Katanyagan at Pera - Mga Pagpapala ng Diyos: Hindi na Alipin ng Pera, Tunay na Ako’y Pinalaya

katotohanan, Pag-ibig ng Diyos, Ebanghelyo, Panginoon, pag-asa,

Mga Pagpapala ng Diyos: Hindi na Alipin ng Pera, Tunay na Ako’y Pinalaya


Ni Bong, Pilipinas

Gusto Kong Maging Mayaman

"Punong-guro, pakiusap bigyan ng isang pagkakataon ang aking anak at hayaan siyang makapagsulit!" Nakikiusap ang mga mata ng nanay ko sa punong-guro habang nagsasalita siya sa isang bahagyang nanginginig na tinig.

Hindi natitinag, sinabi ng punong-guro, "Hindi, ang paaralan ay may mga patakaran. Makapagsusulit lang ang bata kapag nabayaran na ang singil sa pagsusulit!"

Mukhang napahiya ang nanay ko at nakiusap sa punong-guro, na sinasabi, "Punong-guro, alam ko na napakahirap nito para sa iyo at gayundin sa paaralan, ngunit napakarami kong anak at kami ay nakakaraos din lang. Hindi talaga namin makakaya ang bayad sa pagsusulit. Halimbawa ay susulat ako sa paaralan ng IOU, hahayaan ninyong makapagsulit ang aking anak, at iisip ako ng paraan upang mabayaran kayo sa lalong madaling panahon…."

Tumingin ang punong-guro sa nanay ko at saglit na nag-isip. Tila wala siyang ibang mapagpipilian, sinabi niya, "OK, sige!"

…………

Hindi ko kailanman malilimutan ang sandaling lumipat ako sa senior middle school nang, dahil sa hindi makaya ng aking pamilya ang bayad sa pagsusulit, pinakiusapan ng nanay ko ang punong-guro ng paaralan para hayaan akong makapagsulit at kinailangan niyang sumulat ng IOU. Nakadama ako ng sobrang galit sa panahong iyon. Sa lipunang ito kung saan ang pera ay nakapangingibabaw, kung wala kang pera hindi ka kung gayon makagagawa ng anuman, at tahimik akong gumawa ng isang pagpapasya: Paglaki ko, magtatrabaho ako nang husto upang kumita ng pera, magiging mayaman at babaguhin ang aking sariling kapalaran!

Isang Buhay ng Pagsasakripisyo sa Kalusugan para sa Pera
Pagkatapos ko sa senior middle school, upang matupad ang aking mga pangarap sa lalong madaling panahon na aking makakaya, pumasok ako sa isang vocational school at nag-aral ng pagmemekaniko, nagtrabaho ako nang husto upang mapag-aralan ang kaalamang espesyalista. Kapag lumalabas ang aking mga kaklase upang gugulin ang kanilang bakanteng oras sa maghapon, naroroon pa rin ako na pinag-aaralan ang mga kasanayang pangmakina; kapag natutulog na ang lahat, nananatili akong gising at nag-aaral nang husto.

Nang ako ay makapagtapos, nagpunta ako sa Maynila upang paunlarin ang aking mga kasanayan. Sapagkat wala akong koneksyon at ang aking diploma ay hindi galing sa isang kilalang paaralan, gayunpaman, kapag ako ay nagpiprisinta para sa trabaho, walang kumukuha sa akin. Dama ko na wala akong mapagpipilian kundi ang magtrabaho sa kumpanya sa pagmemekaniko ng aking tiyuhin. Upang kumita ng pera, nagkukumpuni ako ng mga kotse at tinutulungan ang aking tiyuhin na itala ang kanyang mga kuwenta. Nagtrabaho ako araw-araw mula bukang-liwayway hanggang takipsilim, at madalas magtatrabaho pa rin ako ng lampas sa oras kapag ang ibang tao ay nakatapos at nakauwi na.

Nang ako ay mag-asawa, nagkaroon ako ng tatlong anak. Ayaw kong maging mahirap ang aking mga anak kagaya ng aking nadaanan, at kaya lalo pa akong ngtrabaho nang husto. Nagtatrabaho ako araw-araw mula 7 am hanggang 7 pm, at pagkatapos ng trabaho nagmamaneho ako ng de-kuryenteng tuk-tuk, inihahatid ang mga tao sa paligid upang magkaroon ng dagdag na kita. Nakakauwi rin ako sa wakas mga bandang alas dos ng umaga at natutulog lang ng mga tatlo o apat na oras gabi-gabi. Hindi lamang iyon, ginamit ko pa ang apat na araw na pahingang mayroon ako kada buwan upang magtrabaho sa gabi bilang isang tsuper ng taksi upang makadagdag sa kita. Bagamat ako ay mananampalataya na sa Panginoon, dumadalo lang ako sa mga pagkakatipon kapag mayroon akong bakanteng oras sa puntong iyon at minsan dama ko na may pagkakautang ako sa Panginoon, ngunit nang makita ko na ang aking pamilya ay hindi nabubuhay nang mariwasa, magsisimula ulit akong magtrabaho talaga nang husto upang kumita ng pera.

Pagkatapos ng ilang taon ng pagtatrabaho nang husto, nagawa kong makabili ng bahay at kotse sa wakas. Ang hindi lang nakakatuwa, gayunpaman, ay ang, nagtatrabaho ako sa gabi sa loob ng mahabang panahon at pinagod ko nang husto ang aking sarili, nagkaroon ako ng alta presyon. Sinabi ng doktor na magpagamot ako at huwag nang paguring masyado ang aking sarili. Naisip ko sa aking sarili: "Hindi na ako malusog at kung hindi na ako kikita kahit kaunting pera sa hinaharap, nangangahulugan ba iyon na ang aking pag-asa na maging mayaman ay naglaho na ngayon?" Sa pag-iisip nito, nalungkot ako nang husto. Ayaw kong sumuko nang gayon lamang, gayunpaman, kaya nagpagamot ako at ipinagpatuloy ang pagkita ng pera sa araw at gabi. Nang maramdaman ko na hindi na talaga malusog ang aking katawan saka lamang ako napilitang maglagi sa bahay at huwag ng ilabas ang kotse. Ngunit sa bawat pagkakataon na nagpapahinga ako, nakita ko bumaba ang kita ko at hindi na ako sa gayon magpapahinga, kaya pinagtiisan ko ang aking sakit at nagpatuloy sa pagmamaneho. Sa bandang huli, lumala ang aking sakit at nanghina ako nang husto na hindi na ako makapagtrabaho. Wala akong magawa kundi ang tumigil sa trabaho at magpahinga, at umasa sa pag-inom ng gamot upang mapanatili ang aking lakas …

Naririnig Ko ang Pagtawag ng Diyos
Isang araw noong Hunyo, 2016, dumating si Pastor Jess at ang kanyang asawa upang makita kami. Sinabi nila na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, at na Siya ay nagsasagawa ng isang bagong yugto ng gawain. Sinabi nila na ginampanan ni Jesus ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya at na, bagamat ang ating mga kasalanan ay inako na ng Panginoon, sapagkat tayo ay pinasama nang husto ni Satanas, ang ating makasalanan at mala-satanas na kalikasan ay nanatiling nakaugat nang malalim sa loob natin. Sa ilalim ng pagdodomina ng ating makasalanang kalikasan, sinabi nila, madalas nating nagagawang magkasala at lumaban sa Diyos, at tayo ay ikinulong at hinihigpitan ng kasalanan. Dahil sa ating mga pangangailangan bilang masamang sangkatauhan, sa mga huling araw ang Diyos ay muling naging tao upang gampanan ang isang yugto ng gawain ng paghatol at paglilinis sa tao sa pamamagitan ng mga salita, at ang yugto ng gawaing ito ay ginagampanan sa ibabaw ng saligan ng gawain ng pagtubos. Ang Diyos ay dumating upang ganap tayong iligtas mula sa mga gapos ng kasalanan, at ito sa kabuuan ay ang katuparan ng hula sa Biblia "Pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios" (1 Pedro 4:17).

Pagkarinig sa pagbabahagi ni Pastor Jess, ang aking puso ay naantig nang husto. Naisip ko kung paano, sa kabila ng paniniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon, hindi ko kailanman naitakwil ang mga gapos ng kasalanan, bagkus ay sinusunod pa rin ang mga kalakarang panlipunan at hinahangad ang isang buhay ng materyal na kaginhawaan…. Paminsan-minsan, dama ko na may pagkakautang ako sa Panginoon, ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili—nakagawa talaga ako ng kasalanan na nakaugat nang malalim sa akin! Habang ako ay nakikinig, lalo kong nadama na si Pastor Jessay galing sa Diyos, at kaya ako ay nagpasya na makinig sa kanya nang masikap. Nagpatotoo kinalaunan si Pastor Jess sa akin ukol sa gawain ng nagbalik na Panginoong Jesus—Makapangyarihang Diyos—at ibinahagi niya sa amin ang mga aspeto ng katotohanan kagaya ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, ang hiwaga ng pagkakatawang-tao, kung paano ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw upang linisin at baguhin ang tao at kung paano pinagpapasyahan ng Diyos ang huling hantungan ng sangkatauhan. Natiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at masaya naming tinanggap na mag-asawa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw.

Katatanggap ko pa lamang sa gawain ng Diyos ng mga huling araw, dumalo ako nang buong sigasig sa mga pagkakatipon, magbabasa ako ng mga salita ng Diyos sa bawat may pagkakataon ako, dama ko na napakalapit ko sa Diyos at ang kalagayan ng aking espiritu ay pabuti nang pabuti. Ngunit pagkatapos lamang ng ilang panahon, naisip ko na dapat simulan ko na kaagad ang pagkita ng pera. Hindi maaari na wala akong pera, kaya nagsimula akong muli na magtrabaho nang husto. Minsan, ang aking trabaho ay sumasabay sa aking mga pagdalo sa pagkakatipon sa iglesia at pipiliin ko sa halip ang kumita ng pera, kaya papalya-palya ang pagdalo ko sa mga pagkakatipon. Ang aking asawa at mga kapatid sa iglesia ay nagbahagi sa akin ng maraming beses, sinasabi na ang gawain ng mga huling araw ay ang panghuling yugto ng gawain ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Kailangan nating magtuon ng pansin sa paghahangad sa katotohanan, sabi nila, ang kasiyahang pisikal ay walang laman, na hindi sapat ang magkaroon ng pagkain at kasuotan, at na mainam ang magtrabaho sa normal na oras na lang. Sinabihan nila ako na huwag hangarin nang husto ang kayamanan at ang mga kasiyahang materyal na hindi na ako magkakaroon pa ng oras upang dumalo sa mga pagkakatipon, sapagkat malamang na mawawalan ako ng pag-asa kung gayon na makamit ang katotohanan. Subalit ang aking puso ay inokupahan na ng pera at hindi ko talaga pinansin ang sinabi ng aking mga kapatid; nagpatuloy ako sa pagtatrabaho nang husto para kumita ng pera.

Pagkatapos, nagtrabaho ako sa kumpanya ng aking tiyuhin sa araw at minamaneho ang aking kotse sa gabi upang magkaroon ng dagdag na kita. Isang buwan ang lumipas sa ganitong paraan, pagkatapos ay dalawang buwan, pagkatapos ay tatlo…. Upang kumita ng pera, madalas akong naging abala at nagmamadali. Sa panahong ito, magkakaroon ng problema ang aking kotse halos araw-araw, gayunma’y hindi ako kailanman nanalangin sa Diyos o sumuko sa aking espiritu para magbulay-bulay sa sarili upang matuklasan ang kadahilanan. Isang pagkakataon kinalaunan, ilalabas ko na sana ang aking kotse nang tumirik ang makina. Sa pag-iisip na ang gayong katinding pagtirik ay hindi kaagad makukumpuni, bumalik ako sa bahay. Habang naglalakad ako pauwi, hindi ko maiwasang magtaka: "Buhat ng simulan kong maging abala sa pagkita ng pera, hindi ako nakadadalo sa mga panayang pagkakatipon, at nadadama ko na palayo ako nang palayo sa Diyos. Araw-araw, ang aking ulo ay puno ng mga isipin kung paano kumita ng mas maraming pera at kung paano isabuhay ang isang mas mainam na materyal na buhay. Hindi ko kailanman naisip kung paano ako makadadalo sa mga pagkakatipon o kung paano ako lalong makapagbabasa ng mga salita ng Diyos at mauunawaan ang mas maraming katotohanan. Ang makina ng aking kotse ay biglang nasira ngayon—maaari kayang ang kalooban ng diyos ang nasa likod nito?"

Inakay Ako ng mga Salita ng Diyos upang Makita ang Pamiminsala ni Satanas
Pagkauwi sa bahay, nakita ko na wala doon ang aking asawa, kaya nagpunta ako sa simbahan upang hanapin siya. Nangyari nga na nakita ko ang dalawang kapatid na babae at, nang malaman nila na nagkaroon ng problema ang aking kotse, nagbahagi sila sa akin, na sinasabi, "Kapatid, ikaw ay isang Kristiyano, at kapag ikaw ay nakasasagupa ng mga usapin dapat mong tanggapin ang mga ito mula sa Diyos! Madalas kang magtrabaho nang husto upang kumita ng pera pansamantala ngayon, hindi ka nakadadalo nang panayan sa mga pagkakatipon at ang iyong puso ay palayo nang palayo sa Diyos. Ang iyong kotse ay tumirik ngayon at ang mabuting kalooban ng Diyos ang nasa likod nito. Dapat mong patahimikin ang iyon puso at masikap na maghangad. Mag-isip nang mabuti: Ang pera ba ay kinikita dahil gusto nating kitain ito? May kakayahan ba talaga tayo na kontrolin ang ating mga kapalaran? Kung nauunawaan natin ang mga katanungang ito, kung gayon malalaman natin kung anong pakikitungo ang gagamitin sa pera." Hiniling nila sa akin pagkatapos na magbasa ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: "Ang kapalaran ng tao ay nasa pagpigil ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Sa kabila ng parating pagmamadali at pag-aabala para sa kanyang sarili, nananatiling walang kakayahan ang tao na kontrolin ang kanyang sarili. Kung kaya mong malaman ang iyong sariling mga pagkakataon, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, mananatili ka pa rin bang isang nilikha?" ("Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Matapos basahin ang siping ito, ang mga kapatid na babae ay nagbahagi sa akin pagkatapos sa aspeto ng katotohanan ng pagkakaroon ng kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng sangkatauhan. Pagkatapos kong makinig dito, dama ko na napuno ako ng lahat ng uri ng magkakaibang damdamin: "Oo," naisip ko. "Tayong mga tao ay mga nilalang ng Diyos, at ang ating kapalaran ay pinamamahalaan at kinokontrol ng Diyos. Itinatakda rin ng Diyos kung magkano ang kikitain natin sa habambuhay, ngunit hindi ko kinilala ang katunayan ng pagkakaroon ng kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng sangkatauhan, ngunit sa halip inisip ko na lang na kumita ng pera sa pamamagitan ng aking sariling pagsisikap, pinayayaman ang aking sarili, sinusubukang baguhin ang aking sariling kapalaran at nagsisikap na mapalaya ang aking sarili mula sa pamamahala ng Diyos—talagang ako ay lubos na mapaghimagsik at mapurol ang isip!" Nang ito ay mapagtanto ko, sinabi ko sa mga kapatid na babae, "Magbuhat ng tumigil ako sa panayang pagdalo sa mga pagkakatipon upang kumita ng pera, nagugol ko na ang lahat ng perang kinita ko sa pagmamaneho sa pagpapakumpuni sa kotse. Sa pagkakataong ito, ang pera na kailangan kong gugulin sa isang bagong makina ay ang lahat ng perang kinita ko sa nakalipas na tatlong buwan. Ito ang nagtulot sa akin upang tunay kong pahalagahan na hindi talaga natin makokontrol ang ating sariling kapalaran, at mabuhay man akong mahirap o mayaman o gaano mang pera ang mayroon ako ay hindi pinagpapasyahan lamang ng aking mga pansariling pagsisikap, bagkus ay pinagpapasyahan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang usapin ng pagtirik ng makina ng aking kotse ngayon upang udyukan akong bumalik sa harap Niya, upang ipakilala sa akin ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan upang hindi na ako mahirapang mag-isa. Dapat kong matutuhan kung paano sundin ang Diyos at unahin ko ang paghahangad sa katotohanan. Ang tanging tamang bagay na dapat gawin ay ang ipagkatiwala ang pagkita ng pera sa mga kamay ng Diyos!"

Pagkatapos akong marinig na sinasabi ito, ang isa sa mga kapatid na babae ay nagsabi, "Salamat sa Diyos! Kapatid, ang ikaw ay makarating sa gayong pagkaunawa sa usaping ito ay sa pamamagitan ng paggabay ng Diyos! Ngunit kung gusto nating ganap na kumawala mula sa mga gapos na pinasusuungan sa atin ng pera, dapat tayong magkaroon ng pagkakilala na may kinalaman sa mga paraan at mapanlinlang na mga pakanang ginagamit ni Satanas upang gamitin ang pera para pasamain at pinsalain tayo, dapat tayong magkamit ng ganap na pagkaunawa sa kasamaan at kahalayan ni Satanas at maunawaan ang napakaingat na pagsisikap na pinagdadaanan ng Diyos upang iligtas tayo. Magbasa tayo ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na may kaugnayan sa aspetong ito." Habang sinasabi niya ito, binasa ng kapatid na babae sa akin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: "'Pera ang nagpapaikot sa mundo’ ay isang pilosopiya ni Satanas at ito ay nananaig sa buong sangkatauhan, sa bawat lipunan ng mga tao. Maaari ninyong sabihin na ito ay isang kalakaran dahil ito ay ibinahagi sa lahat at ngayon ay nakatanim na sa kanilang puso. Nanggaling ang mga tao sa hindi pagtanggap ng kasabihang ito patungo sa pagkasanay dito upang kapag naranasan na nila ang tunay na buhay, unti-unti silang nagbibigay ng tahimik na pag-apruba rito, kinikilala ang pag-iral nito, at sa wakas, binigyan nila ito ng sarili nilang selyo ng pag-apruba. … Hindi ba ninyo nararamdaman na hindi ninyo kayang mamuhay nang ligtas sa mundong ito nang walang anumang salapi, na kahit isang araw ay imposible lamang? (Oo.) Ang estado ng mga tao ay base sa kung gaano karaming salapi ang mayroon sila bilang kanila ring pagiging kagalang-galang. Ang mga likod ng mahihirap ay nakayuko sa hiya, habang nagpapakasasa ang mga mayayaman sa kanilang mataas na estado. Nakatayo sila nang matuwid at mapagmataas, nagsasalita nang may kumpiyansa, at namumuhay nang may kahambugan. … Hanggang saang antas ka naapektuhan ng kasabihang ito? Maaari mong malaman ang tunay na daan, maaari mong malaman ang katotohanan, subalit ikaw ay walang kapangyarihang itaguyod ito. Maaari mong malaman nang malinaw ang salita ng Diyos, ngunit wala kang kusa na magbayad ng kabayaran nito, walang kusa na magdusa upang mabayaran ang kabayaran nito. Sa halip, mas gugustuhin mong isakripisyo ang iyong sariling kinabukasan at hantungan upang kalabanin ang Diyos hanggang sa katapusan. Anuman ang sabihin ng Diyos, anuman ang ginagawa ng Diyos, gaaano mo man mapagtanto na ang pag-ibig ng Diyos para sa iyo ay malalim at dakila, mananatili ka pa ring sutil habang nasa landas at nagbabayad ng kabayaran para sa kasabihang ito. Ibig sabihin, ang kasabihang ito ay kinokontrol na ang iyong pag-uugali at ang iyong mga kaisipan, at mas gugustuhin mong ang iyong kapalaran ay nakokontrol ng kasabihang ito kaysa isuko itong lahat. Ginagawa ito ng mga tao, sila ay nakokontrol ng kasabihang ito at namamanipula nito. Hindi ba ito ang epekto ng pagtiwali ni Satanas sa mga tao? Hindi ba ito ang pilosopiya at tiwaling disposisyon ni Satanas na nag-uugat sa iyong puso? Kung gagawin mo ito, hindi ba natamo ni Satanas ang kanyang layunin? (Oo.)" ("Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Matapos basahin ang siping ito, ang kapatid na babae ay nagbahagi, na sinasabi, "Malinaw na sinasabi ng mga salita ng Diyos ang tungkol sa pinakaugat kung bakit tayo ay sumasailalim sa mga gapos ng pera, at sinasabi ng mga ito sa atin ang seryosong kahihinatnan na naghihintay sa atin kung hahangarin natin ang pera. Pagkatapos akitin at pasamain ni Satanas ang sangkatauhan, ginamit ni Satanas ang lahat ng paraan ng mga pilosopiya at kasabihan kagaya ng ‘Nauuna ang pera,’ Ang Pera ay hindi ang pinakamahalagang bagay, ngunit kung wala ito, wala kang magagawang anuman,’ ‘Ang isang tao ay namamatay para sa pera; ang isang ibon ay namamatay para sa pagkain’ at "Ang pera ang nagpapaikot sa mundo’ upang linlangin at pasamain tayo. Pagkatapos tanggapin ang mga pilosopiya at kasabihang ito, itinuturing natin ang pera bilang mas mahalaga kaysa sa sinuman, naniniwala na magkakaroon lamang tayo ng matatag na puwang sa lipunan kung mayroon tayong pera, at sa gayon magagawa nating tamasahin ang isang mariwasang buhay. Nagpapakahirap at nagsisikap tayo kung gayon at nagtatrabaho nang husto upang kumita ng pera, at lalo tayong nagiging mas gahaman. Kapag mayroon tayong pera, gusto natin ng mas maraming pera, at tayo ay nalulugmok nang hindi namamalayan sa pagiging mga alipin ng pera. Ginugugol natin ang lahat ng ating panahon sa pagkita ng pera, inaabuso natin ang kalusugan ng ating katawan, at hindi natin hinahangad ang tunay na daan samantalang alam natin talaga na ito ang tunay na daan. Wala na tayong gana kung gayon na sambahin ang Diyos o hangaring isabuhay ang isang makabuluhang buhay. Mula rito, nakikita natin na ginagamit ni Satanas ang mga kasabihang ito sa buhay upang pasamain at pinsalain tayo, upang ganap tayong bitagin sa lambat nito, at sa gayon ay tutulutan tayong itatwa ang pag-iral ng Diyos, itatwa ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, layuan ang Diyos at pagtaksilan ang Diyos, at sumailalim nang husto sa kontrol nito at kulungin nito upang mawala natin ang pagliligtas ng Diyos—ito ang pangunahing layunin ni Satanas sa pagpapasama sa sangkatauhan. At gayunma’y wala tayong taglay na katotohanan at hindi natin naaaninag ang mga mapanlinlang na pakana ni Satanas, bagkus ginagawa lamang tau-tauhan. Habang ito ay nagpapatuloy, palayo tayo nang palayo sa Diyos, at kapag ang gawain ng Diyos ay nagwakas na magiging huling-huli na ang pagsisisi. Dapat nating pahalagahan ang pagkakataon na mayroon tayo ngayon para mailigtas ng Diyos! Bagamat pinipinsala at pinasasama tayo ni Satanas sa gayong mga paraan, ang Diyos ay palaging naroroon, tahimik na inililigtas tayo. Kapag tayo ay nabitag sa sapot ng pera at hindi makaalis, ginigising ng Diyos ang ating manhid na puso sa pamamagitan ng pakikitungo sa atin at sa pagdidisiplina sa atin, tinutulutan tayong magawang patahimikin ang ating mga puso at hangarin na maunawaan ang Kanyang kalooban. Kung wawariin, ang pagtirik ng iyong kotse ay parang isang masamang bagay, ngunit sa loob nito ay nakakubli ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos para sa iyo!"

Sa pamamagitan ng paghahayag ng mga salita ng Diyos at sa pagbabahagi ng aking kapatid na babae, naunawaan ko na rin na itinuring ko ang pera na napakahalaga, na nabigo akong alagaan ang aking sariling kalusugan para sa kapakanan ng pera at na nilayuan ko pa ang Diyos. Lumilitaw na ang lahat ng ito ay ang resulta ng pagpapasailalim sa mga gapos at pinsala ng mga kasabihan sa buhay ni Satanas, at naisip ko kung gaano ito katotoo. Sapagkat, nang ako ay bata pa, natikman ko ang pait ng hindi pagkakaroon ng pera at minamaliit ng iba, at natanggap ko ang mga pilosopiya at kasabihan ni Satanas, kagaya ng "Nauuna ang Pera" at "Ang Pera ay hindi ang pinakamahalagang bagay, ngunit kung wala ito, wala kang magagawang anuman," Naniniwala ako na malulutas ng pera ang anumang problema at nakagawa ako ng pagpapasya na maging mayaman, at kaya, gaano man kahirap o nakakapagod ang aking trabaho, hindi ako nag-alala kahit kaunti, kahit na napabayaan ko pa ang sarili kong kalusugan. Bukod diyan, pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, alam ko na ipinahahayag ng Diyos ang kanyang mga salita at ginagampanan ang Kanyang gawain ng paghatol upang linisin at baguhin ang tao, at sa bandang huli ay akayin ang tao sa kanilang magandang hantungan. Alam ko rin na ang yugto ng gawaing ito ay ang panghuling yugto ng gawain ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, at talagang napakahalaga nito sa pagtatamo natin ng kaligtasan. At gayunma’y hindi ko pinahalagahan ang pagliligtas ng Diyos, bagkus ay inisip lang talaga ang tungkol sa pagkita ng mas maraming pera at pagkakaroon ng tatamasahing magagandang materyal na bagay, at sa bandang huli hindi ko nagawang dumalo nang panayan sa mga pagkakatipon upang sumamba sa Diyos, at lumayo nang husto ang aking puso sa Diyos. Sa panahong ito, natulungan ako ng Diyos sa pamamagitan ng mga kapatid, at nabigyan Niya ako ng mga paalala sa pamamagitan ng madalas na pagkakaroon ng problema ng aking kotse, ngunit ni hindi ko napansin ang kalooban ng Diyos, bagkus ay sadyang kumilos sa aking sariling pagkukusa at naghimagsik laban sa Diyos. Hindi ba ito dulot lahat ng pananangan sa mga kasabihan sa buhay ni Satanas upang mabuhay? Kung hindi lang dahil sa pagtirik ng makina ng aking kotse, hindi sana ako magninilay at hahangarin ang kalooban ng Diyos. At hindi ko ba kung gayon mawawala ang aking pagkakataong matamo ang pagliligtas ng Diyos at gugugulin ang natitira kong buhay sa pagsisisi? Ako ay masyadong napinsala ng mga mala-satanas na pilosopiyang iyon! Salamat sa Diyos, sapagkat ang paggabay ng mga salita ng Diyos ang nagtulot na makita ko na ang mga pilosopiya at kasabihang iyon ay walang anuman kundi mga maling paniniwala na ang layon ay ang linlangin at gawing masama ang mga tao, at malinaw kong nakita ang napakasamang layunin ni Satanas para pasamain ang tao. Mula sa sandaling iyon, ayaw ko ng malinlang o maalipin pa ni Satanas, bagkus nais kong muling makabalik sa harap ng Diyos at makadalo nang masikap sa mga pagkakatipon, hangarin ang katotohanan at sambahin ang Diyos.

Kinalaunan, muli kong isinaayos ang aking oras: hahanap ako ng dalawang gabi kada lingo upang magtipon kasama ng mga kapatid upang magbahagi ng mga salita ng Diyos at, kapag hindi dumadalo sa mga pagkakatipon, maglalaan ako ng oras para basahin ang mga salita ng Diyos at bulayin ang katotohanan. Makalipas ang ilang panahon, naging maginhawa at payapa ang aking puso, naging lalong mas malapit ang aking kaugnayan sa Diyos, at ang lalo kong totoong ikinagulat ay nagsimulang gumaling ang aking karamdaman.

Nahihirapan Akong Makawala sa Gapos ng Pera at Nagawang Pahalagahan ang Awtoridad ng Diyos

Hindi nagtagal pagkatapos, sinubok ako ng Diyos. Isang araw, ang iglesia ay nagtakda ng isang tungkulin para sa akin na aabutin ng ilang araw para magampanan. Alam ko na pinapupurihan ako ng Diyos sa pagbibigay sa akin ng tungkuling ito at gusto ko na talagang masimulan, ngunit ang panahong kinakailangan upang magampanan ko ang aking tungkulin ay kasabay ng aking trabaho. Naisip ko kung paanong ang aking mga bayarin at ang bayarin sa paaralan ng aking mga anak ay maisaayos, at sa loob ng dalawang araw ay kinailangan kong ibigay sa aking mga anak ang kanilang bayarin sa paaralan. Kung hindi ako nagtrabaho sa loob ng ilang araw, hindi ako magkakaroon ng sapat na pera upang bayarang lahat ito. Nadama ko noon lang na parang ako ay nasa alanganing kalagayan at hindi alam kung ano ang pinakamabuting gawin, at kaya nanalangin ako sa Diyos at sinabi sa Kanya ang aking mga paghihirap. Pagkatapos, nagbasa ako ng bahagi ng mga salita ng Diyos "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III": "Ang unang bagay na dapat maunawaan ng isang tao, kapag umapak siya sa mundong ito, ay kung saan nanggaling ang mga tao, bakit buhay ang mga tao, sino ang nagdidikta ng kapalaran ng tao, sino ang nagbibigay at may kapangyarihan sa pag-iral ng tao. Ang mga ito ang tunay na mahahalaga sa buhay, ang pangunahing batayan para sa kaligtasan ng tao." "Kung tinitingnan ng isang tao ang buhay bilang isang pagkakataon para maranasan ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha at makilala ang Kanyang awtoridad, kung nakikita niya na ang kanyang buhay ay isang pambihirang pagkakataon upang gampanan ang sariling tungkulin bilang isang nilikhang tao at tuparin ang kanyang misyon, sa gayon siya ay talagang mayroong wastong pananaw sa buhay, magkakaroon ng buhay na pinagpala at ginagabayan ng Lumikha, lalakad sa liwanag ng Lumikha, makikilala ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha, mapapasailalim sa Kanyang kapamahalaan, magiging isang saksi sa Kanyang mahimalang mga gawain at sa Kanyang awtoridad" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Pagkatapos mabasa ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na nilalang ng Diyos ang sangkatauhan at ibinigay sa atin ang hininga ng buhay, na itinutustos Niya sa atin ang lahat ng ating kailangan upang mabuhay at may kapangyarihan sa ating mga kapalaran, at ipinahahayag Niya ang katotohanan upang akayin tayo sa tamang landas sa buhay. Bilang mga nilalang, dapat nating gampanan ang tungkulin ng isang nilalang sa harap ng Diyos upang suklian ang Kanyang pag-ibig, dapat nating maranasan ang Kanyang gawain sa totoo nating buhay, at maranasan at makilala ang awtoridad ng Diyos. Sa pagbabalik-tanaw, palagi akong umaasa sa aking matataas na ambisyon at sariling pagisisikap upang lakaran ang landas ng mga taong makamundo sa paghahangad ng pera, at ang tanging idinulot ko sa aking sarili ay kapighatian, at nagdanas ako ng kalugihan sa aking buhay. Ngayon, hindi na ako maaaring kagaya ng dating ako—Dapat kong hangarin ang katotohanan, hanapin ang kalooban ng Diyos sa mga sitwasyon na aking nakakaharap sa araw-araw, isagawa ang mga salita ng Diyos at pasakop sa katas-taasang kapangyarihan ng Diyos, sapagkat ito lang ang tunay na daan ng buhay at ang paghahangad na kagaya lamang niyon ang makapagkakamit ng papuri ng Diyos. Pagkatapos ko itong maunawaan, nanalangin ako sa Diyos: "O Diyos! Nauunawaan ko na ngayon ang Iyong kalooban. Nais kong sundin at gampanan ang aking tungkulin. Nais ko ring gumawa ng isang pagpapasya sa harap Mo, na maging anumang sitwasyon ang makasagupa ko sa hinaharap, lagi ko dapat hanapin ang katotohanan sa loob ng Iyong mga salita, magsagawa ayon sa Iyong mga hinihingi, magpasakop sa Iyong katas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos at gampanan ang aking tungkulin bilang isang nilalang. Hinihiling ko na gabayan Mo ako." Pagkatapos manalangin, naging payapa ang aking puso at nagpasya ako na gagampanan ko ang aking tungkulin nang masikap.

Pagkalipas ng dalawang araw, sinabihan ako ng aking asawa na kailangan ng aming anak na lalaki ng pitong libong piso para sa bayarin sa paaralan, kaya dinala ko ang isang piraso ng alahas na binili ko dati sa isang sanglaan pabalik sa sanglaan upang isangla ito. Hindi ko inasahan na bibigyan ako ng nangangasiwa sa sanglaan ng P18, 000 para rito! Hindi ko ito mapaniwalaan, sapagkat ang nangangasiwa sa bahay sanglaan na ito ay kadalasang nagbabayad lamang talaga sa murang halaga. Naisip ko na makakakuha lamang ako sa alahas na iyon ng hanggang P11, 000, ngunit binigyan ako ngayon ng nangangasiwa ng pitong libong pisong higit kaysa roon at sapat ito para sa mga bayarin ng aking anak sa paaaralan—ito talaga ay kamangha-manghang gawa ng Diyos! Pinahalagahan ko talaga na ang lahat ng bagay ay pinamamahlaan at pinangangasiwaan ng Diyos, na itinatakda ng Diyos ang lahat ng bagay para sa ating buhay at na wala tayong dapat ipag-alala o ikatakot. Hindi ko maiwasang mag-alay ng aking pasasalamat at papuri sa Diyos.

Nakadadama Ako ng Malaking Utang-na loob sa Pag-ibig ng Diyos at Patuloy na Naglalakad Tungo sa Isang Bagong Buhay

Isang araw, binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: "Nais makita ng Diyos na mapanunumbalik ang puso ng tao. Ang mga paraang ito na ginagamit Niya upang gumawa sa tao ay upang patuloy na gisingin ang puso ng tao, gisingin ang espiritu ng tao, hahayaan ang tao na malaman kung saan sila nanggaling, sino ang gumagabay sa kanila, sumusuporta sa kanila, nagkakaloob sa kanila, at nagpapahintulot sa tao na mabuhay hanggang sa ngayon; ang mga ito ay upang ipaalam sa tao kung sino ang Lumikha, na kanilang dapat sambahin, anong uri ng daan ang dapat nilang lakaran, at sa anong paraan dapat lumapit ang tao sa harapan ng Diyos; ginagamit ang mga ito upang unti-unting mapanumbalik ang puso ng tao, upang makilala ng tao ang puso ng Diyos, maunawaan ang puso ng Diyos, at maintindihan ang matinding pangangalaga at paglingap sa likod ng Kanyang gawain na iligtas ang tao. Kapag nanumbalik na ang puso ng tao, hindi na nila nanaising isabuhay ang buhay ng isang mababang-uri, tiwaling disposisyon, sa halip nanaising hanapin ang katotohanan sa kaluguran ng Diyos. Kapag ang puso ng tao ay nagising, makahihiwalay na sila nang husto kung gayon kay Satanas, hindi na mapipinsala pa ni Santanas, hindi na muling kokontrolin o lilinlangin nito. Sa halip, ang tao ay maaaring makipagtulungan sa gawain ng Diyos at sa Kanyang mga salita sa isang positibong paraan upang bigyang-kasiyahan ang puso ng Diyos, sa gayon nakakamit ang pagkatakot sa Diyos at ang paglayo sa kasamaan. Ito ang katutubong layunin ng gawain ng Diyos" ("Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkatapos ng aking mga karanasan saka ko lamang naunawaan na itinakda ng Diyos ang mga sitwasyong ito upang gisingin ang aking puso at ang aking espiritu, at upang magawa kong sundin ang tamang landas sa buhay ng pagsunod sa Diyos, pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, at upang mabuhay sa mga pagpapala ng Diyos—ang lahat ng ito ay sa maingat na pagsisikap ng Diyos! Nagbalik-tanaw ako sa aking pinagdaanan, mula sa pagkalugmok sa pera at pagkakaroon ng malalang karamdaman hanggang sa pagkakaroon ng kapalaran upang marinig ang ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw at paglapit sa harap ng Diyos, at sa gayon ay sa muling paghahangad ng pera at sa pagkakalambat ni Satanas. Binigyan ako ng aking mga kapatid ng pagbabahagi tungkol sa mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng kaunting kaalaman sa katunayan ng pagkakaroon ng kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng sangkatauhan, at nagkaroon din ako ng kaalaman ukol sa masamang layunin ni Satanas sa paggamit sa mga maling paniniwala upang gawing masama ang mga tao, at saka ko lang sinimulang limutin ang pera nang paunti-unti, at naunawaan ko na tanging sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos at sa pagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ang tamang landas na susundin sa buhay…. Upang gisingin ang aking puso at upang iligtas ako na mapinsala ni Satanas, nagsakripisyo nang husto ang Diyos para sa akin at nagpakita Siya ng habag sa akin. Sa bawat paghakbang ko, nakinig man ako o naging masunurin, o naghimagsik man ako laban at nilayuan ang Diyos, palaging ginagamit ng Diyos ang pinakaangkop na pamamaraan upang iligtas ako. Pinahalagahan ko talaga kung gaano katotoo ang pag-ibig ng Diyos at kung gaano kaganda at kabuti ang puso ng Diyos! Kung hindi dahil sa pagliligtas ng Diyos, mabubuhay pa rin ako sa bitag ni Satanas, nakakulong sa pagkalugmok sa pera, ganap na walang malay kung anong gagawin sa akin ng pamiminsala ni Satanas. Sa pagpapahalaga sa pag-ibig na ito ng Diyos, nagkaroon ako ng malalim na pagkaunawa sa tunay na dangal at mabuting kapalaran na dulot sa akin ang magawang makalapit sa harap ng Diyos—Biniyayaan ako ng Diyos at ginawan ako ng pabor! Ang hiling ko lang ay ang makapaglaan ng mas maraming oras at lakas sa hinaharap sa pagdalo sa mga pagkakatipon, sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagsamba sa Diyos, upang sangkapan ang aking sarili ng mas maraming katotohanan, at upang gampanang mabuti ang aking tungkulin upang suklian ang pag-ibig ng Diyos. Salamat sa Diyos at purihin Siya.

Higit pang nilalaman: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Niyanig ng Kidlat ng Silanganan ang mga Relihiyon (1/6) - "Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit"

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento