Kidlat ng Silanganan-Tagalog Gospel Movie "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom


Kidlat ng Silanganan-Tagalog Gospel Movie "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom


Tagalog Gospel Movie 2019 | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom

Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na matatapat na tao lamang ang makakapasok sa kaharian ng langit; matatapat na tao lang ang maaaring maging mga tao ng kaharian.
Ikinukuwento ng pelikulang ito ang karanasan ng Kristiyanong si Cheng Nuo sa gawain ng Diyos at ang patuloy na paghahangad niyang maging matapat na tao sa buhay.

Doktor dati si Cheng Nuo. Kahit matapos maniwala sa Diyos, nang makaranas siya ng mga bagay na salungat sa sarili niyang interes at maharap sa kanyang pang-araw-araw na buhay, hindi pa rin niya napigilang magsinungaling at manlinlang. Sa harap ng mga pagsubok at paghihirap nagkaroon pa siya ng mga di-pagkakaunawaan at sama ng loob tungkol sa Diyos, ngunit sa pamamagitan ng paulit-ulit na paghahanap sa katotohanan, naunawaan niya ang ugat ng kanyang kasinungalingan at makasarili at likas na katusuhan. Nagsimula siyang magtuon sa paghahanap sa katotohanan upang malutas ang hilig niyang magsinungaling at ang kasingungalingan sa kanyang puso. Kalaunan nang arestuhin siya ng gobyernong Chinese Communist Party habang ginagampanan ang kanyang tungkulin at nagdaranas ng matinding pahirap, handa na siyang mamamatay bago magsinungaling at ayaw niyang tanggihan ang Diyos. Nagbigay siya ng matunog na patotoo para sa Diyos. Nagawa ni Cheng Nuo na unti-unting maging matapat na tao, at tunay na mahalin at sundin ang Diyos. Kaya ano ba talaga ang kuwento niya?

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento