Kapag ang Panginoon ay Hayag na Nagpakita sa mga Tao sa Lupa, Sila ay Mananaghoy ng Malakas

Mayroong propesiya sa Aklat ng Pahayag: "Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa" (Pahayag 1:7).

Ang talatang ito ay nagpa-isip sa atin: "Kapag ang Panginoon ay hayagang nagpakita sa ulap, ang mga tao ay dapat nasisiyahan, ngunit bakit sila nananaghoy? At sino ang mananaghoy?" Patungkol sa mga katanungang ito, dapat nating unang malaman na ang panghuling gawain ng Diyos ay nahahati sa dalawang mga yugto: Siya ay unang bababa ng lihim bago ang kapighatian, at matapos ang kapighatian Siya ay hayagang magpapakita sa tao kasama ng mga ulap. Sa panahon na kung saan ang nagkatawang-taong Diyos ay bumaba ng lihim, magsasalita Siya ng mga salita at gagawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos upang dalisayin at gawing perpekto ang lahat ng mga nakaririnig sa Kanyang tinig at bumabalik sa harap ng Kanyang trono. Matapos Niyang gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay bago ang kapighatian, Siya ay bababa na kasama ng mga ulap upang hayagang magpakita sa harap ng mga bansa at mga tao, gagantimpalaan ang mabuti at parurusahan ang kasamaan. Sa panahong iyon, yaong, mga kumalaban at kumondena sa Makapangyarihang Diyos, ay makikita na ang Makapangyarihang Diyos ay tumpak na si Jesus na Tagapagligtas na desperado nilang inaabangan sa lahat ng maraming taon. Gayon, kanilang hahampasin ang kanilang mga dibdib, mananaghoy at magngangalit ng kanilang ngipin, at ang kanilang hantungan ay tanging kaparusahan lamang.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ninyo nang sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyan ng matinding katuwaan sa inyo, subalit dapat ninyong malaman na ang sandali kung kailan nasasaksihan ninyong bumababa si Jesus mula sa langit ay iyon din ang sandali ng pagbaba ninyo sa impiyerno para maparusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano ng pamamahala ng Diyos, at mangyayari kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayon ay napadalisay na, ay makakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at makakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na "Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo" ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at nagpapakawala ng tunay na landas ng buhay. Kaya maaari lamang silang pakitunguhan ni Jesus kapag hayagan Siyang bumabalik sa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mayabang. Paano magagantimpalaan ni Jesus ang gayon kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga kayang tumanggap ng katotohanan, nguni’t para sa mga hindi kayang tumanggap ng katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mapagmataas na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang."

Kung nais mo pang higit na malaman ang misteryo ng pagbabalik ng Panginoon, mangyaring panoorin ang video na ito: "Kapag Nagbalik ang Panginoon, Paano Siya Magpapakita sa Sangkatauhan?"

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento