Kidlat ng Silanganan-Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao
Dapat kayong makarating sa pagkakaalam sa pangitain ng gawain ng Diyos at matarok ang pangkalahatang tunguhin ng Kanyang gawain. Ito ay pagpasok sa isang positibong paraan. Sa sandaling makabisado ninyo nang tumpak ang mga katotohanan ng pangitain, ang iyong pagpasok ay magiging ligtas; paano man nagbabago ang Kanyang gawain, ikaw ay mananatiling matatag sa iyong puso, magiging malinaw tungkol sa pangitain, at ikaw ay magkakaroon ng isang tinutumbok para sa iyong pagpasok at iyong paghahabol.
Sa gayong paraan, ang lahat ng karanasan at kaalaman sa loob mo ay lalalim at magiging mas pino. Sa sandaling matarok mo ang mas malaking larawan sa kabuuan nito, hindi ka magdurusa ng mga kawalan sa buhay, at hindi ka mawawala. Kung hindi mo malalaman ang mga hakbang na ito ng gawain, magdurusa ka ng kawalan sa bawa’t isa sa mga iyon. Hindi ka makababawi sa loob lamang ng ilang araw, at hindi ka makatatahak sa tamang landas kahit sa loob ng ilang linggo. Hindi ba ito nakapipigil sa iyo? Mayroong napakarami sa pagpasok sa isang positibong paraan at ganoong mga pagsasagawa na dapat mong makabisa, at ganoon din dapat mong tarukin ang maraming punto hinggil sa pangitain ng Kanyang gawain, katulad ng kahalagahan ng Kanyang gawain ng paglupig, ang landas sa pagiging pineperpekto sa hinaharap, ano ang dapat makamtan sa pamamagitan ng karanasan sa mga pagsubok at mga paghihirap, ang kahalagahan ng paghatol at pagkastigo, ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, at ang mga prinsipyo ng pagkaperpekto at ng paglupig. Ang mga ito ay lahat mga katotohanan ng pangitain. Ang iba pa ay ang tatlong yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kaharian, gayundin ang patotoo sa hinaharap. Ang mga ito ay mga katotohanan din patungkol sa pangitain, at ang mga pinakapangunahin, gayundin ay pinakamahalaga. Sa kasalukuyan, may napakarami na dapat ninyong pasukin at isagawa, at ito ngayon ay higit na susun-suson at mas detalyado. Kung ikaw ay walang kaalaman sa mga katotohanang ito, ito ay patunay na hindi ka pa nakapapasok. Kadalasan, ang kaalaman ng tao sa katotohanan ay masyadong mababaw; hindi kayang isagawa ng tao ang ilang mga pangunahing katotohanan at hindi alam kung papaano gampanan kahit ang mga di-gaanong mahahalagang bagay. Ang dahilan kung bakit hindi makayang isagawa ng tao ang katotohanan ay dahil sa kanyang disposisyon ng pagiging suwail, at dahil ang kanyang kaalaman sa mga gawain ng kasalukuyan ay masyadong mababaw at may pinapanigan. Sa gayon, hindi madaling gawain na ang tao ay gawing perpekto. Ang iyong pagiging-suwail ay masyadong matindi, at napakalaki ng iyong dating sarili ang nananatili sa iyo; hindi ka makapanindigan sa panig ng katotohanan, at hindi mo makayang isagawa kahit ang pinakamaliwanag sa mga katotohanan. Ang ganoong mga tao ay hindi maililigtas at ang mga yaong hindi pa nalulupig. Kung ang iyong pagpasok ay walang detalye ni mga layunin, magiging mabagal ang dating ng paglago para sa iyo. Kung ang iyong pagpasok ay wala ni kaunti mang reyalidad, kung gayon ang iyong paghahabol ay masasayang lamang. Kung ikaw ay hindi nakakamalay sa nilalaman ng katotohanan, ikaw ay mananatiling hindi-nababago. Ang paglago sa buhay ng tao at mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay nakakamtang lahat sa pamamagitan ng pagpasok tungo sa reyalidad at, higit sa rito, sa pamamagitan ng pagpasok sa detalyadong mga karanasan. Kung ikaw ay maraming detalyadong mga karanasan sa panahon ng iyong pagpasok, at ikaw ay maraming tunay na kaalaman at pagpasok, ang iyong disposisyon ay mabilis na magbabago. Kahit na sa kasalukuyan ay hindi ka pa masyadong naliliwanagan sa pagsasagawa, ikaw ay dapat na maliwanagan man lamang tungkol sa pangitain ng gawain. Kung hindi, ikaw ay hindi makapapasok, at hindi mo ito magagawa malibang magkaroon ka muna ng kaalaman sa katotohanan. Tangi lamang kung liliwanagan ka ng Banal na Espiritu sa iyong karanasan magkakamit ka ng mas malalim na pang-unawa sa katotohanan at makapapasok nang mas malalim. Dapat mong malaman ang gawain ng Diyos.
Pagkatapos ng paglikha sa sangkatauhan sa pasimula, ang mga Israelita ang nagsilbing batayan ng gawain, at ang buong Israel ang batayan ng gawain ni Jehovah sa lupa. Ang gawain ni Jehovah ay upang tuwirang pangunahan at akayin ang tao sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga batas upang ang tao ay makapamuhay nang normal at sambahin si Jehovah sa isang normal na paraan sa lupa. Ang Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay Isa na hindi nakikita ni nahihipo ng tao. Pinangungunahan lamang Niya ang mga tao na unang ginawang-tiwali ni Satanas, at Siya ay naroon upang turuan at akayin ang mga taong ito, kaya ang mga salitang Kanyang binitawan ay yaon lamang ng mga batas, mga kautusan, at karaniwang kaalaman sa pamumuhay bilang isang tao, at hindi kahit kailan ng mga katotohanang nagtutustos ng buhay ng tao. Ang mga Israelita na nasa ilalim ng Kanyang pangunguna ay hindi yaong mga malalim ang pagkatiwali ni Satanas. Ang Kanyang gawain ng kautusan ay ang pinakaunang yugto lamang sa gawain ng pagliligtas, ang pinakasimula ng gawain ng pagliligtas, at sa praktikal ay walang kinalaman sa mga pagbabago sa pambuhay na disposisyon ng tao. Samakatuwid, walang pangangailangan sa pasimula ng gawain ng pagliligtas para sa Kanya na magkaroon ng katawang-tao para sa gawain Niya sa Israel. Ito ang dahilan kung bakit Niya kinailangan ang daan, iyan ay, isang kasangkapan, upang sa pamamagitan nito ay magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tao. Sa gayon, lumitaw sa kalagitnaan ng mga taong nilalang yaong mga nangusap at gumawa sa ngalan ni Jehovah, at ito ang kung paano ang mga anak ng tao at mga propeta ay nakarating sa paggawa sa kalagitnaan ng tao. Ang mga anak ng tao ay gumawa sa kalagitnaan ng tao sa ngalan ni Jehovah. Ang masabing tinawag Niya ay nangangahulugan na ang ganoong mga tao ay nagtalaga ng mga batas sa ngalan ni Jehovah at sila rin ay mga pari sa gitna ng mga tao sa Israel; ang ganoong mga tao ay mga pari na binabantayan, iniingatan ni Jehovah, at kumikilos sa kanila ang Espiritu ni Jehovah; sila ang mga tagapanguna sa gitna ng mga tao at tuwirang naglingkod kay Jehovah. Ang mga propeta, sa kabilang banda, ay yaong mga nakatalagang magsalita sa ngalan ni Jehovah sa mga tao mula sa lahat ng mga lupain at mga tribo. Sila rin yaong mga nanghula sa gawain ni Jehovah. Maging mga anak man ng tao o mga propeta, lahat sila ay itinaas ng Espiritu ni Jehovah Mismo at nasa kanila ang gawain ni Jehovah. Sa kalagitnaan ng mga tao, sila yaong mga tuwirang kumatawan kay Jehovah, sila ay gumawa lamang dahil sila ay itinaas ni Jehovah at hindi dahil sila ang katawang-tao na ginamit ng Banal na Espiritu Mismo. Samakatuwid, kahit na sila ay parehong nangusap at gumawa sa ngalan ng Diyos, ang mga anak ng tao na yaon at mga propeta sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi ang katawan ng Diyos na naging-tao. Ito ay tiyak na ang kasalungat sa Kapanahunan ng Biyaya at ng huling yugto, dahil ang gawain ng pagliligtas at paghatol sa tao ay parehong isinagawa ng Diyos na nagkatawang-tao Mismo, at samakatuwid ay wala nang pangangailangan na muling itaas ang mga propeta at mga anak ng tao upang gumawa sa Kanyang ngalan. Sa mga mata ng tao, walang malaking mga pagkakaiba sa pagitan ng nilalaman at pamamaraan ng kanilang gawain. At sa ganitong kadahilanan kaya laging napagkakamalian ng tao ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao na gawain ng mga propeta at mga anak ng tao. Ang pagpapakita ng nagkatawang-taong Diyos ay halos kapareho lamang nang sa mga propeta at mga anak ng tao. At ang nagkatawang-taong Diyos ay mas ordinaryo pa at mas totoo kaysa sa mga propeta. Sa gayon ang tao ay lubos na walang kakayahan upang makita ang pagkakaiba sa pagitan nila. Ang tao ay tumutuon lamang sa mga anyo, lubos na walang kamalayan na, kahit pareho silang gumagawa at nagsasalita, mayroong malaking pagkakaiba. Dahil ang kakayahan ng tao sa pag-arok ay masyadong mahina, hindi kaya ng tao na arukin ang pangunahing mga usapin, at mas hindi nila kayang makita ang kaibahan ng isang bagay na ganoon kasalimuot. Ang mga salita at gawain ng mga propeta at niyaong mga ginamit ng Banal na Espiritu ay paggawa lahat ng tungkulin ng tao, pagganap sa kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang, at paggawa ng mga nararapat gawin ng tao. Gayun pa man, ang mga salita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang isakatuparan ang Kanyang ministeryo. Kahit ang Kanyang panlabas na anyo ay doon sa isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay hindi upang isagawa ang Kanyang tungkulin kundi ang Kanyang ministeryo. Ang katawagang “tungkulin” ay ginagamit kaugnay sa mga taong nilalang, samantalang ang “ministeryo” ay ginagamit kaugnay sa katawang ng Diyos na naging-tao. Mayroong isang mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa, at ang dalawa ay hindi maaaring pagpalitin. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin, samantalang ang gawain ng Diyos ay pamahalaan, at isakatuparan ang Kanyang ministeryo. Samakatuwid, kahit na maraming apostol ang ginamit ng Banal na Espiritu at maraming mga propeta ang napuspos Niya, ang kanilang gawain at mga salita ay para lamang gawin ang kanilang tungkulin bilang isang taong nilalang. Kahit na ang kanilang mga propesiya ay maaring mas dakila kaysa sa paraan ng pamumuhay na sinalita ng nagkatawang-taong Diyos, at kahit na ang kanilang pagkatao ay mas mahusay kaysa roon sa nagkatawang-taong Diyos, ginagawa pa rin nila ang kanilang tungkulin, at hindi tinutupad ang kanilang ministeryo. Ang tungkulin ng tao ay tumutukoy sa ginagampanan ng tao, at isang bagay na kayang matupad ng tao. Gayun pa man, ang ministeryo na isinasakatuparan ng nagkatawang-taong Diyos ay may kaugnayan sa Kanyang pamamahala, at ito ay hindi kayang makamit ng tao. Kung ang nagkatawang-taong Diyos man ay nagsasalita, gumagawa, o naghahayag ng mga himala, Siya ay gumagawa ng dakilang gawain sa loob ng Kanyang pamamahala, at ang ganoong gawain ay hindi maaaring magawa ng tao bilang kahalili Niya. Ang gawain ng tao ay ang gawin lamang ang kanyang tungkulin bilang isang taong nilalang sa isang partikular na yugto ng gawaing pamamahala ng Diyos. Kung wala ang pamamahala ng Diyos, iyon ay, kung ang ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ay mawawala, gayundin ang tungkulin ng isang taong nilalang. Ang gawain ng Diyos sa pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo ay ang pamahalaan ang tao, samantalang ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay ang pagganap sa kanyang sariling mga pananagutan upang matugunan ang mga hinihingi ng Maylalang at sa anumang paraan ay hindi maituturing na pagsasakatuparan ng ministeryo ninuman. Sa likas na esensya ng Diyos, iyon ay, ang Kanyang Espiritu, ang gawain ng Diyos ay ang Kanyang pamamahala, nguni’t sa Diyos na nagkatawang-tao, na suot ang panlabas na anyo ng isang taong nilalang, ang Kanyang gawain ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang ministeryo. Anumang gawain ang Kanyang ginagawa ay upang isakatuparan ang Kanyang ministeryo, at ang maaari lamang magawa ng lahat ng tao ay ang ibigay ang kanyang makakaya sa loob ng sakop ng Kanyang pamamahala at sa ilalim ng Kanyang pangunguna.
Ang paggawa ng tao sa kanyang tungkulin ay, sa totoo lang, ang pagtupad ng lahat ng likas sa loob ng tao, iyan ay, yaong maaari para sa tao. Doon lamang natutupad ang kanyang tungkulin. Ang mga pagkukulang ng tao sa panahon ng paglilingkod ng tao ay unti-unting nababawasan sa pamamagitan ng umuunlad na karanasan at ng proseso ng kanyang karanasan sa paghatol; hindi nakapipigil o nakaaapekto ang mga ito sa tungkulin ng tao. Yaong mga tumigil sa paglilingkod o sumuko at umatras dahil sa takot sa mga kakulangan na maaring umiiral sa paglilingkod ay ang mga pinakaduwag sa lahat ng mga tao. Kung hindi kayang ipahayag ng tao ang nararapat niyang ipahayag sa panahon ng paglilingkod o makamit kung ano ang likas na posible para sa kanya, at sa halip ay naglalaro lamang at nagpapadala sa agos, naiwala niya ang ginagampanan na kailangang mataglay ng isang taong nilalang. Ang ganitong uri ng tao ay itinuturing na isang mababang walang-kaanyuan at walang-kabuluhang pagsasayang ng espasyo; papaano ang isang gaya nito ay mapararangalan gamit ang titulo ng isang taong nilalang? Hindi ba’t sila ay mga kaanyuan ng katiwalian na nagniningning sa panlabas nguni’t nabubulok sa loob? Kung ang tao ay tinatawag ang kanyang sarili na Diyos nguni’t hindi kayang ipahayag ang kabuuan ng pagka-Diyos, gawin ang gawain ng Diyos Mismo, o katawanin ang Diyos, siya ay walang-alinlangang hindi Diyos, dahil wala sa kanya ang esensya ng Diyos, at yaong likas na kayang makamit ng Diyos ay hindi umiiral sa loob niya. Kung naiwawala ng tao kung ano ang likas na kayang makamit, hindi na siya maituturing na tao, at hindi siya karapat-dapat na tumayo bilang isang taong nilalang o lumapit sa harap ng Diyos at paglingkuran Siya. Higit pa rito, hindi siya karapat-dapat na tumanggap ng biyaya ng Diyos o mabantayan, maingatan at gawing perpekto ng Diyos. Maraming mga naalisan ng tiwala ng Diyos ang tuluyan nang mawawalan ng biyaya ng Diyos. Hindi lamang nila hindi kinasusuklaman ang kanilang mga pagkakamali nguni’t tahasang pinalalaganap ang kaisipan na ang paraan ng Diyos ay mali. At yaong mga suwail ay ipinagkakaila pa ang pag-iral ng Diyos; papaanong ang ganoong uri ng tao na may ganoong pagkasuwail ay nagkakaroon ng karapatan ng pagtatamasa sa biyaya ng Diyos? Ang mga taong nabigo sa pagtupad ng kanilang tungkulin ay naging napakasuwail sa Diyos at malaki ang pagkakautang sa Kanya, gayunman sila’y bumabaling at nagsasaway na ang Diyos ay mali. Papaanong ang ganoong uri ng tao ay magiging karapat-dapat na gawing perpekto? Hindi ba’t ito ang tagapagpauna ng pagkakaalis at pagpaparusa? Ang isang taong hindi gumagawa ng kanyang tungkulin sa harap ng Diyos ay nakagawa na ng pinakakasuklam-suklam sa mga krimen, kung saan kahit ang kamatayan ay hindi isang sapat na kaparusahan, gayunman ang tao ay may lakas pa rin ng loob na makipagtalo sa Diyos at itumbas ang kanilang sarili laban sa Kanya. Ano ang kahalagahan ng pagpeperpekto sa ganoong uri ng tao? Kung ang tao ay nabibigong tuparin ang kanyang tungkulin, siya ay nararapat na makaramdam ng kahatulan at pagkakautang; nararapat niyang kasuklaman ang kanyang kahinaan at kawalang-saysay, ang kanyang pagiging-suwail at pagiging-tiwali, at higit pa rito, nararapat niyang ialay ang kanyang buhay at dugo para sa Diyos. Doon lamang siya isang taong nilalang na tunay na nagmamahal sa Diyos, at ang gayong uri lamang ng tao ang karapat-dapat sa pagtatamasa ng mga biyaya at pangako ng Diyos, at sa pagpeperpekto sa pamamagitan Niya. At paano naman ang nakararami sa inyo? Paano ninyo pinakikitunguhan ang Diyos na nabubuhay sa kalagitnaan ninyo? Paano ninyo nagagawa ang inyong tungkulin sa harap Niya? Nagawa ba ninyong lahat ang mga ipinagawa sa inyo, kahit na ang kapalit nito ay ang inyong sariling buhay? Ano ang inyong naisakripisyo? Hindi ba kayo nakatanggap nang malaki mula sa Akin? Nakikita ninyo ba ang pagkakaiba? Gaano kayo katapat sa Akin? Paano ninyo Ako napaglingkuran? At paano ang lahat ng Aking mga naipagkaloob sa inyo at nagawa para sa inyo? Nasukat ba ninyo ang lahat ng mga ito? Nahatulan ba ninyong lahat at naihambing ito sa kung gaano kaliit na konsensya ang mayroon kayo sa loob ninyo? Sino ang magagawan ninyo nang tama sa pamamagitan ng inyong mga salita at mga pagkilos? Maaari kayang ang gayong kaliit na sakripisyo ninyo ay karapat-dapat sa lahat ng Aking mga naipagkaloob sa inyo? Wala Akong ibang magagawa at buong-pusong nakalaan sa inyo, gayunman kayo ay nagkikimkim ng masasamang mga paghihinala tungkol sa Akin at kulang sa katapatan. Iyan ang lawak ng inyong tungkulin, ang inyong tanging ginagampanan. Hindi ba ganito? Hindi ba ninyo alam na hindi ninyo natupad kahit kailan ang tungkulin ng isang taong nilalang? Paano kayo maituturing bilang isang taong nilalang? Hindi ba ninyo malinaw na nalalaman kung ano itong inyong ipinahahayag at isinasabuhay? Kayo ay nabigo sa pagtupad ng inyong tungkulin, nguni’t kayo ay naghahanap upang makamit ang awa at masaganang biyaya ng Diyos. Ang gayong biyaya ay hindi naihanda para sa mga walang-silbi at mabababang gaya ninyo, kundi para sa mga yaong hindi humihingi ng kapalit at malugod na nagsasakripisyo. Ang mga taong katulad ninyo, ganyang mga mabababang walang-kaanyuan, ay hindi karapat-dapat kahit kailan na magtamasa ng biyaya ng langit. Tanging paghihirap at walang-tigil na kaparusahan ang inyong mararanasan sa inyong mga buhay! Kung hindi ninyo kayang maging tapat sa Akin, ang inyong kapalaran ay magiging isang pagdurusa. Kung hindi ninyo kayang managot sa Aking mga salita at Aking gawain, ang inyong matatanggap ay isang kaparusahan. Anumang biyaya, mga pagpapala, at kamangha-manghang buhay sa kaharian ay walang magiging kinalaman sa inyo. Ito ang katapusang nararapat ninyong makamtan at isang bunga ng inyong sariling kagagawan! Yaong mga mangmang at mayayabang na mga tao ay hindi lamang hindi sinubukan ang kanilang makakaya o nagawa ang kanilang tungkulin, nguni’t sa halip may mga kamay silang nakaunat para sa biyaya, na para bang karapat-dapat sila sa kanilang hinihingi. At kung sila ay nabibigong makamit kung ano ang kanilang hinihingi, sila ay lalo pang nagiging walang pananampalataya. Paanong ang mga gayong tao ay maituturing na makatuwiran? Kayo ay mahinang uri at walang katuwiran, walang kakayahang isagawa ang mga tungkulin na nararapat ninyong gawin sa gawain ng pamamahala. Ang inyong kahalagahan ay lubusan nang bumagsak nang napakalalim. Ang kabiguan ninyong magsulit sa Akin sa pagpapakita sa inyo ng gayong kagandahang-loob ay isa nang kilos ng sukdulang pagiging-suwail, sapat upang kayo ay isumpa at ihayag ang inyong karuwagan, kawalan ng kakayahan, kababaan, at pagiging hindi-karapat-dapat. Paano kayo naging kwalipikado pa ring panatilihing nakaunat ang inyong mga kamay? Hindi kayo nakakatulong kahit katiting sa Aking gawain, hindi kayang kumapit sa inyong pananampalataya, at hindi kayang maging saksi para sa Akin. Ang mga ito ay mga kasalanan at mga pagkabigo niyo na, gayunman sa halip Ako ay inyong kinakalaban, nagkakalat ng mga kasinungalingan tungkol sa Akin, at dumadaing na Ako’y hindi matuwid. Ito ba ang bumubuo sa inyong katapatan? Ito ba ang bumubuo sa inyong pagmamahal? Ano pa ang ibang gawaing maaari ninyong gawin na higit sa rito? Paano kayo nakapag-ambag sa lahat ng mga gawain na nagawa? Gaano kalaki ang inyong nagugol? Ito ay isa nang kilos ng malaking awa na hindi Ko kayo sinisisi, gayunman ay wala pa rin kayong kahihiyan na nagbibigay sa Akin ng mga dahilan at dumadaing tungkol sa Akin nang patago. Mayroon ba kayong kahit na katiting na bahid ng pagkatao? Kahit na ang tungkulin ng tao ay nabahiran ng pag-iisip ng tao at kanyang mga paniwala, dapat mong gawin ang iyong tungkulin at kumapit sa iyong pananampalataya. Ang mga karumihan sa gawain ng tao ay isang usapin ng kanyang uri, samantalang, kung hindi ginagawa ng tao ang kanyang tungkulin, ito ay nagpapakita ng kanyang pagiging-suwail. Walang pagkakaugnay sa pagitan ng tungkulin ng tao at ng kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat na tuparin ng tao; ito ang kanyang nakalaang tungkulin at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kalagayan, o mga kadahilanan. Ito lamang ang paggawa ng kanyang tungkulin. Ang taong pinagpala ay nagtatamasa ng kabutihan sa pagiging ginawang perpekto pagkatapos ng paghatol. Ang taong isinumpa ay tumatanggap ng kaparusahan kapag ang kanyang disposisyon ay nananatiling hindi nagbabago kasunod ng pagkastigo at paghatol, iyan ay, hindi pa siya nagagawang perpekto. Bilang isang taong nilalang, nararapat tuparin ng tao ang kanyang tungkulin, gawin ang nararapat niyang gawin, at gawin ang kaya niyang gawin, hindi alintana kung siya man ay pagpapalain o isusumpa. Ito ang pinakapangunahing kundisyon para sa tao, bilang isa na naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang pagpalain, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo itong isang bagay: Kung kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay nangangahulugan na ginagampanan niya ang dapat niyang gawin. Kung hindi kaya ng tao na gawin ang kanyang tungkulin, ito ay napapakita ng pagiging-suwail ng tao. Palaging sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng kanyang tungkulin na unti-unting nababago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito na naipakikita niya ang kanyang katapatan. Sa gayon, mas nakakaya mong gawin ang iyong tungkulin, mas higit na katotohanan ang iyong tatanggapin, at gayundin ang iyong pagpapahayag ay magiging mas makatotohanan. Yaong mga nagpapadala lamang sa agos sa paggawa ng kanilang tungkulin at hindi naghahanap ng katotohanan ay aalisin sa katapusan, dahil hindi ginagawa ng mga gayong tao ang kanilang tungkulin sa pagsasagawa ng katotohanan, at hindi isinasagawa ang katotohanan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Ang mga gayong tao ay yaong nananatiling hindi nababago at isusumpa. Hindi lamang hindi dalisay ang kanilang mga ipinahahayag, nguni’t ang kanilang ipinahahayag ay walang iba kundi kasamaan.
Sa Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus ay nagsalita nang marami at gumawa ng maraming gawain. Paano Siya naiba kay Isaias? Paano Siya naiba kay Daniel? Siya ba ay isang propeta? Bakit kaya sinabi na Siya ay Cristo? Ano ang mga pagkakaiba sa pagitan nila? Silang lahat ay mga lalaki na nagwika ng mga salita, at ang kanilang mga salita ay lumitaw na halos magkakatulad para sa tao. Silang lahat ay nangusap at gumawa ng gawain. Ang mga propeta ng Lumang Tipan ay nagsipanghula, at katulad nito, kaya rin ni Jesus. Bakit ganito? Ang pagkakaiba rito ay batay sa kalikasan ng gawain. Upang maarok ang bagay na ito, hindi mo maaaring isaalang-alang ang kalikasan ng laman at hindi mo dapat isaalang-alang ang kalaliman o kababawan ng salita ninuman. Lagi mong dapat unang isaalang-alang ang kanyang gawain at ang mga bunga na nagagawa nito sa tao. Ang mga hula na sinalita ni Isaias sa panahong iyon ay hindi nagtustos ng buhay ng tao, at ang mga mensahe na natanggap niyaong gaya ni Daniel ay mga hula lamang at hindi ang paraan ng pamumuhay. Kung hindi dahil sa tuwirang pagbubunyag ni Jehovah, walang makagagawa ng gawaing yaon, dahil ito ay hindi posible para sa mga mortal. Si Jesus, din, ay maraming sinalita, nguni’t ang gayong mga salita ay ang paraan ng pamumuhay kung saan mula rito ang tao ay makahahanap ng isang landas upang magsagawa. Ibig sabihin, una, makapagtutustos Siya ng buhay ng tao, sapagka’t si Jesus ay buhay; ikalawa, maaari Niyang baligtarin ang mga paglihis ng tao; ikatlo, ang Kanyang gawain ay maaaring sumunod roon sa kay Jehovah upang ipagpatuloy ang kapanahunan; ikaapat, natatarok Niya ang mga pangangailangan ng tao sa loob at nauunawaan kung ano ang pagkukulang ng tao; ikalima, kaya Niyang maipasok ang isang bagong kapanahunan at wakasan ang dati. Iyan ang dahilan kung bakit Siya ay tinatawag na Diyos at Cristo; hindi lamang Siya iba kay Isaias kundi gayundin mula sa lahat ng iba pang mga propeta. Gamitin si Isaias bilang isang paghahambing para sa gawain ng mga propeta. Una, hindi siya nakapagtutustos ng buhay ng tao; ikalawa, hindi niya kayang magpasok ng isang bagong kapanahunan. Siya ay gumagawa sa ilalim ng pangunguna ni Jehovah at hindi upang ipasok ang isang bagong kapanahunan. Ikatlo, ang mga sinalita niya mismo ay lampas sa kanyang pang-unawa. Siya ay tumatanggap ng mga pagbubunyag nang tuwiran mula sa Espiritu ng Diyos, at hindi maiintindihan ng iba, kahit na mapakinggan ang mga ito. Ang ilang mga bagay na ito ay sapat na upang patunayan na ang kanyang mga salita ay hindi hihigit sa mga hula lamang, hindi hihigit sa isang aspeto ng gawain na ginawa sa ngalan ni Jehovah. Gayunman, hindi niya magawang lubusang katawanin si Jehovah. Siya ay lingkod ni Jehovah, isang kasangkapan sa gawain ni Jehovah. Siya ay gumagawa lamang ng gawain sa loob ng Kapanahunan ng Kautusan at sa loob ng saklaw ng gawain ni Jehovah; hindi siya gumawa nang lampas sa Kapanahunan ng Kautusan. Salungat dito, ang gawain ni Jesus ay naiba. Nilampasan Niya ang saklaw ng gawain ni Jehovah; gumawa Siya bilang ang nagkatawang-taong Diyos at sumailalim sa pagkapako sa krus upang tubusin ang lahat ng sangkatauhan. Ibig sabihin niyan, Siya ay nagsakatuparan ng bagong gawain sa labas ng gawain na ginawa ni Jehovah. Ito ang pagpapasok ng isang bagong kapanahunan. Isa pang kundisyon ay yaong Siya ay nakapagsalita niyaong hindi kayang matamo ng tao. Ang Kanyang gawain ay gawain sa loob ng pamamahala ng Diyos at nakapaloob ang buong sangkatauhan. Hindi Siya kumilos sa iilang tao lamang, ni ang Kanyang gawain ay upang pangunahan ang limitadong bilang ng mga tao. Hinggil sa kung paano nagkatawang-tao ang Diyos upang maging isang tao, paano nagbigay ang Espiritu ng mga pagbubunyag sa panahong iyon, at paano bumababa ang Espiritu sa isang tao upang gumawa, ang mga ito ay mga bagay na hindi kayang makita o mahipo ng tao. Tunay na imposible para sa mga katotohanang ito na magsilbi bilang patunay na Siya ay ang nagkatawang-taong Diyos. Sa gayon, ang pag-iiba ay magagawa lamang sa mga salita at gawain ng Diyos, na kayang makita ng tao. Ito lamang ang totoo. Ito ay sapagka’t ang mga bagay ng Espiritu ay hindi mo nakikita at malinaw na nalalaman lamang ng Diyos Mismo, at kahit ang katawang-tao ng Diyos ay hindi nalalamang lahat; mapatutunayan mo lamang kung Siya ay Diyos[a] mula sa gawain na Kanyang nagawa. Mula sa Kanyang gawain, makikita na, una, kaya Niyang magbukas ng isang bagong kapanahunan; ikalawa, kaya Niyang magtustos ng buhay ng tao at ipakita sa tao ang landas na dapat sundan. Ito ay sapat na upang mapagtibay na Siya ay Diyos Mismo. Sa paanuman, ang gawaing Kanyang ginagawa ay kayang lubos na katawanin ang Espiritu ng Diyos, at mula sa gayong gawain ay makikita na ang Espiritu ng Diyos ay nasa loob Niya. Dahil ang gawain na ginawa ng nagkatawang-taong Diyos sa pangunahin ay para ipasok ang isang bagong kapanahunan, pangunahan ang bagong gawain, at magbukas ng mga bagong kalagayan, ang ilang mga kundisyong ito ay sapat na upang magpatunay na Siya ay Diyos Mismo. Ito sa gayon ay nagpapakita ng kaibahan Niya mula kina Isaias, Daniel at iba pang mga dakilang propeta. Sina Isaias, Daniel at ang iba ay mula lahat sa uri ng mayroong-mataas-na-pinag-aralan at edukadong mga tao; sila ay katangi-tanging mga tao sa ilalim ng pangunguna ni Jehovah. Ang katawan ng Diyos na naging-tao ay maalam din at walang kakulangan sa katalinuhan, nguni’t ang Kanyang pagkatao ay lubhang napaka-karaniwan. Siya ay isang ordinaryong tao, at ang paningin ay walang maaarok na anumang natatanging pagkatao tungkol sa Kanya o madaramang anuman sa Kanyang pagkatao hindi-gaya roon sa iba. Hindi Siya higit-sa-karaniwan o natatangi, at hindi Siya nagtaglay ng anumang mataas na edukasyon, kaalaman, o teorya. Ang buhay na Kanyang sinalita at ang landas na Kanyang tinahak ay hindi nakamit sa pamamagitan ng teyorya, sa pamamagitan ng kaalaman, sa pamamagitan ng mga karanasan sa buhay o sa pamamagitan ng paghubog ng pamilya. Sa halip, ang mga yaon ay ang tuwirang gawain ng Espiritu at ng katawan na naging-tao. Ito ay dahil ang tao ay may mga malalaking paniwala tungkol sa Diyos, at sa partikular ay dahil ang mga paniwalang ito ay binuo ng napakaraming mga sangkap ng kalabuan at ng higit-sa-karaniwan na, sa mga mata ng tao, isang karaniwang Diyos na may pantaong kahinaan, na hindi kayang magsagawa ng mga tanda at himala, ay tiyak na hindi Diyos. Hindi ba’t ang mga ito ang mga maling paniwala ng tao? Kung ang katawan ng Diyos na naging-tao ay hindi isang normal na tao, kung gayon paano masasabing Siya ay naging tao? Ang pagiging katawang-tao ay pagiging isang ordinaryong, normal na tao; kung Siya ay naging isang nakahihigit na nilalang, kung gayon hindi Siya magiging nasa katawang-tao. Upang patunayan na Siya ay sa katawang-tao, ang Diyos na nagkatawang-tao ay kinailangang magtaglay ng karaniwang katawan. Ito ay upang maganap lamang ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Subali’t, hindi ito ang katayuan para sa mga propeta at mga anak ng tao. Sila ay mga taong binigyan ng kaloob at ginamit ng Banal na Espiritu; sa mga mata ng tao, ang kanilang pagkatao ay natatangi ang pagiging dakila, at sila ay nagsagawa ng mga gawain na higit sa normal na pagkatao. Sa kadahilanang ito, itinuring sila ng tao bilang Diyos. Ngayon dapat kayong lahat ay makita ito nang malinaw, sapagka’t ito ang usapin na pinaka-kinalilituhan ng lahat ng mga tao sa mga nagdaang kapanahunan. Bilang karagdagan, ang pagkakatawang-tao ay ang pinakamahiwaga sa lahat ng mga bagay, at ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang pinakamahirap para sa tao na tanggapin. Ang Aking sinasabi ay nakapagpapadali sa pagtupad ng inyong mga ginagampanan at inyong pagkaunawa sa hiwaga ng pagkakatawang-tao. Ang lahat ng ito ay mayroong kaugnayan sa pamamahala ng Diyos, sa pangitain. Ang inyong pagkaunawa rito ay magiging higit na kapakipakinabang sa pagkakamit ng kaalaman sa pangitain, iyan ay, ang gawaing pamamahala. Sa paraang ito, kayo rin ay magkakamit ng lalong higit na pagkaunawa sa tungkulin na nararapat isagawa ng iba’t ibang uri ng mga tao. Bagaman ang mga salitang ito ay hindi tuwirang nagpapakita sa inyo ng landas, ang mga ito ay malaking tulong pa rin sa inyong pagpasok, sapagka’t ang inyong mga buhay sa kasalukuyan ay kulang na kulang sa pangitain, at ito’y magiging isang mahalagang balakid na pipigil sa inyong pagpasok. Kung hindi ninyo nakayang unawain ang mga usaping ito, kung gayon ay walang pag-uudyok na magtutulak sa inyong pagpasok. At paanong ang gayong paghahabol ay magbibigay sa inyo ng kakayahang tuparin nang pinakamabuti ang inyong tungkulin?
Mga Talababa:
a. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang "kung Siya ay Diyos."

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: "Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao"
Rekomendasyon: Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
0 Mga Komento