Kidlat ng Silanganan-Tagalog Song "Piniperpekto ng Diyos ang Tao sa Pamamagitan ng Mga Salita sa Kapanahunan ng Kaharian"
Tagalog Christian Song 2019 | “Piniperpekto ng Diyos ang Tao sa Pamamagitan ng Mga Salita sa Kapanahunan ng Kaharian”
I
Sa panahong ito, matutupad ng Diyos sa inyo:
na lahat isinasagawa ang katotohanan N'ya,
na ang lahat ay isasabuhay ang Kanyang salita
at iibigin Siya sa kanilang mga puso.
Ang salita ng Diyos ay ang pundasyon ng kanilang buhay.
Lahat sila ay may mga pusong natatakot sa Diyos.
Sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos,
sila'y mamumuno at maghahari kasama ng Diyos.
Ang salita ng Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay sa tao.
Tanging ang Kanyang salita ang maaaring magbigay
ng liwanag sa tao,
itinuturo ang paraan ng pagsasagawa.
Partikular ito sa Panahon ng Kaharian.
II
Ang mga salita ng Diyos ang namamahala sa tao.
Ang salita ng Diyos ay pagkain at lakas.
Magagalak ka kapag kumain ka nito.
Huwag kang kumain at wala kang patutunguhan.
Sinasabi sa Biblia: Ang tao ay hindi mabubuhay
sa pamamagitan lamang ng tinapay,
ngunit sa pamamagitan ng mga salita mula sa bibig ng Diyos.
Ngayo'y matutupad 'to ng Diyos sa inyo.
Ang salita ng Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay sa tao.
Tanging ang Kanyang salita ang maaaring magbigay
ng liwanag sa tao,
itinuturo ang paraan ng pagsasagawa.
Ito'y mas totoo sa Kapanahunan ng Kaharian.
III
Sa kapanahunang ito, pangunahing ginagamit ng Diyos ang salita
para pamahalaan ang lahat.
Ang mga tao ay hinatulan at pinerpekto,
nakakapasok sa Kanyang kaharian,
lahat dahil sa Kanyang salita.
Ang salita ng Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay sa tao.
Tanging ang Kanyang salita ang maaaring magbigay
ng liwanag sa tao,
itinuturo ang paraan ng pagsasagawa.
Ito'y mas totoo sa Kapanahunan ng Kaharian.
Araw-araw na uminom ng salita ng Diyos.
Araw-araw kumain ng salita ng Diyos.
Wag iwan katotohanang napapaloob.
At gagawin kang perpekto.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
0 Mga Komento