Kidlat ng Silanganan-Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII( VII)
Ang mga ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan ay mayaman at marami, na bawat lugar ay mayroong kanilang sariling lokal na espesyalidad. Halimbawa, ang ilang mga lugar ay mayaman sa mga pulang datiles (karaniwang kilala bilang dyudyube), habang ang iba ay mayaman sa nogales, mga mani, o iba pang magkakaibang uri ng mga mani. Lahat ng mga materyal na bagay ay nagbibigay ng mga sustansya na kailangan ng katawan ng tao.Ngunit ibinibigay ng Diyos sa sangkatauhan ang mga bagay na ayon sa panahon at oras, at ibinibigay rin ang tamang dami sa tamang panahon. Ang sangkatauhan ay nag-iimbot ng mga pisikal na kasiyahan at katakawan, ginagawa itong madali upang labagin at pinsalaan ang mga normal na kautusan ng pag-usbong ng tao mula nang Kanyang nilikha ang sangkatauhan. Bilang halimbawa, ating tingnan ang mga seresa, na dapat malaman ng lahat, tama? Kailan napapanahon ang cherry? (Hunyo.) Ang mga ito ay inaani bandang Hunyo. Sa ilalim ng mga normal na pagkakataon, kailan sila mauubos? (Agosto.) Sinisimulan ng mga tao ang pagkain nito mula noong panahon na naging madaling makuha ang mga ito, mula Hunyo hanggang Agosto, sa panahon ng dalawang buwan. Ang mga seresa ay sariwa lamang sa loob ng dalawang buwan, ngunit sa pamamagitan ng mga siyentipikong paraan may kakayahan na ngayon ang mga tao na pahabain ito sa labing-dalawang buwan, kahit hanggang sa susunod na panahon ng seresa sa susunod na taon. Ibig sabihin ay mayroong mga mga seresa buong taon. Ang kababalaghan bang ito ay normal? (Hindi.) Kung gayon, kailan ang pinakamagandang panahon upang kumain ng seresa? Ito ang panahon mula Hunyo hanggang Agosto. Lampas sa limitasyong ito, kahit gaano kasariwa mo ito pinapanatili, hindi sila magkakapareho ng lasa, ni hindi ito ang kailangan ng katawan ng tao. Sa oras na ang petsa ng pagkasira nito ay lumipas, kahit anong mga bagay na kemikal ang inyong gamitin, hindi ninyo makakayanang makuha ito sa kalagayan nito kapag ito ay pinatubo nang natural. Dagdag pa rito, ang panganib na dala ng mga kemikal sa mga tao ay isang bagay na walang kahit sino ang may kayang gumawa ng anuman upang magtanggal o mabago. Naiintindihan? Ano ang dinadala ng kasalukuyang ekonomiyang pang-merkado sa mga tao? Ang mga buhay ng mga tao ay parang naging mas mabuti, ang transportasyon sa lahat ng mga direksyon ay talagang naging maginhawa, at ang mga tao ay maaring kainin ang lahat ng klase ng prutas sa anumang panahon ng taon. Ang mga tao sa hilaga ay madalas nakakakain ng mga saging at anumang pagkain, lokal na espesyalidad o prutas mula sa timog. Ngunit hindi ito ang buhay na nais na ibigay ng Diyos sa sangkatauhan. Ito ay dala ng mga pag-unlad na pang-siyensiya ng sangkatauhan. Ang dinala ng ekonomiyang pang-merkadong ito sa katawan ng tao ay isang paglabag ng mga normal na kautusan sa natural na pag-usbong ng tao. Ang dinala nito ay kapinsalaan at sakuna, hindi kasiyahan. Naiintindihan? (Oo.)
Tumingin. Binebenta ba ang mga ubas sa pamilihan sa lahat ng apat na panahon ng taon? (Oo.) Sa katunayan, nananatili lamang na sariwa ang mga ubas sa loob ng maikling panahon matapos pitasin ang mga ito. Kung itatago mo sila hanggang sa susunod na Hunyo, maari pa ba silang tawaging mga ubas? Maari mo ba silang tawaging basura? Hindi lamang sa hindi na taglay ng mga ito ang orihinal na komposisyon ng mga ubas, ngunit mayroon din silang mas maraming kemikal. Matapos ang isang taon, hindi lamang sa hindi sariwa ang mga ito, ang mga sustansiya rin nila ay matagal nang nawala. Kapag kumakain ang mga tao ng ubas, nararamdaman nila: “Napakasaya! Sobrang kaaya-aya! Makakakain ba tayo ng mga ubas sa panahong ito tatlumpung taon ang nakakalipas? Hindi ka makakakain nito kahit na gustuhin mo. Gaano kahanga-hanga ang buhay ngayon!” Kasiyahan ba talaga ito? Kung ikaw ay interesado, maari kang humayo at mag-aral ng tungkol sa mga ubas na pinepreserba ng mga kemikal at makita lamang kung ano ang kanilang komposisyon at kung ang komposisyon na ito ay maaring magdala ng anumang benepisyo sa mga tao. Isiping muli ang Kapanahunan ng Kautusan. Noong ang mga Israelita ay nasa daan matapos lisanin ang Ehipto, binigyan sila ng Diyos ng pugo at mana. Pinahintulutan ba ng Diyos ang mga tao upang preserbahin sila? (Hindi.) Ang ilang mga tao ay makitid ang isip at mga takot na hindi na magkakaroon pa nito sa susunod na araw, kaya nagtago sila ng kaunti. “Tipirin ito sakaling kailanganin natin ito mamaya!” Kung gayon, ano ang nangyari? Noong sumunod na araw, ito ay nabulok. Hindi hinayaan ng Diyos na mag-iwan sila ng anuman bilang pamalit dahil nagsagawa ang Diyos ng ilang mga paghahanda, na siyang nagsiguradong hindi sila magugutom. Ngunit hindi nagkaroon ang mga tao ng ganoong kumpiyansa at laging ninais na magtago ng kaunti dahil kanilang inisip: “Ang mga kilos ng Diyos ay hindi maaasahan! Hindi mo ito makikita at hindi mo ito mahahawakan. Mas mabuti pa ring magtago ng kaunti para mamaya. Kailangang maging handa dahil walang sinuman ang magbabantay sa iyo kung hindi ka makakahanap ng paraan sa sarili mo!” Kung iyong makikita, walang ganoong kumpiyansa ang sangkatauhan, ni tunay na pananampalataya sa Diyos. Palagi silang nag-iiwan ng kaunti para mamaya at walang kakayahang makita ang lahat ng pag-aaruga at pag-iisip sa likod ng inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Palagi lamang silang walang kakayahang maramdaman ito, palaging hindi nagtitiwala sa Diyos, palaging nag-iisip na: “Ang mga kilos ng Diyos ay hindi maaasahan! Sino ang nakakaalam kung ibibigay ito ng Diyos sa sangkatauhan o kailan Niya ibibigay ito! Kung talagang gutom ako at hindi iyon ibibigay ng Diyos, kung gayon ay hindi ba ako magugutom? Hindi ba ako magkukulang sa nutrisyon?” Tingnan kung gaano kaliit ang kumpiyansa ng tao!
Ang mga butil, mga prutas at gulay, at ang lahat ng klase ng mga mani ay lahat mga pagkaing walang karne. Kahit na ang mga ito ay mga pagkaing walang karne, mayroon silang sapat na mga sustansiya upang punan ang mga pangangailangan ng katawan ng tao. Gayunpaman, hindi sinabi ng Diyos na: “Ang pagbibigay ng mga ito sa sangkatauhan ay sapat na. Maaaring kainin na lamang ng sangkatauhan ang mga ito.” Hindi tumigil ang Diyos doon at bagkus ay naghanda ng mga bagay na mas masarap pa ang lasa para sa sangkatauhan. Ano ang mga bagay na ito? Ito ang iba’t ibang uri ng karne at isda na nais ninyong makita sa inyong mga hapag kainan at kainin araw-araw. Mayroong maraming uri ng karne at isda. Ang lahat ng isda ay nabubuhay sa tubig; ang pagkakahabi ng kanilang karne ay kaiba kaysa sa karne na pinatubo sa ibabaw ng lupa at maari silang magbigay ng iba’t ibang mga sustansya sa sangkatauhan. Ang mga katangian ng isda ay maari ring magsaayos ng lamig at init sa katawan ng tao, kaya ang mga ito ay lubos na kapaki-pakinabang sa sangkatauhan. Ngunit kung ano ang masarap ay hindi maaring abusuhin. Ito ay pareho pa ring kasabihang: Nagbibigay ang Diyos sa sangkatauhan ng tamang dami sa tamang oras, upang maaring mamuhay nang normal at maayos na matamasa ang mga bagay na ito ayon sa panahon at oras. Ano ang kasama sa mga manok? Ang manok, pugo, kalapati, atbp. Maraming tao rin ang kumakain ng itik at gansa. Kahit na nagsagawa ang Diyos ng mga paghahanda, para sa mga napiling tao ng Diyos, nagkaroon pa rin ang Diyos ng mga pangangailangan at nagtakda ng partikular na saklaw sa Kapanahunan ng Kautusan. Ngayon ang saklaw na ito ay ayon sa indibidwal na panlasa at personal na pagkakaunawa. Ang iba’t ibang uri ng mga karneng ito ay nagbibigay sa katawan ng tao ng iba’t ibang sustansya, na kayang punuing muli ang protina at iron, pinagyayaman ang dugo, pinapalakas ang mga kalamnan at mga buto, at nagbibigay ng mas maraming enerhiya. Kahit anong paraan ang gamit ng tao upang lutuin at kainin ang mga ito, sa madaling salita, ang mga bagay na ito ay maaring sa kabilang banda ay tulungan ang mga taong mapagbuti pa ang mga lasa at mga gana, at sa kabilang banda ay punan ang kanilang mga sikmura. Ang pinakamahalagang bagay ay kaya nilang bigyan ang katawan ng tao ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangang nutrisyonal. Ang mga ito ay konsiderasyon na mayroon ang Diyos noong Kanyang inihanda ang pagkain para sa sangkatauhan. Mayroong mga pagkaing walang karne pati na rin mga karne—hindi ba ito mayaman at marami? (Oo.) Ngunit kailangang maunawaan ng mga tao kung ano ang mga orihinal na pakay ng Diyos noong Kanyang inihanda ang lahat ng mga pagkain ng sangkatauhan. Ito ba ay upang hayaan ang sangkatauhan na tamasahin nang buong kasakiman ang mga materyal na mga pagkaing ito? Ano kaya kung naging nagpakasawa ang mga tao sa kasiyahan ng kanilang mga materyal na pagnanais? Hindi ba sila magiging masyadong malusog? Hindi pa ang paggiging labis na malusog ay magdadala ng lahat ng uri ng mga karamdaman sa katawan ng tao? Tiyak na hindi magandang pagtaksilan ang mga kautusan ng kalikasan na nilikha ng Diyos, kung kaya naglalaan ang Diyos ng tamang dami sa tamang oras at hinahayaang tamasahin ng mga tao ang iba’t ibang mga pagkain ayon sa iba’t ibang mga oras at panahon. Iyon ang pinakamabuting paraan. Halimbawa, matapos tumira sa napakainit na tag-init, makakakolekta ang mga tao ng kaunting init, likas na pagkatuyo at pamamasa sa kanilang mga katawan. Kapag dumating ang taglagas, maraming mga prutas ang mahihinog, at kapag kumain ang mga tao ng ilang mga prutas, ang kanilang pagka-umido ay mawawala. Sa parehong panahon, ang mga baka at tupa ay lalaki nang malusog, kaya dapat kumain ang mga tao ng kaunting karne bilang nutrisyon. Matapos kumain ng iba’t ibang uri ng karne, ang mga katawan ng tao ay magkakaroon ng enerhiya at ang init ay tutulungan silang makayanan ang lamig ng taglamig, at bilang isang resulta, makakayanan nilang malampasan ang taglamig nang mapayapa. Anong oras upang maghanda ng anumang mga bagay para sa sangkatauhan, at anong oras upang hayaang ang mga bagay na sumisibol, magbunga ng prutas at mahinog—ang lahat ng ito ay kinokontrol ng Diyos at isinaayos na ng Diyos noon pa, at lubos na sinukat. Ito ay dahil sa ang sangkatauhan ay hindi naiintindihan ang kagustuhan ng Diyos. Ito ang paksa tungkol sa “paano naghanda ang Diyos ng pakaing kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.”
Mula sa: Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII( VII)"
Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Ano ang Ebanghelyo ?
Ano ang Ebanghelyo ?
0 Mga Komento