Kidlat ng Silanganan-Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (3)
Ang resulta na makakamit sa gawaing panlulupig ay pangunahin upang ang laman ng tao ay huminto sa paghihimagsik, iyon ay, upang makamtan ng isip ng tao ang panibagong pagkaunawa sa Diyos, ang kanyang puso ay lubusang sumunod sa Diyos, at upang siya ay magpasiya na maging para sa Diyos.
Kung paano nagbabago ang pag-uugali o laman ng tao ay hindi nakakapagtatakda kung siya ay nalupig na. Sa halip, kapag ang iyong pag-iisip, ang iyong kamalayan, at ang iyong katinuan ay nagbago-iyon ay, kapag ang iyong buong pangkaisipang saloobin ay nagbago-na ikaw ay nalupig na ng Diyos. Kapag ikaw ay nagpasyang sumunod at pinagtibay na ang bagong kaisipan, kapag hindi mo na madala ang kahit na alin sa iyong mga paniniwala o mga layunin sa mga salita at gawain ng Diyos, at kapag ang iyong utak ay makakapag-isip na nang normal, iyon ay, kapag kaya mo nang magsikap para sa Diyos ng buong puso mo-ang ganitong uri ng tao ay siyang lubusan nang nalupig. Sa nasasakupan ng relihiyon, maraming tao ang nagdurusa nang hindi bahagya sa buong buhay nila, sinusupil ang kanilang katawan at pinapasan ang kanilang krus, kahit na nagdurusa at nagtitiis hanggang sa kanilang huling hininga! Ang ilan ay nag-aayuno pa rin sa umaga ng kanilang kamatayan. Buong buhay nila ay ipinagkaila nila sa kanilang sarili ang mga masasarap na pagkain at magarang mga kasuotan, binibigyang-diin lang ang pagdurusa. Kinaya nilang supilin ang kanilang katawan at iwaksi ang laman. Ang kanilang espiritu sa pagtitiis ng pagdurusa ay kapuri-puri. Ngunit ang kanilang pag-iisip, ang kanilang mga paniniwala, ang kanilang pangkaisipang saloobin, at ang kanilang lumang sarili nga-wala kahit isa sa mga ito ay pinakitunguhan sa paanuman. Wala silang tunay na pang-unawa sa kanilang mga sarili. Ang pangkaisipan nilang imahe ng Diyos ay ang tradisyunal na isang abstrak, malabong Diyos. Ang kanilang pasiyang magdusa para sa Diyos ay galing sa kanilang sigasig at positibong kalikasan. Kahit na sila ay naniniwala sa Diyos, hindi nila nauunawaan ang Diyos o alam ang Kanyang kalooban. Sila lang ay pikit-matang gumagawa at pikit-matang nagdurusa para sa Diyos. Hindi nila binibigyan ng kahit anong halaga ang pagiging mapanuri at halos walang pakialam kung paano matitiyak na ang kanilang paglilingkod ay talagang tumutupad sa kalooban ng Diyos. Lalong hindi nila alam kung paano makakamtan ang pag-unawa sa Diyos. Ang Diyos na kanilang pinaglilingkuran ay hindi ang Diyos na nasa Kanyang orihinal na imahe, kundi isang Diyos na sila mismo ang kumatha, isang Diyos na kanilang nabalitaan, o ang isang maalamat na Diyos na nababasa sa mga kasulatan. Sa gayon, ginamit nila ang kanilang mga buhay na buhay na imahinasyon at ang kanilang maka-Diyos na mga puso upang magdusa para sa Diyos at balikatin para sa Diyos ang mga gawain na nais gawin ng Diyos. Ang kanilang paglilingkod ay masyadong di-eksakto, sa gayon halos wala kahit isang totoong naglilingkod sa Diyos sa paraang makatutupad ng Kanyang kalooban. Kahit na gaano pa sila kahandang magdusa, ang kanilang orihinal na pananaw sa paglilingkod at kanilang pangkaisipang imahe ng Diyos ay nananatiling hindi nagbabago dahil hindi pa nila napagdadaanan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at ang Kanyang kapinuhan at pagka-perpekto, at dahil wala kahit isang umakay sa kanila ayon sa katotohanan. Kahit na naniniwala sila kay Jesus na Tagapagligtas, wala kahit isa sa kanila ang nakakita kailanman sa Tagapagligtas. Napag-alaman lang nila ang tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng mga alamat at sabi-sabi. Sa gayon, ang kanilang paglilingkod ay katumbas lang ng basta-bastang paglilingkod nang nakapikit, tulad ng isang bulag na naglilingkod sa kanyang sariling ama. Ano sa bandang huli ang makakamit sa ganitong uri ng paglilingkod? At sino ang magpapahintulot dito? Mula panimula hanggang katapusan, ang kanilang paglilingkod ay hindi kailanman nagbabago paanuman. Sila ay tumatanggap lamang ng mga aral na gawa ng tao at ibinabatay lang nila ang kanilang paglilingkod sa kanilang pagiging likas at kung ano ang kanila mismong kinahihiligan. Anong gantimpala ang aanihin nito? Kahit si Pedro, na nakakita kay Hesus, ay hindi nalaman kung paano maglingkod sa paraang makatutupad ng kalooban ng Diyos.Noon lamang magtatapos, sa kanyang katandaan, na kanya nang naunawaan. Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa mga bulag na taong hindi pa nakakaranas ng kahit na anong pakikitungo o kahit na anong paglilinis at wala kahit isang gumagabay sa kanila? Hindi ba ang karamihan ng paglilingkod ninyo ngayon ay kagaya nang sa mga bulag na taong ito? Ang lahat ng hindi nakatanggap ng paghatol, hindi nakatanggap ng paglilinis at pakikitungo, at hindi nagbago-hindi ba sila ang mga hindi lubusang nalupig? Anong silbi ng mga gayong tao? Kung ang iyong pag-iisip, ang iyong pag-unawa sa buhay, at ang iyong pag-unawa sa Diyos ay hindi nagpapakita ng pagbabago at hindi nagbunga ng kahit na munting tunay na pakinabang, hindi mo kailanman makakamtan ang kahit anumang pambihira sa iyong paglilingkod! Kung walang pangitain at walang bagong pag-unawa sa gawain ng Diyos, hindi ka magiging nalupig na tao. Ang iyong paraan ng pagsunod sa Diyos sa gayon ay tulad ng mga nagdurusa at nag-aayuno-magiging may maliit na halaga ito! Talagang dahil may kaunting patotoo sa kanilang ginagawa na masasabi Kong ang kanilang paglilingkod ay walang kabuluhan! Sa kanilang buong buhay, nagdurusa ang mga taong ito, nabibilanggo, at sa bawat sandali, nagtitiis sila, binibigyang-diin ang pag-ibig at kabaitan, at pinapasan ang kanilang krus. Sila ay sinisiraang-puri at itinatakwil ng mundo at nakakaranas ng lahat ng paghihirap. Sila ay sumusunod hanggang katapusan, ngunit, sila ay hindi nalulupig at wala silang maibigay na patotoo sa pagkalupig. Hindi kaunti ang kanilang napagdusahan, ngunit sa loob ay talagang hindi nila kilala paanuman ang Diyos. Wala sa kanilang makalumang mga pag-iisip, makalumang mga paniwala, mga relihiyosong pagsasagawa, mga pagkaunawang gawa ng tao, at mga kuro-kuro ng tao ang napakitunguhan. Wala man lamang silang taglay na bagong pagkaunawa. Kahit ang katiting man ng kanilang pagkaunawa sa Diyos ay hindi totoo o tumpak. Mali ang pagkaunawa nila sa kalooban ng Diyos. Maaari kayang ito ay para maglingkod sa Diyos? Kung paano mo man naintindihan ang Diyos sa nakaraan, ipagpalagay na pananatilihin mo iyon ngayon at ipagpapatuloy ang pagbabatay ng iyong pagkaunawa sa Diyos sa iyong sariling mga paniwala at mga kuro-kuro kahit ano pa ang gawin ng Diyos. Iyan ay, ipagpalagay na wala kang taglay na bago at tunay na pagkaunawa sa Diyos at nabigo kang malaman ang tunay na anyo at tunay na disposisyon ng Diyos. Ipagpalagay na ang iyong pagkaunawa sa Diyos ay pinapatnubayan pa rin ng pyudal at mapamahiing pag-iisip at nanggaling pa rin sa mga likhang-isip at mga paniwala ng tao. Kung ganito ang kaso, hindi ka pa nalupig kung gayon. Ang Aking adhikain sa pagsasabi ng mga salitang ito sa iyo ngayon ay upang tulutan kang maintindihan at gamitin ang kaalamang ito upang pangunahan ka sa tumpak at bagong pagkaunawa. Ang layunin din ng mga iyon ay ang pag-aalis niyaong mga lumang paniwala at lumang kaalaman na iyong dala sa loob mo upang ikaw ay magkaroon ng panibagong pagkaunawa. Kung tunay mong kinakain at iniinom ang Aking mga salita, sa gayon ang iyong pagkaunawa ay lubhang magbabago. Hangga’t pinananatili mo ang isang masunuring puso habang kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong pananaw ay babalik. Hangga’t kaya mong tanggapin ang paulit-ulit na mga pagkastigo, ang iyong lumang kaisipan ay unti-unting magbabago. Hangga’t ang iyong lumang kaisipan ay lubos na napalitan ng bago, ang iyong pagsasagawa ay magbabago nang naaayon. Sa ganitong paraan, ang iyong paglilingkod ay magiging paayon nang paayon, lalo’t lalo pang makakayang tuparin ang kalooban ng Diyos. Kung kaya mong baguhin ang iyong buhay, ang pagkaunawa mo sa buhay, at ang iyong maraming paniwala tungkol sa Diyos, kung gayon ang iyong pagiging likas ay unti-unting mababawasan. Ito, at wala nang iba, ang bunga matapos malupig ng Diyos ang tao; ito ang pagbabago na makikita sa tao. Kung sa paniniwala sa Diyos, ang iyong alam lamang ay pagsupil ng iyong katawan at pagtitiis ng pagdurusa, at ikaw ay nalalabuan hinggil sa kung ang ginagawa mo ay tama o mali, lalo na kung para kanino ito, kung gayon paano hahantong sa pagbabago ang ganitong uri ng pagsasagawa?
Dapat ninyong maunawaan na ang Aking hinihiling ay hindi ang pagkaalipin ng inyong katawan o ang iyong isipan ay kontrolin at pigilang makapag-isip ng mga nagkataong kaisipan. Hindi ito ang layunin ng gawain ni ang gawaing kailangang gawin ngayon mismo. Ngayon mismo, kailangan ninyong magkaroon ng pagkaunawa mula sa positibong anggulo upang mabago ninyo ang inyong mga sarili. Ang inyong pinakakailangang gawin ay ang sangkapan ang inyong mga sarili ng mga salita ng Diyos, ibig sabihin ay lubusang sangkapan ang inyong mga sarili ng katotohanan at pananaw na nasa harap ninyo ngayon, at pagkatapos ay magpatuloy at isagawa ang mga ito. Ito ang inyong pananagutan. Hindi Ko hinihiling sa inyo na hangarin at kamtin ang lalong mas higit na pagpapalinaw. Sa kasalukuyan hindi talaga ninyo taglay ang katayuang para sa gayon. Ang kailangan sa inyo ay gawin ang lahat ng inyong makakaya upang kainin at inumin ang mga salita ng Diyos. Kailangan ninyong maunawaan ang gawain ng Diyos at alamin ang inyong kalikasan, ang inyong sangkap, at ang dati ninyong buhay. Kailangan ninyo talagang kilalanin ang mga nakalipas na maling pagsasagawa at ang inyong mga ginagawang pantao. Upang magbago, dapat ninyong baguhin ang inyong pag-iisip. Una ay palitan ninyo ang inyong lumang kaisipan ng bago, at hayaang ang bago ninyong kaisipan ang mamahala sa inyong mga salita at mga kilos at inyong buhay. Ito ang hinihiling sa bawat isa sa inyo ngayon. Huwag kayong magsasagawa nang pikit-mata o susunod nang pikit-mata. Dapat mayroon kayong batayan at target. Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili. Dapat ninyong malaman nang eksakto kung para saan ang inyong pananampalataya sa Diyos, ano ang mapakikinabangan mula rito, at kung ano ang papasukin ninyo sa ngayon mismo. Mahalagang malaman ninyo ang lahat ng ito.
Ang dapat ninyong pasukin sa kasalukuyan ay ang pagpapaangat sa inyong buhay at pagpapataas sa inyong kakayahan. Bilang karagdagan, kailangan ninyong baguhin yaong mga dating pananaw mula sa inyong nakaraan, baguhin ang inyong pag-iisip, at baguhin ang inyong mga paniwala. Ang inyong buong buhay ay nangangailangan ng pagbabago. Kapag ang iyong pang-unawa sa mga gawain ng Diyos ay magbago, kapag ikaw ay magkaroon ng bagong pang-unawa ng katotohanan ng lahat ng sinasabi ng Diyos, at kapag ang iyong panloob na pang-unawa ay maitaas, ang iyong buhay ay bubuti ang kalagayan. Lahat ng ginagawa at sinasabi ng tao ngayon ay praktikal. Ito ay hindi mga doktrina, kundi ang mga kailangan ng mga tao sa kanilang buhay at kung ano ang kanilang dapat na taglay. Ito ang pagbabago na nagaganap sa tao sa gawaing panlulupig, ang pagbabago na dapat maranasan ng tao, at ito ang resulta matapos malupig ang tao. Kapag ikaw ay nagbago ng iyong pag-iisip, nagpatibay ng bagong pangkaisipang saloobin, binaligtad ang iyong mga paniniwala at layunin at ang iyong mga dating lohikal na pangangatwiran, itinapon ang mga bagay na malalalim ang pagkaugat sa loob mo, at nagkaroon ng bagong pagkaunawa ng pananampalataya sa Diyos, sa gayon ang mga patotoo na iyong ipagkakaloob ay maitataas at ang iyong buong pagkatao ay totoong mababago. Ang lahat ng ito ay ang mga pinakapraktikal, pinakamakatotohanan, at ang pinakapangunahin sa lahat ng bagay-mga bagay na mahirap hawakan ng mga tao sa nakaraan at mga bagay na hindi nila maaring makatagpo. Iyon ang mga totoong na gawa ng Espiritu. Gaano mo ba talaga naunawaan ang Biblia sa nakaraan? Isang mabilis na paghahambing ang magsasabi sa iyo. Noong una inilagay mo sina Moises, Pedro, Pablo, o ang lahat niyaong mga pahayag at mga pananaw na galing sa biblia sa itaas ng isang pedestal. Ngayon, kung sasabihin sa iyo na ilagay ang Biblia sa itaas ng pedestal, gagawin mo ba ito? Makikita mo na ang Biblia ay naglalaman ng napakaraming mga tala na isinulat ng tao at na ang Biblia ay kuwento lamang ng tao tungkol sa dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Ito ay isang aklat ng kasaysayan. Hindi ba nangangahulugan na ang pagkaunawa mo ukol rito ay nagbago? Kung titingin ka ngayon sa talaangkanan ni Jesus sa Ebanghelyo ni Mateo, sasabihin mong, “Ang talaangkanan ni Jesus? Kalokohan! Ito ay talaangkanan ni Jose, hindi ni Jesus. Walang ugnayan sa pagitan nina Jesus at Jose.” Kapag tiningnan mo ang Biblia ngayon, ang iyong pagkaunawa ukol rito ay naiiba, ibig sabihin ang iyong pananaw ay nagbago, at nagdadala ka ng isang mas mataas na antas ng pagkaunawa rito kaysa sa mga relihiyosong mga pantas noong una. Kapag sinasabi ng isang tao na mayroong isang bagay sa talangkanang ito, sasagot ka na, “Ano ang mayroon dito? Magpatuloy ka at ipaliwanag ito. Sina Jesus at Jose ay hindi magkamag-anak. Hindi mo ba alam iyon? Maaari bang magkaroon ng isang talaangkanan si Jesus? Paanong magkakaroon si Jesus ng mga ninuno? Paano Siya magiging inapo ng tao? Ang Kanyang katawang-tao ay isinilang kay Maria; ang Kanyang Espiritu ay ang Espiritu ng Diyos, hindi ang espiritu ng tao. Si Jesus ay ang iniibig na Anak na Lalaki ng Diyos, kaya maaari ba Siyang magkaroon ng talaangkanan? Habang Siya ay nasa lupa hindi Siya isang kaanib ng sangkatauhan, kaya paano Siya magkakaroon ng isang talaangkanan?” Kapag iyong sinuri ang talaangkanan at ipaliliwanag nang malinaw ang katotohanan, ibabahagi kung ano ang iyong naunawaan, ang taong iyon ay maiiwang walang imik. Sasangguni ang ilang mga tao sa Biblia at tatanungin ka, “Si Jesus ay mayroong talaangkanan. Ang Diyos mo ba sa kasalukuyan ay mayroong talaangkanan?” Sasabihin mo sa kanila ang iyong pinakamakatotohanang pagkaunawa. Sa ganitong paraan, ang iyong pagkaunawa ay makakakuha ng mga resulta. Sa katotohanan, si Jesus ay walang kaugnayan kay Jose sa anumang paraan at lalong hindi kay Abraham. Ito ay dahil si Jesus ay isinilang lamang sa Israel. Ngunit ang Diyos ay hindi isang Israelita o isang inapo ng mga Israelita. Dahil lamang si Jesus ay isinilang sa Israel, hindi nangangahulugan na ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita. Para lamang sa layunin ng Kanyang gawain kaya Niya tinanggap ang hakbang na ito ng pagkakatawang-tao ng Sarili Niya. Ang Diyos ay Diyos ng lahat ng nilikha sa sansinukob. Gumawa lang muna Siya ng isang yugto ng gawain sa Israel at pagkatapos, nagsimulang gumawa sa mga bansang Gentil. Ngunit itinuturing ng mga tao si Jesus bilang Diyos ng mga Israelita at saka ibinilang Siya sa mga Israelita at sa mga inapo ni David. Sinasabi ng Biblia na sa mga huling araw, ang pangalan ni Jehova ay magiging dakila sa gitna ng mga bansang Gentil, nangangahulugan na ang Diyos ay gagawa sa mga bansang Gentil sa mga huling araw. Ang pagkakatawang-tao Niya sa Judea noong panahong iyon ay hindi nagpapahiwatig na ang mga Hudyo lamang ang iniibig ng Diyos. Nangyari lamang iyon dahil ito ang hinihingi ng gawain. Hindi maaaring sabihin na kinailangan na ang Diyos ay magkatawang-tao sa Israel (sapagkat ang mga Israelita ay ang Kanyang mga taong pinili). Hindi ba ang mga taong pinili ng Diyos ay matatagpuan din sa mga bansang Gentil? Pagkaraang si Jesus ay natapos sa paggawa sa Judea saka lumawak ang gawain sa mga bansang Gentil. (Ang mga bansa sa labas ng Israel ay karaniwang tinatawag bilang “mga bansang Gentil”; “Ang mga bansang Gentil” ay hindi isang indikasyon na ang mga dakong iyon ay walang mga taong pinili; sa halip, ang mga bansa sa labas ng Israel sa kabuuan ay tinatawag na “mga bansang Gentil.”) Sa katotohanan, ang mga bansang Gentil na yaon ay tinitirhan din ng mga taong pinili ng Diyos; wala nga lamang ginawang gawain doon sa panahong iyon. Ang mga tao ay naglalagay ng gayong diin sa Israel sapagkat ang unang dalawang yugto ng gawain ay naganap sa Israel samantalang walang gawain ang ginawa sa mga bansang Gentil. Ang gawain sa mga bansang Gentil ay nagsisimula pa lamang sa kasalukuyan, at iyon ang dahilan kung bakit nahihirapan ang mga tao na tanggapin ito. Kung mauunawaan mo ito nang malinaw, tatanggapin nang tama at tatanawin nang wasto ang mga usaping ito, magkakaroon ka ng wastong pagkaunawa ukol sa Diyos ng kasalukuyan at ng nakaraan, at ito ay magiging mas mataas kaysa sa pagkaunawang taglay ng mga banal sa kabuuan ng kasaysayan. Kung nararanasan mo ang kasalukuyang gawain at naririnig ang personal na pagbigkas ng Diyos sa kasalukuyan, ngunit ganap na wala kang pagkaunawa sa kabuuan ng Diyos; kung ang iyong paghahangad ay nananatiling palaging kagaya ng dati at hindi pinalitan ng anumang bago; at lalo na kung mararanasan mo ang lahat ng gawaing panlulupig na ito, ngunit sa bandang huli ay walang makikitang anumang pagbabago sa iyo, kung gayon ang iyong pananampalataya ay hindi ba kagaya niyaong naghahangad lamang ng tinapay upang mapawi ang kanilang gutom? Kung magkagayon, ang gawaing panlulupig ay walang matatamong anumang resulta sa iyo. Hindi ka ba kung gayon magiging yaong aalisin?
Sa pagtatapos ng lahat ng gawaing panlulupig, mahalagang lahat kayo ay unawain na ang Diyos ay hindi lang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos ng buong sangnilikha. Nilikha Niya ang lahat ng sangkatauhan, hindi lang ang mga Israelita. Kung sasabihin mo na ang Diyos ay ang Diyos ng mga Israelita lang o imposibleng ang Diyos ay magkatawang tao sa kahit na anong bayan sa labas ng Israel, sa gayon hindi mo pa rin naabot ang kahit anumang pagkaunawa sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig at hindi mo man lamang kinikilala na ang Diyos ay ang iyong Diyos. Ang kinikilala mo lang ay ang Diyos ay kumilos mula sa Israel hanggang sa Tsina at ipinipilit na maging Diyos mo. Kung ganito pa rin ang pagtingin mo sa mga bagay, sa gayon ang Aking gawain ay hindi nagkabunga sa iyo at hindi mo naintindihan ang kahit na isa sa Aking mga sinabi. Sa katapusan, kung ikaw, kagaya ni Mateo, ay muling magsusulat ng talaangkanan para sa Akin, ihanap mo Ako ng karapat-dapat na ninuno, at ihanap mo Ako ng tamang ugat-sa gayon ang Diyos ay may dalawang talaangkanan para sa Kanyang dalawang pagkakatawang tao-hindi ba iyon ang magiging pinakamalaking katatawanan sa mundo? Hindi ba ikaw, na “taong nagmamalasakit” na nakatagpo ng talaangkanan Ko, ay naging isang taong hinati ang Diyos? Kaya mo bang balikatin ang bigatin ng kasalanang ito? Pagkatapos ng lahat ng gawaing panlulupig na ito, kung hindi mo pa pinaniniwalaan na ang Diyos ay ang Diyos ng buong sangnilikha, kung iniisip mo pa rin na ang Diyos ay ang Diyos ng Israelita lang, hindi ka ba ang siyang lantarang lumalaban sa Diyos? Ang layunin ng paglupig sa iyo ngayon ay ang makilala mo na ang Diyos ay ang iyong Diyos, at ang Diyos ng iba, at ang pinakamahalaga ang Diyos ng lahat na nagmamahal sa Kanya, at ang Diyos ng buong sangnilikha. Siya ang Diyos ng mga Israelita at ang Diyos ng mga tao sa Ehipto. Siya ang Diyos ng mga taga Britanya at Diyos ng mga Amerikano. Siya ay hindi lang ang Diyos ni Adan at Eba, kundi Diyos din ng lahat ng mga inapo ni Adan at Eba. Siya ay ang Diyos ng lahat na nasa langit at lahat ng nasa lupa. Ang pamilya ng Israelita at lahat ng mga pamilya ng mga Gentil ay parehong nasa mga kamay ng isang Diyos. Hindi lang Siya gumawa sa Israel nang ilang libong taon at minsang pinanganak sa Judea, pero ngayon Siya ay bumababa sa Tsina, ang lugar kung saan ang malaking pulang dragon ay nakapulupot na nakahiga. Kung ang pagkapanganak sa Judea ay ginawa Siyang Hari ng mga Judio, sa gayon hindi ba ang pagbaba Niya sa gitna ninyong lahat ngayon ay ginagawa Siyang Diyos ninyo? Ginabayan Niya ang mga Israelita at Siya ay pinanganak sa Judea, at Siya ay pinanganak din sa isang lupa ng mga Gentil. Hindi ba ang lahat ng Kanyang mga gawain ay para sa buong sangkatauhan na Kanyang nilalang? Minamahal ba Niya ang mga Israelita nang isandaang ulit at kinamumuhian ang mga Gentil nang isanlibong ulit? Hindi ba iyan ang inyong paniniwala? Kayo itong mga hindi kumikilala sa Diyos; hindi sa ang Diyos ay hindi kailanman naging inyong Diyos. Kayo itong mga tumatanggi sa Diyos; hindi sa ang Diyos ang hindi pumapayag na maging inyong Diyos. Sino sa mga nilalang ang wala sa kamay ng Makapangyarihan? Sa paglupig sa inyo ngayon, hindi ba ang layunin ay upang kilalanin ninyo na ang Diyos ay walang iba kundi ang inyong Diyos? Kung pinananatili ninyo pa rin na ang Diyos ay Diyos lang ng mga Israelita, at pinananatili pa rin na ang tahanan ni David sa Israel ay ang pinanggalingan ng kapanganakan ng Diyos at walang ibang bansa bukod sa Israel ang karapat-dapat na “gumawa” ng Diyos, at lalong hindi kahit na sinong pamilyang Gentil ang kayang tanggapin nang personal ang gawain ni Jehovah-kung ganito pa rin ang iyong pag-iisip, sa gayon hindi ka ba nagiging mapagmatigas na palaban? Huwag ninyo laging pagtuunan ang Israel. Ang Diyos ay naririto mismo kasama ninyo ngayon. Huwag din kayong laging nakatingala sa langit. Itigil ninyo ang pangungulila sa Diyos sa langit! Ang Diyos ay lumapit na sa inyong kalagitnaan, kaya papaano Siyang nasa langit? Hindi ka naniwala sa Diyos nang napakahabang panahon, ngunit mayroon kang napakaraming paniniwala tungkol sa Kanya, hanggang sa hindi ka maglalakas-loob kahit isang saglit na isipin ang Diyos ng mga Israelita ay mamarapating “biyayaan” kayo ng Kanyang presensya. Lalong hindi kayo mangangahas isipin kung paano ninyo makikita ang Diyos na magpakita nang personal, batid kung gaano kayo karuming di-matagalan. Hindi ninyo rin inisip kahit kailan kung paanong personal na bababa ang Diyos sa isang lupaing Gentil. Siya ay dapat na bumaba sa Bundok ng Sinai o sa Bundok ng Oliba at magpakita sa mga Israelita. Hindi ba ang mga Gentil (yun ay, ang mga tao sa labas ng Israel) ay lahat mga bagay na Kanyang kinamumuhian? Paano Siya personal na gagawa kasama nila? Ang lahat ng ito ay ang mga paniwalang malalalim ang pagkaugat na inyong nalinang sa maraming mga taon. Ang layunin ng paglupig sa inyo ngayon ay upang wasakin itong mga paniniwala ninyo. Anupat nakita na ninyo ang Diyos na nagpakita nang personal sa gitna ninyo-hindi sa Bundok ng Sinai o sa Bundok ng Oliva, kundi sa mga tao na hindi pa Niya kailanman pinamunuan sa nakaraan. Matapos gawin ng Diyos ang dalawang yugto ng Kanyang gawain sa Israel, ang mga Israelita at ang lahat ng mga Gentil ay kapwa nagtaglay ng paniniwalang ito: Bagaman totoong nilalang ng Diyos ang lahat ng mga bagay, Siya ay pumapayag na maging Diyos ng mga Israelita lang, hindi ang Diyos ng mga Gentil. Ang mga Israelita ay naniniwala sa mga sumusunod: Ang Diyos ay Diyos lang namin, hindi ang Diyos ninyong mga Gentil, at dahil hindi ninyo iginagalang si Jehovah, si Jehovah-ang aming Diyos-ay kinasusuklaman kayo. Ang mga Judiong iyon bukod diyan ay naniniwala rito: Ang Panginoong Jesus ay ginampanan ang imahe nating mga Judio at isang Diyos na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng mga Judio. Sa aming kalagitnaan gumagawa ang Diyos. Ang imahe ng Diyos at imahe namin ay magkatulad; ang aming imahe ay hawig sa Diyos. Ang Panginoong Jesus ay ang Hari ng mga Judio; ang mga Gentil ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng ganoong kadakilang kaligtasan. Ang Panginoong Jesus ang alay pangkasalanan para sa aming mga Judio. Alinsunod lamang sa dalawang yugto ng gawain na ang mga Israelita at ang mga Judio ay bumuo ng ganito karaming mga paniniwala. Mapagmataas nilang inaangkin ang Diyos para sa kanila, hindi pinapayagan na ang Diyos ay ang Diyos din ng mga Gentil. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay naging isang puwang sa mga puso ng mga Gentil. Ito ay dahil ang lahat ay naniwala na hindi gusto ng Diyos na maging Diyos ng mga Gentil at ang gusto Niya ay ang mga Israelita lang-ang Kanyang piling bayan-at gusto Niya ang mga Judio, lalo na ang mga disipulong sumunod sa Kanya. Hindi ba ninyo alam na ang gawain na ginawa ni Jehova at Jesus ay para sa ikaliligtas ng buong sanglibutan? Kinikilala na ba ninyo ngayon na ang Diyos ay ang Diyos ninyong lahat na pinanganak sa labas ng Israel? Hindi ba nandito ang Diyos sa kalagitnaan ninyo ngayon? Hindi ito maaring maging isang panaginip, maari ba? Hindi ba ninyo tanggap ang realidad na ito? Hindi ninyo pinangangahasang paniwalaan ito o mag-isip tungkol dito. Kahit na paano ninyo tingnan ito, hindi ba narito ang Diyos sa gitna ninyo? Natatakot pa rin ba kayo na paniwalaan ang mga salitang ito? Simula sa araw na ito, hindi ba lahat ng mga taong nalupig at lahat ng gustong maging tagasunod ng Diyos ang piling bayan ng Diyos? Hindi ba lahat kayo, na mga tagapagsunod ngayon, ang piling bayan sa labas ng Israel? Ang inyong katayuan ba ay kapareho ng sa mga Israelita? Hindi ba ang lahat ng ito ang inyong dapat kilalanin? Hindi ba ito ang layunin ng gawa ng panlulupig sa inyo? Dahil nakikita ninyo ang Diyos, sa gayon Siya ang inyong magiging Diyos magpakailanman, mula sa umpisa magpahanggang sa hinaharap. Hindi ka Niya pababayaan hangga’t kayong lahat ay nahahandang sumunod sa Kanya at maging Kanyang tapat, masunuring mga nilalang.
Hindi alintana kung gaano man katatag ang kanilang kasalukuyang paninindigan upang mahalin ang Diyos, ang tao sa pangkalahatan ay naging masunurin at sumusunod hanggang sa kasalukuyan. Hindi hanggang sa wakas, kapag ang yugto ng gawaing ito ay nagtapos, na ang tao ay magsisisi nang lubos. Iyon ang panahon na ang mga tao ay tunay na malulupig. Sa ngayon sila ay nasa proseso pa lamang ng panlulupig. Sa sandaling ang gawain ay magtapos, sila ay ganap na malulupig, ngunit hindi pa ngayon! Kahit na ang lahat ay kumbinsido, hindi ito nangangahulugan na sila ay ganap nang nalupig. Ito ay dahil sa kasalukuyan mga salita lamang ang nakita ng mga tao at hindi totoong mga pangyayari, at nadadama pa ring hindi sila tiyak gaano man kalalim ang paniniwala nila. Kaya nga sa huling totoong pangyayari lamang na iyon, ang mga salita ay nagiging realidad, na ang mga tao ay ganap na malulupig. Sa ngayon ang mga taong ito ay nilulupig sapagkat sila ay nakaririnig ng maraming mga misteryo na hindi pa nila narinig kailanman noong una. Ngunit sa loob ng bawat isa sa mga ito, sila ay naghahanap at naghihintay pa rin para sa mga totoong mga pangyayari na tutulot sa kanila na makita ang bawat salita ng Diyos na nagkakatotoo. Sa gayon lamang sila lubos na magiging kumbinsido. Kapag lamang, sa bandang huli, ay nakita ng lahat ang mga natupad na totoong mga realidad na ito, at naging sanhi ang mga realidad na ito sa kanila upang makadama ng katiyakan, magpapakita sila ng pananalig sa kanilang mga puso, sa kanilang pananalita, sa kanilang mga mata, at sila ay lubos na magiging kumbinsido mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Ito ang kalikasan ng tao. Kailangan ninyong makita ang mga salita na nagkakatotoong lahat, kailangan ninyong makita ang ilang mga totoong pangyayari na nagaganap at makita ang sakuna na sumasapit sa ilang mga tao, at sa gayon kayo ay lubos na magiging kumbinsido sa kaloob-looban. Kagaya ng mga Judio, nananatili kayong naglalagay ng malaking pagpapahalaga sa pagkakita ng mga tanda at mga himala. Ngunit patuloy ninyong hindi nakikita na mayroong mga tanda at mga himala at na ang mga realidad ay nangyayari na iniuukol upang mabuksan nang husto ang inyong mga mata. Maging ito man ay yaong bumababa mula sa langit, o isang haligi ng mga ulap na nagsasalita sa inyo, o ang Aking pagsasagawa ng pagpapalayas ng masamang espiritu sa isa sa inyo, o ang Aking tinig na dumadagundong kagaya ng isang lindol sa gitna ninyo, palagi ninyong ninanais at palaging nanaisin na makita ang ganitong uri ng pangyayari. Maaaring sabihin ng isang tao na sa paniniwala sa Diyos, ang inyong pinakadakilang kahilingan ay makita ang pagdating ng Diyos at personal na pakitaan kayo ng isang tanda. At sa gayon kayo ay malulugod. Para lupigin kayong mga tao, kailangan Kong magsagawa ng gawain na katulad ng paglikha ng mundo at pagkatapos ay magdadagdag ng isang tanda. Sa gayon, ang inyong mga puso ay lubos na malulupig.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
0 Mga Komento