Kidlat ng Silanganan-Himno ng Karanasan ng Kristiyano | "Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw" (Tagalog Subtitles)


Kidlat ng Silanganan-Himno ng Karanasan ng Kristiyano | "Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw" (Tagalog Subtitles)


   Himno ng Karanasan ng Kristiyano | "Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw" (Tagalog Subtitles)
I
Ay … Narito ang 'sang langit, 
Oh .... Isang langit na talagang ibang-iba!

Isang marikit na halimuyak ang pumupuspos sa buong lupain, 
at hangi'y malinis.
Nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos
at nabubuhay kapiling natin,
Nagpapahayag ng katotohanan
at sinisimulan ang paghatol ng mga huling araw.

Inilantad ng mga salita ng Diyos
ang katotohanan ng ating kasamaan,
nalinis tayo at naperpekto
ng bawat uri ng pagsubok at pagdadalisay.
Magpaalam na tayo sa masama nating buhay 
at baguhin ang dating itsura para sa bagong mukha.

Kumikilos tayo at nagsasalita nang may prinsipyo
at hinahayaang maghari ang mga salita ng Diyos.
Ang apoy ng ating pagmamahal sa Diyos
ay nag-aalab sa ating mga puso.
Ipinalalaganap natin ang mga salitang Diyos,
sumasaksi para sa Kanya,
at ibinabahagi ang ebanghelyo ng kaharian.
Iniaalay natin ang buo nating pagkatao
para mapaligaya ang Diyos,
at handa tayong harapin ang anumang pasakit.
Salamat sa Makapangyarihang Diyos
para sa pagbabago ng kapalaran natin.
Nabubuhay tayo ng bagong buhay
at sinasalubong ang isang bagong bukas!
II
Kapag magkakasama ang mga kapatid, 
mababakas ang kaligayahan sa kanilang mga mukha,
Binabasa natin ang mga salita Niya
at ibinabahagi ang katotohanan, 
pinagsama tayo sa pag-ibig ng Diyos.
Mga tapat na tao tayo, dalisay at bukas,
walang pagtatangi sa pag-itan natin.
Nabubuhay tayo sa katotohanan, nagmamahalan, 
natututo sa lakas ng bawat isa
at tinatama ang ating mga pagkukulang.
Sa isang kaisipan tinutupad natin ang ating tungkulin,
at inaalay natin ang ating katapatan.
Sa landas patungo sa kaharian,
ginagabayan tayo ng mga salita ng Diyos
lampas ng mga problema at paghihirap.
Ibinubunyag ng mga salita ng Diyos ang Kanyang kadakilaan, 
nananakop ang mga iyon
at lumilikha ng isang grupo ng mananagumpay.
Nagbalik sa Diyos
ang mga taong pinili Niya mula sa lahat ng bansa.

Sama-samang nabubuhay ang mga tao kapiling ang Diyos
at sinasamba Siya kailanman.
Isinasakatuparan sa lupa ang kalooban ng Diyos, 
nagpakita ang kaharian ni Cristo.
Nahayag ang kabutihan at kabanalan ng Diyos,
napanibago ang langit at lupa.
Natatakot sa Diyos ang mga tao ng kaharian 
at iniiwasan ang masama,
at nabubuhay sila sa liwanag. 
Sama-samang nabubuhay ang mga tao kapiling ang Diyos 
at sinasamba Siya kailanman.
Isinasakatuparan sa lupa ang kalooban ng Diyos, 
nagpakita ang kaharian ni Cristo. 
Nahayag ang kabutihan at kabanalan ng Diyos,
napanibago ang langit at lupa.
Natatakot sa Diyos ang mga tao ng kaharian
at iniiwasan ang masama,
at nabubuhay sila sa liwanag.
Ah, hey... Narito ang 'sang langit, 
Oh, Oh, Oh... Isang langit na talagang ibang-iba!
mula sa Sundan ang Cordero at Umawit ng mga Bagong Awitin

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento