Kidlat ng Silanganan - Tungkol sa Biblia (4)
Maraming tao ang naniniwala na ang pag-unawa at kakayahang magpakahulugan sa Biblia ay tulad ng pagkasumpong sa totoong landas—ngunit sa katunayan, ganoon ba talaga kasimple ang mga bagay-bagay?
Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Biblia: na ito’y walang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa sinundang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Biblia na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo; hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito? Ang pagbanggit ngayon sa mga bagay na nakalipas ay gumagawa sa mga ito na kasaysayan, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi magpapatungkol sa kasalukuyan. Sapagkat ang Diyos ay hindi lumilingon sa kasaysayan! At kaya, kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang naiintindihan sa gawain na nilalayong gawin ngayon ng Diyos, at kung naniniwala ka sa Diyos nguni’t hindi hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ay hindi mo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng hanapin ang Diyos. Kung binabasa mo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng kalangitan at kalupaan, kung gayon ay hindi ka naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala ka sa Diyos, at hinahabol ang buhay, dahil hinahabol mo ang pagkakilala sa Diyos, at hindi hinahabol ang mga walang-buhay na titik at doktrina, o ang pagkaunawa ng kasaysayan, dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang arkeologo maaari mong mabasa ang Biblia—ngunit ikaw ay hindi, ikaw ang isa sa mga yaon na naniniwala sa Diyos, at pinakamainam na hanapin mo ang kalooban ng Diyos sa ngayon. Sa pagbabasa ng Biblia, ang pinakamauunawaan mo ay kaunti ng kasaysayan ng Israel, matututuhan mo ang tungkol sa mga buhay nina Abraham, David, at Moises, iyong malalaman kung paano nila iginalang si Jehova, kung paano sinunog ni Jehova yaong mga kumalaban sa Kanya, at kung paano Siya nangusap sa mga tao ng kapanahunang iyon. Malalaman mo lamang ang tungkol sa gawain ng Diyos sa nakaraan. Ang mga talaan ng Biblia ay may kaugnayan sa kung paano ang unang mga tao ng Israel ay gumalang sa Diyos at nabuhay sa ilalim ng gabay ni Jehova. Dahil ang mga Israelita ay ang hinirang na mga tao ng Diyos, sa Lumang Tipan makikita mo ang katapatan ng lahat ng tao ng Israel kay Jehova, kung paanong ang lahat niyaong sumunod kay Jehova ay inalagaan at pinagpala Niya, matututuhan mo na noong gumawa ang Diyos sa Israel Siya ay puno ng awa at pagmamahal, gayundin ay nagtataglay ng tumutupok na ningas, at na ang lahat ng Israelita, mula sa aba hanggang sa makapangyarihan, ay gumalang kay Jehova, at sa gayon ang buong bansa ay pinagpala ng Diyos. Ganoon ang kasaysayan ng Israel na naitala sa Lumang Tipan.
Ang Biblia ay isang tala ng kasaysayan ng gawain ng Diyos sa Israel, at nakasulat dito ang marami sa mga panghuhula ng mga sinaunang propeta gayundin ang ilan sa mga pagbigkas ni Jehova sa Kanyang gawain sa panahong iyon. Kaya, tinitingnan ng lahat ng tao ang librong ito na banal (sapagkat ang Diyos ay banal at dakila). Sabihin pa, ang lahat ng ito ay resulta ng kanilang paggalang kay Jehova at ng kanilang pagsamba sa Diyos. Ang mga tao ay sumasangguni sa aklat na ito sa ganitong paraan dahil lamang sa ang mga nilalang ng Diyos ay lubhang sumasamba sa kanilang Lumikha, at mayroon pa nga yaong mga tumatawag sa aklat na ito na isang makalangit na aklat. Sa katunayan, ito ay isa lamang tala ng tao. Ito ay hindi personal na pinangalanan ni Jehova, ni hindi rin personal na ginabayan ni Jehova ang paglikha nito. Sa ibang salita, ang may-akda ng aklat na ito ay hindi ang Diyos, kundi mga tao. Ang Banal na Biblia ay ang kagalang-galang na pamagat lamang na ibinigay dito ng tao. Ang pamagat na ito ay hindi pinagpasiyahan ni Jehova at ni Jesus matapos Silang magtalakayan; ito ay isa lamang ideya ng tao. Sapagkat ang aklat na ito ay hindi sinulat ni Jehova, lalong hindi ni Jesus. Sa halip, ito ay ang mga salaysay ng maraming sinaunang propeta, mga apostol, at mga nakakakita ng pangitain, na tinipon ng mga sumunod na henerasyon bilang isang libro ng sinaunang mga kasulatan na, para sa mga tao, ay tila lubhang banal, isang libro na sa tingin nila ay naglalaman ng maraming hindi-maarok at malalalim na misteryo na naghihintay matuklasan ng susunod na mga henerasyon. Dahil dito, ang mga tao ay naging mas lalong nakaayong maniwala na ang aklat na ito ay isang makalangit na aklat. Dahil sa karagdagan ng Apat na Ebanghelyo at ng Aklat ng Pahayag, ang saloobin ng mga tao hinggil dito ay partikular na naiiba mula sa anumang iba pang libro, at kaya walang sinumang naglalakas-loob na himay-himayin itong “makalangit na aklat”—dahil ito ay masyadong “sagrado.”
Bakit, sa sandaling nababasa nila ang Biblia, kayang makasumpong ng mga tao ng isang tamang landas ng pagsasagawa rito? Bakit kaya nilang matamo nang masagana yaong hindi nila naiintindihan? Ngayon, hinihimay-himay Ko ang Biblia sa ganitong paraan at hindi ito nangangahulugan na kinasusuklaman Ko ito, o itinatanggi ang halaga nito bilang sanggunian. Ipinaliliwanag Ko at nililinaw ang likas na halaga at mga pinagmulan ng Biblia sa iyo upang pigilan ka sa pananatiling walang alam. Dahil ang mga tao ay napakaraming pananaw tungkol sa Biblia, at karamihan sa mga iyon ay mali; ang pagbabasa ng Biblia sa paraang ito ay hindi lamang humahadlang sa kanila mula sa pagkakaroon ng kung ano ang nararapat, ngunit, mas mahalaga, pinipigilan nito ang gawain na Aking nilalayong gawin. Ito ay isang napakalaking abala para sa gawain ng hinaharap, at nagbibigay lamang ng mga balakid, hindi kapakinabangan. Kaya, ang itinuturo Ko lamang sa iyo ay ang substansya at ang kuwentong napapaloob sa Biblia. Hindi Ko sinasabi na huwag mong basahin ang Biblia, o ipangalandakan mo na ito ay lubusang walang halaga, kundi magkaroon ka ng wastong kaalaman at pananaw sa Biblia. Huwag maging masyadong nakatuon sa isang panig lamang! Kahit na ang Biblia ay isang aklat ng kasaysayan na isinulat ng mga tao, itinatala rin nito ang karamihan ng mga prinsipyo ng sinaunang mga banal at propeta sa paglilingkod sa Diyos, gayundin ang mga kamakailang karanasan ng mga apostol sa paglilingkod sa Diyos—lahat ng ito ay talagang nakita at nalaman ng mga taong ito, at maaaring magsilbi bilang sanggunian para sa mga tao ng kapanahunang ito sa paghahabol sa totoong landas. Kaya, sa pagbabasa ng Biblia ang mga tao ay makakatamo rin ng maraming paraan ng pamumuhay na hindi natatagpuan sa iba pang mga libro. Ang mga paraang ito ang mga daan ng buhay ng gawain ng Banal na Espiritu na naranasan ng mga propeta at apostol sa mga nagdaang kapanahunan, at karamihan sa mga salita ay mahalaga, at nakakapagbigay ng mga pangangailangan ng mga tao. Kaya, ibig ng lahat ng tao na magbasa ng Biblia. Dahil sa napakarami ang nakatago sa Biblia, ang mga pananaw ng tao hinggil dito ay hindi tulad sa mga kasulatan ng dakilang espirituwal na mga tao. Ang Biblia ay isang talaan at tinipong mga karanasan at kaalaman ng mga taong naglingkod kina Jehova at Jesus sa luma at bagong kapanahunan, at sa gayon nakakayanang magtamo ng mga sumunod na henerasyon ng maraming kaliwanagan, pagpapalinaw, at mga landas ng pagsasagawa mula rito. Ang dahilan kung bakit ang Biblia ay mas mataas kaysa sa mga kasulatan ng sinumang dakilang espirituwal na tao ay sapagkat ang lahat ng kanilang mga kasulatan ay hinango mula sa Biblia, ang kanilang mga karanasan ay nagmula lahat sa Biblia, at lahat sila ay nagpapaliwanag ng Biblia. At sa gayon, bagaman ang mga tao ay makakakuha ng panustos mula sa mga libro ng sinumang dakilang espirituwal na tao, sinasamba pa rin nila ang Biblia, dahil ito ay tila napakataas at napakalalim para sa kanila! Kahit na pinagsasama-sama ng Biblia ang ilang aklat ng mga salita ng buhay, tulad ng mga liham ni Pablo at mga liham ni Pedro, at bagaman ang mga tao ay matutustusan at matutulungan ng mga librong ito, hindi na rin napapanahon ang mga librong ito, ang mga ito ay nabibilang pa rin sa lumang kapanahunan, at kahit na gaano kainam ang mga ito, ang mga ito ay angkop lamang para sa isang panahon, at hindi panghabang-panahon. Sapagkat ang gawain ng Diyos ay palaging umuunlad, at ito ay hindi maaaring basta na lamang tumitigil sa panahon nina Pablo at Pedro, o palagiang mananatili sa Kapanahunan ng Biyaya kung saan si Jesus ay ipinako sa krus. At kaya, ang mga librong ito ay angkop lamang para sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi para sa Kapanahunan ng Kaharian ng mga huling araw. Ang mga ito ay magkakaloob lamang para sa mga mananampalataya ng Kapanahunan ng Biyaya, hindi para sa mga banal ng Kapanahunan ng Kaharian, at hindi mahalaga kung gaano kainam ang mga ito, ang mga ito ay lipas pa rin. Ito ay kapareho ng gawain ni Jehova ng paglikha o ng Kanyang gawain sa Israel: Hindi mahalaga kung gaano kadakila ang gawaing ito, ito pa rin ay wala na sa panahon, at ang oras ay darating pa rin kung kailan ito ay tapos na. Ang gawain ng Diyos ay kapareho rin: Ito ay dakila, ngunit darating ang panahon kung kailan natatapos ito; hindi ito palagiang mananatili sa gitna ng gawain ng paglikha, ni sa gitna ng pagpapako sa krus. Kung gaano man kapani-paniwala ang gawain ng pagpapako sa krus, kung gaano man kabisa ito sa pagdaig kay Satanas, ang gawain ay, kung tutuusin, gawain pa rin, at ang mga kapanahunan, kung tutuusin, ay mga kapanahunan pa rin; ang gawain ay hindi palaging mananatili sa parehong pundasyon, ni ang mga panahon ay hindi nagbabago kailanman, dahil mayroong paglikha at dapat mayroong mga huling araw. Ito ay hindi maiiwasan! Kaya, ngayon ang mga salita ng buhay sa Bagong Tipan—ang mga liham ng mga apostol, at ang Apat na Ebanghelyo—ay naging mga libro ng kasaysayan, ang mga ito ay naging lumang mga almanak, at paanong madadala ng lumang mga almanak ang mga tao sa bagong kapanahunan? Kung gaano man ang kakayahan ng mga almanak na ito sa pagbibigay ng buhay sa mga tao, kung gaano man ang kakayahan ng mga ito na akayin ang mga tao sa krus, hindi ba ang mga ito ay lipas na? Hindi ba nawalan na ang mga ito ng halaga? Kaya, sinasabi Ko na hindi ka dapat pikit-matang naniniwala sa mga almanak na ito. Ang mga ito ay napakaluma, hindi ka nito madadala tungo sa bagong gawain, at maaaring pabigat lamang ang mga ito sa iyo. Hindi lamang sa hindi ka nito madadala tungo sa bagong gawain, at tungo sa bagong pagpasok, kundi dinadala ka ng mga ito tungo sa lumang mga relihiyosong simbahan—at kung gayon, hindi ka ba paurong sa paniniwala mo sa Diyos?
Ang nakasulat sa Biblia ay ang gawain ng Diyos sa Israel kasama ang ilan sa mga nagawa ng hinirang na mga tao ng Israel. Kahit na nagkaroon ng pagpili ng mga bahagi na isasama o aalisin, kahit na hindi sinasang-ayunan ng Banal na Espiritu, hindi pa rin Siya naninisi. Ang Biblia ay walang iba kundi isang kasaysayan ng Israel at ng gawain ng Diyos. Ang mga tao, mga usapin, at mga bagay na itinatala nito ay tunay lahat, at wala sa mga ito ang nagtataglay ng pansagisag na kahulugan—maliban sa, sabihin pa, mga hula nina Isaias, Daniel, at ibang mga propeta o aklat ng mga pangitain ni Juan. Ang sinaunang mga tao ng Israel ay may kaalaman at may kalinangan, at ang kanilang mga sinaunang kaalaman at kultura ay maituturing na nakasulong, at kaya kung ano ang kanilang isinulat ay mas mataas kaysa sa mga tao sa ngayon. Bunga nito, hindi nakapagtataka na maisusulat nila ang mga librong ito, sapagkat si Jehova ay nakagawa ng napakaraming gawain sa kanila, at napakarami ang nakita nila. Namasdan ni David ang mga gawa ni Jehova ng kanyang sariling mga mata, personal niyang natamasa ang mga ito, at nakita ang maraming tanda at mga kababalaghan, at kaya sinulat niya ang lahat ng salmong iyon bilang papuri sa mga gawa ni Jehova. Na nagawa nilang isulat ang mga aklat na ito ay dahil sa kanilang mga kalagayan, hindi dahil sila ay may pagka-Diyos. Pinuri nila si Jehova dahil Siya ay nakita nila. Kung wala kayong nakikitang anuman kay Jehova, at walang kamalay-malay sa Kanyang pag-iral, paano ninyo Siya mapupuri? Kung hindi pa ninyo namasdan si Jehova, kung gayon ay hindi ninyo malalaman kung paano Siya purihin, ni sambahin Siya, lalong hindi ninyo magagawang sumulat ng mga kanta na nagbibigay-papuri sa Kanya, at kahit na hilingin sa inyo na kumatha ng ilang gawa ni Jehova hindi ninyo makakayang gawin ang gayon. Na, ngayon, mapupuri ninyo ang Diyos at maiibig ang Diyos ay dahil din sa nakikita ninyo Siya, at nakakaranas din ng Kanyang gawain—at kung ang inyong kakayahan ay humuhusay, hindi ba magagawa rin ninyong magsulat ng mga tula bilang papuri sa Diyos gaya ni David?
Ang unawain ang Biblia, ang unawain ang kasaysayan, ngunit hindi unawain kung ano ang ginagawa ng Banal na Espiritu ngayon—iyon ay mali! Nakagawa ka ng napakahusay na pag-aaral ng kasaysayan, nakagawa ka ng isang napakagaling na trabaho, ngunit wala kayong nauunawaan sa gawain na ginagawa ng Banal na Espiritu ngayon. Hindi ba ito ay kahangalan? Ang ibang mga tao ay nagtatanong sa iyo: “Ano ang ginagawa ng Diyos ngayon? Ano ang dapat mong pasukin sa ngayon? Kumusta na ang iyong paghahabol sa buhay? Naiintindihan mo ba ang kalooban ng Diyos?" Wala kang magiging tugon sa kanilang mga katanungan—kaya ano ang alam mo? Sasabihin mo: Batid ko lamang na dapat akong tumalikod sa laman at kilalanin ang aking sarili. At kapag sila ay magtatanong pagkatapos "Ano pa ang iba mong nababatid?" sasabihin mo na alam mo rin kung paano ang pagsunod sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos, at nauunawaan nang kaunti ang kasaysayan ng Biblia, at iyon lamang. Iyon lamang ba ang lahat na iyong nakamit mula sa paniniwala sa Diyos sa buong panahong ito? Kung iyon lamang ang lahat na nauunawaan mo, kung gayon napakalaki ng iyong kakulangan. Kaya, ang inyong tayog ngayon ay pangunahing walang kakayahan sa pagtupad ng Aking mga hinihingi sa inyo, at ang inyong kapangyarihan na makita ang pagkakaiba-iba at ang mga katotohanang inyong nauunawaan ay napakaliit—na ang ibig sabihin, ang inyong paniniwala ay napakababaw! Dapat kayong masangkapan ng higit pang mga katotohanan, kailangan ninyo ng karagdagang kaalaman, dapat kayong makakita ng higit pa, at sa gayon lamang magagawa ninyong mapalaganap ang ebanghelyo, sapagkat ito ang dapat ninyong makamit!

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
0 Mga Komento