Kidlat ng Silanganan-Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII(I)
(I) Isang Pangkalahatang-Ideya sa Awtoridad ng Diyos, Ang matuwid na Disposisyon ng Diyos, at Kabanalan ng Diyos
Kapag natapos na ninyo ang mga panalangin, nakadarama ba ng kapanatagan ang inyong mga puso sa harap ng Diyos? (Oo.) Kung ang puso ng isang tao ay maaaring maging panatag, maaari na nilang marinig at maintindihan ang salita ng Diyos at maaari na nilang marinig at maintindihan ang katotohanan.
Kung ang iyong puso ay hindi mapanatag, kung ang puso mo ay laging naguguluhan, o laging nag-iisip ng ibang mga bagay, makaaapekto ito sa iyong pagsama upang makinig sa salita ng Diyos. Kaya, ano ang ipinahihiwatig ng tinatalakay natin sa oras na ito? Bumalik lang tayo ng konti sa pangunahing punto. Tungkol sa pagkilala sa Diyos Mismo, ang natatangi, ano ang unang bahagi na ating tinalakay? (Awtoridad ng Diyos.) Ano ang ikalawa? (Ang matuwid na disposisyon ng Diyos.) At ang ikatlo? (Ang kabanalan ng Diyos.) Gaano ba kadalas nating talakayin ang awtoridad ng Diyos? Nagkaroon ba ito ng epekto? (Dalawang beses.) Paano naman ang matuwid na disposisyon ng Diyos? (Isang beses.) Ang ilang beses nating pagtalakay sa kabanalan ng Diyos ay nakapag-iwan marahil ng impresyon sa inyo, ngunit nagkaroon ba ng epekto ang partikular na paksa na tinalakay natin sa bawat pagkakataon? Sa unang bahagi ng “Ang awtoridad ng Diyos,” ano ang naiwang malalim na impresyon sa inyo, anong bahagi ang nagkaroon ng matinding epekto sa inyo? (Ang awtoridad ng salita ng Diyos at ang Diyos bilang Namumuno sa lahat ng mga bagay.) Pag-usapan ang pinakamahalagang puntos. (Una, ipinabatid ng Diyos ang awtoridad at ang kapangyarihan ng salita ng Diyos; kasimbuti ng Diyos ang Kanyang salita at ang Kanyang salita ay magkakatotoo. Ito ang pinakadiwa ng Diyos.) (Ang awtoridad ng Diyos ay nakasalalay sa Kanyang paglikha ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng nakapaloob rito. Walang sinuman ang makapagpapabago sa awtoridad ng Diyos. Ang Diyos ang namumuno sa lahat ng mga bagay at pinamamahalaan Niya ang lahat ng mga bagay.) (Ginagamit ng Diyos ang bahaghari at ang mga tipan sa tao.) Ito ang partikular na paksa. Mayroon pa bang iba? (Iniutos ng Diyos kay Satanas na maaari nitong tuksuhin si Job, subalit hindi maaaring kunin ang kanyang buhay. Mula rito makikita natin ang awtoridad ng salita ng Diyos.) Ito ang pagkaunawa na inyong natamo matapos mapakinggan ang pakikipagniig, tama? Mayroon bang iba pa na idaragdag? (Pangunahin nating tinatanggap na kinakatawan ng awtoridad ng Diyos ang natatanging katayuan at kalagayan ng Diyos, at walang sinuman sa mga nilikha o hindi nilikhang katauhan ang maaaring magtaglay ng Kanyang awtoridad.) (Nagsasalita ang Diyos upang gumawa ng tipan sa tao at nagsasalita Siya upang ihayag ang Kanyang mga pagpapala sa tao, lahat ng mga ito ay mga halimbawa ng awtoridad ng salita ng Diyos.) (Nakikita natin ang awtoridad ng Diyos sa pagkalikha ng kalangitan at ng lupa at ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng Kanyang salita, at mula sa Diyos na nagkatawang-tao nakikita natin na ang Kanyang salita ay tinataglay rin ang awtoridad ng Diyos, ang mga ito ay parehong simbolo ng pagiging katangi-tangi ng Diyos. Makikita natin ito nang utusan ni Jesus si Lazaro na maglakad palabas ng kanyang puntod: Ang buhay at kamatayan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, kung saan si Satanas ay walang kapangyarihan na pumigil; maging ang gawain ng Diyos ay isinagawa man sa laman o sa Espiritu, ang Kanyang awtoridad ay natatangi.) May iba pa ba kayong idaragdag? (Makikita natin na ang anim na panahong ito ng buhay ay idinidikta ng Diyos.) Magaling! Ano pa? (Ang mga pagpapala ng Diyos sa tao ay kumakatawan din sa Kanyang awtoridad.) Kapag pinag-uusapan natin ang awtoridad ng Diyos, ano ang inyong pagkaunawa sa salitang “awtoridad”? Sa loob ng saklaw ng awtoridad ng Diyos, sa ginagawa ng Diyos at inihahayag, ano ang nakikita ng mga tao? (Nakikita namin ang pagiging makapangyarihan at karungungan ng Diyos.) (Nakikita namin na ang awtoridad ng Diyos ay laging naroroon at na ito ay tunay, tunay na umiiral.) (Nakikita namin ang awtoridad ng Diyos sa malawak na proporsyon sa Kanyang dominyon sa daigdig, at nakikita namin sa maliit na sukat habang pinamamahalaan Niya ang buhay ng tao. Mula sa anim na mga panahon ng buhay nakikita namin na talagang pinaplano ng Diyos at pinamamahalaan ang bawat aspeto ng aming mga buhay.) (Tangi sa roon, nakikita namin na ang awtoridad ng Diyos ay kumakatawan sa Diyos Mismo, ang natatangi, at walang sinuman sa mga nilikha at hindi nilikhang mga katauhan ang maaaring magtaglay nito. Ang awtoridad ng Diyos ay sumisimbolo sa Kanyang katayuan.) “Mga simbolo ng katayuan ng Diyos at kalagayan ng Diyos,” tila mayroon kayong doktrinal na kaalaman sa mga salitang ito. Ano ang katanungan na katatanong ko lang sa inyo, maaari ba ninyo itong ulitin? (Sa ginagwa ng Diyos at inihahayag, ano ang ating nakikita?) Ano ang inyong nakikita? Maaari kaya na ang nakikita lang ninyo ay ang awtoridad ng Diyos? Naramdaman din ba ninyo ang awtoridad ng Diyos? (Nakikita namin ang realidad ng Diyos, ang pagiging totoo ng Diyos, ang pagiging tapat ng Diyos.) (Nakikita namin ang karunungan ng Diyos.) Ang pagiging tapat ng Diyos, ang pagiging totoo ng Diyos, at ang sinasabi ng ilan na karunungan ng Diyos. Ano pa ang narooon? (Ang walang hanggang kapangyarihan ng Diyos.) (Pagkakita sa pagkamatuwid at kabutihan ng Diyos.) Hindi pa rin ninyo gaanong nakukuha, kaya mag-isip pa nang konti. (Ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay inihahayag at nasasalamin sa Kanyang pagkontrol, pangunguna, at pamamahala sa sangkatauhan. Ito ay tunay na tunay at totoo. Palagi Niyang ginagawa ang Kanyang gawain at walang sinuman sa mga nilikha o hindi nilikhang mga katauhan ang maaaring magtaglay ng awtoridad at kapangyarihang ito.) Tumitingin ba kayong lahat sa inyong mga itinala? Mayroon ba talaga kayong anumang kaalaman sa awtoridad ng Diyos? Naiintindihan ba talaga ninuman sa inyo ang Kanyang awtoridad? (Binabantayan kami ng Diyos at pinangangalagaan kami mula noong kami ay mga bata pa, at nakikita namin ang awtoridad ng Diyos sa gayon. Lagi naming hindi naiintindihan ang mga sitwasyon na nangyayari sa amin, ngunit palagi kaming pinangangalagaan ng Diyos nang lihim; ito rin ay awtoridad ng Diyos.) Magaling, mahusay ang pagkakasabi!

Kapag pinag-uusapan natin ang “awtoridad ng Diyos,” nasaan ang pokus, ang pangunahing punto? Bakit kailangan pa nating pag-usapan ang paksang ito? Una, upang maiintindihan ng mga tao, upang makita, at upang madama ang awtoridad ng Diyos. Ang iyong nakikita at ang iyong nadarama ay mula sa mga pagkilos ng Diyos, mga salita ng Diyos, at ang pamamahala ng Diyos sa daigdig. Kaya, ang lahat ng nakikita ng tao sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos, lahat ng kanilang matututuhan sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos, o anumang tanggapin nila sa pamamagitan ng awtoridad ng Diyos, anong tunay na kaalaman ang matatamo mula rito? Una, ang layunin sa pagtalakay ng paksang ito ay upang maitatag ng tao ang kalagayan ng Diyos bilang Manlilikha at ang Kanyang katayuan sa gitna ng lahat ng mga bagay. Ikalawa, kapag nakita ng mga tao ang lahat ng mga nagawa ng Diyos at sinabi at pinamahalaan sa pamamagitan ng Kanyang awtoridad, magbibigay-daan ito sa kanila upang makita ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Magbibigay-daan ito sa kanila upang makita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos upang pamahalaan ang lahat ng bagay at kung gaano Siya katalino habang isinasagawa Niya ito. Hindi ba ito ang pokus at ang pangunahing punto ng natatanging awtoridad ng Diyos na tinalakay natin noong una? Di pa gaanong nagtatagal gayunman nakalimutan na ito ng ilan, na nagpapatunay na hindi pa ninyo lubos na nauunawaan ang awtoridad ng Diyos; maaari pang masabi ng isang tao na hindi pa ninyo nakita ang awtoridad ng Diyos. Nauunawaan na ba ninyo ito ngayon nang bahagya? Kapag nakita mo ang awtoridad ng Diyos sa pagkilos, ano ang tunay mong mararamdaman? Tunay mo bang naramdaman ang kapangyarihan ng Diyos? (Naramdaman namin.) Kapag binasa mo ang mga salita ng Diyos tungkol sa Kanyang paglikha sa daigdig madarama mo ang Kanyang kapangyarihan, nadarama mo ang Kanyang pagiging makapangyarihan. Kapag nakita mo ang dominyon ng Diyos sa kapalaran ng mga tao, ano ang iyong madarama? Nadarama mo ba ang Kanyang kapangyarihan at Kanyang karunungan? (Nadarama namin.) Kung hindi tinaglay ng Diyos ang kapangyarihang ito, kung Hindi Niya tinaglay ang karunungang ito, magiging karapat-dapat ba Siyang magkaroon ng dominyon sa daigdig at magkaroon ng dominyon sa kapalaran ng mga tao? (Hindi Siya magkakaroon.) Kung ang sinuman ay walang kakayahan na gawin ang kanyang trabaho, hindi nagtataglay ng kinakailangang mga lakas at kapos sa angkop na mga kasanayan at kaalaman, magiging karapat-dapat ba sila sa kanilang trabaho? Tiyak na sila ay hindi magiging karapat-dapat; ang posibilidad na makagawa ang isang tao ng dakilang mga bagay ay batay sa kung gaano kadakila ang kanilang mga kakayahan. Tinataglay ng Diyos ang gayong kapangyarihan gayundin ang karunungan, at kaya taglay Niya ang awtoridad; ito ay natatangi. Nakakilala ka na ba kailanman ng isang nilikha o isang tao sa daigdig na nagtataglay ng kaparehong kapangyarihan na mayroon ang Diyos? Mayroon bang sinuman o anuman na may kapangyarihang malikha ang kalangitan at ang lupa at lahat ng mga bagay gayundin ang pigilan at magkaroon ng dominyon sa kanila? Mayroon bang sinuman o anuman na maaaring mamuno at pangunahan ang buong sangkatauhan at maging parehong laging-naroroon at nasa lahat ng dako? (Wala, walang ganon.) Naiintindihan na ba ninyo ngayon ang tunay na kahulugan ng lahat ng kailangan sa natatanging awtoridad ng Diyos? Mayroon ba kayong ilang pagkaunawa? (Oo mayroon.) Narepaso na natin ngayon ang mga puntos na tumatakip sa natatanging awtoridad ng Diyos.
Ano ang ikalawang bahagi na ating napag-usapan? (Ang matuwid na disposisyon ng Diyos.) Hindi natin tinalakay ang maraming mga bagay tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Bakit ganon? May isang dahilan para rito: Ang paghatol at pagkastigo ay pangunahin sa gawain ng Diyos sa yugtong ito. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay malinaw na naihayag sa Kapanahunan ng Kaharian, pinaka-partikular. Nasabi Niya ang mga salita na hindi pa Niya kailanman nasabi mula sa panahon ng paglikha; at sa Kanyang mga salita ang lahat ng mga tao, lahat niyaong nakakita sa Kanyang salita, at ang lahat ng nakaranas sa Kanyang salita ay nakakita sa pagkahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon. Tama? Kung gayon ano ang pangunahing punto sa ating tinatalakay tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos? Nakabuo na ba kayo ng malalim na pang-unawa sa inyong natutuhan? Nakapagtamo na ba kayo ng pagkaunawa mula sa alinman sa inyong mga karanasan? (Ang pagsunog ng Diyos sa Sodoma ay dahil sa ang mga tao sa panahong iyon ay naging napakasama at dahil doon nag-alab ang galit ng Diyos. Dahil dito kaya natin nakikita ang matuwid na disposisyon ng Diyos.) Una, tingnan natin: Kung hindi winasak ng Diyos ang Sodoma, maaari mo kayang malaman ang ukol sa Kanyang matuwid na disposisyon? Maaari mo pa rin namang malaman. Tama? Makikita mo ito sa mga salita na Kanyang ipinahayag sa Kapanahunan ng Kaharian, at sa pamamagitan din ng Kanyang paghatol, pagkastigo, at mga sumpa ay iniumang laban sa tao. Nakikita ba ninyo ang matuwid na disposisyon ng Diyos mula sa Kanyang pagliligtas sa Nineveh? (Oo nakikita namin.) Sa panahong ito, nakikita natin ang isang bagay sa habag ng Diyos, pagmamahal, at pagpapaubaya. Nakikita natin ito kapag ang mga tao ay nagsisisi at ang nagbabago ang damdamin ng Diyos tungo sa kanila. Gamit ang dalawang halimbawa na ito bilang saligan upang talakayin ang matuwid na katangian ng Diyos, ito ay makikita nang napakalinaw na ang Kanyang matuwid na disposisyon ay naihayag. Gayunpaman, sa realidad hindi ito limitado sa kung ano ang naitala sa dalawang kuwentong ito ng Biblia. Mula sa kung ano ang inyong natutuhan ngayon at nakita sa pamamagitan ng salita ng Diyos at ng Kanyang gawain, mula sa inyong kasalukuyang karanasan sa kanila, ano ang matuwid na disposisyon ng Diyos? Tumalakay mula sa inyong sariling mga karanasan. (Sa mga kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa mga tao, kapag nagawa nilang mahanap ang katotohanan at kumilos sa ilalim ng kalooban ng Diyos, nakikita nila ang Kanyang pag-ibig at habag. Inaalalayan sila ng Diyos, nililiwanagan sila, at hinahayaan silang madama ang ilaw sa loob nila. Kapag kinakalaban ng mga tao ang Diyos at tinututulan Siya at sinasalungat ang Kanyang kalooban, may kadiliman sa loob nila, na parang pinabayaan sila ng Diyos. Mula rito ay naranasan natin ang kabanalan ng matuwid na disposisyon ng Diyos; Ang Diyos ay nagpapakita sa banal na kaharian at Siya ay nakatago sa mga lugar na marumi.) (Mula sa ating mga karanasan nakikita natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos sa gawain ng Banal na Espiritu.. Kapag tayo ay walang kibo, o kahit salungatin at kalabanin ang Diyos, ang Banal na Espiritu ay naroroon, nakatago at walang ginagawang pagkilos. May mga pagkakataon na nananalangin tayo at hindi natin madama ang Diyos, o kahit nananalangin tayo at hindi alam kung ano ang sasabihin sa Kanya, ngunit kapag ang kalagayan ng isang tao ay nagbabago at pumapayag na silang makipagtulungan sa Diyos at isasantabi ang kanilang sariling mga paniwala at mga imahinasyon at magsikap na humusay, ang palangiting mukha ng Diyos ay dito na magsisimulang makikita nang unti-unti.) May iba pa ba kayong idaragdag? (Ang Diyos ay nagtatago kapag pinagtataksilan Siya ng tao at ipagwawalang-bahala Niya ang tao.) (Nakikita ko ang matuwid na disposisyon ng Diyos sa paraan ng Kanyang pagtrato sa tao. Ang ating mga kapatid ay nagkakaiba sa tayog at kakayahan, at kung ano ang hinihingi ng Diyos mula sa bawat isa sa atin ay magkakaiba din naman. Natatanggap natin ang pagliliwanag ng Diyos sa magkakaibang antas, at sa paraang ito nakikita ko ang pagkamatuwid ng Diyos. Ito ay dahil sa hindi kayang tratuhin ng tao ang tao sa ganito kaparehong paraan, Diyos lamang ang makagagawa nito.) Mm, kayong lahat ay nagsalita ng ilang praktikal na kaalaman.
Naiintindihan ba ninyo ang pangunahing punto tungkol sa pag-alam sa matuwid na disposisyon ng Diyos? Ukol rito, marami tayong mga salita mula sa karanasan, ngunit kokonti lamang ang mga pangunahing punto na aking sasabihin sa inyo. Upang maunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kailangang maunawaan muna ng isang tao ang mga damdamin ng Diyos: ano ang Kanyang kinamumuhian, ano ang Kanyang kinasusuklaman, at ano ang Kanyang iniibig. Kailangan malaman ng sinuman kung sino ang Kanyang tinutulutan, kanino Siya mahabagin, at kailangang malaman ng tao kung anong uri ng tao ang nakatatanggap ng habag na iyon. Ito ay isang mahalagang punto na dapat malaman. Tangi sa roon, dapat na malaman ng tao na gaano man kapagmahal ang Diyos, gaano man karami ang habag at pagmamahal mayroon Siya para sa mga tao, hindi tinutulutan ng Diyos ang sinuman na saktan ang Kanyang katayuan at kalagayan, ni hindi tutulutan ang sinuman na saktan ang Kanyang dignidad. Kahit na iniibig ng Diyos ang mga tao, hindi Niya sila kinukunsinti. Ibinibigay Niya sa mga tao ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang habag, at Kanyang pagpapaubaya, ngunit hindi Siya kailanman nagsulsol sa kanila; Mayroon Siyang Kanyang mga prisipyo at Kanyang mga hangganan. Gaano man kalawak ang naramdaman mong pagmamahal sa iyo ng Diyos, gaano man kalalim ang pagmamahal na iyon, hindi dapat ituring ninuman ang Diyos bilang tao na mag-aasikaso sa isa pang tao. Bagamat totoo na itinuturing ng Diyos ang mga tao na malapit sa Kanya, kung tinatanaw ng isang tao ang Diyos bilang isang tao, na parang Siya ay isa lamang katauhan sa paglikha, gaya ng isang kaibigan o isang bagay ng pagsamba, itatago ng Diyos ang Kanyang mukha sa kanila at pababayaan sila. Ito ang Kanyang disposisyon, at hindi Niya tinutulutan ang sinuman na tatratuhin Siya nang basta-basta lang sa isyung ito. Kaya ito ang palaging sinasabi ng disposisyon ng Diyos sa Kanyang Salita: Hindi alintana gaano man karami ang mga daan na iyong nilakbay, gaano man karami ang gawain na iyong ginawa o gaano man karami ang iyong tiniis para sa Diyos, sa sandaling magkasala sa disposisyon ng Diyos, gagantihin Niya ang bawat isa sa inyo batay sa inyong ginawa. Nakita mo ba ito? (Oo, nakita namin.) Nakita mo ito, tama? Ibig sabihin nito ay maaaring itinuturing ng Diyos ang mga tao bilang malapit sa Kanya, ngunit hindi dapat ituring ng mga tao ang Diyos bilang isang kaibigan o isang kaanak. Huwag mong ibilang ang Diyos bilang kaibigan. Gaano man karami ang pagmamahal na natanggap mo mula sa Kanya, gaaano man karami ang pagpapaubaya ang ibinigay Niya sa iyo, hindi mo dapat kailanman ituring ang Diyos bilang isang kaibigan lamang. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Naiintindihan mo, tama? (Oo.) Kailangan Ko pa bang magsalita tungkol rito? Wala ka bang naunang pagkaunawa sa bagay na ito? Sa karaniwan pananalita, ito ang pinakamadaling pagkakamali ng mga tao hindi alintana kung naiintindihan nila ang mga doktrina, o kung wala silang naisip tungkol rito noong una. Kapag nagkasala ang mga tao sa Diyos, maaaring ito ay hindi lamang dahil sa isang pangyayari, o isang bagay na kanilang sinabi, ngunit sa halip sanhi ng saloobin na kanilang pinanghahawakan at isang sitwasyon na kinapapalooban. Ito ay isang bagay na totoong nakatatakot. Naniniwala ang ilang mga tao na mayroon silang kaunawaan ukol sa Diyos, na Siya ay kilala nila, maaaring makagawa pa sila ng ilang mga bagay na makasisiya sa Diyos. Nagsisimula na nilang madama na sila ay kapantay ng Diyos at buong pagmamagaling na sila’y naging mga kaibigan ng Diyos. Ang mga ganitong uri ng damdamin ay masyadong mali. Kung wala kang malalim na pagkaunawa ukol dito, kung hindi mo malinaw na kinikilala ito, napakadali kung gayon na magkasala sa Diyos at magkasala sa Kanyang matuwid na disposisyon. Iniisip Ko na naiintindihan mo na ito ngayon, tama? (Oo.) Hindi ba natatangi ang matuwid na disposisyon ng Diyos? Ito ba ay kapantay ng katauhan ng sangkatauhan? Ito ba ay kapantay ng pansariling mga katangian ng tao? Hindi kailanman, tama? (Oo.) Kaya, hindi mo dapat malimutan na paano man tratuhin ng Diyos ang mga tao, anuman ang pagtingin Niya sa mga tao, ang kalagayan ng Diyos, awtoridad, at katayuan ay hindi kailanman magbabago. Para sa sangkatauhan, ang Diyos ay palagi ang Panginoon ng lahat at ang Maylalang! Naiintindihan mo, tama? (Oo.)
Ano ang natutuhan ninyo tungkol sa kabanalan ng Diyos? Maliban sa pagiging-kabaligtaran ng kasamaan ni Satanas, ano ang pangunahing paksa sa pagtalakay sa kabanalan ng Diyos? Hindi ba ito ang kung anong mayroon at kung ano ang Diyos? Ang kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay natatangi sa Diyos Mismo? (Oo.) Wala sa Kanyang mga nilikha ang mayroon nito, kaya sinasabi natin na ang kabanalan ng Diyos ay natatangi, na isang bagay na maaari ninyong matutuhan. Nagkaroon tayo ng tatlong pagtitipon ukol sa kabanalan ng Diyos. Maaari ba ninyong isalarawan sa inyong sariling mga pangungusap, sa inyong sariling pagkaunawa, ano ang inyong paniniwala sa kabanalan ng Diyos? (Nang huling makipagniig sa atin ang Diyos gumawa tayo ng isang bagay: Tayo ay yumukod sa harap Niya. Narinig natin kung Saan siya nakatindig at nakita natin na tayo ay hindi nakaabot sa Kanyang mga kinakailangan; ang ating maalab na pagyukod sa harap ng Diyos ay hindi sang-ayon sa kalooban ng Diyos at mula rito nakita natin ang kabanalan ng Diyos.) Totoong-totoo,, tama? Mayroon pa bang iba? (Sa salita ng Diyos sa sangkatauhan, nakikita natin na Siya ay nangungusap nang simple at malinaw, Siya ay prangka. Paliguy-ligoy kung mangusap si Satanas at ito ay puno ng kasinungalingan. Sa nangyari sa atin noong huli nang tayo ay nagpatirapa sa harap ng Diyos, nakita natin na ang Kanyang mga salita at ang Kanyang mga pagkilos ay laging may prinsipyo. Siya ay palaging klaro at maigsi ngunit malinaw kapag sinasabi Niya kung paano tayo dapat umakto, kung ano ang dapat nating sundin, at kung paano tayo dapat gumawa ng pagkilos. Ngunit ang mga tao ay hindi ganito; pagkatapos pasamain ni Satanas ang tao, hinangad ng mga tao na makamtan ang kanilang sariling personal na mga layunin at ang kanilang sariling personal na mga hangarin sa kanilang mga pagkilos at mga salita. Mula sa paraan ng pag-aalaga ng Diyos sa sangkatauhan, mula sa pag-aaruga at pag-iingat na ibinibigay Niya sa kanila, nakikita natin na ang lahat ng ginawa ng Diyos ay positibo, ito ay sobrang linaw. Sa ganitong paraan natin nakikita ang pagbubunyag ng pinakadiwa ng kabanalan ng Diyos.) Mahusay! May maidadagdag ba ang sinuman dito? (Makikita natin ang kabanalan ng Diyos nang Kanyang ibunyag ang kasamaan ni Satanas at sa sandaling ipakita sa atin ng Diyos ang pinakadiwa nito makabubuting kilalanin natin ito at mauunawaan natin ang pinagmumulan ng lahat ng pagdurusa ng sangkatauhan. Sa nakaraan, wala tayong alam sa pagdurusa sa ilalim ng sakop ni Satanas. Noon lamang nang ihayag ito ng Diyos saka pa lang natin nalaman ang lahat ng pagdurusa dulot ng paghahangad sa katanyagan at kayamanan ay nilikha lahat ni Satanas. Sa pamamagitan lamang nito natin madadama na ang kabanalan ng Diyos ay ang tunay na kaligtasan ng sangkatauhan. Higit sa rito, inihahanda ng Diyos ang mga kakailanganin para makapagtamo tayo ng kaligtasan; bagaman hindi Niya itinulot na maisilang tayo sa isang mayaman na pamilya, tiniyak Niya na tayo ay maisilang sa isang angkop na pamilya at sa isang angkop na kapaligiran. At saka hindi Niya hinayaang danasin natin ang pananakit at pang-aapi ni Satanas, upang matamo natin ang mga kondisyon, magkaroon ng normal na pagtingin, at normal na pag-iisip sa pagtanggap sa kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw. Sa lahat ng ito nakikita din natin ang katumpakan ng mga plano ng Diyos, ang Kanyang mga pagsasaayos, at kung papaano Niya isagawa ang mga ito. Nakikita nating mabuti ang detalyadong gawain ng Diyos sa pagliigtas Niya sa atin sa impluwensya ni Satanas at nakikita natin ang kabanalan ng Diyos at ang Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan.) Mayroon pa bang idadagdag doon? (Sapagkat hindi natin naiintindihan ang diwa ng kabanalan ng Diyos, ang ating pagpapatirapa sa Kanya sa pagsamba ay winalang kabuluhan, may lihim na motibo at sinasadya, na nagpapalungkot sa Diyos. Mula rito ay nakikita din natin ang kabanalan ng Diyos. Ang Diyos ay lubos na kaiba kay Satanas; Hangad ni Satanas na ibigin at purihin siya at sambahin siya ng mga tao. Si Satanas ay walang prinsipyo.) Magaling! Mula sa ating napag-usapan tungkol sa kabanalan ng Diyos, nakita ba ninyo ang pagiging perpekto ng Diyos? (Nakikita namin.) Ano pa ang inyong nakikita? Nakikita ba ninyo kung paanong ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng mga positibong bagay? Nakikita ba ninyo na ang Diyos ang sagisag ng katotohanan at katarungan? Nakikita ba ninyo kung paanong ang Diyos ang pinagmumulan ng pag-ibig? Nakikita ba ninyo ang lahat ng ginawa ng Diyos, ang lahat ng Kanyang inihasik, at lahat ng Kanyang inihayag ay walang paltos? (Nakikita namin ito.) Ang ilang mga halimbawa na ito ay ang lahat na pangunahing puntos tungkol sa kabanalan ng Diyos na Aking sinasabi. Maaaring ituring ninyo ang mga salitang ito bilang mga doktrina lamang, ngunit isang araw kapag naranasan mo at nasaksihan ang Diyos Mismo mula sa Kanyang salita o Kanyang gawain, masasabi mo mula sa iyong puso mismo na ang Diyos ay banal, na ang Diyos ay naiiba sa sangkatauhan, at na ang Kanyang puso ay banal at ang Kanyang disposisyon ay banal, at ang Kanyang diwa ay banal. Ang kabanalang ito ang nagbibigay-daan sa tao na makita ang Kanyang pagiging ganap at nagbibigay-daan din sa tao upang makita na ang pinakadiwa ng kabanalan ng Diyos ay dalisay. Ang diwa ng Kanyang kabanalan ang nagpapasiya na Siya ang natatanging Diyos Mismo, at ito ay ipinakikita sa tao, at nagpapatunay na siya ang natatanging Diyos Mismo. Hindi ba ito ang pangunahing punto? (Ito nga.)
Nakagawa tayo ngayon ng buod sa ilang mga bahagi ng paksa mula sa ating nakaraang mga pagtitipon. Tatapusin natin ang ating buod dito. Umaasa Ako na isasapuso ninyong lahat ang pangunahing mga puntos ng bawat tala at paksa. Huwag basta isipin bilang mga doktrina ang mga ito; pakabasahin ninyo ang mga ito subuking unawain ang mga ito kapag mayroon kayong oras. Isapuso ninyo ang mga ito at isagawa ang mga ito at tunay mong matututuhan ang lahat ng Aking sinabi tungkol sa tunay na pagbunyag ng disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Gayunman, hindi mo kailanman maiintindihan ang mga ito kung itatala mo lang ang mga ito at hindi babasahing mabuti at pag-iisipan ang mga ito. Nakatitiyak Akong naiintindihan mo! Pagkatapos ipabatid ang tatlong bagay na ito, natamo na ng mga tao ng pangkalahatan—o kahit ng partikular—na pagkaunawa sa katayuan ng Diyos, Kanyang pinakadiwa, at Kanyang disposisyon. Ngunit magkakaroon ba sila ng ganap na pagkaunawa tungkol sa Diyos? (Hindi.) Ngayon, sa inyong sariling pagkaunawa ukol sa Diyos, mayroon pa bang ibang mga bahagi na kung saan dama ninyo na kailangan pa ninyo ng malalim na pagkaunawa? Iyon ay upang sabihin, pagkatapos mong magtamo ng kaunawaan ukol sa awtoridad ng Diyos, ang Kanyang matuwid na disposisyon, at ang Kanyang kabanalan, marahil ay naitatag mo na sa iyong sariling isipan ang pagkakilala sa Kanyang natatanging katayuan at kalagayan, gayunman sa pamamagitan ng iyong karanasan kailangan mong malaman at pahalagahan ang Kanyang mga pagkilos, Kanyang kapangyarihan, ang Kanyang pinakadiwa bago ka makapagtamo ng mas malalim na pagkaunawa. Kayo ngayon ay nakapakinig sa mga ganitong pakikipag-usap nang upang inyong maisapuso ang artikulong ito ng pananampalataya: Ang Diyos ay tunay na umiiiral, at isang katotohanan na inaaatasan Niya ang lahat ng mga bagay. Hindi dapat magkasala ang sinumang tao sa Kanyang matuwid na disposisyon at ang Kanyang kabanalan ay isang katiyakan na hindi maaaring kuwestyunin ng sinumang tao. Ang mga ito ay mga katotohanan. Itinutulot ng mga pakikipag-usap na ito ang kalagayan at katayuan ng Diyos na magkaroon ng saligan sa mga puso ng mga tao. Pagkatapos na maitatag ang saligang ito, kailangang makahanap ng maraming pagkaunawa ang mga tao upang tunay na makilala ang Diyos.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: "Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin"
Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
0 Mga Komento