Kidlat ng Silanganan-Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII(II)

buhay, Diyos, Iglesia, Panginoon, Jesus,

Kidlat ng Silanganan-Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII(II)


(II) Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng mga Bagay

Sa araw na ito ibabahagi Ko sa inyo ang tungkol sa isang bagong paksa. Ano ang magiging paksa? Ang titulo ng paksa ay ang “Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng mga Bagay.” Hindi ba ito ay medyo malaking paksa upang talakayin? Para ba itong isang bagay na mahirap abutin?
Ang Diyos bilang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay ay parang isang paksa na dama ng mga taong hiwalay sila, ngunit lahat ng mga taong sumusunod sa Diyos ay dapat itong maintindihan. Ito ay dahil sa ang paksang ito ay hindi maaaring mahiwalay sa bawat taong kumikilala sa Diyos, sa gayon ay mapalugod Siya, at igalang Siya. Kung gayon, ang paksang ito ay dapat maibahagi. Maaaring magkaroon ang mga tao ng isang panimulang pagkaunawa ukol sa paksang ito, o marahil ay batid ito ng ilang mga tao: Maaaring mayroon silang payak na kaalaman ukol rito sa kanilang mga puso, isang mababaw na kaalaman lamang. Maaaring ang iba ay may espesyal na kasanayan rito; dahil sa kanilang mga natatanging karanasan, sa kanilang mga puso ay mayroon silang malalim na kaalaman ukol dito. Ngunit maging malalim man o mababaw ang kaalamang ito, para sa inyo ito ay makasarili at hindi ganap na tiyak. Kaya, ang paksang ito ay dapat na maibahagi, ang layunin ukol rito ay upang bigyan kayo nang mas tiyak at malalim na pagkaunawa; ito ay sobrang napakahalaga. Gagamit Ako ng isang espesyal na paraan sa pakikipag-ugnayan sa inyo ukol sa paksang ito, isang paraan na hindi pa natin nagamit noong una at paraan na masasabi ninyong medyo hindi pangkaraniwan, o medyo hindi nakagiginhawa. Gayunman, pagkatapos ninyong marinig ito malalaman ninyo ito, sa kahit na anumang paraan. Gusto ba ninyo ang pakikinig sa mga kuwento? (Oo gusto namin.) Anong uri ng kuwento ang gusto ninyong marinig? Kuwento ng mga engkantada, mga pabula o mga kuwentong may halong agham at katha-katha? (Mga Pabula.) (Isang kuwento tungkol sa Diyos at sa Tao.) Mayroon bang mga kuwento tungkol sa Diyos at sa tao? (Oo.) May mga kuwento tungkol sa Diyos at sa tao na nangyayari malapit sa inyo araw-araw. Kailangan pa bang banggitin Ko ang mga ito sa inyo? Sinumang may gusto sa mga kuwento pakitaas na lang ang inyong mga kamay, at sa gayon ay makita Ko kung ilang mga tao ang may gustong makarinig ng mga kuwento. Parang tama Ako sa pagpili sa paraan ng paglalahad ng kuwento. Gusto ninyong lahat na makarinig ng mga kuwento. OK kung ganon, atin nang simulan! Hindi na ninyo kailangang isulat ito sa inyong mga talaan. Hinihingi ko na maging kalmado kayo, at huwag maglikot. Maari mong isara ang iyong mga mata kung sa tingin mo kapag nakabukas ang iyong mga mata ay maliligalig ka ng iyong kapaligiran at ng mga taong nakapaligid sa iyo. Mayroon Akong isang kahanga-hangang maliit na kuwento na ilalahad sa inyo. Ito ay kuwento tungkol sa isang buto, ang lupa, isang puno, ang sikat ng araw, ang mga palaawiting ibon, at ang tao. Huwag kayong matulog. Naririnig ba ninyo Ako? Ang kuwento na aking ilalahad sa inyo ay mayroong anong pangunahing mga tauhan dito? (Isang buto, ang lupa, isang puno, the sikat ng araw, ang mga palaawiting ibon, at ang tao.) Makakasama ba ang Diyos dito? (Hindi.) Hindi ninyo ito narinig, tama? Ngunit nakatitiyak Ako na pagkatapos mailahad ang kuwento magiginhawaan kayo at makukuntento. O sige kung ganon, maaari kayong tahimik na makinig.

Kuwento 1. Isang Buto, Ang Lupa, isang Puno, ang Sikat ng Araw, ang mga Palaawiting Ibon, at Tao

Ang isang maliit na buto ay nalaglag sa lupa. Pagkatapos bumuhos nang napakalakas na ulan, ang buto ay umusbong nang bahagya at ang mga ugat nito ay dahan-dahang sumiksik sa ilalim ng lupa. Ang usbong ay lumaki, sinasagupa ang malalakas na hangin at ulan, nakikita ang pagpapalit ng mga panahon kagaya ng paglaki at pagliit ng buwan. Sa tag-araw, naglalabas ng regalong tubig ang lupa upang makayanan ng usbong ang nakapapasong init. At dahil sa lupa, hindi naramdaman ng usbong ang init at sa gayon ay nalampasan nito ang init sa tag-araw. Nang dumating ang taglamig, binalot ng lupa ang usbong sa kanyang mainit na yakap at kumapit sila sa isa’t-isa nang mahigpit. At dahil sa init ng lupa, nalampasan ng usbong ang mapait na lamig, ligtas sa pagdaan ng malakas na hanging-taglamig at ang panahon ng pagbagsak ng niyebe. Kinanlong ng lupa, ang usbong ay lumaking matapang at naging masaya. Ito ay lumaki at tumayog mula sa walang pag-iimbot na pag-aaruga na ibinigay ng lupa. Ang usbong ay lumaking masaya. Ito ay kumakanta habang bumubuhos ang ulan at ito ay nagsasayaw at umiindayog habang umiihip ang hangin. At kaya, ang usbong at ang lupa ay umasa sa isa’t-isa …

Dumaan ang mga taon, ang usbong ay matayog na puno na ngayon. Nagkaroon ito ng matatag na mga sanga na punong-puno ng dahon at nakatayong matatag sa ibabaw ng lupa. Ang mga ugat ng puno ay humukay sa ilalim ng lupa kagaya noong una, ngunit ngayon ay sumisid sila nang napakalalim sa lupa. Ang minsang pinoprotektahang usbong ay ang pundasyon na ngayon para sa makapangyarihang puno.

Isang sinag ng sikat ng araw ang nakitang bumaba sa puno at ang katawan ng puno ay naalog. Iniunat ng puno nang maluwang ang mga sanga nito at lalong nahila palapit sa liwanag. Ang lupa sa ilalim ay humihinga kaalinsabay ng puno, at ang lupa ay nakadama ng pagpapanibagong-lakas, at pagkatapos lang noon, isang sariwang simoy ang umihip sa mga sanga, at ang puno ay nanginig sa tuwa, punung-puno ng lakas. At kaya, ang puno at ang sikat ng araw ay umasa sa isa’t-isa …

Ang mga tao ay nakaupo sa malamig na lilim ng puno at sila ay nadarang sa mabilis, mahalimuyak na hangin. Dinalisay ng hangin ang kanilang mga puso at mga baga, at dinalisay ang dugo sa loob. Ang mga tao ay hindi na nakadama ng pagod at bigat. At kaya, ang mga tao at ang puno ay umasa sa isa’t-isa …

Isang kawan ng palaawiting ibon ang humuhuni habang nakahapon sa mga sanga ng puno. Marahil ay umiiwas sila sa ilang kalaban, o sila ay nagpaparami at pinalalaki ang kanilang inakay, o marahil ay nagpapahinga lang saglit. At kaya, ang mga ibon at ang puno ay umaasa sa isa’t-isa.

Ang mga ugat ng puno, nangabaluktot at nagkandabuhol-buhol, bumaon nang malalim sa lupa. Tinakpan ng katawan nito ang lupa sa mula sa hangin at sa ulan at iniunat nito ang kanyang kahanga-hangang mga sanga at pinrotektahan ang lupa sa ilalim nito, at ginawa ito ng puno sapagkat ang lupa ang kanyang ina. Namumuhay silang magkasama, umaasa sa isa’t-isa, at hindi sila kailanman tatahang magkahiwalay …

buhay, Diyos, Iglesia, Panginoon, Jesus,

Kaya, ang kuwento ay nasa katapusan na. Maaari na ninyong buksan ang inyong mga mata ngayon. Naglahad ako ng kuwento tungkol sa isang buto, sa lupa, isang puno, sa sikat ng araw, sa mga palawiting ibon, at sa tao. Ang kuwento ay may ilang mga bahagi lamang. Anong mga damdamin ang ibinigay nito sa inyo? Sa pagkakalahad nito sa ganitong paraan, naiintindihan ba ninyo ito? (Naiintindihan namin.) Maaari kayong magsalita ukol sa inyong mga damdamin. Kaya, ano ang inyong nararamdaman pagkatapos ninyong marinig ang kuwentong ito? (Ito ay talagang nakakaantig at tila isa itong kuwento tungkol sa Diyos at tao at ito ang Kanyang paraan sa pag-aalaga sa tao, iniingatan Niya ang tao upang maging matatag pagkatapos. Kapag ang tao ay naging totoong tao maiintindihan niya ang pagmamahal ng Diyos at ibabalik ang pagmamahal na iyon sa Kanya. Ang Diyos ay totoong malapit sa tao.) Magpapauna na ako sa inyo, ang lahat ng mga bagay na Aking nabanggit ay nakikita ninyo sa sarili ninyong mga mata at maaaring mahipo ng sarili ninyong mga kamay; ang mga ito ay mga totoong bagay, hindi mga talinghaga. Nais Kong magpatuloy kayo at pag-isipan ang tungkol sa Aking tinalakay. Wala sa Aking tinalakay ang malalim, at may ilang mga pangungusap na bumuo sa pangunahing punto ng kuwento. (Maging ito man ay isang halaman o isang hayop, maging ito man ay isang ibon o isang tao, ang pinagmumulan ng buhay nito ay ang Diyos.) Ano pa? (Kahit na ang mga pangyayari sa kuwento ay mga bagay na nangyayari malapit sa atin, gayunpaman madalas nating pinababayaan ang patakaran ng Diyos. Sinasabi ito ng Diyos nang buong kalikasan at nangyayari to nang buong kalikasan nangyayari sa tabi natin mismo, gayunman sa loob niyon ay ang patakaran ng Diyos. Pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng mga bagay at ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay.) (Ang mga salita na sinalita ng Diyos ay payak, ang mga ito ay naroroon upang ating maintindihan at upang ating malaman na ang pamumuno ng Diyos ang nagsaayos sa lahat ng mga bagay.) Mayroon bang iba pa na idaragdag? (Ang kuwento na ating narinig ay nagpipinta ng isang magandang larawan: Ang buto ay nabuhay at habang ito ay lumalago nararanasan nito ang apat ng panahon ng taon: tagsibol, tag-araw, taglagas, at taglamig. Ang lupa ay parang ina sa paraan ng pag-aalaga. Nagbibigay ito ng init sa taglamig upang ang usbong ay makaligtas sa lamig. Pagkatapos na ang usbong ay lumaking isang puno, isang sinag ng araw ang humahaplos sa kanyang mga sanga, na nagdala ng labis na kagalakan sa puno. Nakikita natin na sa lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, ang lupa ay buhay at ito ay umaasa sa puno. Nakikita din natin na ang sikat ng araw ay nagdudulot ng sobrang init sa puno, at kahit na ang mga ibon ay pangkarinawang bagay lang na nakikita, nakikita natin kung papaanong ang mga ibon, ang puno, at ang mga tao ay nagsasama-samang lahat sa pagkakaisa. Kapag naririnig natin ang kuwentong ito, ito ang damdamin na nasa ating mga puso na, talagang, ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos ay buhay. Magaling! May idadagdag pa bang iba ang sinuman? (Sa kuwento habang ang buto ay umuusbong at lumalagong isang napakalaking puno, nakikita natin ang kamangha-manghang mga bagay na ginawa ng Diyos. Ginawa ng Diyos ang lahat ng mga bagay upang mabuhay at umasa sa isat-isa at ang mga ito ay magkakaugnay sa isat-isa. Nakikita natin ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang himala, at nakikita natin na ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos nangaglilingkuran sa bawat isa at na Siya ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay.)

Ang lahat ng mga bagay na kasasabi Ko lang ay mga bagay na nakita na ninyo noong una, kagaya ng mga buto, alam ninyo ang ukol rito, tama? Ang isang buto na lumalago at naging isang puno ay mararing hindi isang proseso na iyong makikita nang detalyado, ngunit alam ninyo na ito ay isang katotohanan, tama? (Oo.) Alam mo ang ukol sa lupa at sa sikat ng araw, tama? Ang imahe ng mga palaawiting ibon na humahapon sa puno ay isang bagay na nakita na ng lahat ng mga tao, tama? (Oo.) At ang mga tao ay nagpapalamig sa lilim ng isang puno, nakita na ninyong lahat iyon, tama? (Nakita na namin iyon.) Kaya anong damdamin ang inyong makukuha kapag nakikita ninyo ang lahat ng mga halimbawang ito sa isang imahe? (Pagkakaisa.) Ang lahat ba ng mga halimbawa na inyong nakikita sa imahe na ito ay nagmumula sa Diyos? (Oo.) Dahil galing sila sa Diyos, nababatid ng Diyos ang kahalagahan at kabuluhan ng ilan sa mga halimbawang ito na umiiral na magkakasama sa lupa. Nang likhain ng Diyos ang lahat ng mga bagay, mayroon Siyang plano sa bawat isang bagay, at ang bawat bagay na Kanyang nilikha ay ipinakikita ang Kanyang mga layunin at nagpupuspos Siya ng buhay sa kanila. Nilikha niya ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan, na tinalakay sa kuwento na kapapakinig pa lang natin. Tumatalakay ito sa pagtutulungan na mayroon ang buto at ang lupa; pinakakain ng lupa ang buto at ang buto ay nakabigkis sa lupa. Ang ugnayan sa pagitan ng dalawang ito ay itinakda ng Diyos mula pa sa pasimula, tama? (Oo.) Ang puno, ang sikat ng araw, ang mga palaawiting ibon, at ang tao sa imaheng ito, sila ba ay halimbawa ng buhay na kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan? (Oo.) Una, maaari bang iwanan ng puno ang lupa? (Hindi.) Makakaya kaya ng puno kung wala ang sikat ng araw? (Hindi.) Kung gayon ano ang layunin ng Diyos sa paglikha Niya sa puno, maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa lupa? Maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa mga palaawiting ibon? Maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa mga tao? (Hindi.) Ano ang ugnayan sa pagitan nila? Ang ugnayan sa pagitan nila ay isang uri ng pagtutulungan na kung saan sila ay hindi maaaring maghiwalay. Ang lupa, ang puno, ang sikat ng araw, ang mga palaawiting ibon, at ang mga tao ay umaasa sa isa’t-isa para sa pag-iral at inaalagaan nila ang isa’t-isa. Inaalagaan ng puno ang lupa at pinakakain ng lupa ang puno; naglalaan ang sikat ng araw para sa puno, samantalang ang puno ay lumilikha ng sariwang hangin mula sa sikat ng araw at tumutulong sa pagpapaginhawa sa lupa mula sa init ng sikat ng araw. Sino ang nakikinabang mula rito sa katapusan? Nakikinabang ang sangkatauhan mula rito, tama? (Oo.) At ito ay isa sa mga prinsipyo kung bakit ginawa ng Diyos ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan at isa sa mga pangunahing layunin para rito. Kahit na ito ay isang simpleng larawan, makikita natin ang karunungan ng Diyos at ang Kanyang mga layunin. Ang sangkatauhan ay hindi maaaring mabuhay nang wala ang lupa, o wala ang mga puno, o wala ang mga palaawiting mga ibon at ang sikat ng araw, tama? Kahit na ito ay isang kuwento, ito ay isang maliit na daigdig sa paglikha ng Diyos sa daigdig at Kanyang pagkakaloob ng buhay na kapaligiran sa tao.

Nilikha ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at ang lahat ng mga bagay para sa sangkatauhan at nilikha din Niya ang buhay na kapaligiran. Una, ang pangunahing punto na ating tinalakay sa kuwento ay ang magkakaugnay na relasyon at pagtutulungan sa lahat ng mga bagay. Sa ilalim ng prinsipyong ito, ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan ay napangangalagaan, ito ay makaliligtas at makapagpapatuloy; dahil sa pag-iral nitong buhay na kapaligiran, ang sangkatauhan ay maaaring lumago at magparami. Nakita natin ang puno, ang lupa, ang sikat ng araw, ang mga palaawiting ibon, at ang mga tao sa eksena. Naroon din ba ang Diyos? Maaaring hindi ito makikita ng tao, Tama? Sa wari ay parang wala ang Diyos doon, ngunit nakikita ng mga tao ang mga patakaran ng magkakarugtong na mga ugnayan sa pagitan ng mga bagay sa eksena; sa pamamagitan ng mga patakarang ito nakikita ng mga tao na ang Diyos ay umiiral at na Siya ang Namumuno. Tama? Ginagamit ng Diyos ang mga prinsipyo at mga patakaran upang maingatan ang buhay at pag-iral ng lahat ng mga bagay. Sa ganitong paraan Siya naglalaan para sa lahat ng mga bagay at naglalaan Siya para sa sangkatauhan. May kahit na anuman bang kaugnayan ang kuwentong ito sa tema na katatalakay pa lang natin? (Oo.) Sa wari ay parang walang ganyan, ngunit sa realidad ang mga patakaran na ginawa ng Diyos bilang Manlilikha at ang Kanyang dominyon sa lahat ng mga bagay ay matibay na nakaugnay sa Kanya sa pagiging-pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay at ang mga ito ay matibay na magkarugtong. Tama? (Oo.) Natuto kayo ng konting bagay, tama?

Ang Diyos ay ang Panginoon ng mga patakaran na pumipigil sa daigdig, pinipigil Niya ang mga patakaran na nagpapatupad ng kaligtasan sa lahat ng mga bagay, at pinipigil din Niya ang daigdig at ang lahat ng mga bagay nang sa gayon ay makapamuhay silang magkakasama; Ginagawa Niya ito nang upang hindi sila mawala nang lubusan o maglaho nang upang ang sangkatauhan ay makapagpatuloy na umiral, ang tao ay maaaring mabuhay sa gayong kapaligiran sa pamamagitan ng pangunguna ng Diyos. Ang mga patakarang ito na namumuno sa lahat ng mga bagay ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos, gayunman, ang sangkatauhan ay hindi maaaring makialam at hindi sila mapapalitan; tanging ang Diyos Mismo lamang ang nakaaalam sa mga patakarang ito at ang Siya Mismo lamang ang nakapamamahala sa kanila. Kailan uusbong ang mga puno, kailan uulan, gaano karaming tubig at gaano karaming mga pampalusog ang ibibigay ng lupa sa mga halaman, sa anong panahon malalaglag ang mga dahon, sa anong panahon mamumunga ang mga puno, gaano karaming enerhiya ang ibibigay ng sikat ng araw sa mga puno, ano ang ihihingang palabas ng mga puno mula sa enerhiya na nakukuha nila mula sa sikat ng araw—ang lahat ng ito ay mga bagay na naisaayos na ng Diyos nang lalangin Niya ang daigdig at ang mga ito ay mga batas na hindi maaaring labagin ng tao. Ang mga bagay na nilikha ng Diyos—maging sila ay buhay o lumilitaw na walang buhay ayon sa mga tao—lahat ay nasa mga kamay ng Diyos at nasa ilalim ng Kanyang dominyon. Walang sinuman ang makababago o sirain ang patakarang ito. Ito ay upang sabihin, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay binalangkas na Niya ang mga ito. Ang mga puno ay hindi maaaring magka-ugat, umusbong, at lumago kung wala ang lupa. Ano ang magiging itsura ng lupa kung wala ang mga puno? Ito ay matutuyo. Hindi ba ito tama? (Oo.) At saka, ang puno ay ang tahanan ng mga palaawiting ibon, ito ang lugar kung saan sila nagkukubli mula sa hangin. Magiging OK lang ba kung magkakaroon ng puno kahit walang sikat ng araw? (Hindi ito magiging OK.) Kung lupa lamang mayroon ang puno hindi ito maaari. Ang lahat ng ito ay para sa sangkatauhan at para sa ikaliligtas ng sangkatauhan. Nakatatanggap ang tao ng sariwang hangin mula sa puno, at nabubuhay sa ibabaw ng lupa at pinoprotektahan nito. Hindi mabubuhay ang tao nang walang sikat ng araw, ang tao ay hindi mabubuhay kung wala ang ibat-ibang mga bagay na nabubuhay. Kahit na ang relasyon sa pagitan ng mga bagay na ito ay malawak, kailangang malinaw na maintindihan ng tao na nilikha ng Diyos ang mga patakaran na namamahala sa lahat ng mga bagay nang upang umiral sila sa isang magkakaugnay at nagtutulungang paraan; ang bawat isang bagay na Kanyang nilikha ay may halaga at kabuluhan. Kung ang Diyos ay lumikha ng isang bagay na walang kabuluhan, hahayaan ito ng Diyos na mawala. Nakuha ninyo? (Oo.) Ito ay isa sa mga pamamaraan na Kanyang ginagamit sa paghahanda sa lahat ng mga bagay. Ano ang tinutukoy ng “maglaan para sa” sa kuwentong ito? Lumalabas ba ang Diyos upang didiligan ang puno araw-araw? Kailangan ba ng puno ang tulong ng Diyos para makahinga? (Hindi.) Ang “Maglaan para sa” sa pagkakataong ito ay tumutukoy sa pamamahala ng Diyos sa lahat ng mga bagay pagkatapos ng paglikha; ang kinailangan lang Niya ay mga patakaran nang upang panatilihing maayos ang lahat. Ang puno ay lumaki nang kusa sa pamamagitan ng pagkatanim nito sa lupa. Ang mga kinakailangan para ito ay lumago ay nilikha lahat ng Diyos. Ginawa Niya ang sikat ng araw, ang tubig, ang lupa, ang himpapawid, at ang kalapit na kapaligiran, ang hangin, ang hamog na nagyelo, ang niyebe, at ulan, at ang apat na kapanahunan; ito ang mga kondisyon na kakailanganin ng puno upang lumago, ito ang mga bagay na inihanda ng Diyos. Kaya, ang Diyos ba ang pinagmumulan nitong buhay na kapaligiran? (Oo.) Kailangan bang lumabas ang Diyos araw-araw upang bilangin ang bawat dahon sa mga puno? Hindi na kailangan, tama? Hindi rin kailangan na tulungan ng Diyos ang puno na makahinga. Hindi rin kailangan na gisingin ng Diyos araw-araw ang sikat ng araw sa pagsasabing, “Oras na upag lumiwanag sa mga puno ngayon.” Hindi Niya kailangang gawin iyon. Ang sikat ng araw ay nagliliwanag nang kusa gaya ng iniatas ng mga patakaran, lumiliwanag ito sa puno at sinisipsip ito paloob ng puno. Ganito nabubuhay ang mga bagay sa loob ng mga patakaran. Ito marahil ay isang kababalaghan na maaaring hindi pamilyar sa inyo, ngunit ito ay isang katotohanan na nakita at natanggap na ng lahat. Ang dapat mo lang gawin ay tanggapin na ang mga patakaran para sa pag-iral ng lahat ng mga bagay ay mula sa Diyos at malaman na ang kanilang paglago at kaligtasan ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Pinatutunayan nito na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng buhay.

Isa bang talinghaga ang ginamit sa kuwentong ito, gaya ng tawag ng mga tao dito? (Hindi.) Ito ba ay antropomorpiko? (Hindi.) Ang sinasabi Ko ay katotohanan. Ang lahat ng bagay na buhay, lahat ng bagay ay umiiral sa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang bawat bagay ay binigyan ng buhay pagkatapos itong likhain ng Diyos; ito ay buhay na ibinigay mula sa Diyos at sumusunod ito sa mga kautusan at sa daan na Kanyang nilikha para rito. Hindi ito dapat baguhin ng tao, at hindi nangangailangan ng tulong mula sa tao; ganito naglalaan ang Diyos para sa lahat ng mga bagay. Naiintindihan mo, tama? Iniisip ba ninyo na kinakailangan ng mga tao na kilalanin ito? (Oo.) Kaya, may kinalaman ba ang kuwentong ito sa biyolohiya? Mayroon ba itong kinalaman sa anumang saklaw ng kaalaman o agham? (Wala.) Hindi natin tinatalakay ang biyolohiya dito at tiyak na hindi tayo nagsasagawa ng anumang pananalisik na biyolohikal. Ano ang pangunahing punto na pinag-uusapan natin dito? (Na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng buhay.) Ano ang nakikita ninyo sa gitna ng lahat ng mga bagay sa paglikha? Nakakita ba kayo ng mga puno? Nakakita ba kayo ng lupa? (Oo.) Nakita ba ninyo ang sikat ng araw, tama? Nakakita ba kayo ng mga ibong nagpapahinga sa mga puno? (Naramdaman namin.) Masaya ba ang sangkatauhan na manirahan sa gayong kapaligiran ? (Masaya siya.) Ginagamit ng Diyos ang lahat ng mga bagay—ang mga bagay na Kanyang nilikha upang mapanatili ang tahanan ng sangkatauhan para sa kaligtasan at ingatan ang tahanan ng sangkatauhan, at ganito Siya naglalaan para sa tao at naglalaan para sa lahat ng mga bagay.

Ano ang nararamdaman ninyo tungkol sa pagtalakay Ko sa mga bagay-bagay sa ganitong paraan at sa Aking pakikipag-usap sa ganitong paraan? Mainam ba ito? (Mainam ito. Ito ay makatotohanan.) Ano ang ikinainam nito? (Ito ay madaling maintindihan at mayroong praktikal na mga halimbawa ukol rito.) Ito ang totoong paraan sa pagtalakay ng mga bagay, tama? Mahalaga ba ang kuwentong ito upang tulungang makilala ng tao na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay? (Oo.) Kung ito ay mahalaga, kung gayon ay magpapatuloy tayo sa ating susunod na kuwento. Ang paksa sa susunod na kuwento ay bahagyang kakaiba at ang pangunahing punto ay kakaiba din; ang mga bagay sa kuwento ang siyang ating nakikita sa gitna ng mga nilikha ng Diyos. Gagamitin kong muli ang paraan ko ng pagsasabi ng kuwento sa inyo, na maaari kayong tahimik na makinig at pakaisipin ang tungkol sa sinasabi ko. Kapag natapos ko ang kuwento, magtatanong ako sa inyo ng ilang mga katanungan upang makita kung gaaano na kayo natuto. Ang mga pangunahing gumaganap sa kuwento ay ang dakilang bundok, isang maliit na sapa, isang mabagsik na hangin, at ang higanteng alon.

Kuwento 2. Isang Dakilang Bundok, isang Maliit na Sapa, isang Mabagsik na Hangin, at isang Dambuhalang Alon


May isang maliit na sapa na nagpapaliku-liko paroo’t parito, hanggang nakarating sa wakas sa paanan ng dakilang bundok. Hinaharangan ng bundok ang daanan ng maliit na sapa, kaya tinanong ng maliit na sapa ang bundok sa kanyang mahina, maliit na boses, “Pakiusap padaanin mo ako, ikaw ay nakatayo sa aking dinaraanan at hinaharangan ang aking daanan pasulong.” Nagtanong ang bundok pagkatapos, “Saan ka pupunta?” Na tinugon naman ng maliit na sapa, “Hinahanap ko ang aking tahanan.” Sinabi ng bundok, “Sige, magpatuloy kang dumaloy ka sa ibabaw ko!” Ngunit dahil ang maliit na sapa ay masyadong mahina at masyadong bata, walang paraan para ito makadaloy sa ibabaw ng gayong kalaking bundok, kaya wala itong magawa kundi ang manatiling dumaloy sa paanan ng bundok …

Umihip ang isang mabagsik na hangin dala nito ang buhangin at alikabok kung saan nakatindig ang bundok. Umugongang hangin sa bundok, “Padaanin mo ako!” Ang bundok ay nagtanong, “Saan ka pupunta?” Umugongpabalik ang hangin, “Gusto kong magpunta sa gilid na iyon ng bundok.” Sinabi ng bundok, “Sige, kung makalulusot ka sa aking gitna, kung gayon humayo ka!” Umugong nang umugong ang hangin , ngunit gaano man kalakas itong umihip, hindi ito makalusot sa gitna ng bundok. Napagod ang hangin, at tumigil upang magpahinga. Kaya sa gilid na iyon ng bundok pasumpung-sumpong lang umiihip ang hangin, na ikinagalak ng mga tao roon. Ang gayon ang pambati na ibinigay ng bundok sa mga tao.

Sa dalampasigan, ang wisik ng karagatan ay marahang gumulong sa bahura. Nang biglang, isang dambuhalang alon ang dumating at nanalasa patungo sa bundok. “Tumabi ka!” sigaw ng dambuhalang alon. Ang bundok ay nagtanong, “Saan ka pupunta?” Hindi huminto ang dakilang alon, at nagpatuloy ito sa pagdaluyong habang sumasagot, “Pinalalawak ko ang aking teritoryo at gusto kong iunat ang aking mga braso nang konti.” Sinabi ng bundok, “Sige, kung makadadaan ka sa aking tuktok, ibibigay ko ang daan.” Umatras nang konti ang dakilang alon, at dumaluyong muli patungo sa bundok. Ngunit gaano man niya kasikap tangkain, hindi niya malampasan ang bundok. Wala siyang mapagpipilian kundi ang umurong pabalik kung saan siya nagmula …

Sa loob ng maraming daang-taon, marahang umaaagos ang maliit na sapa palibot sa paanan ng bundok. Sa pamamagitan ng pagsunod sa daan na ginawa ng bundok, nagawa ng maliit na sapa na makabalik sa kanyang tahanan; sumama ito sa ilog, at dumaloy sa dagat. Sa ilalim ng pangangalaga ng bundok, hindi kailanman naligaw ang sapa. Ang maliit na sapa at ang dakilang bundok ay umasa sa isa’t-isa, pinipigil nila ang isa’t-isa, at umasa sa isa’t-isa.

Sa loob ng maraming daang-taon, hindi binago ng mabagsik na hangin ang mga nakagawian nitong pag-ungol sa bundok. Hinihipan ng hangin ang mga nakapaikot na buhangin kapag “binibisita” niya ang bundok gaya ng dati nang nangyayari. Pinagbabantaan nito ang bundok, ngunit hindi kailanman nakalusot sa gitna ng bundok. Ang mabagsik na hangin at ang dakilang bundok ay umasa sa isa’t-isa, pinigilan nila ang isa’t-isa, at umasa sa isa’t-isa'.

Sa loob ng maraming daang-taon, ang dambuhalang alon ay hindi rin nagpahinga, at hindi tumigil sa paglawak. Ito ay dumadagundong at dumadaluyong nang paulit-ulit patungo sa bundok, gayunman hindi kailanman gumalaw ang bundok kahit isang pulgada. Binabantayan ng bundok ang dagat, at sa ganitong paraan, ang mga nilalang sa dagat ay dumami at lumago. Ang dambuhalang alon at ang dakilang bundok ay umasa sa isa’t-isa, pinigilan nila ang isa’t-isa, at umasa sa isa’t-isa.

Tapos na ang Aking kuwento. Una, ano ang masasabi ninyo sa Akin tungkol sa kuwetong ito, ano ang pangunahing paksa nito? Una may isang, pagkatapos ano? (Isang maliit na sapa, isang mabagsik na hangin, at isang higanteng alon.) Ano ang nangyari sa unang bahagi sa maliit na sapa at sa dakilang bundok? Natatandaan ba ninyo? (Ang maliit na sapa ay dumadaloy sa paanan ng dakilang bundok.) Ang maliit na sapa ay dumadaloy sa paanan ng dakilang bundok, ito ba ang kuwento na nangyari sa pagitan nila? Saan nagpunta ang sapa? Bakit natin pinag-uusapan ang tungkol sa dakilang bundok at sa maliit na sapa? (Sapagkat pinrotektahan ng bundok ang sapa, ang sapa ay hindi kailanman nawala. Umasa sila sa isa’t-isa.) Masasabi niyo ba na pinrotektahan ng bundok o hinarangan ang maliit na sapa? (Pinrotektahan ito.) Maaari kayang hinarangan niya ito? Ang bundok at ang maliit na sapa ay magkasama; pinrotektahan nito ang sapa, at ito rin ay isang harang. Pinrotektahan ng bundok ang sapa nang upang dumaloy ito sa ilog, ngunit pinanatili din niya ito mula sa pagdaloy sa lahat ng dako kung saan maaari itong maging baha at maging mapinsala para sa mga tao. Ito ba ang pangunahing punto sa bahaging ito? (Oo.) Ang pag-iingat ng bundok sa sapa at ang pag-kilos nito bilang harang ang nangalaga sa tahanan ng mga tao. Sa gayon mayroon kayong maliit na sapa na sasanib sa ilog sa paanan ng bundok at kalaunan ay dadaloy papuntang dagat; hindi ba ito ang kinakailangan sa maliit na sapa? (Oo.) Nang dumaloy ang sapa sa ilog at pagkatapos sa dagat, ano ang inaasahan nito? Hindi ba ito umaasa sa bundok? Ito ay umaasa sa pag-iingat ng bundok na nagsisilbing isang harang; ito ba ang pangunahing punto? (Oo.) Nakikita mo ba ang kahalagahan ng mga bundok sa tubig sa halimbawang ito? (Oo nakikita namin.) Mahalaga ba ito? (Oo.) May layunin ba ang Diyos sa paggawa Niya sa mga bundok na parehong mataas at mababa? (Oo mayroon Siya.) Mayroon itong layunin, tama? Ito ay maliit na bahagi ng kuwento, at mula lang sa isang maliit na sapa at isang malaking bundok nakita natin ang halaga at kabuluhan ng dalawang bagay na ito sa paglikha ng Diyos sa kanila. Makikita din natin ang Kanyang karunungan at layunin kung paano Niya pinamamahalaan ang dalawang bagay na ito. Hindi ba tama iyon?

Ano ang kinapapalooban ng ikalawang bahagi ng kuwento? (Isang mabagsik na hangin at ang dakilang bundok.) Ang hangin ba ay isang mabuting bagay? (Oo.) Hindi sa lahat ng oras, yayamang may mga pagkakataon na kapag malakas ang hangin ito ay nakapipinsala. Ano ang madarama mo kung kinailangan mong manatili sa labas sa gitna ng mabagsik na hangin? Ito ay depende kung gaano ito kalakas, tama? Kung ito ay bahagyang simoy lang, o kung ito ay may antas na 2-3 hangin, o isang antas ng 3-4 hangin kung gayon ito ay katamtaman lamang, pinakamalala na ang mahihirapan ang isang tao na panatilihing bukas ang kanyang mga mata. Ngunit makakaya mo ba kung iihip ang hangin nang malakas sapat upang maging buhawi? Hindi mo ito makakaya. Kaya mali para sa mga tao ang sabihin na ang hangin ay palaging mabuti, o na ito ay palaging masama sapagkat ito ay depende kung gaano kalakas ang hangin. Kaya ano ang pakinabang ng bundok dito? Ito ba ay parang pansala para sa hangin? (Oo.) Tinatanggap ng bundok ang mabagsik na hangin at pinagpira-piraso ito sa ano? (Isang banayad na hangin.) Sa banayad na hangin. Maaari itong mahawakan at madama ng karamihan sa mga tao sa kapaligiran kung saan sila nakatira—ang mabagsik na hangin ba o ang bahagyang simoy ang kanilang nadama? (Isang banayad na hangin.) Hindi ba ito ang isa sa mga layunin sa likod ng paglikha ng Diyos sa mga bundok? Hindi ba ito ang Kanyang layon? Ano kaya ang magiging pakiramdam ng mga tao na manirahan sa isang kapaligiran kung saan hihipang paikot ng mabagsik na hangin ang mga butil ng buhangin nang walang sasangga o haharang dito? Maaari kaya na habang umiihip ito na mayroong kasamang buhangin at mga bato, hindi makapaninirahan ang tao sa lupa? Maaaring matamaan sa ulo ang ilang mga tao ng mga batong lumilipad, o ang iba ay maaaring malagyan ng buhangin sa kanilang mga mata at hindi makakita. Maaaring ang tao ay masipsip sa kalawakan o ang hangin ay iihip nang malakas at hindi sila makatayo. Masisira ang mga bahay at lahat ng uri ng kapinsalaan ay mangyayari. May halaga ba ang mabagsik na hangin?? (Oo.) Ano ang halaga nito? Nang sabihin ko na ito ay masama, kung gayon ay madadama ng mga tao na wala itong halaga, ngunit tama ba iyon? Wala bang halaga na ito ay naging banayad na hangin? Ano ang pinakakailangan ng mga tao kapag mahalumigmig o walang sariwang hangin? Kailangan nila ng isang banayad na hangin na marahang iihip sa kanila, upang palamigin at maging maaliwalas ang kanilang mga kaisipan, upang pakalmahin ang kanilang kalooban at mapabuti ang kalagayan ng kanilang kaisipan. Halimbawa, nakaupo kayong lahat sa isang silid na puno ng mga tao at walang hangin, at ano ang inyong pinakakailangan? (Isang banayad na hangin.) Sa mga lugar na kung saan ang hangin ay hindi malinis at puno ng dumi pinababagal nito ang pag-iisip ng isang tao, pinabababa nito ang pagdaloy ng kanilang dugo, at ginagawa silang hindi masyadong alisto. Gayunman, ang hangin ay magiging sariwa kung magkakaroon ito ng pagkakataon na gumalaw at dumaloy, at magiging mas mabuti ang pakiramdam ng mga tao. Kahit na maaaring ang maliit na sapa at ang mabagsik na hangin ay maging sakuna, hangga’t ang bundok ay naroroon gagawin sila nitong mga bagay na tunay na kapaki-pakinabang sa mga tao; hindi ba tama iyon?

Ano ang pinag-uusapan sa ikatlong bahagi ng kuwento? (Ang dakilang bundok at ang malaking alon.) Ang dakilang bundok at ang malaking alon. Ang senaryo dito ay isang bundok sa tabi ng dagat kung saan makikita natin ang bundok, ang pagwisik ng karagatan, at maging, isang malaking alon. Ano ang bundok sa alon sa pagkakataong ito? (Isang tagapagsanggalang at isang harang.) Ito ay parehong tagapagsanggalang at harang. Tama? Ang layunin sa pagsasanggalang nito ay upang panatilihin ang bahaging ito ng dagat mula sa pagkawala nang sa gayon ang mga nilalang na naninirahan dito ay mapaunlad. Bilang harang, pinananatili ng bundok ang tubig dagat—ang anyong tubig na ito—sa pag-apaw at maging sanhi ng sakuna, na makakapinsala at makakasira sa mga tahahan ng mga tao. Tama? Kaya masasabi natin na ang bundok ay parehong isang harang at isang tagapagsanggalang. Ipinakikita nito ang kahalagahan ng pag-aasahan sa pagitan ng bundok at ng sapa, ng bundok at ng mabagsik na hangin, at ng bundok at ng malaking alon at kung paano nila pinipigalan ang isa’t-isa at umaasa sa isa’t-isa.

May isang patakaran at isang batas na namamahala sa kaligtasan ng mga bagay na ito na nilikha ng Diyos. Nakikita ba ninyo kung ano ang ginawa ng Diyos mula sa nangyari sa kuwento? Nilikha ba ng Diyos ang daigdig at ipinagwalang-bahala na lang ang nangyari pagkatapos? Binigyan ba Niya sila ng mga patakaran at dinisenyo ang mga paraan na kanilang ginagampanan at pababayaan na lang pagkatapos noon? Iyon ba ang nangyari? (Hindi.) Ano iyon kung gayon? (Ang Diyos ang pumipigil.) Ang Diyos pa rin ang pumipigil sa tubig, sa hangin, at sa mga alon. Hindi Niya sila hinayaang magwala at hindi Niya sila hinayaang makapinsala o makasira ng mga tahahan ng mga tao, at dahil dito makapagpapatuloy ang tao na manirahan at umunlad sa kapirasong lupa na ito. Na nangangahulugang pinanukala na ng Diyos ang mga patakaran sa pag-iral nang likhain Niya ang daigdig. Nang ginawa ng Diyos ang mga bagay na ito, tiniyak Niya na pakikinabangan sila ng sangkatauhan, at pinigil din Niya ang mga ito nang upang sila ay hindi makagulo o makapinsala sa sangkatauhan. Kung hindi sila pinangasiwaan ng Diyos, hindi ba dadaloy ang mga tubig sa lahat ng dako? Hindi ba iihip ang hangin sa lahat ng dako? Kung hindi sila pinamahalaan ng Diyos hindi sila mapamumunuan ng kahit alin sa mga patakaran, at ang hangin ay uugong at ang mga tubig ay tataas at dadaloy sa lahat ng dako. Kung ang malaking alon ay naging mas mataas kaysa sa bundok makaiiral pa ba ang bahaging iyon ng dagat? Ang dagat ay hindi na makaiiral. Kung ang bundok ay hindi kasingtaas ng alon, ang bahaging iyon ng dagat ay hindi na iiral at mawawala ng bundok ang kanyang halaga at kabuluhan.


Nakikita ba ninyo ang karunungan ng Diyos sa dalawang kuwentong ito? (Oo.) Nilikha ng Diyos ang daigdig at Siya ang Panginoon nito; Siya ang namumuno rito at Siya ang naglalaan para rito habang pinanonood Niya ang bawat salita at pagkilos. Pinangangasiwaan din Niya ang bawat sulok ng buhay ng tao. Kaya nilikha ng Diyos ang daigdig at ang kabuluhan at halaga ng bawat mga bagay gayundin ang kanilang mga kaukulan, ang kalikasan nito, at ang mga patakaran nito para sa kaligtasan ay nakikilala Niya nang malinaw gaya ng likod ng Kanyang kamay. Nilikha ng Diyos ang daigdig; iniisip ba ninyo na kailangan Niyang magsaliksik sa mga patakaran na namamahala sa daigdig? (Hindi.) Kailangan pa bang magbasa ng Diyos ng kaalaman ng tao o agham upang magsaliksik at maintindihan ito? Mayroon bang sinuman sa sangkatauhan ang may malawak na kaalaman at sapat na karunungan upang maintindihan ang lahat ng mga bagay kagaya ng ginagawa ng Diyos? Walang ganoon. Tama? Mayroon bang sinumang mga astronomo o mga biyologo ang totoong nakauunawa kung papaanong ang lahat ng mga bagay ay nabubuhay at lumalago? (Wala.) Maaari ba nilang tunay na mauunawaan ang halaga ng pag-iral ng bawat bagay? (Hindi nila mauunawaan.) Bakit ganon? Ang lahat ng mga bagay ay nilikha ng Diyos, at gaano man kalalim pag-aralan ng tao ang kaalamang ito, o gaano man kahaba nila pagsikapan na matutuhan ito, hindi nila kailanman maaarok ang misteryo at layunin ng Diyos sa paglikha ng Diyos sa lahat ng mga bagay, hindi ba tama iyon? (Oo.)

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan: "Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin"

Rekomendasyon:  Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento