Ang Ika-Kabanata 8


 Kidlat ng Silanganan-Kabanata 8

   Dahil ang Makapangyarihang Diyos—ang Hari ng kaharian—ay nasaksihan, ang sakop ng pamamahala ng Diyos ay ganap na nabunyag sa buong sansinukob. Hindi lamang sa nasaksihan ang pagpapakita ng Diyos sa Tsina, kundi nasaksihan ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos sa lahat ng bansa at lahat ng lupain.
 Silang lahat ay tumatawag sa banal na pangalang ito, hinahanap ang pakikibahagi sa Diyos sa anumang posibleng paraan, inuunawa ang kalooban ng Makapangyarihang Diyos at naglilingkod nang nakikipag-tulungan sa Iglesia. Gumagawa ang Banal na Espiritu sa ganitong kahanga-hangang paraan.

   Ang mga wika ng iba’t ibang bansa ay magkakaiba sa isa’t isa ngunit mayroon lamang isang Espiritu. Ang Espiritung ito ay pinagsasama ang mga iglesia sa buong sansinukob at kaisa sa Diyos, nang wala ni bahagyang kaibahan, at ito ay isang bagay na walang alinlangan. Ang Banal na Espiritu ay tumatawag ngayon sa kanila at ang Kanyang tinig ay gumigising sa kanila. Ito ang tinig ng awa ng Diyos. Silang lahat ay tumatawag sa banal na pangalan ng Makapangyarihang Diyos! Sila rin ay nagbibigay ng papuri at sila ay umaawit. Wala kailanman ang maaaring maging anumang paglihis sa gawain ng Banal na Espiritu, at ang mga taong ito ay gagawin ang lahat upang sumulong sa tamang landas, hindi sila umuurong at ang mga kababalaghan nito ay nangunguna sa hanay ng mga kamangha-mangha. Ito ang isang bagay na nahihirapan ang mga taong isipin at imposibleng pagmuni-muniin.

   Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Hari ng buhay sa sansinukob! Lumuluklok Siya sa maluwalhating trono at hinahatulan ang mundo, pinapamahalaan ang lahat, pinaghaharian ang lahat ng bansa; lumuluhod ang lahat ng tao sa Kanya, nanalangin sa Kanya, lumalapit sa Kanya at nakikipag-usap sa Kanya. Hindi alintana kung gaano na kayo katagal naniwala sa Diyos, kung gaano na kataas ang inyong katayuan o gaano na kahaba ang panahon ng inyong panunungkulan, kung sumasalungat kayo sa Diyos sa inyong mga puso dapat kayong hatulan at dapat magpatirapa kayo mismo sa harapan Niya, na nagpapalabas ng mga tunog ng masakit na pagsusumamo; ito talaga ang pag-aani ng mga bunga ng inyong mga sariling pagkilos. Ang tunog ng pagtangis na ito ay ang tunog ng pinapahirapan sa lawa ng apoy at asupre, at ito ang iyak ng kinakastigo ng bakal na pamalo ng Diyos; ito ang paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo.

   Ang ilang tao ay natatakot, ang ilan ay nahihiya, ang ilan ay gumigising, ang ilan ay maingat na nakikinig, ang ilan ay nararamdaman ang sukdulang pagkakonsensya at sila ay nagsisisi at nagsisimulang muli, ang ilan ay mapait na tumatangis dahil sa sakit, ang ilan ay iniiwan ang lahat at desperadong naghahanap, ang ilang tao ay sinusuri ang kanilang mga sarili at hindi na nangangahas kumilos nang marahas, ang ilan ay nag-aapurang mapalapit sa Diyos, ang ilan ay sinusuri ang kanilang mga sariling konsensya, na nagtatanong kung bakit hindi umuunlad ang kanilang mga buhay. Ang ilan ay nasa kaguluhan pa rin, ang ilan ay kinakalagan ang kadena ng kanilang mga paa at matapang na sumusulong, mahigpit na hinahawakan ang susi at hindi nag-aaksaya ng oras upang isaalang-alang ang kanilang mga buhay; ang ilan ay nag-aatubili pa rin at walang linaw tungkol sa mga pananaw, at ang pasanin na kanilang tinitiis at dinadala sa kanilang mga puso ay talagang mabigat.

Kung hindi malinaw ang iyong isip walang paraan na gumawa sa loob mo ang Banal na Espiritu. Ang lahat ng iyong pinagtutuunan, ang paraan ng iyong paglakad at lahat ng hinahangad ng iyong puso ay puno ng iyong mga pagkaintindi at ng iyong pagmamagaling! Nasusunog Ako sa pagkainip—gaano Ko ninanais na magagawa Ko kayong lahat na ganap kaagad upang sa madaling panahon kayo ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa Akin at ang Aking mabigat na pasanin ay mapapagaan. Ngunit sa pagtingin sa inyo, nakikita Kong hindi praktikal na maging balisa para sa mga resulta. Maaari lamang Akong matiyagang maghintay, dahan-dahang lumakad at dahan-dahang tumulong sa iyo at akayin ka. Ah, dapat maging malinaw ang inyong mga isip! Ano ba ang dapat talikuran, ano ang iyong mga kayamanan, ano ang iyong mga maselang kahinaan, ano ang iyong mga sagabal, unawain ang mga ito nang higit pa sa iyong espiritu at higit pang makibahagi sa Akin. Ang nais Ko ay ang tahimik na paggalang ng inyong mga puso sa Akin, hindi ang inyong paimbabaw na pagsasalita. Yaong tunay na naghahanap sa harapan Ko, ihahayag Ko ang lahat sa iyo. Ang Aking hakbang ay bumibilis; hangga’t ang iyong puso ay gumagalang sa Akin at sumusunod ka sa lahat ng oras ang Aking kalooban ay maaaring ibigay sa iyo sa pamamagitan ng inspirasyon at mahahayag sa iyo sa anumang oras. Yaong nag-iingat na maghintay ay magkakamit ng pagkain at magkakaroon ng isang daang pasulong. Yaong mga walang-malasakit ay mahihirapang maunawaan ang Aking puso, at sila ay lalakad sa isang walang labasan sa dulo.

   Nais Kong lahat kayo ay mabilis na bumangon at makipag-tulungan sa Akin, at mapalapit sa Akin sa lahat ng oras, hindi lamang isang araw at isang gabi. Ang Aking mga kamay ay dapat palagi kayong hinihila, at pinapasigla kayo, itinutulak kayo, hinihikayat kayo na magpatuloy at pinapakiusapan kayong sumulong! Hindi lamang ninyo nauunawaan ang Aking kalooban. Ang mga sagabal ng iyong sariling mga pagkaintindi at pagkakasangkot sa mundo ay masyadong matindi at hindi mo kayang magkaroon ng mas malalim na pagkalapit sa Akin. Sa totoo lang, lumalapit kayo sa Akin kapag mayroon kayong problema, ngunit kung wala kayong anumang problema ang inyong mga isip ay nagiging magulo. Ang mga ito ay nagiging tulad ng malayang merkado at napupuno ng satanikong disposisyon, ang inyong mga puso ay okupado ng mga makamundong bagay at hindi ninyo alam kung paano ang pakikibahagi sa Akin. Paanong hindi Ako mag-alala tungkol sa inyo? Ngunit walang magagawa sa pag-aalala. Ang oras ay masyadong mabilis at ang gawain ay napakahirap. Ang Aking mga hakbang ay tuloy-tuloy na lumilipad; dapat ninyong panatilihing ligtas ang lahat na mayroon kayo, igalang Ako sa bawat sandali, makibahagi nang malapitan sa Akin at ang Aking kalooban ay tiyak na maihahayag sa iyo sa anumang oras. Kapag inyong naunawaan ang Aking puso magkakaroon kayo ng daang pasulong. Hindi ka na dapat mag-atubili. Magdaos ng tunay na pakikibahagi sa Akin, at huwag dumulog sa pandaraya o subukang maging matalino; iyan ay panlilinlang lamang sa iyong sarili at mabubunyag sa anumang oras sa harapan ng luklukan ni Cristo. Ang tunay na ginto ay hindi natatakot sa apoy—ito ang katotohanan! Huwag mag-atubili, huwag kang masiraan ng loob o maging mahina. Direktang makibahagi nang higit pa sa Akin sa iyong espiritu, magtiyagang maghintay at tiyak na ihahayag Ko sa iyo nang alinsunod sa Aking panahon. Talagang dapat na ganap kang mag-ingat at huwag hayaan ang Aking pagsisikap na masayang sa iyo, at huwag mag-aksaya kahit isang sandali. Kapag ang iyong puso ay patuloy ang pakikibahagi sa Akin, kapag ang iyong puso ay patuloy na nananahan sa harap Ko, kung gayon wala ni isa man, walang pangyayari, walang bagay, walang asawa, walang anak na lalaki o babae ang maaaring gumambala sa iyong pakikibahagi sa Akin sa loob ng iyong puso. Kapag ang iyong puso ay patuloy na pinaghihigpitan ng Banal na Espiritu at kapag nakikibahagi ka sa Akin sa bawat sandali, ang Aking kalooban ay tiyak na maihahayag sa iyo. Kapag patuloy kang nakakalapit sa Akin sa paraang ito, sa kabila ng iyong mga nasa paligid o ano mang kinaroroonan mong okasyon, hindi ka maguguluhan kahit sino o ano man ang iyong kinakaharap, at magkakaroon ka ng isang daan sa pagsulong.

   Kung sa pangkaraniwan ay hindi mo pinapabayaan ang anumang bagay maging malaki o maliit man, kung ang iyong puso at isip ay nalilinisan, at kung ikaw ay tahimik sa iyong espiritu, kung gayon tuwing humaharap ka sa ilang usapin ang Aking mga salita ay kaagad magbibigay ng inspirasyon sa loob mo, gaya ng isang maliwanag na salamin para suriin mo ang iyong sarili, at pagkatapos ay magkakaroon ka ng isang daang pasulong. Ito ang tinatawag na pagkakaroon ng tamang medisina para sa tamang kondisyon! At anumang kondisyon ay tiyak na gagaling—Ito ang Diyos na makapangyarihan sa lahat. Tiyak na paliliwanagin at liliwanagan Ko ang lahat ng yaong nagugutom at nauuhaw para sa katuwiran at naghahanap nang taos-puso. Ipapamalas ko sa iyo ang lahat ng misteryo ng espirituwal na mundo at ipapakita sa inyo ang daang pasulong, isasanhi na itakwil ninyo ang inyong lumang masasamang disposisyon sa lalong madaling panahon, upang maaari ninyong makamit ang kaganapan ng buhay at maging kapaki-pakinabang sa Akin, at ang gawain ng ebanghelyo ay maaaring magpatuloy sa madaling panahon nang walang sagabal. Saka lamang masisiyahan ang Aking kalooban, saka lamang matutupad sa lalong madaling panahon ang anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos. Makakamit ng Diyos ang kaharian at bababa ito sa lupa, at sama-sama tayong papasok sa kaluwalhatian!
   
Mula sa: Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan: "Kabanata 8"
Rekomendasyon: ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento