Mga Pagdurusa at mga Pagsubok—ang mga Pagpapala ng Pinapaboran



Wang Gang Lalawigan ng Shandong

Ako ay isang magsasaka at dahil ang aking pamilya ay mahirap, kailangan kong palaging maglakbay kung saan-saan upang makahanap ng mga pansamantalang trabaho upang kumita ng pera; akala ko kaya kong mapabuti ang aking buhay sa pamamagitan ng aking pisikal na paggawa. Gayunpaman, sa katotohanan, nakita kong walang mga garantiya para sa mga legal na karapatan ng mga migranteng manggagawang tulad ko; madalas na ibininbin ang aking sahod nang walang dahilan. Paulit-ulit akong dinaya at pinagsamantalahan ng iba. Pagkatapos ng isang taon ng pagsisipag, hindi ko natanggap ang dapat kong tanggapin. Nadama kong tunay na madilim ang mundong ito! Tinatrato ng mga tao ang bawat isa na tulad ng mga hayop kung saan binibiktima ng malakas ang mahina; nagpapaligsahan sila sa bawat isa, naglalaban nang kamao sa kamao, at hindi ko talaga kayang panindigan ang patuloy na mabuhay nang ganito. Sa matinding sakit at depresyon ng aking espiritu, at nang mawalan ako ng pananampalataya sa buhay, ibinahagi sa akin ng isa kong kaibigan ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos. Simula noon, regular akong nakipagtipon, nanalangin at kumanta kasama ang mga kapatid; pinag-usapan namin ang katotohanan, at ginamit ang aming mga lakas upang mapunan ang mga kahinaan ng isa’t isa. Napakasaya ko at malaya. Sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nakita ko na hindi sinubukang sapawan ng mga kapatid ang isa’t isa o tingnan ang mga pagkakaiba sa lipunan; lahat sila ay ganap na bukas at magkakasundo ang bawat isa. Naroon ang lahat para masigasig na hanapin ang katotohanan upang itapon ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at mabuhay tulad ng mga tao at magkamit ng kaligtasan. Pinahintulutan ako nitong danasin ang kaligayahan sa buhay at maunawaan ang kabuluhan at halaga ng buhay. Samakatuwid, nagpasiya akong dapat kong palaganapin ang ebanghelyo at pahintulutan ang mas maraming tao na nabubuhay sa kadiliman na lumapit sa Diyos upang tanggapin ang Kanyang pagliligtas at makitang muli ang liwanag. Dahil dito, sumali ako sa mga hanay ng pagpapahayag ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos. Ngunit sa di-inaasahan, naaresto ako ng gobyerno ng CCP dahil sa pangangaral ng ebanghelyo at dumanas ako ng labis na kalupitan ng pagpapahirap, malupit na pagtrato at pagkabilanggo.

Hapon iyon noong taglamig ng 2008, nang nagpatotoo ako at ang dalawang kapatid na babae tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw sa isang layon ng ebanghelyo, iniulat kami ng masasamang tao. Ginamit ng anim na opisyal ng pulisya ang dahilan ng pangangailangang suriin ang aming mga pahintulot sa paninirahan upang makapanghimasok sa bahay ng layon ng ebanghelyo. Nang sila ay pumasok sa pintuan, sumigaw sila: “Huwag kikilos!” Ang dalawa sa masasamang pulis ay tila ganap na nabaliw nang sila ay sumalakay sa akin; dinakma ng isa sa kanila ang damit sa aking dibdib at hinawakan noong isa ang aking mga bisig at ginamit ang lahat ng kanyang lakas upang higpitan ang mga ito sa likod ko, at pagkatapos ay galit siyang nagtanong: “Ano ang ginagawa mo? Taga saan ka? Ano ang pangalan mo?” Sinagot ko siya ng tanong: “Ano bang ginagawa ninyo? Anong dahilan at inaaresto ninyo ako?” Nang marinig nilang sinabi ko ito, talagang nagalit sila at agresibong sinabi: “Hindi mahalaga kung ano ang dahilan, ikaw ang aming hinahanap at sasama ka sa amin!” Pagkatapos nito, ako at ang dalawang kapatid na babae ay dinala ng masasamang pulis, itinulak kami sa sasakyan ng pulis at dinala kami sa lokal na istasyon ng pulisya.

Pagkatapos naming makarating sa istasyon ng pulisya, kinuha ako ng masasamang pulis at ikinulong ako sa isang maliit na silid; inutusan nila akong bumaluktot sa sahig at nagdala ng apat na tao upang panoorin ako. Dahil nakatingkayad ako nang matagal, napagod ako nang sobra na hindi ko na kinaya. Sa sandaling sinubukan kong tumayo, ang masamang pulis ay madaliang tumakbo at idinikdik ang aking ulo upang pigilan akong tumayo. Saka lang nila ako kinapkapan nang sumapit na ang gabi at pinayagan akong tumayo; nang wala silang nakita sa kanilang pagkapkap, silang lahat ay umalis. Hindi nagtagal, narinig ko ang mga nakapangingilabot na sigaw ng isang taong pinahihirapan sa silid sa kasunod na pintuan, at sa sandaling iyon, sobra akong natakot: Hindi ko alam kung anong pagpapahirap at malupit na pagtrato ang gagamitin nila sa akin sa susunod! Nagsimula akong manalangin agad sa Diyos sa aking puso: “O Makapangyarihang Diyos, sobra akong natatakot ngayon, hinihiling ko sa Iyong bigyan ako ng pananampalataya at lakas, gawin akong matatag at matapang upang maging patotoo ako para sa Iyo. Kung hindi ko makayanan ang kanilang pagpapahirap at malupit na pagtrato, kung kailangan kong magpakamatay sa pamamagitan ng pagputol sa aking dila, hindi Kita kailanman ipagkakanulo tulad ng kay Judas!” Pagkatapos manalangin, naisip ko ang mga salita ng Diyos, “Huwag matakot, ang Makapangyarihang Diyos ng maraming hukbo ay tiyak na sasaiyo; Siya ay nasa inyong likuran at Siya ang inyong sanggalang” (“Kabanata 26” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Oo, ang Makapangyarihang Diyos ang aking suporta at kasama ko Siya; ano pa ang dapat ikatakot? Kailangan kong umasa sa Diyos upang labanan si Satanas. Inalis ng mga salita ng Diyos ang pangingimi sa aking puso, at ang aking puso ay nakalaya.

Nang gabing iyon, apat na malulupit na pulis ang dumating at ang isa sa kanila ay itinuro ako at sumigaw ng: “Tiyak na nakahuli tayo ng isang malaking isda! Kayong mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay nakagagambala sa kaayusan ng lipunan, at sumisira sa pambansang batas….” Sumigaw siya habang itinulak niya ako sa silid ng pagpapahirap sa ikalawang palapag, inuutusan akong tumingkayad. Nakaayos ang silid ng pagpapahirap nang may lahat ng uri ng mga instrumento ng pagpapahirap tulad ng mga lubid, pamalong kahoy, baton, latigo, baril, atbp. Gulung-gulo ang pagkakaayos ng mga ito. Nakakunot ang mga kilay at nagliliyab ang mga mata, sinabunutan ako ng isa sa masasamang pulis gamit ang isang kamay, at sa kabilang kamay hawak ang de-kuryenteng baton, na nagdulot ng maiingay na “pangunguryente at pagputok”, at nagbanta para sa mga hinihinging impormasyon: “Ilang tao ang nasa inyong iglesia? Saan ang inyong lugar ng pulong? Sino ang namamahala? Ilang tao ang nasa lugar na nangangaral ng ebanghelyo? Magsalita ka! Kung hindi, matitikman mo kung ano ang darating!” Tiningnan ko ang nakamamatay na panganib ng de-kuryenteng baton at tuminging muli sa silid na puno ng mga instrumento ng pagpapahirap; hindi ko magagawang hindi kabahan at matakot. Hindi ko alam kung magagawa kong lampasan ang pagpapahirap na ito. Sa kritikal na sandaling ito, naisip ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagsasabing: “Dapat uminom ka rin mula sa mapait na tasa na Aking ininuman (ito ang Kanyang sinabi pagkatapos ng pagkabuhay na muli), dapat mo ring lakaran ang daan na Aking nilakaran” (“Paano Nakilala ni Pedro si Jesus” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nakilala ko ito bilang isang bagay na ipinagkatiwala sa amin ng Diyos at ito ang paraan ng pamumuhay na personal na itinatag ng Diyos para sa amin. Sa pagtahak sa landas ng paniniwala sa Diyos at paghahanap sa katotohanan, dapat talagang malampasan ng isang tao ang pagdurusa at kabiguan. Ito ay hindi maiiwasan, at sa huli, nagdudulot ng mga pagpapala mula sa Diyos ang mga pagdurusang ito. Sa pamamagitan lamang ng pagdurusa matatanggap ng mga tao ang daan ng katotohanan na ipinagkaloob ng Diyos, at ang katotohanang ito ay buhay na walang hanggan, na ipinagkaloob ng Diyos. Dapat akong lumakad sa mga yapak ng Diyos at harapin ito nang may lakas ng loob; hindi ako dapat mangimi o matakot. Sa pag-iisip nito, agad na naglabas ng isang uri ng lakas ang aking puso at sinabi ko sa isang malakas na tinig: “Naniniwala lamang ako sa Makapangyarihang Diyos, wala akong nalalamang iba pa!” Nang marinig ito ng masamang pulis, nataranta siya at marahas akong dinunggol sa kaliwang gilid ng aking dibdib gamit ang de-kuryenteng baton. Kinuryente niya ako nang halos isang minuto. Agad kong naramdamang tila kumulo ang dugo sa aking katawan; di ko matiis ang sobrang sakit mula ulo hanggang paa at nagpagulong-gulong ako sa sahig habang walang tigil na sumisigaw. Hindi pa rin siya sumuko sa akin at bigla niyang sinimulan akong kaladkarin at gumamit ng baton upang itaas ang aking baba, sumisigaw ng: “Magsalita ka! Hindi ka ba mangungumpisal?” Sumigaw siya at sinundot niya ang kanang bahagi ng aking dibdib gamit ang de-kuryenteng baton, sobra akong nakuryente na nanginginig ako mula ulo hanggang paa. Sumakit ito nang sobra maya-maya hanggang sa ako ay hinimatay sa sahig nang hindi kumikilos. Hindi ko alam kung gaano karaming oras ang lumipas, ngunit nagising ako habang sinasabi ng masasamang pulis na: “Nagpapanggap ka bang patay? Nagpapanggap ka! Sige at magpanggap ka!” Sinundot nila akong muli sa mukha gamit ang baton at sinipa ako sa hita. Pagkatapos, kinaladkad nila ako at malupit na tinanong: “Sasabihin mo na ba sa akin!?” Hindi pa rin ako sumagot. Walang awang pinagpapalo ng masasamang pulis ang aking mukha gamit ang kanilang mga kamao at natanggal ang isa sa aking mga ngipin, habang ang isa pang ngipin ay malapit nang matanggal. Ang aking mga labi ay agad na nagsimulang dumugo. Sa pagharap sa nakababaliw na paghihirap ng mga demonyong ito, natakot lamang ako na baka ipagkakanulo ko ang Diyos dahil hindi ko matagalan ang kanilang pagpapahirap. Sa pagkakataong ito, naisip kong muli ang tungkol sa mga salita ng Diyos. “Yaong mga nasa kapangyarihan ay maaaring mukhang masama sa panlabas, nguni’t huwag matakot, sapagka’t ito ay dahil sa may mahina kayong pananampalataya. Hangga’t lumalago ang inyong pananampalataya, walang anumang magiging napakahirap” (“Kabanata 75” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Binigyan akong muli ng pananampalataya at lakas ng mga salita ng Diyos, at nalaman kong kahit na ang masasamang pulis sa harap ko ay nanginginig at walang pigil, itinalaga sila ng kamay ng Diyos. Sa sandaling iyon, ginamit sila ng Diyos upang subukan ang aking pananampalataya. Hangga’t ako ay may pananampalataya at umasa sa Diyos at hindi bumigay sa kanila, hindi nila maiiwasang mabigo sa kahihiyan. Sa pag-iisip tungkol dito, inipon ko ang lahat ng lakas ng aking katawan at sumagot sa malakas na tinig: “Bakit ninyo ako dinala rito? Bakit ninyo ako kinukuryente ng de-kuryenteng baton? Anong krimen ang ginawa ko?” Ang masamang pulis ay biglang nagulat at nakonsensiya. Nagsimula siyang mautal: “Ako … Ako … Hindi ko ba dapat dinala ka rito?” At umalis siyang napahiya. Sa pagkakita sa kahiya-hiyang sitwasyon ng kagipitan ni Satanas, ako ay naiyak. Sa ganitong mabigat na suliranin, tunay kong naranasan ang kapangyarihan at awtoridad ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Hangga’t isinasagawa at sinusunod ang salita ng Diyos, iingatan at poprotektahan ka ng Diyos at sasamahan ka ng kapangyarihan ng Diyos. Kasabay nito, nakadama ako ng utang na loob sa Diyos dahil sa liit ng pananampalataya ko. Pagkatapos nito, dumating ang isang matangkad na opisyal ng pulis at lumapit sa akin at nagsabi: “Kailangan mo lamang sabihin sa amin kung saan nakatira ang iyong pamilya at gaano karami ang mga tao sa iyong pamilya, at agad ka naming pakakawalan.” Nang makita niyang wala akong sasabihin, nataranta siya at hinila ang aking kamay at pinuwersa ang imprenta ng aking kamay sa berbal na pangungumpisal na kanilang isinulat. Nakita ko na ang berbal na pangungumpisal ay hindi ang sinabi ko sa kanila, ito ay tahasang peke at huwad na ebidensiya. Napuno ako ng matuwid na galit at kinuha ko ito at pinagpupunit ito. Agad na sumabog sa galit ang masamang pulis at sinuntok niya ako sa kaliwang bahagi ng aking mukha. At sinampal niya ako nang sobrang lakas nang dalawang beses at ako ay nahilo. Pagkatapos, ibinalik nila ako sa maliit na silid kung nasaan ako dati.

Pagkatapos bumalik sa maliit na silid, pasa-pasa ako at bugbog, hindi ko matiis ang sakit. Hindi maiiwasan ng aking pusong maging malungkot at manghina: Bakit kailangang magdusa nang ganito ang mga mananampalataya? Ipinangaral ko ang ebanghelyo na may mabubuting hangarin na pinahihintulutan ang mga taong hanapin ang katotohanan at maligtas, at hindi ko inaasahang pagdusahan ang pagmamalupit na ito. Sa pag-iisip tungkol dito, mas nadama kong ako’y ginawan ng mali. Sa aking sakit, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Dahil isa kang taong nilalang, dapat kang gumugol para sa Diyos at tiisin ang lahat ng pagdurusa! Dapat mong tanggapin nang may kagalakan at may katiyakan ang maliit na pagdurusa na iyong pinagdaraanan sa kasalukuyan at isabuhay ang isang makahulugang buhay, kagaya ni Job, kagaya ni Pedro. … Kayo ay mga tao na naghahangad ng tamang landas, yaong mga naghahangad ng pagsulong. Kayo’y mga tao na naninindigan sa bansa ng malaking pulang dragon, yaong mga tinatawag na matuwid ng Diyos. Hindi ba iyon ang pinakamakahulugang buhay?” (“Pagsasagawa (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Biglang hinila ang mga pisi ng aking puso ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Oo, diniligan ako ng Diyos at binigyan ako ng Kanyang masaganang mga salita ng buhay, pinahintulutan Niya akong matamasa ang Kanyang masaganang biyaya nang libre at pinahintulutan akong malaman ang mga hiwaga at katotohanan na walang sinumang nakaunawa sa mga nakaraang henerasyon. Ito ang espesyal na pagpapalang ibinigay sa akin ng Diyos. Dapat akong magpatotoo sa Diyos at tiisin ang lahat ng sakit para sa Diyos. Ang anumang halaga ng sakit ay sulit, dahil ito ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang bagay! Ngayon, pinapahirapan ako dahil sa pangangaral ng ebanghelyo at hindi nais pagdusahan ang anumang pisikal na sakit para rito; pakiramdam ko’y ginawan ako ng mali at hindi ako handa. Hindi ko ba pinalungkot ang Diyos sa paggawa nito? Hindi ba ako kulang sa konsensiya? Paano ako magiging karapat-dapat sa maawaing pagpapala ng Diyos at pagbibigay-buhay? Nagkaroon ng malakas at maugong na patotoo para sa Diyos ang mga henerasyon ng mga santo dahil sinunod nila ang daan ng Diyos; namuhay sila nang may kabuluhan. Ngayon ay mayroon akong lahat ng mga salitang ito mula sa Diyos, kaya’t hindi ba ako dapat higit pang mag-alok ng magagandang patotoo para sa Diyos? Sa pagninilay-nilay nito, hindi nakaramdam ng sakit ang katawan ko gaya ng dati, alam ko talagang iyon ang salita ng Makapangyarihang Diyos na nagbigay sa akin ng lakas ng buhay, na nagpapahintulot sa aking mapagtagumpayan ang mga kahinaan ng laman.

Nang sumunod na araw, wala nang iba pang estratehiyang natitira ang masamang pulis upang subukan. Binantaan nila ako na sinasabing: “Wala ka bang sasabihin man lang? Kung ganoon, ikukulong ka namin!” Pagkatapos, dinala nila ako sa isang sentro ng detensyon. Sa sentro ng detensyon, patuloy na ginamit ng masasamang pulis ang lahat ng uri ng pamamaraan ng pagpapahirap sa akin at madalas na inudyukan ang mga bilanggo upang bugbugin ako. Sa nakanginginig na lamig ng taglamig, inutusan nila ang mga bilanggong ibuhos ang mga balde ng malamig na tubig sa akin at pinilit akong maligo nang malamig. Nanginginig ako sa lamig mula ulo hanggang daliri ng paa. Dito, ang mga bilanggo ay mga makinang kumikita ng pera para sa gobyerno at walang anumang legal na karapatan. Wala silang iba pang pagpipilian kundi ang tiisin ang pagiging sardinas at pagsamantalahan bilang mga alipin. Pinilit ako ng bilangguan na mag-imprenta ng perang papel na ginamit bilang mga sinunog na handog para sa mga patay sa buong araw at pinagtrabaho sa gabi. Kung huminto ako upang magpahinga, may lalapit na isang tao at pauulanan ako ng palo. Sa simula, nagtakda sila ng panuntunan na kailangan kong mag-imprenta ng 2,000 piraso ng papel kada araw, pagkatapos ay itinaas nila ito sa 2,800 piraso kada araw, at sa huli ay 3,000 piraso. Imposible ang bilang na ito upang makumpleto ng isang bihasang tao mas lalo pa ang isang taong walang karanasang tulad ko na makumpleto ito. Sa katunayan, sadya nilang ginawa ito upang hindi ko makukumpleto lahat upang magkaroon sila ng dahilan para pahirapan at saktan ako. Hangga’t hindi ko matutugunan ang takdang dami, lalagyan ng masasamang pulis ang paligid ng aking mga binti ng kadena na may timbang na mahigit sa 5 kilo, at iginapos nila na magkasama ang aking mga kamay at paa gamit ang mga kadena. Ang kaya ko lamang gawin ay ang maupo roon, iyuko ang aking ulo at pilipitin ang aking baywang, kung hindi man ay hindi ako makagalaw. Bukod dito, ang mga di-makatao’t walang pandamang pulis ay hindi nagtanong o nagmalasakit sa aking mga pangunahing pangangailangan. Kahit pa nasa selda ng bilangguan ang banyo, ganap kong hindi magawang puntahan iyon at gamitin; maaari ko lamang pakiusapan ang aking mga kapwa bilanggo na paupuin ako sa kasilyas. Kung bahagya silang mas mabuting mga bilanggo, iaangat nila ako kung ganoon; kung walang tumulong sa akin, wala akong ibang magagawa kung gayon kundi ang tumae sa aking pantalon. Ang pinakamasakit na panahon ay sa oras ng pagkain, sapagkat magkasamang nakaposas ang aking mga kamay at paa. Maaari ko lamang ibaba ang aking ulo gamit ang lahat ng aking lakas at itaas ang aking mga kamay at paa. Ito lang ang tanging paraang maisusubo ko ang tinapay sa aking bibig. Gumugol ako ng sobrang daming enerhiya sa bawat kagat. Kumuskos ang mga kadena sa aking mga kamay at paa na nagdudulot ng sobrang sakit. Pagkatapos ng mahabang panahon, namuo sa aking mga pulso at bukung-bukong ang madilim, makintab at matigas na mga kalyo. Madalas akong hindi makakain kapag ako ay nakakulong, at sa mga madalang na okasyon, bibigyan ako ng mga bilanggo ng dalawang maliliit na piraso ng tinapay. Madalas kakainin nila ang para sa akin at ang nahihita ko lang ay isang tiyang walang laman. Higit na mas kaunti ang natanggap kong inumin; sa simula, dalawang mangkok ng tubig lamang kada araw ang ibinigay sa lahat, ngunit ako ay nakakulong at hindi makagalaw, kaya madalang akong maka-inom ng anumang tubig. Di maipapaliwanag ang di makataong pagpapahirap. Sa kabuuan, apat na beses akong nagdusa nito at sa bawat pagkakataon ako ay ikinukulong nang hindi bababa sa tatlong araw at pinakamarami ang walong araw. Sa tuwing mahirap nang tiisin ang gutom, iisipin ko ang mga salitang sinabi ng Diyos sa nakaraan: “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios” (Mateo 4:4). Unti-unti kong napagtantong nais matupad ng Diyos ang katotohanang “Ang Kanyang salita ay nagiging buhay ng tao” sa akin sa pamamagitan ng mga pagpapahirap ni Satanas. Sa pag-unawa sa kalooban ng Diyos, lumaya ang aking puso at mapayapa akong nanalangin sa Diyos at sinubukan kong unawain ang mga salita ng Diyos. Walang kamalay-malay, hindi na ako nakaramdam ng sobrang sakit o gutom. Tunay kong naramdaman na ang salita ng Diyos ay ang katotohanan, ang daan at ang buhay at iyon ang tiyak na saligan na dapat kong asahan upang mabuhay. Samakatuwid, walang kamalay-malay na tumaas ang aking pananampalataya sa Diyos. Naaalala ko minsan ang pulis sa bilangguan na sadya akong pinahirapan at nilagyan ng posas. Hindi ako uminom na kahit isang patak ng tubig sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi. Ang bilanggong nakaposas sa tabi ko ay nagsabing: “May isang binatang nakaposas at namatay sa gutom tulad nito dati. Nakita kong hindi ka kumain ng kahit ano sa loob ng ilang araw at masigla ka pa rin.” Sa pagkarinig sa kanyang mga salita, naisip kong kahit hindi ako kumain o uminom ng kahit ano sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi, hindi ko naramdaman ang pagkabalisa sa gutom. Ganap kong nadama na ito ang lakas ng buhay sa mga salita ng Diyos na sumusuporta sa akin at pinahihintulutan akong tunay na makita ang Diyos na nagpapakita sa akin sa Kanyang mga salita. Patuloy sa pagkasabik ang aking puso; sa kapaligiran ng pagdurusang ito nagawa ko talagang danasin ang realidad ng katotohanan na “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios.” Ito ang tunay na pinakamahalagang yaman ng buhay na ibinigay sa akin ng Diyos, at isa ring natatanging regalo ko. Bukod pa rito, hindi ko kailanman makakamit ito sa isang kapaligiran kung saan di ko kailangang mag-alala tungkol sa pagkain o mga damit. Ngayon, ang aking pagdurusa ay nagkaroon ng maraming kahulugan at halaga! Sa oras na ito, wala akong magagawa kundi isipin ang mga salita ng Diyos: “Kung ano ang inyong namana sa araw na ito ay nakakahigit sa kung ano ang mayroon ang mga dating apostol at propeta at higit pa sa kung ano ang nakina Moises at Pedro. Ang mga pagpapala ay hindi matatanggap sa loob ng isa o dalawang araw; ang mga iyon ay kailangang makamit sa pamamagitan ng matinding pagpapakasakit. Iyon ay, kinakailangan ninyong magkaroon ng dalisay na pag-ibig, malaking pananampalataya, at maraming katotohanan na hinihingi ng Diyos na inyong matamo; at saka, kinakailangang magawa ninyong humarap sa katarungan, at hindi kailanman maduwag o magpasakop, at kinakailangan ninyong magkaroon ng tuluy-tuloy at walang humpay na pag-ibig sa Diyos. Ang pagpapasya ay hinihingi mula sa inyo, gayundin ang pagbabago sa disposisyon ng inyong buhay, ang inyong katiwalian ay nararapat malunasan, at nararapat ninyong tanggapin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos nang walang daing, at maging masunurin pa hanggang sa kamatayan. Ito ang kailangan ninyong makamit. Ito ang pangwakas na layunin ng gawain ng Diyos, at ang mga kinakailangan na hinihingi ng Diyos sa kalipunang ito ng mga tao” (“Napakapayak ba ng Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sinusubukan kong unawain ang mga salita ng Diyos, nalaman kong pagkatapos ng paghihirap at mga pagsubok ay dumarating ang mga pagpapala mula sa Diyos, at ito ang pinakapraktikal na pagbibigay ng Diyos at pagdilig ng buhay para sa akin. Ngayon, kahit na nalampasan ng mga ibinigay na mga salita ng Diyos sa akin ang mga henerasyon ng santo, kailangan ko pa ring magkaroon ng pananampalataya at tiyaga upang maging matatag sa panahon ng aking mga pagsubok at pighati, upang magpasakop sa mga kaayusan ng Diyos, at tumanggap ng pagliligtas ng Diyos. Sa gayon ay magagawa kong makapasok sa realidad ng salita ng Diyos at makikita ang mga kamangha-manghang gawa ng Diyos. Kung hindi dahil sa halaga ng paghihirap na ito, hindi ako magiging karapat-dapat na tumanggap ng mga pangako at pagpapala ng Diyos. Ang kaliwanagan ng mga salita ng Diyos ang gumabay sa akin upang maging mas matatag at malakas ang loob; Nagtakda ako ng resolusyon: Masigasig na makipagtulungan sa Diyos at tugunan ang mga kailangan ng Diyos sa gitna ng masakit na kapaligirang ito, magpatotoo sa Diyos upang magkakaroon ako ng pinakadakilang ani.

Pagkalipas ng isang buwan, sinampahan ako ng pulisya ng CCP ng “pinaghihinalaang gumagambala sa kaayusan ng lipunan at sumisira sa pagpapatupad ng batas”; sinentensyahan ako ng isang taon ng reporma sa pamamagitan ng paggawa. Nang pumasok ako sa kampo ng paggawa, ang masasamang pulis ay nagkalat ng mga tsismis at bagay na walang kapararakan sa mga bilanggo, na nagsasabing ako ay mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos, na mas masahol kaysa sa pagpatay at pagnanakaw, at inudyukan nila ang mga bilanggo upang pahirapan ako. Samakatuwid ako ay madalas na binugbog at inilagay ng mga bilanggo sa mahihirap na sitwasyon nang walang anumang dahilan. Talagang ipinakita sa akin nito na ang Tsina ay isang buhay na impiyernong matatag na kontrolado ni Satanas, ang demonyo. Madilim ito sa bawat anggulo, at walang liwanag ang pinahintulutang umiral; talagang walang lugar para sa mga mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos na mabuhay. Sa araw, pinilit ako ng masasamang pulis na magtrabaho sa isang talyer. Kung hindi ko natugunan ang aking takdang dami, hahayaan nilang paluin ako ng mga bilanggo kapag nakabalik ako sa aking selda at ipinapahayag na “patayin ang manok upang takutin ang unggoy.” Habang ako ay nasa talyer at nagbibilang ng mga bag, magbibilang ako ng 100 bag at itatali ang mga ito nang sama-sama. Laging sadyang pupunta at kukunin ng mga bilanggo ang isa o ilan pang mga bag mula sa aking nabilang, at sasabihin nilang hindi ko nabilang nang tama at kukuha ng pagkakataong suntukin at sipain ako. Nang makita ako ng bantay na ako’y binugbog, lalapit siya at ipokritong tatanungin ako kung ano ang nangyari at magpapakita ng huwad na ebidensiya ang mga bilanggo na hindi ako nagbibilang ng sapat na mga bag. Pagkatapos ay kakailanganin kong tiisin ang sunud-sunod na malulupit na kritisismo mula sa bantay. Dagdag pa rito, uutusan nila akong kabisahin ang “mga panuntunan ng pag-uugali” tuwing umaga, at kung hindi ko nakabisa iyon, bubugbugin ako; pinilit din nila akong kumanta ng mga awit na pumupuri sa partido komunista. Kapag nakita nilang hindi ako kumanta o hindi gumalaw ang aking mga labi, sa gabi ay di maiiwasang di ako bugbugin. Pinarusahan din nila ako sa pamamagitan ng paglalampaso ng sahig, at kung hindi ako naglampaso ayon sa kanilang mga inaasahan, marahas nila akong bubugbugin. Minsan, bigla na lang akong pinagpapalo at pinagsisipa ng ilang mga bilanggo. Matapos akong bugbugin, tinanong nila ako: “Hoy bata, alam mo ba kung bakit ka binubugbog? Dahil hindi ka tumayo at binati ang bantay nang siya ay dumating!” Sa bawat pagkakataong binugbog ako, nagalit ako ngunit hindi naglakas-loob na magsabi ng anumang bagay; kaya ko lamang umiyak at tahimik na manalangin sa Diyos, sinasabi sa Kanya ang tungkol sa galit at karaingan sa aking puso dahil sa walang batas at di makatwirang lugar na ito. Walang katwiran dito, mayroon lamang karahasan. Walang mga tao rito, mayroon lamang mga baliw na demonyo at mga alakdan! Nadama ko ang labis na sakit at panggigipit na naninirahan sa kalagayang ito; hindi ko na gustong manatili pa nang isang minuto. Sa bawat oras na nahulog ako sa isang kalagayan ng kahinaan at sakit, maiisip ko ang tungkol sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Natanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Nahanap na ba ninyo ang mga ipinangako sa inyo? Sa ilalim ng paggabay ng Aking liwanag, tiyak na makakawala kayo mula sa pagkasakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, tiyak na hindi ninyo maiwawala ang ilaw na gumagabay sa inyo. Tiyak na kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilalang. Tiyak na kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, tiyak na tatayo kayo sa kalagitnaan ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Tiyak na magiging matatag at matibay kayo sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang pagpapalang nagmumula sa Akin, at tiyak na sisinagan ng Aking kaluwalhatian ang loob ng buong sansinukob” (“Kabanata 19” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pinalakas ang loob ko ng mga salita ng Diyos. Hindi alintana kung ang ginawa sa akin ng Diyos ay biyaya at pagpapala o pagsubok at kadalisayan, ang lahat ng iyon ay upang bigyan ako at iligtas ako; inilagay sa akin nito ang katotohanan at ginawang katotohanan ang buhay ko. Ngayon, pinahintulutan ng Diyos itong pagpapahirap at kapighatian na dumating sa akin. Kahit na ito ay nagdulot sa akin ng labis na pagdurusa, hinayaan ako nitong danasin nang tunay na kasama ko ang Diyos; naging dahilan ito upang tangkilikin ko nang tunay ang mga salita ng Diyos na nagiging tinapay ng aking buhay at lampara sa aking mga paa at ilaw sa aking landas, ginagabayan ako sa bawat hakbang sa madilim na butas na ito ng impiyerno. Ito ang pag-ibig at pagprotekta ng Diyos na aking tinamasa at nakuha sa panahon ng proseso ng aking pagdurusa. Sa oras na ito, nagawa kong makita na sobrang bulag ako at makasarili at masyado akong sakim. Sa paniniwala sa Diyos, alam ko lamang kung paano matamasa ang biyaya at pagpapala ng Diyos at hindi hanapin ang katotohanan at buhay sa pinakamaliit na antas. Sa sandaling nagdusa ang aking laman ng isang maliit na kahirapan, walang tigil akong magagalit; hindi ko talaga inunawa ang kalooban ng Diyos at hindi nais na maunawaan ang gawain ng Diyos. Lagi akong magdudulot sa Diyos na magdalamhati at masaktan dahil sa akin. Tunay akong walang konsensiya! Sa pakiramdam ng dalamhati at pagsisi sa sarili, tahimik akong nanalangin sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos, makikita ko na ang lahat ng ginagawa Mo ay upang iligtas at makuha ako. Napopoot lamang ako na ako’y sobrang mapanghimagsik, bulag at walang pagkatao. Laging mali ang aking pag-unawa sa Iyo at hindi ko inalala ang Iyong kalooban. O Diyos, ginising ngayon ng Iyong salita ang aking manhid na puso’t espiritu at ipinaunawa sa akin ang Iyong kalooban. Hindi ko na gustong magkaroon pa ng sarili kong mga pagnanasa at pangangailangan; susuko lamang ako sa Iyong mga pagsasaayos. Kahit pa kailangan kong pagdusahan ang lahat ng paghihirap, masigasig pa rin akong makikipagtulungan sa Iyo at magkakaroon ng maugong na mga patotoo sa Iyo sa buong pagmamalupit ni Satanas. Sisikapin kong kumalas mula sa impluwensya ni Satanas at isabuhay ang pagkakahawig sa tunay na tao upang masiyahan ka.” Pagkatapos manalangin, naunawaan ko ang mabubuting intensyon ng Diyos, at alam kong ang bawat kapaligiran na pinahintulutan ng Diyos na danasin ko ay ang pinakadakilang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos para sa akin. Samakatuwid, hindi ko na iisipin pang maduwag o di unawain ang Diyos. Kahit na ang sitwasyon ay tulad pa rin ng dati, tunay na puno ng kagalakan at kasiyahan ang aking puso; nadama kong isang karangalan at pagmamalaki na mapagdusahan ang mga paghihirap at pagmamalupit dahil sa aking paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, at isa itong natatanging regalo para sa akin, isang taong tiwali; ito ang espesyal na pagpapala at biyaya ng Diyos para sa akin.

Matapos dumanas ng isang taon ng paghihirap sa bilangguan, nakita kong napakaliit ng aking katayuan at kulang ako sa napakaraming katotohanan. Tunay na pinunan ng Makapangyarihang Diyos ang aking mga kakulangan sa pamamagitan ng natatanging kapaligirang ito at pinahintulutan akong matuto. Sa aking paghihirap, Siya ang naging dahilan upang makamit ang pinakamahalagang kayamanan sa buhay at maunawaan ang maraming katotohanang hindi ko naunawaan noong nakaraan at malinaw na nakikita ang kasuklam-suklam na hitsura ni Satanas, ang demonyo, at reaksyunaryong sangkap ng paglaban nito sa Diyos . Nakilala ko ang mga kasuklam-suklam na krimen ng pagmamalupit sa Makapangyarihang Diyos at pagpatay sa mga Kristiyano. Masigasig kong dinanas ang dakilang pagliligtas at awa ng Makapangyarihang Diyos para sa akin, ang tiwaling tao, at nadama na ang kapangyarihan at buhay sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang makakapagdala sa akin ng liwanag at magiging buhay ko at papatnubayan akong manaig kay Satanas at buong tapang na takasan ang lambak ng anino ng kamatayan. Gayundin, nalaman ko rin na ang Makapangyarihang Diyos ay pinapatnubayan ako sa tamang landas ng buhay. Ito ang maliwanag na landas upang makamit ang katotohanan at buhay! Simula ngayon, anuman ang pagmamalupit, kapighatian o mapanganib na mga tuksong makakasagupa ko, handa akong hanapin nang masigasig ang katotohanan at makamit ang daan ng buhay na walang hanggan na ibinigay sa akin ng Makapangyarihang Diyos.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento