"Basagin Ang Sumpa": Kapag Nagbalik ang Panginoon, Paano Siya Magpapakita sa Sangkatauhan


Dumating na ang mga huling araw, at marami sa mga mananampalataya ang naghahangad sa pagbabalik ng Panginoon at dalhin sila sa kaharian ng langit. Ngunit alam ba ninyo kung papaano magpapakita ang Panginoon sa atin kapag Siya ay bumalik? Magiging ganoon ba gaya ng iniisip natin, na magpapakita Siya nang bukas, direktang bumababa sakay ng ulap? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? ... Sa anong paraan babalik si Jesus? Naniniwala kayo na si Jesus ay babalik na nasa ibabaw ng puting ulap, ngunit ito ang tanong Ko sa inyo: Ano ang tinutukoy ng puting ulap na ito? Sa napakaraming alagad ni Jesus na naghihintay sa Kanyang pagbalik, kanino Siya bababa?" "Kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng pagkamatuwid. ... Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano sa pamamahala ng Diyos, at mangyayari kapag ginantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarusahan ang masasama. Sapagkat nagwakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kapag pagpapahayag lamang ng katotohanan ang naroon" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento