Kidlat ng Silanganan - Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Ikalawang Bahagi)



Kidlat ng Silanganan - Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Ikalawang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, na Kanyang pinangunahan hanggang sa araw na ito. Pagkatapos ay iniligtas Niya ang sangkatauhan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Sa katapusan ay kailangan pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, iligtas nang buo ang sangkatauhan at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawain na Kanyang pinag-aabalahan mula sa simula hanggang sa katapusan—ang pagpapanumbalik sa tao sa kanyang orihinal na larawan at sa kanyang orihinal na wangis. Itatatag Niya ang Kanyang kaharian at ibabalik ang orihinal na wangis ng tao, ibig sabihin na ibabalik Niya ang Kanyang awtoridad sa lupa at ibabalik ang Kanyang awtoridad sa gitna ng buong sangnilikha....Kapag ang sangkatauhan ay naibalik na sa kanilang orihinal na wangis, kapag nakakaya nang tuparin ng sangkatauhan ang kani-kanilang mga tungkulin, napapanatili ang kanilang sariling lugar at nasusunod ang lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos, ang Diyos ay nakatamo ng isang grupo ng mga tao sa lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya. Siya ay magkakaroon ng walang-hanggang tagumpay sa lupa, at yaong mga salungat sa Kanya ay malilipol magpasawalang-hanggan. Mapanunumbalik nito ang Kanyang orihinal na layunin sa paglikha sa tao; mapanunumbalik nito ang Kanyang layunin sa paglikha ng lahat ng mga bagay, at ito rin ang magpapanumbalik ng Kanyang awtoridad sa lupa, ng Kanyang awtoridad sa gitna ng lahat ng mga bagay at ng Kanyang awtoridad sa gitna ng Kanyang mga kaaway. Ang mga ito ang mga simbolo ng Kanyang kabuuang tagumpay. Simula roon ang sangkatauhan ay papasok sa kapahingahan at papasok sa isang buhay na sumusunod sa tamang landas. Ang Diyos ay papasok din sa walang-hanggang kapahingahan kasama ang tao at papasok sa isang buhay na walang-hanggan na pagsasaluhan ng Diyos at tao. Ang karumihan at pagsuway sa lupa ay mawawala, at gayundin ang pananaghoy sa lupa. Ang lahat ng sumasalungat sa Diyos sa lupa ay hindi na iiral. Tanging ang Diyos at yaong mga tao na Kanyang nailigtas ang mananatili; ang Kanyang nilikha lang ang mananatili."

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento