Kidlat ng Silanganan-Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV Ang Kabanalan Ng Diyos (I) (Pagpapatuloy ng Ikatlong Bahagi)



Kidlat ng Silanganan-Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV Ang Kabanalan Ng Diyos (I) (Pagpapatuloy ng Ikatlong Bahagi)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV Ang Kabanalan Ng Diyos (I) (Pagpapatuloy ng Ikatlong Bahagi)"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Anumang mga panukala ang ginawa ng Diyos, sa kasagsagan ng Kanyang paggawa ang lahat ng mga iyon ay may positibong epekto para sa tao, at pinangungunahan ng mga ito ang daan.
Kaya may mga makasariling pag-iisip ba sa isipan ng Diyos? Mayroon bang karagdagang mga layunin ang Diyos patungkol sa tao, o nais ba Niyang gamitin ang tao sa ibang paraan? (Hindi) Hindi kailanman. Ginagawa ng Diyos kung ano ang sinasabi Niya, at ganito rin Siya mag-isip sa Kanyang puso. Walang magkahalong layunin, walang makasariling mga saloobin. Wala Siyang anumang ginagawa para sa Kanyang Sarili, subalit ginagawa talaga ang lahat para sa tao, nang walang anumang pansariling layunin. Bagaman may mga plano at mga intensyon Siya para sa tao, wala Siyang anumang ginagawa para sa Kanyang Sarili. Lahat ng ginagawa Niya ay pawang ginagawa para sa sangkatauhan, upang ingatan ang sangkatauhan, upang mapanatiling hindi naliligaw ang sangkatauhan."

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento