Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang kagalakan ng Diyos ay dahil sa pag-iral at pag-usbong ng pagkamakatuwiran at liwanag; dahil sa pagkawasak ng kadiliman at kasamaan. Natutuwa Siya dahil naghatid na Siya ng liwanag at mabuting buhay sa sangkatauhan; ang Kanyang kagalakan ay isang matuwid na kagalakan, isang simbolo ng pag-iral ng lahat na positibo at, higit pa, isang simbolo ng kaginhawahan. Ang galit ng Diyos ay dahil sa kapahamakang dulot ng pag-iral at paggambala ng kawalan ng katarungan sa Kanyang sangkatauhan, dahil sa pag-iral ng kasamaan at kadiliman, dahil sa pag-iral ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan, at higit dito dahil sa pag-iral ng mga bagay na kumakalaban sa anong mabuti at maganda.
Ang galit Niya ay simbolo ng lahat ng bagay na negatibo na hindi na umiiral, at higit pa, isang simbolo ng Kanyang kabanalan. Ang Kanyang kapighatian ay dahil sa sangkatauhan, na Kanyang inasahan ngunit nahulog na sa kadiliman, dahil ang gawain na Kanyang ginagawa sa tao ay hindi nakaaabot sa Kanyang mga inaasahan, at dahil ang sangkatauhang minamahal Niya ay hindi lahat makakapamuhay sa liwanag. Nakakaramdam Siya ng pighati para sa inosenteng sangkatauhan, para sa tapat ngunit ignoranteng tao, at para sa taong mabuti ngunit nagkukulang sa kanyang sariling pananaw. Ang Kanyang pighati ay isang simbolo ng Kanyang kabutihan at ng Kanyang kahabagan, isang simbolo ng kagandahan at kabutihan. Siyempre, ang Kanyang kasiyahan ay nagmumula sa pagdaig sa Kanyang mga kaaway at pagkamit ng mabuting pananampalataya ng tao. Bukod dito, nanggagaling din ito mula sa pagpapalayas at pagkawasak ng lahat ng puwersa ng kaaway, at dahil ang sangkatauhan ay tumatanggap ng mabuti at payapang buhay. Ang kasiyahan ng Diyos ay hindi tulad ng kagalakan ng tao; sa halip, ito ay ang pakiramdam ng pag-ani ng magagandang bunga, isang pakiramdam na mas higit pa sa kagalakan. Ang kasiyahan Niya ay simbolo ng kalayaan ng sangkatauhan sa pagdurusa mula sa oras na ito, at isang simbolo ng pagpasok ng sangkatauhan sa mundo ng liwanag.
—mula sa “Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang Diyos ay kung ano Siya at anong mayroon Siya ay kung ano ang mayroon Siya. Lahat ng Kanyang ipinapahayag at ibinubunyag ay mga kumakatawan sa Kanyang diwa at sa Kanyang pagkakakilanlan. Kung ano Siya at kung anong mayroon Siya, maging ang Kanyang diwa at pagkakakilanlan, ay mga bagay na hindi maaaring mapalitan ng sinumang tao. Sakop ng Kanyang disposisyon ang pag-ibig Niya para sa sangkatauhan, kaginhawahan ng sangkatauhan, pagkamuhi ng sangkatauhan, at higit pa rito, ang ganap na kaunawaan ng sangkatauhan. Subalit, ang personalidad ng tao ay maaaring puno ng pag-asa, masigla, o walang pakiramdam. Ang disposisyon ng Diyos ay taglay ng Tagapamahala ng lahat ng bagay at nabubuhay na nilalang, sa Panginoon ng lahat ng sangnilikha. Ang Kanyang disposisyon ay kumakatawan sa karangalan, kapangyarihan, kamahalan, kadakilaan, at higit sa lahat, pagiging nakahihigit sa lahat. Ang Kanyang disposisyon ang simbolo ng awtoridad, ang simbolo ng lahat ng matuwid, ang simbolo ng lahat ng maganda at mabuti. Higit pa rito, ito ang simbolo Niya na hindi maaaring[a] magapi o masakop ng kadiliman at anumang puwersa ng kaaway, at gayon din simbolo Niya na hindi maaaring masaktan (at hindi rin Niya mapapahintulutang masaktan Siya)[b] ng sinumang buhay na nilikha. Ang Kanyang disposisyon ay ang simbolo ng pinakamataas na kapangyarihan. Walang tao o mga taong makakakaya o makagagawang gumambala sa Kanyang gawain o Kanyang disposisyon.
—mula sa “Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Madalas na sinasabi ng mga tao na hindi madaling bagay ang kilalanin ang Diyos. Nguni’t sinasabi Ko na ang pagkilala sa Diyos ay hindi isang mahirap na bagay kahit kailan, sapagka’t madalas na hinahayaan ng Diyos ang tao na pagmasdan ang Kanyang mga gawa. Hindi kailanman itinitigil ng Diyos ang Kanyang pakikipag-usap sa sangkatauhan; hindi Niya kailanman tinatakpan ang Sarili Niya mula sa tao, ni naitatago Niya ang Sarili Niya. Ang Kanyang mga kaisipan, ang Kanyang mga ideya, ang Kanyang mga salita at Kanyang mga gawa ay ibinubunyag na lahat sa sangkatauhan. Samakatuwid, hanggga’t ninanais ng tao na kilalanin ang Diyos, nakakalapit siya upang unawain at kilalanin Siya sa pamamagitan ng lahat ng uri ng mga paraan at pamamaraan. … Sa totoo lang, kung ginagamit lamang ng isa ang kanilang bakanteng oras upang pagtuunan ng pansin at unawain ang mga salita o gawa ng Lumikha, at magbigay ng kaunting pansin sa mga kaisipan ng Lumikha at sa tinig ng Kanyang puso, hindi magiging mahirap para sa kanila na matanto na nakikita at malinaw ang mga kaisipan, mga salita at mga gawa ng Lumikha. Gayundin, kakailanganin ang kaunting pagsisikap upang matanto na ang Lumikha ay nasa kalagitnaan ng tao sa lahat ng panahon, na lagi Siyang nakikipag-usap sa tao at sa kabuuan ng sangnilikha, at Siya ay gumaganap ng mga bagong gawa sa araw-araw. Ang Kanyang diwa at disposisyon ay ipinahahayag sa Kanyang pakikipag-usap sa tao; ang Kanyang mga kaisipan at mga ideya ay lubos na ibinubunyag sa Kanyang mga gawa; Sinasamahan Niya at inoobserbahan ang sangkatauhan sa lahat ng sandali. Tahimik Siyang nagsasalita sa sangkatauhan at sa buong sangnilikha sa Kanyang tahimik na mga salita: Ako ay nasa mga kalangitan, at Ako ay nasa kalagitnaan ng Aking sangnilikha. Ako’y patuloy na nagmamasid; Ako’y naghihintay; Ako’y nasa iyong tabi….
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pagkilala sa Diyos ay dapat gawin sa pamamagitan ng pagbasa at pag-unawa sa salita ng Diyos. Sinasabi ng ilan: “Hindi ko pa nakikita ang Diyos na nagkatawang-tao, kaya paano ko makikilala ang Diyos?” Sa katunayan, ang salita ng Diyos ay isang pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos. Mula sa salita ng Diyos ay nakikita mo ang pag-ibig ng Diyos at pagliligtas para sa sangkatauhan, at Kanyang pamamaraan ng pagliligtas sa kanila…. Ito ay dahil ang salita ng Diyos ay inihahayag ng Diyos Mismo kasalungat sa paggamit sa tao para isulat ito. Ito ay personal na inihahayag ng Diyos—inihahayag Niya ang sarili Niyang mga salita at Kanyang panloob na tinig. Bakit sinasabi na ang mga ito ay mga taos-pusong salita? Dahil ang mga ito’y nanggagaling sa kaibuturan, inihahayag ang Kanyang disposisyon, Kanyang kalooban, Kanyang mga iniisip, Kanyang pag-ibig sa sangkatauhan, Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan at Kanyang mga inaasahan sa sangkatauhan…. Kasama sa mga salita ng Diyos ay masasakit na salita, banayad at may pagsasaalang-alang na mga salita, at may ilang salitang nagbubunyag na hindi naaayon sa mga pantaong pagnanais. Kung titingnan mo lamang ang mga salitang nagbubunyag, mararamdaman mo na ang Diyos ay medyo mahigpit. Kung titingnan mo lamang ang mga banayad na salita, mararamdaman mo na walang masyadong awtoridad ang Diyos. Kaya, hindi mo dapat kuhanin ito nang wala sa konteksto, kundi tingnan ito mula sa bawat anggulo. Kung minsan nagsasalita ang Diyos mula sa isang banayad at mahabaging pananaw, at nakikita ng mga tao ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan; kung minsan nagsasalita Siya mula sa isang istriktong pananaw, at nakikita ng mga tao ang disposisyon ng Diyos na hindi kukunsinti sa kasalanan. Ang tao’y kalunus-lunos sa karumihan at hindi karapat-dapat na tumingin sa mukha ng Diyos o humarap sa Diyos. Na nakakaharap ngayon sa Diyos ang mga tao ay tanging sa biyaya ng Diyos. Nakikita ang karunungan ng Diyos mula sa Kanyang paraan ng paggawa at sa kahulugan ng Kanyang gawain. Nakikita pa rin ng mga tao ang mga bagay na ito sa salita ng Diyos kahit hindi tuwirang nakikipag-ugnayan sa Kanya.
—mula sa “Paano Kikilalanin ang Diyos na Nagkatawang-tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Hindi alintana kung anong yugto ka man nakarating sa iyong karanasan, ikaw ay hindi maihihiwalay sa salita ng Diyos o sa katotohanan, at kung ano ang iyong pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang iyong pagkakilala sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay ipinahayag lahat sa mga salita ng Diyos; ang mga ito ay may ugnayang hindi maihihiwalay sa katotohanan. Ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano Siya ay ang mga katotohanan mismo; ang katotohanan ay isang tunay na kapahayagan ng disposisyon ng Diyos at ng kung anong mayroon at kung ano Siya. Ginagawa nitong kongkreto ang kung anong mayroon at kung ano ang Diyos at malinaw na sinasabi ito; sinasabi nito sa iyo nang mas tuwiran kung ano ang gusto ng Diyos, kung ano ang hindi Niya gusto, kung ano ang nais Niyang gawin mo at kung ano ang hindi Niya pinahihintululot na gawin mo, anong mga tao ang hinahamak Niya at anong mga tao ang Kanyang kinagigiliwan. Sa likod ng mga katotohanan na ipinahahayag ng Diyos nakikita ng tao ang Kanyang kagalakan, galit, kalungkutan, at kaligayahan, gayundin ang Kanyang diwa—ito ang paghahayag ng Kanyang disposisyon. Maliban sa pagkakilala sa kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at pagkaunawa sa Kanyang disposisyong mula sa Kanyang salita, ang mahalaga ay ang pangangailangan na marating ang pagkaunawang ito sa pamamagitan ng praktikal na karanasan. Kung aalisin ng isang tao ang kanyang sarili mula sa totoong buhay nang upang makilala ang Diyos, hindi niya magagawang makamtan iyon. Kahit na may mga tao na nakapagkakamit ng ilang pagkaunawa mula sa salita ng Diyos, ito ay limitado lamang sa mga teorya at mga salita, at mayroong kaibahan sa kung ano talaga ang Diyos.
—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, ang kakanyahan ng Diyos, ang Kanyang disposisyon—ang lahat ay ipinahayag sa Kanyang salita sa sangkatauhan. Kapag nararanasan niya ang mga salita ng Diyos, habang nangyayari ang mga ito, darating sa punto na maiintindihan ng tao ang layunin sa likod ng mga salitang sinasabi ng Diyos, at maiintindihan ang pinagmumulan at pinanggalingan ng mga salita ng Diyos, at maiintindihan at mapapahalagahan ang hinahangad na epekto ng mga salita ng Diyos. Para sa sangkatauhan, ang lahat ng ito ay mga bagay na dapat maranasan ng tao, matarok, at makuha upang makamit ang katotohanan at buhay, matarok ang mga intensyon ng Diyos, mabago sa kanyang disposisyon, at makasunod sa pagiging-kataas-taasan at mga pagsasaayos ng Diyos. Habang dinaranas, tinatarok, at kinukuha ng tao ang mga bagay na ito, unti-unti siyang magkakamit ng pagkaunawa sa Diyos, at sa panahong ito magkakamit din siya ng iba’t ibang antas ng pagkaunawa tungkol sa Kanya. Ang pagkaunawa at pagkakilalang ito ay hindi nanggagaling sa isang bagay na kathang-isip o binuo ng tao, kundi mula sa pinahahalagahan niya, nararanasan, nararamdaman, at pinatototohanan ng kanyang kalooban. Pagkatapos lamang mapahalagahan, maranasan, maramdaman at mapatotohanan ang mga bagay na ito saka nagkakaroon ng laman ang pagkakilala ng tao sa Diyos, tanging ang pagkakilalang nakamit niya sa panahong ito ang totoo, tunay, at tumpak, at ang prosesong ito—ng pagkamit ng totoong pagkaunawa at pagkakilala sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapahalaga, pagdaranas, pakikiramdam, at pagpapatotoo sa Kanyang mga salita—ay walang iba kundi ang tunay na pakikipag-isa sa pagitan ng tao at Diyos. Sa gitna ng ganitong klase ng pakikipag-isa, nagagawang tunay na maintindihan at maabot ng tao ang mga intensyon ng Diyos, nagagawang tunay na maintindihan at malaman kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, nagagawang tunay na maintindihan at malaman ang kakanyahan ng Diyos, nagagawang unti-unting maintindihan at malaman ang disposisyon ng Diyos, nararating ang tunay na katiyakan tungkol sa, at tamang pagpapakahulugan ng, katunayan ng kapamahalaan ng Diyos sa lahat ng sangnilikha, at nagkakamit ng sapat na tindig at kaalaman tungkol sa pagkakakilanlan at posisyon ng Diyos. Sa gitna ng ganitong klase ng pakikipag-isa, binabago ng tao, unti-unti, ang mga iniisip niya tungkol sa Diyos, hindi na Siya kathang-isip mula sa kawalan, o hinahayaan ang kanyang mga hinala tungkol sa Kanya, o maling pagkaunawa sa Kanya, o paghusga sa Kanya, o paghatol sa Kanya, o pagdududa sa Kanya. Bunga nito, magkakaroon ang tao ng mas kaunting pakikipagdebate sa Diyos, magkakaroon siya ng mas kaunting alitan sa Diyos, at magkakaroon ng mas kaunting pagkakataon na maghihimagsik siya laban sa Diyos. Sa kabaligtaran, ang pagmamalasakit ng tao at pagsunod sa Diyos ay lalong lalago, at ang paggalang niya sa Diyos ay magiging mas tunay at malalim din. Sa gitna ng ganitong klaseng pakikipag-isa, hindi lamang makakamit ng tao ang pagkakaloob ng katotohanan at ang bautismo ng buhay, kundi kasabay nito makakamit din niya ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, hindi lamang mababago ang tao sa kanyang disposisyon at tatanggap ng kaligtasan, kundi ganoon din magkakaroon siya ng tunay na paggalang at pagsamba ng isang nilikha tungo sa Diyos. Sa pagkakaroon ng ganitong uri ng pakikipag-isa, ang pananampalataya ng tao sa Diyos ay hindi na lamang isang blangkong piraso ng papel, o isang pangakong sa salita lamang, o isang anyo ng bulag na paghahabol at pag-iidolo; tanging sa ganitong klase ng pakikipag-isa lalago ang buhay ng tao tungo sa paggulang araw-araw, at ngayon lamang unti-unting mababago ang kanyang disposisyon, at ang pananampalataya niya sa Diyos ay, paisa-isang hakbang, lilipas mula sa malabo at hindi tiyak na paniniwala patungo sa tunay na pagsunod at pagmamalasakit, patungo sa tunay na paggalang, at ang tao rin ay, sa kanyang paghahabol sa Diyos, unti-unting susulong mula sa pagiging walang-kibo patungo sa aktibong katayuan, mula sa pagiging kinikilusan patungo sa isang gumagawa ng positibo; tanging sa ganitong klase ng pakikipag-isa makakarating ang tao sa tunay na pagkaintindi at pagkaunawa sa Diyos, sa tunay na pagkakilala sa Diyos.
—mula sa “Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pagkakilala sa awtoridad ng Diyos, kapangyarihan ng Diyos, sariling pagkakakilanlan ng Diyos, at diwa ng Diyos ay hindi makakamit sa pamamagitan ng pag-asa sa iyong imahinasyon. Dahil hindi ka makakaasa sa imahinasyon para makilala ang awtoridad ng Diyos, kung gayon, sa anong paraan mo nakakamit ang tunay na pagkakilala sa awtoridad ng Diyos? Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos, sa pamamagitan ng pagsasalamuha, at sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos, magkakaroon ka ng unti-unting karanasan at pagpapatunay sa awtoridad ng Diyos at sa gayon makakatamo ka ng dahan-dahang pagkaunawa at unti-unting pagkakilala rito. Ito lamang ang tanging paraan para makamit ang pagkakilala sa awtoridad ng Diyos; walang mga madaliang paraan. Ang paghingi sa inyo na huwag ilarawan sa isip ay hindi pareho ng pagpapaubaya sa inyo na maupong walang ginagawa at maghintay ng pagkawasak, o pagpigil sa inyo sa paggawa ng anumang bagay. Ang hindi paggamit ng iyong utak para mag-isip at maglarawan sa isip ay nangangahulugang hindi paggamit ng pangangatwiran para maghinuha, hindi paggamit ng kaalaman para magsuri, hindi paggamit sa siyensya bilang basehan, bagkus ay pagpapahalaga, pagpapatunay, at pagkumpirma na ang Diyos na iyong pinaniniwalaan ay may awtoridad, kinukumpirma na may hawak Siya ng pagiging-kataas-taasan sa iyong kapalaran, at ang Kanyang kapangyarihan ay nagpapatunay sa lahat ng sandali na Siya ang tunay na Diyos Mismo, sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, sa pamamagitan ng katotohanan, sa pamamagitan ng lahat ng bagay na iyong natatagpuan sa buhay. Ito ang tanging paraan para magkamit ang sinuman ng pagkaunawa sa Diyos. May mga nagsasabi na ninanais nila na makahanap ng simpleng paraan para makamit ang layuning ito, nguni’t may naiisip ba kayong gayong paraan? Sinasabi Ko sa iyo, hindi na kailangang mag-isip: Walang ibang paraan! Ang tanging paraan ay matapat at matiyagang kilalanin at patunayan kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng bawat salita na Kanyang ipinahahayag at sa lahat ng Kanyang ginagawa. Ito ang tanging paraan para makilala ang Diyos. Dahil kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, at lahat ng bagay ng Diyos, ay hindi hungkag at walang-kabuluhan—kundi tunay.
—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “ito ay simbolo ng pagiging walang kakayahang maging.”
b. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “gayon din isang simbolo ng pagiging walang kakayahang magkasala (at hindi hinahayaang magkasala).”
0 Mga Komento