Kidlat ng Silanganan-Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII( VIII)
Bukod sa lahat ng uri ng mga pagkain, nagbibigay din ang Diyos sa sangkatauhan ng mga pinagmumulan ng tubig. Kailangang uminom ng tubig ng tao matapos kumain. Ang pagkain ba ng prutas ay sapat? Hindi kakayanin ng tao na kumain lamang ng prutas, at bukod pa rito, walang prutas sa ibang mga panahon. Kung gayon, paano maaring masolusyunan ang problema ng sangkatauhan sa tubig? Sa pamamagitan ng paghahanda ng Diyos ng maraming pinagmumulan ng tubig sa ibabaw ng lupa at sa ilalim nito, kasama na ang mga lawa, mga ilog, at mga bukal. Ang mga pinanggagalingan ng tubig na ito ay maaring inuman sa mga kalagayang walang anumang kontaminasyon, o pagpoproseso ng tao o pinsala.Kaugnay ng mga pinagmumulan ng pagkain para sa buhay ng mga pisikal na katawan ng sangkatauhan, gumawa ang Diyos ng napakatiyak, napakaeksakto, at napaka-angkop na mga paghahanda, upang ang mga buhay ng tao ay maging mayaman at masagana at hindi kapos sa kahit ano. Ito ay isang bagay na maaring maramdaman at makita ng tao. Dagdag pa rito, sa lahat ng mga bagay, maging ito ay mga hayop, mga halaman, o lahat ng klase ng damo, lumikha rin ang Diyos ng ilang mga halaman na kailangan upang solusyunan ang mga pinsala at sakit ng katawan ng tao. Ano ang inyong gagawin, halimbawa, kung ikaw ay napaso? Maaari mo bang hugasan ito ng tubig? Maaari ka bang makahanap lamang ng isang pirasong tela kahit saan at balutin ito? Maaari nitong mapuno ng nana o maimpeksiyon sa ganoong paraan. Ano ang iyong gagawin, halimbawa, kapag ikaw ay napaso nang hindi sinasadya ng apoy o ng mainit na tubig? Maaari mo bang buhusan ito ng tubig? Halimbawa, kung magkaroon ka ng lagnat, mahawa ng sipon, masaktan sa pinsalang mula sa pisikal na gawain, isang sakit sa tiyan mula sa pagkain ng hindi tamang pagkain, o pag-usbong ng ilang mga karamdaman buhat ng mga kaugalian ng pamumuhay o mga emosyonal na mga isyu, gaya ng mga karamdaman sa ugat, mga kondisyon sa pag-iisip, o mga sakit ng mga lamang-loob—mayroong mga kaukulang halaman upang gamutin ang mga ito. Mayroong mga halaman na nagpapabuti ng daloy ng dugo upang tanggalin ang pagwawalang-kilos, tanggalin ang sakit, pigilin ang pagdudugo, magbigay ng pampamanhid, tulungan ang tao na makabawi ng normal nilang balat, tanggalin ang pagbara ng dugo sa katawan, at tanggalin ang mga lason mula sa katawan. Sa madaling salita, ang lahat ng mga ito ay maaring gamitin sa pang-araw-araw na buhay. May gamit sila sa mga tao at inihanda ang mga ito ng Diyos para sa katawan ng tao sakaling kailanganin. Ang ilan sa mga ito ay pinahintulutan ng Diyos na hindi sinasadyang madiskubre ng tao, habang ang iba ay nadiskubre mula sa ilang espesyal na mga kababalaghan o sa pamamagitan ng ilang tao na inihanda ng Diyos. Kasunod ng kanilang pagkakadiskubre, ipapasa ito ng sangkatauhan, at sa gayon ay maraming mga tao ang makakaalam tungkol sa mga ito. Sa ganitong paraan, ang paglikha ng Diyos sa mga halamang ito ay may halaga at kahulugan. Samakatuwid, lahat ng mga bagay na ito ay mula sa Diyos at inihanda at itinanim noong lumikha Siya ng isang kapaligirang tinitirahan ng sangkatauhan. Lahat ng ito ay lubos na kailangan. Hindi ba nito ipinapakita na noong nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng mga bagay, ang Kanyang mga konsiderasyon ay mas pinag-isipan nang mabuti kaysa inisip ng sangkatauhan? Kapag iyong nakikita ang lahat ng ginawa ng Diyos, nararamdaman mo ba ang katotohanan ng Diyos? Nagtrabaho nang palihim ang Diyos. Noong hindi pa dumarating ang tao sa mundong ito, bago makadaupang-palad ang sangkatauhang ito, nilikha na ng Diyos ang lahat ng ito. Ang lahat ng Kanyang ginawa ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, para sa kapakanan ng kaligtasan ng kanilang buhay, at para sa konsiderasyon ng pag-iral ng sangkatauhan, upang maaring mamuhay ang sangkatauhan sa mayaman at saganang materyal na mundong nilikha ng Diyos para sa kanila, at upang maari silang mamuhay nang masaya, nang hindi kailangang mag-alala tungkol sa pagkain o mga damit, at hindi magkulang sa kahit ano. Nagpapatuloy ang sangkatauhan na magparami at mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran, ngunit hindi marami ang kayang maintindihan na nilikha ng Diyos ang lahat para sa sangkatauhan. Sa halip, pinalabas ni Satanas na ito ay nilikha ng kalikasan.
Sabihin sa Akin: Mayroon bang anumang ginagawa ang Diyos, hindi alintana kung ito ay isang malaki o maliit na bagay, na walang halaga at kahulugan? Lahat ng Kanyang ginagawa ay may halaga at kahulugan. Talakayin natin ito mula sa isang tanong na madalas pinag-uusapan ng mga tao: Ano ang nauna, ang manok o ang itlog? Paano mo sasagutin ito? Naunang dumating ang manok, sigurado iyan! Bakit naunang dumating ang manok? Bakit hindi maaring ang itlog ang naunang dumating? Hindi ba’t ang manok ay nanggaling sa itlog? Ang mga itlog ay naglalabas ng mga manok, ang mga manok ay nagpapainit ng mga itlog. Matapos limliman ang itlog sa loob ng dalawampu’t dalawang mga araw, ang manok ay lalabas mula sa itlog. Ang manok na iyon kalaunan ay mangingitlog, at mga manok ulit ang lalabas mula sa mga itlog. Kung gayon, ang manok ba o ang itlog ang naunang dumating? (Ang manok.) Inyong sasagutin na “manok” nang may kasiguraduhan. Bakit kaya iyon iyon? (Sinasabi ng Biblia na nilikha ng Diyos ang mga ibon at mga hayop.) Ito ay ayon sa Biblia. Nais kong pag-usapan ninyo tungkol sa inyong sariling pagkakaalam upang makita kung mayroon ba kayong anumang aktuwal na pagkakaalam sa mga kilos ng Diyos. Sigurado ba kayo sa inyong sagot o hindi? (Dahil ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos ay nagpapalakas at pumipigil sa isa’t isa, at parehong dumedepende sa isa’t isa. Nilikha ng Diyos ang manok, na siyang kayang mangitlog, at ang inahing manok ay kailangang limliman ang mga itlog. Mayroong nasabing pangangailangan at pagiging praktikal.) Ang ilang mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae ay tumawa. Bakit hindi ninyo pag-usapan ang tungkol dito? (Nilikha ng Diyos ang manok, at ibinigay dito ang abilidad na lumikha ng buhay.) Anong abilidad? (Ang abilidad na limliman ang mga itlog, at ang abilidad upang ituloy ang buhay.) Mm, ang paliwanag na ito ay tama. Mayroon bang mga kapatid na may opinyon? Malayang magsalita at makipag-usap. Ito ang tahanan ng Diyos. Ito ang simbahan. Kung kayo ay mayroong sasabihin, sabihin ito. (Ito ang aking iniisip: Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, at lahat ng Kanyang nilikha ay mabuti at perpekto. Ang manok ay isang organikong nilalang at may mga tungkulin pagpapalahi at paglilimlim sa mga itlog. Ito ay perpekto. Kung gayon, naunang dumating ang manok, at saka ang itlog. Iyon ang pagkakasunod.) (Una ang manok, at saka ang itlog.) Ito ay sigurado. Ito ay hindi isang napakalalim na misteryo, ngunit ang mga tao sa mundo ay nakikita ito bilang napakalalim at gumagamit ng pilosopiya para sa kanilang pangangatwiran. Sa huli, wala pa rin silang pagwawakas. Ang bagay na ito ay katulad ng sa tao na hindi alam na siya ay nilikha ng Diyos. Hindi alam ng tao ang prinsipyong ito, at hindi rin sila klaro kung ang itlog o ang manok ang dapat na mauna. Hindi nila alam kung ano ang dapat na mauna, kaya palaging wala silang kakayahang hanapin ang kasagutan. Kung gayon sabihin sa Akin: Dapat ba ang manok o ang itlog ang nauna? Ito ay napakanormal na ang manok ay nauna. Kung ang itlog ang nauna bago ang manok, iyon ay magiging abnormal! Siguradong ang manok ang naunang dumating. Ito ay isang napakasimpleng bagay. Hindi ninyo kinakailangan na maging masyadong maalam. Nilikha ng Diyos ang lahat ng ito. Ang kanyang pangunang pakay ay upang matamasa ito ng tao. Kapag mayroon nang manok, natural na dumarating ang itlog. Hindi ba iyon halata? Kung ang itlog ang unang nilikha, hindi ba nito kakailanganin pa ang manok upang limliman ito? Ang paglikha nang direkta sa manok ay mas madali. Kaya ginawa nang direkta ng Diyos ang manok, at ang manok ay kayang mangitlog at limliman rin ang mga batang sisiw, habang maaring kainin rin ng tao ang manok. Hindi ba ito napakaginhawa? Ang paraan na ginagawa ng Diyos ang mga bagay ay maikli at malinaw at hindi mahirap. Ang itlog ay mayroon ding ninuno, at iyon ay ang manok. Ang nilikha ng Diyos ay isang bagay na nabubuhay! Ang tiwaling sangkatauhan ay talagang walang katotohanan at katawa-tawa, palaging nasasangkot sa mga simpleng bagay na ito, at sa huli ay nagkakaroon ng isang bungkos na walang katotohanang mga kasinungalingan. Masyadong parang bata! Ang kaugnayan sa pagitan ng itlog at ng manok ay malinaw: Ang manok ang naunang dumating. Iyon ang pinakatamang paliwanag, ang pinakatamang paraan upang maunawaan ito, at ang pinakatamang sagot. Tama ito.
Noong una, ating pinag-usapan ang tungkol sa kapaligirang kinabubuhayan ng sangkatauhan at ano ang ginawa ng Diyos, inihanda, at nakitungo ang Diyos para sa kapaligirang ito, pati na rin ang mga kaugnayan sa pagitan ng lahat ng mga bagay na inihanda para sa sangkatauhan at kung paano nakitungo ang Diyos sa mga kaugnayang ito upang iwasan ang lahat ng mga bagay mula sa pagdudulot ng pinsala sa sangkatauhan. Inayos din ng Diyos ang iba’t ibang mga elemento na dala ng lahat ng bagay at mga negatibong impluwensya na mayroon sila sa kapaligiran ng tao, pinahintulutan ang lahat ng bagay na itodo ang kanilang mga tungkulin, dinala sa sangkatauhan ang isang mainam na kapaligiran, at ginawang kapaki-pakinabang ang bawat elemento, hinahayaan ang sangkatauhan na umangkop sa nasabing kapaligiran at ipagpatuloy ng normal ang ikot ng pagpaparami at ng buhay. Ang sumunod ay ang pagkain na kailangan ng katawan ng tao—pang-araw-araw na pagkain at inumin. Mahalaga rin itong kondisyon sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Ibig sabihin, ang katawan ng tao ay hindi kayang mamuhay lamang sa pamamagitan ng paghinga, nang may sinag lamang ng araw at hangin, o may angkop lamang na mga temperatura. Kailangan rin nilang punan ang kanilang mga sikmura. Ang mga bagay na ito upang punan ang kanilang mga sikmura ay buo ring inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan—ito ang pinanggagalingan ng pagkain ng sangkatauhan. Matapos makita ang mga mayaman at masaganang ani—ang mga pinagmulan ng pagkain at inumin ng sangkatauhan—maari mo bang sabihin na ang Diyos ang pinagmumulan ng panustos para sa sangkatauhan at ng lahat ng bagay? Maaari mong sabihin ito. Kung nilikha lamang ng Diyos ang mga puno at damo o iba’t ibang mga bagay na may buhay lamang noong Kanyang nilikha ang lahat ng mga bagay, at hindi maaring kainin ng sangkatauhan ang alinman sa mga ito, makakapamuhay ba nang ligtas ang sangkatauhan magpahanggang sa ngayon? Ano kaya kung ang iba’t ibang bagay na may buhay at mga halaman sa lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos ay para lamang makain ng lahat ng mga baka at mga tupa, o para sa mga sebra, mga usa, at iba’t ibang mga uri ng hayop—halimbawa, kumakain ang mga leon ng mga pagkain gaya ng zebra at usa, ang mga tigre ay kumakain ng mga pagkain gaya ng mga tupa at mga baboy—ngunit walang isang bagay na angkop upang kainin ng tao? Ito ba ay gagana? Ito ay hindi. Kung ganoon nga, sa gayon, hindi magagawang makapagpatuloy ng sangkatauhan na mamuhay nang ligtas. Ano kaya kung ang mga tao ay kumakain lamang ng mga dahon mula sa puno? Ito ba ay gagana? Hindi ito makakayanan ng mga sikmura ng tao. Hindi mo malalaman kung hindi mo ito susubukan, ngunit sa oras na gawin mo, malalaman mo nang mabuti. Kung gayon, maari mo bang kainin ang mga damo na inihanda para sa mga baka at mga tupa? Siguro ay ayos lamang kung susubukan mo nang kaunti, ngunit kung papanatilihin mong kainin ito nang matagalan, hindi ka magtatagal. Ang ilang mga bagay ay maaring kainin ng mga hayop, ngunit kung ang mga tao ang kakain ng mga ito, sila ay malalason. Mayroong ilang mga nakakalasong bagay na maaring kainin ng mga hayop nang hindi sila naaapektuhan ng mga ito, ngunit hindi ito kayang gawin ng mga tao. Nilikha ng Diyos ang mga tao, kaya alam ng Diyos nang pinakamabuti ang mga prinsipyo at estraktura ng katawan ng tao at ano ang kailangan ng tao. Siguradong-sigurado ang Diyos sa komposisyon at nilalaman nito, ano ang kailangan nito, gayun na rin kung paano gumagana ang mga lamang-loob ng tao, sumisipsip, nagtatanggal, at nagproproseso ng pagkain. Hindi malinaw ang mga tao dito at minsan ay kumakain at nagdadagdag nang hindi nag-iisip. Nagdadagdag sila nang sobra at sa huli ay nagdudulot ng hindi pagkabalanse. Kung kakainin mo ang mga bagay na ito na inihanda ng Diyos para sa iyo, at kainin at tamasahin sila nang normal, walang magiging mali sa iyo. Kahit na minsan ikaw ay nasa masamang kondisyon at mayroong pagbara ng dugo, hindi ito mahalaga. Kailangan mo lamang kumain ng isang uri ng halaman at ang pagbara ay mawawala. Inihanda ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito. Sa mga mata ng Diyos, ang sangkatauhan ay napakataas sa anumang bagay na may buhay. Inihanda ng Diyos ang mga matitirahang kapaligirang para sa lahat ng uri ng halaman at naghanda ng pagkain at kapaligirang titirahan para sa lahat ng klase ng mga hayop, ngunit ang mga pangangailangan lamang ng sangkatauhan tungo sa kanilang sariling kapaligirang titirahan ang pinakamahigpit at hindi nakukusinti ang kapabayaan. Kung hindi, ang sangkatauhan ay hindi makapagpapatuloy na umusbong at magparami at mamuhay nang normal. Alam na alam ito ng Diyos sa Kanyang puso. Noong ginawa ng Diyos ang bagay na ito, naglagay Siya ng mas higit na kahalagahan dito kaysa anumang bagay. Marahil ikaw ay walang kakayahang maramdaman ang kahalagahan ng ilang walang-halagang bagay na iyong nakikita at natatamasa o isang bagay na sa iyong tingin ay ipinanganak ka kasama ito at tamasahin, ngunit inihanda na ng Diyos ito para sa iyo matagal na panahon na ang lumipas. Tinanggal ng Diyos at niresolba sa pinakamalaking posibleng saklaw ang lahat ng negatibong salik na hindi kanais-nais sa sangkatauhan at maaring makasakit sa katawan ng tao. Ano ang nililinaw nito? Kinaklaro ba nito ang saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan noong nilikha Niya ang mga ito sa panahon ngayon? Ano ang saloobin na iyon? Ang saloobin ng Diyos ay mahigpit at seryoso, at hindi Niya kinunsinti ang mga panghihimasok ng anumang salik o mga kalagayan o anumang pwersa ng kaaway maliban sa Diyos. Mula rito, makikita ninyo ang saloobin ng Diyos noong nilikha Niya ang sangkatauhan at pinamahalaan ang sangkatauhan sa panahon ngayon. Ano ang saloobin ng Diyos? Sa pamamagitan ng mga tinitirahan at ligtas na mga kapaligirang tinatamasa ng sangkatauhan pati na rin ang kanilang pang-araw-araw na pagkain at inumin at pang-araw-araw na pangangailangan, makikita natin ang saloobin ng Diyos sa pagpapanatili ng pagpaparami at pamumuhay ng sangkatauhan at ang tungkulin na mayroon Siya tungo sa kanila, pati na rin ang determinasyon ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan sa panahon ngayon. Maaari ba nating makita ang katotohanan ng Diyos sa pamamagitan ng mga bagay na ito? Kaya ba nating makita ang kadakilaan ng Diyos? Nakikita ba natin ang kalakihan ng Diyos? Nakikita ba natin ang kapangyarihan ng Diyos? Ginagamit lamang ng Diyos ang Kanyang makapangyarihan at matalinong paraan upang bigyang-buhay ang buong sangkatauhan, pati na rin bigyang-buhay ang lahat ng bagay.
Mula sa: Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII( VIII)"
Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Ano ang Ebanghelyo ?
Ano ang Ebanghelyo ?
0 Mga Komento