Kidlat ng Silanganan-Tagalog Christian Music Video | "Ang Disposisyon ng Diyos Ay Mataas at Dakila"


Kidlat ng Silanganan-Tagalog Christian Music Video | "Ang Disposisyon ng Diyos Ay Mataas at Dakila"


Panimula
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos

Ang Disposisyon ng Diyos Ay Mataas at Dakila

I

Galit ang Diyos dahil ang mga bagay na di matuwid

ay nandito upang guluhin ang sangkatauhan,

at ang kadiliman at kasamaa'y umiiral,

gaya ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan,

at may mga bagay na laban sa kabutihan.



Ang poot N'ya ang simbolo

ng wakas ng lahat ng masasamang bagay,

at higit pa ang simbolo ng Kanyang kabanalan,

ang simbolo ng Kanyang kabanalan.

Ang galak ng Diyos ay pagkamakatwiran

at ang liwanag na darating sa mundo,

ang s'ya ng wawasak sa kadilima't kasamaan.

Ang Kanyang galak ay nagdadala ng liwanag sa sangkatauhan,

at kagandahan sa kanilang buhay.

Ang galak N'ya ay matuwid;

ito ang simbolo ng lahat ng mga positibong bagay,

at ang simbolo ng mapalad at ang simbolo ng mapalad.

II

Siya'y malungkot na ang sangkatauhan,

na Kanyang pag-asa'y nasa kadiliman,

na ang Kanyang gawain sa sangkatauha'y

nabibigong abutin kalooban N'ya,

na ang mahal N'yang sangkatauha'y

'di kayang mamuhay sa liwanag.

Siya'y nalulungkot

para sa mga walang-muwang sa sangkatauhan,

para sa mga taos-puso ngunit mga bulag sa kanila,

at para sa taong mabuti

ngunit kulang sa sariling mga pananaw.

Ang kalungkutan N'ya ang simbolo ng kabutihan N'ya,

ng Kanyang awa, ng kagandahan at ng kabaitan.

Ang galak ng Diyos ay pagkamakatwiran

at ang liwanag na darating sa mundo,

ang s'ya~ng wawasak sa kadilima't kasamaan.

Ang Kanyang galak ay nagdadala ng liwanag sa sangkatauhan,

at kagandahan sa kanilang buhay.

Ang galak N'ya ay matuwid;

ito ang simbolo ng lahat ng mga positibong bagay,

at ang simbolo ng mapalad at ang simbolo ng mapalad.

III

Ang tuwa N'ya ay ang kaaway na natalo,

wagas na puso ng tao'y nagwagi,

ang kapangyarihan ng Kanyang kalaba'y napalayas, namatay,

at ang sangkatauha'y tiwasay sa buhay na maganda at tahimik.

Ang Kanyang tuwa ay malayo sa karaniwang saya ng tao,

ito ang pagtamasa sa inaaning bunga

na higit pa sa kaligayahan.

Ang Kanyang tuwa ay ang simbolo na mula ngayon,

ang sangkatauha'y hindi na magdurusa,

at papasok na sa mundo ng liwanag.

Ang galak ng Diyos ay pagkamakatwiran

at ang liwanag na darating sa mundo,

ang s'ya ng wawasak sa kadilima't kasamaan.

Ang Kanyang galak ay nagdadala ng liwanag sa sangkatauhan,

at kagandahan sa kanilang buhay.

Ang galak N'ya ay matuwid;

ito ang simbolo ng lahat ng mga positibong bagay,

at ang simbolo ng mapalad at ang simbolo ng mapalad.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento