Kidlat ng Silanganan-Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (2)

Jehovah, Job, katotohanan, Pedro, patotoo,

Kidlat ng Silanganan-Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (2)


   Dati kayong naghangad na maghari bilang mga hari, at ngayon hindi pa rin ninyo ganap itong isinasantabi; nais pa rin ninyong mamahala bilang hari, upang hawakan ang langit at tumulong sa lupa. Ngayon, pag-isipan ito: Iyo bang taglay ang mga nasabing kwalipikasyon? Hindi ka ba nawawalan ng pakiramdam? Makatotohanan ba ang bagay na inyong hinahanap at pinagtutuunan ng pansin?


Hindi man lang ninyo taglay ang normal na pagkatao—hindi ba ito kahabag-habag? Kaya, ngayon binanggit Ko lang ang pagiging nalupig, pagtaglay ng pagpapatotoo, pagpapabuti ng iyong kakayahan, at pagpasok sa landas ng pagiging perpekto, at wala nang ibang sasabihin. Pagod na ang ilang tao sa purong katotohanan, at kapag nakita nila ang lahat ng pag-uusap ng karaniwang normal na pagkatao at pagpapabuti ng kakayahan ng mga tao, sila ay nag-aatubili. Ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi madaling gawing perpekto. Kung kayo ay papasok ngayon, at kikilos ayon sa kalooban ng Diyos, sa bawat hakbang, maaari ka bang maalis? Matapos ang labis na gawain sa lupain ng Tsina—ang naturang napakalaking gawain—at matapos ng napakaraming salitang binigkas, maaari bang magpaubaya ang Diyos? Ihahatid ba Niya ang mga tao paibaba sa hukay na hindi maarok? Ang mahalaga ngayon ay dapat ninyong malaman ang kahalagahan ng tao, at dapat malaman kung ano ang dapat ninyong pasukin; dapat kang magsalita ng pagpasok sa buhay, at mga pagbabago sa katangian, kung paano ba talaga ang malupig, at kung paanong ganap na sumunod sa Diyos, na magdala ng huling pagpapatotoo sa Diyos, at makamit ang pagsunod hanggang kamatayan. Kailangan mong tumuon sa mga bagay na ito, at ang mga hindi makatotohanan o mahalaga ay kinakailangan munang isantabi at hindi isinasaalang-alang. Ngayon, dapat mong mabatid kung paano malupig, at kung paano gumawi ang mga tao matapos na sila ay malupig. Maaaring masabi mo na nalupig ka na, ngunit maaari ka bang sumunod hanggang kamatayan? Kailangan mong magawang sumunod hanggang sa huling sandali hindi alintana kung mayroong anumang inaasam, at hindi ka dapat mawalan ng pananampalataya sa Diyos sa kahit ano mang larangan. Sa huli, kailangan mong matamo ang dalawang aspeto ng patotoo: ang patotoo ni Job—pagsunod hanggang kamatayan—at ang patotoo ni Pedro—ang kataas-taasang pagmamahal ng Diyos. Sa isang banda, kailangan mong maging gaya ni Job: Siya ay walang ari-ariang materyal, at pinahirapan ng sakit ng katawang-tao, nguni't hindi niya tinalikuran ang pangalan ni Jehovah. Ito ang patotoo ni Job. Nagawang mahalin ni Pedro ang Diyos hanggang kamatayan. Noong siya ay namatay—noong siya ay ipinako sa krus—nanatili ang kanyang pagmamahal sa Diyos; hindi niya inisip ang kanyang sariling mga inaasam o nagtaguyod ng maluluwalhating pag-asa o maluluhong kaisipan, at hinangad lamang niya na mahalin ang Diyos at sundin ang lahat ng mga pagsasa-ayos ng Diyos. Iyan ang batayan na dapat mong makamit bago ka ituring na nagpatotoo, bago ka maging isang tao na ginawang perpekto matapos na malupig. Ngayon, kung tunay na batid ng mga tao ang kanilang sariling diwa at kalagayan, maghahanap pa ba sila ng mga inaasam at pag-asa? Ito ang dapat mong malaman: Hindi alintana kung ginagawa akong perpekto ng Diyos, dapat akong sumunod sa Diyos; ang lahat ng Kanyang ginagawa ngayon ay mabuti, at para sa ating kapakanan, at upang ang ating disposisyon ay maaaring magbago at maaari nating alisin sa ating sarili ang impluwensya ni Satanas, upang hayaan tayong mamuhay sa lupain ng karumihan at gayon man alisin sa ating sarili ang kahalayaan ipagpag ang dumi at impluwensiya ni Satanas, upang magawa nating iwanan ang impluwensiya ni Satanas. Siyempre, ito ang kinakailangan sa iyo, ngunit para sa Diyos ito ay isa lamang paglupig, upang ang mga tao ay magkaroon ng matatag na kapasyahan na tumalima, at maaring sumailalim sa lahat ng Pagtutugma ng Diyos, na siya lamang kinakailangan. Ngayon, karamihan sa mga tao ay nalupig na, ngunit sa loob nila ay marami pa ring mga paghihimagsik at pagsuway. Ang totoong estado ng mga tao ay masyadong maliit, at sila ay bumabangon lamang kung may mga pag-asa at pagkakataon; kung wala, sila ay nagiging negatibo, at nag-iisip pa na lisanin ang Diyos. At ang mga tao ay walang matinding pagnanais upang hanapin ang pagsasabuhay ng normal na pagkatao. Hindi iyon maaari! Kaya, dapat Ko pa rin pag-usapan ng paglupig. Sa katunayan, nangyayari ang pagka-perpekto kasabay ng paglupig: Habang ikaw ay nalulupig, ang mga unang epekto ng pagiging perpekto ay nakakamit din. Kung saan may pagkakaiba sa pagitan ng pagkalupig at pagiging perpekto, ito ay ayon sa antas ng pagbabago sa mga tao. Ang pagkalupig ay ang unang hakbang ng pagiging perpekto, at hindi nangangahulugang sila ay lubusang ginawang perpekto, ni pinatutunayang sila ay ganap nang nakamtan ng Diyos. Matapos lupigin ang tao, may ilang mga pagbabago sa kanilang disposisyon, ngunit ang mga nasabing pagbabago ay malayong-malayo sa mga tao na ganap nang nakamtan ng Diyos. Ngayon, ang nagawa na ay ang paunang gawain upang gawing perpekto ang mga tao—nilulupig sila—at kung hindi mo makamit ang panlulupig, walang paraan upang ikaw ay gawing perpekto at lubusang makamtan ng Diyos. Ikaw ay magkakamit lamang ng ilang salita ng pagkastigo at paghatol, ngunit hindi nito ganap na mapagbabago ang iyong puso. Kaya ikaw ay isa sa mga maaalis; ito ay hindi naiiba mula sa pagtingin sa isang katakam-takam na kapistahan sa ibabaw ng mesa ngunit hindi kinakain ito. Hindi ba ito trahedya? At kaya dapat kang humanap ng mga pagbabago: Ito man ay paglulupig o ginagawang perpekto, parehong kaugnay ito kung mayroong pagbabago sa’yo, at kung ikaw man ay masunurin o hindi—at ito ang nagpapasya kung ikaw ay maaaring makamtan ng Diyos o hindi. Tandaan na ang “paglulupig” at “ginagawang perpekto” ay basta nakabatay sa lawak ng pagbabago at pagsunod, pati na rin sa kung gaano kadalisay ang iyong pag-ibig sa Diyos. Ang kinakailangan ngayon ay gawin kang ganap na perpekto, ngunit sa pasimula ay dapat kang malupig—dapat ay mayroon kang sapat na kaalaman sa pagkastigo at paghatol ng Diyos, dapat ay mayroong kang pananampalataya na sumunod, at maging isang tao na naghahangad ng pagbabago at para magkaroon ng mga epekto. Doon ka lamang magiging isang tao na naghahangad maging perpekto. Dapat mong maunawaan na sa pagpapatuloy ng ginagawa kayong perpekto ay malulupig kayo, at sa pagpapatuloy ng paglulupig kayo ay gagawing perpekto. Ngayon, maaari mong hangaring magawang perpekto o humanap ng mga pagbabago sa iyong panlabas na pagkatao at mga pag-unlad sa iyong kakayahan, nguni’t ang pinakamahalaga ay iyong nauunawaan na ang lahat ng ginagawa ngayon ng Diyos ay may kahulugan at kapaki-pakinabang: Hinahayaan ka nito na nakatira sa lupain ng karumihan na makatakas sa karumihan at maipagpag ito, hinahayaan ka nitong mapagtagumpayan ang impluwensiya ni Satanas, at iwanan ang madilim na impluwensiya ni Satanas—at sa pagtuon sa mga bagay na ito, ikaw ay iniingatan dito sa lupain ng karumihan. Sa kahuli-hulihan, anong patotoo ang hihingin na iyong ibigay? Ikaw ay nakatira sa lupain ng karumihan nguni’t nagawang maging banal, at hindi na magiging marumi at hindi dalisay, ikaw ay nakatira sa ilalim ng sakop ni Satanas nguni’t inaalis sa iyong sarili ang impluwensiya ni Satanas, at hindi pagmamay-ari o ginigipit ni Satanas, at ikaw ay nakatira sa mga kamay ng Makapangyarihan-sa-lahat. Ito ang patotoo, at katibayan ng tagumpay sa pakikipaglaban kay Satanas. Nagagawa mong iwaksi si Satanas, kung ano ang iyong pagsasabuhay ay hindi nagbubunyag kay Satanas, kundi yaong kinailangan ng Diyos na abutin ng tao noong nilikha Niya ang tao: normal na pagkatao, normal na pagkamakatwiran, normal na pananaw, normal na paninindigang mahalin ang Diyos, at katapatan sa Diyos. Ganyan ang patotoo na taglay ng isang nilalang ng Diyos. Sabi mo, “Tayo ay nakatira sa isang lupain ng burak, ngunit dahil sa pag-iingat ng Diyos, dahil sa Kanyang pamumuno, at dahil nilupig Niya tayo, naalis natin ang ating mga sarili sa impluwensiya ni Satanas. Na angkakayahan nating sumunod ngayon ay epekto rin ng paglupig ng Diyos, at ito ay hindi dahil tayo ay mabuti, o dahil natural nating iniibig ang Diyos. Ito ay dahil pinili tayo ng Diyos, at itinalaga tayo, na tayo ay nalupig ngayon, na magagawang magpatotoo sa Kanya, at makapaglingkod sa Kanya; kaya, pati, ito ay dahil pinili Niya tayo, at protektado, na tayo ay nailigtas at nabawi mula sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas, at maaaring nang iwanan ang dumi at maging malinis sa bayan ng dakilang pulang dragon. Dagdag pa rito, kung ano ang iyong isinasabuhay ay magpapakita na taglay mo ang normal na pagkatao, mayroong pagkamakatuwiran sa iyong sinasabi, at ikaw ay kahalintulad ng isang normal na tao. Kapag nakikita kayo ng iba hindi nila dapat sabihin, Hindi ba ito ang imahe ng dakilang pulang dragon? Ang pag-uugali ng kapatid na babae ay hindi angkop sa pagiging isang kapatid na babae, ang pag-uugali ng kapatid na lalaki ay hindi angkop sa pagiging isang kapatid na lalaki, at wala silang anumang asal ng mga santo. Hindi sila dapat sumambit, Hindi nakakapagtaka na sinabi ng Diyos na sila ay mga inapo ni Moab, Siya ay ganap na tumpak! Kung titingnan kayo at sasabihin sa inyo ng mga tao, “Kahit na sinabi ng Diyos na ikaw ay inapo ni Moab, kung paano ka mamuhay ay nagpapatotoong iniwan mo ang impluwensiya ni Satanas; bagaman ang mga bagay na iyon ay naka paloob sa iyo, nagawa mong tumalikod sa kanila,” sa gayon ito ay nagpapakita na ikaw ay ganap na nalupig. Ikaw na nalupig at nailigtas ay magsasabi, “Tunay na kami ang mga inapo ni Moab, ngunit kami ay nailigtas ng Diyos, at bagaman ang mga inapo ni Moab noong nakalipas ay pinabayaan at sinumpa, at iwinaksi kasama ng mga Hentil ng mga tao ng Israel, ngayon iniligtas tayo ng Diyos. Tunay na kami ang pinakatiwali sa lahat ng tao—ito ay itinalaga ng Diyos, ito ay katotohanan, at ito ay hindi maikakaila ng lahat. Ngunit ngayon kami ay nakatakas na sa nasabing impluwensiya. Kinamumuhian namin ang aming mga ninuno, handa kaming tumalikod sa aming mga ninuno, upang lubusan itong talikuran at sundin ang lahat ng mga pag-aayos ng Diyos, kumikilos ayon sa kalooban ng Diyos at nakakamit ang Kanyang kahilingan sa amin, at nakukuha ang kasiyahan ng kalooban ng Diyos. Ipinagkanulo ni Moab ang Diyos, hindi siya kumilos ayon sa kalooban ng Diyos, at siya ay kinasusuklaman ng Diyos. Ngunit tayo ay dapat mangalaga sa puso ng Diyos, at ngayon, dahil nauunawaan natin ang kalooban ng Diyos, hindi natin maaaring ipagkanulo ang Diyos, at dapat talikuran ang ating mga nakatatandang ninuno!” Noong nakaraan Aking binanggit ang pagtalikod sa dakilang pulang dragon—at ngayon, iyon ang pangunahing pagtiwalag ng mga tao sa nakatatandang ninuno. Ito ay isang patotoo ng paglupig sa mga tao, at hindi alintana kung paano ka pumasok ngayon, ang iyong pagpapapatotoo sa bagay na ito ay hindi dapat nagkukulang.

   Ang kakayahan ng tao ay masyadong mababa, sila ay labis na nagkukulang sa normal na pagkatao, mabagal ang kanilang reaksyon, masyadong mabagal, iniwan sila ng korapsyon ni Satanas na manhid at mangmang, at bagaman hindi nila magawang ganap na magbago sa isa o dalawang taon, dapat silang makapagpasya na makipagtulungan. Maaaring sabihing ito ay isa ring patotoo sa harap ni Satanas. Ang patotoo ngayon ay ang epekto na nakakamit ng kasalukuyang gawa ng panlulupig, pati na rin bilang isang ispesimen at modelo ng mga tagasunod sa hinaharap. Sa hinaharap, ito ay kakalat sa lahat ng bansa; kung ano ang ginawa sa Tsina ay kakalat sa lahat ng bansa. Ang mga inapo ni Moab ang pinaka-mababa sa lahat ng mga tao sa buong mundo. Nagtatanong ang ilang tao, Hindi ba ang mga inapo ni Ham ang pinaka-mababa sa lahat? Ang mga supling ng dakilang pulang dragon at ang mga inapo ni Ham ay kumakatawan sa iba't ibang mga bagay, at ang mga inapo ni Ham ay ibang bagay: Hindi alintana kung paano sila sinumpa, sila pa rin ay mga inapo ni Noe; ang mga pinagmulan ng Moab, samantala, hindi puro, siya ay nagmula sa masamang pamumuhay, at dito nagkakaiba. Kahit parehong isinumpa, ang kanilang mga katayuan ay hindi pareho, at kayà ang mga inapo ni Moab ang pinakamababa sa lahat ng mga tao—at walang katotohanan ang mas kapani-paniwala kaysa sa panlulupig ng pinakamababa sa lahat ng mga tao. Ang gawain ng mga huling araw ay umaalpas sa lahat ng mga patakaran, at ikaw man ay sinumpa o pinarusahan, hangga’t ikaw ay tumutulong sa Aking gawa, at may pakinabang sa gawain ng paglupig ngayon, at kung ikaw man ay inapo ni Moab o supling ng malaking pulang dragon, hangga’t ginagampanan mo ang iyong tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos sa yugtong ito ng gawain, at ginagawa ang pinakamahusay na kaya mo, sa gayon ang hinahangad na epekto ay makakamit. Ikaw ay supling ng malaking pulang dragon, at ikaw ay isang inapo ni Moab; sa kabuuan, lahat tayong laman at dugo ay mga nilalang ng Diyos, at tayo ay ginawa ng Manlilikha. Ikaw ay isang nilalang ng Diyos, wala kang dapat anumang pagpipilian, at ito ang iyong tungkulin. Mangyari pa, ang gawa ng Manlilikha ay nakatuon sa buong sansinukob. Hindi alintana kung saan ka man nagmula, higit sa lahat kayo ay isa sa mga nilalang ng Diyos, kayo—mga inapo ni Moab—ay bahagi ng mga nilalang ng Diyos, iyon nga lang, kayo ay nasa mas mababang pagpapahalaga. Dahil, sa ngayon, ang gawain ng Diyos ay isinasagawa sa gitna ng lahat ng mga nilalang, at nakatuon sa buong sansinukob, ang Manlilikha ay malayang pumili ng sinumang tao, mga usapin, o mga bagay upang gawin ang Kanyang gawain. Hindi Niya isinasaalang-alang kung kanino ka nagmula; hangga’t ikaw ay isa sa Kanyang mga nilikha, at hangga’t ikaw ay kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain—ang gawaing panlulupig at patotoo—isasagawa Niya ang Kanyang gawain sa iyo nang walang anumang pagdududa. Winawasak nito ang mga tradisyonal na mga pagkaintindi ng mga tao, na ang Diyos ay hindi gagawa sa gitna ng mga Gentil, lalong hindi sa mga taong isinumpa at napakababa; para sa mga taong isinumpa, ang kanilang mga susunod na henerasyon ay magpakailanman ding isusumpa, hindi kailanman sila magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; hindi kailanman bababa ang Diyos at gagawa sa lupain ng Gentil, at hindi kailanman tatapak sa lupain ng karumihan, sapagka’t Siya ay banal. Tandaan na ang Diyos ay Diyos ng lahat ng nilalang, hawak Niya ang dominyon sa langit at lupa at lahat ng mga bagay, at hindi lamang Diyos ng bayan ng Israel. Kaya, napakahalaga ang gawaing ito sa Tsina, at hindi ba ito lalaganap sa lahat ng mga bansa? Ang malaking patotoo sa hinaharap ay hindi limitado sa Tsina; kung kayo lamang ang nalupig ng Diyos, maaari bang mahikayat ang mga demonyo? Hindi nila nauunawaan ang malupig, o ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, at kapag ang mga napiling tao ng Diyos sa buong daigdig ang nakamasid sa pinakahuling mga epekto ng gawang ito saka lang malulupig ang lahat ng mga nilalang. Wala nang mas paurong o masama kaysa sa mga inapo ni Moab. Tangi kung malulupig ang mga taong ito—sila na napakasama, na hindi kinilala ang Diyos o naniniwala na may Diyos ang nalupig, at kinikilala sa Diyos sa kanilang mga bibig, pinupuri Siya, at nagagawa Siyang mahalin—ito na ang magiging patotoo ng paglupig. Kahit na hindi kayo si Pedro, kayo ay ipinamumuhay ang imahe ni Pedro, kayo ay maaaring magtaglay ng patotoo ni Pedro, at ni Job, at ito ay ang pinakadakilang patotoo. Sa huli sasabihin mo: Kami ay hindi mga Israelita, ngunit ang mga tinalikdan na inapo ni Moab, kami ay hindi si Pedro, na hindi kaya ng aming kalibre, hindi rin si Job, at hindi kami maaring ihambing sa pasya ni Pablo upang magdusa para sa Diyos at ialay ang kanyang sarili sa Diyos, at kami ay napaka-makaluma, at kaya, kami ay hindi karapat-dapat na magtamasa sa pagpapala ng Diyos. Itinataas pa rin kami ng Diyos hanggang ngayon; kaya kailangan nating bigyang-kasiyahan ang Diyos, at bagaman wala tayong sapat na kakayahan o mga kwalipikasyon, handa nating pasayahin ang Diyos—tayo ay may ganitong kapasyahan. Tayo ay mga inapo ni Moab, at tayo ay isinumpa. Ito ay itinalaga ng Diyos, at tayo ay walang kakayanang baguhin ito, ngunit ang ating pagsasabuhay at ating kaalaman ay maaaring magbago, at tayo ay nagpasyang pasiyahin ang Diyos. Kapag ikaw ay may ganitong kapasyahan, ito ay magpapatunay na ikaw ay nagpatotoo sa paglupig.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento