Malalaking Pakinabang sa Paniniwala sa Praktikal na Diyos


Malalaking Pakinabang sa Paniniwala sa Praktikal na Diyos


Ang Anak ng Tao'y patuloy na nagsasalita.
Itong hamak na tao nangunguna 
sa'tin sa gawain ng Diyos.
Nagdaan na tayo 
sa maraming pagsubok at pagkastigo,
at tayo'y sinubok ng kamatayan.
Katuwira't kamahalan ng Diyos ating natututuhan.
Habag at pag-ibig Niya'y natatamasa natin.
Karununga't kapangyarihan N'ya, 
pinapahalagahan natin,
nakikitang S'ya'y kaibig-ibig at sabik iligtas ang tao.
Sa mga salita ng karaniwang taong ito,
nalalaman natin ang diwa, 
kalooban, disposisyon ng Diyos.
Nalalaman din natin kalikasan at diwa ng tao,
at nakikita kung pa'no maligtas 
at maging perpekto.
Sa Kanyang salita, 
tayo'y namamatay at 'sinisilang muli.
Iniiwan tayong nababagabag at may utang.
Nguni't nagdudulot ito sa atin ng kaginhawahan.
Kanyang salita, dulot ay kirot, 
galak at kapayapaan.
Minsan para tayong mga kaaway, 
na sinunog ng Kanyang galit,
parang mga tupang kakatayin,
minsan ay Kanyang kinagigiliwan,
tayo'y Kanyang inililigtas, 
mga uod sa Kanyang paningin,
mga ligaw na tupa 
na Kanyang hinahanap umaga man o gabi.
Sa mga salita ng karaniwang taong ito,
nalalaman natin ang diwa, 
kalooban, disposisyon ng Diyos.
Nalalaman din natin kalikasan at diwa ng tao,
at nakikita kung pa'no maligtas 
at maging perpekto.
Tayo'y kinahahabagan, inaangat, 
kinamumuhian N'ya,
inaaliw, pinapayuhan, ginagabayan
at nililiwanagan,
kinakastigo, dinidisiplina, at isinusumpa,
araw-gabi, inaalala, pinoprotektahan, inaalagaan.
Lagi sa ating tabi, tayo'y inaalagaan.
Napagsikapan N'ya ang lahat para sa atin.
Sa salita N'ya, 
natamasa natin ang kabuuan ng Diyos
at namasdan hantungang naibigay N'ya sa atin.
Sa mga salita ng karaniwang taong ito,
nalalaman natin ang diwa, 
kalooban, disposisyon ng Diyos.
Nalalaman din natin kalikasan at diwa ng tao,
at nakikita kung pa'no maligtas 
at maging perpekto.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

——————————————————
Nararamdaman mo ba ngayon na parang hindi pinakinggan ng Diyos ang iyong dalangin? Magbibigay kami ng higit pang Tagalog Gospel Songs. Mangyaring i-click at makinig at gagabayan ka nito upang mahanap ang mga yapak ng Diyos!

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento