Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|Paano Malalampasan ang Paghihiwalay



Ni Shuyi, South Korea

Isang umaga noong umpisa ng tag-init, isang mabining halimuyak ang kumalat sa hangin at pumasok sa bawat sulok ang sinag ng araw. Suot ang isang bulaklaking malambot na bestida, masayang umupo si Qinyi sa istasyon ng tren, hinihintay ang pagdating ng kasunod na tren. Lumilingon, nagkataong nakita ni Qinyi sa isang video screen ang isang babae na nakikipaghiwalay sa isang lalaki dahil may ibang babae ito, pagkatapos ay tumalikod ang babae at umaalis nang umaagos ang luha sa kanyang mga pisngi. Tumitig nang husto si Qinyi sa screen. Noon din, bigla niyang naisip kung paano siya noon, noong mayroon pa siyang pananabik para sa isang magandang pag-ibig kung saan magkasama nilang tatahakin ng kanyang nobyo ang buhay, ngunit sa huli, tanging mga pilat at sugat lamang ang natanggap niya …

Mula pa noong maliit siya, gusto ni Qinyi na makinig sa kantang, The Butterfly Lovers, at mas gusto niyang manood ng opera sa telebisyon, na tinatawag ding The Butterfly Lovers, kung saan ang “Tanging kapag gumuho ang mga bundok at naging isa ang langit at lupa ako mawawalay mula sa’yo” na kuwento ng pag-ibig ng mga bida ay palaging iniiwan siyang apektado. Umasa rin siya na magkaroon ng pag-ibig na magtatagal hanggang sa tumanda ang langit at ang lupa, at na magtatagal sa buong buhay niya.

Noong taong naging 17 siya, nakilala ni Qinyi si Yuhuan. Maginoo ito at maalalahanin, at palagi nitong inaalagaan si Qinyi. Sa tuwing hindi masaya si Qinyi dahil sa mga problema niya sa buhay, palaging nakakahanap ng paraan si Yuhuan para mapasaya siyang muli. Mahilig magreklamo si Qinyi tungkol sa mga bagay-bagay, at pinakamagaling makinig si Yuhuan…. Hindi alam, nakita na lang ni Qinyi ang kanyang sarili na naaakit sa pagiging palabiro ni Yuhuan at sa pagiging maaalalahanin nito, at hindi lamang isang beses niyang tinanong sa kanyang sarili: “Siya na ba ang para sa’kin?” Nabago ang puso ni Qinyi at, sa paglipas ng panahon, mas napapadalas ang kanilang pag-uusap. Ngunit ang nagpapalito kay Qinyi ay ang hindi pagsagot minsan ni Yuhuan ng kanyang mga tawag, at minsan ay pinapatay nito ang telepono nito. Isang araw, nalaman ni Qinyi mula sa isang kaibigan na may-asawa na si Yuhuan at na may anak na itong nasa isang taon ang edad. Ang kaalamang ito ay higit pa sa kaya ni Qinyi, at muntik na siyang himatayin nang marinig niya ito! Inisip niya na ang pag-ibig na ito ay ang uri kung saan makikita niya ang kanyang sarili at si Yuhuan na magkasama sa buong buhay nila, gayunman ay niloko siya nang husto ni Yuhuan. Hindi lang niya maintindihan kung paano nagawa ni Yuhuan na tratuhin siya nang ganoon at labis siyang nasaktan. Sa kalaliman ng gabi, madalas niyang hawakan ang kanyang unan at tahimik na umiyak. Hindi gusto ni Qinyi na maging kabit na sisira sa pamilya ng iba, kaya naman, matapos makipaglaban sa sarili, at walang ingat na pagmamakaawa ni Yuhuan, tiniis niya ang sakit at pinutol ang lahat ng komunikasyon dito.

Makalipas ang maraming taon, nakita muli ni Qinyi si Yuhuan. Iminungkahi ni Yuhuan na magkabalikan at mag-upisa silang muli, at bahagyang naapektuhan si Qinyi. Naisip niya: “Taon na ang lumipas at hindi nagbago ang damdamin sa’kin ni Yuhuan. Kung talagang hindi niya mahal ang asawa niya, dapat ko siyang tanggapin.” Nais ni Qinyi na mamili si Yuhuan, at tapat niyang sinabi dito na hindi siya makikiapid sa isang may-asawang lalaki. Hindi inaasahan, nang-uuyam ang mukhang nagsalita si Yuhuan, at sinabing, “Sa modernong panahon na ito, anong klaseng lalaki ang hindi karapat-dapat na magkaroon ng dalawa o tatlong babae sa kanyang tabi? ‘Ang pulang bandila sa bahay ay hindi bumabagsak, ngunit wumawagayway sa hangin ang makukulay na bandila sa labas.’ Hindi ba’t normal lang ito? Masyado kang konserbatibo!” ikinagulat ni Qinyi ang mga salita ni Yuhuan. Hindi niya naisip na magagawang sabihin ni Yuhuan ang ganoon, at pakiramdam niya ay hindi talaga niya ito kilala. Labis siyang nalilito: Ano ang dahilan kaya naging napaka-makasarili at walang delikadesa si Yuhuan?

Bahagya siyang nasaktan. Hindi niya inasahan na magtatapos ng ganito ang kanyang unang pag-ibig. Ngunit umasa pa rin siya, na sa hindi malayong hinaharap, makahanap ng pag-ibig na magtatagal sa buong buhay niya.

Kalaunan, pumunta sa South Korea si Qinyi, at isang lalaki na taga-South Korea na nagngangalang Haoyu ang pumasok sa buhay niya. Napakabait ni Haoyu, mayroon silang parehong mga interes ni Qinyi at labis siya nitong inaalagaan. Madalas na mag-usap sina Haoyu at Qinyi tungkol sa iba’t ibang bagay, nakikinig ng musika at magkasamang umaawit ng mga kanta. Halos araw-araw, nagpapadala si Haoyu kay Qinyi ng mga mensahe na nagtatanong kung kumusta siya, at isinama siya nito upang makilala ang mga magulang nito. Naghatid ng kaginhawahan sa puso ni Qinyi ang pagpasok ni Haoyu sa buhay niya sa isang banyagang lupain matapos masaktan mula sa pakikipaghiwalay niya noon. Isang beses, umawit si Haoyu na may matinding pagsuyo kay Qinyi, inaawit: “Sasama ako sa’yo hanggang sa dulo ng mundo. … Tatanda tayong magkasama, malaya sa mga alalalahanin o isipin. …” Lumambot ang puso ni Qinyi sa kanya, dahil ang inaawit ni Haoyu ay tungkol sa pag-ibig at sa buhay na gusto niya, at umasa siya na si Haoyu na ang kasama niyang tatanda. Sinong nakakaalam na sa mga sandaling nag-umpisang mapalapit dito ang puso niya ay magiging umpisa ng katapusan …

Isang beses, sumama si Qinyi kay Haoyu at sa mga kaibigan nito para kumain at, habang kumakain, may sinagot na tawag si Haoyu. Habang nasa telepono ito, narinig ito ni Qinyi na magsalita nang palihim, at nakutuban niya na may relasyon ito sa ibang babae. Ngunit nang tanungin niya si Haoyu, taimtim itong nangako, ginagarantiya na ang damdamin nito para kay Qinyi ay totoo. Naririnig na ipinapahayag nito ang pagiging inosente, pinili ni Qinyi na paniwalaan ito. Kalaunan ay lumipat siya ng lugar na pinagtatrabahuan at lumipat na rin si Haoyu sa ibang bayan upang magtrabaho at, matapos lumipas ang panahon, unti-unting dumalang ang pagmensahe ni Haoyu kay Qinyi.

Isang araw ay bigla na lang sinabi ni Haoyu kay Qinyi, “Sana ay maging mabuting magkaibigan tayo.” Ikinagulat ni Qinyi ang mga salitang ito, at pakiramdam niya ay bigla na lamang marahas na binuksan ang isang sugat na kagagaling pa lamang, at hindi siya makahinga sa labis na sakit na nararamdaman. Labis iyang nasasaktan na nagawa lamang niyang ibulong sa kanyang sarili, “Mamamatay na lang ba agad ang pag-ibig natin? Bakit ako lagi ang nasasaktan?” Pagkatapos ay labis na nalungkot si Qinyi, at pakiramdam niya ay nawala ang kaluluwa niya.

Nang labis siyang nakakaramdam ng sakit at naliligaw, narinig niya ang ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw. Ang matubigan at mapakain ng mga salita ng Diyos, at ang pag-aalaga at pagtulong ng mga kapatid ay nakapagpasaya sa kanyang wasak, nagyeyelong puso. Mula noon, madalas na nakikipagkita si Qinyi sa mga kapatid upang basahin ang mga salita ng Diyos at magbahagi ng katotohanan, at umaawit sila ng mga awit ng papuri sa Diyos. Pakiramdam niya ay nabubuhay siya ng buhay ng kasaganahan at kaligayahan bawa’t araw.

Isang araw, biglang nakatanggap ng mensahe si Qinyi mula kay Haoyu, sinasabi na gusto pa rin nitong ituloy ang relasyon nila. Matapos ang panandaliang kaligayahan, nag-alangan si Qinyi. Hindi niya alam kung kaya ba ni Haoyu na tumanda kasama siya, kaya naman nanalangin siya sa Diyos at hininging gabayan siya Nito. Hindi nagtagal, nakasalubong ni Qinyi ang isa sa mga kaibigan ni Haoyu at, sa pag-uusap nila, nalaman niyang maraming nobya si Haoyu at na madalas itong nag-iiwan ng pagpipilian pagdating sa pakikipagrelasyon. Ang lalo pang nakagimbal kay Qinyi ay habang kasama niya ito, mayroon itong kahina-hinalang relasyon sa isa pang babae. Matapos marinig ito, labis na nagalit si Qinyi. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay mga lalaking hindi pinaninindigan ang pag-ibig nila. Naglalaro lang si Haoyu ngunit labis pa rin siyang nasaktan ng ganoong uri ng lalaki—napakatanga niya! Inisip niya ang dalawang nabigong pag-ibig niya at ang napakadramang katapusan ay iniiwan siyang labis na nasasaktan. Hindi niya mapigilang mapa-buntong-hininga at isiping: “Nasaan kaya ang tunay na pag-ibig sa mundong ito? Bakit napakahirap humanap ng isang lalaking ibibigay sa’kin ang atensiyon niya na walang kahati? Bakit hindi ako makahanap ng isang pag-ibig na palaging tapat? Bakit palagi na lang akong naiiwang pinagtataksilan at nasasaktan?”

Ipinagtapat ni Qinyi sa isang kapatid mula sa iglesia ang sakit na nararamdaman niya, at nagbahagi sa kanya ang kapatid, sinasabing: “Ang dahilan kung bakit namumuhay tayo sa sakit ay dahil wala sa atin ang katotohanan. Dahil hindi natin naiintindihan ang pagtiwali ni Satanas sa sangkatauhan at ang mga tusong pamamaraan na ginagawa ni Satanas upang linlangin tayo. Ito ay dahil namumuhay tayo sa maling pag-iisip ni Satanas, at dahil hinahanap natin ang isang perpektong pag-ibig ng ating imahinasyon. Alam nating lahat na, noon na bahagya pa lamang natiwali ni Satanas ang sangkatauhan, konserbatibo ang pag-iisip ng mga tao dahil nakagapos sila sa moral at etika at pinangangalagaan ang tunay na damdamin at tunay na pag-ibig. Kahit na hindi tapat ang isang lalaki at babae sa isa’t isa sa buong buhay nila, hindi pa rin sila masyadong lumalagpas sa hindi dapat. Gayunman, ngayon ay palala nang palala ang pagtiwali ni Satanas sa sangkatauhan. At sa ilalim ng impluwensiya ng lahat ng paraan ng mga idolo ng pag-ibig, romantikong aklat at mga pelikula, inatake at winasak ang ideya ng mga tao tungkol sa moralidad. Ang mga tao ngayon ay sinusuportahan ang kasamaan at sakim sila sa mga pangangailangan ng laman at nasisiyahan sa kasiyahan ng kasalanan. Karamihan sa mga tao ay itinuturing na uso ang mga kasuklam-suklam, negatibong mga bagay ng kasamaan at kawalan ng delikadesa. Natural na pangyayari na lamang ang pagtataksil ng mga mag-asawa sa isa’t isa, at lalo pang naging mahirap na makahanap ng tunay na pag-ibig. Basahin natin kung anong masasabi ng mga salita ng Diyos tungkol dito!” Inilipat ni Qinyi sa kabanatang, “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI,” sa kanyang aklat ng salita ng Diyos at nag-umpisang basahin: “Paano sinasamantala ni Satanas ang kalakarang panlipunan upang pasamain ang tao. … Unti-unti, ang lahat ng mga kalakarang ito ito ay nagdadala ng isang masamang impluwensya na patuloy na nagpapahina sa tao, na nagiging sanhi upang patuloy na mawalan ng konsensya, pagkatao at katuwiran na lalo pang mas nagpapababa ng kanilang mga moral at ng kalidad ng kanilang pagkatao, hanggang sa masasabi nating karamihan ng mga tao ngayon ay walang dangal, walang pagkatao, ni sila ay mayroong anumang konsensya, at lalo’t higit ng anumang katuwiran. … Para sa taong wala sa matinong pangangatawan at pag-iisip, hindi kailanman nalalaman kung ano ang katotohanan, na hindi makapagsasabi ng kaibahan sa pagitan ng positibo at negatibong mga bagay, unti-unting ipatatanggap ng ganitong uri ng mga kalakaran sa kanilang lahat nang maluwag sa kalooban ang mga kalakarang ito, ang pananaw sa buhay, ang mga pagpapahalaga na nanggaling kay Satanas. Tinatanggap nila kung ano ang sinasabi sa kanila ni Satanas kung paano pakikitunguhan ang buhay at kung paano mabubuhay na ‘ipinagkakaloob’ sa kanila ni Satanas. Wala silang taglay na lakas, ni mayroon silang kakayahan, lalo na ang kamalayang tumutol.” “Ginagamit ni Satanas ang mga kalakarang panlipunan na ito upang dahan-dahang akitin ang mga tao sa pugad ng mga demonyo, sa gayon ang mga taong naiipit sa mga kalakarang panlipunan ay manghihikayat ng salapi at materyal na mga pagnanasa, gayundin magtataguyod ng kasamaan at karahasan. Sa sandaling ang mga bagay na ito ay makapasok sa puso ng tao, magiging ano kung gayon ang tao? Ang tao ay magiging ang diablong si Satanas! Ito ay dahil sa anong sikolohikal na pagkahilig sa puso ng tao? Ano ang itinataguyod ng tao? Nasisimulang magustuhan ng tao ang kasamaan at karahasan. Ayaw nila ng kagandahan at kabaitan, lalo na ng kapayapaan. Hindi nakahandang isabuhay ng tao ang simpleng buhay ng normal na pagkatao, sa halip nais na tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, ang magkatuwaan sa mga pagnanasa ng laman, hindi nag-aatubiling bigyan-kasiyahan ang sarili nilang laman, nang walang mga paghihigpit, walang mga gapos na pipigil sa kanila, sa madaling salita ginagawa ang anumang naisin nila.”

Ipinagpatuloy ng kapatid ang pagbabahagi nito, sinasabing, “Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang dahilan kung bakit napakasama at mababang uri, napaka-sakim at tiwali ng sangkatauhan ay dahil sa iba’t ibang kalakarang-panlipunan na inuumpisahan ni Satanas upang mahalina ang mga tao at gawin silang tiwali. Sa pamamagitan ng lahat ng tao, mga pangyayari at mga bagay sa paligid natin, tinuturuan tayo ni Satanas ng masasamang paniniwala, gaya ng ‘Ang pulang bandila sa bahay ay hindi bumabagsak, ngunit wumawagayway sa hangin ang makukulay na bandila sa labas, ‘Maigsi lang ang buhay kaya dapat ka nang magpakasaya, ’ at ‘Huwag mong hingin ang habambuhay, makuntento ka sa ngayon.’ At matapos tayong gawing tiwali ni Satanas, lalo pang naging masama ang ating kalikasan, at noon naging napakadali para sa atin na tanggapin ang masasamang ideolohiya ni Satanas. Nag-umpisa tayong paglaruan ang ating mga pisikal na pagnanasa at isulong ang kasamaan. Ang tingin natin sa pagkakaroon ng maraming karelasyon at one-night stand ay magaling at dakila. Unti-unti, nilalason at naiimpluwensiyahan tayo ng masasamang ideolohiya ni Satanas, ang mga tao ay nagiging napakalamig at walang puso, makasarili at kasuklam-suklam, masama at malubha, at hindi na nila iniisip ang konsensiya o katwiran. Halimbawa na lamang si Yuhuan. Wala siyang pakialam sa mga etiko o moral. Nakikisama siya sa’yo nang hindi alam ng kanyang asawa, at sinaktan niya kayong pareho ng asawa niya; salawahan si Haoyu sa kanyang pagmamahal at nagpatuloy ng relasyon sa napakaraming babae nang sabay-sabay, at niloko niya ang ibang mga tao. Gayunman ay hindi siya nakaramdam ng kahihiyan, naniniwala na ang ganitong klase ng asal ay nangangahulugan na isa siyang makapangyarihan, kaakit-akit na lalaki. Ginagamit ni Satanas ang masasamang kalakaran na ito hindi lamang para maakit ang napakaraming tao sa landas ng kasakiman at pagnanas, para lalo silang palubhain at gawing masama, mapanghimok na mga demonyo, ngunit para rin magtaksil sa isa’t isa ang mga mapagmahal na mga mag-asawa, upang mawasak sa huli ang kanilang mga pamilya. Bilang resulta, ang masasamang lipunan ay naging daan na dapat sundin, napakagulo ng relasyon ng mga tao sa isa’t isa, at ang bilang ng diborsiyo at pagpapakasal muli ay tumataas. Sa isang masamang panahon na gaya nito, napakahirap makahanap ng isang taong tatratuhin tayo ng tapat, ‘wag nang isipin pa ang pag-ibig na habambuhay na magiging tapat. Kapatid, naintindihan na natin ngayon mula sa mga salita ng Diyos ang katotohanan sa pagtiwali ni Satanas sa sangkatauhan, at naiintindihan na natin ngayon ang mga paraan kung paano tinitiwali ni Satanas ang mga tao at ang masasamang layunin nito. Kaya naman dapat nating isaalang-alang ng tama ang kuru-kuro sa isa’t isa. Sa ganoong paraan, hindi tayo bulag na mabubuhay sa sakit at malilinlang ni Satanas.

Biglang nagising si Qinyi, na namumuhay sa kalituhan at sama ng loob, dahil sa mga salita ng Diyos at sa pagbabahagi ng kapatid: “Kung ganoon ay ginagamit ni Satanas ang masasamang kalakaran gaya ng ‘Ang pulang bandila sa bahay ay hindi bumabagsak, ngunit wumawagayway sa hangin ang makukulay na bandila sa labas’ at ‘Maigsi lang ang buhay kaya dapat kang magpakasaya,’ upang akitin at tiwaliin ang mga tao, at upang mahulog sila sa kasalanan ng pagnanasa, at upang lalong maging masama, makasarili at kasuklam-suklam, at mawala ang kanilang dignidad at integridad. Dahil mismo sa masasamang kalakaran na ito na inimpluwensiyahan at naapektuhan sina Yuhuan at Haoyu. Ang tanging iniisip lamang ay ang mapunan ang sarili nilang masasamang pagnanasa, sinaktan siya, at mga biktima rin sila ng masasamang kalakaran na ito.” Naiintindihan ito, hindi na masyadong dinibdib ni Qinyi ang pagtataksil nina Yuhuan at Haoyu.

Pagkatapos, binasa ni Qinyi ang mga salitang ito ng Diyos: “Halimbawa, kung nanonood ka ng isang palabas sa telebisyon, anong mga uri ng bagay rito ang kayang makapagpabago ng iyong pananaw? … Anong uri ng mga bagay ang kayang itiwali ang mga tao? Ito ay ang kaibuturang mga kaisipan at nilalaman ng palabas, na siyang kakatawan sa mga pananaw ng direktor, at ang impormasyong taglay ng mga pananaw na ito ay kayang baguhin ang mga puso at isip ng mga tao. Tama ba ito?” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V”). Habang pinagninilayan niya ang mga salita ng Diyos, inisip ni Qinyi ang mga panahon na nanonood siya ng mga soap opera at hindi namamalayang tinanggap ang kanilang mga pananaw sa pag-ibig, gaya ng “Laging tapat,” “Palaging nagkakatuluyan ang mga magsing-irog,” at “Tanging kapag gumuho ang mga bundok at naging isa ang langit at lupa ako mawawalay mula sa’yo.” Napuno siya ng pananabik sa pag-ibig at palaging pinapangarap na makakahanap siya ng isang pag-ibig na laging tapat. Naunawaan lamang sa wakas ni Qinyi na ang iba’t ibang paglalarawan ng pag-ibig na itinanim ng mga soap opera sa mga tao ay mga kathang-isip lamang matapos niyang maranasan ang dalawang nabigong pag-ibig. Wala noon sa totoong buhay, dahil hindi nagtataglay ang mga tao ng tunay na pag-ibig matapos silang gawing tiwali ni Satanas. Sa halip, ginagamit lamang at pinagtataksilan nila ang isa’t isa, at siya mismo ay naging napakatanga at hindi iyon alam, at nalinlang ng mga ganoong pananaw sa pag-ibig. Itinuring niyang layunin ng buong buhay niya ang paghahanap para sa isang perpektong pag-ibig. Kaya naman nang hindi nabuo ang kanyang pangarap na pag-ibig, labis siyang nalungkot at nagdusa sa matinding sakit. Ngayon, dahil sa paghahantad ng mga salita ng Diyos, sa wakas ay nakikita na ni Qinyi nang malinaw na ginamit ni Satanas ang paghahanap ng mga tao ng isang perpektong pag-ibig upang linlangin at saktan sila, at upang magpatuloy sila sa paghahanap nang nasasaktan. Ngunit ang totoo, isa lamang iyong magandang ilusyon na hindi kailanman mangyayari. Kapag paulit-ulit na nakaranas ang mga tao ng dagok at hindi nila makamit ang pag-ibig na gusto nila, namumuhay sila sa sakit na hindi nila matakasan—isa ito sa mga paraan ng pagtitiwali ni Satanas sa tao! Napagtanto ito, buong-pusong nagpasalamat si Qinyi sa Diyos sa pagliligtas sa kanya, at pinasalamatan niya ang Diyos sa pagturo ng daan pabalik sa Kanya, at para sa karunungan mula sa mga salita Niya kung paano malalaman ang mga tusong plano ni Satanas upang tiwaliin ang tao at makalayo sa panganib na iyon.

Bang, bang, bang, ang ingay ng tren sa subway ang humatak pabalik kay Qinyi mula sa kanyang pag-iisip. Sa kanyang puso, pinagnilayan niya ang pag-ibig ng Diyos at kaligtasan at, nakangiting sumakay siya sa bagon ng tren. Nang mag-umpisang umandar ang tren, humawak si Qinyi sa hawakan at binuksan ang kanyang cellphone, isinuot ang kanyang earphones, at nag-umpisang humuni kasabay ng musika: “Tanging ang Manlilikha ang naaawa sa sangkatauhang ito. Tanging ang Manlilikha ang nagpapakita ng lambing at pagmamahal sa sangkatauhang ito. Tanging ang Manlilikha lamang ang may tunay at hindi napapatid na pagmamahal para sa sangkatauhan. Gayundin, tanging ang Manlilikha lamang ang nakapagkakaloob ng kaawaan sa sangkatauhang ito at umiibig sa Kanyang buong sangnilikha. Lumulundag at sumasakit ang Kanyang puso sa bawa’t kilos ng tao: Siya ay nagagalit, nababalisa, at nagdadalamhati sa kasamaan at katiwalian ng tao. Siya ay nalulugod, nagagalak, nagpapatawad at nagsasaya sa pagsisisi at paniniwala ng tao; ang bawa’t isa sa Kanyang mga kaisipan at mga ideya ay umiiral at umiikot para sa sangkatauhan; kung ano Siya at mayroon Siya ay lubos na ipinahahayag para sa kapakanan ng sangkatauhan; ang kabuuan ng Kanyang mga damdamin ay nakaugnay sa pag-iral ng sangkatauhan. Para sa kapakanan ng sangkatauhan, naglalakbay Siya at nagmamadali; tahimik Niyang ibinibigay ang bawa’t himaymay ng Kanyang buhay; iniaalay Niya ang bawa’t minuto at segundo ng Kanyang buhay” (“Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin).

Ang mga salitang “nahabag sa,” “lambing at pagmamahal” at “di-nawawasak na pagmamahal,” ay nakapagpasaya kay Qinyi. Naisip niya noong labis siyang nasasaktan, at binalik siya ng Diyos sa Kanyang pamilya at ginamit ang Kanyang mga salita upang pagalingin ang mga sugat sa kanyang puso. At mga salita din ng Diyos ang naging dahilan upang makita niya nang malinaw na tinitiwali, kinokontrol at nililinlang ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng masasamang kalakaran at maling mga ideya tungkol sa pag-ibig. Tanging mga salita ng Diyos ang naging dahilan upang makita niya ang mga tusong plano ni Satanas, at hindi na niya hahanapin ang isang malabo at ilusyon na pag-ibig, ngunit sa halip ay lalayuan ang pinsala na ginagawa ni Satanas. Naiintindihan na ngayon ni Qinyi na, tanging sa paglapit sa Diyos at pagtanggap sa Kanyang kaligtasan, paghahanap sa katotohanan at paglalakad sa landas nang may takot sa Diyos at pagtalikod sa kasamaan lamang masusunod ng isang tao ang tamang landas sa buhay. Labis niyang ipinagpapasalamat na, sa mundong ito, ang pag-ibig na pinakamabuti, pinaka-totoo at hindi makasarili ay ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan. Tanging ang Diyos lamang ang tahimik na nagmamahal sa tao, binibigyan sila ng buhay, tinutubigan sila at tinutustusan sila ng katotohanan, dahilan upang makita nila ang mga tusong plano ni Satanas at layuan ang pinsala ni Satanas. Walang paraan si Qinyi upang masuklian ang ganitong uri ng pag-ibig! Nagpasalamat at pinapurihan niya ang Diyos mula sa kaibuturan ng kanyang puso, at nakapagpasaya siya: na hanapin ang katotohanan, na sundin ang Diyos sa buong buhay niya at sundin ang tamang landas sa buhay!

——————————————
"Bakit mahalaga ang panalangin? Sapagkat ang pananalangin ay isang daan para sa mga Kristiyano na makipag-usap sa Diyos. Sa pamamagitan ng pananalangin, maaari nating makamit ang pananalig at lakas ,ula sa Diyos at sumunod sa Diyos hanggang sa huli. "

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento