapalulugod ang kalooban ng Diyos.

—mula sa “Dapat Mong Isantabi Ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang tao ay lubusang gagawing ganap sa Kapanahunan ng Kaharian. Pagkatapos ng gawain ng panlulupig, ang tao ay isasailalim sa pagpipino at kapighatian. Yaong mga makakapagtagumpay at makakatayong saksi sa panahon nitong kapighatian ay yaong mga gagawing ganap sa kahuli-hulihan; sila ang mga mananagumpay. Sa panahon nitong kapighatian, kinakailangan sa tao na tanggapin ang pagpipinong ito, at ang pagpipinong ito ang huling pagkakataon sa gawain ng Diyos. Ito ang huling panahon na pipinuhin ang tao bago ang pagtatapos ng lahat ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ng sumusunod sa Diyos ay kailangang tanggapin itong huling pagsubok, kailangang tanggapin itong huling pagpipino.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Matapos ang gawaing panlulupig ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at mahaharap sa kalamidad. Sa gayon, ang tao ay papangkatin ayon sa uri, ang mga gumagawa ng masama ay isasama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay isasama sa mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng bagay, ang katapusan ng tao ay maliwanag nang ipinakita sa kanyang mga mata, at ang lahat ng bagay ay papangkatin ayon sa uri. Paano gayon makatatakas ang mga tao sa paghihirap ng pagpapangkat na ito?

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay isasaayos ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang likas na katangian. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kahihinatnan ng sangkatauhan at ang kanilang hantungan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para ilantad ang kanilang pagsuway at kasamaan. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at buong sangkatauhan ay isasaayos ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sumasailalim ng kapangyarihan ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, yaong una sa lahat ay pinagsama-sama sa pagkastigo at paghatol, at inihahayag sa mga huling araw, ang lubos na mababago at magagawang ganap ang tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay mapaparusahan nang matindi ang lahat ng makasalanan.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga huling araw ay kung kailan ang lahat ng mga bagay ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng panlulupig. Ang panlulupig ay ang gawain sa mga huling araw; sa ibang salita, ang paghatol sa bawat kasalanan ng tao ay ang gawain sa mga huling araw. Kung hindi, paano pagpapangkat-pangkatin ang mga tao? Ang gawain na pagpapangkat-pangkat sa inyo ay ang umpisa ng ganitong gawain sa buong sansinukob. Pagkatapos nito, ang lahat ng tao ng iba’t ibang bansa saanman ay mapasasailalim sa gawaing panlulupig. Nangangahulugan ito na ang bawat tao ng sangnilikha ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa uri, paglapit sa luklukan ng paghatol upang hatulan. Walang tao at walang bagay ang makakatakas sa pagdurusa nitong pagkastigo at paghatol, at walang tao at walang bagay ang makakaiwas sa pagpapangkat-pangkat ayon sa uri; ang lahat ay isasaayos ayon sa mga klase. Ito ay dahil ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng mga bagay at lahat ng mga kalangitan at ng lupa ay humahantong sa wakas nito. Paano makatatakas ang tao sa katapusan ng kanyang pag-iral?

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naunawaan mo na, ipinapayo Ko na magpasakop ka nang masunurin na mahatulan, kung hindi ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataon kailanman na papurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Yaong mga tumatanggap lamang ng paghatol ngunit hindi kailanman maaaring mapadalisay, ibig sabihin, yaong mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay kamumuhian at itatakwil ng Diyos magpakailanman. Ang kanilang mga kasalanan ay mas marami, at mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagkat napagtaksilan nila ang Diyos at naghimagsik sila laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat na magsagawa ng paglilingkod ay tatanggap ng mas mabigat na parusa, isang parusang bukod diyan ay pangwalang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subalit ipinagkanulo Siya pagkatapos. Ang ganitong mga tao ay gagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito mismo ang paghahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao, at pagbubunyag sa kanya? Ipapadala ng Diyos ang lahat ng gumagawa ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng masasamang espiritu, at hahayaan ang masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang katawang laman ayon sa gusto nila. Ang kanilang katawan ay mangangamoy-bangkay, at iyon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan niyaong mga nananalig na hindi-tapat at huwad, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; pagkatapos, sa tamang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng maruruming espiritu, at hahayaan ang maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa gusto nila, upang hindi na sila makapagkatawang-taong muli kailanman at hindi na makitang muli ang liwanag kailanman. Yaong mga ipokrito na minsang naglingkod ngunit hindi nanatiling tapat hanggang sa huli ay ibinibilang ng Diyos sa masasama, kaya nabubuhay sila sa payo ng masasama at nagiging bahagi ng kanilang nagkakagulong mga tao; sa huli, pupuksain sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o naglaan ng anumang pagsisikap, at pupuksain silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, at lalong hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos ngunit napilitan dahil sa kanilang kalagayan na humarap sa Kanya nang madalian ay ibinibilang sa mga yaon na naglilingkod para sa Kanyang bayan. Iilan lamang sa mga taong iyon ang mananatiling buhay, samantalang karamihan ay mamamatay na kasama ng mga yaon na ni hindi nararapat na maglingkod. Sa huli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian ang lahat ng tao na ang isipan ay kaayon ng Diyos, ang mga tao at ang mga anak ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Gayon ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. Patungkol sa mga yaong hindi kabilang sa anumang kategoryang inilatag ng Diyos, ibibilang sila sa mga hindi walang pananalig. At tiyak na maiisip ninyo kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasiya kung aling landas ang inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maunawaan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinuman na hindi nakakasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao.

—mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kapag ang mga bansa at bayan sa mundo ay bumalik na lahat sa harap ng Aking luklukan, agad Kong kukunin ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibibigay ito sa mundo ng tao, para, dahil sa Akin, ay mapuno ito ng walang-kapantay na kasaganaan. Nguni’t hangga’t ang lumang mundo ay patuloy na umiiral, ihahagis Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipoproklama ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag humaharap Ako sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at sa gayon ay nakikita nila ang lahat ng Aking ginawa sa buong sansinukob. Yaong mga sumasalungat sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga tumututol sa Akin taglay sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati; ang di-mabilang na mga bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at magiging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nauukol sa diyablo ay lilipulin; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming bayan, yaong mga nasa relihiyosong daigdig, sa iba’t ibang lawak, ay bumabalik sa Aking kaharian, nalupig ng Aking mga gawain, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa puting ulap. Susunod ang buong sangkatauhan sa kanilang sariling uri, at makakatanggap ng mga pagkastigo na naiiba sa kung ano ang kanilang nagawa. Yaong mga kumalaban sa Akin ay malilipol na lahat; para naman sa mga yaon na hindi Ako isinama sa kanilang mga gawa sa lupa, dahil sa paraan nila ng pagpapawalang-sala sa kanilang sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, na nagpapahayag ng Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.

—mula sa “Kabanata 26” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa masama at paggantimpala sa mabuti ay ganap na natatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay ang pinakamaselan Niyang gawain. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala. Kung hindi pinuksa ng Diyos ang masasama at sa halip ay pinababayaan Niya silang manatili, kung gayon ang buong sangkatauhan ay hindi pa rin makakapasok sa kapahingahan; at hindi madadala ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan sa isang mas mabuting dako. Ang ganitong uri ng gawain ay hindi ganap na matatapos. Kapag natapos Niya ang Kanyang gawain, ang buong sangkatauhan ay magiging ganap na banal. Sa ganitong paraan lang maaaring matiwasay na mamuhay ang Diyos sa kapahingahan.

—mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Yamang nilikha ng Diyos ang tao, hihikayatin Niyang sambahin Siya ng tao; dahil ibig Niyang ibalik ang orihinal na silbi ng tao, ipanunumbalik Niya ito nang lubusan, at nang walang anumang halo. Ang kahulugan ng pagpapanumbalik ng Kanyang awtoridad ay hikayatin ang tao na sambahin at sundin Siya; ibig sabihin ay bubuhayin Niya ang tao dahil sa Kanya at papatayin Niya ang Kanyang mga kaaway dahil sa Kanyang awtoridad; ibig sabihin ay pamamalagiin Niya ang bawat huling bahagi Niya sa sangkatauhan at nang walang anumang pagtutol ng tao. Ang kahariang nais Niyang itatag ay ang Kanyang sariling kaharian. Ang sangkatauhang inaasam Niya ay yaong sumasamba sa Kanya, yaong ganap na sumusunod sa Kanya at taglay ang Kanyang kaluwalhatian. Kung hindi Niya ililigtas ang tiwaling sangkatauhan, mawawalan ng saysay ang Kanyang paglikha sa tao; mawawalan Siya ng awtoridad sa tao, at ang Kanyang kaharian ay hindi na iiral sa lupa. Kung hindi Niya pupuksain ang mga kaaway na iyon na masuwayin sa Kanya, hindi Niya matatamo ang Kanyang ganap na kaluwalhatian, ni hindi rin Niya maitatatag ang Kanyang kaharian sa lupa. Ito ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang gawain at ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang dakilang pagsasakatuparan: upang lubos na mapuksa yaong mga kasama sa sangkatauhan na suwail sa Kanya, at madala sa kapahingahan yaong mga nagawa nang ganap.

—mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Habang nagaganap ang Aking mga salita, unti-unting nabuo ang kaharian sa mundo at unti-unting nabalik sa pagiging normal ang tao, at sa gayo’y naitatatag sa mundo ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, nababawi ng buong bayan ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang nagyeyelong taglamig, napalitan ng isang mundo ng mga lungsod sa tagsibol, kung saan tagsibol sa buong taon. Hindi na nahaharap ang mga tao sa malungkot at miserableng mundo ng tao, hindi na nila tinitiis ang maginaw na mundo ng tao. Hindi nag-aaway-away ang mga tao, hindi nagdidigmaan ang mga bansa, wala nang patayan at dugong dumadaloy mula sa patayan; lahat ng lupain ay puno ng kaligayahan, at sa lahat ng dako ay punung-puno ng init ng pagmamahal ang mga tao sa isa’t isa.

—mula sa “Kabanata 20” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


————————————
Maraming tao ang nag-iisip na hangga't kinikilala natin ang Diyos sa ating mga bibig at nagtitiwala sa Kanya sa ating mga puso, kung gayon ay matatawag tayo na naniniwala tayo sa Diyos. Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ay tunay na kasing simple ng iniisip natin? Ano ang pananampalataya sa Diyos? Sa katunayan, ang "Paniniwala sa Diyos" ay nangangahulugang naniniwala tayo na pinanghahawakan ng Diyos ang soberanya sa lahat ng bagay. Batay dito, dapat nating maranasan ang gawain ng Diyos, mabago ang ating disposisyon at sa huli makilala ang Diyos.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento