Kidlat ng Silanganan-Kabanata 2
Nagkakaanyo na ang iglesia ng Filadelfia, at lubusan itong naging ganito dahil sa biyaya at awa ng Diyos. Naipapahayag ng mga banal ang kanilang pag-ibig para sa Diyos at hindi kailanman natinag mula sa kanilang landasing espirituwal.
Matatag sila sa pananampalataya na naging katawang-tao ang tanging tunay na Diyos,na Siya ang Pinuno ng sansinukob na nag-uutos sa lahat—pinagtitibay ito ng Banal na Espiritu at pinatutunayan ng mahigpit na katibayan! Hindi ito mababago kailanman!
Matatag sila sa pananampalataya na naging katawang-tao ang tanging tunay na Diyos,na Siya ang Pinuno ng sansinukob na nag-uutos sa lahat—pinagtitibay ito ng Banal na Espiritu at pinatutunayan ng mahigpit na katibayan! Hindi ito mababago kailanman!
Oh, Makapangyarihang Diyos! Ngayon nabubuksan Mo ang aming mga espirituwal na mata, hinahayaang makakita ang bulag, makalakad ang pilay, at mapagaling ang mga ketongin. Nabubuksan Mo ang makalangit na durungawan at nakikita namin ang mga hiwaga ng espirituwal na mundo. Nalalaganapan kami ng mga banal Mong salita, at naililigtas Mo kami mula sa masamang sangkatauhan na pinapangyari ni Satanas. Ito ay Iyong dakilang gawain at Iyong matinding awa. Kami ay mga saksi para sa Iyo!
Naging mapagpakumbaba at nakatago Ka sa katahimikan nang matagal na panahon. Napasailalim Ka sa muling pagkabuhay at pagdurusa ng pagpapako sa krus; nalaman Mo ang mga kagalakan at mga kalungkutan ng buhay ng tao gayundin ang pag-uusig at kagipitan. Naranasan Mo at nalasap ang kirot ng mundo ng tao, at napabayaan Ka ng kapanahunan. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay Diyos Mismo. Naililigtas Mo kami mula sa tambak na dumi para sa kapakanan ng kalooban ng Diyos at inalalayan Mo kami ng Iyong kanang kamay; naibibigay sa amin nang malaya ang Iyong biyaya. Gumagawa Ka ng mga buung-buong pagsisikap upang magawang mapasaamin ang buhay Mo; nasa mga banal ang halagang naibayad Mo ng Iyong dugo, pawis at luha. Kami ang mga sakop ng Iyong puspusang pagsisikap; kami ang halagang binabayaran Mo.
Oh, Makapangyarihang Diyos! Dahil ito sa pag-ibig at awa Mo, sa pagkamatuwid at kamahalan Mo, kabanalan at kababaang-loob Mo na yuyukod sa harapan Mo ang lahat ng mga tao at sasambahin Ka sa buong kawalang-hanggan.
Ngayon nagagawa Mong ganap ang lahat ng mga iglesia—ang iglesia ng Filadelfia—na siyang katuparan ng Iyong 6,000-taong plano ng pamamahala. Maaari nang maging mapagpakumbabang masunurin ngayon ang mga banal sa harapan Mo; nakaugnay sila sa isa’t isa sa espiritu at sinasamahan ang isa’t isa sa pag-ibig. Nakaugnay sila sa pinagmumulan ng bukal. Dumadaloy nang walang-tigil ang buháy na tubig ng buhay at hinuhugasan at nililinis nito ang lahat ng dumi at lusak sa iglesia, muling nililinis ang Iyong templo. Nakikilala namin ang praktikal na tunay na Diyos, naglalakad sa loob ng mga salita Niya, kinikilala ang aming sariling mga gawain at mga tungkulin, at ginagawa ang lahat na makakaya namin upang gugulin ang aming mga sarili para sa iglesia. Dapat naming kunin ang bawa’t sandali upang manahimik sa harapan Mo at sundin ang gawain ng Banal na Espiritu upang hindi mahadlangan ang kalooban Mo sa amin. Mayroong pag-iibigan sa isa’t isa sa gitna ng mga banal, at mapagtatakpan ng mga kalakasan ng ilan ang mga pagkukulang ng iba. Maaari silang makalakad sa espiritu sa bawa’t sandali at nakakamtan ang kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Isinasagawa nila ang katotohanan kaagad pagkatapos na maunawaan ito; umaalinsabay sila sa bagong liwanag at sinusundan ang mga yapak ng Diyos.
Aktibong makipagtulungan sa Diyos; ang pagpapaubaya sa Kanya na Siyang mangasiwa ay paglakad kasama Niya. Lahat ng ating mga sari-sariling kuru-kuro, mga paniwala at mga palagay, lahat ng ating mga sekular na pagkakasalabid, ay nawawalang parang bula gaya ng usok. Hinahayaan nating maghari ang Diyos sa ating mga espiritu, lumalakad kasama Niya at nagtatamo ng pangingibabaw, nananagumpay sa mundo, at malayang lumilipad ang ating mga espiritu at naaabot ang pagpapalaya; ang mga ito ang mga kalalabasan ng pagiging Hari ng Makapangyarihang Diyos. Paano tayo hindi sasayaw at aawit ng mga papuri, mag-aalay ng ating mga papuri at mag-aalay ng mga bagong himno?
Talagang maraming paraan para purihin ang Diyos: pagtawag sa pangalan Niya, paglapit sa Kanya, pag-iisip sa Kanya, pagbabasa-dalangin, pagsasama-sama, pagmumuni-muni, pagbubulay-bulay, panalangin, at mga awit ng papuri. Sa mga ganitong uri ng papuri ay mayroong kagalakan, at mayroong pagpapahid; mayroong kapangyarihan sa papuri at mayroon ding pasanin. Mayroong pananampalataya sa papuri, at mayroong bagong pagkakita.
Aktibong makipagtulungan sa Diyos, maglingkod na magkakaugnay at maging isa, bigyang-kaluguran ang kalooban ng Makapangyarihang Diyos, magmadaling maging isang banal na espirituwal na katawan, yurakan si Satanas, at wakasan ang kapalaran nito. Ang iglesia ng Filadelfia ay natitipon sa harap ng Diyos at ipinamamalas ang sarili nito sa luwalhati ng Diyos.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan: Kabanata 2
Rekomendasyon: Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
0 Mga Komento