Kidlat ng Silanganan-Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Unang Bahagi)
Panimula
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Unang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kaya ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao hanggang ang lahat ng maaari nilang isipin ay katanyagan at pakinabang na lamang.
Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagdurusa ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, tinitiis ang kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakrispisyo ang lahat-lahat na mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at sila’y gagawa ng anumang paghatol o disisyon upang kapwa panatilihin at makamit ang katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan iginagapos ni Satanas ang tao ng di-nakikitang mga kadena. Ang kadenang ito ay nakapasan sa mga katawan ng tao, at wala silang lakas ni tapang na itapon ito. Kaya ang mga tao ay kailanman naglalakad pasulong nang may malaking paghihirap, walang kaalam-alam na dinadala ang kadenang ito. Para sa kapakanan ng katanyagan at pakinabang na ito, ang sangkatauhan ay nahiwalay sa Diyos at ipinagkanulo Siya. Sa pagdaan ng bawat henerasyon, ang sangkatauhan ay naging higit na mas masama, higit na mas madilim at kaya sa ganitong paraan ang isang henerasyon matapos ang isa ay winawasak sa katanyagan at pakinabang ni Satanas."
0 Mga Komento