Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat | Sipi 261


"Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat" | Sipi 261


Ang lahat ng nasa mundong ito ay mabilis na nagbabago sa isipan ng Makapangyarihan sa lahat, sa ilalim ng Kanyang pamamatyag. Ang mga bagay na hindi pa kailanman narinig ng sangkatauhan ay maaaring biglang dumating. At gayunman, ang anumang matagal ng pagmamay-ari ng sangkatauhan ay maaaring naglalaho nang hindi nalalaman. Walang sinuman ang makaaarok ng kinaroroonan ng Makapangyarihan sa lahat, at higit pa, walang sinuman ang maaaring mararamdaman ang pagiging higit sa lahat at kadakilaan ng kapangyarihan ng buhay ng Makapangyarihan sa lahat. Ang Kanyang pagiging higit sa lahat ay nakasalalay sa kung paano Niya nauunawaan ang hindi kaya ng tao. Ang Kanyang kadakilaan ay nakasalalay sa kung paano Siya ang Isa na tinatalikuran ng sangkatauhan ngunit nililigtas ang sangkatauhan. Alam Niya ang kahulugan ng buhay at kamatayan. Bukod pa rito, alam Niya ang mga patakaran ng buhay para sa sangkatauhan, na Kanyang nilikha. Siya ang batayan para sa pag-iral ng tao at ang Manunubos ng sangkatauhan upang mabuhay na muli. Pinabibigat Niya ang mga nagagalak na puso sa pamamagitan ng pighati at iniaangat ang mga nalulungkot na puso sa pamamagitan ng kasiyahan. Lahat ng ito ay para sa Kanyang gawain, at Kanyang plano.

Hindi alam ng sangkatauhan, na iniwan ang panustos ng buhay mula sa Makapangyarihan sa lahat, kung bakit sila umiiral, gayunma’y natatakot sa kamatayan. Walang suporta, walang tulong, ngunit ang sangkatauhan ay nag-aatubili pa ring magsara ng kanilang mga mata, naglalakas-loob pa rin, nagpapatuloy sa walang dangal na pag-iral sa mundong ito sa mga katawang walang kamalayan sa mga kaluluwa. Namumuhay ka nang gayon, na walang pag-asa; at siya ay umiiral nang ganyan, na walang layunin. Nariyan lamang ang Tanging Banal sa mga alamat na darating upang iligtas ang mga taong nananaghoy sa paghihirap at sabik na sabik na naghihintay para sa Kanyang pagdating. Ang paniniwalang ito ay hindi maaaring matanto sa ngayon ng mga tao na walang kamalayan. Gayunpaman, patuloy na hinahangad ito ng mga tao. Ang Makapangyarihan sa lahat ay may awa sa mga taong ito na malalim ang pagdurusa. Ganoon din, Siya ay sawang-sawa na sa mga tao na walang kamalayan, dahil kailangan pa Niyang maghintay ng napakahabang panahon para sa sagot ng mga tao. Hinahangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu. Nais ka Niyang dalhan ng pagkain at tubig at gisingin ka, upang hindi ka na uhaw, hindi na gutom. Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang maramdaman ang kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay, ang tatanggap sa iyong pagdating anumang oras. Nagbabantay Siya sa iyong tabi, naghihintay para sa iyong pagbabalik. Siya ay naghihintay para sa araw ng biglaang pagbabalik ng iyong gunita: ang pagkakaroon ng kamalayan ng katunayan na ikaw ay nagmula sa Diyos, kahit paano at kahit saan ay minsang nawala, bumabagsak na walang malay sa tabing daan, at pagkatapos, walang kaalamang nagkaroon ng isang “ama.” Lalo mo pang naunawaan na ang Makapangyarihan sa lahat ay nagmamasid doon, hinihintay pa rin ang iyong pagbabalik noon pa man. Nananabik Siyang may kapaitan, naghihintay ng tugon na walang kasagutan. Ang Kanyang pagbabantay ay hindi mababayaran at ito ay para sa puso at diwa ng mga tao. Marahil ang pagbabantay na ito ay walang katapusan, at marahil ang pagmamatyag na ito ay malapit nang magwakas. Ngunit dapat mong malaman nang tamang-tama kung nasaan ngayon ang iyong puso at espiritu.

————————————————————

Paano kung mahina ang iyong espiritu at malamig ang iyong pananampalataya? Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw ay tutulong sa iyo upang maghanap ng paraan.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento