Paano Ko Nagawang Makasundo ang Manugang Ko
Liu Jie, Hunan
Magkaibang Pananaw, Palagiang Mga Pagtatalo
Ako ay isang pangkaraniwang maybahay, isang mabuting asawa at mapagmahal na ina, inaalagaan kong mabuti ang aking asawa at mga anak, masipag at mapag-impok ako sa pagpapatakbo ng aking tahanan, at hindi ko kailanman ginastos nang basta-basta ang aking pera.
Ngunit may isang bagay na hindi ko mailarawan ang nangyari sa akin. Ang aking anak ay nag-asawa ng isang pusturiyosong babae na talagang hilig ang magsaya at magbihis nang magara at sumunod sa mga uso sa sanlibutan. Hinahanap niya at binibili anuman ang sikat sa sanlibutan, malalaking halaga ng pera ang itinatapon niya, at kung gaano kalaki ang kinikita niya kada buwan ay ganoon din kalaki ang kaniyang ginagastos. Dahil mayroong malaking pagkakaiba sa aming paraan ng pag-iisip at pamumuhay, lagi kaming magkasalungat ng aking manugang, kami ay humantong sa matinding pagtatalo, at ang aming mga problema ay nagpatuloy at mas lalong tumitindi.
Isang araw ay nakita kong dumating ang aking manugang na may dalang bag, kaya dali-dali akong nagtanong kung ano ang kanyang binili, at kung magkano ang kanyang ginastos. Siya ay nagpuyos at sinabing, "Bumili ako ng damit, hindi ito mahal, mga 400 na yuan lamang." Nang marinig ko ito, talagang nagalit ako ng husto: Paano niya nagagawang maging mahinahon, nagpapanggap siya na parang isang taong may maraming pera. Kapag bumibili ako ng damit, hindi ito umaabot ng 100 yuan, at sinusuot ko ito nang ilang taon. Gayunman, ang mga damit na binili niya ay mahal, at sa oras na mawala na ito sa uso ay hindi na niya isusuot ang mga ito, habang ang kanyang lalagyan ng damit ay sumisikip sa dami ng laman; habang lalo kong iniisip ang tungkol dito ay lalo akong nagagalit, at nagsisimula itong lumabas sa aking mukha. Nang makita ng aking manugang na hindi ako masaya, nawala ang ngiti sa kanyang mukha, tumalikod siya at nagtungo sa kanyang kuwarto, at narinig ko ang pagbagsak ng pinto.
Payong Hindi Pinakinggan, Agwat na Lumuluwang
Kinalaunan, sa tuwing nakikita ko siya mula sa pamimili, pinapagalitan ko siya: "Lili, tingnan mo ang ating pamilya, hindi tayo mayaman, sandali na lamang at magiging malaki na ang iyong anak, at magkakaroon ng maraming mga bagay na kailangan nating pagkagastusan, kaya hindi natin maaaring ipagpatuloy ang paggastos nang basta-basta. Kung mayroon tayong mga damit at sapatos na kasya, sapat na iyon; hindi tayo maaaring magsayang ng pera gaya nito. Kailangan mong isaalang-alang ang iyong kinabukasan." Ngunit sumagot ang aking manugang na sinasabing alam niya at ng aking anak kung paano gugulin ang kanilang buhay at hindi ko kailangang ipag-alala ito nang sobra. Ang makita kong hindi niya nauunawaan ang aking ipinupunto ay lalong nagdulot sa akin ng lubos na sama ng loob sa kanya, at madalas kaming nagtatalo patungkol sa mga ganitong bagay. Kinalaunan, nang siya ay umuwi mula sa isa na namang pamimili, iniwasan niya ako, sinamantala ang hindi ko pagkapansin. Tahimik siyang pumasok sa kanyang kuwarto at hindi lumabas hanggang matapos niyang maitago ang kanyang mga pinamili. Nang matuklasan ko ito ay nagalit ako nang husto, ngunit alam kong walang saysay ang magsalita tungkol dito, ang magagawa ko na lang ay magbulag-bulagan at pagbigyan ito. Ngunit habang lumilipas ang panahon ay hindi ko na ito matiis, at madalas akong dumadaing sa aking anak. Napakahirap para sa aking anak, na nahahati sa pagitan naming dalawa, at isang araw ay bigla niya akong tinanong: "Ma, kapag namimili si Lili ay hindi siya humihingi sa iyo ng pera, kaya bakit masyado kang nag-aalala?" Ang makita kong ang anak ko ay kampi sa kanya ay higit akong nasaktan at nalungkot. Na galit ako nang sobra at hindi ko sila pinansin nang ilang araw. Ngunit pagkatapos nito ay nagpatuloy lang ang aking manugang na parang walang nangyari, kaya lalo akong nagalit.
Sa Pangunguna ng Salita ng Diyos, Natagpuan ko ang Ugat ng Problema
Isang araw, nang sabihin ng aking anak sa aking manugang na sila ay pupunta sa bahay ng katrabaho para kumain, pumunta siya sa kanyang kuwarto para mag-makeup, at lumipas ang isang oras ay hindi pa rin siya bumababa. Ang makita kong ganito siya, umakyat ako at galit ko siyang pinangaralan: "Sa tuwing maglalagay ka ng makeup nang napakatagal, nasasayang lang ang oras! Kahit minsan ay hindi ako nag-makeup sa buong buhay ko, at nakaraos ako, at hindi ako nagmukhang mas pangit kaysa ibang tao, doon lang ako sa natural kong itsura." Nang marinig ito ng aking manugang ay nagsimula niya akong awayin, at nagalit ako nang sobra na gusto ko nang umalis ng bahay sa oras ding iyon at magsarili, malayo sa kanya. Iniisip ko: "Hindi ako kayang saktan ng hindi ko nakikita." Ngunit tinignan ko ang aking anak at apo at alam kong hindi ako maaaring ganito kawalang puso, kaya napilitan akong kalimutan ang planong ito. Ngunit ang sama ng loob na tinago ko sa aking puso para sa aking manugang ay lumalim nang lumalim, at madalas naming pag-aawayan ang mga maliliit na bagay. Hindi kami nangangalaga ng isang mapayapang tahanan.
Ang mabuhay sa ganitong uri ng palaaway na sambahayan ay nagpapadama sa akin ng sobrang kapaguran at kapaitan, kaya naisip ko na bilang isang mananampalataya sa Diyos, ipinapahayag ko ang aking masamang disposisyon sa buong araw na pakikipagtalo sa aking manugang at hindi rin ito sumusunod sa kalooban ng Diyos. Sa aking pagdurusa ang tangi kong magagawa ay ang manalangin sa Diyos: "O Diyos! Alam kong hindi ako dapat makipagtalo sa mga maliliit na bagay sa aking manugang, ngunit hindi ko ito maiwasan. O Diyos! Hinihiling ko sa Iyo na ako’y liwanagan, ipaunawa Mo sa akin kung paano pakikitunguhan ang aking manugang sa paraan na sumusunod sa Iyong kalooban, ako ay nakahandang isagawa ang katotohanan upang mapasaya Ka." Pagkatapos kong manalangin sa Diyos, binuksan ko ang salita ng Diyos, at binasa kung saan sinabi ng Diyos: "Ano ang saklaw ng mga kalakarang panlipunan? (Estilo ng pananamit at makeup.) Ito ay isang bagay na madalas maranasan ng mga tao. Ang estilo ng pananamit, moda, at mga kalakaran, ito ay isang maliit na aspeto" ("Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). "Para sa taong wala sa matinong pangangatawan at pag-iisip, hindi kailanman nalalaman kung ano ang katotohanan, na hindi makapagsasabi ng kaibahan sa pagitan ng positibo at negatibong mga bagay, unti-unting ipatatanggap ng ganitong uri ng mga kalakaran sa kanilang lahat nang maluwag sa kalooban ang mga kalakarang ito, ang pananaw sa buhay, ang mga pagpapahalaga na nanggaling kay Satanas. Tinatanggap nila kung ano ang sinasabi sa kanila ni Satanas kung paano pakikitunguhan ang buhay at kung paano mabubuhay na ‘ipinagkakaloob’ sa kanila ni Satanas. Wala silang taglay na lakas, ni mayroon silang kakayahan, lalo na ang kamalayang tumutol" ("Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pamamagitan ng kapahayagan ng salita ng Diyos ay sa wakas naunawaan ko ito: Ang takbo ng sanlibutan ay isang paraan ni Satanas upang gawing masama ang tao. Sinasamantala ni Satanas ang mga nauuso sa lipunan upang tayo ay kontrolin at lokohin, tinuturuan tayo nito ng lahat ng uri ng maling pananaw tulad ng, "Ang pagmamahal sa pagiging kaakit-akit ay likas sa mga tao," "Ang mga damit ang nagdadala sa tao, ang silya ang nagdadala sa kabayo," at "Samantalahin ang araw para sa kaaliwan, pagkat ang buhay ay maiksi." Sa oras na ang mga maling pananaw na ito ay pumasok sa ating mga isipan, naniniwala tayo na: ang ating mga buhay ay dapat na patungkol sa paghabol sa kagandahan at pagbibigay-pansin sa kung paano tayo manamit, at ito ay likas at normal. Kung paano ka manamit ay isang sagisag na nagpapatunay sa iyong katayuan at halaga; kung nagsusuot ka ng magaganda at pusturyosong mga bagay at naglalagay ng makeup para pagandahin ang iyong sarili, hindi ka ipagtatabuyan ng lipunan, ikaw ay pahahalagahan ng iba; kung hindi, ikaw ay hahamakin at mamaliitin ng iba. Dahil sa maling pananaw na ito ay natatangay tayo nang hindi natin nalalaman at nagpapatuloy sa mga masamang uso. Sa pagmamasid sa lipunan ngayon, hindi mahalaga kung ikaw ay bata o matanda, ang bawat isa ay sumasabay sa mga pinakamainit na nasa uso at hinahabol ang mga kasalukuyang nasa uso, ang bawat isa ay nagnanais na magsuot ng magagarang pananamit at pagandahin ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng makeup, kung sino ang sikat sa oras na iyon ay siyang hinahabol ng lahat, at walang naniniwala na ito ay isang negatibong bagay na nagmumula kay Satanas; sa kabaligtaran, sila ay nasa ilalim ng paniniwala na ang paghahabol sa mga bagay na ito ay makatwiran at nararapat. Ang aking manugang ay hindi naniniwala sa Diyos, hindi niya nauunawaan ang katotohanan, wala siyang pagkilala, kaya paano siyang hindi maapektuhan sa kanyang pamumuhay sa ganitong kalagayan? Mayroon siyang pagmamahal sa kagandahan, mahilig siyang magbihis, at mahilig siyang magsayang ng kanyang pera sapagkat siya ay naapektuhan, naiimpluwensyahan at ginagawang masama ng mga masasamang kalakaran ni Satanas. Ang maudyukan ng mga ganitong uri ng masasamang kalakaran ay mas lalo siyang ginagawang hambog, lagi niyang inihahambing ang kanyang sarili sa iba, at naniniwala siyang ang mga kasuotan at makeup na kanyang sinusuot ay ang kanyang kalamangan upang maitaas ang sariling halaga. Totoo, ang aking manugang ay walang kalayaan upang kumilos nang malaya. Sa pagkaunawa sa mga bagay na ito ay nakita ko ang ugat ng problema, at naramdaman kong ang lahat ay biglang nagiging malinaw.
Pagkatapos nito, lumapit ako sa Diyos at nanalangin: "O Diyos! Nakahanda akong bitawan ang aking mga masamang palagay sa aking manugang. Gabayan Mo ako upang maisantabi ko ang aking sarili at gawin at tingnan ang mga bagay nang naaayon sa Iyong salita." Mula sa oras na iyon, sa tuwing makikita ko ang aking manugang na basta-bastang ginagastos ang pera sa pamimili at ako ay nagagalit, ako ay mananalangin sa Diyos at hihingi ng pangangalaga ng Diyos upang ang aking puso ay maging mapayapa sa Kanyang presensya. Paunti-unti ngunit tiyak, hindi na gaya ng dati ang aking galit sa puso para sa aking manugang, at sa pamamagitan ng salita ng Diyos ay nabatid ko: Tayong lahat ay bahagi ng masamang sangkatauhan, tayong lahat ay nabubuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas at naloloko ni Satanas, tayong lahat ay hindi sinasadyang nabubuhay ayon sa ating mga masasamang disposisyon. Ang aking manugang ay isa ring biktima nitong mga masasamang kalakaran, hindi ako dapat magalit sa kanya, at tiyak na hindi ko siya dapat pakitunguhan ayon sa masamang disposisyon ni Satanas. Si Satanas ang pangunahing may sala ng lahat ng mga bagay na ito, si Satanas ay mas kasuklam-suklam sa kahit ano pa man.
Ako’y nagpatuloy sa ganitong paraan sa loob ng ilang panahon, sa pag-iisip na naisantabi ko na ang aking mga pagkiling laban sa aking manugang, ngunit dahil wala akong tunay na kaalaman ng aking masamang kalikasan, dahil ang aking disposition sa buhay ay hindi nagbago, kapag nakakatagpo ko ang mga bagay na hindi tugma sa aking mga pagnanais, nahahayag muli ang aking masamang disposisyon.
Ang Salita ng Diyos ang Nagdala sa Akin sa Kamalayan sa Sarili
Isang buwan, matapos na gastusin ng aking manugang ang lahat ng perang kailangan niyang gastusin, wala na kaming pera kahit pambayad lang ng aming social insurance. Nang malaman ko ito, napuno ako ng sobrang galit na talagang gusto ko nang palayasin agad ang aking manugang. Kung kelan gusto ko na sanang magalit sa kanya, bigla kong napagtanto na nabubuhay ulit ako sa maling katayuan, kaya mabilis kong pinakalma ang aking sarili at nanalangin sa Diyos, hinihingi ang Kanyang pag-iingat sa akin, upang hindi ko pakitunguhan ang aking manugang ayon sa aking laman.
Nang aking buksan ang libro ng salita ng Diyos, nabasa ko kung saan sinasabing: "Huwag kang maging makasarili … Kung iyong ipinalalagay ang iba na mas mababa sa iyo kung gayon ikaw ay makasarili, bilib-sa-sarili at hindi mapakikinabangan ng kahit sino" ("Kabanata 22" ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos ang nagpatanggap sa akin na simula pa man ay hindi ko na gusto ang aking manugang dahil wala sa kanyang mga pagkilos ang umaayon sa aking mga inaasahan, hindi niya naabot ang pamantayan ng kung ano sa tingin ko ang dapat na manugang. Ako ay isang matipid na tagapangasiwa ng bahay, at hinanap ko na ganun din dapat ang aking manugang, na maging mabuting asawa at mapagmahal na ina. Nang makita ko na hindi lang siya tamad at magastos, na ginagastos niya ang kanyang pera nang walang pag-iingat, kinamuhian ko siya at inisip kong hindi niya nauunawaan ang mga bagay-bagay at winawaldas lang niya ang kanyang pera. Dagdag pa nito, gusto ko ring sundin ako ng aking manugang sa kahit anong hilingin ko sa kanya at mabuhay nang naaayon sa aking pamumuhay. Sa tuwing hindi ginagawa ng aking manugang ang hiniling ko ay nagagalit ako, pinupuna siya at tinitignan nang masama. Ngunit sa panahong ito ay sa wakas nakita ko na ako ay lubusang napapamahalaan ng mala-Satanas na kalikasan ng "paglalagay ng sarili sa ibabaw ng lahat," ang palaging paghahangad na itago ang katotohanan mula sa mga tao at pagkakaroon ng huling salita. Ang tanging lumabas sa akin ay isang mapagmataas at mapagmagaling na masamang disposisyon, at wala itong naitutulong kahit kanino man. "Ano pa, kami ng aking manugang ay mula sa mga magkaibang henerasyon, at kami ay hindi naapektuhan at naiimpluwensyahan ng lipunan sa parehong paraan, ngunit lagi kong ginagamit ang aking mga sariling pamantayan upang humiling sa kanya; hindi ba ito pagiging mapagmataas at palalo? Hindi ba ako nagiging isang taong mapangsupil? Naisip ko kung gaano kadakila ang Diyos, paano Niya nagawang magpakita sa laman upang magtago nang may pagpapakumbaba at kalabuan sa gitna natin upang isakatuparan ang gawain ng pagliligtas sa tao, paanong hindi ginamit ng Diyos ang Kanyang posisyon upang sugpuin ang mga tao, at hindi pinilit ang mga tao na isagawa ang Kanyang salita, paanong sa lahat ng ito’y ipinakita lang Niya ang katotohanan upang tustusan ang tao, at ginamit ang Kanyang pag-ibig upang pukawin ang tao at magsisi. Ngunit sa tuwing tayo ay tumututol at lumalaban sa Diyos, kahit pa ginagamit Niya ang Kanyang salita upang ilantad at hatulan tayo, sa oras ding iyon ay matiyaga Siyang gumagabay sa atin, sumusuporta sa atin at naglalaan para sa atin, at naghihintay nang may dakilang pagtitiis at pagpaparaya upang tayo ay bumalik sa Kanya. Ang Diyos ay lubhang mapagpakumbaba at lubhang mabuti! Sa kabila nito, ako, na lubhang nagawang masama, ay kumikilos nang mapagmataas at walang katuwiran, lagi kong pinipilit ang aking manugang na makinig sa akin bilang biyenan, at ang tangi kong isinasabuhay ay masamang disposisyon." Habang lalo ko itong pinag-iisipan, lalo akong nahihiya sa sarili. Nakita ko na lubha akong nagawang masama ni Satanas, na noong ako ay naiharap sa mga bagay-bagay ay hindi ko mapatahimik ang aking puso sa harapan ng Diyos. Ang pagiging natural ko ay napakalakas, at masyadong marami ang aking personal na mga kahilingan, at maraming beses ay nawalan ako ng patotoo. Talagang hindi ako karapat-dapat na mabuhay sa harapan ng Diyos.
Pagkatapos nito, nabasa ko din sa salita ng Diyos kung saan sinasabing: "Ito ay hindi katanggap-tanggap para sa iyo na hindi mo kilalanin ang iyong sarili. Hilumin mo muna ang iyong sariling karamdaman, at sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng Aking mga salita nang higit pa, pagbubulay-bulay sa Aking mga salita, isabuhay ang buhay at gawin ang mga bagay-bagay ayon sa Aking mga salita; kung ikaw man ay nasa tahanan o nasa iba mang lugar, dapat mong hayaan ang Diyos na gumamit ng kapangyarihan sa loob mo. Iwaksi mo ang laman at ang pagiging likas. Laging hayaan ang mga salita ng Diyos na magkaroon ng dominyon sa loob mo. Hindi kailangang mag-alala na ang iyong buhay ay hindi nababago; dahan-dahan mong mararamdaman na ang iyong disposisyon ay nabago na nang malaki" ("Kabanata 22" ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Itinuro sa akin ng salita ng Diyos ang mga paraan ng pagsasagawa, at nabatid ko na may aral na dapat kong matutunan sa aking manugang at ako na hindi magawang mabuhay nang may pagkakaisa, na dapat akong pumasok sa nauukol na katotohanan, na hindi ko pwedeng titigan ang aking manugang nang buong araw. "Dapat akong tumuon sa pagwaksi ng aking mapagmataas at palalong mala-Satanas na disposisyon. Hindi ko maaaring patuloy na hilingin sa aking manugang na makinig ayon sa aking mga kinaugaliang pananaw at natural na lumang disposisyon, at hindi ako maaaring tumayo sa aking posisyon bilang biyenan upang pigilin ang aking manugang. Dapat kong matutunan kung paano iisantabi ang aking katayuan bilang nakakatanda, hayaan ang salita ng Diyos na mamahala sa aking puso, gamitin ang katotohanan upang malutas ang aking mga sariling problema at isabuhay ang normal na pagkatao." Matapos kong maunawaan ang kalooban ng Diyos ay nanalangin ako sa Diyos at sinasabi ko sa Kanya na napagpasiyahan kong itakwil ang aking sarili at isagawa ang salita ng Diyos.
Isinagawa Ko ang Katotohanan at Nagsimulang Makiayon sa Aking Manugang
Isang araw, nang umuwi mula sa trabaho ang aking manugang, nasa gitna ako ng aking mga gawaing bahay, at nakita ko ang aking manugang na may mga bitbit na bag sa magkabilang kamay at sa kanyang likod, kaya bigla ko siyang tinanong: "May mga bitbit ka iyong mga kamay at sa iyong likod, ano ang ginagawa mo?" Sabi ng aking manugang: "Bumili ako ng dalawang pares ng sapatos at isang pares ng sandal na yari sa balat." Sa oras na narinig ko na bumili siya ng tatlong pares ng sapatos nang sabay-sabay ay magsasalita na ako nang bigla kong napagtanto na muli pa ay pinipilit ko siyang kumilos ayon sa aking mga sariling kagustuhan, at doon din ay nanalangin ako sa Diyos nang tahimik. Sa panahong ito ay naisip ko ang sinasabi sa salita ng Diyos na: "Walang kalikuan o panlilinlang sa mga disposisyon ng mga normal na tao, may normal na relasyon sa isa’t isa ang mga tao, hindi sila nag-iisa, at hindi katamtaman ni may-kabulukan ang kanilang buhay. Gayundin naman, mataas sa lahat ang Diyos, lumalaganap sa gitna ng tao ang Kanyang mga salita, namumuhay ang mga tao nang may kapayapaan sa isa’t isa at sa ilalim ng pag-aalaga at pag-iingat ng Diyos, napupuspos ng pagkakasundo ang lupa, nang walang panghihimasok ni Satanas, at ang kaluwalhatian ng Diyos ang itinuturing na pinakamahalaga sa gitna ng tao" ("Kabanata 16" ng Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang kaliwanagan ng salita ng Diyos ang nagpahinahon sa akin nang kaunti mula sa dati kong galit nap ag-uugali. Naisip ko ang tungkol sa kapasiyahan na sinabi ko sa Diyos na gagawin ko, at napagtanto kong ngayong araw ay isinaayos ng Diyos ang mga pangyayaring ito upang baguhin ang aking masamang disposisyon, upang maisabuhay ko ang normal na pagkatao at maisagawa ang salita ng Diyos. Nakapaloob dito ang aking pagsaksi, hindi ako dapat laging nakatingin sa aking manugang, kinailangan ko munang iisantabi ang aking sarili at umasa sa Diyos na iwaksi ang aking mapagmataas na disposisyon at isabuhay ang wangis ng isang totoong tao. Ang aking manugang may sarili niyang paraan ng pamumuhay, hindi ako dapat manghimasok, dapat ko siyang igalang, at hayaang kumilos ang kalikasan sa lahat ng mga bagay. Nang makita niya na wala akong sasabihin sa kanya, ngumiti siya at dinala ang kanyang mga sapatos sa kanyang kuwarto. Tahimik kong pinasalamatan ang Diyos sa pangyayaring ito. Kung hindi sa kaliwanagan at patnubay ng salita ng Diyos, hindi namin maiiwasan ngayon na magpalitan ng masasamang salita.
Pagkatapos nito, hindi na mahalaga kung bumili ang aking manugang ng makeup o mga damit, hindi ko siya tinanong tungkol dito at hindi ko ito pinagtuunan ng pansin, pinakitunguhan ko lang siya nang maayos ayon sa salita ng Diyos, at bago ko pa man ito mapagtanto ay napakawalan ko na ang aking mga pagkiling laban sa aking manugang. Pagkatapos kong maisagawa ito, hindi na naging kasing hirap ang makasundo ang aking manugang gaya noong dati. Ang maganda dito ay unti-unting nagbago ang aking manugang at nagsimulang tumulong sa akin sa mga gawaing bahay, at nagsimula na siyang maglaba ng mga damit ng aking anak at apo. Hindi na rin siya gumagastos ng pera nang basta-basta gaya ng dati, at nagkaroon ng higit na pagkakaisa sa aming tahanan.
Isang araw, sinabi ng aking anak sa akin: "Ma, sinasabi ni Lili na nagbago ka na, na dati sa tuwing makikita mo siyang namimili ay nalulungkot ka at tinatanong mo siya tungkol dito, ngunit ngayon hindi ka na gaya ng dati." Sobrang saya ko nang marinig ko ito sa aking anak, at sinagot ko siya: "Ito ay pawang dahil sa salita ng Makapangyarihang Diyos kaya ako nagbago. Dati, masyado akong mapagmataas at palalo, lagi kong gusto na gawin ni Lili ang mga bagay ayon sa aking paraan ng pamumuhay, hindi ko inisip ang kanyang mga nararamdaman, at hindi ako lumagay sa kanyang kinatatayuan upang tingnan ang mga bagay-bagay. Kung hindi lang dahil sa patnubay ng salita ng Diyos, hindi ko malalaman ang aking sariling masamang disposisyon, at hindi ko magagawang baguhin ang aking sarili, kung saan hindi maiiwasang mag-away kami ni Lili araw-araw. Simula ngayon ay hindi ko na siya pagsasabihan, nasa edad na si Lili, may sarili siyang paraan ng pamumuhay, at ako, bilang isang biyenan, kailangan ko siyang igalang at bigyan ng kalayaan." Nang marinig ng anak ko ang aking tugon, sobrang saya niyang sinabi: "Ma, ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan mo ay tunay na dakila!"
Sa pamamagitan ng aking karanasan, tunay kong naramdaman ang galak na dumarating kapag isinasagawa ang salita ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos ay talagang kaya tayong baguhin at iligtas, hayaan tayong mamuhay ng masaya at may pinagpalang mga buhay. Ngayon ay nagagawa na ng aking pamilya ang mamuhay nang may pagkakaisa, at dahil doon ay pinasasalamatan ko ang Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso dahil ako ay niligtas. Ang lahat ng luwalhati ay sa Makapangyarihang Diyos!
Higit pang pansin: Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!
0 Mga Komento