Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7 :21-23).
“Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37-39).
“Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita…. Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita” (Juan 14:23-24).
“Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko …” (Juan 8:31).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa ngayon, ang landas na nilalakaran ng Banal na Espiritu ay ang mismong mga salita ng Diyos. Kaya, para malakaran ito ng isang tao, kailangan niyang sumunod, at kumain at uminom ng mga salita mismo ng Diyos na nagkatawang-tao. Ginagawa Niya ang gawain ng mga salita, at ang lahat ay ipinapahayag mula sa Kanyang mga salita, at ang lahat ay itinatatag mula sa Kanyang mga salita, sa Kanyang mismong mga salita. Maging ito man ay ganap na walang mga pag-aalinlangan tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao o ang pagkakilala sa Kanya, kailangang maglaan ang isang tao ng ibayong pagsisikap sa Kanyang mga salita. Kung hindi, hindi siya makagagawa ng kahit anuman, at walang matitira sa kanyang anuman. Tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos at pagpalugod sa Kanya sa saligan ng pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita na unti-unting maitatatag ng isang tao ang isang maayos na ugnayan sa Kanya. Ang pagkain at pag-inom sa Kanyang mga salita at ang pagsasagawa sa mga ito ay ang pinakamahusay na pakikipagtulungan sa Diyos, at ito ang pagsasagawa ng pinakamahusay na pagsasaksi bilang isa sa mga tao Niya. Kapag nauunawaan ng isang tao at nagagawa niyang sundin ang diwa ng mga salita mismo ng Diyos, siya ay nabubuhay sa landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu at nakapasok siya sa tamang landas ng pagpeperpekto ng Diyos sa tao. …
…………
Kung magagawa mong tanggapin kung ano ang ipinagkatiwala ng Diyos sa iyo, tanggapin ang Kanyang pangako, at sundan ang landas ng Banal na Espiritu, ito ay pagtupad sa kalooban ng Diyos.
Sa bawat panahon, kapag gumagawa ang Diyos sa mundo, nagbibigay Siya ng ilang mga salita sa tao, nagsasabi Siya sa tao ng ilang mga katotohanan. Nagsisilbi ang mga katotohanang ito bilang landas na susundan ng tao, ang daan na dapat lakaran ng tao, ang paraan na magbibigay-daan sa tao para matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan, at kung paano dapat isagawa at sundin ng mga tao sa kanilang mga buhay at sa kabuuan ng kanilang mga paglalakbay sa buhay. Ito ang mga dahilan kung bakit ipinagkaloob ng Diyos ang mga salitang ito sa tao. Ang mga salitang ito na nagbuhat sa Diyos ay dapat sundin ng tao, at ang pagsunod sa mga ito ay pagtanggap ng buhay. Kung hindi susunod ang isang tao sa mga ito, hindi niya gagawin ang mga ito, at hindi niya isinasagawa ang mga salita ng Diyos, samakatuwid hindi isinasagawa ng taong ito ang katotohanan. At kung hindi nila isasagawa ang katotohanan, kung gayon hindi sila natatakot sa Diyos at hindi umiiwas sa kasamaan, at hindi rin nila nabibigyang-kasiyahan ang Diyos. Kung may taong hindi mabigyang-kasiyahan ang Diyos, hindi nila maaaring tanggapin ang papuri ng Diyos; ang ganitong uri ng tao ay walang kalalabasan.
Ang paglalakad sa landas ng Diyos ay hindi tungkol sa pagsunod sa mga panuntunan sa panlabas. Sa halip, ito ay nangangahulugan na kapag nahaharap ka sa isang bagay, una sa lahat, titingnan mo ito bilang isang pagkakataon na inilaan ng Diyos, isang tungkulin na ipinagkaloob Niya sa iyo, o isang bagay na ipinagkatiwala Niya sa iyo, at kapag nahaharap ka sa bagay na ito, dapat mo ring tingnan ito bilang isang pagsubok na nagmula sa Diyos. Kapag nahaharap ka sa bagay na ito, dapat may pamantayan ka, dapat mong isipin na nagmula ito sa Diyos. Dapat mong isipin kung paano mo pakikitunguhan ang bagay na ito para matupad mo ang iyong tungkulin, at maging tapat sa Diyos; kung paano itong gawin na hindi gagalitin ang Diyos, o magkasala sa Kanyang disposisyon.
Unawain ang salita ng Diyos at isabuhay ito. Maging tapat sa iyong mga kilos at gawa; hindi ito pagsunod sa mga patakaran o ginagawa nang labag sa kalooban para sa pagkukunwari. Bagkus, ito ay ang pagsasagawa ng katotohanan at pamumuhay sa salita ng Diyos. Tanging ang pagsasagawa na tulad nito ang nakalulugod sa Diyos. Ang anumang kaugaliang nakalulugod sa Diyos ay hindi isang patakaran kundi isang pagsasagawa ng katotohanan.
Kapag binabanggit ang gawa, naniniwala ang tao na ang gawa ay tumakbo paroo’t parito sa Diyos, nangangaral sa lahat ng lugar, at gumugugol para sa Diyos. Kahit na ang paniniwalang ito ay tama, ito ay masyadong may kinikilingan; ang hinihiling ng Diyos sa tao ay hindi lamang sa paglalakbay paroo’t parito sa Diyos; ito ay mas tungkol sa ministeryo at panustos sa loob ng espiritu. … Ang gawa ay hindi pagtakbo paroo’t parito sa Diyos; tumutukoy ito sa kung ang buhay ng tao at kung ano ang isinasabuhay ng tao ay para matamasa ng Diyos. Tumutukoy ang gawa sa paggamit ng tao ng katapatang mayroon sila sa Diyos at sa kaalamang mayroon sila sa Diyos upang magpatotoo sa Diyos at maglingkod sa tao. Ito ang responsibilidad ng tao at kung ano ang dapat mapagtanto ng lahat ng tao. Sa ibang salita, Ang inyong pagpasok ay ang inyong gawa; humahanap kayong makapasok sa panahon ng inyong kurso ng gawa para sa Diyos. Hindi lamang sa pagkakaroon ng kakayahang kumain at uminom ng Kanyang salita mararanasan ang Diyos; ang mas mahalaga, kaya ninyo dapat magpatotoo sa Diyos, maglingkod sa Diyos, at maglingkod at magbigay sa tao. Ito ang gawa, at ang inyo ring pagpasok; ito ang dapat ganapin ng bawat tao. Marami ang mga nakatuon lamang sa paglalakbay paroo’t parito sa Diyos, at nangangaral sa lahat ng dako, ngunit hindi makita ang kanilang personal na karanasan at kapabayaan sa kanilang pagpasok sa espirituwal na buhay. Ito ang sanhi kung bakit yaong mga naglilingkod sa Diyos ay nagiging yaong mga lumalaban sa Diyos.
Ipagpalagay mo na kaya mong gumawa para sa Diyos, ngunit hindi ka sumusunod sa Kanya, at hindi ninyo kayang tunay na magmahal sa Kanya. Sa ganitong paraan, hindi mo lamang hindi maisasakatuparan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, kung hindi maisusumpa pa ng Diyos, dahil ikaw ay isang taong hindi nagtataglay ng katotohanan, na hindi kayang sumunod sa Diyos, at na suwail sa Diyos. Gusto mo lamang ang paggawa para sa Diyos, at hindi gusto ang pagsasagawa ng katotohanan, o pagkilala sa iyong sarili. Hindi mo naiintindihan o nalalaman ang Lumikha, at hindi sumusunod o nagmamahal sa Lumikha. Ikaw ay taong likas na suwail sa Diyos, at kaya ang mga taong ganoon ay hindi mahal ng Lumikha.
Marami sa mga taong sumusunod sa Diyos ay nababahala lamang sa kung paano makakatamo ng mga pagpapala o umiwas sa mga sakuna. Sa sandaling nababanggit ang gawain at pamamahala ng Diyos, sila ay tumatahimik at nawawalan ng lahat ng interes. Sila ay naniniwala na ang pagkaalam sa gayong kahihirap na mga katanungan ay hindi magpapaunlad ng kanilang buhay o magiging anumang pakinabang, kaya’t kahit na mayroon silang narinig na mga mensahe tungkol sa pamamahala ng Diyos, itinuturing nila ang mga iyong pangkaraniwan. At hindi nila nakikita ang mga iyon bilang isang bagay na mahalagang matánggáp, mas lalong hindi nila tinatanggap ang mga iyon bilang bahagi ng kanilang mga buhay. Ang ganoong mga tao ay may isang napaka-payak na layunin sa pagsunod sa Diyos: upang makakuha ng pagpapala, at sila ay lubhang tamad mag-asikaso ng anumang bagay na hindi kinapapalooban ng layuning ito. Para sa kanila, ang paniniwala sa Diyos upang makatamo ng mga pagpapala ay ang pinaka-lehitimo sa mga layunin at ang mismong kabuluhan ng kanilang pananampalataya. Sila ay hindi nababagabag ng anumang bagay na hindi magkakamit ng layuning ito. Ganyan ang kalagayan ng karamihan sa mga naniniwala sa Diyos ngayon. Ang kanilang layunin at pangganyak ay mukhang lehitimo, dahil kasabay ng paniniwala sa Diyos, sila ay gumagastos din para sa Diyos, iniaalay ang kanilang mga sarili sa Diyos, at ginagampanan ang kanilang tungkulin. Isinuko nila ang kanilang kabataan, tinalikuran ang pamilya at karera, at gumugol pa ng ilang taon na nag-aabalang malayo sa tahanan. Para sa kapakanan ng kanilang sukdulang layunin, binago nila ang kanilang mga interes, binago ang kanilang pananaw sa buhay, at binago pa ang direksyong kanilang hinahanap, nguni’t hindi nila mabago ang layunin ng kanilang paniniwala sa Diyos. Nag-áabálá sila para sa pamamahala ng kanilang sariling mga mithiin; gaano man kalayo ang daan, at gaano man karaming mga paghihirap at balakid ang naroon sa daraanan, nananatili silang nasa panig ng kanilang mga layunin at nananatiling walang takot sa kamatayan. Anong kapangyarihan ang nagsasanhi sa kanilang patuloy na ialay ang kanilang mga sarili sa ganitong paraan? Ito ba ay ang kanilang konsensya? Ito ba ay ang kanilang dakila at marangal na katangian? Ito ba ay ang kanilang matibay na kapasyahang makipaglaban sa mga puwersa ng kasamaan hanggang sa katapusan? Ito ba ay ang kanilang pananampalataya kung saan sila ay nagpapatotoo sa Diyos nang hindi naghahanap ng kabayaran? Iyon ba ay ang kanilang katapatan kung saan handa silang isuko ang lahat upang makamit ang kalooban ng Diyos? O ito ba ay ang kanilang espiritu ng pamamanata kung saan palagi nilang isinasakripisyo ang pansariling maluhong mga pangangailangan? Para sa mga tao na hindi kailanman nakilala ang gawain ng pamamahala ng Diyos na magbigay nang ganoong kalaki ay, sa payak na pananalita, isang nakamamanghang himala! Para sa ngayon, huwag nating talakayin kung gaano kalaki ang naibigay ng mga taong ito. Ang kanilang pag-uugali, gayunpaman, ay lubos na karapat-dapat sa ating pagsusuri. Bukod sa mga pakinabang na malápít na nakaugnay sa kanila, mayroon bang maaaring ibang dahilan para sa mga taong ito na hindi kailanman nauunawaan ang Diyos na magbigay nang napakalaki sa Kanya? Dito, natutuklasan natin ang isang dating hindi-natukoy na problema: Ang relasyon ng tao sa Diyos ay isang hubad na pansariling interes lamang. Ito ay ang relasyon sa pag-itan ng tagatanggap at tagabigay ng mga pagpapala. Upang maging malinaw, ito ay tulad ng relasyon sa pag-itan ng manggagawa at amo. Ang manggagawa ay gumagawa lamang upang tumanggap ng mga gantimpala na ipinagkakaloob ng amo. Sa isang relasyong tulad nito, walang pagmamahal, isang kasunduan lamang; walang pagmamahal at minamahal, kawanggawa at awa lamang; walang pag-unawa, pagwawalang-bahala at panlilinlang lamang; walang pagpapalagayang-loob, isa lamang malaking agwat na hindi maaaring mapagdugtong. Kapag ang mga bagay-bagay ay umabot sa puntong ito, sino ang makakayang baliktarin ang ganoong kalakaran? At gaano karaming mga tao ang may kakayahang tunay na maunawaan kung gaano naging walang-pag-asa ang relasyong ito? Naniniwala Ako na kapag inilubog ng mga tao ang kanilang mga sarili sa kagalakan ng pagiging pinagpala, walang sinuman ang makakaguni-guni kung gaano kahiya-hiya at hindi-magandang-tingnan ang ganoong relasyon sa Diyos.
Ani ng ibang tao, “Gumawa si Pablo ng napakaraming gawain, at pumasan siya ng malalaking pasanin para sa mga simbahan at tumulong nang sobra sa mga ito. Pinagtibay ng labintatlong kasulatan ni Pablo ang 2,000 taon ng Kapanahunan ng Biyaya, at ito ay pangalawa lamang sa Apat na Ebanghelyo. Sino ang maihahambing sa kanya? Walang sinuman ang makakaintindi ng Pagbubunyag ni Juan, datapwa’t ang mga sulat ni Pablo ay nagbibigay-buhay, at ang gawa na kanyang ginawa ay may benepisyo sa mga simbahan. Sino pa ang maaring makamit ang mga ganoong bagay? At ano ang gawain na ginawa ni Pedro?” Kapag sinusukat ng tao ang kanyang kapwa, ito ay ayon sa kanilang naging ambag. Kapag sinusukat ng Diyos ang tao, ito ay ayon sa kanyang kalikasan. Sa lahat ng mga sumusumpong ng buhay, si Pablo ay isang tao na hindi alam ang kanyang sariling diwa. Siya ay, sa kahit anong paraan, hindi mapagpakumbaba o masunurin, ni hindi niya alam ang kanyang diwa, na siyang taliwas sa Diyos. Kaya naman, siya ay isang taong hindi sumailalim sa mga detalyadong karanasan, at isang taong hindi nagsagawa sa katotohanan. Kaiba si Pedro. Alam niya ang kanyang mga di-pagka-perpekto, mga kahinaan, at ang kanyang tiwaling disposisyon bilang isang nilalang ng Diyos, at kaya nagkaroon siya ng landas ng pagsasagawa kung saan siya magbabago ng kanyang disposisyon; hindi siya isa sa mga nagkaroon lamang ng doktrina ngunit hindi nagtaglay ng katotohanan. Ang mga nagbago ay ang mga bagong tao na nailigtas na, sila ang mga angkop na ipagpatuloy ang katotohanan. Ang mga tao na hindi nagbago ay kabilang sa mga likas na lipas na; sila ay ang mga hindi nailigtas, iyon ay, silang mga kinamuhian at itinakwil ng Diyos. Sila ay hindi gugunitain ng Diyos kahit gaano pa kadakila ang kanilang gawa. Kapag iyo itong ikinumpara sa iyong sariling gawa, kung ikaw ang sa dakong huli ay kaparis ni Pedro o ni Pablo at dapat na maging maliwanag. Kung wala pa ring katotohanan sa bagay na iyong sinusumpungan, at kung kahit ngayon mayabang ka pa rin at walang-galang gaya ni Pablo, at mapagpabayang mapagmalaki pa rin gaya niya, kung gayon walang duda na ikaw ay isang masamang tao na nabibigo. Kung sumusumpong ka ng kaparehas ng kay Pedro, kung sumusumpong ka ng pagsasagawa at mga totoong pagbabago, at hindi mayabang o matigas ang ulo, ngunit sumusumpong na gawin ang iyong tungkulin, kung gayon ikaw ay magiging nilalang ng Diyos na kayang magkamit ng tagumpay.
Hindi Ako magkakaroon ng diwa ng habag sa inyo na nagdurusa sa maraming mga taon at nagpapagal nang husto nang walang napapala. Sa halip, pinakikitunguhan Ko yaong mga hindi nakaabot sa Aking mga kahilingan nang kaparusahan, hindi nang mga gantimpala, lalong hindi nang anumang simpatiya. Marahil ay iniisip ninyo na sa pagiging isang tagasunod sa maraming mga taon ay nagpapagal kayo anuman ang mangyari, kaya sa anupaman makakuha kayo ng isang mangkok ng kanin sa tahahan ng Diyos sa pagiging isang taga-serbisyo. Masasabi Ko na karamihan sa inyo ay nag-iisip sa ganitong paraan sapagkat palagi na lamang ninyong hinahangad hanggang sa ngayon ang panuntunan kung paano samantalahin ang isang bagay at hindi mapagsamantalahan. Kaya sinasabi Ko sa inyo ngayon nang buong kaseryosohan: Wala Akong pakialam gaano man kapuri-puri ang iyong pagsisikap, kung gaano man kahanga-hanga ang iyong mga pagkamarapat, kung gaano mo man kahigpit Akong sinusunod, kung gaano ka man kabantog, o kung gaano man ang iniunlad ng iyong pag-uugali; hangga’t hindi mo ginagawa ang Aking hinihiling, hindi mo kailanman makakamit ang aking papuri. Huwag balewalain ang lahat ng mga ideyang iyon at mga pagkalkula hangga’t maaga, at simulang pakitunguhan nang may kaseryosohan ang Aking mga kinakailangan. Kung hindi, gagawin Kong abo ang mga tao nang upang wakasan na ang Aking gawain, at pansamantalang gawin ang Aking mga taon ng gawain at pagdurusa sa wala, sapagkat hindi Ko madadala ang Aking mga kaaway at mga tao na nangangalisaw sa kasamaan na huwaran ni Satanas sa Aking kaharian, sa susunod na kapanahunan.
Sinasabi mo na ikaw ay laging nagdurusa habang sumusunod sa Diyos, na nakasunod ka sa Kanya sa anumang kalagayan, at naibahagi sa Kanya ang mabubuting mga panahon at ang masasama, nguni’t hindi mo naisabuhay ang mga salitang winika ng Diyos; ninanais mo lamang na habulin ang Diyos sa bawa’t araw, at kailanma’y hindi naisip na isabuhay ang isang buhay na makahulugan. Sinasabi mo na, sa ano mang katayuan, naniniwala ka na ang Diyos ay matuwid: Nagdusa ka para sa Kanya, gumawa para sa Kanya, at inilaan ang iyong sarili sa Kanya, at masigasig na nakagawa kahit hindi tumatanggap ng anumang pagkilala; tiyak na aalalahanin ka Niya. Totoo na ang Diyos ay matuwid, gayunman ang pagkamatuwid na ito ay walang bahid ng anumang karumihan: Wala itong taglay na pantaong kalooban, at hindi nabahiran ng laman, o pantaong pag-uugnayan. Ang lahat ng mga mapanghimagsik at kasalungat, at hindi nakaayon sa Kanyang daan, ay parurusahan; walang pinatatawad, at walang ititira! … Sa gayong tao na katulad mo ang Aking matuwid na disposisyon ay isa ng pagkastigo at paghatol, ito ay isa ng matuwid na kagantihan, at ito ay ang matuwid na pagpaparusa sa lahat ng mga manggagawa ng kasamaan; lahat niyaong mga hindi lumalakad sa Aking daan ay tiyak na parurusahan, kahit na sila ay sumunod hanggang sa katapus-tapusan. Ito ang pagkamatuwid ng Diyos. … Ang pagkamatuwid ay kabanalan, at isang disposisyon na hindi nagpapabaya sa pagkakasala ng tao, at lahat nang marumi at hindi nabago ay ang tampulan ng poot ng Diyos. Ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi batas, kundi isang utos ng pangasiwaan: Ito ay utos ng pangasiwaan sa kaharian, at ang utos na ito ng pangasiwaan ay ang matuwid na kaparusahan sa sinumang hindi nagtataglay ng katotohanan at hindi nababago, at walang patagana para sa kaligtasan. Sapagka’t kapag ang bawa’t tao ay pinagsama-sama ayon sa uri, ang mabuti ay gagantimpalaan at ang masama ay parurusahan. Yaon ang panahon na ang hantungan ng tao ay lilinawin, ito ang panahon na ang gawain ng pagliligtas ay darating sa katapusan, ang gawain ng pagliligtas sa tao ay natapos na, at ang paghihiganti ay ilalapat sa bawa’t isa niyaong gumawa ng masama.
Sasabihin ng ilang tao, “Nakagawa na ako ng labis na gawa para sa Iyo, at kahit na wala pang tanyag na mga nagawa, naging masigasig pa rin ako sa aking mga pagsisikap. Hindi Mo ba ako puwedeng basta papasukin sa langit upang kainin ang bunga ng buhay?” Dapat mong malaman kung anong uri ng tao ang Aking nais; silang mga hindi dalisay ay hindi papayagang makapasok sa kaharian, silang mga hindi dalisay ay hindi pahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Kahit na marami ka pang nagawa, at gumawa sa loob ng maraming mga taon, sa katapusan kung ikaw pa rin ay kalunos-lunos na marumi—hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pasukin ang Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi kailanman Ako nag-alok ng madaling daan sa Aking kaharian para sa mga nanunuyo ng pabor sa Akin. Ito ay isang panlangit na panuntunan, at walang sinuman ang makababali nito! Dapat mong hanapin ang buhay. Ngayon, sila na gagawing perpekto ay katulad ng uri ni Pedro: Sila ay ang mga naghahanap ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at malugod na maglahad ng testimonya sa Diyos at gawin ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang mga tao lamang na gaya nito ang gagawing perpekto. Kung ikaw ay tumitingin lamang sa mga gantimpala, at hindi sumusumpong na baguhin ang iyong sariling disposisyon, kung gayon lahat ng iyong mga pagsisikap ay magiging walang saysay—at ito ay isang katotohanang hindi na mababago!
Ako ang magpapasya sa magiging hantungan ng bawat tao, hindi base sa edad, mataas na katungkulan, laki ng paghihirap, at lalong hindi ang antas ng kahirapan; ngunit sa kung sila ay nagtataglay nang katotohanan. Wala ng iba pang pagpipilian kundi ito lamang. Dapat mapagtanto ninyo na ang lahat ng hindi susunod sa kalooban ng Diyos ay maparurusahan. Ito ay hindi nababagong katotohanan. Samakatuwid, yaong mga naparusahan ay pinarusahan para sa pagkamatuwid ng Diyos at bilang pagganti sa kanilang masasamang gawain.
0 Mga Komento