"Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan" | Sipi 2


Ang mga pag-aari ng Diyos at pagiging Diyos, ang kakanyahan ng Diyos, ang Kanyang disposisyon—ang lahat ay ipinahayag sa Kanyang salita sa sangkatauhan. Kapag nararanasan niya ang mga salita ng Diyos, habang nangyayari ang mga ito, darating sa punto na maiintindihan ng tao ang layunin sa likod ng mga salitang sinasabi ng Diyos, at maiintindihan ang pinagmumulan at pinanggalingan ng mga salita ng Diyos, at maiintindihan at mapapahalagahan ang hinahangad na epekto ng mga salita ng Diyos. Para sa sangkatauhan, ang lahat ng mga ito ang mga bagay na dapat maranasan ng tao, matarok, at makuha upang makamit ang katotohanan at buhay, matarok ang mga intensyon ng Diyos, mabago sa kanyang disposisyon, at makapagpasakop sa dakilang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Habang dinaranas, tinatarok, at kinukuha ng tao ang mga bagay na ito, unti-unti siyang magkakamit ng pagkaunawa sa Diyos, at sa panahong ito magkakamit din siya ng iba’t ibang antas ng pagkaunawa tungkol sa Kanya. Ang pagkaunawa at pagkakilalang ito ay hindi nanggagaling sa isang bagay na kathang-isip o binuo ng tao, kundi mula sa pinahahalagahan niya, nararanasan, nararamdaman, at pinatototohanan ng kanyang kalooban. Pagkatapos lamang mapahalagahan, maranasan, maramdaman at mapatotohanan ang mga bagay na ito saka nagkakaroon ng laman ang pagkakilala ng tao sa Diyos, tanging ang pagkakilalang nakamit niya sa panahong ito ang totoo, tunay, at tumpak, at ang prosesong ito—ng pagkamit ng totoong pagkaunawa at pagkakilala sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapahalaga, pagdaranas, pakikiramdam, at pagpapatotoo sa Kanyang mga salita—ay walang iba kundi ang tunay na pakikipag-isa sa pagitan ng tao at Diyos. Sa gitna ng ganitong klase ng pakikipag-isa, nagagawang tunay na maintindihan at maabot ng tao ang mga intensyon ng Diyos, nagagawang tunay na maintindihan at malaman ang mga pag-aari ng Diyos at pagiging Diyos, nagagawang tunay na maintindihan at malaman ang kakanyahan ng Diyos, nagagawang unti-unting maintindihan at malaman ang disposisyon ng Diyos, nararating ang tunay na katiyakan tungkol sa, at tamang pagpapakahulugan ng, katunayan ng dominyon ng Diyos sa lahat ng sangnilikha, at nagkakamit ng sapat na tindig at kaaalaman tungkol sa pagkakakilanlan at posisyon ng Diyos. Sa gitna ng ganitong klase ng pakikipag-isa, binabago ng tao, unti-unti, ang mga iniisip niya tungkol sa Diyos, hindi na Siya kathang-isip mula sa kawalan, o hinahayaan ang kanyang mga hinala tungkol sa Kanya, o maling pagkaunawa sa Kanya, o paghusga sa Kanya, o paghatol sa Kanya, o pagdududa sa Kanya. Bunga nito, magkakaroon ang tao ng mas kaunting pakikipagdebate sa Diyos, magkakaroon siya ng mas kaunting alitan sa Diyos, at magkakaroon ng mas kaunting pagkakataon na maghihimagsik siya laban sa Diyos. Sa kabaligtaran, ang pagmamalasakit ng tao at pagpapasakop sa Diyos ay lalong lalago, at ang paggalang niya sa Diyos ay magiging mas tunay at malalim din. Sa gitna ng ganitong klaseng pakikipag-isa, hindi lamang makakamit ng tao ang pagkakaloob ng katotohanan at ang bautismo ng buhay, kundi kasabay nito makakamit din niya ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, hindi lamang mababago ang tao sa kanyang disposisyon at tatanggap ng kaligtasan, kundi ganoon din magkakaroon siya ng tunay na paggalang at pagsamba ng isang nilikha tungo sa Diyos. Sa pagkakaroon ng ganitong uri ng pakikipag-isa, ang pananampalataya ng tao sa Diyos ay hindi na lamang isang blangkong piraso ng papel, o isang pangakong sa salita lamang, o isang anyo ng bulag na paghahabol at pag-iidolo; tanging sa ganitong klase ng pakikipag-isa lalago ang buhay ng tao tungo sa paggulang araw-araw, at ngayon lamang unti-unting mababago ang kanyang disposisyon, at ang pananampalataya niya sa Diyos ay, paisa-isang hakbang, lilipas mula sa malabo at hindi tiyak na paniniwala patungo sa tunay na pagpapasakop at pagmamalasakit, patungo sa tunay na paggalang; ang tao rin ay, sa kanyang paghahabol sa Diyos, unti-unting susulong mula sa pagiging walang-kibo patungo sa aktibong katayuan, mula sa pagiging kinikilusan patungo sa isang gumagawa ng positibo; tanging sa ganitong klase ng pakikipag-isa makakarating ang tao sa tunay na pagkaintindi at pagkaunawa sa Diyos, sa tunay na pagkakilala sa Diyos. Dahil ang karamihan ng tao ay hindi pa kailanman nakapasok sa tunay na pakikipag-isa sa Diyos, ang pagkakilala nila sa Diyos ay humihinto sa antas ng teorya, sa antas ng mga sulat at mga doktrina. Ibig sabihin, ang karamihan ng mga tao, ilang taon man silang naniwala sa Diyos, pagdating sa pagkilala sa Diyos ay nananatili pa rin sa lugar kung saan sila nagsimula, natigil sa pundasyon ng tradisyunal na anyo ng pagsamba, na may kasamang gayak ng maalamat na kulay at makalumang pamahiin. Na ang pagkakilala ng tao sa Diyos ay nahinto sa pinagsimulan nito na nangangahulugang ito ay wala talaga. Maliban sa pagpapatotoo ng tao sa posisyon at pagkakakilanlan ng Diyos, ang pananampalataya ng tao sa Diyos ay nasa estado pa rin ng pag-aalinlangan. Dahil ganito, gaanong tunay na paggalang sa Diyos maaaring magkaroon ang tao?

Gaano man katatag ang paniniwala mo sa Kanyang pag-iral, hindi nito mapapalitan ang pagkakilala mo sa Diyos, maging ang paggalang mo sa Diyos. Gaano mo man tinatamasa ang mga pagpapala Niya at Kanyang biyaya, hindi nito mapapalitan ang pagkakilala mo sa Diyos. Gaano ka man kahanda at kasabik na italaga ang lahat ng sa iyo at gastahin ang lahat para sa Kanyang kapakanan, hindi nito mapapalitan ang pagkakilala mo sa Diyos. Marahil naging napakapamilyar na sa iyo ng mga salitang sinabi Niya, o kabisado mo pa nga at kaya mong bigkasin pabaligtad, pero hindi nito mapapalitan ang pagkakilala mo sa Diyos. Gaano man kaseryoso ang tao sa pagsunod sa Diyos, kung hindi pa siya nagkaroon ng tunay na pakikipag-isa sa Diyos, o nagkaroon ng tunay na karanasan sa mga salita ng Diyos, kung gayon ang pagkakilala niya sa Diyos ay magiging malinaw na walang laman o walang katapusang panaginip lamang; kahit na “nakabungguang-balikat” mo pa ang Diyos nang panandalian, o nakaharap Siya, ang pagkakilala mo sa Diyos ay magiging wala pa rin, at ang paggalang mo sa Diyos ay hindi hihigit sa hungkag na katawagan o isang mithiin.

Mula sa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento