Bakit Gustong Iligtas ng Diyos ang Sangkatauhan?
Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:
Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang masama.
Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing abala ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at ililigtas ang sangkatauhan, na naging masama, ang Diyos ay hindi na muling makapapasok sa kapahingahan. Tulad na ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon din ang Diyos. Kapag ang Diyos ay muling pumasok sa kapahingahan, ang tao ay papasok din sa kapahingahan. Ang buhay na nasa kapahingahan ay isa na walang digmaan, walang karumihan, walang namamalagi na di-pagkamatuwid. Ibig sabihin nito ay walang panliligalig ni Satanas (dito ang "Satanas" ay tumutukoy sa kalabang mga puwersa), kasamaan ni Satanas, pati na rin ang pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng sangnilikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matiwasay na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, wala ng di-pagkamatuwid ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at wala ng pagsalakay ng anumang kalabang mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong saklaw; sila ay hindi na magiging isang sangkatauhan na ginawang masama ni Satanas, bagkus ay isang sangkatauhan na nailigtas pagkatapos na magáwáng masama ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Nawala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalang-kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati-rating hindi makapagpahinga.
mula sa "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ito ang mga katotohanan: Nang ang mundo ay hindi pa umiiral, ang arkanghel ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Mayroon itong kapangyarihan na higit sa mga ibang anghel sa langit; ito ang awtoridad na ibinigay sa kanya ng Diyos. Maliban sa Diyos, ito ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Nang nilikha ng Diyos kinalaunan ang sangkatauhan, nagsagawa ng mas malaking kataksilan ang arkanghel sa Diyos sa lupa. Sinasabi Ko na ipinagkanulo nito ang Diyos dahil nais nitong pamahalaan ang sangkatauhan at malampasan ang awtoridad ng Diyos. Ang arkanghel ang nanukso kay Eba tungo sa kasalanan; ginawa ito dahil nais nitong itatag ang kaharian nito sa lupa at tuksuhin ang sangkatauhan na pagtaksilan ang Diyos at sa halip ay sundin ito. Nakita nito na maraming bagay ang sumunod dito; ang mga anghel ay sumunod dito, gayundin ang mga tao sa lupa. Ang mga ibon at hayop, mga puno, mga kagubatan, mga bundok, mga ilog, ang lahat ng mga bagay sa lupa ay nasa pangangalaga ng tao—iyon ay, sina Adan at Eba—habang sina Adan at Eba ay sumusunod dito. Hinangad nga ng arkanghel na malampasan ang awtoridad ng Diyos at pagtaksilan ang Diyos. Kinalaunan ay pinamunuan Niya ang maraming anghel upang ipagkanulo ang Diyos, anupa’t naging iba’t-ibang maruruming espiritu ang mga ito. … Ang sangkatauhan at ang lahat ng mga bagay sa lupa ay nasa ilalim ng sakop ni Satanas at nasa ilalim ng sakop ng masama. Nais ng Diyos na ibunyag ang Kanyang mga pagkilos sa lahat ng mga bagay nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao, at matalo si Satanas at lubos-lubos na lipulin ang Kanyang mga kaaway. Ang kabuuan ng Kanyang gawain ay matutupad sa pamamagitan ng pagbubunyag ng Kanyang mga pagkilos. Ang lahat ng mga nilikha Niya ay nasa ilalim ng sakop ni Satanas, at dahil doon nais Niyang ibunyag ang Kanyang pagka-makapangyarihan sa kanila, at matalo si Satanas. Kung walang Satanas, hindi Niya sana kakailanganing ibunyag ang Kanyang mga pagkilos. Kung hindi dahil sa panliligalig ni Satanas, nilikha Niya sana ang sangkatauhan at pinamunuan sila upang manirahan sa Hardin ng Eden. Bakit hindi Niya ibinunyag ang Kanyang mga pagkilos para sa mga anghel o sa arkanghel bago ang pagtataksil ni Satanas? Kung nakilala lamang Siya ng mga anghel at arkanghel, at sinunod din Siya noong simula, sa gayon hindi Niya sana isinagawa ang mga walang kabuluhang mga pagkilos ng gawain. Dahil sa pag-iral ni Satanas at ng mga demonyo, nilabanan Siya ng mga tao at sila ay napuno ng suwail na disposisyon, dahil doon ninais na ibunyag ng Diyos ang Kanyang mga pagklilos. Dahil nais Niyang makipag-digma kay Satanas, dapat Niyang gamitin ang Kanyang sariling awtoridad upang matalo si Satanas at gamitin ang lahat ng Kanyang mga pagkilos upang talunin si Satanas; sa paraang ito, ang Kanyang gawain ng pagliligtas na ginagawa sa sangkatauhan ay magiging daan upang makita ng mga tao ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan.
mula sa "Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Malaman ang higit pa: Ano ang Ebanghelyo ?
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
0 Mga Komento