Kidlat ng Silanganan-Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII(II)

buhay, Cristo, Diyos, Iglesia, Makatotohanan,

Kidlat ng Silanganan-Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII(II) 

  Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay (II)

 Ating ituloy ang paksa ng usapan mula sa nakaraan. Matatandaan ba ninyo kung ano ang paksang ating pinag-usapan noong nakaraan? (Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay.) Ang "Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay" ay isa bang paksang malayo sa inyong loob? Mayroon ba kayong mababaw na pagkaunawa dito? 
May makakapagsabi ba sa Akin sa pangunahing punto ng paksang ito na ating pinag-usapan noong nakaraan? (Sa pamamagitan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay, nakikita ko na inaalagaan ng Diyos ang lahat ng bagay at inaalagaan ang sangkatauhan. Noong araw, lagi kong inaakala na kapag ang Diyos ay nagtutustos sa tao, binibigay lamang Niya ang Kanyang salita sa Kanyang hinirang na mga tao, ngunit hindi ko kailanman nakita, sa pamamagitan ng mga batas sa lahat ng bagay, na inaalagaan ng Diyos ang sangkatauhan. Sa pamamagitan lamang ng pakikipag-usap ng Diyos sa aspetong ito ng katotohanan na naramdaman ko na ang Diyos ang pinagmulan ng lahat ng bagay at ang buhay ng lahat ng bagay ay tinutustusan ng Diyos, na minamanipula ng Diyos ang mga batas na ito, at inaalagaan Niya ang lahat ng bagay. Mula sa paglikha Niya ng lahat ng bagay ay nakikita ko ang pag-ibig ng Diyos.) Noong nakaraan, pangunahing pinag-usapan natin ang tungkol sa paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay at kung paano Niya itinatag ang mga batas at mga prinsipyo para sa mga ito. Sa ilalim ng mga nasabing batas at sa ilalim ng mga nasabing prinsipyo, ang lahat ng bagay ay nabubuhay at namamatay kasama ng tao at kasamang nabubuhay ng tao sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos at sa mga mata ng Diyos. Una nating pinag-usapan ang tungkol sa paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay at paggamit sa Kanyang mga sariling pamamaraan upang matiyak ang kanilang mga batas ng paglago pati na rin ang mga linyang dinaraanan at mga parisan para sa kanilang paglago. Tiniyak din Niya ang mga paraan na ang lahat ng bagay ay mabuhay sa lupaing ito upang maaari silang magpatuloy na lumago at magparami at dumepende sa isa’t isa para mabuhay. Sa pagkakaroon ng mga nasabing pamamaraan at mga batas, ang lahat ng bagay ay kayang matagumpay at mapayapang umiral at sumibol sa lupaing ito. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng nasabing kapaligiran na nakakaya ng tao na magkaroon ng isang pirming tahanan at kapaligirang titirahan, at sa ilalim ng pamamatnubay ng Diyos, patuloy pang umunlad at sumulong, umunlad at sumulong.

    Noong nakaraan, ating pinag-usapan ang pangunahing konsepto ng Diyos na nagtutustos sa lahat ng bagay. Tinutustusan muna ng Diyos ang lahat ng bagay sa ganitong paraan upang ang lahat ng bagay ay umiral at mabuhay para sa sangkatauhan. Sa ibang salita, ang nasabing kapaligiran ay umiiral dahil sa mga batas na itinakda ng Diyos. Ito ay dahil lamang sa pamamagitan ng Diyos na nagpapanatili at nangangasiwa ng mga nasabing batas na ang sangkatauhan ay mayroong kapaligirang tinitirhan na mayroon sila ngayon. Ang ating pinag-usapan noong nakaraan ay isang malaking paglukso mula sa pagkakakilala sa Diyos na ating dating pinag-usapan. Bakit umiiral ang nasabing paglukso? Dahil kapag pinag-usapan natin sa nakaraan ang tungkol sa pagkilala sa Diyos, tinalakay natin sa loob ng saklaw ng Diyos na nagliligtas at namamahala sa sangkatauhan—iyon ay, ang pagliligtas at pamamahala sa hinirang na mga tao ng Diyos—tungkol sa pagkilala sa Diyos, mga gawa ng Diyos, Kanyang disposisyon, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, Kanyang mga pakay, at paano Niya tinutustusan ang tao gamit ang katotohanan at buhay. Ngunit ang paksa na ating pinag-usapan noong nakaraan ay hindi na lang basta limitado sa Biblia at sa loob ng saklaw ng Diyos na nagliligtas ng Kanyang hinirang na mga tao. Bagkus, lumukso ito paalis ng saklaw na ito, palabas ng Biblia, at palabas ng mga paligid ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos na isinasagawa sa Kanyang hinirang na mga tao upang talakayin ang Diyos Mismo. Kaya kapag naririnig ninyo ang bahaging ito ng Aking pakikipag-usap, hindi ninyo dapat limitahan ang inyong pagkakakilala sa Diyos sa Biblia at sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Sa halip, dapat mong panatilihing bukas ang iyong pananaw; dapat mong makita ang mga gawa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya at kabilang sa lahat ng bagay, at paano pinamumunuan ng Diyos at pinamamahalaan ang lahat ng bagay. Sa pamamagitan ng pamamaraang ito at sa saligang ito, makikita mo kung paano tinutustusan ng Diyos ang lahat ng bagay. Pinahihintulutan nito ang sangkatauhan na maintindihang ang Diyos ang tunay na pinagmumulan ng buhay ng lahat ng bagay at ito ang tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Ibig sabihin, ang pagkakakilanlan ng Diyos, katayuan at awtoridad, at ang Kanyang lahat ay hindi lamang para sa mga kasalukuyang sumusunod sa Kanya—hindi lamang nakatuon sa inyo, ang grupong ito ng mga tao—ngunit para sa lahat ng bagay. Kung gayon ang saklaw ng lahat ng bagay ay napakalawak. Ginagamit Ko ang "lahat ng bagay” upang ilarawan ang saklaw ng pamumuno ng Diyos sa lahat dahil nais Kong sabihin sa inyo na ang mga bagay na nasasakupan ng Diyos ay hindi lamang ang kaya ninyong makita sa inyong mga mata, ngunit kabilang din ang materyal na mundong kayang makita ng lahat ng tao, gayon na rin ang iba pang mundo na hindi kayang makita ng mga mata ng tao sa labas ng materyal na mundo, at higit pa rito ay kabilang ang kalawakan at mga planeta sa labas ng kung saan kasalukuyang umiiral ang sangkatauhan. Iyan ang saklaw ng kapamahalaan ng Diyos sa lahat ng bagay. Ang saklaw ng kapamahalaan ng Diyos sa lahat ng bagay ay napakalawak. Para sa inyo, kung ano ang dapat ninyong maintindihan, kung ano ang dapat ninyong makita, at kung mula saang mga bagay kayo dapat kumuha ng kaalaman—ito ay kung ano ang kailangan at dapat na maintindihan, makita, at malinawan ng bawat isa sa inyo. Kahit na ang saklaw ng "ahat ng bagay" na ito ay masyadong malawak, hindi Ko sasabihin sa inyo ang tungkol sa saklaw na hindi ninyo kayang makita kailanman o hindi ninyo kayang malapitan. Sasabihin Ko lang sa inyo ang tungkol sa saklaw na kayang malapitan ng mga tao, kayang maintindihan, at kayang maunawaan, upang ang lahat ay maaaring makaramdam ng tunay na kahulugan ng pariralang "Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay." Sa ganoong paraan, kahit ano sa Aking pakikipag-usap sa inyo ay hindi magiging mga salitang walang laman.

 Noong huli, ginamit natin ang mga paraan ng pagkukuwento upang magbigay ng isang simpleng pahapyaw sa paksang "Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay," upang kayo ay magkaroon ng pangunahing pagkakaintindi kung paano nagtutustos ang Diyos sa lahat ng bagay. Ano ang katuturan ng pagkikintal ng pangunahing konseptong ito sa inyo? Ito ay upang hayaan kayong malaman na, sa labas ng Biblia at ng Kanyang tatlong yugto ng gawain, gumagawa pa rin ng mas maraming gawain ang Diyos na hindi kayang makita o mahawakan ng tao. Ang nasabing gawain ay personal na ginampanan ng Diyos. Kung ang Diyos ay mag-isa lamang na pinamumunuan nang pasulong ang Kanyang hinirang na mga tao, kung wala ang gawang ito sa labas ng Kanyang gawaing pamamahala, kung gayon ay magiging napakahirap nito para sa sangkatauhang ito, kasama kayong lahat, upang magtuloy na sumulong, at ang sangkatauhang ito at ang mundong ito ay hindi magagawang magpatuloy sa pag-unlad. Iyan ang kahalagahan ng pariralang "Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay" na Aking ipinahahayag sa inyo ngayon.

    Ang Saligang Kapaligirang Tinitirahan na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan

   Natalakay na natin ang maraming paksa at nilalaman kaugnay sa pariralang "Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay," ngunit alam ba ninyo sa inyong mga puso kung ano ang mga bagay na binibigay ng Diyos sa sangkatauhan maliban sa pagtutustos sa inyo sa pamamagitan ng Kanyang salita at pagganap ng Kanyang pagkastigo at paghatol sa inyo? Maaaring sabihin ng ibang tao na, "Nagbibigay ang Diyos sa akin ng biyaya at pagpapala, at nagbibigay sa akin ng disiplina, ginhawa, at pag-aalaga at pag-iingat sa bawat paraang posible." Sasabihin ng iba, "Nagbibigay ang Diyos sa akin ng pagkain at inumin sa araw-araw," samantalang ang ilan ay sasabihin pang, "Nagbibigay ang Diyos sa akin ng lahat." Kaugnay ng mga bagay na ito na nararamdaman ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, maaaring lahat kayo ay mayroon ng ilang sagot na kaugnay ng inyong sariling pisikal na karanasan sa buhay. Nagbibigay ang Diyos ng maraming bagay sa bawat isang tao, kahit na ang ating tinatalakay dito ay hindi lamang limitado sa saklaw ng mga pang-araw-araw na pangangailangan ng tao, ngunit pinahihintulutan ang bawat isa sa inyo na tumingin pa nang mas malayo. Mula sa isang kabuuang perspektibo, dahil ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay, paano Niya napapanatili ang buhay ng lahat ng bagay? Upang ang lahat ng bagay ay maaaring magpatuloy na umiral, ano ang dinadala ng Diyos sa lahat ng bagay upang panatilihin ang pag-iral ng mga ito at panatilihin ang mga batas ng pag-iral ng mga ito? Iyan ang pangunahing punto ng ating tinatalakay ngayon. Naiintindihan ba ninyo ang Aking sinabi? Maaaring ang paksang ito ay labis na hindi pamilyar sa inyo, ngunit hindi Ako magsasalita tungkol sa kahit anong mga doktrinang masyadong malalim. Sisikapin Kong makaunawa kayong lahat matapos ninyong makinig. Hindi ninyo kailangang makaramdam ng kahit anong pagkabigat—ang dapat lamang ninyong gawin ay makinig nang mabuti. Gayunman, kailangan Ko pa ring bigyang-diin ito ng kaunti pa: Tungkol sa ano ang paksang Aking tinatalakay? Sabihin sa Akin. (Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay.) Kung gayon, paano natutustusan ng Diyos ang lahat ng bagay? Ano ang ibinibigay Niya sa lahat ng bagay upang maaari itong sabihing “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay”? Mayroon ba kayong kahit anong mga konsepto o kaisipan tungkol dito? Tila ang paksang ito na Aking tinatalakay ay talagang lumilikha ng ganap na puwang sa inyong mga puso at isipan. Ngunit umaasa Akong kaya ninyong iugnay ang paksa at ang mga bagay na Aking tatalakayin tungkol sa mga gawa ng Diyos, at hindi iugnay ang mga ito sa anumang kaalaman o itali ang mga ito sa anumang kultura ng tao at pananaliksik. Nagtatalakay lamang Ako tungkol sa Diyos at tungkol sa Diyos Mismo. Iyan ang Aking mungkahi sa inyo. Naiintindihan ninyo, tama ba?

  Nagkaloob ang Diyos ng maraming bagay sa sangkatauhan. Magsisimula Ako sa pamamagitan ng pagsasalita tungkol sa kung ano ang kayang makita ng mga tao, iyon ay, kung ano ang kanilang kayang maramdaman. Ito ang mga bagay na kayang maintindihan at tanggapin ng mga tao sa kanilang kalooban. Kaya ating simulan muna sa materyal na mundo upang talakayin kung ano ang ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan.

 1. Hangin

 Una, nilikha ng Diyos ang hangin upang maaaring makahinga ang tao. Ang "hangin" bang ito ay hindi ang hangin ng pang-araw-araw na buhay na palaging nararamdaman ng mga tao? Ang hangin bang ito ay hindi ang bagay kung saan ang mga tao ay dumedepende sa bawat saglit, kahit na sila ay tulog? Panghabang-panahon na mahalaga para sa sangkatauhan ang hangin na nilikha ng Diyos: Ito ang mahalagang sangkap ng kanilang bawat hininga at ng buhay mismo. Ang sangkap na ito, na siyang kaya lamang maramdaman at hindi makita, ay ang unang kaloob ng Diyos sa lahat ng bagay. Matapos likhain ang hangin, umalis lang ba basta ang Diyos? Sa paglikha ng hangin, isinaalang-alang ba ng Diyos ang densidad ng hangin? Isinaalang-alang ba ng Diyos ang mga nilalaman ng hangin? (Oo.) Ano ang iniisip ng Diyos noong nilikha Niya ang hangin? Bakit nilikha ng Diyos ang hangin, at ano ang Kanyang paliwanag? Kailangan ng mga tao ang hangin, at kailangan nilang huminga. Una sa lahat, dapat magkabagay ang densidad ng hangin sa baga ng tao. Alam ba ng sinuman ang densidad ng hangin? Hindi ito isang bagay na kailangang malaman ng mga tao; walang pangangailangan upang ito ay malaman. Hindi natin kailangan ng isang eksaktong numero ukol sa densidad ng hangin, at ayos lang naman ang pagkakaroon ng isang pangkalahatang ideya. Nilikha ng Diyos ang hangin nang may densidad na magiging pinaka-angkop para sa mga baga ng tao upang huminga. Iyon ay, kumportable ang pakiramdam ng mga tao at hindi ito lilikha ng pinsala sa katawan kapag huminga sila. Ito ang ideya sa likod ng densidad ng hangin. Pagkatapos ay pag-uusapan natin ang mga nilalaman ng hangin. Una sa lahat, ang mga nilalaman ng hangin ay hindi nakakalason sa mga tao at sa gayon ay hindi makapipinsala sa baga at sa katawan. Kinailangang isaalang-alang ng Diyos ang lahat ng ito. Kinailangang isaalang-alang ng Diyos na ang hangin na nilalanghap ng mga tao ay dapat dumaloy papasok at palabas nang maayos, at, matapos malanghap, ang nilalaman at dami ng hangin ay dapat na ang dugo at ang dumi rin sa hangin ay maayos na maproseso sa paraang maaaring magamit ng baga at katawan ng tao, at gayundin ang hangin ay hindi dapat magtaglay ng nakalalasong mga sangkap. Tungkol sa dalawang pamantayang ito, hindi Ko nais na tustusan kayo ng isang kumpol ng kaalaman, ngunit sa halip ay hayaan lang kayong malaman na nagkaroon ang Diyos ng isang tiyak na kaisipan noong nilikha Niya ang bawat isang bagay—ang pinakamahusay. Higit pa, tungkol naman sa dami ng alikabok sa hangin, ang dami ng alikabok, buhangin at dumi sa mundo, gayundin ang alikabok na bumababa mula sa himpapawid, mayroon ding plano ang Diyos para sa mga bagay na ito—isang paraan ng paglilinis o paglulutas ng mga bagay na ito. Habang mayroong kaunting alikabok, ginawa ito ng Diyos upang ang alikabok ay hindi makapipinsala sa katawan at paghinga ng tao, at ang mga bahagi ng alikabok ay magiging isang sukat na hindi makapipinsala sa katawan. Hindi ba misteryoso ang paglikha ng Diyos sa hangin? Kasing-simple lang ba ito ng pag-ihip ng hangin mula sa Kanyang bibig? (Hindi.) Kahit sa Kanyang paglikha ng mga pinakasimpleng bagay, ang misteryo ng Diyos, ang Kanyang mga pag-iisip, Kanyang mga saloobin, at Kanyang karunungan ay lahat maliwanag. Hindi ba makatotohanan ang Diyos? Ibig sabihin, kahit sa paglikha ng isang bagay na simple, inisip ng Diyos ang sangkatauhan. Una, malinis ang hangin na nilalanghap ng mga tao, ang mga nilalaman nito ay nababagay sa paghinga ng tao, hindi nakakalason ang mga ito at hindi nagdudulot ng pinsala sa mga tao, at ang densidad ay ginawang akma para sa paghinga ng tao. Ang hangin na ito na nilalanghap at hinihinga palabas ng tao ay kailangan para sa kanilang katawan at, para sa kanilang laman. Kaya maaaring langhapin ito nang malaya ng mga tao, nang walang pagpilit o pag-aalala. Maaari silang huminga nang normal. Ang hangin ang nilikha ng Diyos noong simula at ang kailangang-kailangan para sa paghinga ng tao.

     2. Temperatura

   Ang ikalawang bagay ay temperatura. Alam ng lahat kung ano ang temperatura. Ang temperatura ay isang bagay na dapat mayroon ang isang kapaligirang nababagay sa kaligtasan ng tao. Kung ang temperatura ay masyadong mataas, sabihin na kung ang temperatura ay mas mataas kaysa 40 digri Sentigrado, kung gayon hindi ba ito magiging masyadong nakakasaid sa mga tao? Hindi ba ito magiging nakakapagod para sa kanila upang mabuhay? Paano kung ang temperatura ay masyadong mababa, at aabot sa negatibong 40 digri Sentigrado? Hindi rin ito makakayanang tiisin ng mga tao. Kaya naman, masyadong naging partikular ang Diyos sa pagtakda ng saklaw ng temperaturang ito. Ang saklaw ng temperatura na kayang bagayan ng katawan ng tao ay negatibong 30 digri Sentigrado hanggang 40 digri Sentigrado. Ito ang pangunahing saklaw ng temperatura mula sa hilaga hanggang sa timog. Sa malalamig na rehiyon, ang mga temperatura ay maaaring bumagsak sa negatibong 50 hanggang 60 digri Sentigrado. Ang nasabing rehiyon ay hindi isang lugar na pinahihintulutan ng Diyos na manirahan ang tao. Bakit kaya mayroong ganoong mga malamig na rehiyon? Dito nakasaad ang karunungan ng Diyos at Kanyang mga pakay. Hindi ka Niya pinahihintulutang pumunta malapit sa mga lugar na iyon. Pinoprotektahan ng Diyos ang mga lugar na masyadong mainit at masyadong malamig, samakatuwid hindi Siya handang pahintulutan ang tao na manirahan doon. Iyon ay hindi para sa sangkatauhan. Bakit Niya pahihintulutan ang mga lugar na iyon na manatili sa mundo? Kung hindi pahihintulutan ng Diyos ang tao na manirahan doon o mamalagi roon, kung gayon bakit Niya nilikha ang mga iyon? Ang karunungan ng Diyos ay nasasaad doon. Iyon ay, ang pangunahing temperatura ng kapaligiran para sa pamumuhay ng tao ay makatuwiran ding isinaayos ng Diyos. Mayroon ding batas dito. Lumikha ang Diyos ng ilang bagay upang tumulong na panatilihin ang nasabing temperatura, upang makontrol ang temperaturang ito. Anong mga bagay ang ginagamit upang mapanatili ang temperaturang ito? Una sa lahat, kayang magbigay ng araw ng init sa tao, ngunit kakayanin kaya ng mga tao kung masyadong mainit? Mayroon bang sinuman na nangangahas na lumapit sa araw? Mayroon bang alinmang instrumento sa mundo na kayang lumapit sa araw? (Wala.) Bakit wala? Masyado itong mainit. Matutunaw ito kapag malapit sa araw. Kaya naman, nagpamalas ang Diyos ng isang partikular na sukat ng distansya ng araw mula sa sangkatauhan; gumawa Siya ng partikular na gawain. Mayroong pamantayan ang Diyos para sa distansyang ito. Mayroon ding Polong Timog at Hilagang Polo. Lahat ay mga glesyer doon. Kaya bang manirahan ng tao sa mga glesyer? Ito ba ay nababagay sa paninirahan ng tao? (Hindi.) Hindi, kaya hindi pupunta ang mga tao roon. Dahil hindi pumupunta ang mga tao sa mga Polong Timog at Hilaga, ang mga glesyer ay mapapangalagaan, at patuloy ang mga itong magagampanan ang tungkulin nito, na pagkontrol sa temperatura. Nakuha ba ito? Kung wala ang mga Polong Timog at Hilaga at ang araw ay laging sumisinag sa mundo, kung gayon lahat ng tao sa mundo ay mamamatay sa init. Ginagamit lang ba ng Diyos ang dalawang bagay na ito upang kontrolin ang temperatura na nababagay sa kaligtasan ng buhay ng tao. Hindi, mayroon ding lahat ng klase ng mga bagay na may buhay, gaya ng damo sa mga bukid, ang iba’t ibang uri ng mga puno at ang lahat ng klase ng halaman sa mga gubat. Sinisipsip ng mga ito ang init ng araw at binubuo ang mainit na enerhiya ng araw upang ayusin ang temperatura na pinaninirahan ng mga tao. Mayroon ding mga pagkukunan ng tubig, gaya ng mga ilog at mga lawa. Ang ibabaw na bahagi ng mga ilog at lawa ay hindi isang bagay na kayang desisyunan ng sinuman. Walang sinuman ang kayang kontrolin kung gaano karaming tubig ang mayroon sa mundo, kung saan dumadaloy ang tubig, ang direksyon ng pag-agos nito, ang dami ng tubig, o ang bilis ng pag-agos. Tanging ang Diyos lang ang may alam. Itong iba’t ibang pinagmumulan ng tubig, kasama na ang tubig sa ilalim ng lupa at ang mga ilog at mga lawa sa ibabaw ng lupa na makikita ng mga tao, ay kaya ring ayusin ang temperatura na pinaninirahan ng mga tao. Bukod diyan, mayroong lahat ng klase ng heograpikong mga pormasyon, gaya ng mga bundok, mga kapatagan, malalalim na bangin, at mga latian; ang iba’t ibang heograpikong mga pormasyong ito at ang mga ibabaw na bahagi at mga sukat ng mga ito ay may papel lahat na ginagampanan sa regulasyon ng temperatura. Halimbawa, kung ang bundok na ito ay may radyos na 100 kilometro, ang 100 kilometrong ito ay magkakaroon ng 100-kilometrong epekto. Tulad ng para sa kung gaano karami lang ang mga nasabing bulubundukin at mga malalim na bangin na nilikha ng Diyos sa mundo, ito ay isang bagay na pinag-isipan ng Diyos. Sa madaling sabi, sa likod ng pagkakaroon ng bawat isang bagay na nilikha ng Diyos ay mayroong kuwento, at naglalaman rin ito ng karunungan at mga plano ng Diyos. Sabihin mang, halimbawa, ang mga gubat at ang lahat ng uri ng mga halaman—ang ibabaw na bahagi at ang sukat ng espasyo kung saan tumutubo ang mga ito ay hindi kayang kontrolin ng kahit sinong tao, ni sinuman ang mayroong pinal na masasabi sa mga bagay na ito. Gaano karaming tubig ang kaya nitong sipsipin, gaano karaming enerhiya na galing sa init ang kaya nitong sipsipin mula sa araw ay hindi rin kayang kontrolin ng kahit sinong tao. Lahat ng ito ay mga bagay na nakapaloob lamang sa mga saklaw ng kung anong naplano ng Diyos noong nilikha Niya ang lahat ng bagay.

Ito ay dahil lang sa maingat na pagpaplano ng Diyos, pagsasaalang-alang, at pagsasaayos sa lahat ng aspeto na kayang tirahan ng tao sa isang kapaligiran na may nasabing angkop na temperatura. Kung gayon, bawat isang bagay na nakikita ng tao, gaya ng araw, ang mga Polong Timog at Hilaga na madalas na naririnig ng tao, pati na rin ang iba’t ibang nabubuhay na nilalang sa ibabaw at sa ilalim ng lupa at nasa tubig, at ang ibabaw na mga bahagi ng mga gubat at iba pang uri ng mga halaman, at mga pinagmumulan ng tubig, ang iba’t ibang uri ng anyong tubig, gaano karaming tubig-alat at tubig-tabang mayroon, idagdag na rin ang iba’t ibang heograpikal na mga kapaligiran—ginagamit ng Diyos ang mga bagay na ito upang panatilihin ang normal na temperatura para sa pamumuhay ng tao. Ito ay tiyak. Ito ay dahil lamang ang Diyos ay mayroong ganoong mga pagsasaalang-alang na kaya ng taong manirahan sa isang kapaligirang may ganoong mga angkop na temperatura. Hindi ito maaaring maging masyadong malamig o masyadong mainit: Ang mga lugar na masyadong mainit at kung saan ang mga temperatura ay lumalampas sa kung ano lamang ang kayang bagayan ng katawan ng tao ay tiyak na hindi inihanda para sa iyo ng Diyos. Ang mga lugar na masyadong malamig at kung saan ang mga temperatura ay masyadong mababa; mga lugar na, sa sandaling marating ng tao, ay paninigasin sila sa loob lamang ng ilang minuto na hindi sila makakapagsalita, ang kanilang mga utak ay lalamigin, hindi sila makakapag-isip, at madali silang maghahabol ng hininga—ang mga lugar na iyon ay hindi rin inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Anumang uri ng pananaliksik ang gustuhing isagawa ng mga tao, o kahit gusto nilang magpabago o gustuhing magpumilit na pasukin ang mga nasabing limitasyon—anuman ang isipin ng mga tao, hindi nila kailanman makakayanang malampasan ang mga hangganan ng kung ano ang kayang bagayan ng katawan ng tao. Hindi nila kailanman makakayanang alisin ang mga limitasyong ito na nilikha ng Diyos para sa tao. Ito ay dahil nilikha ng Diyos ang mga tao, at Diyos ang pinaka-nakakaalam kung ano ang mga temperatura na kayang pakabagayan ng tao. Ngunit ang mga tao mismo ay hindi alam. Bakit Ko nasabing hindi alam ng mga tao? Anong uri ng kahangalan ang nagawa ng mga tao? Hindi ba mayroong iilang tao na laging gustong hamunin ang mga Polong Hilaga at Timog? Palagi nilang gusto na pumunta roon upang sakupin ang lupain, upang kanilang panghawakan at payabungin ito. Hindi ba ito isang gawain ng pagpatay sa sarili? Sabihin mang lubusan mong sinaliksik ang mga Polong Timog at Hilaga. Ngunit kahit na kaya mong makibagay sa nasabing mga temperatura, kaya mong mamuhay doon, at kaya mong “pahusayin” ang kapaligirang pinamumuhayan ng mga Polong Timog at Hilaga, makakabenepisyo ba ito sa sangkatauhan sa anumang paraan? Magiging masaya ka ba kung ang lahat ng yelo na nasa mga Polong Timog at Hilaga ay matunaw? Ito ay hindi kapani-paniwala. Isa itong pagkilos na walang katotohanan. Ang sangkatauhan ay mayroong kapaligiran kung saan sila ay maaaring manirahan, ngunit hindi nila kayang tahimik at matapat na manatili rito, at kailangan nilang pumunta kung saan hindi sila makakapamuhay nang ligtas. Bakit kaya ganito ang kaso? Naiinip silang mamuhay sa angkop na temperaturang ito. Nasiyahan sila sa napakaraming biyaya. Bukod pa rito, itong normal na kapaligirang tinitirhan ay nasira na ng sangkatauhan, kaya kung ganoon din lamang ay pumunta na sila sa mga Polong Timog at Hilaga upang gumawa ng mas higit pang pinsala o tumawag pa ng pansin sa ilang “layunin,” upang sila ay magiging isang uri ng “tagapanguna.” Hindi ba ito kahangalan? Ibig sabihin, sa ilalim ng pamumuno ng kanilang ninuno na si Satanas, ang sangkatauhang ito ay patuloy na gumagawa ng isang bagay na walang katotohanan matapos ang isa pa, walang ingat at walang habas na winawasak ang magandang tahanan na nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan. Ito ang ginawa ni Satanas. Karagdagan pa, habang nakikita na ang paninirahan nang ligtas ng tao sa mundo ay nanganganib nang kaunti, ganap na isang pulutong ng tao ang nais na makahanap ng mga paraan upang pumunta at manatili sa buwan, upang maghanap ng daan palabas sa pamamagitan ng pagtingin kung kaya nilang manirahan doon. Sa katapusan, walang oksiheno sa buwan. Kaya ba ng mga tao na mabuhay nang walang oksiheno? Dahil kulang ang buwan sa oksiheno, hindi ito isang lugar na maaaring manatili ang tao, at ganoon pa man patuloy pa ring ginugusto ng tao na pumunta roon. Ano ito? Ito ay pagpapakamatay, tama? Iyon ay isang lugar na walang hangin, at ang temperatura ay hindi angkop sa kaligtasan ng buhay ng tao, kaya hindi ito inihanda ng Diyos para sa tao.

  Ang temperatura na ating pinag-usapan lamang ay isang bagay na maaaring makasalamuha ng tao sa kanilang araw-araw na pamumuhay. “Ang panahon ay medyo maganda ngayon, 23 digri Sentigrado. Maganda ang panahon, maaliwalas ang langit, at malamig ang hangin. Samyuhin ang sariwang hangin. Sumisikat ang araw. Mag-inat sa ilalim ng sikat ng araw. Nasa mabuting kondisyon ako!” O “Masyadong malamig ang panahon ngayon. Kung ilalabas mo ang iyong mga kamay, manlalamig kaagad ang mga ito. Nagyeyelo na, kaya huwag manatili sa labas nang matagal. Magmadali at bumalik, huwag abutan ng pagyelo!” Ang temperatura ay isang bagay na kayang madama ng lahat ng katawan ng tao, ngunit walang sinuman ang nag-iisip ng tungkol sa paanong nagkaroon ng temperatura, o kung sino ang namamahala at kumokontrol sa temperaturang ito na angkop sa pamumuhay ng tao. Ito ang inaalam natin ngayon. Mayroon bang karunungan ng Diyos sa loob nito? Narito ba sa loob nito ang pagkilos ng Diyos? (Oo.) Isinasaalang-alang na lumikha ang Diyos ng isang kapaligiran na may isang temperatura na naangkop sa pamumuhay ng tao, ito ba ay isa sa mga paraan kung saan ang Diyos ay nagtutustos sa lahat ng bagay? (Oo.) Ganoon nga.

3. Tunog

Ano ang ikatlong bagay? Ito rin ay isang bagay na ang normal na tinitirahang kapaligiran para sa mga tao ay dapat na mayroon. Isa ring bagay na kailangang pakitunguhan ng Diyos noong nilikha Niya ang lahat. Ito ay isang bagay na napakahalaga sa Diyos at gayundin para sa lahat. Kung hindi ito napamahalaan ng Diyos, ito ay magiging isang napakalaking balakid sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Sa madaling sabi ito ay magkakaroon ng napakamakabuluhang epekto sa katawan at buhay ng tao, sa puntong ang sangkatauhan ay hindi makakayanang mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran. Maaari ding sabihin na ang lahat ng bagay na may buhay ay hindi kayang mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran. Kung gayon, ano ang bagay na ito? Ito ay tunog. Nilikha ng Diyos ang lahat, at ang lahat ay nabubuhay sa mga kamay ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, lahat ng bagay ay gumagalaw at nabubuhay. Sa ibang salita, ang pag-iral ng bawat isa sa mga bagay na nilikha ng Diyos ay may halaga at kabuluhan. Iyon ay, lahat ng mga ito ay may pangangailangan sa likod ng pag-iral nito. Ang bawat bagay ay may buhay sa mga mata ng Diyos; dahil lahat ng ito ay buhay, makakalikha ang mga ito ng mga tunog. Halimbawa, ang mundo ay patuloy na umiikot, ang araw ay patuloy na umiikot, at ang buwan ay patuloy ring umiikot. Patuloy na nalilikha ang mga tunog sa pagpapalaganap at mga pag-unlad at galaw ng lahat ng bagay. Ang mga bagay sa mundo ay patuloy na lumalaganap, lumalago at kumikilos. Halimbawa, ang mga pundasyon ng mga bundok ay gumagalaw at lumilipat, samantalang ang lahat ng bagay na may buhay sa kailaliman ng mga dagat ay lahat gumagalaw at lumalangoy. Ibig sabihin ay ang mga bagay na may buhay, ang lahat ng bagay sa mga mata ng Diyos, lahat ay patuloy, normal, at regular na kumikilos. Kung gayon ano ang dala ng mga palihim na pagpapalaganap at pagsulong at pagkilos ng mga bagay na ito? Mga makapangyarihang tunog. Maliban sa mundo, lahat ng klase ng planeta ay patuloy ring kumikilos, at ang mga bagay na may buhay at mga organismo sa ibabaw ng mga planetang iyon ay patuloy ring lumalaganap, lumalago at kumikilos. Iyon ay, lahat ng bagay na may buhay at walang buhay ay patuloy na pasulong sa mga mata ng Diyos, at ang mga ito rin ay lumilikha ng mga tunog nang sabay-sabay. Pinakitunguhan din ng Diyos ang mga tunog na ito. Dapat ninyong malaman ang dahilan kung bakit pinakikitunguhan ang mga tunog na ito, tama? Kapag lumapit ka sa isang eroplano, ano ang gagawin sa iyo ng dumadagundong na tunog ng eroplano? Mabibingi ang iyong mga tainga sa paglipas ng panahon. Matatagalan ba ito ng iyong puso? Ang ilan na may mga mas mahinang puso ay hindi makakayanang matagalan ito. Siyempre, kahit na ang may malalakas na puso ay hindi makakayanan ito kung magpapatuloy ito nang matagal. Ibig sabihin, ang epekto ng tunog sa katawan ng tao, maging ito ay sa mga tainga o sa puso, ay lubhang makabuluhan para sa bawat tao, at ang mga tunog na masyadong malakas ay magdadala ng panganib sa mga tao. Samakatuwid, noong nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at matapos ng mga itong magsimulang tumakbo nang normal, nilagay din ng Diyos ang mga tunog na ito—ang mga tunog ng lahat ng bagay na kumikilos—sa pamamagitan ng nararapat na pagtrato. Ito ay isa rin sa mga kinakailangang konsiderasyon na nagkaroon ang Diyos noong lumilikha ng isang kapaligiran para sa sangkatauhan.

Una sa lahat, ang taas ng atmospera mula sa ibabaw ng mundo ay makakaimpluwensya sa mga tunog. Gayon din, ang laki ng mga puwang sa lupa ay mamanipulahin din at makaka-impluwensya sa tunog. Pagkatapos ay mayroon ng isang daloy ng iba’t ibang heograpikal na mga kapaligiran, na makakaapekto rin sa tunog. Ibig sabihin, gumagamit ang Diyos ng mga partikular na pamamaraan upang alisin ang ilang tunog, upang ang mga tao ay maaaring mamuhay nang ligtas sa isang kapaligirang maaaring matagalan ng kanilang mga tainga at mga puso. Kung hindi, ang mga tunog ay magdadala lang ng malaking balakid sa pamumuhay ng sangkatauhan; magdadala ang mga ito ng malubhang gulo sa kanilang mga buhay. Ito ay magiging isang malaking problema sa kanila. Sa madaling sabi, ang Diyos ay naging masyadong partikular sa Kanyang paglikha ng lupa, ng atmospera, at ng iba’t ibang uri ng heograpikal na mga kapaligiran. Ang karunungan ng Diyos ay nilalaman ng lahat ng ito. Ang pagkaunawa nito ng sangkatauhan ay hindi kinakailangang maging detalyado. Ang lahat lang ng kanilang dapat malaman ay napapaloob ang mga gawa ng Diyos doon. Ngayon, inyong sabihin sa Akin, ito bang gawain na ginawa ng Diyos ay kailangan? Iyon ay, ang pagsasagawa ng napakatiyak na pagmamanipula ng tunog upang panatilihin ang kinabubuhayang kapaligiran ng sangkatauhan at ang kanilang mga normal na buhay. (Oo.) Kung ang gawaing ito ay kailangan, kung gayon mula sa pananaw na ito, maaari bang sabihin na ginamit ng Diyos ang nasabing paraan upang tustusan ang lahat ng bagay? Tinustusan ng Diyos ang sangkatauhan at lumikha ng ganoong katahimik na kapaligiran, upang maaaring mabuhay ang katawan ng tao nang normal sa nasabing kapaligiran nang walang anumang mga panghihimasok, at upang ang sangkatauhan ay magawang mamalagi at mamuhay nang normal. Isa ba ito sa mga paraan kung saan tinutustusan ng Diyos ang sangkatauhan? Ang bagay bang ito na ginawa ng Diyos ay lubhang mahalaga? (Oo.) Iyon ay lubhang kailangan. Kaya paano ninyo papahalagahan ito? Kahit na hindi ninyo kayang maramdaman na ito ay ang pagkilos ng Diyos, ni alam ninyo kung paano ginawa ito ng Diyos noong panahong iyon, kaya pa rin ba ninyong maramdaman ang pangangailangan ng Diyos sa paggawa ng bagay na ito? Madarama ba ninyo ang karunungan ng Diyos o ang pangangalaga at kaisipan na inilagay Niya rito? (Oo.) Maramdaman lamang ito ay ayos na. Sapat na ito. Maraming bagay ang ginawa ng Diyos sa gitna ng lahat ng bagay na hindi mararamdaman at makikita ng mga tao. Ang layunin ng pagbanggit Ko nito rito ay upang bigyan lamang kayo ng ilang impormasyon tungkol sa mga kilos ng Diyos, at ito ay upang makilala ninyo ang Diyos. Ang mga palatandaang ito ay maaaring hayaan kayong mas mahusay na makilala at maunawaan ang Diyos.

4. Liwanag

Ang ikaapat na bagay na may kaugnayan sa mga mata ng tao—iyon ay, ang liwanag. Napakahalaga rin nito. Kapag nakakita ka ng maliwanag na ilaw, at ang liwanag ng ilaw na ito ay umaabot sa isang partikular na saklaw, ang iyong mga mata ay mabubulag. Gayunpaman, ang mga mata ng tao ay gawa sa laman. Ang mga ito ay hindi tinatablan ng pinsala. Mayroon bang sinuman ang nangahas na tumingin nang direkta sa araw? Nasubukan na ito ng ilang tao. Kaya mong tumingin nang may suot na salaming pang-araw, tama? Kinakailangan nito ang tulong ng mga kagamitan. Kung wala ang mga kagamitan, ang walang-salamin na mga mata ng tao ay walang kakayanang tumitig nang direkta sa araw. Gayunpaman, nilikha ng Diyos ang araw upang magdala ng liwanag sa sangkatauhan, at minanipula rin Niya ang liwanag na ito. Hindi lamang basta iniwan ng Diyos ang araw at isinawalang-bahala ito matapos itong likhain. "Sino ang may pakialam kung ang mga mata ng tao ay kayang matagalan ito!" Hindi gumagawa ang Diyos ng mga bagay gaya niyon. Gumagawa Siya ng mga bagay nang napakaingat at isinasaalang-alang ang lahat ng aspeto. Binigyan ng Diyos ang sangkatauhan ng mga mata upang sila ay makakakita, ngunit naghanda rin ang Diyos ng saklaw ng kaliwanagan kung saan kaya nilang makakita. Hindi ito mangyayari kung walang sapat na liwanag. Kung masyado ring madilim na hindi na kayang makita ng mga tao ang kanilang kamay sa kanilang harapan, kung gayon mawawala ang tungkulin ng kanilang mga mata at mawawalan ng bisa. Ang lugar na masyadong maliwanag ay hindi makakayanan ng mga mata ng tao at hindi sila makakakita ng kahit ano. Kaya sa kapaligiran na tinitirhan ng sangkatauhan, nagbigay ang Diyos ng sapat na dami ng liwanag na akma sa mga mata ng tao. Ang liwanag na ito ay hindi makasasakit o makapipinsala sa mga mata ng tao. Higit pa rito, hindi mawawala ang gamit ng mga mata ng tao. Kaya nagdagdag ang Diyos ng mga ulap sa palibot ng araw at ng mundo, at ang densidad ng hangin ay may kakayahan ding salain nang normal ang liwanag na makasasakit sa mga mata o balat ng mga tao. Ito ay magkaugnay. Dagdag pa rito, ang kulay ng daigdig na ginawa ng Diyos ay nagpapakita rin ng sikat ng araw at ang lahat ng uri ng liwanag at nagtatanggal ng bahagi ng liwanag na nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam sa mga mata ng tao. Sa ganoong paraan, hindi kailangan ng tao na palaging magsuot ng napakadilim na salaming pang-araw upang magkaroon ng kakayahang maglakad sa labas at ipagpatuloy ang kanilang buhay. Sa ilalim ng mga normal na mga pagkakataon, makikita ng mga mata ng tao ang mga bagay sa loob ng saklaw ng kanilang paningin at hindi mahaharangan ng liwanag. Iyon ay, ang liwanag na ito ay hindi maaaring maging masyadong nakakasilaw o masyadong madilim: Kung ito ay masyadong madilim, ang mga mata ng tao ay mapipinsala at hindi nila magagamit ang mga ito sa napakatagal na panahon bago tumigil sa paggana ang kanilang mga mata; kung ito ay masyadong maliwanag, hindi ito makakayanang matagalan ng mga mata ng mga tao, at ang kanilang mga mata ay hindi magagamit sa loob ng 30 hanggang 40 taon o 40 hanggang 50 taon. Sa madaling sabi, ang liwanag na ito ay naangkop na makita ng mga mata ng tao, at ang pinsalang dala ng liwanag sa mga mata ng tao ay nabawasan ng Diyos sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan. Hindi alintana kung ang liwanag ay nagdadala ng mga benepisyo o mga sagabal sa mga mata ng tao, ito ay sapat upang hayaang tumagal ang mga mata ng mga tao hanggang sa katapusan ng kanilang buhay. Hindi ba ito pinag-isipan ng Diyos nang mabuti? Ngunit nang si Satanas, ang diyablo ay gumagawa ng mga bagay, hindi niya isinasaalang-alang ang anuman sa mga ito. Ang ilaw ay alinman sa masyadong maliwanag o masyadong madilim. Ganito ang paggawa ni Satanas ng mga bagay.

Ginawa ng Diyos ang mga bagay na ito sa lahat ng aspeto ng katawan ng tao—paningin, pandinig, panlasa, paghinga, pagdamdam … upang magamit nang husto sa pagbagay sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan upang makayanan nilang mabuhay nang normal at magpatuloy na gawin ito. Ibig sabihin, ang nasabing umiiral na kapaligirang may buhay na nilikha ng Diyos ay ang kapaligirang tinitirahan na pinaka-angkop at kapaki-pakinabang sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Maaaring isipin ng ilan na ito ay hindi sapat at ang lahat ng ito ay napaka-ordinaryo lamang. Ang mga tunog, liwanag, at hangin ay mga bagay na pakiramdam ng tao ay kasama na sa kanilang pagkapanganak, mga bagay na maaari nilang tamasahin mula sa sandali ng kanilang kapanganakan. Ngunit ang ginawa ng Diyos sa likod ng kanilang pagtatamasa ng mga bagay na ito ay isang bagay na kailangan nilang malaman at maunawaan. Sa kabila ng kahit nararamdaman mong mayroong anumang pangangailangan na maunawaan o malaman ang mga bagay na ito, samakatuwid, noong nilikha ng Diyos ang mga bagay na ito, gumugol Siya ng pag-iisip, nagkaroon Siya ng plano, nagkaroon Siya ng mga tiyak na ideya. Hindi Niya basta inilagay lang ang sangkatauhan sa nasabing kapaligirang tinitirahan, nang hindi sinasadya, o nang walang anumang pagsasaalang-alang. Maaari ninyong isipin na bawat isa sa mga bagay na ito na Aking tinalakay ay hindi isang malaking bagay, ngunit sa Aking pananaw, bawat bagay na ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan ay kailangan para sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Mayroong pagkilos ng Diyos sa bagay na ito.

5. Daloy ng hangin

Ano ang ika-limang bagay? Ang bagay na ito ay lubos na may kaugnayan sa bawat araw ng bawat tao, at matatag ang kaugnayang ito. Ito ay isang bagay na hindi kayang mawala sa buhay ng katawan ng tao sa materyal na mundong ito. Ang bagay na ito ay ang daloy ng hangin. Ang "daloy ng hangin" ay mga salita na marahil naiintindihan ng lahat ng tao. Kaya ano ang daloy ng hangin? Maaari ninyong sabihin na ang pagbalong ng hangin ay tinatawag na "daloy ng hangin." Ang daloy ng hangin ay ang hangin na hindi kayang makita ng mata ng tao. Ito rin ay isang paraan kung saan ang hangin ay gumagalaw. Ngunit ano ang daloy ng hangin na pangunahin nating pinag-uusapan dito? Maiintindihan ninyo sa sandaling sabihin Ko ito. Ang daigdig, habang ito ay umiikot, ay nagdadala ng mga bundok, mga dagat, at ang lahat ng bagay, at kapag ito ay umiikot ay mayroong bilis. Kahit na hindi ka makakaramdam ng anumang pag-ikot, talagang umiiral ang pag-ikot nito. Ano ang dala ng pag-ikot nito? Mayroon bang hangin malapit sa iyong mga tainga kapag ikaw ay tumatakbo? Kung ang hangin ay kayang malikha kapag ikaw ay tumatakbo, paanong hindi magkakaroon ng kapangyarihan ng hangin kapag umiikot ang daigdig? Kapag umiinog ang mundo, lahat ng bagay ay kumikilos. Ito ay kumikilos at umiikot sa isang partikular na bilis, habang ang lahat ng bagay sa daigdig ay patuloy pa ring lumalaganap at lumalago. Samakatuwid, ang paggalaw sa isang partikular na bilis ay natural na magdadala ng daloy ng hangin. Iyon ay kung ano ang daloy ng hangin. Makakaapekto ba ang daloy ng hangin na ito sa katawan ng tao sa isang partikular na saklaw? Tingnan mo, ang mga regular na bagyo ay hindi ganoon kalakas, ngunit kapag tumama ang mga ito, hindi makayanang tumayo nang maayos ng tao at nahihirapang maglakad palaban sa hangin. Mahirap ding makagawa ng kahit isang hakbang. Masyado itong malakas, ang ilang tao ay naitutulak ng hangin sa ilang bagay at hindi makakagalaw. Ito ay isa sa mga paraan na ang daloy ng hangin ay makakaapekto sa sangkatauhan. Kung ang buong daigdig ay napuno ng mga kapatagan, masyadong magiging mahirap para sa katawan ng tao ang labanan ang daloy ng hangin na lilikhain ng pag-ikot ng daigdig at ng galaw ng lahat ng bagay sa isang partikular na bilis. Magiging masyadong mahirap itong matagalan. Kung ganoon ang kaso, ang daloy na ito ng hangin ay hindi lamang magdadala ng pinsala sa sangkatauhan, kundi pagkawasak. Walang sinuman ang may kakayahang mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran. Ito ang dahilan kung bakit gumagamit ang Diyos ng iba’t ibang kapaligirang heograpikal upang maayos ang mga nasabing daloy ng hangin, upang pahinain ang mga nasabing mga daloy ng hangin sa pamamagitan ng pagpapalit ng direksyon, bilis, at puwersa ng mga ito sa pamamagitan ng magkakaibang mga kapaligiran. Ito ang dahilan kung bakit makakakita ang mga tao ng iba’t ibang kapaligirang heograpikal, gaya ng mga bundok, mga bulubundukin, mga kapatagan, mga burol, mga lunas, mga lambak, mga talampas, at mga ilog. Nilalapat ng Diyos ang iba’t ibang mga kapaligirang heograpikal na mga ito upang baguhin ang bilis, direksyon at puwersa ng daloy ng hangin, gamit ang nasabing paraan upang pauntiin o manipulahin ito sa isang angkop na bilis ng hangin, direksyon ng hangin, at puwersa ng hangin, upang maaaring magkaroon ang mga tao ng isang normal na kapaligirang tinitirahan. Kailangan bang gawin ito? (Oo.) Ang paggawa ng bagay gaya nito ay maaaring maging mahirap para sa mga tao, ngunit ito ay madali para sa Diyos dahil inoobserbahan Niya ang lahat ng bagay. Para sa Kanya ang paglikha ng isang kapaligiran na may angkop na daloy ng hangin para sa sangkatauhan ay napakasimple, masyadong madali. Kung gayon, sa nasabing kapaligiran na nilikha ng Diyos, bawat isang bagay sa lahat ng bagay ay kailangang-kailangan. Mayroong halaga at pangangailangan sa kanilang lubos na pag-iral. Gayunpaman, hindi nauunawaan ni Satanas at ng tiwaling sangkatauhan ang ganoong pilosopiya. Patuloy silang nangwawasak at nagpapalago, walang saysay na mga nangangarap na gawin ang mga bundok na patag na lupa, pagpupuno ng malalaim na bangin, at pagtatayo ng mga napakataas na gusali sa ibabaw ng patag na lupa upang lumikha ng mga kongkretong kagubatan. Pangarap ng Diyos na maaaring mamuhay nang masaya ang sangkatauhan, lumaki nang masaya, at gugulin ang bawat araw nang masaya sa pinaka-angkop na kapaligirang inihanda Niya para sa kanila. Kaya naman hindi kailanman naging pabaya ang Diyos pagdating sa pakikitungo ng kapaligirang tinitirahan ng sangkatauhan. Mula sa temperatura hanggang sa hangin, mula sa tunog hanggang sa liwanag, gumawa ang Diyos ng mga maingat na plano at pag-aayos, upang ang mga katawan ng mga tao at ang kapaligirang kanilang tinitirahan ay hindi sasailalim sa anumang balakid mula sa mga natural na kundisyon, at sa halip ang sangkatauhan ay magkakaroon ng kakayahang manirahan at magpakarami nang normal at manirahan nang normal kasama ang lahat ng bagay nang magkasundo. Lahat ng ito ay ibinigay ng Diyos sa lahat ng bagay at sa sangkatauhan.

Makikita mo ba, mula sa paraang pinakitunguhan Niya ang limang pangunahing kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng tao, ang pagtustos ng Diyos sa sangkatauhan? (Oo.) Ibig sabihin, nilikha ng Diyos ang pinakapangunahing kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng tao. Kasabay nito, pinamamahalaan din ng Diyos at kinokontrol ang mga bagay na ito, at kahit ngayon, matapos na ang mga tao ay umiiral sa loob ng ilang libong taon, patuloy pa ring iniiba ng Diyos ang kanilang kapaligirang tinitirahan, nagbibigay ng pinakamaganda at pinaka-angkop na kapaligirang titirahan ng sangkatauhan upang ang kanilang mga buhay ay mapanatiling normal. Hanggang kailan ito mapapanatili? Sa madaling sabi, gaano katagal papanatilihin ng Diyos ang pagbibigay ng nasabing kapaligiran? Hanggang lubusan nang makumpleto ng Diyos ang Kanyang gawain ng pamamahala. Pagkatapos, babaguhin ng Diyos ang tinitirahang kapaligiran ng sangkatauhan. Maaari itong maging sa pamamagitan ng mga parehong pamamaraan, o maaari itong maging sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan, ngunit ang talagang kailangang malaman ng mga tao ngayon ay na ang Diyos ay patuloy na nagtutustos ng mga pangangailangan ng sangkatauhan, at pinamamahalaan ang tinitirahang kapaligiran ng sangkatauhan, at pinangangalagaan, pinoprotektahan, at pinapanatili ang tinitirahang kapaligiran ng sangkatauhan. Dahil sa nasabing kapaligiran kaya ang hinirang na mga tao ng Diyos ay may kakayanang mamuhay nang normal gaya nito at matanggap ang pagliligtas at pagkastigo at paghatol ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay nagpapatuloy na umiral dahil sa pamumuno ng Diyos, habang ang buong sangkatauhan ay nagpapatuloy na sumulong dahil sa pagtutustos ng Diyos sa paraang ito.

Ang bahagi bang ito na Aking katatalakay lamang ay nagdala sa inyo ng anumang mga kaisipan? Nararamdaman na ba ninyo ngayon ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan? Sino lang ba ang panginoon ng lahat ng bagay? Isa ba itong lalaki? (Hindi.) Kung gayon, ano ang pagkakaiba sa pagitan ng kung paano makitungo ang Diyos at ang mga tao sa lahat ng bagay? (Namumuno ang Diyos at nag-aayos ng lahat ng bagay, samantalang ang tao ay nagtatamasa sa mga ito.) Sumasang-ayon ba kayo sa mga salitang iyon? Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan ay ang Diyos ay namumuno sa lahat ng bagay at nagtutustos sa lahat ng bagay. Ang Diyos ang pinagmulan ng lahat, at ang sangkatauhan ang nagtatamasa ng lahat ng bagay habang ang Diyos ang nagtutustos ng mga ito. Sa madaling sabi, nasisiyahan ang tao sa lahat ng bagay kapag tinatanggap niya ang buhay na ibinibigay ng Diyos sa lahat ng bagay. Tinatamasa ng sangkatauhan ang mga bunga ng paglikha ng Diyos ng lahat ng bagay, samantalang ang Diyos ang Panginoon. Kung gayon, mula sa perspektibo ng lahat ng bagay, ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan? Makikita nang malinaw ng Diyos ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng bagay, at kinokontrol at pinangingibabawan ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng bagay. Iyon ay, ang lahat ng bagay ay nasa mga mata ng Diyos at nasa loob ng Kanyang saklaw ng pagsusuri. Kaya bang makita ng sangkatauhan ang lahat ng bagay? Ang nakikita ng sangkatauhan ay limitado—ito lamang ay kung ano ang kanilang nakikita sa harap ng kanilang mga mata. Kung aakyatin mo ang bundok na ito, ang iyong makikita ay ang bundok na ito. Hindi mo makikita ang nasa kabilang panig ng bundok. Kung pupunta ka sa tabing-dagat, makikita mo ang panig na ito ng karagatan, ngunit hindi mo alam kung ano ang hitsura ng kabilang panig ng karagatan. Kung makarating ka sa kagubatang ito, makakakita ka ng mga halaman sa harap ng iyong mga mata at sa paligid mo, ngunit hindi mo kayang makita kung ano ang nasa banda pa roon. Hindi kayang makita ng mga tao ang mga lugar na mas mataas, mas malayo, at mas malalim. Ang lahat ng kanilang makikita ay kung ano ang nasa harap ng kanilang mga mata at nasa saklaw ng kanilang paningin. Kahit na alam ng mga tao ang disenyo ng apat na panahon sa isang taon at ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng bagay, hindi nila kayang pamahalaan o pamunuan ang lahat ng bagay. Sa kabilang banda, ang paraan na nakikita ng Diyos ang lahat ng bagay ay kagaya ng paraan na makikita ng Diyos ang isang makina na personal Niyang ginawa. Malalaman Niya nang lubos ang bawat bahagi nito. Kung ano ang mga prinsipyo nito, kung ano ang mga disenyo nito, at kung ano ang gamit nito—alam ng Diyos ang lahat ng bagay na ito nang payak at malinaw. Kaya ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao! Kahit na patuloy na nagsasaliksik ang tao sa siyensya at mga batas ng lahat ng bagay, ito ay nasa limitadong saklaw lamang, samantalang kinokontrol ng Diyos ang lahat. Para sa tao, iyon ay walang hanggan. Kung nagsasaliksik ang tao ng isang bagay na napakaliit na nagawa ng Diyos, maaari nilang gugulin ang kanilang buong buhay sa pananaliksik dito nang hindi nakakamtan ang anumang totoong resulta. Ito ay kung bakit mo ginagamit ang kaalaman at kung ano ang iyong natutuhan upang pag-aralan ang Diyos, hindi mo kailanman makakayanang makilala o maunawaan ang Diyos. Ngunit kapag ginamit mo ang daan ng paghahanap sa katotohanan at paghahanap sa Diyos, at tingnan ang Diyos mula sa perspektibo ng pagkilala sa Diyos, kung gayon isang araw aaminin mo na ang mga gawa at karunungan ng Diyos ay nasa kahit saan, at malalaman mo rin kung bakit ang Diyos lamang ang tinatawag na Panginoon ng lahat ng bagay at ang bukal ng buhay ng lahat ng bagay. Kung mas nagtataglay ka ng nasabing kaalaman, ganoon rin kahigit mong mauunawaan kung bakit ang Diyos ay tinawag na Panginoon ng lahat ng bagay. Lahat ng bagay at bawat bagay, kasama ka, ay patuloy na tumatanggap ng walang-humpay na pagtustos ng Diyos. Magagawa mo ring maramdaman nang malinaw na sa mundong ito, sa sangkatauhang ito, ay walang sinuman maliban sa Diyos ang maaaring magkaroon ng ganoong kapangyarihan at ganoong diwa upang mamuno, mamahala, at magpanatili ng pag-iral ng lahat ng bagay. Kapag iyong nakamit ang nasabing pagkaunawa, tunay mong tatanggapin na ang Diyos ay ang iyong Diyos. Kapag narating mo ang puntong ito, tunay mong tinatanggap ang Diyos at hayaan Siyang maging iyong Diyos at iyong Panginoon. Kapag nagkaroon ka ng nasabing pagkakaunawa at ang iyong buhay ay umabot sa nasabing punto, hindi ka na susubukin at hahatulan pa ng Diyos, ni hihingi Siya ng anumang pangangailangan mula sa iyo, dahil nauunawaan mo ang Diyos, nakikilala ang Kanyang kalooban, at tunay na tinatanggap ang Diyos sa iyong puso. Ito ay isang mahalagang dahilan para sa pagtatalakay ng mga paksang ito tungkol sa pamumuno at pamamahala ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ay upang magbigay sa mga tao ng mas marami pang kaalaman at pang-unawa; hindi lamang upang kilalanin mo, ngunit upang bigyan ka ng mas praktikal pang kaalaman at pang-unawa ng mga mga kilos ng Diyos.

 Ang Pang-araw-araw na Pagkain at Inumin na Inihahanda ng Diyos para sa Sangkatauhan

Napag-usapan pa lamang natin ang tungkol sa isang bahagi ng pangkalahatang kapaligiran, iyon ay, ang mga kundisyong kinakailangan para sa kaligtasan ng buhay ng tao na inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan mula pa noong nilikha Niya ang mundo. Napag-usapan pa lamang natin ang tungkol sa limang bagay, at ang limang bagay na ito ay ang pangkalahatang kapaligiran. Ang ating susunod na tatalakayin ay malapit na kaugnay sa bawat buhay ng tao sa kanyang laman. Ito ay isang kinakailangang kundisyon na mas tumutugma at mas kaugnay ng buhay ng tao sa laman. Ang bagay na ito ay pagkain. Nilikha ng Diyos ang tao at inilagay siya sa isang angkop na kapaligirang tinitirahan. Pagkatapos, kinailangan ng tao ang pagkain at tubig. Nagkaroon ang tao ng nasabing pangangailangan, kaya gumawa ang Diyos ng mga paghahandang iyon para sa tao. Kung gayon, ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos at ang bawat bagay na ginagawa Niya ay hindi lamang mga salitang walang laman, ngunit ito ay aktuwal na isinasagawa. Ang pagkain ba ay isang bagay na hindi kayang mawala ng tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay? Ang pagkain ba ay mas mahalaga kaysa hangin? Parehong mahalaga ang mga ito. Pareho itong mga kundisyon at mga bagay na kailangan para sa kaligtasan ng buhay ng tao at pinapanatili ang pagpapatuloy ng buhay ng tao. Mas mahalaga ba ang hangin o mas mahalaga ang tubig? Mas mahalaga ba ang temperatura o mas mahalaga ang pagkain? Lahat ng ito ay mahalaga. Hindi maaaring mamili ang mga tao dahil hindi maaaring mawala ang anuman sa mga ito. Isa itong totoong problema, hindi isang bagay na maaari mong piliin. Hindi mo alam, ngunit alam ng Diyos. Kapag nakita mo ang pagkain, mararamdaman mong, “Hindi ko kayang walang pagkain!” Ngunit kung ikaw ay inilagay doon kaagad matapos kang likhain, malalaman mo ba na kakailanganin mo ng pagkain? Hindi mo malalaman, ngunit alam ng Diyos. Ito lamang ay kapag nagutom ka at nakita na mayroong mga prutas na nasa mga puno at mga butil na nasa lupa para iyong kainin na iyong napagtatantong kailangan mo ng pagkain. Kapag nauuhaw ka, nakikita mo ang bukal ng tubig sa harap mo, at kapag ininom mo lamang ang tubig na iyong napagtatantong kailangan mo ito. Ang tubig ay inihanda ng Diyos para sa tao. Kung sa pagkain, hindi mahalaga kung nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw, dalawang beses sa isang araw, o maging higit pa roon; samakatuwid, ang pagkain ay isang bagay na hindi kayang mawala sa mga tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ito ay isa sa mga bagay na kailangan para sa pagpapanatili ng normal na pagkaligtas ng buhay ng katawan ng tao. Kung gayon, saan pangunahing nagmumula ang pagkain? Una, nagmumula ito sa lupa. Ang lupa ay inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang lupa ay angkop para sa kaligtasan ng buhay ng iba’t ibang halaman, hindi lamang para sa mga puno o damo. Inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan ang mga buto ng lahat ng uri ng mga butil at iba’t ibang pagkain, pati na rin ang angkop na lupa at lupain para tamnan ng tao, na magbibigay sa kanila ng pagkain. Anong mga uri ng pagkain ang naroon? Dapat kayong maging malinaw dito, tama? Una, mayroong iba’t ibang uri ng mga butil. Ano ang mga kasama sa mga butil? Ang trigo, dawang foxtail, dawang proso, bigas…, ang mga bagay na mayroong ipa. Ang mga pananim na namumunga ng mga butil ay nakabukod din sa iba’t ibang mga uri. Mayroong maraming uri ng mga pananim na namumunga ng mga butil mula sa timog hanggang sa hilaga, gaya ng sebada, trigo, obena, at bakwit. Iba’t ibang mga uri ay naangkop na mapatubo sa iba’t ibang mga rehiyon. Mayroon ding iba’t ibang uri ng bigas. Ang timog ay mayroong sarili nitong mga sari-saring klase ng bigas, na mas mahaba at angkop sa mga tao mula sa timog dahil hindi ito masyadong malagkit. Dahil ang klima ay mas mainit sa timog, kailangan nilang kumain ng mga sari-saring klase gaya ng indica rice. Hindi ito maaaring maging masyadong malagkit dahil hindi nila ito makakain at mawawalan sila ng gana. Ang kanin na kinakain ng mga tao sa hilaga ay mas malagkit. Dahil ang hilaga ay laging mas malamig, kailangan nilang kumain ng mas malagkit na kanin. Dagdag pa rito, mayroong iba’t ibang uri ng patani. Ang mga ito ay tumutubo sa ibabaw ng lupa. Mayroon ding mga pinatubo sa ilalim ng lupa, gaya ng mga patatas, kamote, gabi, at marami pang iba. Ang mga patatas ay tumutubo sa hilaga. Ang kalidad ng mga patatas sa hilaga ay napakaganda. Kapag walang butil ang mga tao para kainin, ang mga patatas ay maaaring maging pangunahing sangkap ng kanilang pagkain upang maaari nilang mapanatili na makakain ng tatlong beses sa isang araw. Ang mga patatas ay maaari ding maging panustos ng pagkain. Ang mga kamote ay hindi kasing-ganda ng mga patatas pagdating sa kalidad, ngunit maaari pa ring magamit ng tao bilang pangunahing pagkain upang mapanatili ang kanilang pagkain ng tatlong beses sa isang araw. Kapag ang mga butil ay hindi pa makukuha, maaaring gamitin ng mga tao ang mga kamote upang punuin ang kanilang mga tiyan. Ang gabi, na kadalasang kinakain ng mga tao sa timog, ay maaari ding gamitin sa parehong paraan, at maaari ding maging pangunahing sangkap ng pagkain. Ito ang iba’t ibang mga butil, isang pangangailangan para sa pang-araw-araw na pagkain at inumin ng mga tao. Gumagamit ang tao ng iba’t ibang mga butil upang gumawa ng mga bihon, siopao, kanin, at bihong gawa sa kanin. Ibinigay ng Diyos ang iba’t ibang uri ng mga butil na ito nang masagana sa sangkatauhan. Bakit mayroong napakaraming sari-saring klase? Ang mga intensyon ng Diyos ay maaaring mahanap doon: Sa isang banda, ito ay upang maangkop sa iba’t ibang mga lupa at klima sa hilaga, timog, silangan, at kanluran; sa kabilang dako, ang iba’t ibang bahagi at nilalaman ng mga butil na ito ay kaisa sa iba’t ibang bahagi at nilalaman ng katawan ng tao. Kaya lamang panatilihin ng mga tao ang iba’t ibang mga sustansya at bahagi na kailangan para sa kanilang mga katawan sa pamamagitan ng pagkain ng mga butil na ito. Kahit na ang pagkain sa hilaga at timog ay magkaiba, mayroon silang marami pang pagkakapareho kaysa pagkakaiba. Ang mga pagkaing ito ay kayang punan ang normal na mga pangangailangan ng katawan ng tao at kayang panatilihin ang normal na pagkaligtas ng buhay ng katawan ng tao. Kaya, ang dahilan kung bakit ang mga uri na nilikha sa iba’t ibang mga lugar ay masyadong marami ay dahil kailangan ng katawan ng tao ang binibigay ng mga nasabing pagkain. Kailangan nila kung ano ang ibinibigay ng iba’t ibang mga pagkaing pinatubo mula sa lupa upang panatilihin ang normal na pagkaligtas ng buhay ng katawan ng tao at matamo ang normal na pamumuhay ng tao. Sa madaling sabi, masyadong mapagbigay ang Diyos sa sangkatauhan. Ang iba’t ibang mga pagkain na ibinigay ng Diyos sa mga tao ay hindi mapurol—sila ay napakalawak ng saklaw. Kung gusto ng mga tao na kumain ng mga butil, maaari silang kumain ng mga butil. May ilang tao na hindi gustong kumain ng mga bihon, gusto nilang kumain ng kanin, kung gayon maaari silang kumain ng kanin. Mayroong lahat ng klase ng bigas—mahabang butil na bigas, maliit na butil ng bigas, at kaya nilang mapasiya ang mga panlasa ng mga tao. Kung gayon, kung kakain ang mga tao ng mga butil na ito—hanggang hindi sila masyadong mapili sa kanilang pagkain—hindi sila magkukulang sa nutrisyon at magagarantiyang mamuhay nang malusog hanggang pagtanda. Iyon ang orihinal na ideya ng Diyos sa Kanyang isip noong ibinigay Niya ang pagkain sa sangkatauhan. Ang katawan ng tao ay hindi maaaring walang mga bagay na ito—hindi ba ito isang realidad? Hindi kayang malutas ng mga tao ang mga tunay na problemang ito, ngunit inihanda na ng Diyos at pinag-isipan ito. May mga bagay na noon pa inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan.

Binigyan ng Diyos ang tao ng higit pa sa mga ito—mayroon ding mga gulay. Kapag kumakain ka ng kanin, kung kanin lang ang iyong kinakain, maaaring magkulang ka sa nutrisyon. Kung ipinirito mo ang ilang maliliit na ulam o maghalo ng isang ensalada upang iterno sa isang pagkain, kung gayon ang mga bitamina sa mga gulay at iba’t ibang bakas na elemento o ibang mga sustansya ay makakayanan ding ibigay ang mga pangangailangan ng katawan ng tao sa isang napakanormal na paraan. Kapag hindi kumakain ang mga tao ng mga pangunahing pagkain ay maaari din silang kumain ng ilang prutas, tama? Minsan, kapag kailangan ng mga tao ng mas maraming likido o ibang mga sustansya o magkakaibang mga lasa, mayroon ding mga gulay at prutas para ibigay ito. Dahil ang mga lupa at klima sa hilaga, timog, silangan at kanluran ay magkakaiba, mayroon din silang sari-saring klase ng mga gulay at prutas. Dahil ang klima sa timog ay masyadong mainit, ang karamihan ng mga prutas at gulay ay pampalamig na uri na kayang balansehin ang lamig at init sa mga katawan ng tao kapag kinakain ang mga ito ng mga tao. Sa kabilang banda, mayroong mas kaunting sari-saring klase ng mga gulay at prutas sa hilaga, ngunit sapat pa rin para sa tao ng hilaga upang tamasahin. Gayunman, dahil sa mga pag-unlad ng lipunan nitong mga huling taon, dahil sa mga binansagang pag-usbong ng lipunan, pati na rin ang mga pagsulong sa transportasyon at pakikipag-usap na nag-uugnay sa hilaga at timog at silangan at kanluran, ang mga tao sa hilaga ay maaari ding kumain ng ilang prutas, mga lokal na espesyalidad o mga gulay mula sa timog, kahit buong taon. Sa paraang iyon, kahit na ang mga tao ay kayang mapasiya ang kanilang mga gana at materyal na pagnanasa, ang kanilang mga katawan ay sasailalim nang hindi sinasadya sa magkakaibang mga antas ng pinsala. Ito ay dahil sa mga pagkaing inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan, mayroong mga pagkain at mga prutas at gulay na angkop para sa mga tao sa timog, pati na rin mga pagkain at mga prutas at mga gulay na angkop para sa mga tao sa hilaga. Iyon ay, kung ikaw ay ipinanganak sa timog, ang pagkain ng mga bagay mula sa timog ay napaka-angkop para sa iyo. Inihanda ng Diyos ang mga pagkain at mga prutas at mga gulay dahil ang timog ay may partikular na klima. Ang hilaga ay mayroong pagkain na kailangan para sa mga katawan ng mga tao sa hilaga. Ngunit dahil mayroong matakaw na gana ang mga tao, sila ay nadala nang hindi sinasadya sa daloy ng mga pag-unlad ng lipunan, na ginagawa sila nang hindi sinasadya na labagin ang mga nasabing mga batas. Kahit na nararamdaman ng mga tao na ang kanilang mga buhay ay mas maigi na ngayon, ang nasabing pagsulong ng lipunan ay nagdadala ng isang natatagong kapinsalaan sa mas marami pang mga katawan ng mga tao. Hindi ito ang gustong makita ng Diyos at hindi ang orihinal na ginusto ng Diyos noong dinala Niya ang lahat ng bagay at ang mga pagkaing ito, mga prutas, at mga gulay sa sangkatauhan. Ito ay isinanhi ng paglabag ng sangkatauhan sa mga batas na itinakda ng Diyos.

Dagdag pa rito, ang ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan ay mayaman at marami, na bawat lugar ay mayroong kanilang sariling lokal na espesyalidad. Halimbawa, ang ilang lugar ay mayaman sa mga pulang datiles (karaniwang kilala bilang dyudyube), habang ang iba ay mayaman sa nogales, mga mani, o iba pang magkakaibang uri ng mga mani. Lahat ng materyal na bagay ay nagbibigay ng mga sustansya na kailangan ng katawan ng tao. Ngunit ibinibigay ng Diyos sa sangkatauhan ang mga bagay na ayon sa panahon at oras, at ibinibigay rin ang tamang dami sa tamang panahon. Ang sangkatauhan ay nag-iimbot ng mga pisikal na kasiyahan at katakawan, ginagawa itong madali upang labagin at pinsalain ang mga normal na batas ng pag-usbong ng tao mula nang nilikha Niya ang sangkatauhan. Bilang halimbawa, ating tingnan ang mga seresa, na dapat malaman ng lahat, tama? Ang mga ito ay nahihinog sa bandang Hunyo. Sa ilalim ng mga normal na pagkakataon, mauubos ang mga ito sa bandang Agosto. Ang mga seresa ay sariwa lamang sa loob ng dalawang buwan, ngunit sa pamamagitan ng mga siyentipikong paraan may kakayahan na ngayon ang mga tao na pahabain ito sa 12 buwan, kahit hanggang sa susunod na panahon ng mga seresa sa susunod na taon. Ibig sabihin ay mayroong mga seresa buong taon. Ang kababalaghan bang ito ay normal? (Hindi.) Kung gayon, kailan ang pinakamagandang panahon upang kumain ng seresa? Ito ang panahon mula Hunyo hanggang Agosto. Lampas sa limitasyong ito, kahit gaano kasariwa mo ito pinapanatili, hindi sila magkakapareho ng lasa, ni hindi ito ang kailangan ng katawan ng tao. Sa oras na ang petsa ng pagkasira nito ay lumipas, kahit anong mga bagay na kemikal ang iyong gamitin, hindi mo makakayanang makuha ito sa kalagayan nito kapag ito ay pinatubo nang natural. Dagdag pa rito, ang panganib na dala ng mga kemikal sa mga tao ay isang bagay na walang kahit sino ang may kayang gumawa ng anuman upang alisin o mabago. Kaya ano ang dinadala ng kasalukuyang ekonomiya ng merkado sa mga tao? Ang mga buhay ng mga tao ay parang naging mas mabuti, ang transportasyon sa lahat ng direksyon ay talagang naging maginhawa, at ang mga tao ay maaaring kainin ang lahat ng klase ng prutas sa anumang panahon ng taon. Ang mga tao sa hilaga ay madalas nakakakain ng mga saging at anumang pagkain, mga lokal na espesyalidad o prutas mula sa timog. Ngunit hindi ito ang buhay na nais na ibigay ng Diyos sa sangkatauhan. Itong uri ng ekonomiya ng merkado ay nagdadala ng ilang benepisyo sa buhay ng mga tao ngunit makakapagdala rin ng ilang pinsala. Dahil sa kasaganaan sa merkado, maraming tao ang kumakain ng kahit na ano, kumakain sila nang hindi nag-iisip. Nilalabag nito ang mga natural na batas at mapaminsala ito sa kanilang kalusugan. Kaya hindi makakapagdala ang ekonomiya ng merkado ng tunay na kasiyahan sa mga tao. Nauunawaan ninyo, tama? Tingnan. Hindi ba ibinebenta ang mga ubas sa pamilihan sa lahat ng apat na panahon ng taon? Sa katunayan, nananatili lamang na sariwa ang mga ubas sa loob ng maikling panahon matapos pitasin ang mga ito. Kung itatago mo ang mga ito hanggang sa susunod na Hunyo, maaari pa ba itong tawaging mga ubas? Maaari mo bang tawaging basura ang mga ito? Hindi lamang sa hindi na taglay ng mga ito ang orihinal na komposisyon ng mga ubas, ngunit mayroon din ang mga ito ng mas maraming kemikal. Matapos ang isang taon, hindi lamang sa hindi sariwa ang mga ito, ang mga sustansiya rin nito ay matagal nang nawala. Kapag kumakain ang mga tao ng ubas, nararamdaman nila: "Napakasaya! Makakakain ba tayo ng mga ubas sa panahong ito 30 taon ang nakakalipas? Hindi ka makakakain nito kahit na gustuhin mo. Kahanga-hanga ang buhay ngayon!" Kasiyahan ba talaga ito? Kung ikaw ay interesado, maaari kang humayo at mag-aral ng tungkol sa mga ubas na napanatili ng mga kemikal at makita lamang kung ano ang komposisyon ng mga ito at kung ang komposisyon na ito ay maaaring magdala ng anumang benepisyo sa mga tao. Sa Kapanahunan ng Kautusan, noong ang mga Israelita ay nasa daan matapos lisanin ang Ehipto, binigyan sila ng Diyos ng pugo at mana. Pinahintulutan ba ng Diyos ang mga tao upang mag-imbak ng mga ito? Ang ilang tao ay makitid ang isip at mga takot na hindi na magkakaroon pa nito sa susunod na araw, kaya nagtago sila ng kaunti sakaling kailanganin ito mamaya. Kung gayon, ano ang nangyari? Noong sumunod na araw, ito ay nabulok. Hindi hinayaan ng Diyos na mag-iwan sila ng anuman bilang pamalit dahil nagsagawa ang Diyos ng ilang paghahanda, na nagsigurong hindi sila magugutom. Walang ganoong tiwala ang sangkatauhan, ni mayroong tunay na pananampalataya sa Diyos. Palagi silang nag-iiwan ng kaunti para mamaya at walang kakayahang makita ang lahat ng pag-aaruga at pag-iisip sa likod ng inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Palagi lamang silang walang kakayahang maramdaman ito, palaging hindi nagtitiwala sa Diyos, palaging nag-iisip na: “Ang mga kilos ng Diyos ay hindi maaasahan! Sino ang nakakaalam kung ibibigay ito ng Diyos sa sangkatauhan o kung kailan Niya ibibigay ito! Kung talagang gutom ako at hindi iyon ibibigay ng Diyos, kung gayon ay hindi ba ako magugutom? Hindi ba ako magkukulang sa nutrisyon?” Tingnan kung gaano kaliit ang tiwala ng tao!

Ang mga butil, mga prutas at gulay, at ang lahat ng klase ng mga mani ay lahat pagkaing walang karne. Kahit na ang mga ito ay mga pagkaing walang karne, mayroon silang sapat na mga sustansiya upang punan ang mga pangangailangan ng katawan ng tao. Gayunpaman, hindi sinabi ng Diyos na: "Ang pagbibigay ng mga ito sa sangkatauhan ay sapat na. Maaaring kainin na lamang ng sangkatauhan ang mga ito." Hindi tumigil ang Diyos doon at bagkus ay naghanda ng mga bagay na mas masarap pa ang lasa para sa sangkatauhan. Ano ang mga bagay na ito? Ito ang iba’t ibang uri ng karne at isda na makikita at makakain ng karamihan sa inyo. Mayroong maraming uri ng karne at isda na inihanda ng Diyos para sa tao. Ang lahat ng isda ay nabubuhay sa tubig; ang pagkakahabi ng kanilang karne ay kaiba kaysa sa karne na pinatubo sa ibabaw ng lupa at maaaring magbigay ang mag ito ng iba’t ibang mga sustansya sa sangkatauhan. Ang mga katangian ng isda ay maaari ding magsaayos ng lamig at init sa mga katawan ng tao, kaya ang mga ito ay lubos na kapaki-pakinabang sa sangkatauhan. Ngunit kung ano ang masarap ay hindi maaaring abusuhin. Ito ay pareho pa ring kasabihang: Nagbibigay ang Diyos sa sangkatauhan ng tamang dami sa tamang oras, upang maaaring mamuhay ang mga tao nang normal at maayos na matamasa ang mga bagay na ito ayon sa panahon at oras. Ano ang kasama sa mga manok? Ang manok, pugo, kalapati, atbp. Maraming tao rin ang kumakain ng itik at gansa. Kahit na naghahanda ang Diyos ng mga ganitong uri ng karne, may ilang pangangailangan ang Diyos sa Kanyang hinirang na mag tao at ipinagbawal ito sa isang partikular na saklaw sa Kapanahunan ng Kautusan. Ngayon ang saklaw na ito ay ayon sa indibidwal na panlasa at personal na pagkakaunawa. Ang iba’t ibang uri ng mga karneng ito ay nagbibigay sa katawan ng tao ng iba’t ibang sustansya, na kayang punuing muli ang protina at iron, pinagyayaman ang dugo, pinapalakas ang mga kalamnan at mga buto, at nagbibigay ng mas maraming enerhiya. Kahit anong paraan ang gamit ng tao upang lutuin at kainin ang mga ito, sa madaling salita, ang mga bagay na ito ay maaaring sa kabilang banda tulungan ang mga taong mapagbuti pa ang mga lasa at mga gana, at sa kabilang banda ay punan ang kanilang mga sikmura. Ang pinakamahalagang bagay ay kaya ng mga itong bigyan ang katawan ng tao ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa nutrisyon. Ang mga ito ay konsiderasyon na mayroon ang Diyos noong inihanda Niya ang pagkain para sa sangkatauhan. Mayroong mga pagkaing walang karne pati na rin mga karne—hindi ba ito mayaman at marami? Ngunit kailangang maunawaan ng mga tao kung ano ang mga orihinal na pakay ng Diyos noong Kanyang inihanda ang lahat ng pagkain ng sangkatauhan. Ito ba ay upang hayaan ang sangkatauhan na tamasahin nang buong kasakiman ang mga materyal na mga pagkaing ito? Ano kaya kung nagpapakasawa ang mga tao sa materyal na kasiyahan na ito? Hindi ba sila magiging masyadong malusog? Hindi ba ang pagiging labis na malusog ay nagdadala ng lahat ng uri ng mga karamdaman sa katawan ng tao? (Oo.) Ito ang dahilan kung bakit naglalaan ang Diyos ng tamang dami sa tamang oras at hinahayaang tamasahin ng mga tao ang iba’t ibang mga pagkain ayon sa iba’t ibang mga oras at panahon. Halimbawa, matapos dumaan sa napakainit na tag-init, makakakolekta ang mga tao ng kaunting init, likas na pagkatuyo at pamamasa sa kanilang mga katawan. Kapag dumating ang taglagas, maraming uri ng mga prutas ang mahihinog, at kapag kumain ang mga tao ng ilang prutas, ang kanilang pamamasa ay mawawala. Sa parehong panahon, ang mga baka at tupa ay lalaki nang malusog, kaya dapat kumain ang mga tao ng kaunting karne bilang nutrisyon. Matapos kumain ng iba’t ibang uri ng karne, ang mga katawan ng tao ay magkakaroon ng enerhiya at ang init ay tutulungan silang makayanan ang lamig ng taglamig, at bilang isang resulta, makakayanan nilang malampasan ang taglamig nang mapayapa. Ang oras sa paghahanda ng anumang bagay para sa sangkatauhan, at ang oras ng pagpapahintulot sa anumang bagay para tumubo, mamunga, at mahinog—ang lahat ng ito ay kinokontrol at pinamamahalaan ng Diyos nang lubos ang pagkatantiya. Ito ang paksa tungkol sa "paano naghanda ang Diyos ng pagkain na kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao." Bukod sa lahat ng uri ng mga pagkain, nagbibigay din ang Diyos sa sangkatauhan ng mga pinagmumulan ng tubig. Kailangang uminom ng tubig ng tao matapos kumain. Ang pagkain ba ng prutas ay sapat? Hindi kakayanin ng mga tao na kumain lamang ng prutas, at bukod pa rito, walang prutas sa ibang mga panahon. Kung gayon, paano maaaring masolusyunan ang problema ng sangkatauhan sa tubig? Sa pamamagitan ng paghahanda ng Diyos ng maraming pinagmumulan ng tubig sa ibabaw ng lupa at sa ilalim nito, kasama na ang mga lawa, mga ilog, at mga bukal. Ang mga pinanggagalingan ng tubig na ito ay maaaring inuman sa mga kalagayang walang anumang kontaminasyon, o pagproseso ng tao o pinsala. Ibig sabihin, kaugnay ng mga pinagmumulan ng pagkain para sa buhay ng mga pisikal na katawan ng sangkatauhan, gumawa ang Diyos ng napakatiyak, napaka-eksakto, at napaka-angkop na mga paghahanda, upang ang mga buhay ng tao ay maging mayaman at masagana at hindi kapos sa kahit ano. Ito ay isang bagay na maaaring maramdaman at makita ng tao.

   Dagdag pa rito, sa lahat ng bagay, lumikha ang Diyos ng ilang halaman, mga hayop, at lahat ng uri ng mga damo na partikular na nagagamit para sa pangangalaga ngmga pinsala at paggamot ng mga karamdaman ng mga tao. Ano ang iyong gagawin, halimbawa, kung ikaw ay napaso o aksidenteng nabanlian ng mainit na tubig? Maaari mo bang buhusan ito ng tubig? Maaari ka bang makahanap lamang ng isang pirasong tela kahit saan at balutin ito? Maaari nitong mapuno ng nana o maimpeksiyon sa ganoong paraan. Halimbawa, kung magkaroon ka ng lagnat, mahawa ng sipon, masaktan sa pinsalang mula sa pisikal na gawain, isang sakit sa tiyan mula sa pagkain ng hindi tamang pagkain, o pag-usbong ng ilang karamdaman buhat ng mga kaugalian ng pamumuhay o mga emosyonal na mga isyu, gaya ng mga karamdaman sa ugat, mga kondisyon sa pag-iisip o mga sakit ng mga lamang-loob—mayroong mga kaukulang halaman upang gamutin ang lahat ng ito. Mayroong mga halaman na nagpapabuti ng daloy ng dugo upang tanggalin ang pagwawalang-kilos, tanggalin ang sakit, pigilin ang pagdudugo, magbigay ng pampamanhid, tulungan ang mga tao na mabawi ang normal na balat, alisin ang pagbara ng dugo sa katawan, at alisin ang mga lason mula sa katawan. Sa madaling salita, ang lahat ng ito ay maaaring gamitin sa pang-araw-araw na buhay. May gamit ang mga ito sa mga tao at inihanda ang mga ito ng Diyos para sa katawan ng tao sakaling kailanganin. Ang ilan sa mga ito ay pinahintulutan ng Diyos na hindi sinasadyang matuklasan ng tao, habang ang iba ay natuklasan mula sa ilang espesyal na mga kababalaghan o sa pamamagitan ng ilang tao na inihanda ng Diyos. Kasunod ng kanilang pagkakatuklas, ipapasa ito ng sangkatauhan, at sa gayon ay maraming tao ang makakaalam tungkol sa mga ito. Sa ganitong paraan, ang paglikha ng Diyos sa mga halamang ito ay may halaga at kahulugan. Samakatuwid, lahat ng bagay na ito ay mula sa Diyos at inihanda at itinanim noong lumikha Siya ng isang kapaligirang tinitirahan para sa sangkatauhan. Lahat ng bagay na ito ay lubos na kailangan. Ang mga konsiderasyon ba ng Diyos ay mas pinag-isipan nang mabuti kaysa sa inisip ng sangkatauhan? Kapag iyong nakikita ang lahat ng ginawa ng Diyos, nararamdaman mo ba ang praktikal na panig ng Diyos? Nagtrabaho nang palihim ang Diyos. Noong hindi pa dumarating ang tao sa mundong ito, bago makadaupang-palad ang sangkatauhang ito, nilikha na ng Diyos ang lahat ng ito. Ang lahat ng ginawa Niya ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, para sa kapakanan ng kaligtasan ng kanilang buhay, at para sa konsiderasyon ng pag-iral ng sangkatauhan, upang maaaring mamuhay ang sangkatauhan nang masaya sa mayaman at saganang materyal na mundong nilikha ng Diyos para sa kanila, nang hindi kailangang mag-alala tungkol sa pagkain o mga damit, at hindi magkulang sa kahit ano. Nagpapatuloy ang sangkatauhan na magparami at mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran.

Mayroon bang anumang ginagawa ang Diyos, hindi alintana kung ito ay isang malaki o maliit na bagay, na walang halaga o kahulugan? Lahat ng ginagawa Niya ay may halaga at kahulugan. Talakayin natin ito mula sa isang tanong na madalas pinag-uusapan ng mga tao. Maraming tao ang palaging nagtatanong: Ano ang nauna, ang manok o ang itlog? (Ang manok.) Paano mo sasagutin ito? Naunang dumating ang manok, sigurado iyan! Bakit naunang dumating ang manok? Bakit hindi maaaring ang itlog ang naunang dumating? Hindi ba’t ang manok ay nanggaling sa itlog? Ang mga itlog ay naglalabas ng mga manok, ang mga manok ay nagpapainit ng mga itlog. Matapos limliman ang itlog sa loob ng 21 araw, ang manok ay lalabas mula sa itlog. Ang manok na iyon kalaunan ay mangingitlog, at mga manok ulit ang lalabas mula sa mga itlog. Kung gayon, ang manok ba o ang itlog ang naunang dumating? Inyong sinagot na "manok" nang may kasiguraduhan. Bakit kaya iyon? (Sinasabi ng Biblia na nilikha ng Diyos ang mga ibon at mga hayop.) Ito ay ayon sa Biblia. Nais Kong pag-usapan ninyo ang tungkol sa inyong sariling pagkakaalam upang makita kung mayroon ba kayong anumang aktuwal na pagkakaalam sa mga kilos ng Diyos. Sigurado ba kayo sa inyong sagot o hindi? (Nilikha ng Diyos ang manok, at ibinigay dito ang kakayahan na muling lumikha ng buhay-ang kakayahan na limliman ang mga itlog, at ang kakayahan upang ituloy ang buhay.) Ang paliwanag na ito ay tama. Mayroon bang mga kapatid na may opinyon? Malayang makipag-usap. Ito ang tahanan ng Diyos. Ito ang simbahan. Kung kayo ay mayroong sasabihin, sabihin ito. (Ito ang aking iniisip: Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at lahat ng Kanyang nilikha ay mabuti at perpekto. Ang manok ay isang organikong nilalang at may mga tungkuling pagpapalahi at paglilimlim sa mga itlog. Ito ay perpekto. Kung gayon, naunang dumating ang manok, at saka ang itlog. Iyon ang pagkakasunod.) Ang manok ang unang dumating. Ito ay sigurado. Ito ay hindi isang napakalalim na misteryo, ngunit ang mga tao sa mundo ay nakikita ito bilang napakalalim at gumagamit ng pilosopiya para sa kanilang pangangatwiran. Sa katapusan, wala pa rin silang konklusyon. Ito ay katulad lang ng mga taong hindi alam na ang manok ay nilikha ng Diyos. Hindi alam ng mga tao ang prinsipyong ito ni hindi sila maliwanag kung ang itlog o ang manok ang dapat na mauna. Hindi nila alam kung ano ang dapat na mauna, kaya palaging wala silang kakayahang hanapin ang kasagutan. Ito ay napakanormal na ang manok ang nauna. Kung ang itlog ang nauna bago ang manok, iyon ay magiging abnormal! Siguradong ang manok ang naunang dumating. Ito ay isang napakasimpleng bagay. Hindi ninyo kinakailangan na maging masyadong maalam. Nilikha ng Diyos ang lahat ng ito. Ang Kanyang pangunang pakay ay upang matamasa ito ng tao. Kapag mayroon nang manok, natural na dumarating ang itlog. Hindi ba iyon halata? Kung ang itlog ang unang nilikha, hindi ba nito kakailanganin pa ang manok upang limliman ito? Ang paglikha nang direkta sa manok ay mas madali. Ang manok ay kayang mangitlog at limliman rin ang mga batang sisiw, habang maaaring kainin rin ng tao ang manok. Hindi ba ito napakaginhawa? Ang paraan na ginagawa ng Diyos ang mga bagay ay maikli at malinaw at hindi mahirap. Saan ba nanggagaling ang itlog? Nanggagaling ito sa manok. Walang itlog kung wala ang manok. Ang nilikha ng Diyos ay isang bagay na nabubuhay! Ang sangkatauhan ay balintuna at katawa-tawa, palaging nasasangkot sa mga simpleng bagay na ito, at sa katapusan ay nagkakaroon ng isang bungkos na walang katotohanang mga kasinungalingan. Masyadong parang bata! Ang kaugnayan sa pagitan ng itlog at ng manok ay malinaw: Ang manok ang naunang dumating. Iyon ang pinakatamang paliwanag, ang pinakatamang paraan upang maunawaan ito, at ang pinakatamang sagot. Tama ito.

Ano ang kakatapos nating pinag-usapan? Noong una, ating pinag-usapan ang tungkol sa kapaligirang kinabubuhayan ng sangkatauhan at ano ang ginawa ng Diyos, inihanda, at nakitungo ang Diyos para sa kapaligirang ito, pati na rin ang mga kaugnayan sa pagitan ng lahat ng bagay na inihanda para sa sangkatauhan at kung paano nakitungo ang Diyos sa mga kaugnayang ito upang maiwasan ang lahat ng bagay mula sa pagdudulot ng pinsala sa sangkatauhan. Inayos din ng Diyos ang mga negatibong epekto sa kapaligiran ng sangkatauhan na dulot ng iba’t ibang mga elemento na dala ng lahat ng bagay, pinahintulutan ang lahat ng bagay na itodo ang kanilang mga tungkulin, at dinala sa sangkatauhan ang isang mainam na kapaligiran at lahat ng kapaki-pakinabang na mga elemento, hinahayaan ang sangkatauhan na umangkop sa nasabing kapaligiran at ipagpatuloy ng normal ang ikot ng pagpaparami at ng buhay. Ang sumunod ay ang pagkain na kailangan ng katawan ng tao—pang-araw-araw na pagkain at inumin. Mahalaga rin itong kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Ibig sabihin, ang katawan ng tao ay hindi kayang mamuhay lamang sa pamamagitan ng paghinga, nang may sinag ng araw o hangin lamang, o may angkop lamang na mga temperatura. Kailangan rin nilang punan ang kanilang mga sikmura. Ang mga bagay na ito upang punan ang kanilang mga sikmura ay buo ring inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan—ito ang pinanggagalingan ng pagkain ng sangkatauhan. Matapos makita ang mga mayaman at masaganang ani—ang mga pinagmulan ng pagkain at inumin ng sangkatauhan—maaari mo bang sabihin na ang Diyos ang pinagmumulan ng panustos para sa sangkatauhan at ng lahat ng bagay? Kung nilikha lamang ng Diyos ang mga puno at damo o iba't ibang mga bagay na may buhay noong nilikha Niya ang lahat ng bagay, kung itong mga iba’t ibang bagay na may buhay at mga halaman ay para lamang makain ng lahat ng baka at mga tupa, o para sa mga zebra, mga usa, at iba’t ibang mga uri ng hayop (halimbawa, kumakain ang mga leon ng mga bagay gaya ng mga zebra at usa, at ang mga tigre ay kumakain ng mga bagay gaya ng mga tupa at mga baboy) ngunit walang isang bagay na angkop upang kainin ng tao, ito ba ay uubra? Hindi ito uubra. Hindi magagawang makapagpatuloy ang sangkatauhan na mamuhay nang ligtas. Ano kaya kung ang mga tao ay kumakain lamang ng mga dahon mula sa puno? Ito ba ay uubra? Maaari bang kainin ng mga tao ang damo na inihanda para sa mga tupa? Siguro ay ayos lamang kung susubukan nila nang kaunti, ngunit kung patuloy nilang kainin ito nang matagalan, hindi makakaya ito ng mga tiyan ng tao at hindi sila magtatagal. At may ilan pang bagay na maaaring kainin ng mga hayop, ngunit kung ang mga tao ang kakain ng mga ito, sila ay malalason. Mayroong ilang nakakalasong bagay na maaaring kainin ng mga hayop nang hindi naaapektuhan ang mga ito, ngunit hindi ito kayang gawin ng mga tao. Sa ibang salita, nilikha ng Diyos ang mga tao, kaya alam ng Diyos nang pinakamabuti ang mga prinsipyo at istraktura ng katawan ng tao at ano ang kailangan ng tao. Siguradong-sigurado ang Diyos sa komposisyon at nilalaman nito, ano ang kailangan nito, gayon na rin kung paano gumagana ang mga lamang-loob ng tao, sumisipsip, aalisin, at nagpoproseso ng pagkain. Hindi malinaw ang mga tao dito at minsan ay kumakain at nagdadagdag nang hindi nag-iisip. Nagdadagdag sila nang sobra at nagdudulot ng kawalang-balanse. Kung kakainin mo at tatamasahin ang mga bagay na ito na inihanda ng Diyos para sa iyo nang normal, walang magiging mali sa iyo. Kahit na minsan ikaw ay nasa masamang kundisyon at mayroong pagbara ng dugo, hindi ito mahalaga. Kailangan mo lamang kumain ng isang partikular na uri ng halaman at ang pagbara ay mawawala. Inihanda ng Diyos ang lahat ng bagay na ito. Kaya, sa mga mata ng Diyos, ang sangkatauhan ay napakataas sa anumang bagay na may buhay. Inihanda ng Diyos ang mga matitirahang kapaligirang para sa lahat ng uri ng halaman at naghanda ng pagkain at kapaligirang titirahan para sa lahat ng klase ng mga hayop, ngunit ang mga pangangailangan lamang ng sangkatauhan tungo sa kanilang sariling kapaligirang tinitirahan ang pinakamahigpit at hindi pinaka-nakukusinti ang kapabayaan. Kung hindi, ang sangkatauhan ay hindi makapagpapatuloy na umunlad at magparami at mamuhay nang normal. Alam na alam ito ng Diyos sa Kanyang puso. Noong ginawa ng Diyos ang bagay na ito, naglagay Siya ng mas higit na kahalagahan dito kaysa anumang bagay. Marahil ikaw ay walang kakayahang maramdaman ang kahalagahan ng ilang walang-halagang bagay na iyong nakikita at natatamasa, o isang bagay na sa iyong tingin ay ipinanganak ka kasama ito at matatamasa, ngunit sa lihim, o marahil matagal ng panahon ang lumipas, inihanda ng Diyos ito para sa iyo sa pamamagitan ng Kanyang karunungan. Naalis ng Diyos at nalutas sa pinakamalawak na posibleng saklaw ang lahat ng negatibong kadahilanan na hindi kanais-nais sa sangkatauhan at maaaring makapinsala sa katawan ng tao. Ano ang nililinaw nito? Nililinaw ba nito ang saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan noong nilikha Niya ang mga ito sa panahon ngayon? Ano ang saloobin na iyon? Ang saloobin ng Diyos ay mahigpit at seryoso, at hindi Niya kinunsinti ang mga panghihimasok ng anumang kadahilanan o mga kalagayan o anumang pwersa ng kaaway maliban sa Diyos. Mula rito, makikita mo ang saloobin ng Diyos noong nilikha Niya ang sangkatauhan at sa pamamahala Niya sa sangkatauhan sa panahon ngayon. Ano ang saloobin ng Diyos? Sa pamamagitan ng mga tinitirahan at ligtas na mga kapaligirang tinatamasa ng sangkatauhan pati na rin ang kanilang pang-araw-araw na pagkain at inumin at pang-araw-araw na pangangailangan, makikita natin ang saloobin ng Diyos na pagiging responsable tungo sa sangkatauhan na taglay Niya mula noong nilikha Niya sila, pati na rin ang determinasyon ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan sa panahon ngayon. Maaari ba nating makita ang pagiging totoo ng Diyos sa pamamagitan ng mga bagay na ito? Kaya ba nating makita ang pagiging kamangha-mangha ng Diyos? Nakikita ba natin ang pagiging di-maarok ng Diyos? Nakikita ba natin ang kapangyarihan ng Diyos? Ginagamit lamang ng Diyos ang Kanyang makapangyarihan sa lahat at matalinong mga paraan upang tustusan ang buong sangkatauhan, pati na rin tustusan ang lahat ng bagay. Tungkol dito, matapos Kong magwika nang napakarami, kaya ba ninyong sabihin na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay? (Oo.) Ito ay may kasiguraduhan. Mayroon ba kayong anumang pagdududa? (Wala.) Ang pagtustos ng Diyos sa lahat ng bagay ay sapat upang ipakita na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay, dahil Siya ang pinanggagalingan ng pagtustos na nagbigay ng kakayahan sa lahat ng bagay na umiral, mamuhay, magpakarami, at magpatuloy. Bukod sa Diyos wala nang iba. Tinutustusan ng Diyos ang lahat ng pangangailangan ng lahat ng bagay at lahat ng pangangailangan ng sangkatauhan, kahit pa ito ang pinakapangunahing kapaligirang tinitirahan ng mga tao, ano ang kailangan ng mga tao araw-araw, o ang pagtustos ng katotohanan sa mga kaluluwa ng mga tao. Mula sa lahat ng perspektibo, pagdating sa pagkakakilanlan ng Diyos at sa Kanyang katayuan para sa sangkatauhan, tanging ang Diyos Mismo ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng bagay. Tama ba ito? (Oo.) Ibig sabihin, ang Diyos ang Hari, Panginoon, at Tagapagtustos ng materyal na mundong ito na kayang makita ng mga tao sa kanilang mga mata at maaaring maramdaman. Para sa sangkatauhan, hindi ba ito ang pagkakakilanlan ng Diyos? Ito ay ganap na totoo. Kung kaya kapag nakakita ka ng mga ibong lumilipad sa langit, dapat mong malaman na nilikha ng Diyos ang mga bagay na kayang lumipad. Ngunit mayroong mga bagay na may buhay na lumalangoy sa tubig, at namumuhay rin sila nang ligtas sa maraming paraan. Ang mga puno at halaman na nanirahan sa lupa ay umuusbong sa tagsibol at namumunga ng prutas at nalalagasan ng mga dahon sa taglagas, at pagsapit ng taglamig ang lahat ng mga dahon ay nalaglag na at sumailalim sa taglamig. Iyon ang paraan ng mga ito upang mabuhay. Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, bawat isa ay namumuhay sa pamamagitan ng iba’t ibang mga anyo at iba’t ibang mga paraan at gumagamit ng iba’t ibang mga pamamaraan upang ipakita ang kapangyarihan nito at anyo ng buhay. Hindi alintana kung anumang pamamaraan, lahat ng ito ay sa ilalim ng pamamahala ng Diyos. Ano ang layon ng pamumuno ng Diyos sa iba’t ibang anyo ng buhay at mga nabubuhay na nilalang? Ito ba ay para sa kapakanan ng pamumuhay ng sangkatauhan? (Oo.) Kinokontrol Niya ang lahat ng batas ng buhay para sa kapakanan ng pamumuhay ng sangkatauhan. Ipinapakita lamang nito kung gaano kahalaga ang pamumuhay ng sangkatauhan para sa Diyos.

Ang sangkatauhan bilang may kakayahang manirahan nang ligtas at magparami nang normal ay isa sa mga pinakamahalaga sa Diyos. Kung gayon, palagiang nagtutustos ang Diyos sa sangkatauhan at sa lahat ng bagay. Nagtutustos Siya sa lahat ng bagay sa iba’t ibang paraan, at sa ilalim ng mga pagkakataon ng pagpapanatili ng kaligtasan ng buhay ng lahat ng bagay, pinahihintulutan Niya ang sangkatauhan na magtuloy na sumulong upang panatilihin ang normal na pag-iral ng sangkatauhan. Ang mga ito ay ang dalawang aspetong ating pinag-uusapan ngayon. Ano ang dalawang aspetong ito? (Mula sa kabuuang perspektibo, nilikha ng Diyos ang kapaligirang tirahan para sa sangkatauhan. Iyon ang unang aspeto. Gayon din, inihanda ng Diyos ang mga materyal na bagay na kailangan ng sangkatauhan at kayang makita at mahawakan.) Napag-usapan natin sa ating pangunahing paksa sa pamamagitan ng dalawang aspetong ito. Ano ang ating pangunahing paksa? (Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay.) Dapat kang magtaglay ngayon ng kaunting pagkakaunawa kung bakit Aking tinatalakay ang nilalamang ito sa ilalim ng paksang ito. Mayroon na bang naging pagtalakay na hindi kaugnay ng pangunahing paksa? Wala, tama? Marahil pagkatapos na marinig ang mga bagay na ito, ang ilan sa inyo ay nagkakaroon ng kaunting pagkakaunawa at nararamdaman na ang mga salitang ito ay lubos na mahalaga, ngunit ang iba ay maaaring magkaroon lamang ng kaunting literal na pagkakaunawa at maramdaman na ang mga salitang ito ay hindi mahalaga. Kahit na paano ang pagkaunawa ninyo dito ngayon, sa tagal ng inyong karanasan darating ang araw na ang inyong pagkakaunawa ay darating sa isang punto, iyon ay, kapag ang inyong pagkakakilala sa mga kilos ng Diyos at Diyos Mismo ay umaabot sa isang tiyak na punto, gagamitin ninyo ang inyong sariling mga praktikal na mga salita upang ihatid ang isang napakalalim at totoong patotoo ng mga kilos ng Diyos.

Sa palagay Ko ang inyong pagkakaunawa ngayon ay simple pa rin at literal, ngunit kaya ba ninyong kahit, matapos makinig sa Akin ay makapagsabi ng tungkol sa dalawang aspetong ito, mapagtanto kung anong mga pamamaraan ang ginamit ng Diyos upang matustusan ang sangkatauhan o ano ang mga bagay na tinutustos ng Diyos sa sangkatauhan? Mayroon ba kayong pangunahing konsepto pati na rin pangunahing pagkakaunawa? (Oo.) Ngunit ang dalawang aspeto bang ito na Aking tinalakay ay kaugnay sa Biblia? (Hindi.) Ang mga ito ba ay kaugnay sa paghatol ng Diyos at pagkastigo sa Kapanahunan ng Kaharian? (Hindi.) Kung gayon bakit Ko pinag-usapan ang dalawang aspetong ito? Ito ba ay dahil kailangang maunawaan ng mga tao ang mga ito upang makilala ang Diyos? (Oo.) Ito ay napakahalaga na malaman ang mga ito at napakahalaga rin nito upang maunawaan ang mga ito. Huwag lamang maging limitado sa Biblia, at huwag lamang maging limitado sa paghatol ng Diyos at pagkastigo sa tao upang maunawaan ang lahat tungkol sa Diyos. Ano ang layon sa likod ng pagsasabi Ko nito? Ito ay upang hayaan ang mga taong malaman na ang Diyos ay hindi lamang basta ang Diyos ng Kanyang hinirang na mga tao. Kasalukuyan mong sinusundan ang Diyos, at Siya ang iyong Diyos, ngunit para sa mga nasa labas ng mga tao na sumusunod sa Diyos, ang Diyos ba ang kanilang Diyos? Ang Diyos ba ang Diyos ng lahat ng tao sa labas ng mga sumusunod sa Kanya? Ang Diyos ba ang Diyos ng lahat ng bagay? (Oo.) Kung gayon, ginagawa ba ng Diyos ang Kanyang gawain at ginagampanan lamang ang Kanyang mga kilos sa mga sumusunod sa Kanya? (Hindi.) Ano ang saklaw nito? Mula sa maliitang perspektibo, ang saklaw nito ay ang buong sangkatauhan at lahat ng bagay. Mula sa malakihang perspektibo, ito ang buong sansinukob. Kaya maaari nating sabihin na ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain at ipinapamalas ang Kanyang mga gawa sa buong sangkatauhan. Ito ay sapat upang hayaang malaman ng mga tao ang lahat tungkol sa Diyos Mismo. Kung gusto mong makilala ang Diyos at tunay na makilala at maunawaan Siya, kung gayon ay huwag lamang maging limitado sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, at huwag lamang maging limitado sa mga kuwento ng gawain ng Diyos na minsan Niyang ginampanan. Kung iyong susubukang makilala Siya sa ganoong paraan, kung gayon ay ikinukulong mo ang Diyos sa isang partikular na limitasyon. Nakikita mo ang Diyos bilang masyadong hindi mahalaga. Anong mga impluwensya ang dinadala sa iyo ng ganitong mga pangyayari? Hindi mo kailanman magagawang makilala ang pagiging kahanga-hanga at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at hindi mo kailanman magagawang makilala ang lakas at walang hanggang kapangyarihan ng Diyos at ang saklaw ng Kanyang awtoridad. Ang nasabing pagkaunawa ay makakaapekto sa iyong kakayahan na matanggap ang katotohanan na ang Diyos ang Hari ng lahat ng bagay, pati na rin ang iyong kaalaman ng tunay na pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Sa madaling sabi, kung ang iyong pagkakaunawa sa Diyos ay limitado sa saklaw, ang iyong maaaring matanggap ay limitado rin. Kaya dapat mong lawakan ang saklaw at buksan ang iyong mga abot-tanaw. Maging ito ay ang saklaw ng gawain ng Diyos, pamamahala ng Diyos, at pamumuno ng Diyos, o lahat ng bagay na pinamunuan at pinamahalaan ng Diyos, dapat mong malaman ang lahat ng ito at makilala ang mga kilos ng Diyos na nakapaloob doon. Sa pamamagitan ng nasabing paraan ng pang-unawa, mararamdaman mo nang hindi sinasadya na ang Diyos ay namumuno, namamahala at nagtutustos ng lahat ng bagay sa mga ito. Sa parehong panahon, tunay mo ring mararamdaman na ikaw ay isang bahagi ng lahat ng bagay at isa sa lahat ng bagay. Habang nagtutustos ang Diyos ng lahat ng bagay, tinatanggap mo rin ang pamumuno at pagtutustos ng Diyos. Ito ay isang katotohanan na walang sinuman ang makakapagkaila. Lahat ng bagay ay sasailalim sa mga sarili nitong batas, na nasa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at ang lahat ng bagay ay mayroong sarili nitong tuntunin ng pamumuhay nang ligtas, na nasa ilalim din ng pamumuno ng Diyos, habang ang kapalaran ng sangkatauhan at ang kanilang kailangan ay malapit na ring kaugnay sa pamumuno ng Diyos at Kanyang pagtutustos. Kaya naman, sa ilalim ng kapamahalaan at pamumuno ng Diyos, ang sangkatauhan at ang lahat ng bagay ay magkakaugnay, nagtutulungan, at magkakahabi. Ito ang layon at kahalagahan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay. Nauunawaan mo na ba ito ngayon? (Oo.) Kung iyong nauunawaan, kung gayon tapusin na natin ang ating pag-uusap dito ngayong araw. Paalam! (Salamat sa Diyos!)

Mula sa:  Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)



                            Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento