Kamusta, mga kapatid! Ngayon na ang wakas ng huling mga araw. Ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ay talagang nanga-tupad na. Maraming mga Kristiyano ang mayroong pangitain na ang Diyos ay talagang nakabalik na at sabik na naghihintay upang madala sa Kaharian ng Langit. Kaya paano babalik ang Panginoon? Maraming mga tao sa relihiyosong lupon ang naniniwala na ang Panginoon ay babalik sakay ng isang ulap, na kung saan mukhang tugma sa mga hula sa bibliya.
Samantala, at bukod sa propesiya na ang Panginoon ay babalik sakay ng isang ulap, Mayroong mga propesiya na ang Panginoon ay magbabalik muli sa laman, tulad ng “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating (lukas 12:40). “Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (lukas 17;24-25). Itong “Anak ng Tao” ay tumutukoy sa Diyos na nagkatawang-tao. Tulad din ng Panginoong Jesus, Siya ay nagpakita at gumawa sa gitna ng sangkatauhan bilang isang ordinaryong tao. Kapag ang Panginoon ay nagbalik bilang muling pagkabuhay ng espirituwal na katawan bumababa sakay ng ulap at lantad na nagpapakita sa gitna ng lahat ng tao, ang lahat ay makikita ito at manginginig at mangangatog na babagsak sa lupa, at sino pa rin ang may lakas ng loob na kalabanin at tanggihan ang Panginoon? sa ganyang pangyayari, hindi ba ang mga salita ng Panaginoong Jesus na “Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.” ay magiging walang saysay. Tanging sa Pagkakatawang-Tao ng Diyos tulad ng Anak ng Tao upang magpakita at gumawa na maaari Niyang tiisin ang sobrang paghihirap at tanggihan ng salin-lahing ito.
Kaya kung atin lamang pang-hahawakan ang Propesiya ng Pagbaba sa ulap at balewalain ang propesiya ng pa-tagong pagdating, Magkagayon maaaring mapa-lampas natin ang ating tyansa na salubungin ang Panginoon at makapasok sa makalangit na kaharian. Ano ang ibang pang mga misteryo ang nilalaman ng mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon? ang mga sumusunod na video ay magdadala sayo ng kasagutan. Iyong kagiliwan!
Karagdagang informasiyon: Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?
______________________________
0 Mga Komento