Kidlat ng Silanganan-Mga Katolikong Paniniwala: Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

Biyaya, Ebanghelyo, Jesus, katotohanan,Panginoon,

Kidlat ng Silanganan-Mga Katolikong Paniniwala: Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon


Ni Amy, USA
Mga Nilalaman
Pagkawasak ng Iglesia, Kahinaan at Kalituhan
Nilulutas ang Kanyang Kalituhan at Sinasalubong ang Pagbabalik ng Panginoon
Paggambala ni Satanas, Paglubog sa mga Pagdududa
Nakikita ang Panlilinlang at Pinag-iibayo ang Kanyang Paninindigan
Pagpapatunay sa Totoong Diyos at Maramdaman ang Biyaya ng Diyos
"Ang makilala ang Panginoon ang pinaka-inaasam ng lahat ng mga mananampalataya. Sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoon, sinalubong ko ang pagbabalik ng Panginoon at puno ako ng pasasalamat sa Kanya…." Gabi iyon, at kumakalat ang malinaw na liwanag ng buwan sa silid mula sa bintana. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng kanyang lampara, mabilis na tumitipa si Amy tungkol sa kanyang karanasan sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon. Iniisip ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos para sa kanya, tumayo si Amy at marahang lumakad patungo sa bintana at tumanaw sa bilog na buwan, ginugunita ang nakaraan …

Pagkawasak ng Iglesia, Kahinaan at Kalituhan
Hindi naniwala si Amy sa Panginoon hanggang sa pumunta siya sa Estados Unidos upang magtrabaho. Sa mga unang taon matapos niyang matamo ang kanyang pananampalataya, kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabaho, tuwing Linggo ay walang palya na dumadalo si Amy sa misa at matamang nakikinig sa sermon ng mga pari. Naramdaman niya ang pag-ibig ng Panginoon sa kanyang puso, at siya at ang mga kaibigan niya sa iglesia ay nagtutulungan at sinusuportahan ang bawa’t isa, gaya ng isang pamilya. Ngunit habang lumilipas ang panahon, unti-unting natuklasan ni Amy na ang mga sermon ay puno ng karaniwang kasabihan at paulit-ulit, iyon din ang kaparehong kaalaman sa biblia at teolohika na walang bagong kaliwanagan. Ilang taon na siyang Katoliko, at maliban sa pagtataguyod ng ilang relihiyosong patakaran at mga seremonya, wala na siyang alam tungkol sa kung ano ang kalooban ng Panginoon o kung paano sundan ang Kanyang salita. Hindi siya nakakatanggap ng pagkain para sa kanyang espirituwal na buhay. Kapag mayroon siyang hindi maintindihan ay hindi niya tinatangkang magtanong sa pari dahil natuklasan niyang ang tanging mga tao lang tinitingala nila at nais makausap ay ang mga nagbibigay ng malaking donasyon na pera o mayroong katungkulan. Hindi pinapansin ng mga pari ang mga regular na parokyano na gaya niya, lalo pa ang sumagot ng mga tanong para sa kanila. Ang mas nakakakapanghina pa ng loob para kay Amy ay nakipag-away ang pari sa isang matandang parokyano dahil sa hindi pagkakaunawaan at pinagsabihan pa ito sa harap ng iba pang mga parokyano. Mula noon ay tumigil na sa pagpunta sa iglesia ang taong iyon. Nakita ni Amy na kahit mukhang maka-Diyos ang mga pari sa panlabas, palaging nagsasalita tungkol sa mga espirituwal na prinsipyo, at madalas na nagtuturo sa iba na maging mapagkumbaba at mapagpasensiya at sundin ang pamamaraan ng Panginoon, sa totoo nilang mga buhay ay ibang-iba ang kanilang mga ikinikilos. Napaka-ipokrito ng mga ito. Natuklasan din niya na ang simbahan ay tulad ng mundo—ang mga relasyon sa pagitan ng mga parokyano ay nababase sa kanilang sariling pakinabang. Labis silang nasasabik tungkol sa paggamit ng kanilang mga koneksiyon upang itaas ang kanilang mga produkto at magnegosyo, ngunit kung hindi, karaniwan nang ilag sila sa isa’t isa at talagang malamig. Kahit katiting ay wala siyang maramdamang pag-ibig. Habang mas marami siyang nakikitang kawalan ng batas sa iglesia, nagising si Amy sa inisyal niyang pagkasigasig at unti-unti iyong nanlamig.

Makalipas ang panahon, nawalan na ng ganang pumunta sa iglesia si Amy at kapag pumunta siya, minsan ay inaantok siya gaya ng iba. Hindi nagbago ang estado ng relasyon—labis na masama ang loob ni Amy, nakakaramdam ng kawalang-magawa at naliligaw. Maraming beses siyang nanalangin sa Panginoon ngunit walang natanggap na sagot. Labis siyang nalilito: Bakit naging tulad ng mundo ang iglesia? Bakit hindi natin maramdaman na kasama natin ang Panginoon?

Nilulutas ang Kanyang Kalituhan at Sinasalubong ang Pagbabalik ng Panginoon
Isang araw sa Disyembre 2017, nakasalubong ni Amy ang kamag-aral niyang si Susan sa isang parke, na maraming taon na ring mananampalataya. Habang nagkukuwentuhan, nabanggit ni Amy ang kanyang mga nararamdamang pagkalito at sinabi ni Susan na naranasan din niya iyon. Hindi iyon nalutas hanggang sa marinig niya ang sermon ng isang kaibigan, pagkatapos ay inimbitahan nito si Amy upang samahan siya sa isang misa. Masayang sumang-ayon si Amy.

Kahit na malamig ang Disyembre, maliwanag, maaraw at mainit-init sa balat ang araw. Dinala ni Susan si Amy sa bahay ng kanyang kaibigan para sa isang sermon. Ang mangangaral ay ang Kapatid na si Li—alam na alam nito ang Biblia at ang pagbabahagi niya ay talaga namang nakakaliwanag. Naramdaman ni Amy na nagliwanag ang kanyang puso. Pagkatapos ay sinabi niya ang tungkol sa kalituhan na naipon sa loob ng puso niya sa mahabang panahon: “Bakit ang mga pari at mga pinuno ay walang maipangaral, ang mga kapatid ko ay kulang sa pananampalataya, at tila hindi ako makakuha ng pagkain sa aking buhay? Anong totoong dahilan sa likod ng pagkasira ng iglesia?”

Ngumiti si Kapatid na Li at sinabi: “Kapatid, ang isyu na sinabi mo ay talagang importante. Direkta iyong may kinalaman sa kung magagawa nating makahabol sa gawain ng Banal na Espiritu at salubungin ang pagbabalik ng Panginoon o hindi. Alam nating lahat na tayo ay nasa mga huling yugto na ng mga huling araw, at mas dumadami pa ang mga gawain na labag sa batas sa loob ng relihiyon. Hindi sinusunod ng mga pari at mga pinuno ang mga kautusan ng Panginoon o isinasagawa ang Kanyang mga salita. Isinasagawa lamang nila ang mga relihiyosong seremonya at ipinapatupad kung anong ipinasa ng mga nauna. Ginawa nilang lugar para sa pagsasagawa ng mga relihiyosong seremonya ang mga iglesia at ginamit ang mga responsibilidad at mga tungkulin nila bilang sarili nilang mga kagamitan upang magkamit ng posisyon at kumita. Sa labas ay tila sila maka-Diyos, matiyaga, at mapagkumbaba, ngunit sa diwa ay mga ipokrito sila. Ang mga pari at pinuno sa loob ng relihiyon ay madalas na ikinakalat ang mga kaalaman sa biblia at teolohiya—ang kanilang layunin ay ang magyabang. Hindi nila itinataas o nagpapatotoo sa mga salita ng Panginoon at Kanyang mga kahilingan sa sangkatauhan, ngunit tuluyang lumayo mula sa Kanyang landas at dinadala lamang sa harap nila ang kanilang mga parokyano. Ang mundo ng relihiyon ay napunta na sa ilalim ng mga tao, ng mga Fariseo. Nasusuklam doon ang Diyos at winasak iyon. Ito ang isang dahilan kung bakit nawasak na ang mundo ng relihiyon. Isa pang dahilan ay nagbago na ang gawain ng Banal na Espiritu. Nagbalik na ang Panginoon at gumawa ng bagong yugto ng gawain sa mga huling araw. Nagkatawang-tao na ang Diyos at pumunta sa lupa upang ipahayag ang mga katotohanan at tuluyang iligtas tayong mga tao na pininsala ni Satanas. Gaya ng sinasabi sa Biblia: ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios’ (1 Pedro 4:17). ‘At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw’ (Juan 12:47-48). Ang mga taludtod na ito sa Biblia ay sinasabi na kapag bumalik na ang Panginoon, gagawin Niya ang gawain ng paghatol at dadalisayin ang ating masasamang satanikong disposisyon, nililigtas tayo mula sa mga gapos ng kasalanan upang magtamo tayo ng kaligtasan at kadalisayan, at pumasok sa kaharian ng langit.”

Labis na nasabik si Amy na marinig ito, at naisip: “Totoo ba ito? Talaga bang bumalik na ang Panginoong Jesus?” Nakinig pa siyang lalo sa pagbabahagi ng Kapatid na Li, takot na hindi marinig maski isang salita.

Pagkatapos ay nagpatuloy si Kapatid na Li sa kanyang pagbabahagi: “Ngayong nagkatawang-tao nang muli si Jesus, ang Makapangyarihang Diyos, ay dumating na sa lupa at ipinahayag ang lahat ng mga katotohanang kinakailangan natin upang magtamo ng kaligtasan; ginawa na Niya ang gawain ng paghatol umpisa sa bahay ng Diyos upang dalisayin ang mga tumatanggap sa Kanyang gawain ng mga huling araw. Ang gawain ng Banal na Espiritu, naayon lamang, ay nagbago para sa mga tumanggap sa gawain ng mga huling araw ng Diyos. Ang mga tumanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nagtamo ng gawain ng Banal na Espiritu at nakahabol sa Diyos at nakadalo sa piging ng Kordero, tinutubigan at pinapakain ng tubig ng buhay. Ang mga naiwan sa mga lugar ng relihiyon at tumangging tanggapin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw ay nahulog sa kadiliman at pagkawasak, naiwawala ang kaligtasan ng Diyos ng mga huling araw. Ito ang dahilan kung bakit labis na nawasak ngayon ang mundo ng relihiyon. Ito ay gaya ng mga huling yugto ng Kapanahunan ng Kautusan na nakatala sa Lumang Testamento ng Biblia—ang templo na noon ay puno ng kaluwalhatian ng Diyos ay nawasak, naging lugar ng komersiyo. Naging kuta iyon ng mga magnanakaw. Dahil iyon sa dalawang dahilan. Una ay ang mga pinuno ng relihiyon na nagsilbi sa Diyos sa loob ng templo ay tinalikuran ang mga utos ng Diyos at nilabag ang Kanyang mga kautusan. Pinagtibay nila ang kanilang mga relihiyosong mana ngunit hindi sinunod ang mga salita ng Diyos. Ni katiting ay wala silang puso ng paggalang sa Diyos at lumayo mula sa landas ng Diyos, kaya naman nagdusa sa Kanyang mga sumpa at parusa. Ang isa pang dahilan ay ginagawa ng Panginoong Jesus ang yugto ng panibagong gawain sa labas ng templo. Pumasok siya sa Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan; nagpalit na ang Banal na Espiritu sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Kaya naman ang mga tumanggap ng gawain ng Panginoong Jesus noon ay naaayon na nagkaroon ng gawain ng Banal na Espiritu, habang ang mga nanatili sa loob ng templo at lumaban at humatol sa gawain ng Panginoong Jesus ay natural na isinantabi at tinanggal mula sa gawain ng Banal na Espiritu.

Matapos makinig sa pagbabahagi ni Kapatid na Li, sinabi ni Amy: “Naging lugar na para sa negosyo ang iglesia at wala na ang paggawa ng Banal na Espiritu. Katulad iyon ng sitwasyon sa templo sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan! Ngayon ay naiintindihan ko na na dahil iyon sa ginawa ng mga pari ang mga iglesia na lugar para sa mga relihiyosong seremonya. Hindi nila pinamumunuan ang mga tao upang sundin ang mga salita ng Diyos, ngunit sa halip ay pinamumunuan nila ang kanilang mga parokyano patungo sa kanilang mga sarili. Naging dahilan iyon upang masuklam ang Diyos, at dahil din sa gumawa na ng bagong gawain ang Diyos ngayon, hindi na tayo nakasunod sa Kanyang mga yapak.”

Tumango si Kapatid na Li at sinabi: “Pinapaliwanag ito ng malinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Basahin natin kung anong sinasabi Niya!” Pagkatapos ay binuksan niya ang kanyang computer at binasa ang ilang mga sipi mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Tutuparin ng Diyos itong katunayan: Palalapitin Niya ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob sa Kanyang harapan, at sasambahin ang Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawain sa ibang mga lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumukod sa Kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga bagay na makakain. Upang maiwasan ang taggutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay dumaranas ng matinding taggutom, at tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buháy na tubig, na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya” (“Nakarating na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang lahat ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. Nailalaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at isinakripisyo ang lahat para sa inyo; Kanyang nababawi at naibibigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, naililipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling bayan, sa inyo, nang sa gayon ay lubusang maipamalas ang layunin ng Kanyang plano sa pamamagitan ninyong kalipunan ng mga tao. Samakatwid, kayo yaong mga tatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos” (“Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad ng Inaakala ng Tao?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mga Katolikong Paniniwala: Sinalubong Ko ang Pagbabalik ng Panginoon

Nagpatuloy si Kapatid na Li sa kanyang pagbabahagi: “Naintindihan ko mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na binawi ng Diyos ang lahat ng mga gawain ng Banal na Espiritu sa buong sanlibutan at ngayon ay gumagawa sa mga tumanggap ng gawain ng Diyos ng mga huling araw, sa mga naunang pinili ng Diyos, na tunay na hinahanap ang totoong daan. Ito ang dahilan kung bakit nawala sa mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu at nawasak. Bakit hinayaan ng Diyos na mangyari iyon? Makikita nating lahat na matapos maganap ang pagkawasak na ito, kakaunti sa mga relihiyoso, tunay na mananampalataya ang nag-umpisang libutin ang iba’t ibang iglesia, naghahanap kung saan gumagawa ang Banal na Espiritu, hinahanap ang mga senyales ng mga hakbang ng Diyos. Sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu, ilan sa kanila ang nakarinig ng balita na nagbalik na ang Diyos at nag-umpisang gawin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Narinig nila ang tinig ng Diyos at itinaaas sa harap ng Kanyang trono, at dumalo sa piging ng Kordero. Gaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: ‘Mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas.’ ‘Ang lahat ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. … Samakatwid, kayo yaong mga tatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos.’ Ipinapakita nito na ang matinding pagkasira na ito sa mundo ng relihiyon ay nagtataglay ng mabuting mga intensiyon ng Diyos sa loob nito. Sa pamamagitan nito, pinupuwersa ng Diyos ang mga may tunay na pananampalataya, na nagmamahal sa katotohanan at nananabik sa pagbabalik ng Diyos, na iwan agad ang nasirang mundo ng relihiyon, hanapin ang kalooban ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Kordero, at bumalik upang tumayo sa harap ng trono ng Diyos. Nasa loob nito ang pag-ibig at kaligtasan ng Diyos para sa atin. Napakabuti ng puso ng Diyos! Kung nais nating matamo ang gawain ng Banal na Espiritu at maranasan ang tubig ng buhay, dapat nating pakawalan ang ating mga sarili mula sa panlilinlang at pagpipigil ng mga pinuno ng relihiyon, at hanapin at siyasatin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw. Tanging sa pananatili sa kasalukuang gawain ng Diyos lamang mareresolba ang madilim na estado ng ating mga espiritu. Kung matigas ang ulo nating mangunyapit sa mga relihiyosong iglesia ay palagi tayong mananatili sa kadiliman at maaalis sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu!”

Matapos marinig iyon lamang naintindihan ni Amy na ang kalooban ng Diyos ang nasa likod ng pagkawasak sa mundo ng relihiyon, at na ang Panginoon ay ginagamit iyon upang mas lalo nating bilisan ang paghahanap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu at sumunod sa yapak ng Panginoong Jesus! Labis siyang nabagbag nang mga sandaling iyon, napagtanto na kailanman ay hindi tayo isinantabi ng Diyos, ngunit gumagamit ng iba’t-ibang paraan upang iligtas tayo upang makabalik tayo sa pagtayo sa harap ng Kanyang trono. Naramdaman ni Amy ang pagmamalasakit at pag-aalaga sa’tin ng Panginoon, gayundin ang Kanyang tunay na responsibilidad at pagmamahal para sa atin. Hindi niya mapigilan ang pagbukal ng luha, pinapalabo ang kanyang paningin.

Naramdaman ni Amy na kahit na hindi talaga niya maintindihan nang husto ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, nararapat lamang iyong siyasatin.

Sa sumunod na panahon, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa pagbabahagi ni Kapatid na Li, nagawa ni Amy na maintindihan ang mga katotohanan tulad ng kuwento sa loob ng Biblia, at mga misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang plano ng pamamahala ng Diyos ng Kanyang tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan, ang kahalagahan ng pagpapalit ng Diyos ng Kanyang pangalan sa bawa’t bagong yugto ng gawain, paano nakalilinis, nakapagpapabago at ginagawang perpekto ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw ang mga tao, gayundin ang kahahantungan at patutunguhan ng sangkatauhan sa hinaharap. Naintindihan niya ang maraming katotohanan na hindi pa niya naintindihan noon at nakaramdam ng matinding kasiyahan sa loob ng kanyang espiritu, pinapatunayan sa sarili niyang puso na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan, at na ang mga iyon ang tinig ng Diyos at ang mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Nasiguro niya na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus at ang pagpapakita ng Kristo ng mga huling araw!

Paggambala ni Satanas, Paglubog sa mga Pagdududa
Hindi nagtagal, nang dinala ni Amy ang kanyang anak sa bahay ng kapatid niya upang maglaro, tinanong niya ang kanyang kapatid kung alam nito ang tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Sensitibong tumitig sa kanya ang kapatid niya at sinabi: “Sinasabi ko sa’yo, huwag kang maniwala sa Kidlat ng Silanganan.” Pagkatapos ay sinabi nito kay Amy ang iba’t-ibang uri ng sabi-sabi na pineke ng gobyerno ng Komunistang Partido ng Tsina tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos marinig iyon, napaka-seryosong sinabi niya: “Kahit tungkol saan pa iyon, hindi ka dapat magsalita tungkol sa hindi mo naiintindihan. Huwag mong basta ulitin ang sinasabi ng iba. Tama bang bulag na maghusga at hatulan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang hindi man lamang iyon iniintindi? Bilang mga Kristiyano ay dapat na mayroon tayong pusong gumagalang para sa Diyos at magawang pigilang magsalita ang ating mga sarili.” Hindi masaya ang kapatid niya na marinig ito at galit na sinabi: “Binabalaan lang kita. Ikaw mismo ang tumingin online.” Nakikita ang seryosong mukha nito, hindi mapigilang isipin ni Amy: “Totoo nga ba ang sinabi ng kapatid ko? Kailangan kong mag-online para makita.” Nang mag-online siya ay nakita niya ang maraming usap-usapan na hindi niya inaasahan, kasama na ang kaso ng pagpatay sa Mcdonald sa siyudad ng Zhaoyuan noong Mayo 28. Natakot siya, iniisip: “Talaga nga bang nangyari ang kaso sa Zhaoyuan gaya ng sinasabi ng CCP na nangyari? Talaga nga bang magagawa ng mga mananampalataya ng Kidlat ng Silanganan iyon? Talaga nga bang ang pananampalataya ko ang tamang daan? Paano kung mali ang aking pananampalataya?” Bahagyang naguluhan si Amy, ngunit naisip niya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos na siya mismo ang nakabasa na hindi mga salita na maaaring gawin na lamang ng kung sino. Iyon talaga ang katotohanan at ang tinig ng Diyos; nanggaling ang mga iyon sa Diyos. Pagkatapos ay naisip niya ang maraming bagay mula sa panahon nang pakikisalamuha niya sa mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakita niyang relihiyoso ang lahat, na simple sila at tapat. Kung sino man ang naghantad ng kasamaan o gumawa ng mali ay sasabihin iyon sa isang pagtitipon at hihimayin iyon ayon sa mga salita ng Diyos upang makilala ang kanilang mga sarili, tinatanggap ang hatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, gayundin ang pagpupungos at pagharap sa kanilang mga kapatid. May puso sila na gumagalang sa Diyos. Paano magagawa ng mga ganoong klaseng tao ang pumatay? Nahaharap si Amy noon sa seryosong laban sa loob ng kanyang puso—natatakot siya na maling landas ang pinili niya ngunit natatakot din na mawala ang kanyang pagkakataon na mailigtas sa pamamagitan ng pagbabalik ng Panginoon. Tinawagan noon ni Amy si Susan at sinabi dito na nais niyang makausap ang mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang malaman ang katotohanan tungkol sa kaso ng Mayo 28 Zhaoyuan McDonald.

Nakikita ang Panlilinlang at Pinag-iibayo ang Kanyang Paninindigan
Sa isang pagpupulong, nagpalabas ang mga kapatid ng dalawang bidyo para kay Amy: “Nag-utos si Jia Chunwang ng Paglusob sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang Proyektong 807 ang Dahilan ng Sinasabing Pagpatay sa McDonalds?” ni Mingjing Huopai, gayundin ang “Ang Naihantad na Katotohanan sa Likod ng Kaso ng May0 28 Zhaoyuan” na inilabas ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos mapanood ang dalawang bidyo na ito, nagawang makilala ni Amy ang mga usap-usapan na ipinakalat ng CCP. Nakita niya na ang kaso ng Zhaoyuan ay walang iba kundi huwad na kasong ginawa ng CCP upang burahin ang mga iglesia at Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na siguradong hindi iyon gawa ng Iglesia, at na ang CCP ay ginagawa iyon para lamang i-frame sila. Sinabi ni Kapatid na Li sa pagbabahagi: “Alam nating lahat na ang Tsina ay diktadura, na nasa ilalim iyon ng pamumuno ng isang partido. Ang malalaking media outlets sa Tsina ay mga tagapagsalita lamang para sa CCP at partikular na ang kanilang mga huwes ay kailangang harapin ang mga kaso ayon sa mga kagustuhan ng gobyerno ng CCP. Walang pagsasarili. Sa tingin mo ba talaga na ang kaso na ginaganap sa korte ng CCP ay haharapin nang walang kinikilingan? Maraming taon na tayong namuhay sa bansang ito. Sa tingin ko ay alam nating lahat kung gaano karaming kawalan ng hustiya ang kagagawan ng CCP. Nang dinggin sa korte ang kaso ng Shandong Zhaoyuan, malinaw na isinaad ng mga pinaghihinalaang kriminal: ‘Ang ginagawan ng masama ng estado ay ang Makapangyarihang Diyos ng Zhao Weishan, hindi ang “Makapangyarihang Diyos” natin.’ ‘Hindi ako kailanman naging sangkot o naugnay sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.’ Sila mismo ang nagsabi na hindi sila kasapi sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na wala silang koneksiyon sa Iglesia. Gayunman, isinantabi pa rin ng huwes ng CCP ang kanilang testimonya at kinontra ang mga katotohanan, nakakasiguro na ang mga pinaghihinalaan ay may ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang kahit anong ebidensiya. Determinado sila na ilagay ang lahat ng sisi sa Iglesia. Hindi ba’t sinasadya ng CCP na baguhin ang mga katotohanan, nagsasabwatan at dinudungisan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?”

Naririnig ang kinailangang sabihin ng kapatid na ito, biglang naisip ni Amy ang kaso ng Zhaoyuan at tumatangong kinilala iyon. Sinabi niya: “Tama iyan! Sinumang nakakaintindi nang bahagya sa batas ay alam na ang huwes ay dapat kumilos nang naaayon sa katotohanan kapag nagdedesisyon sa isang kaso, ngunit maliwanag na basta na lamang kinontra ng huwes ng CCP ng mga katotohanan. Totoo ngang kahina-hinala ito. Hindi nakapagtataka na nang maipamalita ang paglilitis sa Zhaoyuan ay napakaraming netizens ang nagpost na itinuturo ang mga punto ng pinaghihinalaan sa kaso. Ang kaso pala ng Zhaoyuan ay pinagplanuhan ng gobyerno ng CCP upang siilin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

Ibinahagi ni Kapatid na Zhao: “Sinuman ang nakakaintindi sa nakaraan ng CCP ay alam na sa tuwing marahas nilang sinisiil ang isang paniniwala sa relihiyon, isang grupo para sa demokrasya o upang ipagtanggol ang karapatang pantao, o isang maliit na protesta ng etniko, ang unang gagawin nila ay gumawa ng pekeng kaso, pagkatapos ay gagawa sila ng pampublikong komentaryo at gagalitin ang mga tao, at pagkatapos niyon ay gagawa sila ng madugong mga paraan ng paniniil. Iyon ang karaniwan nilang mga panlilinlang. Gaya ng samahan ng Tiananmen kung saan pamilyar ang lahat—nag-umpisa iyon bilang kontra-korapsiyon, demokratikong samahan ng mga estudyante, ngunit nagpadala ng ang CCP ng mga hindi kilalang tao upang magpanggap na mga estudyante, upang pasukin ang kanilang mga ranggo. Nambugbog sila ng mga tao, winasak ang mga bagay, nagnakaw sa mga tindahan, nag-umpisa ng mga sunog, at itinulak ang mga sasakyan ng militar para lamang gumawa ng kaguluhan. Pagkatapos ay itinuro nila ang mga estudyante bilang responsable sa mga krimeng iyon at sinabing ang kanilang samahan ay kontra-rebolusyunaryong kaguluhan, upang humanap ng basehan sa opinyon ng mga publiko para sa paniniil sa mga estudyanteng iyon. Matapos iyon, ginawa ng CCP ang madugong pamamaraan ng paniniil laban sa kanila, humantong sa ilang libong mga estudyante na namatay sa pamamaril at dinurog ng mga tangke, ang ilan. Sa ganoong paraan ginawa ang insidente sa Tinanmen Square, ginigimbal sa Tsina at sa buong mundo. Iyon din ang nangyari sa paniniil ng CCP sa mga protesta at pagmartsa ng mga tao sa Tibet at Xinjiang. Una ay inuudyukan nila ang ilang mga tao upang gumawa ng pekeng kaso, at pagkatapos ay gagamitin iyon upang siraan at mantsahan ang isang grupo. Sa huli ay sisiilin nila ang mga ito sa pamamagitan ng karahasan. Ang mga kasuklam-suklam na taktikang ito ay palaging ginagamit ng CCP upang alisin ang mga nanlalaban. Malinaw mula rito na ang kaso ng Shandong Zhaoyuan ay ang CCP na gumagawa ng basehan para magreklamo ang publiko para brutal na siilin at usigin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at isa lamang iyon sa malalaking kasalanan nito ng pag-uusig sa mga relihiyosong paniniwala.”

Nagpatuloy si Kapatid na Li, sinasabing: “Kung gayon ay bakit inuusig at inaapi ng CCP ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa ganitong paraan? Iyon ay dahil nagpakita na ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos at gumawa at nagsambit na ng ilang milyong mga salita—Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Iyong mula sa lahat ng sekta na nagmamahal sa katotohanan at naghahangad ng liwanag, matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakasisiguro na ang lahat ng iyon ay ang katotohanan, na mayroon silang kapangyarihan at awtoridad, at na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita ni Kristo ng mga huling araw at ang nagbalik na Panginoong Jesus. Tinanggap nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw nang tuluy-tuloy. Partikular na sa mga nakalipas na taon, kumalat na ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa iba pang mga bansa at rehiyon, sunud-sunod, nagtatayo ng mga bagong sangay ng Iglesia. Dumarami na ang mga taong nagpapakalat at nagpapatotoo sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang mabilis na pag-unlas ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay naging dahilan upang masindak ang CCP—ang pinaka-kinatatakutan nila ay ang patotoo ng mga Kristiyano sa pagpapakita ng Diyos at gawain. Natatakot sila na maikakalat ang katotohanan. Pinaka-natatakot sila na tatanggapin ng mga Tsino ang Diyos at matapos maintindihan ang katotohanan sa pamamagitan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ay makikita ang mala-demonyong kakanyahan ng CCP at tuluyan iyong tatanggihan, magiging dahilan ng pagkawasak at pagkamatay nito. Ito ang dahilan kung bakit hibang na sinisiil at inuusig ng gobyerno ng CCP ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi lamang sila basta gumawa ng iba’t-ibang sabi-sabi upang i-frame at siraan ang Iglesia, ngunit maraming beses na nagbigay ng mga kumpidensiyal na mga dokumento upang pakilusin ang malaking bilang ng mga armadong pulis at sundalo, hibang na naniniil, uma-aresto, at inuusig ang mga Kristiyanong kasama ng Iglesia sa buong bansa. Ang kaso ng Shandong Zhaoyuan ay isa lamang klasikong halimbawa ng mga huwad na paratang ng CCP. Metikulosong itinanim nila ang kaso ng Zhaoyuan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang may layuning gumawa ng basehan para sa reklamo ng publiko laban sa Iglesia upang ‘makatwirang’ siilin at wasakin iyon. Iyon din ay para malinlang ang mga tao at udyukan ang kanilang pagkamuhi upang itakwil ang Makapangyarihang Diyos at tumangging tanggapin ang Kanyang pagliligtas, palaging mananatili sa ilalim ng pamumuno ng CCP upang maitatag ang lugar ng hindi paniniwala sa Diyos sa Tsina kung saan maaari nilang mapanatili ang kanilang kapangyarihan at kontrol sa mga tao habambuhay, o kahit pa gawin ang kanilang marahas na ambisyon na sakupin ang buong mundo. Nilalabanan ng CCP ang kalangitan, gumagawa ng pangontra sa mga tamang prinsipyo, at kaaway ng Diyos gayundin ang pagiging galit sa katotohanan at sa hustisya. Gayunman, natupad ang karunungan ng Diyos sa panlilinlang ni Satanas, at sa pamamagitan ng matinding paglaban ng CCP, naihantad ang pangit niyong anyo upang malaman nating ang masama at lumalaban niyong diwa, malinaw na nakikita na ang CCP ay isang demonyo ni Satanas na lumalaban sa Diyos at galit sa katotohanan!”

Sinabi ni Susan: “Totoo iyan. Ang kanilang pagtatakip at panloloko ay hindi maaaring magtagal. Hindi maaaring itago ng maiitim na ulap ang araw! Ang mga kasinungalingan ay mananatiling kasinungalingan at hindi sila maaaring maging katotohanan. Gumagawa ng mga kasinungalingan sa mga nakalipas na taon ang CCP at lalo pa iyong nakikilala sa maraming lugar. Ang mga kasong ginanap sa mga korte ng CCP ay ni hindi kapani-paniwala. Kahit sinong may utak ay makikita ang katotohanan sa kanilang mga intriga.”

Matapos makita nang malinaw ang masamang mga motibo ng CCP, galit na sinabi ni Amy: “Tunay ngang napakasama ng gobyerno ng CCP, napaka-kasuklam-suklam. Walang kasuklam-suklam na kilos ang nasa ibaba nila. Siguradong magdurusa sila sa makatuwirang parusa ng Diyos sa matinding paglaban sa Kanya! Ugh, ngayong iniisip ko, naging napaka-tanga at ignorante ko. Hindi marunong kumilala, muntik na akong mahulog sa mga panlilinlang ni Satanas!”

Nagpatuloy sa pagsasalita si Kapatid na Zhao: “Ang totoo, bumabalik sa orihinal na punto, kahit na ang ibang mga indibidwal sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nilalabag ang batas, anong kinalaman niyon sa pagpapakita at plano ng Makapangyarihang Diyos? May kinalaman ba iyon sa Iglesia? Kahit na gumawa ng krimen ang isang Katoliko, may kinalaman ba iyon sa Katolisismo? Maaari ba nating itanggi na ang Katolikong Diyos ang totoong Diyos dahil lang doon? Gaya noong ang isa sa mga disipulo ng Panginoong Jesus, si Judas, ay ibinenta Siya, maaari ba nating pagdudahan na ang Panginoong Jesus ay hindi ang totoong Diyos? Kahit ano pang krimen ang ginawa ng mananapalataya ng isang relihiyon o kahit ano pang legal na kaparusahan ang natanggap nila, wala iyong kinalaman sa kanila iglesia. Ito ay isang katotohanan na tanggap ng karamihan. Pero kung nais nating siyasatin kung ang gawain ba ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan at kung Siya ba ang nagkatawang-taong Diyos, ang pinakabuod ay nasa pagkakaroon ng kakayahan na makita kung ang inihahayag ba Niya ay ang katotohanan, kung iyon ba ang tinig ng Diyos, kung ang ginagawa ba Niya ay ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan sa mga huling araw. Ito lamang ang pinaka-importante. Hangga’t nagagawa nating malaman na ang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, kahit ano pang uri ng kasinungalingan at paninirang-puri ang gawin ng CCP at ng mga lupon ng relihiyon, ang Makapangyarihang Diyos pa rin ang tunay na Diyos. Walang makakatanggi sa katotohanang ito. Gaya nang magpakita ang Panginoong Jesus at gumawa, ang mga pinuno ng pananampalataya ng mga Hudyo ay gumawa ng maraming kasinungalingan tungkol sa Kanya. Gayunman, nalaman ng Kanyang mga taga-sunod na ang Kanyang mga salita ang katotohanan at nakilala na Siya ang parating na Mesiyas. Hindi sila naapektuhan kahit kaunti ng mga kasinungalin at buo ang loob na sumunod sa Panginoon. Katulad niyon, kung magagawa nating malaman ngayon na ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang lahat ng katotohanan at na ang mga iyon ay tinig ng Diyos, kahit gaano pa karaming kaso ng Mayo 28 Shandong Zhaoyuan ang pekein ng CCP, kahit na may ilang daan o ilang libo pa ang mayroon, hindi niyon mahaharangan ang katotohanan na ang makapangyarihang Diyos ang totoong Diyos. Malinaw dito na sa pagsisiyasat ng tunay na daan ay dapat nating panatilihin ang mga prinsipyo—ang marinig lamang ang tinig ng Diyos, hanapin ang katotohanan, at huwag na huwag makikinig sa mga kasinungalingan at mga bagay na walang kapararakan ni Satanas. Kung hindi, mawawala sa’tin ang pagliligtas ng Diyos!

Matapos marinig ang pagbabahagi ni Kapatid na Zhao ay masayang sinabi ni Amy: “Napakaganda ng pagbabahagi ngayong araw. Tunay na hinawi niyon ang mga ulap at inihantad ang malinaw na langit! Ngayon ay alam ko na kung anong pinaka-susi sa pagsisisyasat sa tunay na daan, iyon ay ang makita kung nagtataglay ba iyon ng katotohanan at kung iyon ay tinig ng Diyos. Ito lamang ang pinaka-mahalaga, at hindi tayo dapat mapailalim sa epekto o panggugulo ng mga bagay na wala namang kinalaman sa gawain ng Diyos at mga katotohanan na ipinapahayag Niya. Partikular na hindi tayo dapat makinig sa mga walang kapararakan ni Satanas.”

Pagpapatunay sa Totoong Diyos at Maramdaman ang Biyaya ng Diyos
Matapos maranasang magambala ng mga kasinungalingang iyon, nagtamo si Amy ng pang-unawa at pagkilala tungkol sa masamang diwa ng CCP ng paglaban sa Diyos at pagkamuhi sa katotohanan. Nalaman niya ang masasamang intensiyon nito sa paggawa ng mga kasinungalingang iyon at hindi na naniniwala doon. Mula noon, sa tuwing may pagkakataon siya, binabasa ni Amy ang mga salita ng Diyos, sumasama sa mga kapatid, at nagkakaroon ng pagbabahagi ng katotohanan. Tiyak niyang nakumpirma na ang Makapangyaihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Kalaunan ay ibinahagi ni Amy ang ebanghelyo ng mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos sa kanyang asawa, at matapos marinig ang mga salita ng Diyos ay kinilala nito iyon bilang tinig ng Diyos. Pumasok din ito sa bahay ng Diyos.

Nakikita ang sarili niyang karanasan sa kanyang computer screen, isang masayang ngiti ang sumilay sa mukha ni Amy, at may idinagdag pa siya: “Ngayon, ako, na isang tupang ligaw, ay sinalubong na sa wakas ang Panginoon at bumalik sa bahay ng Diyos. Madalas akong sumama sa mga pagtitipon ng mga kapatid ko, nagbabahagi ng mga salita ng Diyos, ipinapakalat ang ebanghelo at ginagawa ang aking tungkulin. Tinamasa ko ang pagka-matatag, katahimikan ng isip, at kaligayahan sa puso ko na hindi ko pa naranasan noon. Papuri sa Diyos!”

Tala ng Editor: Ang makasama ang Panginoong ang pinaka-inaasam ng lahat ng mananampalataya. Matapos masayang salubungin ng bidang si Amy ang pagbabalik ng Diyos ay naharap siya sa kalituhan ng kaso ng pagpatay ng Mayo 28 Zhaoyuan City McDonalds na ginawa ng CCP. Mabuti na lamang, sa paghahanap ng katotohanan ay nagawa niyang makita ang mga kasinungalingan ng CCP. Sa ating daan ng pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon na puno ng kasinungalingan at panlilinlang, hangga’t nalalaman natin na si Kristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, magagawa nating malampasan ang mga panlilinlang ng mga kasinungalingan ito at masusundan ang mga yapak ng Panginoon. Nais kong i-rekomenda sa inyo ang sumusunod na pelikulang ebanghelyo, “Nakamamatay na Kamangmangan.”

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento