Kidlat ng Silanganan-Ang Ikalabintatlong Pahayag
Mula sa Sion, nagtungo Ako sa sangkatauhan. Dahil isinuot Ko ang pagkatao ng isang ordinaryong tao at dinamitan Ko ang Aking sarili ng balat ng isang tao, lumalapit lamang ang mga tao sa Akin, upang tingnan ang Aking panlabas na anyo, ngunit hindi nila nalalaman ang buhay na umiiral sa Aking kalooban, o nakikilala man lamang ang Espiritu ng Diyos, at ang kilala lamang nila ay ang nagkatawang tao. Maaari kaya na ang mismong tunay na Diyos ay hindi karapat-dapat sa pagsubok mong kilalanin Siya? Maaari kaya na ang mismong tunay na Diyos ay hindi karapat-dapat sa inyong ginagawang pagsisikap para “pag-aralan” Siya? Kinasusuklaman Ko ang katiwalian ng buong sangkatauhan, ngunit nahahabag Ako sa kanilang kahinaan. Pinakikitunguhan Ko rin ang dating nakasanayang pag-uugali ng buong sangkatuhan. Bilang isa sa Aking bayan sa China, hindi ba bahagi rin kayo ng sangkatauhan? Sa lahat ng Aking bayan, at sa lahat ng Aking mga anak, samakatuwid, sa lahat ng Aking pinili mula sa sangkatauhan, nabibilang kayo sa pinakamababang grupo. Dahil dito, ginamit Ko ang pinakamalaking bahagi ng lakas sa iyo, ang pinakadakilang bahagi ng pagsisikap. Hindi niyo pa rin ba iniingatan ang pinagpalang buhay na ikinalulugod ninyo ngayon? Pinatitigas niyo pa rin ba ang inyong puso upang maghimagsik laban sa Akin at sundin ang inyong sariling hakbang? Kung hindi Ko pinanatili ang Aking awa at pagmamahal sa inyo, matagal nang bumagsak ang buong sangkatuhan bilang bihag ni Satanas at magiging “napakasarap na subo” sa kanyang bibig. Sa araw na ito, sa gitna ng buong sangkatauhan, silang mga tunay na nag-alay ng kanilang mga sarili para sa Akin at buong puso Akong minahal ay hindi pa rin sapat na mapabilang sa mga daliri sa isang kamay. Maaari kayang sa ngayon, ang titulo na[a] “Aking bayan” ay naging personal niyo nang pag-aari? Ang konsensiya niyo kaya ay nanlamig na? Tunay kaya kayong karapat-dapat na maging bayan na Aking hinahangad? Kung iisipin Ko ang nakaraan, at titingnan Kong muli ang kasalukuyan, sino sa inyo ang nakapagbigay ng kasiyahan sa Aking puso? Sino sa inyo ang nagpakita ng tunay na malasakit sa Aking mga layunin? Kung hindi Ko pa kayo pinaalalahanan, hindi pa kayo magigising, maaaring nananatili pa rin kayong walang damdamin, at parang tulog muli ang kalagayan.
Sa gitna ng maputik na mga alon, nakita ng tao ang Aking poot; sa marahas na paggulong ng maitim na mga ulap, nasindak ang mga tao dahil sa kanilang katalasan ng pag-iisip, at hindi malaman kung saan magtatago, na waring takot na tangayin sila ng ulan at kulog. At pagkatapos na matangay ng nag-aalimpuyong niyebe ang kanilang kondisyon, huminahon at gumaan ito na waring nalulugod sila sa magandang tanawin ng kalikasan. Ngunit sa mga ganitong sandali, sino sa kanila ang nakaranas ng walang hanggang pag-ibig na Aking iniukol sa sangkatauhan? Ang Aking anyo lamang ang nasa kanilang mga puso, ngunit hindi ang diwa ng Aking Espiritu. Maaari kayang hindi lantarang sumasalungat ang tao sa Akin? Kapag lumipas na ang bagyo, waring nabago na ang sangkatauhan, na parang nagkaroon ng pagdalisay sa pamamagitan ng mga kapighatian, nanumbalik na sa kanila ang liwanag at ang buhay. Pagkatapos mong malagpasan ang mga dagok na Aking ipinadala, hindi ba’t nagkaroon rin kayo ng magandang kapalaran na dumating ngayon? Ngunit nang lumipas na ang araw na ito at dumating na ang bukas, makakaya niyo pa bang mapanatili ang kalinisan na kasunod ng pagbuhos ng ulan? Makakaya niyo bang mapanatili ang katapatan na kasunod ng inyong pagdalisay? Kaya niyo pa bang mapanatili ang pagsunod sa ngayon? Mananatili kayang matatag at hindi magbabago ang inyong katapatan? Tunay bang hindi ito isang paghahangad na nakasalalay sa kapasidad ng tao para matupad? Araw-araw Akong namumuhay na kasama ang mga tao, at gumagawa kasama nila, sa gitna ng sangkatauhan, ngunit wala kahit isa man ang nakapansin nito. Kung hindi dahil sa gabay ng Aking Espiritu, sino kaya sa buong sangkatauhan ang mananatiling buhay sa kasalukuyang panahon? Maaari kayang nagsasabi lang Ako nang labis kapag sinasabi Kong nabubuhay Ako at gumagawa kasama ang mga tao? Sa nakaraan, sinabi Ko, “nilikha Ko ang tao, at ginabayan ang buong sangkatauhan, at inutusan Ko sila”; hindi ba’t ganito talaga ang nangyari? Posible kayang hindi pa sapat ang inyong naranasan sa mga bagay na ito? Sapat na para sa inyo ang salitang “tagapaglingkod” upang gamitin ang habang buhay sa pagsisikap na ipaliwanag ito. Kung walang aktuwal na karanasan, hindi Ako makikilala ng isang tao, hindi niya magagawang kilalanin Ako sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ngunit ngayon, personal Akong pumarito sa inyong kalagitnaan: Hindi ba nito mapadadali ang pagkilala ninyo sa Akin? Maaari kaya na hindi rin kaligtasan para sa inyo ang Aking pagkakatawang-tao? Kung hindi Ako mismong bumaba sa sanlibutan sa sarili Kong katauhan, ang buong sangkatauhan ay matagal nang nahalina ng mga akala, ibig sabihin, naging pag-aari na ni Satanas, dahil ang inyong pinaniniwalaan ay imahe lamang ni Satanas at walang kinalaman sa mismong Diyos. Hindi ba ito ang Aking pagliligtas?
Nang magtungo si Satanas sa Aking harapan, hindi Ako umurong sa kanyang mabangis na katapangan, o natakot man lamang sa kanyang pagkakilabot: Binalewala Ko lamang ito. Nang tuksuhin Ako ni Satanas, nakita Ko ang kanyang panlilinlang, dahilan para tumakas nang may kahihiyan at paghamak. Nang labanan Ako ni Satanas at subukang agawin ang bayang Aking pinili, ibinigay Ko ang lahat sa Aking pagkakatawang-tao; at habang Ako’y nasa anyong tao, inalalayan at pinatnubayan Ko ang Aking bayan upang hindi sila madaling madapa o mawala, at pinangunahan Ko sila sa bawat hakbang sa landas ng buhay. At kapag tumigil na si Satanas dahil sa pagkatalo, pararangalan Ako ng Aking bayan at sila’y magliliwanag at magiging maugong na saksi para sa Akin. Dahil dito, aalisin Ko ang kapahamakan sa Aking plano sa pamamahala at itatapon ang mga ito minsan pa sa walang hanggang kalaliman. Ito ang Aking plano, ito ang Aking gagawin.
Sa inyong mga buhay, maaaring dumating ang araw na masalubong ninyo ang ganitong uri ng sitwasyon: Nanaisin ba ninyong maging bihag ni Satanas ang inyong mga sarili o magpapasakop ba kayo sa Akin? Ito ang inyong tadhana, at kailangan ninyong pag-isipan ito nang mabuti.
Ang buhay sa kaharian ay buhay ng mga tao at ng Diyos mismo. Nakasalalay ang sangkatauhan sa Aking pangangalaga at proteksyon, at kasali ang lahat sa pakikipaglaban sa malaking pulang dragon hanggang kamatayan. Upang magwagi sa huling labanang ito, at para tapusin na ang malaking pulang dragon, kailangang ihandog sa Akin ng lahat ng tao ang kanilang buong pagkatao para sa Aking kaharian. Kapag sinabi Kong “kaharian”, ang ibig Kong ipakahulugan nito ay ang buhay na ipinamumuhay sa ilalim ng tangkilik ng Diyos, kung saan ang buong sangkatauhan ay patuloy Kong pinapatnubayan, tinuturuan Ko nang tuwiran, upang ang buhay ng buong sangkatauhan, bagaman nasa mundo pa ay parang nasa langit na, ang tunay na diwa ng buhay sa ikatlong langit. Bagaman Ako’y nasa anyong tao, hindi Ko dinaranas ang mga limitasyon ng isang tao. Ilang beses Akong dumating sa kalagitnaan ng tao para pakinggan ang kanyang mga panalangin, at ilang beses din Akong nasiyahan sa mga pagpupuri ng mga tao habang kasama Ko sila? Kahit hindi nababatid ng sangkatauhan na Ako’y narito lang, patuloy Kong isinasagawa ang Aking gawain sa ganitong paraan. Sa lugar na Aking tinatahanan, ang lugar kung saan Ako nakatago, gayunman, sa tirahan Kong ito, natalo Ko ang lahat ng mga kaaway Ko; sa tirahang ito, nakamit Ko ang karanasang mamuhay sa mundo; sa tirahang ito, inoobserbahan Ko ang bawat salita at ginagawa ng tao, nagmamasid at nag-uutos sa buong sangkatauhan. Kung nararamdaman ng sangkatauhan ang malasakit para sa Aking mga layunin, na nagbibigay ng kasiyahan sa Aking puso at kaluguran sa Akin, tiyak na pagpapalain Ko ang buong sangkatauhan. Hindi ba ito ang Aking hangarin para sa sangkatauhan?
Habang hindi nagigising ang sangkatauhan, sa dagundong lamang ng Aking kulog magigising ang sangkatauhan mula sa kanilang mga panaginip. At kapag binuksan nila ang kanilang mga mata, marami ang masasaktan sa mata dahil sa mga pagsabog ng malamig na liwanag, hanggang sa punto na mawalan na sila ng malay sa kanilang gawi, at hindi na malaman kung saan sila nanggaling o saan sila patutungo. Karamihan sa mga tao ay tinamaan ng parang laser na sinag at ang resulta ay bumagsak sila sa bunton ng bagyo, inanod ang kanilang mga katawan ng rumaragasang agos, at walang naiwang bakas. Sa liwanag, sa wakas malinaw nang nakita ng mga nakaligtas ang Aking mukha, at noon lamang nila nalaman ang Aking panlabas na anyo, hanggang sa punto na hindi na sila makatingin nang diretso sa Aking mukha dahil sa sobrang takot na baka muling dadalaw sa kanilang laman ang Aking parusa at sumpa. Ilang tao ang nanlupaypay dahil sa hindi mapigil na paghikbi? Ilan ang nahulog sa pagkabigo? Ilan ang nakabuo ng mga ilog dahil sa kanilang mga dugo? Ilan ang naging mga bangkay na inanod ng agos na patungo dito at doon? Ilang tao ang sa pagkatagpo sa sarili nilang lugar sa liwanag ay nakadama ng biglaang matinding kirot sa puso at napaluha dahil sa haba ng mga taon ng kalungkutan? Ilang tao ang sa ilalim ng nagbabantang nakasisilaw na liwanag ay nagpahayag ng kanilang karumihan at nagpasyang baguhin ang sarili? Ilang tao ang dahil sa pagiging bulag ay nawalan na ng siglang mabuhay at nawalan ng isip upang mapansin ang liwanag, at dahil dito ay tuluyan nang tumigil upang hintayin na lang ang kanilang kamatayan? At ilang tao ang nagtataas ng layag ng kanilang buhay at masigasig na hinihintay ang kanilang bukas sa ilalim ng patnubay ng liwanag? ... Sa araw na ito, sino sa sangkatauhan ang hindi nakararanas ng ganitong kalagayan? Sino ang hindi nabubuhay sa Aking liwanag? Kahit na kayo ay malakas, o maaaring mahina man, paano niyo maiiwasan ang pagdating ng Aking liwanag?
Marso 10, 1992
Footnotes:
- Wala sa orihinal na texto ang “ang titulo na.”
Mula sa: Ang Salita'y Nagpakita sa Katawang-tao
Email: contact.tl@kingdomsalvation.org
Ang pinagmulan: "Ang Ikalabintatlong Pahayag"
Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Email: contact.tl@kingdomsalvation.org
Mga Hotline ng Ebanghelyo: +63 9452648692 +63 22517885
0 Mga Komento